You are on page 1of 24

1

Kabanata 1

INTRODUKSYON

Rasyonale

Ang pagpili ng karera ay isa sa mga pinakaimportanting pagpipilian ng

mga mag-aaral sa pagtukoy ng kanilang pangkinabukasang plano. Ang

pagdedesisyon ay may malaking impak sa mga mag-aaral sa kanilang buong

buhay. Ang kakayahan ng mga mag-aaral ay umiikot lamang sa kung ano ang

gustong gawin nila sa kanilang buhay.

Barbara Tuchel ng Unibersidad ng Wisconsin-Stout, na dapat ang piliing

karera ng mga mag-aaral ay yung may magandang dulot sa kanilang buhay at

alam nilang ito yung karera na gustong-gusto nila. Naniniwala si Tuchel na

dapat pinag-iisipan ng mabuti ng mga mag-aaral ang pagdedesisyon sa pagpili

ng karera dapat itong maging maliwanag upang alam nila ang mga dapat na

gawin. Sinabi rin ni Tuchel na ang kapaligiran ay may malaki ring epekto sa

pagpili ng karera ng mga mag-aaral. Ang mga mag-aaral ay may ugali na mas

nanaisin nalamang nilang manatili sa kanilang kabahayanan o magtrabaho na

lamang (B.J. Tuchel, personal communication, 2002).

Sa paaralan ng Lyceum of the Philippines University sa Pilipinas, ang

mabuting karera kadalasan ay nagde-depinde sa kung paano mapanuring

mag-isip at masigasig na tagamasid ang isang mag-aaral at kung paano nila

maipagpatuloy ang kanilang kurso sa kolehiyo. Kadalasan sa kanila ay nalilito

parin at hindi pa nakakapag-desisyon tungkol sa kung ano ang pinakamabuting

kurso ang kanilang kukunin sa pagtatapos. Kadalasan sa kanila ay umaasa


2

lamang sa desisyon ng mga taong kanilang pinagkakatiwalaan, sa mga guro at

sa kanilang mga kaibigan. Ang iba naman ay naiimpluwensyahan sa kanilang

kauri at kamag-anak, kapaligiran at kultura kung saan sila nabibilang, ang pag-

uugaling kanilang angkin at ang personal na mga rason na kaugnay sa kanilang

interes patungo sa antas ng programa (Ramirez & Dizon, 2014)

Sa local na pag-aaral, ang mga mag-aaral ay nararapat na makakuha

ng imahe para sa kanilang mga hinahangad at inaasahan. Ayon naman sa

teorya ng Vocational Development ang mga mag-aaral ay nararapat na; una

may kamalayan sa mga pangangailangan sa isang karera. Kayat sa mga

magtatapos na mga mag-aaral ay kinakailangan na sila ay matalino sa

paggawa ng isang desisyon.

Nais maisagawa ng mga mananaliksik ang pag-aaral na ito upang

malaman kung paano magdesisyon ang mga senior high na mag-aaral sa

pagpili ng kani-kanilang tatahaking karera sa buhay.

Karamihan sa mga nagsasagawa ng pananaliksik patungkol sa

pagdedesisyon sa pagpili ng karera na tatahakin ng mga senior high na mga

mag-aaral sa kanilang pagtatapos ay naiiba ang pananaliksik na ito dahil sa

layunin nitong masukat ang pag-iisip ng mga senior high na mag-aaral na kung

saan ay magsasagawa ng di-karaniwang pagpaplano o ng mga di-karaniwang

desisyon na may dalang malaking impak sa kani-kanilang sariling pag-unlad sa

buhay.
3

Layunin ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa retorika at katotohanan sa likod ng

mga senior high: pagpili ng karera ng mga mag-aaral. Ito ay isang pamantayan

sa pagkuha ng karagdagang impormasyon sa kung ano ang nais ng mga senior

high na mga mag-aaral sa kanilang pagtatapos. Sa kabuuan, layunin ng pag-

aaral na ito ay upang matukoy kung ano ang nais nilang tahakin sa buhay, sila

ba ay magpapatuloy sa pag-aaral o papasukin ang landas ng kaligirang

paghahanap-buhay.

Mga Katanungan sa Pag-aaral

Ang mga pangangailangang ito ay upang malaman ang mga

kadahilanan na nakakaapekto sa pagpili ng karera ng mga senior high na mga

mag-aaral ay ang pagbibigay puwersa sa pag-aaral na ito. Sa partikular, ito ay

naglalayong sagutin ang mga sumusunod na mga katanungan:

1. Ano-ano ang mga perspektibo ng mga senior high sa pagbuo ng desisyon

sa pagpili ng kanilang karera?

2. Paano nila tinitingnan ang mga perspektibo sa pagpili ng karera?

Teoritikal na Pananaw

Isa sa mga pinakamahirap na desisyon na gagawin ng isang magtatapos

na mag-aaral ay ang pagdedesisyon sa kung anong karera ang nais niyang

tatahakin. May mga mag-aaral na namulat sa mundong ito na alam na kung

ano ang gusto nilang gawin sa buhay. Ito yung mga mag-aaral na gagawin ang

lahat maabot lamang nila ang kanilang pinapangarap. Gayunpaman, may mga
4

mag-aaral din na nabibilang sa ibang landas na kung saan di nila kayang

kontrolin. Ang pagpili ng karera ay isang salik na dapat tugma sa interes ng

mga mag-aaral at alam nila na meron silang ganitong katangian. Karamihan sa

mga mag-aaral ay pumipili ng kanilang pangunahing medyor batay sa kanilang

pang-akademikong kakayahan. At mayroon ring ibang mag-aaral na may

kakayahan sa paghawak ng isang medyor at pumili ng isang karera na kung

saan ito ang magiging gabay nila patungo sa pagsasagawa ng desisyon sa

pagpili ng tatahaking karera na nangangailangan ng karagdagang pag-aaral

(Beggs et al.,2008).

