You are on page 1of 2

KABANATA III

Disenyo at Paraan ng Pananaliksik

Inilalahad ng kabanatang ito ang pangunahing pamamaraan, kagamitan, pinagmulan ng datos


at masusing pagsusuriat paglalarawan sa kasalukuyang pag-aaral.

A. Disenyo ng Pananaliksik

Ang pamamaraang palarawang pagsusuri (descriptive method) ang ginamit sa pag-aaral ng mga
mananaliksik upang makuha ang mga datos na kinakailangan para sa pananaliksik na ito at
idinisenyo para sa mananaliksik tungkol sa isang kalagayan sa kasalukuyan. Ang naisagawang
pananaliksik ay gumamit ng deskriptibong metodolohiya ng pananaliksik. Maraming uri ng
deskriptibong pananaliksik, ngunit napili ng mananaliksik na gamitin ang "Descriptive Survey
Research", na gumagamit ng talatanungan (servey qustion) para makalikom ng mga datos.
Naniniwala ang mananaliksik na angkop nang disenyong para sa paksang ito sapagkat mas
mapapadali ang pangangalap ng datos mula sa respondante.

Limitado lamang ang mga tagasagot sa mga talatanungan, ngunit ang uri ng disenyong ito ay
hindi lamang nakadepende sa dami ng sumagot sa mga talatanungan. kung kaya lubos na
nauunawaan ng mga mananaliksik na nababagay ito sa pag-aaral kung saan maaari ring
magsagawa ng pakikipagpanayam at obserbahan upang makadagdag sa pagkalap ng mga datos
at impormasyon.

Ipinaliwanag ni karl (2017), ang tekstong deskiptibo, ay isang uri ng sulatin kung saan
naglalaman ito ng mga paglalarawan o teknikal na mga detalye. Kadalasang ginagamit na
pagkukumpara ang pagpipinta ng larawan at pagsusulat ng isang deskriptibong teksto. Ang
pagkakaiba nga lamang sa dalawa, hindi larawan ang iginuguhit sa teksto ngunit mga salitang
nagbibigay pagsasalarawan.

B. Instrumento ng Pananaliksik

Sarbey-kwestyuner ang ginamit sa pagkalap ng mga impormasyon. Ipinasagot ito sa


mga 50 respondanteng napili sa pag-aaral. Ito ay ang amingnapili, dahil ang
impormasyong kailangang makalap ay maibibigay lamang ngsariling pananaw ng bawat
respondante, at ang tanging paraan upang malamanito ay sa pamamagitan lamang ng
interbyu o di kaya ng sarbey. Upang makatipidsa oras at makaiwas sa abala, sarbey ang aming
napiling gamitin.
C. Respondante

Ang napiling respondante sa pananaliksik na ito ay ang mga estudyante ng CICT ng NEUST
Sumacab Campus.

D. Tritment ng mga Datos

Ang mga datos na nakalap sa pamamagitan ng sarbey-talatanungan ay isinagawa sa


pamamagitan ng mga sumusunod:

1. Para sa propayl ng mga respondante, ang mga istatistikong ginamit ay naaayon sa weighted
mean.

Formula

Porsyento (%) = Frequency × 100

Bilang ng mga respondante

2. Ang pagitan ng mga sagot ay ayon sa mga sumusunod sa interpretasyon:

Mga Pamimilian Pagitan Berbal na Interpretasyon


1 1.00-1.79 Hindi KailanMan
2 1.80-2.59 Madalang
3 2.60-3.39 Minsan
4 3.40-4.50 Madalas

You might also like