You are on page 1of 50

“MGA MAGTATAPOS NA MAG-AARAL NG 12 STEM SA

ARELLANO UNIVERSITY-JOSE RIZAL CAMPUS NA

MAGPAPATULOY NG PAG-AARAL SA KOLEHIYO AT ANG MGA

SALIK NA KANILANG ISINASAALANG-ALANG”

Isang Pamanahong-papel

Na iniharap kay

Bilang Pagtupad sa Isa sa mga Pangangailangan ng Asignaturang Pagbasa at

Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto tungo sa Pananaliksik

Sa taong 2022

Ni Kisea May L. Tarcina


KABANATA 1

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

INTRODUKSYON

Ayon sa depinisyon mula sa Oxford Languages, ang kolehiyo ay isang

institusyong pang-edukasyon o establisimyento, na siyang nagbibigay ng mas

mataas na edukasyon o espesyal na propesyonal o bokasyonal na pagsasanay.

Ang makatapos at magkaroon ng diploma sa kolehiyo ay isa sa

pinakamahalagang kaganapan sa buhay ng isang tao sa kasalukuyan. Ito ay

nagsisilbing susi para sa matagumpay na hinaharap. Itinuturing ito ng karamihan

sa mga mag-aaral bilang isang tagumpay at isang kapaki-pakinabang na bagay

upang makamit ang isang bagay. Ang pagpupursige sa pag-aaral sa kolehiyo ay

nakakatulong upang magkaroon ng mas maraming pagkakataon sa pagbuo ng

nais na karera. Ang pagpapatuloy ng edukasyon sa kolehiyo ay hindi madali para

sa bawat estudyante bago pa man ang new normal setup. Sa bagong setup ng

pag-aaral ay maraming kinakaharap na pagsubok ang mga mag-aaral. Maging

ang sangay ng gobyerno sa edukasyon ay humaharap din sa matinding batikos

dahil sa tila walang kaayusang pamamalakad sa bagong setup ng pag-aaral.

Kaya't kritikal na ngayon ang pagpapasya kung tutuloy ba ang isang estudyante

sa pagkuha ng degree sa kolehiyo o hindi. Sa dami ng bagay na kailangang

isaalang-alang, ang edukasyon sa kolehiyo para sa mga mag-aaral ay mas

mahirap ng makamit.
Mayroong isang salaysay na karaniwang kumakalat sa media at pulitikal

na mga blog tungkol sa tumataas na halaga ng mas mataas na edukasyon at

pagkakautang ng mag-aaral. Ang salaysay ay karaniwang nagsisimula sa tanong

na ito: ang edukasyon ba sa kolehiyo ay sulit ng pamumuhunan o sa tuition na

ibinabayad dito? Ang mga taong nagbabasa lang ng mga pamagat ng balita o

umaasa sa mga pahina ng opinyon para sa kanilang impormasyon ay maaaring

magpahiwatig na ang halaga ng isang degree sa kolehiyo ay bumababa. Subalit

ang mga katotohanan ay nagsasabi ng ibang kuwento.

Taliwas sa maling salaysay na ito, ang edukasyon sa kolehiyo ay mas

mahalaga ngayon kaysa dati, para sa parehong nasasalat at hindi nasasalat na

mga kadahilanan. Ang isang degree sa kolehiyo ay pa rin ang pinakatiyak na

paraan upang mapataas ang potensyal na sahod. Bilang karagdagan, sa

pagtaas ng artificial intelligence at ang pare-parehong panawagan para sa mga

multi-talented at nababaluktot na mga kritikal na nag-iisip sa ating mga lugar ng

trabaho, ang kolehiyo ay — at lalong magiging — ang pinakamahusay na paraan

upang maghanda para sa isang hindi tiyak na hinaharap. (Kknoerze, 2019)

Sa kabila ng kahalagahan ng edukasyong mula sa kolehiyo ay hindi

maiiwasang magkaroon ng mga salik upang hindi ito makamit ng isang mag-

aaral o tao. Mayroong ilang mga dahilan kung bakit ang mga mag-aaral ay hindi

pumapasok sa kolehiyo, ngunit narito ang katotohanan na ang marami ay nag-

aalinlangan na aminin: may mga tunay na hadlang — mga hindi kanais nais na

pangyayari na pumipigil sa isang mag-aaral na ipagpatuloy ang kanilang pag-

aaral - at pagkatapos ay may mga dahilan: mga awtomatikong tugon na


isinusuka ng mga mag-aaral kapag tinanong tungkol sa kanilang hinaharap.

Bagama't madaling magbigay ng simpatiya para sa mga mag-aaral na may mga

hindi pangkaraniwang hamon, mas mahirap na makilala ang mga mag-aaral na

nagpapahintulot sa isang manipis na dahilan na humadlang sa edukasyon sa

kolehiyo. Ilan lamang sa mga pangkaraniwang dahilan ay kalagayang

pangpinansiyal, kawalan ng motibasyon at interes, maagang pagkamulat sa

pagtatrabaho at pagkita ng pera, at dahil sa impluwensiya ng mga magulang.

Ang pananaliksik na ito ay may layuning matukoy ang mga salik na

isinasaalang-alang ng mga mag-aaral sa pagdedesisyon sa pagpapatuloy ng

pag-aaral sa kolehiyo. Ito ay maaring magsilbing gabay para sa mga kabataan,

magulang, guro, mga paaralan at gobyerno upang makalikha ng solusyon o

makatugon sa mga salik na ito. Ang mga kabataan o mag-aaral ay mahalaga

para sa hinaharap, kaya naman ay nararapat lamang na sila ay bigyan din ng

tamang atensyon at kahalagahan.

TEORETIKAL NA BALANGKAS

Ang makapag-aral ng kolehiyo at makatapos dito ay isa sa mga pangarap

ng maraming kabataan. Ito ay may malaking kahalagaan para sa pagbuo ng

kanilang mga pangarap. Ngunit bago ito tuluyang makamtan ay madami ang

salik na dapat isaalang-alang ng mga mag-aaral. At hindi lahat ay nabibigyan ng

pagkakataon upang ito ay masimulan man lang.

Person-Environment Fit Theory


Ang ideya ng PE ay nakaugat sa kasabihan ni Kurt Lewin(1936) na ang

pag-uugali ay isang tungkulin ng mga tao at ng kapaligiran. Ang teorya ng

person-environment fit ay nakatuon sa interaksyon sa pagitan ng mga katangian

ng indibidwal at ng kapaligiran, kung saan ang indibidwal ay hindi lamang

nakakaimpluwensya sa kanyang kapaligiran, ngunit ang kapaligiran ay

nakakaapekto rin sa indibidwal. Ang kasapatan ng angkop na ito sa pagitan ng

isang tao at ng kapaligiran ay maaaring makaapekto sa pagganyak, pag-uugali,

at pangkalahatang kalusugan ng isip at pisikal ng tao; ibig sabihin, kung ang

akma ay pinakamainam, ang paggana ng indibidwal ay maaaring mapadali; kung

ito ay hindi angkop, ang indibidwal ay maaaring makaranas ng hindi pakikibagay.

Theory of Career Choice (RIASEC)

Ipinapalagay ng teorya ni Holland(1959) na ang pagpili ng bokasyon o

major sa kolehiyo ay isang pagpapahayag ng personalidad at karamihan sa mga

tao ay maaaring mauri bilang isa sa anim na pangunahing uri ng personalidad

(Realistic, Investigative, Artistic, Social, Enterprising, Conventional). Sa pagpili

ng karera, mas gusto ng mga tao ang mga trabaho kung saan makakasama nila

ang mga taong katulad nila. Naghahanap sila ng kapaligiran na magbibigay-daan

sa kanila upang magamit ang kanilang mga kakayahan, at ipahayag ang

kanilang mga saloobin at paniniwala, habang humaharap sa mga kasiya-siyang

problema at tungkulin.

KONSEPTWAL NA BALANGKAS
Pigura 1. Balangkas ng Pananaliksik

MALAYANG BARYABOL DI-MALAYANG BARYABOL

Mga Salik na Kanilang Pagpapatuloy ng Pag-aaral


Isinasaalang-alang sa Kolehiyo

PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong malaman ang mga salik na

isinasaalang-alang ng mga magtatapos na mag-aaral ng ika-12 baitang STEM

ng Arellano University-Jose Rizal Campus sa pagdedesisyon kung sila ay tutuloy

ng pag-aaral sa kolehiyo. Upang maging tiyak, ang pananaliksik na ito ay

naglalayon na sagutin ang mga sumusunod na katanungan:

1. Ano ang pagkakakilanlan ng mga mag-aaral ayon sa:

1.1 Kasarian

1.2 Edad

1.3 Kabuuang buwanang kita ng pamilya

2. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy, hindi magpapatuloy, at wala pang

pinal na desisyon tungkol sa pagpapatuloy ng pag-aaral sa kolehiyo.


