You are on page 1of 2

Sanchez Mira School of Arts and Trades Senior High

School
KABANATA III

METODOLOHIYA NG PANANALIKSIK

DISENYO NG PANANALIKSIK

Ang pananliksik na ito ay isasagawa sa pamamaraang deskriptibong pananaliksik.

Ito ay natatangkang ilarawan at susuriin ng mga mananaliksik sa pag-aaral na ito ang

epekto ng paggamit ng cellphone sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Isasagawa ang

pananaliksik sa loob ng Sanchez Mira School of Arts and Trades. Ang mga mag-aaral

na kasama sa pagsagot sa interview ay mga Mag-aaral ng Ikalabing isang baitang sa

Sanchez Mira School of Arts and Trades.

Ang pagbibigay ng talatanungan ay magsisilbing datos sa pananaliksik na ito

upang mabigyan ng katibayan ang mga impormasyong nakalap hinggil sa suliranin ng

paksang isinasaliksik. Para sa lalong pagpapbuti ng pag-aaral ay minabuti ng

mananaliksik na maghanap ng mga impormasyon sa mga mag-aaral ng Ikalabing-isang

baitang na gumagamit ng cellphone. Kumuha din ng impormasyon sa internet.

RESPONDENTE NG PAG-AARAL

Ang mga piling respondente sa pag-aaral na ito ay mga mag-aaral na nasa

ikalabing-isang baitang. Ang mga respondente ay nahahati sa dalawa batay sa kanilang

kasarian. Ang kabuuang bilang ng mga respondente ay tatlumpu (30). Labinlima(15) sa


Sanchez Mira School of Arts and Trades Senior High
School
kanila ay babae at labinlima (15) ay lalaki. Samakatuwid, mayroong pantay na paghati

sa mga respondente.

INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK

Ang pananaliksik na ito ay isasagawa sa pamamagitang ng pag-iinterbyu. Ang

mga mananaliksik ay naghanda ng mga kwestyoner upang malaman ang mga epekto ng

paggamit ng cellphone sa pagkatuto ng mga mag-aaral.

Para sa lalong pagpapabuti ng pag-aaral ay minabuti ng mga mananaliksik na

kumuha rin ng mga impormasyon sa internet.

You might also like