You are on page 1of 2

KABANATA IIl

METHODOLOGY

Inilalahad sa kabanatang ito ang mga pamamaraang ginamit sa pag-aaral at

paglalarawan ng mga hakbang na isinakatuparan sa pagsusuri ng mga impluwensya ng Practikal

na Pananaliksik sa mag-aaral. Dito nakapaloob ang dahilan kung bakit iyon ang napili ng mga

mananaliksik at kung bakit ito ang nararapat na gamitin. Nakalagay din dito ang mga kagamitan

at teknik na ginamit ng mga mananaliksik upang mangalap ng impormasyon sa mga

respondente.

Desinyo at Pamaraan ng Pananaliksik

Upang maisakatuparan ng mga mananaliksik ang pangangalap ng impormasyon, ginamit sa

pag-aaral na ito ang mga pamamaraan ng: deskriptibo, analitikal at komparatibo. Sa mga

pamamaraang ito nailarawan, naihambing, nasuri at naipaliwanag ng mga mananaliksik ang

mga impluwensya ng Practical Research sa mga mag aaral ng BSED E01 seksyon K ng SJC.

Deskriptibo sa paraan kung saan inilarawan isa-isa ang mga detalye at inintindi itong mabuti

upang pagkonektahin ang mga impormasyon at makakuha ng maayos na resulta sa

pagsasaliksik. Analitikal sa paraan kung saan pinag-isipang mabuti ang mga detalye at

impormasyon upang mabigyan ng kahulugan ang mga kasagutan na nakapaloob sa ating

pananaliksik at magbalangkas ng isang magandang resulta tungkol sa suliranin ng pag-aaral base

sa kanilang nalalaman. At Komparatibo sa paraan kung saan inihambing ng mga mananaliksik

ang mga kabutihan at kasamaang impluwensya ng Practical Research sa mga mag aaral ng BSED
E01 seksyon K ng SJC at malaman kung itoy nakakatulong sa kanilang pagaaral.

Local at Populasyon ng Pananaliksik

Ang respondante ng pananaliksik na ito ay ang mag-aaral ng BSED – E01, section K ng Saint

Joseph College. Ang mananaliksik ay gumamit ng 15 to 25 piling estudyante para sa pagsasagot

ng survey.

Kasangkapan sa paglikom ng Datos

Ginamit sa pananaliksik na ito ang mga sumusunod na paraan: Una, pipili ang mananaliksik ng

mga respondente gamit ang ramdom sampling. Pangalawa, gagawa ang mananaliksik ng sarbey

na talatanungan para maipamahagi sa mga napiling respondent. Pangatlo, hihingi ng permiso sa

mga respondent kung maaari ba silang tanungin o hindi. Pang-apat, makikipanayam sa mga

mananaliksik sa respondente gamit ang talatanungan. Pang lima, mag-iinterbyu ng ilang

respondente para malaman ang ilang nilang nararanasasan sa pagkakaroon ng praktikal na

pananaliksik.

Paraan sa Paglikom ng Datos

Sa pagkuha ng datos upang magkakaroon nga kasagotan sa problema, ang mga maninilksik ay

nagbibigay ng questionnaire sa mga napiling mga respondents. Mag bibigay ang mananaliksik ng

takdang oras upang sagutin ang mga tanong ayon sa binibigay at hinihinging impormasyon

You might also like