3. Ano-ano ang mga salik na isinasaalang-alang ng mga mag-aaral sa

pagdedesisyon tungkol sa pagpapatuloy ng pag-aaral sa kolehiyo?

HIPOTESIS

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong alamin at imbestigahan ang

palagay na mayroong relasyon o epekto ang mga salik na isinasaalang-alang ng

mga mag-aaral sa pagbuo ng desisyon sa pagpapatuloy ng pag-aaral sa

kolehiyo.

SAKLAW AT LIMITASYON

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon lamang sa mga salik na isinasaalang-

alang ng mga mag-aaral sa pagdedesisyon ukol sa pagpapatuloy ng pag-aaral

sa kolehiyo. Ang sakop ng pananaliksik ay ang mga mag-aaral na nasa ika-12

baitang STEM sa paaralan ng Arellano University-Jose Rizal Campus.

Samakatuwid, ang mga impormasyon at datos na nakapaloob sa pag-aaral ay

base lamang sa resulta mula sa mga respondente, ano man ang edad, at

mapababae man o lalaki, na magtatapos at magdedesisyon na ukol sa

pagpaptuloy ng pag-aaral sa kolehiyo.


KAHALAGAHAN NG PANANALIKSIK

Ang resulta at kalalabasan ng pananaliksik ay makakatulong o

magbebenipisyo sa mga sumusunod:

Sa mga mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay magsisilbing tulong sa mga mag-

aaral upang magkaroon ng pinal na desisyon ukol sa pagpapatuloy ng pag-aaral

sa kolehiyo. Maari rin itong magsilbing gabay upang maagapan o mapaunlad nila

ang salik na matutukoy habang may panahon pa bago ang tuluyang pagsabak

sa buhay kolehiyo.

Sa mga magulang. Ito ay makakatulong sa mga magulang upang magkaroon

ng mas malinaw na pang-unawa ukol sa mga salik na isinasaalang-alang ng

kanilang mga anak at makatulong sa pagdedesisyon nila tungkol sa

pagpapatuloy ng pag-aaral sa kolehiyo. Magbibigay din ito ng ideya upang

kanilang mapaghandaan ang pagpasok sa kolehiyo ng kanilang mga anak.

Sa mga guro. Sa pag-aaral na ito ay mas magkakaroon ng kaalaman ang mga

guro sa pananaw ng mga mag-aaral tungkol sa pagpapatuloy ng pag-aaral sa

kolehiyo. Mabibigyan sila ng ideya kung paano magakaroon ng mas epektibong

pamamaraan ng pagtuturo, pagtulong at paghikayat sa mga mag-aaral tungkol

sa pagpapatuloy ng pag-aaral.

Sa mga mambabasa at mananaliksik sa hinaharap. Ito ay magsisilbing

inspirasyon para sa mga mambabasa upang mas makapaghanda para sa pag-

aaral ng kolehiyo.
Para naman sa mga mananaliksik sa hinaharap, ito ay maaring nilang maging

basehan at gabay sa paggawa ng pananaliksik na may kaugnayan sa naturang

paksa.

Sa administrasyon. Makakatulong ito sa administrasyon upang makabuo ng

mga batas at programa na may kapakinabangan sa mga mag-aaral para sa pag-

aaral ng kolehiyo at magkaroon ng mas maayos na sistema ng edukasyon.

DEPINISYON NG MGA TERMINO

Kolehiyo. - ito ay nangangahulugang institusyon o gusali na nag-aalok ng

edukasyon sa isang dako o larangang mas pinopokusan. Ito ay ang mas mataas

na edukasyon at pagkatuto.

Diploma. - sertipikong ipinagkakaloob ng kolehiyo o unibersidad sa sinumang

nagtapos sa antas ng akademikong pag-aaral.

New Normal Setup. - ito ang mga bagong kasanayan at kaugalian na resulta ng

COVID-19.

Artificial Intelligence. - ang kakayahan ng isang computer o isang robot na

kinokontrol ng isang computer na gawin ang mga gawain na karaniwang

ginagawa ng mga tao dahil nangangailangan ito ng katalinuhan at pag-unawa ng

tao.
Edukasyon. - ang edukasyon ay nangangahulugang ang proseso kung saan

ang kaalaman, gawi, kaugalian at halaga ng isang lipunan ay nailipat sa susunod

na henerasyon.

Salik. - tumutukoy sa mga bagay na maaring naging dahilan ng isang

pangyayari.

Bokasyon. - tumutukoy sa landas na maaring tahakin ng isang tao patungkol sa

kaniyang karera sa buhay tulad ng trabaho, propesyon, o pagnenegosyo.

Karera. - ay isang trabaho na nangangailangan ng isang espesyal na

pagsasanay o pormal na edukasyon at sinusundan bilang isang takdang-buhay.


KABANATA 2

REBYU NG MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-

AARAL

Ang bahaging ito ay naglalaman ng akademiko at propesyunal na mga

babasahin na may kinalaman sa ginagawang pag-aaral. Pinagsikapan ng mga

mananaliksik na makapagbasa ng mga nailathalang tesis, aklat, pahayagan,

magasin, at iba pang lathalain na may kaugnayan sa nasabing paksa. Ang mga

literatura at pag-aaral na inilakip dito ay makapagdadagdag ng kaalaman sa mga

mambabasa, lalo na ang mga kasama sa bahaging Kahalagahan ng

Pananaliksik. Sa mga nabasa, napatunayang may kaugnayan ang lahat ng mga

datos na nakuha sa pag-aaral at literatura na nanggaling sa lokal at banyaga

ukol sa aming paksa.

KAUGNAY NA LITERATURA (Lokal at Banyaga)

Lokal

Ayon sa Philippine Statistics Authority at ginanap Annual Poverty Indicators

Survey noong 2016 (2017), sa tinatayang 39 milyong Filipino halos sampung

porsyento ang mga kabataang anim hanggang dalawampu’t apat taong gulang

ang out-of-school. Tinutukoy ng OSCY ang mga miyembro ng pamilya anim


hanggang labing-apat taong gulang na hindi pumapasok sa pormal na paaralan;

at mga labing lima hanggang dalawampu’t apat taong gulang na kasalukuyang

wala sa paaralan, hindi nakakuha ng trabaho, at hindi nakatapos ng kolehiyo o

post-secondary na kurso.

Ayon sa resulta ng survey, mayroong 3.8 milyong mga kabataang edad

anim hanggang dalawmpu’t apat ang hindi nag-aaral. Ang 87.3 porsyento nito ay

ang mga kabataang nasa edad labing-anim hanggang dalawampu’t apat, 7.7

porsyento ang mga kabataang nasa edad labing-dalawa hanggang labing-lima,

at limang porsyento ang mga kabataang nasa edad anim hanggang labing-isa.

Ang proporsyon ng mga out-of-school ay mas mataas sa mga babae kaysa sa

mga lalaki. Ang pinakakaraniwang dahilan sa mga OSCY sa hindi pag-aaral ay

ang mga usapin sa kasal o kalagayan ng pamilya (42.3%), mataas na halaga ng

edukasyon o mga alalahanin sa pananalapi (20.2%), at kawalan ng personal na

interes (19.7%). Sa mga babae, kasal o kalagayan ng pamilya ang pangunahing

dahilan ng hindi pag-aaral na may 59.3 porsyento; samantalang ang kakulangan

naman sa personal na interes ang dahilan ng mga lalaki na may 36.5 porsyento.

Sa buong bansa, humigit-kumulang 53 porsiyento ng mga kabataang out-of-

school ay kabilang sa mga pamilya na ang kita ay nasa pinakamababang 30

porsiyento batay sa kanilang per capita income.

Ang kaso ng mga kabataang out-of-school sa Pilipinas ay lalong tumataas.

Ayon sa Kagawaran ng Edukasyon ang kaso nito ay inaasahang aabot sa apat

na milyon noong 2021 dahil sa pandemya dulot Covid-19. Maraming mga


kabataan ang walang access sa online na pag-aaral. Wala silang mga paraan,

mapagkukunan, gadget na magagamit para sa kanilang paaralan at pag-aaral.

(Enicola, 2020)

Banyaga

Ang mga bagong ulat mula sa National Student Clearinghouse Research Center

at ilang mga estado ay nagpapakita ng isang "hindi karaniwan" na pagbaba sa

pagpapatala sa kolehiyo sa mga nagtapos sa high school—lalo na ang mga

pinaka-kapus-palad. Patuloy na bumababa ang mga mag-aaral sa high school

na direktang nag-eenrol sa kolehiyo.