Karamihan sa mga mag-aaral ngayon ay mas nasisilaw sa isang trabaho

na kung saan sila ay kumikita dahil sa kahirapan ng kanilang pamumuhay na

hindi na kayang matustusan ang kanilang pangangailangan sa edukasyon

kayat mas pipiliin nalang nila ang magtrabaho kaysa ang ipagptuloy ang

kanilang pag-aaral. Gayunpaman, may mga mag-aaral parin na tinutuloy ang

pagkamit ng kanilang mga pangarap sa buhay (Mcglynn,2007).

Maraming mag-aaral ang naniniwalang ang komportableng pamumuhay

ay nangangailangang maging matipid at matatag. Kapag ang isang mag-aaral

ay naghahanap ng mga medyor o landas ng karerang pagpipilian ay mas

hinahangad nila ang may malalaking sahod sa isang trabaho o kayay

naghahanap sila ng trabaho na kung saan ay kabilang dito ang sekuridad.

Kasama na dito ang kanilang katatagan sa isang karera, ang ibang mag-aaral

ay kadalasang tinatanaw ang kinabukasan sa pagreretiro. Sinisigurado ng mga

mag-aaral ang kanilang panghabang-buhay na kaligtasan at tinatanaw nila ang


5

isang karera na kung saan ay may benepisyo na makakatulong sa kanilang

mahabaang paglalakbay (Wildman at Torres, 2002).

Ang pagsasagawa ng mga desisyon ay isa sa pinakamahirap na gawain

sa buhay ng isang indibidwal. Ito ay isang magulong proseso na may

kaugnayan sa pananaliksik ng mga impormasyon at proseso na maiintindihan

ang mga pagpipilian na magagamit (Rice & Dolgin, 2000). Ito ay sa panahon

ng pagbibinata na ang pangangailangan ng isang indibidwal ay ang paggawa

ng pinakamahalagang desisyon at iyon ay ang pagpili ng karera (Rice & Dolgin

2000). Sa panahon ng kanilang pagiging senior high, hinaharap ng mga mag-

aaral ang dilemma kung ano ang kanilang gustong gawin sa kanilang

pagtatapos: ang pagpapatuloy ng pag-aaral sa kolehiyo, at pagkatoto sa

technical-vocational na programa o ang agad-agad na pagpasok sa

pagtatrabaho. Anumang gawing pagdedesisyon ng mga senior high na mag-

aaral patungkol sa karera, ay napakahalagang malaman ang mga prosesong

kanilang tinatahak. Ang pagtataya sa paggawa ng tamang desisyon ay ang

kanilang pisikal, mental, at emosyonal na mga katangian. Kayat, ito ay hindi

maiiwasang sila ay makakapili ng trabaho na kung saan ay mas nababagay

para sa kanila.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang resulta sa pag-aaral na ito ay makapagbibigay ng malaking ambag

sa mga sumusunod:

Para sa mga guro ang pag-aaral na ito ay nakapaghahatid ng mga

impormasyon, upang mabigyang tugon ang suliranin hinggil sa mga senior high
6

na mga mag-aaral sa kanilang hinaharap na suliranin sa pagsasagawa ng mga

desisyon sa dalawang landas: ang pamimili at ang kanilang adhikain. Kailangan

nila itong mabatid upang matugunan nila ang pangangailangan ng mga mag-

aaral at mapapayuhan ng tama ng mga guro ang mga senior high sa kung ano

ang mas nakakabuti at mas nababagay para sa kanila ayon sa kanilang

kakayahan at personalidad.

Para sa mga mag-aaral ang pag-aaral na ito ay upang masuri ng tama

ng mga mag-aaral ang kanilang gagawing pagdedesisyon sa kanilang

pagtatapos, kung ano ang pipiliin ng mga senior high na mga mag-aaral, kung

sila ba ay magpapatuloy sa pagkokolehiyo o ang agad na pagsalang sa

pagtatrabaho. Makakatulong ang pag-aaral na ito para sa mga mag-aaral sa

kanilang gagawing pagdedesisyon sa buhay o ang mga pagpaplanong

kanilang haharapin sa pagpili ng karera na makakabuti para sa kanilang

magandang kinabukasan.

Para sa mga mananaliksik ang pag-aaral na ito ay upang madagdagan

ang kaalaman ng mga mananaliksik patungkol sa pagsasagawa ng tamang

desisyon para sa ikakaayos ng kani-kanilang kinabukasan. Ang pag-aaral din

na ito ay nakakadagdag ng karansan sa pagpaplano at ito rin ay isang paraan

upang mas lalong maunawan ang kahalagahan ng tamang pagdedesisyon sa

buhay. At upang magkaroon ng sapat na kaalaman ang mga mananaliksik kung

gaano ang kahalaga ang bawat desisyong kanilang tatahakin bilang isang tao

na ninanasa ang tinatawag nating pagtatagumpay.


