You are on page 1of 3

Lokal na Literatura

Ayon kay Win Gatchalian sa BulgarOnline (2017), ang salitang “sports” ay nagmula noong

1300 sa Old French na “desport” na ang ibig sabihin ay paglilibang. Isa itong uri ng pala­kasan na

nagbibigay ng sigla at katuwaan sa ating lahat.Pagkatapos ng mahabang oras ng paki-kinig sa guro,

pagbabasa at pagsusulat ng leksiyon, kailangan din ng mga mag-aaral ang balanseng aktibidad

tulad ng sport. Bukod sa sayang dala nito ay may gampanin din ito sa ating kalusugan. Ipinaaalala

ng health experts na ang pag-e-exercise at pag-lalaro ng sports ay isang paraan ng panga-nga-laga

at pagpapaunlad ng pangangatawan ng mga estudyante. Binibigyang-diin din ng mga P.E at health

teachers na hikayatin at sanayin ang mga estudyante na maging aktibo sa athletics o sports habang

sila ay bata pa kaya ang pagtuturo ng P.E subject ay dapat magsimula sa nursery. Dagdag pa niya,

sa halip na maging hadlang sa pag-aaral ang paglalaro ng sports, dapat ay magtugma ito upang

mabalanse at mapabuti lalo na ang kaalaman sa akademiko at physical education ng ating kabataan.

Ayon kay Vhea02 sa kanyang akdang "Isports at Edukasyon", Ang isports, laro o palakasan

ay isang aktibidad na nagpapalakas ng katawan. Maraming klase ang laro na may iba’t ibang

kagamitan. Iba’t ibang bahagi ng katawan ang na papaunlad nito. Bukod sa pangangatawan,

napapaunlad din nito ang relasyon ng bawat kasali sa laro at natututo sila kung paano makisama

sa kapwa-tao at matututunan din ang tinatawag na “sportsmanship”. Malaki ang nagagawang

sports sa kaunlaran o development ng isang mag-aaral. Una, nililinang nito ang kakayahang pisikal

gaya ng pagtakbo, paglangoy, pagsalo o pagpalo at iba pang kasanayang pisikal. Sa isports,

nahahasa rin ang kaliksihan, listo at bilis ng pag-iisip at pagdedesisyon. Ang mga paaralan ay

mayroong sportsfest at mga ekstrakurikular na aktibidades dahil hindi lamang naman sila binuburo

ng mga guro sa puro pag-aaral lamang kundi mayroon ding gawaing hindi lamang isip ang

ginagamit kundi ang lakas ng katawan. Ani niya pa, ang mga estudyante ay hindi lamang puro
pagbabasa at pagsulat ang ginagawa sa eskwelahan. May mga gawain ding lumilinang sa kanilang

kakayahan sa isports. Kaya ang mga batang may mababang marka, malaking tulong sakanila ang

paglahok sa nasabing aktibidades dahil 30% nadagdag ito sa kanilang grado.

Ayon kay Zabdiel Valdez (2018), ang paglalaro ng isports, lalo na ang kasangkot sa

maraming aktibidad, tulad ng soccer, basketball, tennis at volleyball, ay makakatulong sa iyo na

pamahalaan ang iyong timbang, habang binibigyan ka rin ng mahusay na ehersisyo ang iyong mga

kalaman at sa iyong cardiovascular system. Ang paglahok sa isang regular na batayan ay

tumutulong sa pagsunog ng calories. Halimbawa, ang isang 155-pound na taong gumaganap ng

basketball para sa isang oras ay sumunog sa paligid ng 596 calories. Ang pagsisimula ng mga bata

sa isang isport na maaari nilang i-play sa kabuuan ng kanilang buhay ay maaaring makakuha ng

mga kabataan na ginagamit upang regular na mag-ehersisyo, na tutulong sa kanila na manatili sa

hugis habang sila ay mas tumatanda. Ang pagkuha ng kasangkot sa isang isport ay nagbibigay ng

mga pagkakataon para sa mga indibidwal na makita ang mga resulta ng kanilang mga pagsisikap.

Kung masigasig mag-sanay sa iyong isport at makakita ng tagumpay, nagtatayo ito ng

pagpapahalaga sa sarili. Kung matatalo mo ang isang mapanghamong kalaban nararamdaman mo

na nagawa mo ang isang bagay na kapaki-pakinabang. Ang pag-master ng isang kasanayan, tulad

ng isang pare-pareho na paglilingkod sa tennis, ay nagpapalakas din ng tiwala sa sarili. Ang mga

kahataan na excel sa sports ngunit may limitadong pinansiyal na paraan upang mahanap na sports

ay maaaring mapabuti ang kanilang mga tyansa ng pumasok sa kolehiyo na kanilang pinili. Habang

ang maraming mga atletikong scholarship ay hindi nagbibigay ng lahat ng gastusin para sa pagdalo

sa kolehiyo, ang ilan ay maaaring makatulong nang malaki.


Ayon kay Regina S. Quizon sa kanyang akdang “Isports: Ano ang mga Mabubuting

Naidudulot?” (2015), marami ang naitutulong ng isports sa ating katawan, hindi lamang sa ating

katawan kundi maging sa ating paraan ng pag iisip. Ilang halimbawa na lamang ay ang

pagpapalakas ng resistensya upang makaiwas sa sakit. Naiiwasan ang iba’t- ibang sakit katulad ng

kanser, osteoporosis, pagtaas ng depresyon at diabetes Mental benefits. Kapag malusog ang

katawan, malusog din ang kaisipan. Nakakatulong ang isports sa kaisapang pang mental dahil

mabilis na nakakaisip ng solusyon ang isang manlalaro sa paglalaro at ang mabilis na pag iisip na

ito ay nagagamit sa iba’t – ibang aspeto ng kanilang buhay gaya sa pagsagot ng mga sitwasyunal

na mga tanong. Pagkakaroon ng lakas ng loob at pakikisalamuha. Nadaragdagan ang lakas ng loob

ng manlalaro habang siya ay naglalaro sa harap ng mga manonood, lalo na kung marami ang mga

pumapalakpak at sumisigaw para sa kanya. Gayundin maraming mga tao ang kanyang nakikilala

at nakakasalamuha. Nagtatanggal o binabawasan ang stress. Ang paglalaro ng iyong paboritong

isports ay isa ring paraan ng pampatanggal o pagbabawas ng stress sa katawan. Tinuturuan ang

mga tao na maging kalmado at maging payapa. Ang mga taong aktibo sa isports ay ang mga taong

magaling humawak ng problema. Nagbibigay ng saya. Ang isports ay mas nagbibigay ng saya

kumpara sa pag wowork-out. Marami ang mga tao ang sumasaya habang nilalaro ang kanilang

mga paboritong isports.

You might also like