You are on page 1of 4

Rasyunal:

Napakarami ng mga mag-aaral na hindi nakakapagtapos. Nakakapanghinayang itong

isipin dahil marami ang nasasayang na talento na dapat ay nagagamit para sa ating

bansa. Ano ba ang dahilan nito? Ano ba ang mga suliranin na kanilang kinakagharap?

Bakit ito nangyayari? Ang papel na ito ay isang pag-aaral tungkol sa pinaka-komon at

pangunahing suliranin ng isang mag-aaral kung bakit hindi siya nakakapagaral o

nakapagtapos.

Ayon kay Ricardo Reyes, pangulo ng Freedom for Debt Coalition (FDC) “batay sa

Annual Poverty Indicators Survey (APIS) 2010 ng National Statistics Office (NSO) data,

isa (1) sa walong (8) Pinoy, katumbas ng 6.24 milyong Pilipino ang hindi nakakapag-

aral.”

“Base sa Basic Education Information System ng DepEd, 7 sa 10 kabataan ang

nakakapagtapos sa elementarya, habang 5 sa 10 kabataan lamang ang

nakakapagtapos ng high school. Sa data ng Commission on Higher Education (CHED),

sa taong 2010 na 2 lamang sa 10 nakapagtapos ng high school (about 40%) ang

nagtutuloy sa kanilang pag-aaral sa kolehiyo.”


Ipinapakita nito ang bilang ng mga estudyanteng out of school youth sa edad na 13-16

Alam naman natin na nahuhuli ang Pilipinas kumpara sa ibang bansa sa sistema ng

edukasyon, Ito kaya ang dahilan kung bakit hindi nakakapagtapos ang isang mag-

aaral? Ngunit nagsisimula na nila itong baguhin at tinatawag itong K+12 na

kurikulum.Ano ba ang K+12?Ang K ay nangangahulugang Kinder. At ang 12 ay nahati

sa tatlong numero 6-4-2. Katulad ng dati, anim na taon pa rin ang elementarya, ang

kaibahan lang ay sa susunod na lebel na meroong apat na taon. Ito ay tinatawag na

“Junior Highschool” ito ay mula sa Grades 7-10. Samatalang ang Grades 11-12 naman

ay tinatawag na “Senior Highschool”. Ito na ba ang solusyon sa suliranin ng mga mag-

aaral upang mabawasan ang bilang ng mga hindi nakakapagtapos? Paano kung hindi

pa rin bumaba ang bilang ng mga kabataan na hindi nakakapagtapos sa kabila ng

pagbabago ng sistema sa edukasyon


Mahalagang matukoy kung ano talaga ang suliranin ng isang mag-aaral upang

malaman ang puno’t dulo ng suliranin na ito at mamulat ang ating mga isipan sa estado

ng pag-aaral ng mga kabataan sa Pilipinas.

Layunin:

Pangkalahatang Layunin: Malaman ang mga suliranin na kinakaharap ng mga

estudyante sa Pilipinas

Mga Tiyak Na Layunin:

1. Matukoy ang pinakalaganap na suliranin ng isang mag-aaral sa Pilipinas

2. Maihanay ang mga suliranin sa isang hayrarkiya.

Metodolohiya:

Nakatala sa kabanatang/bahaging ito ang disenyo ng pananaliksik, mga respondent ng

pananaliksik, instrument ng pananaliksik at ang tritment ng mga datos na nakalap.

Ang disenyo ng pag-aaral o pananaliksik ay deskriptib-sarbey na gumagamit ng

talatanungan (survey questionnaire) para makalikom ng mga datos dahil angkop ito

para sa paksang ito sapagkat mas mapapadali at mapapabilis ang pangangalap ng

datos mula sa maraming respondente. Ang mga respondente o kalahok sa pag-aaral na

ito ay nagmula sa iba’t ibang taon at kurso ng mag-aaral sa FAITH Tanauan. Kaya sila

ay napili dahil sa may kinalaman sa estudyante ang pag-aaral na isinasagawa at maari

silang makabigay ng kapakipakinabang na impormasyon base sa kanilang karanasan

bilang estudyante. Ang pagaaral na ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng


pagsasarbey. Ang mananaliksik ay naghanda ng isang sarbey-kwestyoneyr na

naglalayong makapangalap ng kinakailangang datos upang masuri at maihanay ang

mga ito. Ang sarbey ay naglalaman ng mga suliranin ng isang estudyante sa Pilipinas at

kailangan nilang piliin kung ano para sa kanila ang pangunahin at pinaka laganap na

suliranin. Ang mga datos o sagot ng mga respondent ay bibilangin at ihahanay mula sa

pinakamarami hanggang sa pinakamaunti. Ang mga mananaliksik ay gagamit din ng

impormasyon na galling sa internet o libro upang mas mapagtibay ang mga resulta.

Inaasahang Bunga:

 Matukoy ang pangunahing suliranin ng isang mag-aaral kung bakit hindi siya

nakapagtapos o tumigil sa pag-aaral.

You might also like