7

Katuturan ng mga Katawagang Ginamit

Para sa lahat ng mga layunin ng mga pananaliksik na ito, ang mga

sumusunod ay kailangang maintindihan:

Retorika. Masining na pagpapahayag na may epektibong paggamit sa wika sa

mga diskursong pasulat o pasalita. Sukatan ng pagiging epektibo nito na

maitawid ang tunay na kahulugan ng pahayag at mahikayat na maniwala ang

mga tagapakinig at mambabasa.

Katotohanan. Mga bagay na talagang umiiral o talagang nangyayari. Isang

kalidad o istado ng pagiging tunay.

Karera. Pagtatangka ng trabaho sa isang makabuluhang panahon sa buhay

ng isang tao at ang pagkakaroon ng mga pagkakataon sa pag-unlad. Matulin

na paglipat at walang pigil na paraan sa tinutukoy na direksiyon. Pagtugis sa

magkakasunod na pag-unlad lalong lalo na sa pampublikong pag-unlad,

pampropesyonal, o kayay sa pagnenegosyo/pagtatrabaho.

Lawak at Saklaw

Ang pag-aaral na ito ay nakabatay sa mga mag-aaral na nakaranas ng

ibat ibang suliranin sa pagsasagawa ng desisyon at maging sa kanilang

kahusayan sa pagpaplano sa kanilang pipiliin karera sa kanilang pagtatapos sa

senior high na mga mag-aaral. Dahil dito, ang pananaliksik na ito ay

nakadisenyo upang tiyakin ang pananaw, persepsyon at saloobin ng labing-

apat (14) na mga mag-aaral na senior high na nakaranas ng pagkalito sa

kanilang pipiliing karera. Sa madaling salita, ang layunin ng penomenolohikal


8

na pag-aaral na ito ay hindi upang mas lalong lituhin ang mga mag-aaral kundi

upang mabigyan ng wastong pagpapayo ang mga mag-aaral sa kanilang mga

nararapat na gawin at magsiyasat sa may mga karanasan patungkol sa pagpili

ng karera at ang mga pamamaraang gagamitin para sa mas maayos na

pagdedesisyon upang makamit ang tagumpay, kaunlaran at maiwasan ang

pagsisisi.

Bagamat sinubok ng mga mananaliksik na makamit ang layunin,

lumabas na mayroong hindi maiiwasang limitasyon na dapat isaalang-alang.

Ang mga ito ay sa mga mag-aaral na hindi gustong ibahagi sa mga

mananaliksik ang kanilang mga perspektibo sa pagbuo ng desisyon at hindi

bukas ang kanilang kaluoban na malaman ng iba ang kanilang sinapit at kung

paano nila ito napagdesisyonan. Dahil sa takot at kawalang tiwala, nahihirapan

ang mga mag-aaral na pumayag na panayamin at itoy maging posibleng

kahinaan ng aming pananaliksik.

Organisasyon ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay na oorganisa sa mga sumusunod na kabanata:

Kabanata 1. Pagpresenta sa mga sitwasyon at patunay sa pag-aaral na

kung saan ang mananaliksik ay sumipi ng mga sitwasyon, halimbawa, rason

kung bakit kinakailangan magkaroon ng pag-aaral. Ang layunin ng pag-aaral

na ito ay sinasaklaw ng mga hangarin. Mayroong tatlong katanungan na

kailangan ng kasagutan sa pamamagitan ng mga kalahok. Naka paloob rin

dito ang mga katuturan ng mg katawagang ginamit, lawak at saklaw pati narin

ang organisasyon.
9

Kabanata 2. Binubuo ng mga ideya at ibat ibang artikulo na may

kaugnay sa pamagat. May ilang komento, suhestiyon, at pananaw sa pagpili

ng landas ng mga senior high na mag-aaral.

Kabanata 3. Nagtatanghal ng mga disenyo ng pananaliksik na kung

saan ang mga mananaliksik ay may penomenolohikal na pag-aaral. Ang papel

ng mananaliksik ay magkaroon ng panayam sa mga mag-aaral upang marinig

at malaman ang kanilang saloobin o pananaw hinggil sa paggawa ng desisyon

sa pagpili ng karera.

Kabanata 4. Ipapakita rito ang resulta kabilang na ang mga kalahok at

mga katunungan na ginawa. Sa kabanatang ito ay tinatalakay ang ibat ibang

tema mula sa ibat ibang sagot na ibinahagi sa mga impormante. Dito ay

ipinapakita ang talaan ng mga detalye na sumasalamin sa pangkalahatang

sagot ng mga kalahok. Bukod dito ito ay buod ng mga kasagutan sa

pakikipanayam sa mga taong kasangkot sa pag-aaral.

Kabanata 5. Ipinapakita ang talakayan at konklusyong nagpapaliwanag

ng sagot ng mga kalahok. Ito ang pagbubuod ng mga resulta mula sa

nakipanayaman sa mga taong nasangkot sa pag-aaral sa tulong ng ibat ibang

awtoridad. Bukod dito, ito ay malinaw na may implikasyon sa pagsasanay sa

hinaharap at ang konklusyon na mensahe ng mananaliksik. May isang

apendiks kasama ng mga kopya ng pakikipanayam at porma para sa pahintulot

at iba pang impormasyon. Kahit na ang mananaliksik ay susubukin upang

maabot ang kanilang layunin, may ilang hindi maiiwasan na sitwasyon na dapat

isaalang-alang.
10

Kabanata 2

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Ang kabanatang ito ay sumusuri sa literatura na inilarawan sa mga mag-

aaral para sa proseso sa pagpili ng karera. Ang katawan ng panitakan ay

nasusuri sa dami ng nasasakupan nito. Samakatuwid, itong pagsusuri ng

panitikan ay nakatutok sa kung paano makakatulong ang kapaligiran sa mga

mag-aaral para mahanap ang kanilang sarili at humantong ang mga ito sa isang

partikular na direksyon, ang ikalawa ay kung paano ang pagkakataon na

maaaring makaimpluwensya sa pagpili ng karera ng mga mag-aaral at ang

pag-unawa ng bawat personalidad ay maaaring tumutukoy tungo sa proseso

sa pagpil ng karera.