Ang pagpapatala sa kolehiyo ng klase ng high school ng 2020 ay nagpakita ng

"hindi karaniwan" na pagbaba sa pagitan ng apat at sampung porsyentong

puntos depende sa kategorya ng high school, ayon sa pinal na bersyon ng ulat

ng High School Benchmarks na inilabas noong nakaraang buwan. Samantalang

hindi rin tataas ang mga magpapatuloy sa kolehiyo sa mga posibleng

magtatapos na mag-aaral ng 2021- ang paunang data mula sa clearinghouse ay

nagpapakita na ang freshman enrollment ay bumaba ng 2.7 porsiyento mula

noong nakaraang taglagas—13.1 porsiyento mula noong 2019—sa lahat ng

sektor maliban sa pribadong nonprofit na apat na taong institusyon, na tumaas

ng 2.5 porsiyento sa nakaraang taglagas. Ang kabuuang postsecondary


enrollment para sa taglagas ng 2021 ay bumaba ng 2.6 porsiyento kaysa noong

2020, na may kabuuang 5.8 porsiyentong pagbaba mula noong 2019.

Ilang estado rin ang nakakaramdam nito. Sa Arizona, natuklasan ng isang

bagong postecondary attainment report mula sa Arizona Board of Regents na sa

73,400 high school students na nagtapos noong 2020, wala pang kalahati—46.3

porsiyento—ang naka-enrol sa kolehiyo, isang matinding pagbaba mula noong

2019, nang 52.9 porsiyento ng mga nagtapos ng hayskul ang gumawa. Sa Ohio,

ang bilang ng mga pampublikong nagtapos sa high school na nag-enrol sa isang

pampublikong institusyon ay tumaas noong 2018 sa 51,075 na mga mag-aaral at

bumaba ng 4 na porsiyento sa 48,451 noong 2020. Ang Kansas Board of

Regents ay nagpapakita ng pagpapatala para sa unang pagkakataong pumasok

sa mga estudyante na bumababa mula sa 16 porsiyento noong taglagas nang

2019.

Ayon kay Anthony Carnevale, direktor ng Georgetown University Center on

Education and the Workforce, ang ilang mga mag-aaral na may mababang kita

ay maaaring hadlangan sa pag-aaral sa kolehiyo sa pamamagitan ng mga pisikal

na panganib ng COVID-19, habang ang iba ay nahihirapang maghanap ng mga

trabaho sa panahon ng pandemya. Sinabi rin ni Carnevale na ang mga

aplikasyon para sa nangungunang 200 kolehiyo sa U.S. ay aktwal na tumaas;

ang pagbaba ng enrollment ay kadalasang nakakasama sa pang-dalawang

taong kolehiyo at nonselective four-year colleges, kung saan ang mga

estudyanteng mababa ang kita at minorya ay ang karamihan. Sinabi ni Will


Patch, pinuno ng senior enrollment insights sa Niche, isang kumpanya na nag-

uugnay sa mga tao sa mga institusyon, kapitbahayan at lugar ng trabaho, na

ipinakita ng mga survey mula sa kanyang organisasyon na ang mga katutubong

estudyante, mga estudyante sa unang henerasyon at mga estudyanteng mababa

ang kita ay mas malamang kaysa sa ibang mga grupo na sinasabing wala silang

plano para mag-aral sa kolehiyo. Ang mga mag-aaral na nakilala bilang

nonbinary o iba pang kasarian ay halos tatlong beses na malamang na sabihin

na hindi sila magpapatuloy sa kolehiyo kaysa mga mag-aaral na kinilala bilang

lalaki o babae-marahil dahil ang mga mag-aaral na iyon ay may kaunting suporta

sa pamilya o pinansyal, aniya. Sinabi ni Patch na ang mga mag-aaral ay may

malaking pag-aalangan tungkol sa pag-enroll dahil sa paglilipat ng mga protocol

ng COVID-19—lalo na ngayon, na maraming mga institusyon na nagsisimula sa

kanilang mga semester sa tagsibol nang malayuan dahil sa variant surge ng

Omicron. Ang mga maling impormasyon ay gumaganap din ng isang papel sa

pagliit ng pagpapatala sa kolehiyo, sinabi niya; ilang mga mag-aaral ay nalilito

tungkol sa umuusbong na mga kinakailangan sa SAT at ACT, at ang iba ay

nabigo na magbigay ng sapat na malawak na net kapag nag-aaplay, madalas na

nananatili sa mga institusyong may mataas na pagkilala sa pangalan. 20

porsiyento lamang ng mga estudyanteng na-survey ang nagsabing isasaalang-

alang nilang mag-enrol sa kolehiyo ng komunidad, at maraming nagtapos sa

high school ang mas interesadong kumuha ng trabaho sa mga restaurant at iba

pang establisyimento kung saan ang suweldo ay $15 kada oras na may mga
benepisyo. Carrasco, Maria. “Fewer High School Graduates Enroll in College.”

Inside Higher Ed, 7 Jan. 2022,

KAUGNAY NA PAG-AARAL (Lokal at Banyaga)

Lokal

Halos tatlong milyong bata sa Pilipinas ang hindi naka-enrol sa paaralan

nang taong 2020. Ayon kay Uaminal(2020), na ang lahat ay dapat gawin upang

maiwasan ang mga ito na mas mahuli. Nangyari ito sa kabila ng malawakang

pagpapatala at pagpaparehistro na isinagawa ng mga paaralan, at ang

katotohanan na ang pagbubukas ay inurong sa apat na buwan. Dahil sa

pandemya, napilitan ang mga estudyante na kumuha ng "gap year."

Ang mga sanhi ng sapilitang "taon ng puwang" na ito ay medyo halata. Ang

paglipat sa remote o distance learning sa pamamagitan ng self-learning modules

at online classes, kasama ang magastos ngunit mabagal na koneksyon sa

internet sa bansa, ay naglalagay ng stress sa kakayahan ng mga pamilya na

sagutin ang mga karagdagang gastos ng ganitong uri ng edukasyon. Bagama't

maaaring mag-iba ang epekto sa iba't ibang bahagi ng lipunan, ang malinaw ay
ang ilang sambahayan ay hindi lang handa para sa biglaang digital na

pagbabagong ito, at walang paraan upang makahabol.

Ayon sa isang papel ng Philippine Institute for Development Studies

(PIDS), 1 porsiyento lamang ng mahihirap, 6 porsiyento ng mababang kita at 27

porsiyento ng nasa lower middle-income ng sambahayan ang may kompyuter.

Ito ay higit na pinalala ng epekto ng mga pandemya na hakbang tulad ng mga

lockdown at community quarantine sa trabaho at negosyo. Ang online na pag-

aaral na may limitadong panahon ng pagpapatala at walang teknikal na suporta

ay hindi sapat. Ang mga mag-aaral nang ‘gap year’ ay hindi dapat balewalain ng

gobyerno at mga awtoridad sa edukasyon. Ang kanilang pisikal at pang-

ekonomiyang lockdown ay hindi dapat makaapekto sa intelektwal.

Sa pagpili ng kurso sa kolehiyo, maraming bagay ang binibigyang

konsiderasyon. Isa na rito ang impluwensiya ng mga taong nakapaligid sa isang

indibidwal. Ayon kay Buenaflor et al. (2007), ang mga tao ay may iba’t ibang

pangangailangan at posibleng ang mga ito ay mauwi sa isang suliranin. Ang

kabataan at ang kanilang mga magulang ay may iba’t ibang persepsyon, at mga

paniniwala na humuhubog sa kanilang pangangailangan. Ang kapaligiran at

sitwasyon ay nagsisilbi ring salik na nagtatakda ng kanilang pangangailangan.

Sa bahaging ito mahihinuha na ang karamihan sa mga kabataan ay nahaharap

sa paghanap ng mga kasagutan at kalinawan, habang ang kanilang mga

magulang ay naguguluhan kung paano nila magagabayan ang kanilang mga

anak tungo sa tamang landas.


Pamilya man ang may malaking ambag sa kabuuan ng isang tao, hindi pa

rin maikakaila ang epekto sa mga desisyon ang mga prinsipyong maaring

makuha sa iba pang institusyon tulad ng lipunan, simbahan, paaralan at media.

Banyaga

Ayon sa modelong "human capital" ni Gary Becker(1994), nagpasya ang

isang tao na mag-enroll sa kolehiyo bilang isang pamumuhunan sa hinaharap na

kakayahang kumita. Kinakalkula ng mga indibidwal ang halaga ng pag-aaral sa

kolehiyo sa pamamagitan ng paghahambing ng mga gastos (direkta at hindi

direktang) sa inaasahang kita, at gumawa sila ng desisyon na magpapalaki sa

kanilang utilidad sa mahabang panahon. Upang maunawaan ang pag-uugali ng

pagpapatala ayon sa modelong ito, kinakailangang tingnan ang mga salik gaya

ng mga antas ng matrikula, tulong pinansyal ng mag-aaral, katamtamang sahod

para sa mga nagtapos sa high school, at ang pagkakaiba sa mga kita sa buong

buhay sa pagitan ng mga nagtapos ng high school at kolehiyo.

