You are on page 1of 1

POSISYONG PAPEL

PAGPAPATUPAD MULI NG DEATH PENALTY SA ATING BANSA

Matagal na ang debate tungkol sa pagpapatupad ng Parusang kamatayan o Death Penalty


hindi lamang sa ating bansa kundi sa buong mundo.Ito ang isyung pinagtatalunan hindi lamang ng
mambabatas pati na mga pangkaraniwang mamamayan.
Ano nga ba ang parusang kamatayan? Nararapat ba itong ipatulad muli? Sa United States,
kapag ikaw ay nakagawa ng karumal-dumal na krimen ay maari kang maparusahan ng kamatayan
kung ito'y mapapatunayan, pati na rin sa mga bansang nagpapatupad nito. Ang parusang
kamatayan ang pinakamabigat na hatol kung saan ang gobyerno an may hawak ng iyong buhay
ngunit ito'y nakadepende sa kasalanang iyong nagawa o bigat. Ayon pa kay Pangulong Rodrigo
Duterte, ang muling pagpapatupad ng parusang kamatayan ay hindi pananakot sa mga krimenal
kundi pamabayad sa kanilang kasalanan. Samantalang may mga opisyal ng gobyerno rin na hindi
sang-ayon dito, tulad ni Chito Gascon pinuno ng CHR, sapagkat ang paniniwala niya kung
ipapatupad ang parusang kamatayan ay wala na silang pangalawang pagkakataon upang
magsimula ulit.
Sa kabila nito nangingibabaw pa rin sa iba ang pagpapatupad dito. Sa duma-daming mga
kriminal, rapist, drug , traffickers , mga magnanakaw , mga teroristang walang takot na pumapatay
at gumagawa ng lagim , kidnappers, at carjackers , at ang riding in-tandern kung saan walang
awang pumapatay; Sa kasamaang palad ang kadalasang sangkot dito ay mga pulis.
Ang halimbawa nito mula sa Pang-Masa ang karumal-dumal na pagpatay sa 75-anyos na
ina ng aktres na si Cherry Pie Picache. Hindi lamang ito ang naganap na krimen sa bansa dahil
napakarami pang iba. Nakikita at naririnig natin sa mga pahayagan araw-araw na kung minsan
pa'y sa ating mismong lugar nagaganap. Isninulong ni Sen. Sotto ang pagbabalik ng Death
Penalty, ayon sa kanya palubha ng palubha ang mga krimen sa bansa kaya nararapat lamang na
ito’y ibalik ang bitay.
Mula sa mga opiniyon at pahayagan ng mambabatas at ibang opisyal ng gobyerno pati na
rin ng pangkaraniwang mamamayan na pagtitimbang natin ito kung alin ang mabigat at
nakabubuti. Sa pagpapatupad nito maaaring ang kinabukasan ng mga sumusunod na henerasyon
ay maisalba mula sa hindi kanais-nais na nangyayari sa ating lipunan. Pati na rin sa pagkakaroon
ng patas na batas sa mga ibang bansa. Dahil kung naririnig ninyo maraming Pilipino na ang
naparusahan at nabitay sa mga dayuhang bansa subalit ang iba'y nanaaakusahan lamang. At ito'y
napakasakit pakinggan. Kaya kung ito'y maipapatupad sa ating bansa kung sinuman ang
makagagawa ng krimen maging pinoy, dayuhan o toresta ay mapaparusahan ng parusang
kamatayan, dahil ang batas ay walang kinikilingan at walang pinoprotektahan dapat lahat ay
patas. Upang pagkakaisa ay makamit.
Kaya’t ibalik ang Death Penalty sa ating bansa upang mabawasan ang krimen na
nagaganap sa ating bansa.

You might also like