Nabanggit na ang pagpili ng isang karera ay isang komplikadong

desisyon para sa mga mag- aaral dahil dito nakasalalay ang malaking

pagpapasya kung anong uri ng propesyon ang balak nilang ituloy sa buhay.

Sinabi rin ni Edward na habang nasa sekondarya pa lamang ang mga mag-

aaral ay kinakailangan ng pumili o mag-isip ng tatahakin nilang landas sa

hinaharap upang maihanda nila ang kanilang mga sarili sa mga problemang

kaagapay nito.

Mahalaga para sa mga mag-aaral na malaman kung anong karera o

landas ang kanilang tatahakin. Ang mga mag-aaral ay hindi dapat makulong

sa isang oppurtunidad at hindi dapat sila huminto sa panunubok ng ibang

pagkakataon. Kung walang pagkakataon ay kinakailangan nilang gumawa ng

paraan upang magkaroon sila ng pagkakataon sa buhay (Edward 2011).


11

Karamihan sa mga tao ay naiimpluwensyahan sa karera na pabor sa

kanilang mga magulang upang maiwasan ang hindi pagkakaintindihan sa

tahanan. Ang mga bata ay maaaring pumili sa kung ano ang gusto ng kanilang

mga magulang para sa ikasisiya ng mga ito. Isa ito sa mga ikinalilito ng mga

kabataan sa kung bakit ang pananaw ng mga magulang para sa kanila ay isa

paring bata na walang kakayahan sa pagsasagawa ng sarili nilang desisyon sa

buhay. At sa ganitong pangyayari, ang isang indibidwal ay mapapasok sa hindi

hustong karera (Hewitt 2010).

Ang pagpapayo sa mga mag-aaral patungkol sa karerang pipiliin ay

nagbibigay ng kaugnayang impormasyon tungkol sa ibat ibang karera. Ito ay

isang proseso ng pagtulong at pagpapagana sa isang mag-aaral sa kanyang

pag-unlad.

Ang pagpapayo patungkol sa karera ngayon ay mas lalong pinataas sa

pang edukasyon, ang pagpapayo patungkol sa karera ay kasangkot dito ang

tatlong hakbang na: pansariling-pagsusuri, pagsusuring pang propesyonal, at

tunay na mga pangangatwiran o pagpapayo na may kaugnayan sa personal at

mga pangpropesyonal impormasyon.

Ang mga mag-aaral ay nararapat na pumili ng tamang karera na

bumabasi sa kanilang kapasidad, pag-uugali at interes para sa ikakaayos at

ikaka-unlad ng kanilang buhay (Francis,2010).

Ang pagpili ng karera ay hindi madali. Sa katotohanan ang

pagtatrabaho ang pinakasentrong gawain sa buhay ng isang tao at ito ay hindi

lamang simpleng nangangahulugang para magkapera upang mabuhay kundi


12

pati narin sa ikakasaya ng isang tao. Ang isang mag-aaral ay

nangangailangang tumanaw ng mga posibleng kadahilanan na makakaapekto

sa kanilang pagsasagawa ng mga desisyon.

Kailangan nilang pumili ng karerang nababagay sa kanilang kakayahan

at abilidad sa kung saan nila gustong sumali. Kung talagang sila ay may pinag-

aralan, ay may pagkakataon kang magkaroon ng mabuting kinabukasan at

silay magiging handa sa pagharap sa mundo ng pagtatrabaho para sa ikaka-

unlad ng kani-kanilang mga buhay (Francis, 2010).

Ang pagpili ng landas ay isang malaking bahagi buhay sa isang tao. Ang

karera na pipiliin ng mga mag-aaral ay makakaapekto sa kung paano sila

mamumuhay, napakaraming mag-aaral na nagpatuloy sa pag-aaral ng

kolehiyo nang hindi alam kung ano ang karerang kanilang gustong tahakin.

Bago paman pumili ng landas sa pagkakarera ang mga mag-aaral ay

nangangailangan munang may karanasan sila sa naturang karera at ang mga

kasangkot nito (Thiesse, 2012).

Ang proseso sa pagpili ng karera ay nangangailangan ng mataas na

panahon para sa ibang tao. Karaniway, nangangailangan ng pag-iisip at

seryusong pagkonsidera sa iilang kadahilanan dahil sa huliy baka mapadpad

lamang sila sa trabahong hindi nila pinapangarap.

Sa katotohanan ay lahat naman siguro ay naghahangad ng kasaganaan

sa buhay. Hindi dapat na minamadali ang pagdedesisyon sa pagpili ng karera

at dapat rin na maging maingat upang maiwasan ang pagkakamali. Dahil sa


13

mapag-intinding pagpili ng isang kareray matutukoy ang kinabukasan ng isang

tao (Francis, 2010).