Sumasang-ayon ang mga ekonomista at iba pa, gayunpaman, ang mga

salik na hindi pera ay gumaganap din ng malaking bahagi sa desisyon ng

pagpapatala sa kolehiyo. Ang mga modelo ng pagkakamit ng katayuan ng mga

sosyologo ay nagmungkahi ng bilang ng mga variable sa background na


sumasama sa mga pang-ekonomiyang kadahilanan upang maimpluwensyahan

ang mga plano sa kolehiyo. Kabilang dito ang parehong mga personal na

katangian (hal., kakayahang pang-akademiko) at interpersonal na mga

kadahilanan, tulad ng antas ng paghihikayat na natatanggap ng isang mag-aaral

mula sa mga magulang at guro. Iminumungkahi ni Hossler at Maple (1993) na

ang mga indibidwal na desisyon sa pagpapatala ay maaaring hatiin sa tatlong

yugto: predisposisyon, paghahanap, at pagpili. Ayon sa kanilang pananaliksik,

ang mga mag-aaral na sa kalaunan ay mag-aaral sa kolehiyo ay maaaring

maiiba sa mga hindi mag-aaral na kasing aga ng ika-siyam na baitang.

Sa loob ng mga modelong pang-ekonomiya at sosyolohikal na

nakabalangkas sa itaas, ang mga salik na nakakaapekto sa pagpapatala sa

kolehiyo ay maaaring nahahati sa dalawang pangkalahatang uri: ang mga

partikular sa mga indibidwal na mag-aaral, tulad ng akademikong tagumpay at

antas ng edukasyon ng magulang, at ang mga partikular sa mga alternatibong

pang-edukasyon o bokasyonal, tulad ng tuition sa kolehiyo, tulong pinansyal, at

antas ng kawalan ng trabaho. Ang mga desisyon sa pagpapatala ng mga mag-

aaral ay maaaring tingnan bilang magkatuwang na tinutukoy ng kanilang mga

indibidwal na katangian at mga kundisyon ng institusyon o lipunan na umiiral.

Batay sa ipinakita ni Manski at Wise (1983) na pangunahing punto, na ang

proseso ng pagpapatala ay nagsisimula sa desisyon ng mag-aaral na mag-aplay

sa kolehiyo. Ito ay higit na mahalaga kaysa sa mga desisyong ginawa ng mga

tauhan sa kolehiyo, dahil ang karamihan sa mga magiging estudyante sa


kolehiyo ay malamang na matanggap sa ilang postecondary na institusyon na

may average na kalidad. Iniulat ni Jackson (1988) na noong 1972, higit sa 97

porsiyento ng mga aplikante sa kolehiyo ang tinanggap sa hindi bababa sa isa sa

kanilang nangungunang tatlong pagpipilian. Ang mga kadahilanan ng

pinakamalaking interes, kung gayon, ay ang mga dahilan na ang mag-aaral ay

naghahangad na magpatala.

Parehong nakita ni Manski at Wise (1983) at Rouse (1994) na ang mga

indibidwal na katangian tulad ng mga antas ng tagumpay, ranggo ng klase sa

mataas na paaralan, at mga antas ng edukasyon ng magulang ay pangunahing

kahalagahan sa pagtukoy ng posibilidad ng pagpapatala ng isang mag-aaral sa

kolehiyo. Binanggit din nina Manski at Wise ang "'peer' o epekto ng kalidad ng

mataas na paaralan," kung kaya't kung mas malaki ang bahagi ng mga kaklase

ng senior highschool na pumapasok sa mga 4 na taong paaralan, mas

malamang na gawin din niya ito.

Ayon kay Hossler at Maple (1993), na ang mga antas ng edukasyon ng

magulang ay may mas malakas na epekto sa mga plano sa pagpapatala kaysa

sa kakayahan ng mag-aaral o antas ng kita. Ang iba pang mga kadahilanan sa

background na natuklasan ng mga mananaliksik na makabuluhan ay ang antas

ng panghihikayat ng magulang (Hossler, Braxton, at Coopersmith, 1989) at ang

mga sariling inaasahan ng mga mag-aaral tungkol sa desisyon sa kolehiyo

(Borus and Carpenter, 1984). Napagpasyahan ni Jackson (1988) na ang mga

marka ng pagsusulit, grado, pagsali sa isang programa sa paghahanda sa


kolehiyo, at pag-aaral sa isang paaralan na may maraming mga kapantay sa

kolehiyo ay ang mga katangian ng mag-aaral na pinakamahalaga para sa

pagpapatala sa kolehiyo. Iniulat ni Kohn, Manski, at Mundel (1976) na ang antas

ng edukasyon ng mga magulang ay may positibong epekto sa posibilidad ng

isang mag-aaral na makapagpatala, ngunit sinasabi na ang epektong ito ay

bumababa habang tumataas ang kita ng pamilya.

SINTESIS

Ang pagpapatala o pagtutuloy ng pag-aaral sa kolehiyo ay isang malaki at

mahalagang desisyon sa buhay ng isang mag-aaral. Maraming bagay ang

kinakailangan bigyang pansin, sapagkat hindi biro ang pagpasok sa kolehiyo.

Ayon nga sa teorya ni Becker(1994), ang pagpapasya para sa kolehiyo ay

ginagawang pamumuhunan para sa hinaharap upang maging paraan sa pagkita.

Ito ay tinuturing na pamumuhunan dahil na rin sa kaugnayan sa mga salik na

kailangan isaalang-alang, tulad ng pinasyal na kakayahan ng pamilya,

akademikong kakayahan, supurto mula sa mga magulang at guro, at maging ang

pagpapahalaga ng paaralan at pamahalaan sa edukasyon.


KABANATA 3

METODOLOHIYA NG PANANALIKSIK

Inilalahad sa kabanatang ito ang mga pamamaraang ginamit ng

mananaliksik sa pag-aaral sa paksang “Mga Magtatapos na Mag-aaral ng 12

STEM na Magpapatuloy ng Pag-aaral sa Kolehiyo at ang mga Salik na Kanilang

Isinasaalang-alang.” Matatagpuan dito ang disenyo ng pananaliksik,

pamamaraan ng pagpili ng mga respondente, instrumento ng pananaliksik,

pamamaraan ng pagkalap ng datos at istatistikal na pagsusuri ng mga datos.

A. DISENYO NG PANANALIKSIK

Ang isinagawang pananaliksik ay gumamit ng deskriptibong metodolohiya

ng pananaliksik. Descriptive Survey Research Design, ang napiling uri ng

deskriptibong pananaliksik ng mananaliksik, na gumagamit ng talatanungan

(survey questionnaire) para makalikom ng mga datos.


Ayon sa isang artikulo ng University of South Carolina, ang isang

deskriptibong disenyo ng pananaliksik ay nakakatulong na magbigay ng mga

sagot sa mga tanong kung sino, ano, saan, kailan, at paano nauugnay sa isang

partikular na problema sa pananaliksik; hindi maaaring tiyakin ng isang

deskriptibong pag-aaral ang mga sagot kung bakit. Ang deskriptibong

pananaliksik ay ginagamit upang makakuha ng impormasyon tungkol sa

katayuan ng mga penomena at upang ilarawan ang "kung ano ang umiiral" na

may paggalang sa mga variable o kondisyon sa isang sitwasyon.

Ang mananaliksik ay naniniwala na angkop ang disenyong ito para sa

paksang nabanggit, sapagkat sa pamamagitan nito ay mas nabigyang linaw ang

mga salik na isinasaalang-alang ng mga mag-aaral sa pagpapatuloy ng pag-

aaral sa kolehiyo.

B. PAMAMARAAN NG PAGPILI NG RESPONDENTE

Limampung (50) mag-aaral sa Baitang 12 sa Arellano University - Jose

Rizal Campus ang ginamit bilang respondente sa pag-aaral na ito, ang mga

respondente ay pinili sa pamamagitan ng random sampling method.

Talahanayan 1.

Mag-aaral at respondente ng mga talatanungan mula sa ika-12 baitang

STEM ng Arellano University Jose Rizal High School taong 2021-2022.

Kabuuang bilang ng Kasarian Pangkat (STEM)


mga mag-aaral
50

Ang kabuuang bilang ng mga respondente ay limampung (50) mga mag-

aaral mula sa ika-12 baitang STEM sa paaralan ng Arellano University Jose

Rizal High School na magtatapos at naghahanda na para sa kolehiyo o susunod

na kabanata ng kanilang buhay. Ayon sa kasarian ng mga respondente,

dalawampu’t tatlo (23) sa mga ito ay lalaki at dalawampu’t pito (27) naman ang

mga babae.

