KABANATA III
DESENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK
METODOLOHIYA AT PAMAMARAAN
Ang kabanata na ito ay nagpapayag ng desenyo at pamamaraan ng
pananaliksik, lokol at populasyon ng pananaliksik, kasangkapan sa
paglikom ng datos, at pamamaraan sa pagsusui ng datos.
Sa kabanatang ito matatagpuan ang pamamaraang ginagamit ng mga
mananaliksik, para ng pagpili ng tagatugon, instrumentong ginagamit
pagtitipon ng mga datos sa estedistikal na pamamaraan ng ginagamit.
Masusing pinili ng mga mananaliksik ang mga ginagamit na instrumento at
pamamaraan upang maging mas kapi-pakinabang ang pananaliksik na
isinasagawa.
DISENYO NG PANANALIKSIK
Ang pananaliksik na ito ay gumagamit ng deskriptib kwalitatibo na
disenyo upang matukoy ang mga epekto ng depresyon sa akademik
performans ng mga mag-aaaral sa mataas na paaralang pambansa ng
Isulan. Ang mga datos ay susuriin gamit ang thematic analysis na
pamamaraan ng pagsusuri.
POPULASYON AT MANUNUGON
Ang populasyon at manunugon ng pag-aaral na ito ay lahat ng mga
mag-aaral na nakakaranas ng depresyon sa mataas na antas ng paaralan
ng Isulan. Ang manunugon ay pipiliin gamit ang Snowball Sampling. Ang
Snowball Sampling ay isang uri ng paraan kung saan ang mga
respondante ay magrerekomenda ng bagong respondante para lumahok
sa pananaliksik. Ang mga mananaliksik ay pipili ng dalawampo (20) na
mag-aaral upang maging bahagi ng pananaliksik at maging respondante
28
sa mga tanong na nakalaan.
KASANGKAPAN SA PAG-AARAL
Ang Instrumentong ginamit sa pag-aaral na ito Semi-structured
Questionnaire gumawa ng mga mananaliksik. Ang kasangkapang ito ay
dadaan sa masusi at maingat na pagsusuri ng mga sinasalasay nila ang
kanilang naging karanasan upang malaman ng lubos ang epekto ng
depresyon sa kanilang pag-aaral.
PARAAN NG PAGKALAP NG IMPORMASYON
Ang mga datos ay makukuha gamit ang Semi-structured
Questionnaire na gagamitin sa panayam. Ang masusing panayam sa mga
respondante ay gagawin upang makuha ang mahahalagang impormasyon
at detalyeng kakailanganin upang matukoy ang epekto ng depresyon sa
mga mag-aaral sa kanilang Akademik Performans. Gamit ang Mechanical
at Clerical na instrumentong ay mas maidedetalye nila ang mga epekto ng
depresyon sa kanilang pag-aaral, sa taong nakapaligid sa kanila at lalo na
sa kanilang sarili.
Sa unang hakbang, nagisip ang mga mananaliksik ng mga tanong na
naaayon sa paksa, pagkatapos ay iniwasto namin ang mga tanong upang
matiyak na ang mga ito ay tama. Kumuha din kami ng pahintulot sa aming
guro upang maisagawa na ang aming pag-aaral. Matapos naming
pasagutan sa mga repondante na aming napili ay sunod naming ginawa ay
dinaan sa isang proseso ang datos. Nang matapos pinagisa namin ang
lahat ng mga kasagutan.
29