Karamihan sa mga mag-aaral ng sekondarya ay kinakailangan ng ilang

paghahanda bago sila maging handa sa pagtatrabaho at ang pagpaplano ay

kinakailangan ng pangmatagalang pag-iisip bago magsimula sa karerang

napili. Kasama na rito ang pagkuha ng mga teknikal na kurso pagkatapos ng

sekondarya o bago matapos sa pag-aaral, sa pagpasok sa kolehiyo para

makakuha ng sertipiko o isang degree. Sa pagpili ng karerang tatahakin ay

kinakailangan talagang pinag-iisipan ito o pinaghahandaang mabuti (Elka

Torpey, 2015).

Ang kahalagahan ng seryusong pagpaplano o kayay sa pagpili ng

bokasyonal lalong lalo na sa mga mag-aaral na ang desisyon ay nakabasi

lamang o dahil sa impluwensya ng kanilang mga magulang, kamag-anak, at

mga kaibigan na siyang nagbilin ng problema sa pagpili sa kung ano ba talaga

ang gusto nilang mangyari sa kanilang buhay (Francis, 2010).

Ang mga kaibigan, guro at magulang ng mga mag-aaral ay isa sa mga

nakakaapekto sa mga mag-aaral sa pagpili ng isang karera. Gusto ng mga ito

na ang mapiling karera ng mga anak, kaibigan o mag-aaral nila ay yung alam

nila namalalagay ang mga ito sa magandang buhay at makakabenipisyo sila

sa karera na kanilang napili (Herren et al, 2011).

Sinusuri ang mga katanungan sa mga adhikaing hindi nahahanay. At

tinutukoy nila ang malaking grupo ng mga tinedyer na may edad na labing-anim

na nagtapat ng lunggating karera na nangangailangan ng mataas na lebel na


14

kakayahan kaysa sa kanilang inaasahang makamit, o ilagay sa ibang landas,

ang mga kabataan na epektibong minamaliit ang edukasyon na

nangangailangan para sa kanilang pinapangarap na propesyon.

Ang mga tinedyer na hindi tiyak sa kanilang lulunggating karera sa edad

na labing-anim ay ikinukontrola nila ang kanilang akademikong mithiin, ang

pakikipagkapwang karanasan at ang pampamilyang kalagayan (Yates and

Colleagues, 2010).

Ang pamamatnubay sa karerang pipiliin ang pinakasentrong tungkulin

sa sistema ng pagkatuto sa pamamagitan ng pagpapataas ng kompromeso sa

isang indibidwal sa may pag-aaral, sa pagsasagawa ng malinaw na daan sa

pamamagitan ng pag-aaral at pagtatrabaho, at sa pagsuporta sa pagtamo ng

kakayahang makapamamahala ng isang karera para sa ikakabahala ng buhay,

pag-aaral, at pagtatrabaho (ELGPN, 2014).

Ang pagpaplano ng karera ay tumutukoy bilang tao sa kanilang kurso o

kayay sa kanilang pag-unlad sa buhay. Ang pagpaplano ng karera ay

mahabaan at tuloy-tuloy na proseso sa pagsulong sa karanasan. Mga gawain

at aksyon para sa mga manggagawa na makamit ng isang indibidwal ang

kanyang mga layunin sa pagsulong ng karera. Ang pagpaplano ng karera at

pagsulong nito ay proseso sa pamamahala sa buhay, pag-aaral at

pagtatrabaho.

Ito ay isang paglalapit upang matugma sa isang layunin. Isang proseso

ng pag-aaral. Isang paparating na proseso na kung saan ay masisiyasat at


15

malalaman ang interes at abilidad, madiskarting pamamaraan para sa iisang

layunin sa karera, paggawa ng matagumpay na kinabukasan sa pagtatrabaho.

Sa pamamagitan ng tamang pagpaplano sa isang karera ang

pamamahala ay maaaring makapagpasaya sa malusog na pagsuporta sa

dagdag na pagbuo at layunin at tuloy-tuloy na malaman ang pananaw sa mga

pagkakataon para sa kinabukasan (Hanis et al, 2012).

Sa ibang punto naman ang pagpaplano ng karera minsan, ito ay

sinadyang proseso upang malaman mo kung sino kaba talaga at nang

masigurado mo kung saan kaba talaga nababagay o kung ano ba talaga ang

gusto mong mangyari sa iyong kinabukasan (Pagsoligan, 2012).

Ang pag-aaral na kung saan diskusyunin ang pamamatnubay sa pagpili

ng karera ang pangunahing nag-aalala sa isang indibidwal na mag alok

malaking tungkulin sa lipunan at ekonomiyang benepisyo. Ang pamamatnubay

at pagpaplano ng karera ay pangunahing pag-aalala rin sa hangad at sa

potensyal ng isang indibidwal. Ito rin ay may malaking kinalalabasang ambag

sa pagpuporsige ng isang indibidwal na nakakaimpluwensya sa kinalalabasang

numero ng una at pangalawang na kung saan sa huli ay makakalamang sa

pangekonomiyang benepisyaryo (Doland Hooley, 2015).

Ang patunay ay malinaw na ipinapakita na ang pagpaplano at

pagpapatnubay sa karera ay may matibay na benipisyo na galing sa ekonomiya

sa pamamagitan ng pagsuporta sa isang indibidwal na mapalago ang kanilang

kapasidad na mauwi sa pag-ambag na makakalago sa isang trabaho,

kasanayan, at pagpapalaki. Kaya, lahat ng publiko at pribadong sektor na


16

organisasyon ay nararapat na may malaman na pananaw sa kahalagahan ng

pagpaplano at pamamatnubay sa isang karera nang sa ganoon ay

makakalibang ang mataas na benipisyo na ayon sa nakatala sa itaas (Doland

Hooley, 2015).