Ayon naman sa pinagmulang pangkat ng mga respondente, labing-lima o

30% ng mga ito ay nagmula sa pangkat 1A. Habang ang labing dalawa o 24% ng

mga respondente ay galing naman sa pangkat 2A at labing dalawa o 24% din

mula sa pangkat 1P, samantalang labing isa o 22% naman ng mga respondente

ay nagmula sa pangkat 2P.

Ang mananaliksik ay nagbigay ng paliwanag at nagsagawa ng maikling

oryentasyon sa mga mag-aaral upang masiguro na nauunawaan ng mga

sasagot sa mga talatanungan ang bawat bagay maging ang pagiging

kompidensyal ng bawat datos upang maipahayag ang kanilang nararapat at

kanilangmga impormasyon.

C. INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK

Ang instrumento ng pananaliksik ng pag-aaral na ito ay gumamit ng

talatanungan o survey questionnaire upang makakalap ng mga impormasyon at


datos kaugnay sa paksa nito. Ang talatanungan ay nahahati sa dalawang

pangkat: ang demographic profile at ang survey ukol sa paksang pinag-aaralan.

Ang survey ay naglalahad ng mga salik na isinasaalang-alang ng mga mag-aaral

upang makabuo ng desisyon ukol sa pagapapatuloy ng edukasyon sa kolehiyo.

D. PAMAMARAAN NG PAGKALAP NG DATOS

Ang mananaliksik ay kumuha ng pahintulot mula sa tagapayo at guro ng

mga mag-aaral mula sa ika-12 baitang STEM sa paaralan ng Arellano University

Jose Rizal High School hinggil sa kanyang layuning na magsagawa ng survey sa

piling mga respondente. Matapos makakuha ng pahintulot ay ipinaliwanag ng

mananaliksik ang layuning at mga tagubilin upang masagot ang mga

talatanungan sa survey.

Ang kabuuang pag-aaral ay nagsimula noong Marso hanggang sa Abril ng

taong kasalukuyan. Ang pagkolekta ng datos ay isinagawa sa loob ng isang

lingo, ito ay naayon sa kung kailan maalwan ang magsagot para sa mga

estudyante.

E. ISTATISTIKAL NA PAGSUSURI NG MGA DATOS

Gumamit ang mananaliksik ng deskriptibong istatistika o Descriptive

Statistical Analysis upang ilahad o ipresenta ang mga datos na kung saan

gagamit ang mga mananaliksik ng talaan upang suriin ang mga ito. Partikular;
Porsiyento. Ang porsiyento ay ginagamit upang matukoy ang kaugnayan ng

kabuuang tugon. Ang proseso ng pagkalap ng porsiyento ay paghahati ng dalas

o frequency sa kabuuang bilang ng mga respondente. Upang makuha ang

porsiyento;

% = f / N * 100

Kung saan:

f bilang ng frequency o dalas ng tugon

N kabuuang bilang ng respondente

Kabuuang Mean.

Kung saan:

∑ X kabuuang puntos o datos

N kabuuang bilang ng respondente

Sa pagbuo ng interpretasyon at resulta, ang pinakamaigi at mabilis na

paraan upang maintindihan ng mga mananaliksik ay ang paggamit ng

talahanayan at graphs. Kung gayon ay magiging epektibo ang Descriptive

Statistical Analysis sa pag-aaral na ito.


KABANATA 4

PAGLALAHAD, PAGSUSURI AT INTERPRETASYON NG

MGA DATOS

Ang kabanatang ito ay naglalahad ng pagsusuri ng mga datos na nakuha

sa pamamagitan ng talatanungan na nauukol sa layuning ng pag-aaral na ito.

Ang bawat talahanayan ay nagsasaad ng bilang ng mga tugon o saloobin

ng bawat respondente ayon sa isinagawang sarbey. Nakasaad din dito ang

porsyentong nakamit ng bawat tugon.

Talahanayan blg. 1

Pagkakakilanlan ng mga Respondente base sa Kasarian

KASARIAN BILANG BAHAGDAN (%)


Babae 27 54%
Lala
Kabuu

Base sa unang talahanayan mula sa profile ng mga respondente ayon sa

kasarian, ang pag-aaral na ito ay binubuo ng dalawampu’t pitong (27) babaeng

mag-aaral na may bahagdan na 64% at dalawampu’t tatlong (23) lalaking mag-

aaral na may bahagdang 46%, na may kabuuang bilang na limampu (50) at

kabuuang bahagdan na 100%.

Talahanayan blg. 2

Pagkakakilanlan ng mga Respondente base sa Edad

EDAD BILANG BAHAGDAN (%)


17 16 32%
18 19 38%
19 14 28%
24 1 2%
Kabuuan 50 100%

Ayon sa pangalawang talahanayan ng pagkakakilanlan ng mga

respondente base sa edad, ang pananaliksik ay binubuo ng mga mag-aaral na

nasa ika-labing pito (17) na taong gulang na may bilang na labing anim (16) at

bahagdan na 32%. Labing siyam (19) naman sa mga ito ang nasa ika-labing

walong (18) taong gulang na may bahagdan na 38%. Habang ang labing apat

(14) sa mga respondente ay nasa edad na labing siyam (19) at may nakuhang

bahagdan na 28%, samantalang ang isang (1) respondente naman ay nasa edad
dalawampu’t apat at may bahagdan na 2%. Sa kabuuan, ito ay may kabuuang

bilang na limampu (50) at kabuuang porsyento na isang daan (100%.)

Talahanayan blg. 3

Kabuuang Buwanang Kita ng Pamilya

KABUUANG BUWANANG KITA BILANG BAHAGDAN (%)


Mas mababa sa Php 10,975 10 20%
Nasa pagitan ng Php 9,520 - Php 21,194 14 28%
Nasa pagitan ng Php 21,194 - Php 43,828 16 32%
Nasa pagitan ng Php 43,828 - Php 76,669 6 12%
Nasa pagitan ng Php 76,669 - Php 131,484 3 6%
Nasa pagitan ng Php 131,484 - Php 219,140 1 2%
Kabuuan 50 100%

Ayon sa talahayan bilang 3, sampu (10) o 20% ng pamilya ng respondente

ay may kabuuang buwanang kita na mas mababa sa Php 10,975, labing apat

(14) o 28% naman ang may kita na nasa pagitan ng Php 9,520 – Php 21,194, at

ang mas malaking porsiyento na 32% o labing anim (16) na respondente ay may

kabuuang buwanang kita ang pamilya na nasa pagitan ng Php 21,194 – Php

43,828. Habang ang anim (6) o 12% na pamilya ng respondente ay kumikita ng

nasa pagitan ng Php 43,828 – Php 76,669, tatlo (3) o 6% naman ang may kita na

nasa pagitan ng Php 76,669 – Php131,484, at isa (1) o 2% na respondente ang

may kabuuang buwanang kita ng pamilya na nasa pagitan ng Php 131,484 –

Php 219,140.

Suliranin o Katanungan Blg. 2: Bilang ng mga mag-aaral na

magpapatuloy, hindi magpapatuloy, at wala pang pinal na desisyon tungkol sa

pagpapatuloy ng pag-aaral sa kolehiy .


Talahanayan blg. 4

Pagpapatuloy sa ng Pag-aaral sa Kolehiyo

DESISYON BILANG BAHAGDAN (%)


Magpapatuloy 37 74%
Hindi Magpapatuloy 2 4%
Wala pang Pinal na Desisyon 11 22%
Kabuuan 50 100%

Base sa ika-apat na talahanayan ayon sa desisyon ukol sa pagpapatuloy

ng pag-aaral sa kolehiyo ng mga respondente, tatlumpu’t pito (37) o 74% ang

magpapatuloy, at dalawa (2) o 4% naman ang hindi magpapatuloy. Habang ang

labing isa (11) o 22% ng mga respondente ay wala pang pinal na desisyon

tungkol sa pagpapatuloy ng pag-aaral sa kolehiyo.

Suliranin o Katanungan Blg. 3: Ano-ano ang mga salik na isinasaalang-

alang ng mga mag-aaral sa pagdedesisyon tungkol sa pagpapatuloy ng pag-

aaral sa kolehiyo?

