You are on page 1of 2

KABANATA III

METODOLOHIYA NG PAG-AARAL

Ang kabanatang ito ay binubuo ng mga kaalaman tungkol sa disenyo ng

pananaliksik, bilang ng mga respondente, lokal na pag-aaral, instrumento ng pananaliksik

at tritment ng mga datos. Ang mga nararamdaman ng mga kabataang biktima ng

pangbubully sa ikasampung baitang sa Saint Joseph Academy of Dasmarinas INC.

DISENYO NG PANANALIKSIK

Ang isinagawang pag-aaral ay gumamit ng diskriptong metodolohiya ng

pananaliksik sa maraming uri ng deskriptong pananaliksik. Ang descriptive survey

research design ang angkop na napili ng mananaliksik dahil ito sumagot sa mga tanong

“Ano ba ang nararamdaman ng batang biktima ng pangbubully?” Ano ang epekto ng

pangbubully sa mga biktima nito? Ang nasabing uri ay ginagamitan ng talatanungan

upang pupunan ng mga repondante at siya ang panggagalingan ng mga datos.

MGA RESPONDENTE

Ang mga napili ng mananaliksik na respondente ay ang mga mag aaral ng

paaralang St. Joseph Academy of Dasmariñas, Inc. Ang mananaliksik ay gagamit ng

random sampling na kung saan hahanap at pipili ang mananaliksik ng mga tutugon sa

mga nakasaad na tanong. Ang mga mag aaral na ito ang napili ng mananaliksik sa

kadahilanang sila ang mayroong sapat na karanasan at kaalaman para sumagot.

LOKAL NA PAG-AARAL

Isinasagawa ang pananaliksik na ito sa paaralan ng St. Joseph Academy of

Dasmariñas, Inc. upang matugunan ang pangangailangan at mabigyang solusyon ng

mananaliksik ang nasabing epekto ng diskriminasyon sa mga estudyante.


INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK

Ang pananaliksik na ito ay isasagawa sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga

talatanungan, ito ay personal na ipamimigay at papasagutan ng mananaliksik sa mga

napiling respondente.

TRITMENT NG DATOS

Ang nakalap na datos ay susuriin at gagamitan ng descriptive statistical analysis

ng mananaliksik upang ipresenta ang mga datos, Ang mga resulta ay ipagkukumpara

ayon sa pagkakaiba ng mga kasagutan kung saan ang mga datos na makakalap ay

isasalarawan sa pamamagitan ng bar graph upang maayos at organisadong mailahad ang

resulta.

You might also like