Sa kanyang pag-aaral patungkol sa pagpapa-unlad ng karera ay

gumagamit ng katawagan na pamamahala ng karera para sa pagpaplano at

sinuri ito na isang proseso na pagpapagana sa mga mag-aaral na mas

maintindihang maayos at mapa-unlad ang kanilang kasanayan at interes at ang

paggamit ng kakayahan at interes nito sa mas epektibo (Rehmdil, 2012).

Sa pagpaplano ng karera ay sinisiguro ang organisasyong layunin

nitong masiguro ang trabaho para sa mga mag-aaral at masiguro na nakatuon

dito at aktibong makikilahok. Isa ito sa pinaka-ubod na responsibilidad sa

pamamahala sa isang lugar na talagang tuloy-tuloy sa pagtatrabaho sa

pagpaplano at upang masiguro ang mga mag-aaral sa pamamagitan

ngpagsiguro sa kanilang tatahaking trabaho. Sa kasalikuyang nakakapagod na

paligsahan at hamon, ang indibidwal ay nangangailangang mapa-unlad ang

kanilang pagtatarabahoan upang sila ay maihandang makatayo sa mahabaang

pagtitipon at hamon (Antoniu, E., 2010).

Ang pangangatwiran sa kabila ng retorikang kapaligiran na ang

kasanayan ay mas gaanong mahalaga, ang gusto nila ay makapagtrabaho ang

mga nakapagtapos sa ninanais na pamamaraan. Sa paglalarawan ang

pagtatrabaho bilang proseso, sa ibang salita, ito ay nagbibigay daan sa mga

nagtatapos na kumilala na ang pagtatrabaho ay pansamantalang relasyon na

nanggaling sa kung saan ang isang indibidwal ay maghahanap ng


17

pagtatrabahuan at papasok sa negosasyong mayroong tagabantay na syang

gumagawa ng mga desisyon. Nararapat na ang mga mag-aaral ay pumili ng

isang karera na angkop sa kanilang kakayahan at kaalaman (Korir, 2012).

Upang maisaayos ng tama at handa ang mga nagtatapos sa kanilang

mga proseso o pamamalakad, ang mga unibersidad ay nangangailangang

matulongan ang mga mag-aaral na mapa-unlad ang kanilang mga

pamamaraan sa pakikisalamuha sa kanilang mga kapwa, katrabaho sa

pamamagitan ng demostrasyon na kung saan sila ay kampanting gumaganap

sa kanilang ninanais na gampanan na kung saan ay kinakailangan sa kanilang

pamamalakad (Holmes, 2001: 2011).

Ito ay isang kasangkapan na maaaring makapagbigay ng isang

pahiwatig sa kung ano ang trabahong tugma sa interes at kakayahan ng mga

mag-aaral at sa kung ano ang karerang angkop para sa kanila. Ang pagpili ng

isang karera ay mga kasangkapan na idinisenyo upang makatulong sa mga

mag-aaral ng sekondarya na maunawaan ang ibat ibang personal na

katangian nito (hal. Interes, kahalagahan, mga kagustuhan, pagganyak,

kaangkupan at kakayahan) dahil makakaapekto ito sa kapasidad nilang

magtagumpay at kasiyahan nila sa ibat ibang karerang pagpipilian pati na rin

sa trabaho. Ang mga ito ay kasangkapan na idinisenyo upang matulungan ang

mga indibidwal na makakuha ng isang mabuting pang-unawa tungkol sa

kanilang sarili, palawakin ang pagpipiliang karera (Alison, 2014).

Bawat sitwasyon ay kumakatawan sa pagsubok ng mga mag-aaral kung

ang pipiliing landas ay pagtratrabaho o pagpapatuloy sa pag-aaral kaugnay nito

ang kanilang mga ginagampanan na tungkulin sa pagdedesisyon. Dahil ang


18

pagtatrabaho ay nakasentrong layunin sa buhay ng mga mag-aaral, magiging

matagumpay lamang ang isang mag-aaral kung pursigido itong tapusin ang

kanyang pag-aaral sa kolehiyo (Swanson, 2012).

Karamihan sa mga mag-aaral na may edad na 16 hanggang 18 ay

nagpapakita na ang Senior High School sa ibat ibang unebersidad ay

mayroong mga kabataan tulad ng mga mag-aaral at nangangailangan ito ng

mahusay na gabay para maging responsable sila sa pagpili ng landas na

makakapaglapit sa kanila sa magandang hinaharap (Zunker, 2010).

Ang pagpili ng mga mag-aaral ng isang karera ay naapektuhan sa ilang

mga kadahilanan katulad ng mga personal at kultura na pagpapahalaga,

karanasan ng pamilya, mga inaasahang karera at gabay na karera (Muraguri,

2011).

Ang pinabilis na pagkatuto ay isang istratehiya upang paikliin ang oras

ng mga may katandaan na nangangailangan ng gastusin sa pag-unlad ng

edukasyon at bokasyonal na pagsasanay upang makakuha ng kakayahan na

kailangan upang bumuo ng mga karera. Maraming mga eksperto ang

nagmungkahi na ang pagpili ng karera ay dapat iklian ang oras sapagkat ito ay

kailangan upang makumpleto ang mga bahagi sa pagsasanay sa pamamagitan

ng mga kurso o kurikular na pagbabago ng disenyo (Endel et al., 2011).