GABAY:
1.00 – 1.75 – Lubos na Hindi Sumasang-ayon
1.76 – 2.5 – Hindi sumasang-ayon
2.51 – 3.25 – Sumasang-ayon
3.26 – 4.00 – Lubos na Sumasang-ayon

MGA SALIK NA ISINASAALANG-ALANG AYON SA:

Talahanayan blg. 5

KALAGAYANG PINANSYAL NG PAMILYA


PAHAY

1. Mayroong d
higit pang miye
sa pamilya.
2. Mayroong
higit pang nag
sa pamilya.
3. Mayroong d
higit pang miye
ng pamilya an
regular na trab
4. Nagbabaya
o renta para sa
tahanan.
5. Mayroong
nangangailang
buwanang gam
check-up sa p
6. Hindi babab
Php 1000 o m
mataas pa ang
buwanang bay
kuryente.
7. Hindi babab
Php 500 o ma
pa ang buwan
bayarin sa tub
8. Mayroong s
budget para sa
buwanang pag
buong pamilya
9. Mayroong in
connection sa
at binabayaran
buwanan.
10. Mayroon o
nakabibili ng g
iba pang kaga
para sa pag-aa

Ang talahanayan bilang 5 ay naglalaman ng mean at berbal na

interpretasyon tungkol sa kalagayang pinansyal ng pamilya ng mga respondente

bilang salik na isinasaalang-alang tungkol sa pagbuo ng desisyon sa


pagpapatuloy ng pag-aaral sa kolehiyo. Makikita sa unang pahayag na

sumasang-ayon ang mga mag-aaral na may katumbas na mean na 3.22.

Nakakuha ng mean na 3.12 ang ikalawang pahayag na may berbal na

interpretasyon na sumasang-ayon. Ang mean na nakuha ng ikatlo ay nasa 2.5 at

may katumbas na interpretasyon na hindi sumasang-ayon, gayon din ang

nakuha ng ikaapat na pahayag na may mean na 2.26. Tulad din ng mean ng

ikalimamang pahayag na 2.46 na may berbal na interpretasyong hindi

sumasang-ayon. Sumasang-ayon naman ang nakuha ng ikaanim hanggang

ikasampung pahayag na may mga mean na 2.88, 2.7, 3.04, 2.94 at 3.

Sa kabuuan, mayroong 2.512 na mean ang lahat ng pahayag at may

berbal na interpretasyon na sumasang-ayon. Sa madaling salita ay tiyak na isa

ang kalagayang pinansyal ng pamilya sa mga salik na isinasaalang-alang ng

mga mag-aaral tungkol sa pagbuo ng desisyon para sa pagpapatuloy ng pag-

aaral sa kolehiyo.

Makikita rin sa talahayan bilang 5 na ang unang pahayag ang may

pinakamataas na mean na umabot sa 3.22 at nangangahuluhan na sumasang-

ayon, at masasabing mayroong higit sa dalawa o malaking miyembro ng pamilya

ang mga respondente. Samantalang ang pinakamababa naman ay ang ikaapat

na pahayag na may mean na 2.26 na nangangahulugang hindi sumasang-ayon,

na masasabing mabuti sapagkat marami sa pamilya ng mga respondente ang

hindi nangagailan na magbayad ng buwanang renta para sa tirahan.


Talahanayan blg. 6

PERSONAL NA INTERES

PAHAYAG 4 3 2 1 MEAN BERBAL NA


INTERPRETASYON
1. Pangarap ang
makapagtapos ng LUBOS NA
kolehiyo o mas mataas 18 29 2 1 3.28 SUMASANG-AYON
pang antas ng
edukasyon.
2. Mayroong part time
na trabaho at/o nais HINDI SUMASANG-
na lamang magtrabaho 3 11 28 8 2.18 AYON
kaysa magpatuloy sa
kolehiyo.
3. Nasasabik na sa
pagpasok sa kolehiyo. 5 28 16 1 2.74 SUMASANG-AYON

4. Mayroong nais o
pangarap na paaralan 14 30 6 0 3.16 SUMASANG-AYON
para sa kolehiyo.
5. Mayroon ng plano at
kurso na nais kunin sa 8 31 10 1 2.92 SUMASANG-AYON
kolehiyo.
6. Mayroong mataas
na expectation para sa 10 27 12 1 2.92 SUMASANG-AYON
sarili.
7. Interesado pa na
madagdagan ang
kaalaman sa 11 36 3 0 3.16 SUMASANG-AYON
pamamagitan ng
edukasyon.
8. Mayroong tiwala sa
kakayahan ng sarili. 4 35 10 1 2.84 SUMASANG-AYON

9. Mas nanaisin pang


magpahinga o huminto 3 8 33 6 2.16 HINDI SUMASANG-
muna. AYON

WEIGHTED MEAN 2.82 SUMASANG-AYON


Ang talahanayan bilang 6 ay naglalaman ng mean at berbal na

interpretasyon tungkol sa personal na interes ng mga respondente sa pag-aaral

at pagpapatuloy sa kolehiyo. Makikita sa unang pahayag na lubos na sumasang-

ayon ang mga mag-aaral na may katumbas na mean na 3.28. Nakakuha ng

mean na 2.18 ang ikalawang pahayag na may berbal na interpretasyon na hindi

sumasang-ayon. Ang mean na nakuha ng ikatlo ay nasa 2.74 at may katumbas

na interpretasyon na sumasang-ayon, gayon din ang nakuha ng ikaapat na

pahayag na may mean na 3.16. Ang nakuha naming mean ng ikalima at ikaanim

na pahayag ay magkatulad na 2.92 na may kahulugang sumasang-ayon.

Sumasang-ayon din ang nakuha ng ikapito at ikawalong pahayag na may mean

na 3.16 at 2.84. Samantalang 2.16 naman ang mean ng ikasiyam na pahayag at

nagsasabing hindi sumasang-ayon

Sa kabuuan, mayroong 2.82 na mean ang lahat ng pahayag at may berbal

na interpretasyon na sumasang-ayon. Mahalagang ang personal na interes ng

mag-aaral tungkol sa pagbuo ng desisyon para sa pagpapatuloy ng pag-aaral sa

kolehiyo. Makikita rin sa talahayan bilang 6 na ang unang pahayag ang may

pinakamataas na mean na umabot sa 3.28 at nangangahuluhan na sumasang-

ayon, na nangangahulugang karamihan sa mga respondente ay pangarap ang

makapagtapos sa kolehiyo. At ang pinakamababa naman ay ang ikasiyam na

pahayag na may mean na 2.16 na nangangahulugang hindi sumasang-ayon, na

tumutugma sa may pinakamataas na mean, sapagkat ang karamihan sa mga

mag-aaral ay hindi ninanais na magpahinga o huminto muna sa pag-aaral.


Talahanayan blg. 7

AKADEMIKONG KAHANDAAN AT KAKAYAHAN 

PAHAYAG 4 3 2 1 MEAN BERBAL NA


INTERPRETASYON
1. Mayroong
karangalang 11 33 5 1 3.08 SUMASANG-AYON
natatanggap sa klase.
2. Nakapagpapasa ng
mga gawain sa takdang 10 23 17 0 2.86 SUMASANG-AYON
oras.
3. Mayroong
magandang 6 24 20 0 2.72 SUMASANG-AYON
pamamaraan sa pag-
aaral at ito ay epektibo.
4. Nakababasa at
nakasusulat ng LUBOS NA
parehong Filipino at 19 30 1 0 3.36 SUMASANG-AYON
Ingles ayon sa antas ng
grado.
5. Marunong lumapit sa
guro tuwing may hindi 9 35 6 0 3.06 SUMASANG-AYON
nauunawaang aralin o
panuto.
6. Interesado sa mga
bagong aralin na 6 37 6 1 2.96 SUMSANG-AYON
kinukuha o kukuhanin pa
lamang.
7. Ang grado ay
napananatili o 14 30 5 1 3.14 SUMASANG-AYON
napatataas pa sa bawat
asignatura.
8. Nakapagbibigay ng
opinyon at tulong sa 14 32 2 2 3.16 SUMASANG-AYON
mga pangkatang
gawain.
9. Marunong gumawa ng
sariling iskedyul at 7 20 21 2 2.64 SUMASANG-AYON
nasusunod ito ng tama.
10. Ang strand na kinuha
sa senior high
konektado sa
kukunin sa kol

Makikita naman sa talahanayan bilang 7 ang mean at berbal na

interpretasyon tungkol sa akademikong kahandaan at kakayahan ng mga

respondente bilang salik na kanilang isinasaalang-alang para sa pagbuo ng

desisyon tungkol sa pagpapatuloy ng pag-aaral sa kolehiyo. Ang unang pahayag

ay may berbal na interpretsyon na sumasang-ayon na may katumbas na mean

na 3.08. Nakakuha rin ng berbal na interpretasyon na sumasang-ayon ang

ikalawang pahayag na may mean na 2.86. Ang mean na nakuha ng ikatlo ay

nasa 2.72 at may katumbas na interpretasyon na sumasang-ayon, samantalang

lubos na sumasang-ayon ang ikaapat na pahayag na may mean na 3.36. Ang

nakuha namang mean ng ikalima at ikaanim na pahayag ay 3.06 at 2.96 na

nangangahulugang sumasang-ayon. Sumasang-ayon din ang nakuha ng ikapito

hanggang ikasampung pahayag na may mean na 3.14, 3.16, 2.64 at 3.02.

