You are on page 1of 3

RASYUNAL

Sa panahon ngayon padami na nang padami ang mga taong umiikot ang mundo sa
Social Media lalo na ang mga kabataan na ginagawa itong libangan sa bawat oras at mas
binbigyang prayoridad. Kabalikat nito ang iba’t ibang epekto na may kinalaman sa pag-
iisip at kaugalian ng isang indibidwal. Halimbawa na lamang ang adiksyon o
pagkalulong na halos nilamon na ng sistema ng Social Media ang isang isipan ng
inosenteng kabataan. Maaring magbunga ito ng malawak na imahinasyon sa isipan ng
isang taong apektado at dumating sa punto na ang kanyang kinikilos ay dahil sa
kanyang natutunan at nakikita. Isama na rin ang cyber bullying na halos epekto ng
kawalang respeto at kakulangan sa moral. Sa kabilang dako ay may mabuting taglay ang
paggamit ng Social Media katulad ng pagkakaroon ng kaibigan o social interaction at
mas napapalalim nito ang pananaw, kaalaman, at pakikipag-uganayan sa ibang tao.
Nagbibigay nang mabubuting kaugalian kagaya ng pagiging palakaibigan, malayang
pagpili at pagdedesisyon, pagiging independent at magandang pananaw para sa
kinabukasan. Nilalaro nito ang isipan nang tao upang gawing mas kapakipakinabang.

Ayon kay Park Boram 2009 ang isang dahilan kung bakit madalas pinagtutuunang
pansin ang Social Media upang makakuha ng impormasyon at opinyon, makisabay sa
trend at makapagkalat ng balita. Nakadepende sa tao kung paano nito sasabayan ang
kanyang isipan kung tungo ba sa ikakabubuti o ikakasama.

Isang katunayan kung saan makikita ang dahilan ng mga tao para gamitin ang Social
Media at ang magagandang benepisyo nito. Ngunit mayroong batayan na nakadepende
sa isang tao kung paano nila gagamitin ng wasto at lalabanan ang masamang epekto
nito.

Sa pag-aaral naman ni Charles Cooley naihalintulad niya na ang paggamit ng Social


Media ay “pagtingin sa sarili sa salamin” kung saan ang pananaw ng isang tao ay
tumataas dahil sa responde at opinyon ng iba.

Isang malaking tulong ang interaksyon sa iba taong dahil naitataas nito ang self-
esteem sa pamamagitan ng pakikipag-usap at komunikasyon. Dahil kung ano ang tingin
ng isang tao sa kanyang sarili ay nag-aangat sa kanya.

Hindi talaga maalis sa isang tao ang kagustuhang gumamit ng Social Media dahil
malaki ang naitutulong nito upang umunlad nang malawak ang isang isipan at mahubog
ang isang kontrobersiya sa isang isipan kahit sakabila nito ay mayroon ding masamang
naidudulot.

LAYUNIN

Sa isasagawang pag – aaral ng mga mananaliksik , hinahangadang mga sumusunod :


Pangkahalatang Layunin :

1) Alamin ang kasalukuyang kalagayan ng epekto ngpaggamit ng Social Media sa ating


isipan lalo na ang mga Kabataan.

2) Malaman ang bilang ng kabataang gumagamit nito sa mabuti at masamang paraan


upang

3) Mapalawak ang pag – unawa ng magiging epekto ng Social Media sa ating isipan.

4) Mailahad ang iba’t ibang paraan upang ang masamang epekto nito sa ay mabawasan.

Tiyak na layunin :

1) Mabigyan ng mabuting persepsyon ang problema sa mga epekto na gumagamit ng


Social Media.

2) Magkaroon ng sapat na kaalaman o impormasyon batay sa mga epekto ng Social


Media.

3) Magkaroon ng sapat na detalye sa mga magiging epekto ng Social Media.

4) Maipaalam sa lahat ng tao na gumagamit ng Social Media ang mga mabubuti at


masasamang epekto nito sa atin

HALAGA

Mahalaga ang isasagawang pag-aaral ng mga mananaliksik sapagkat ang sasaliksikin


na ito ay patungkol sa “Epekto ng Paggamit ng Social Media sa Pag-uugali ng
Kabataan”. Makakatulong ito upang malaman kung ano-ano ang maaring maging
epekto nito, kung may kabutihan nga bang naidudulot at kung ano rin ang masamang
epekto sa mga kabataan ngayon. Kung ang mabuting kalalabasan nito, maari itong
magamit upang malaman ang mga pangyayari sa palagid at sa buong mundo. Kung
makakasama naman tulad ng pagkonsumo sa oras na dapat sana ay sa ibang
kapakipakinabang na gawain o mahahalagang bagay at ang epekto nito sa utak lalo na
sa isang murang isipan. Baka ang Social Media ang nag- iimpluwensya ng mga
kabayolantihan o kalaswaan na kailangan limitihan ng mga kabataan.. Kaya’t nararapat
na saliksikin ito.

METODOLOHIYA
Sa gagawing pag-aaral ng mga mananaliksik sila ay gagamit ng iba’t ibang uri ng
paraan upang makapangalap at mangolekta ng datos. Isang paraan ang pagseserbey.
Magsasagawa ng pagseserbey ang mga mananaliksik sa iba’t ibang estudyante ng Fidelis
Senior High ng First Asia Institute of Technology and Humanities ukol sa mga maaring
epekto ng Social Media sa Pag-uugali ng Kabataan.

INAASAHANG BUNGA

Sa pang araw- araw na pamumuhay, naoobserbahan ng mga mananaliksik na


maraming kabataan ang gumagamit ng Social Media. May mga kabataan din ang
sumosobra na sa paggamit nito. Minsan sa paggamit ng Social Media, hindi na nila
namamalayan na kinakain na nito ang kanilang oras. May mga karanasan na nagiging
tamad ang mga kabataan dahil ayaw nilang maistorbo sila sa kanilang ginagawa.
Nakikita naman ng iba na may magagandang naitutulong ang Social Media upang
mahanap ang impormasyon at makipag-uganayan sa iba.

Inaasahan ng mga mananaliksik na magkakaiba ang pananaw ng mga tao sa


paggamit ng Social Media. Mas marami pa rin itong naidudulot na maaring hindi nila
napapansin dahil masyado nang makabago ang ating mundo.

You might also like