Pinipili ng mga mag-aaral na magpatuloy sa pag-aaral sapagkat gusto

nilang madagdagan ang kanilang mga kaalaman sa kursong kanilang pipiliin at

upang maging matagumpay sila sa kanilang buhay (Atchoarena 2005; Waudo

2008, Nykanen, 2010).


19

Ang porsyento ng mga mag-aaral ay nakatala sa kolehiyo nang direkta

pagkatapos ng senior high school ay nadagdagan sa loob ng nakaraang ilang

dekada mula sa animnapu't walo (68) sa 90 noong 2010) na nagpatuloy sa

kolehiyo, isang mababa ang porsyento ng mga mag-aaral ay makakatanggap

ng isang degree na sa loob ng anim na taon (Aud et al., 2012).

May mga mag-aaral na nakapagtapos ng sekondarya subalit hindi

nakapag-aral ng kolehiyo sapagkat karamihan sa mga ito ay mula sa hindi

mayamang pamilya at ang pag-aaral ay pasanin lamang sa kanila kaya't pinili

na lamang nilang magtrabaho para makapag-ipon at makabalik sa pag-aaral.

Subalit marami sa mga ito ang nagbabago ang isip tungkol sa pagpapatuloy sa

pag-aaral.

May mga mag-aaral na pagkatapos ng pag-aaral sa sekondarya ay

mapagtanto na lamang nila na ang pag-aaral ay hindi nila kasiyahan at

samaktuwid ay hindi na lamang ipagpatuloy ang pag-aaral. Naniniwala ang

ibang mag-aaral na ang pagkakaroon ng mataas na edukasyon ay magiging

karapat dapat sa isang napakagandang trabaho samakatuwid inaalis na

lamang nila ang ganitong ideya sa kanilang mga isipan. Meron ding mga mag-

aaral na kumuha ng mataas na edukasyon sapagkat naakit sila sa mga inaalok

ng paaralan (Siddharth Roy, 2014).

Naobserbahan ng isang teorista na ang mag-aaral ay hindi maaaring

pumili ng trabaho na wala silang nalalaman o pinag-aralan. Kalimitan maraming

trabaho na hindi kilala ng mga mag-aaral na kung saan magpapatuloy sila sa

pagkokolehiyo ay matutuklasan nila ang isang naaangkop na trabaho na


20

naaayon sa kanilang kakayahan at katalinuhan sa pagdedesisyon sa pagpili ng

tumpak na hanapbuhay (Henry, 2011).

Sa pagpapa-unlad ng karera, ang mga tagapayo ay may malaking papel

na kagaya ng pagpapayo sa mga mag-aaral patungkol sa kanilang mga

kakayahan sa pagtatrabaho, ang pagtuturo, panghihikayat, pagsangguni, at

pagpapakilala, pagganyak, at pagpapalawak sa perspektibo patungkol sa

paglipat ng kakayahan at interes, at ang pagsaalang-alang sa direksiyon sa

pangkinabukasang karera (Osakinle, 2010).

Ang personalidad ay mahalaga rin sa pagpili ng karera. Sa pag-aaral na

ito ay ipinapakita ng mga mag-aaral kung paano sila pipili ng mayoryang

angkop sa kanilang personalidad. Ang pagtitiwala na meron ang mga mag-

aaral ay nakatutukoy sa kung gaano kalayo ang mararating ng kanilang

kaalaman at kakayahan. Ang mga mag-aaral na naniniwala sa kanilang sarili

ay malayo ang mararating embes na makontento sa isang bagay na

maginhawa.

At ang pananaliksik na ito ay tungkol sa ginagampanang papel ng mga

kabanalan at relihiyon sa pagpili ng karera ng mga mag-aaral, bagamat

limitadao ang saklaw nito sa pagmumungkahi ng mga kadahilanang nauugnay

sa positibo at kanais-nais na kinalabasan tulad ng pagdedesisyon sa pagpili ng

karera. Maraming mag-aaral ang may espirituwal o relihiyong may

pananampalataya na gumaganap sa isang kritikal na proseso sa

pagdedesisyon (Mihyeon, 2009).


21

Ang pamamahala at pagpaplano ng karera ay may kaunting posibilidad

kung walang pagkonsedira sa mga sumusunod na katangian. Ang pagtuturo sa

pagtatrabaho at sa kapaligirang gawi, paglinaw sa mga layunin, pag-iingat sa

harap ng mahabaang pagpaplano upang magtagumpay, ang pagtatrabaho ay

nangangailangan ng kakayahan at ang pagtatrabaho sa departamento ng

kanilang interes ay sa huli ay mapa-unlad ang kanilang kagalingan at

masisiyahan silang matagalan sa pagpapanatili sa kanilang trabaho (Hirsh,

1996; Merchant, Jr. 2010).

Samakatwid, ang organisasyong talagang may pag-aaruga at may

kamalayan sa kanilang kahalagahan sa kanilang kapaligiran ay patuloy silang

enehersisyo upang pataglayin ang kanilang kasiyahan at mga pangako sa

kanilang trabaho sa pamamagitan ng walang pagbabagong pag-aaruga

patungkol sa kani-kanilang mga karera at ang pagbibigay ng sekuriradad sa

kanilang napiling trabaho (Jandhaghi et al., 2011).