Mayroong 3 na kabuuang mean ang lahat ng pahayag at may berbal na

interpretasyon na sumasang-ayon. Patunay na kabilang at mahalaga ang

akademikong kahandaan at kakayahan ng mga mag-aaral para makapagpatuloy

sa kolehiyo.

Makikita sa talahayan bilang 7 na ang ikaapatpahayag ang may

pinakamataas na mean na umabot sa 3.36 na ang ibig sabihin ay sumasang-


ayon, na nangangahulugang karamihan sa mga respondente ay nakababasa at

nakasusulat ng parehong Filipino at Ingles ayon sa antas ng grado.

Talahanayan blg. 8

PAGPAPAHALAGA SA KALUSUGAN

PAHAYAG 4 3 2 1 MEAN BERBAL NA


INTERPRETASYON
1. Mayroong mahina
ang immune system o HINDI SUMASANG-
may malubhang sakit 4 15 27 4 2.38 AYON
na miyembro ng
pamilya.
2. May nag positibo sa
Covid-19 na miyembro 0 6 32 12 1.88 HINDI SUMASANG-
ng pamilya. AYON

3. Mayroong sanggol o
senior citizen sa 5 16 22 7 2.38 HINDI SUMASANG-
pamilya. AYON
4. Nagkaroon ng close
contact sa taong 0 6 32 12 1.88 HINDI SUMASANG-
nagpositibo sa Covid- AYON
19.
5. Mayroong tamang
diet ng pagkain. 3 18 28 1 2.46 HINDI SUMASANG-
AYON
6. Regular na nag-
eeherisyo. 1 14 34 1 2.3 HINDI SUMASANG-
AYON
7. Regular na umiinom
ng bitamina. 2 19 25 4 2.38 HINDI SUMASANG-
AYON
8. Regular na natutulog
ng 8 oras o higit pa sa 2 19 23 6 2.8 SUMASANG-AYON
bawat araw.
9. Regular na umiinom
ng 8 baso o higit pang 4 36 5 5 2.78 SUMASANG-AYON
tubig sa isang araw.
10. Regular na
nagpapasuri ng 1 9 33 7 2.08 HINDI SUMASANG-
kalusugan. AYON
W

Makikita naman sa talahanayan bilang 8 ang mean at berbal na

interpretasyon tungkol sa pagapapahalaga sa kalusugan ng mga respondente

bilang salik na kanilang isinasaalang-alang para sa pagbuo ng desisyon tungkol

sa pagpapatuloy ng pag-aaral sa kolehiyo. Sa talahayang ito makikita na mula

una hanggang ikapitong pahayag ay hindi sumasang-ayon ang mga

respondente, na may mga mean na; unang pahayag, 2.38, ikalawang pahayag,

1.85, ikatlong pahayag, 3.38, ikaapat na pahayag, 1.88, ikalimang pahayag,

2.46, ikaanim na pahayag, 2.3, at ikapitong pahayag, 2.38. Samantalang

sumasang-ayon naman ang mga respondente sa ikawalo at ikasiyan na pahayag

na may mean na 2.8 at 2.78, kabaliktaran ng mean ng ikasampung pahayag na

2.08 na nangangahulugang hindi sumasang-ayon,

Mayroong 2.332 na kabuuang mean ang lahat ng pahayag at may berbal

na interpretasyon na hindi sumasang-ayon. Ayon sa resulta nito ay masasabing

hindi gaanong binibigyang kahalagahan ng mga mag-aaral ang kanilang

kalusugan bilang salik sa pagdedesisyon tungkol sa pagpapatuloy ng pag-aaral

sa kolehiyo.

Makikita sa talahayan bilang 8 na ang karamihan sa mga mag-aaral ay

regular na natututulog ng 8 oras o higit pa sa bawat araw ayon sa pahayag 8

kung saan nakakuha ito ng pinakamataas na mean na 2.8. Samantalang ang

ikalawa at ikaapat na pahayag naman ang nakakuha ng pinakamababang mean


na 1.88, na nangangahulugang ng hindi pagsang-ayon tungkol sa pagkakaroon

ng koneksyon sa COVID-19.

Talahanayan blg. 9

IMPLUWENSYA NG MGA KAIBIGAN AT PAMILYA

PAHAYAG 4 3 2 1 MEAN BERBAL NA


INTERPRETASYON
1. Nais na makapg-
aaral sa iisang 3 27 19 1 2.76 SUMASANG-AYON
paaralan kasama ang
mga kaibigan.
2. Ang ilan o lahat ng
mga kaibigan ay 5 36 9 0 2.92 SUMASANG-AYON
magpapatuloy ng pag-
aaral sa kolehiyo.
3. Ang ilan sa mga
kaibigan ay hindi HINDI SUMASANG-
magpapatuloy sa pag- 0 12 35 3 2.18 AYON
aaral at direkta ng
maghahanap buhay.
4. Ang ilan sa mga
kaibigan ay hihinto 0 22 25 3 2.38 HINDI SUMASANG-
muna pansamantala AYON
sa pag-aaral.
5. Ang mga kaibigan LUBOS NA
ay may pagpapahalaga 14 35 1 0 3.26 SUMASANG-AYON
sa edukasyon.
6. Ang mga magulang
ay nakapagtapos ng 4 18 25 3 2.46 HINDI SUMASANG-
kolehiyo. AYON

7. Mayroong miyembro
ng pamilya na nag- 7 6 35 2 2.36 HINDI SUMASANG-
aaral sa kolehiyo. AYON
8. Hinihikayat ng
magulang na 17 29 4 0 3.26 LUBOS NA
magpatuloy ng pag- SUMASANG-AYON
aaral sa kolehiyo.
9. Ayos lamang sa
mga magulang kahit
hindi kataasan
grado, basta a
pasado.
10. Binibigyan
kalayaan ng m
na pumili ng ku
kukunin sa kol

Makikita naman sa talahanayan bilang 9 ang mean at berbal na

interpretasyon tungkol sa impluwensya ng mga kaibigan at pamilya ng mga

respondente para sa pagbuo ng desisyon tungkol sa pagpapatuloy ng pag-aaral

sa kolehiyo. Makikita sa una at ikalawang pahayag na sumasang-ayon ang mga

mag-aaral na may katumbas na mean na 2.76 at 2.93. Habang nakakuha naman

ng mean na 2.18 at 2.38 ang ikatlo at ikaapat na pahayag na may berbal na

interpretasyon na hindi sumasang-ayon. Lubos na sumasang-ayon naman ang

nakuha ng ikalimang pahayag na may mean na 3.26, samantalang hindi naman

sumasang-ayon ang nakuha ng ikaanim at ikapitong paayag na may mean na

2.46 at 2.36. Ang nakuha naming mean ng ikawalong pahayag ay 3.26 na may

kahulugang lubos na sumasang-ayon. Habang sumasang-ayon naman ang

nakuha ng ikasiyam at ikasampung pahayag na may mean na 2.82at2.92.

Ang kabuuang pahayag ng talahayan bilang 9 ay may kabuuang 3.432 na

mean na nangangahulugan ng lubusang pag sang-ayon. Mahihinuhang ang

impluwensiya ng mga kaibigan at pamilya sa mag-aaral ay isa sa

pinakamahalagang salik na kanilang isinasaalang-alang sa pagbuo ng desisyon

tungkol sa pagpapatuloy ng pag-aaral sa kolehiyo.


Makikita sa talahayan bilang 9 na ang karamihan sa mga mag-aaral ay

hinihikayat ng mga magulang na magpatuloy ng pag-aaral sa kolehiyo ayon sa

pahayag 8, kung saan nakakuha ito ng pinakamataas na mean na 3.26.

KABANATA 5

LAGOM NG MGA NATUKLASAN, KONKLUSYON AT

REKOMENDASYON

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng mga pinakamahalagang detalye ng

pag-aaral. Ito ay ang lagom ng mga natuklasan, konklusyon, at rekomendasyong

nabuo batay sa naging resulta mula sa ikaapat na kabanata ng isinasagawang

pananaliksik tungkol sa pagpapatuloy ng pag-aaral sa kolehiyo at ang mga salik

na isinasaalang-alang ng mga mag-aaral na nasa ika-12 baitang STEM sa


paaralan ng Arellano University Jose Rizal High School na binubuo ng kabuuang

bilang na limampung (50) respondente.

Mga Natuklasan

Ayon sa isinagawang pag-aaral, natuklasan ng mga mananaliksik na:

1. Karamihan sa mga naging respondente, ay magpapatuloy ng pag-aaral sa

kolehiyo sa kabila ng mga salik na kanilang isinasaalang-alang. Nakakuha

ito ng kabuuang bilang na tatlumpu’t pito (37) at kabuuang bahagdan na

74%.

