You are on page 1of 4

KABANATA III

METODOLOHIYA
Ang kabanatang ito ay tumatalakay sa mga pamamaraang ginamit ng mga
mananaliksik sa pag-aaral na ito. Nilalaman din nito ang pamamaraan ng pananaliksik,
tagasagot, instrumentasyon, balidasyon, paraang ginamit sa pangangalap ng datos at
ang ginagamit na estadistika sa pananaliksik.
Pamamaraan ng Pananaliksik
Ang pag-aarala na ito ay gumamit ng deskriptibong pamamaraan upang alamin
ang ebalwasyon at balidasyon ng damayan bilang kagamitang panturo sa asignaturang
ekonomiko. Gumamit ito ng talatanungan sa pagtanggap ng mga tagasagot sa
damayan bilang kagamitang panturo. Gumawa rin ang mananaliksik ng panimulang
pagsusulit (pre-test) at panukatang pagsusulit (post-test) na nakapaloob sa kagamitang
panturo.
Balidasyon ng Instrumento
Pagkatapos mabuo ang talatanungan, ang mga mananaliksik ay sumangguni sa
tatlong guro na nagpakadalubhasa at nagtuturo ng asignaturang Ekonokiko sa
sekundarya at kolehiyo para sa mga puna at mungkahi. Ang kanilang pagsusuri ay
ibinatay sa mga sumusunod na pamantayan: tinatanggap, pangangailangan ng
rebisyon at di tinatanggap. Ang resulta ng balidayon ay ipinakita ng mga mananaliksik
sa gurong tagapayo. Matapos ang ilang pagwawasto at pagbabago sa ilang pahayag
mula sa mga puna at mungkahi ng mga nagsuri, ipinagtibay ng tagapayo sa
pananaliksik ang pinal na talatanungan.

Paraan ng Pangangalap ng Datos


Ang mga mananaliksik ay gumawa ng liham-pahintulot sa punongguro ng [SLSU
Highschool (parevise!)] upang humingi ng pagpapatibay na makapagsagawa ng pagaaral sa kanilang paaralan.
Matapos mapagtibay ang pahintulot, nakipag-ugnayan ang mananaliksik sa
departmento ng Ekonomiko upang alamin ang oras ng klase ng pangkat ng mga magaaral na nasa ika-apat na taon.

Ipinaliwanag ng mabuti ng mga mananaliksik sa mga

guro at mag-aaral ang panuto. Pinasagutan ng mananaliksik ang panimulang pagsusulit


upang alamin ang kanilang nalalaman sa asignaturang Ekonomiko. Matapos ang
pasagutan ang panimulang pagsusulit,ipinamahagi ng mga mananaliksik ang
kagamitang panturong damayan upang ito ay basahin ng mga mag-aaral sa loob ng
kalahating oras. Pagkatapos nilang basahin ang damayan ay binigyan ng mga
mananaliksik ang mga mag-aaral ng panukatang pagsusulit upang mataya ang kanilang
natutunan sa damayan.
Pamamaraang Estadistika
Pamamarang Istadistikal

Gumagamit ang mananaliksik ng mga pamamarang istadistika upang


mabigyan ng malinaw na pagsusuri, interpretasyon at pagtataya ang
nakalap na datos.

Upang makuha ang mga:

WM=

4 f +3 f +2f +1 f
N

Kung saan:
WM = weighted mean
f = bilang ng sagot
N = bilang ng tagasagot
Upang malaman ang mahalagang pagkaka-iba ng antas ng kakayahan
ng mga mag-aaral bago at pagkatapos ng pagtuturo ng araling ginagamitan
ng kagamitang panturong damayan, at gagamitan ng:
Scale for Validity
Bilang ng Puntos
4
3
2
1

Scale Points
3.51 - 4.00
2.51 - 3.50
1.51 - 2.50
1.00 - 1.50

Deskiptibong Kahulugan
LT
T
DT
LD

Ang T-Test ay ginamit upang matukoy ang mahalagang pagkakaiba ng


antas ng kakayahan ng mga mag-aaral bao at pagkatapos ng pagtuturo ng
araling ginagamitan ng kagamitang panturo.
t=

Kung saan:
d

= pagkakaiba ng pre-test at post- test

d n
sd

N = bilang ng tagasagot
pagkakaiba

Sd = Standard deviation ng

You might also like