Ang mga mag-aaral na talagang may pag-aaruga ay sila talaga yung

mas umudyok at mas may kasiyahan at kaya may kawilihan silang manatili at

mas nakatuon sa nasabing organisasyon (Riveros, A.M., & Tsai, T.S. 2011).

Ang pagpili ng karera ng mag-aaral ay naiimpluwensyahan sa

pamamagitan ng ilang mga kadahilanan mula sa mga sosyal na kapaligiran,

tulad ng mga magulang sila ang nagdedesisyon para sa mga mag-aaral kung

ano ang karerang nararapat nilang kunin (Pafili & Mylonakis, 2011).

Bilang tanda ng paggalang sa mga magulang at sa kultura ng mga

Pilipino, ang mga magulang o mga nakakatanda ang dapat unang kinukunsulta
22

ng mga mag-aaral dahil sila ang pumupuna ng mga babayarin at

pangangailangan ng mga mag-aaral sa pagpasok nila sa kolehiyo (Laguador,

2013).

Ang pagdedesisyon sa pagpili ng mabuting karera at ang paaralan ay

minsay nakadepende kung paano mararamdaman ng mga mag-aaral ang

mundo at ang kanilang kinabukasan. Kadalasan sa kanila ay mayroon lamang

kaunting kaalaman at kamalayan patungkol sa kung paano nila epoproseso

ang mga impormasyon mula personal, lipunan, pangkabuhayan, pampulitika,

espiritwal at sa pangkapaligirang aspeto sa pagpatong sa konteksto at sa

pagsasakatuparan sa pagkakaroon ng matagumpay na propesyon (Pafili at

Mylonakis, 2011).

Binigyang diin rin na ang pagtagpo sa tamang desisyon sa kung anong

propesyon ang tatahakin, magagamit ng wasto ng mga mag-aaral ang kanilang

kakayahan at kaalaman na makinabangan ng wasto ang kanilang karanasan

na makaka-ambag sa pag-unlad at may ibang pag-aaral rin na nagpapakitang

hindi lahat na nakapagkolehiyo ay may intensyong makakuha digri (Koni, Zainal

et.al, 2012).

Ang mga mag-aaral na nakapagtapos sa sekondarya ay maaaring

walang matibay na desisyon sa kung saan sila mag-aaral ng kolehiyo at kung

anong kurso ang kanilang maaaring kunin. Binabalak nilang pumasok sa

kolehiyo na walang malinaw na ideya kung anong karera ang gusto nilang

makamit para sa kanilang kinabukasan. Minsan ay maaaring ikonsidera ng mga

tao ang mga impormasyong natatanggap nila sa kanilang paligid (Ramirez &

Dizon, 2014).
23

Maraming mga kadahilanan na nakakaapekto sa desisyon ng mga mag-

aaral at mga magulang, kung saan maaari itong maging magandang

pagkukunan ng pananaw para sa pribadong mataas na pag-aaral na nag-aalok

ng mga kalidad na serbisyo na angkop sa kanilang pangangailangan, mga

inaasahan at pangangailan ng komunidad (Hrnciar & Madzk, 2013).

Ang pag-aaral na ito ay itinaguyod din ng ibang imbestigador ng sosyal

ng kognitibong impluwensya ng Mexicano at Americanong mag-aaral na ang

pagpili ng karera na kung saan ay inimungkahi na ang mga mag-aaral ay bubuo

ng karerang na kung saan ay may interes at naaalinsunod mahiwatigan ang

kanilang sariling bisa (Flores et al. 2010).

Bilang karagdagan sa pagsama sa pag-unlad ng serbisyo sa programa,

ang mga landas sa pagpili ng karera ay desinyo din upang mahintulotan ang

mga mag-aaral sa pagkakataong makilahok sa parehong pang-edukasyon at

pagtatrabaho (Goldberger, 2005; Jenkins, 2006; Kazid & Leibowitz, 2003;

Estrada, 2010).

Ang ilang mga eksperto sa pagdedesisyon sa pagpili ng karerang

tatahakin ay nagmungkahi ng programang may mas maayos na desinyo at

nakapagbibigay ng pwersa sa pagtatrabaho na kung saan ay plantsado, paunti-

unting hakbang, at maayos na pagkakasunod-sunod ng mga kurso na

humahantong sa sertipikong pang-industriya o kayay lisensya, at o

pampangalawang kredensyal na posisyong ganap sa programa ng


24

pagtatrabaho sa mas mataas na demand na karera (Pleasants & Claggett,

2010).

Malaki ang ginagampanang papel ng tamang pagdedesisyon sa pagpili

ng karera sa buhay at kinabukasan ng mga Senior High na mag-aaral kaakibat

nito ang pagpili ng karerang tatahakin. Sa kabuuan, ang pag-aaral at mga

kaugnay na literatura na natunghayan sa kabanatang ito ay naging batayan

upang mas mapalawak at mapatibay ang mga hinihingi ng pag-aaral sa

pananaliksik. Ito ay naglalayong bigyan ng angkop at konkretong pananaliksik.

Ang nakatala sa itaas ay nagbibigay sa mga mananaliksik ng kaalaman

para sa konseptwalisasyon ng suliranin ng pag-aaral. Itoy lalong nagpatunay

sa konsepto ng pag-aaral kung saan ipinapahiwatig na ang pagpili ng karera

ng mga senior high na mag-aaral ay hindi birong pagpapasya sapagkat dito

nakasalalay ang kanilang mas magandang kinabukasan.

You might also like