2. Nakakuha ng mas mataas na pangkalahatang mean ang salik na

“personal na interes”(2.82) kumpara sa salik na “kalagayang pinansiyal ng

pamilya”(2.512). Na nagpapakita na mas binibigyang pansin ng mga

respondente ang kanilang personal na interes kumpara sa kalagayang

pinansyal ng kanilang pamilya pagdating sa pagbuo ng desisyon tungkol

sa pagpapatuloy ng pag-aaral sa kolehiyo.

3. Nakababasa at nakasusulat ng parehong Filipino at Ingles ayon sa antas

ng grado ang halos lahat ng mga respondente ng pag-aaral. Nakakuha ito

ng kabuuang bahagdan na 98% sa pinagsamang sumasang-ayon at lubos

na sumasang-ayon na kasagutan sa survey.

4. Nakakuha naman ng pinakamababang kabuuang mean sa lahat ng salik

ang “pagpapahalaga sa kalusugan” na 2.332 at may kahulugan ng hindi


pagsang-ayon. Makikitang hindi ang kalusugan ang unang isinasaalang-

alang ng mga mag-aaral sa pagpapatuloy ng pag-aaral sa kolehiyo.

5. Ang pinakamahalagang salik naman na isinasaalang-alang ng mga

respondente ay ang impluwensiya ng kanilang mga kaibigan at pamilya sa

pagbuo ng desisyon tungkol sa pagpapatuloy ng pag-aaral sa kolehiyo.

Nakakuha ito ng kabuuang mean na 3.432, na ang ibig sabihin ay lubos

na sumasang-ayon ang mga mag-aaral na ang impluwensiya ng kaibigan

at pamilya ay ang salik na labis nilang pinahahalagahan.

Konklusyon

Batay sa mga natuklasan ng pag-aaral ay nabuo ng mga mananaliksik

ang mga sumusunod na konklusyon:

1. Sa kabila ng mga salik na isinasaalang-alang ng mga mag-aaral upang

makabuo ng desisyon para sa pagpapatuloy ng pag-aaral sa kolehiyo,

ay mas marami pa rin ang nagnanais na makapagpatuloy ng pag-aaral

sa kolehiyo. Makikita dito ang katatagan at pagpapahalaga ng mga

mag-aaral sa edukasyon.
2. Ano man ang estado ng pamumuhay o status sa lipunan ng mag-aaral

ay mas pinaahalagahan pa rin nito ang kaniyang personal na interes

pagdating sa pagbuo ng desisyon tungkol sa pagpapatuloy ng pag-

aaral. Nasa kamay pa rin nila ang pinal na desisyon, kung ano ang

nanaisin nilang tahakin na landas.

3. Ayon sa resulta mula sa survey, ang karamihan o halos lahat ng mga

mag-aaral ay nakababasa at nakasusulat ng parehong Filipino at

Ingles. Kung saan nakikita dito ang kanilang kahandaan para sa

kolehiyo.

4. Sa kabila ng banta ng COVID-19 ay makikita sa resulta ng pag-aaral

na hindi ang pagpapahalaga sa kalusugan ang nangungunang salik na

naiisip ng mga mag-aaral upang makabuo ng desisyon. Makikita dito

ang pagsisikap at pagnanais ng mga kabataan na makapag-aral sa

kabila ng banta ng pandemya.

5. Pinakamalaki ang kontribusyon na nagagawa ng impluwensiya ng

kaibigan at pamilya sa pagdedesisyon ng isang mag-araal tungkol sa

pagpapatuloy ng pag-aaral sa kolehiyo. Makikita dito ang kalahagan

ng mga taong nakapaligid sa mag-aaral kung saan siya nakakakuha

ng impluwensiya upang makabuo ng isang pinal n desisyon.

Sa kabuuan, mayroong iba’t-ibang salik na isinasaalang-alang ang

mga mag-aaral sa pagdedesisyon kung sila ba ay magpapatuloy ng

kanilang pag-aaral sa kolehiyo o hindi. Malaki ang epekto ng paraan ng


kanilang pamumuhay, paniniwala at mga taong nakapaligid sakanila sa

pagbuo ng malalaking desisyon sa buhay tulad ng pagpapatuloy ng

pag-aaral.

Mga Rekomendasyon

Ang mga sumusunod na detalye ay patungkol sa mga mungkahing

solusyon para sa mga suliraning natukoy o natuklasan sa isinagawang

pananaliksik:

1. Iminumungkahi ng mananaliksik na magkaroon ng mas malawak at

malinaw na pagdedesisyon ang mga mag-aaral kaugnay sa pagpapatuloy

ng pag-aaral sa kolehiyo, upang hindi sila magkaroon ng pagsisi sa isang

malaking bagay.

2. Iminumungkahi ng mananaliksik na magkaroon ng mas praktikal na

paraan ng pagtimbang sa mga salik na isinasaalang-alang kaugnay sa

pagpapatuloy ng pag-aaral sa kolehiyo. Tiyakin na ang mabubuong

desisyon ay makabubuti para sa sarili at sa mga taong pinahahalagahan.

3. Iminumungkahi ng mananaliksik na ang pag-aaral sa kolehiyo ay dapat na

mas paghandaan at pag-isipan. Mabuti ang pagkatuto ng pagbasa at

pagsulat ng Filipino at Ingles, ngunit kinakailangan din ang kahandaan ng

mag-aaral sa pagbabalanse ng kaniyang oras at iskedyul sa kolehiyo.

4. Iminumungkahi ng mananaliksik na mas bigyan din sana ng pansin ang

pagpapahalaga sa kalusugan ng mga mag-aaral, nararapat na


pangalagaan ang kalusugan upang magkaroon pa ng mas malaking

tiyansa na matupad ang mga ninanais at pangarap sa buhay. Ang ating

kalusugan ay dapat na ituring bilang kasing halaga ng edukasyong ating

natatanggap.

5. Iminumungkahi rin ng mananaliksik na ang hahayaan lamang na manatili

sa buhay ay ang mga taong may pagpapahalaga sa kinabukasan at

katuparan ng mga pangarap, sapagkat malaki ang impluwensiyang

naidudulot ng mga taong nakapaligid sa atin sa paghubog ng ating

pagkatao at pagbuo ng mga desisyon na makakaapekto para sa ating

hinaharap.

BIBLIOGRAPI

Kknoerze. “The Importance of a College Education.” Office of the President, 4

Dec. 2019, www.valpo.edu/president/editorials/the-importance-of-a-

college-education.

Twowp. “Lewin’s Behavior Equation: A Simple Model Of Human Behavior.” The

World of Work Project, 30 July 2021, worldofwork.io/2019/07/lewins-

behavior-equation/#.
“Holland’s Theory.” Careers.Govt.Nz, 13 Aug. 2019,

www.careers.govt.nz/resources/career-practice/career-theory-models/

hollands-theory/#:%7E:text=John%20Holland’s%20Theory%20of

%20Career%20Choice%20(RIASEC)%20maintains%20that%20in,on

%20enjoyable%20problems%20and%20roles.

“One in Every Ten Filipinos Aged 6 to 24 Years Is an Out of School Child and

Youth | Philippine Statistics Authority.” Philippine Statistics Authority, 13

June 2017, psa.gov.ph/content/one-every-ten-filipinos-aged-6-24-years-

out-school-child-and-youth.

Enicola, Paul. “Be the Hope for Out-of-School Youth in the Philippines.”

ChildHope Philippines, 9 June 2021, childhope.org.ph/out-of-school-youth-

philippines.

Inside Higher Ed, and Maria Carrasco. “Fewer High School Graduates Enroll in

College.” Inside Higher Ed, 7 Jan. 2022,

www.insidehighered.com/news/2022/01/07/fewer-high-school-graduates-

enroll-college.

Uaminal, James Michael. “Nearly Three Million Philippine Children Are Still out of

School. They Need Help.” LSE COVID-19, 27 Nov. 2020,

blogs.lse.ac.uk/covid19/2020/11/27/nearly-three-million-philippine-

children-are-still-out-of-school-they-need-help.

Teixeira, Pedro Nuno. “Gary Becker’s Early Work on Human Capital –

Collaborations and Distinctiveness - IZA Journal of Labor Economics.”


SpringerOpen, 29 Nov. 2014,

izajole.springeropen.com/articles/10.1186/s40172-014-0012-2.

Hossler, Don and Sue Maple. "Being Undecided about Postsecondary

Education." The Review of Higher Education, vol. 16 no. 3, 1993, p. 285-

307. Project MUSE, doi:10.1353/rhe.1993.0014.

Manski, C. and Wise, D. (1983), College Choice in America, Cambridge: Harvard

University Press

You might also like