You are on page 1of 2

Ang kaibahan ng pag-iisa-isa at pagsunod-sunod ay ang pag-iisa-isa Paraan ng pag-

oorganisa ng isang tekstong ekspositori, at ang pagsusunod-sunod at Nauuri sa


dalawa, maaring simple at komplikado.Ang pag-iisa- isa o enumerasyon ay tumutukoy
sa tallan o listahan ng mga ideya, katotohanan o detalye tungkol sa pangunahing ideya. Ang
ayos ng mga detalye o ideya ay maaaring magkapalitan na hindi mababago ang kahulugan.
 
Ito ay pinakapangkaraniwang hulwaran sa pag-oorganisa ng teksto. Ang mga impormasyon
ay isa-isang itatala at tatalakayin. Madalas na nakaayos ito nang ayon sa tamang
pagkakasunod-sunod. May mga pagkakataon din na ang isang malawak na paksa ay
hinahati-hati sa mas maliit na paksa at isa-isa itong binibigyan ng pamagat. Madalas ding
gamitin ang pag-iisa-isa o enumerasyon sa mga pagsusulit na obhekatibo kapag ang
proseso o mga hakbang ang hinihingi sa mga aytem.

Ang kaibahan ng pag-iisa-isa at pagsusunod-sunod ay ang pag-iisa-isa Paraan ng pag-


oorganisa ng isang tekstong ekspositori, at ang pagsusunod-sunod at Nauuri sa dalawa,
maaaring simple at komplikado.

              Ang pag-iisa- isa o enumerasyon ay tumutukoy sa talaan o listahan ng mga


ideya, katotohanan o detalye tungkol sa pangunahing ideya. Ang ayos ng mga detalye o
ideya ay maaaring magpalitan na hindi mababago ang kahulugan. Ito ay
pinakapangkaraniwang hulwaran sa pag-oorganisa ng teksto. Ang mga impormasyon ay
isa-isang itala at tatalakayin. Madalas na nakaayos ito nang ayon sa tamang
pagkakasunod-sunod. May mga pagkakataon din na ang isang malawak na paksa ay
hinati-hati sa mas maliit na paksa at isa-isa itong binibigyan ng pamagat. Madalas ding
gamitin ang pag-iisa-isa o enumerasyon sa mga pagsusulit na obhekatibo kapag ang
proseso o mga hakbang ang hinihingi sa mga aytem. 

                            Madalas tayong nagkukuwento ng mga pangyayaring nasaksihan o naranasan


subalit kung minsan hindi malinaw ang paghahatid natin ng mensahe dahil na rin sa kakulangan
ng mga detalye o kaya naman ay napaghahalo-halo natin kaya’t maging ang kausap natin ay
nalilito kung nababago ang mga pangyayari. Ang bawat kuwento ay binubuo ng mga sunod-
sunod na pangyayari: simula, gitna, at wakas. Bawat manunulat ay may kanya-kanya ring estilo
ng pagkukuwento minsan ay pabalik na nagsisimula sa gitna, patungo sa simula o tinatawag na
“flashback.” Ang pagsusunod-sunod ay naglalayon ding ipabatid sa mga mambabasa ang isang
paksa sa pamamagitan ng paglalahad ng mga impormasyon sa pamamaraang (a) sekwensyal, (b)
kronolohikal at (c) prosidyural. Sinasagot nito ang mga tanong na papaano, gaya halimbawa ng:
paano nagsimula, nadebelop at nagtapos ang mga pangyayari? Paano isinagawa ang proseso ng
paggawa? Papaano ang pagkakabalangkas? Malinaw na naipapakita sa mga tekstong ito ang mga
pangyayari, kaparaanan, kasaysayan mula sa simula hanggang sa wakas.
     Ang problema at solusyon, Binibigyang pansin sa hulwarang ito ang pagtalakay sa
ilang problema o suliranin at paglalapat ng solusyon o kalutasan. Ang mga problema
at solusyon sa teksto ay maaaring lantad o ipinahihiwatig lamang. Inihahayag ditto
ang kaisipang dapat malutas at sa dahan-dahang eskalasyon ng mga pangyayari o
sitwasyon ay makikita ang paraan upang ito’y matugunan o matumbasan ng aksyon. 
Sa mga akdang pampanitikan tulad ng kwento, matutukoy ang problema sa dinaranas
na suliranin ng pangunahing tauhan. Ito ay lalong nagpapatibay sa pagkakahawak ng
manunulat sa atensyon ng kanyang mambabasa na maaasahang hindi titigil hangga’t
hindi niya nakikita kung ano ang naging kalutasan ng suliranin. Ito rin ang
nagbibigay-daan sa madudulang tagpo upang lalong maging kawili-wili at kapana-
panabik ang mga pangyayari kayat sinasabing ito ang sanligan ng akda.  Sa larangan
naman ng pananaliksik, siyentipiko at teknikal, ang problema ay mga tanong na
hinahanapan ng kasagutan at ang solusyon ay ang mga bagay na natutuklasan at ang
nabuong konklusyon.  
 
                Ang sanhi at bunga ay kapag ang isang kaganapan (sanhi), maging mabuti  
man o masama ay merong kahihinatnan (bunga). Tandaan, hindi laging nauuna ang
sanhi sa isang pangungusap o kuwento, meron mga pagkakataon na nauuna ang
bunga kesa sa sanhi. Ang sanhi ay tumutukoy sa pinagmulan o dahilan ng isang
pangyayari samantala ang bunga naman ay ang siyang kinalabasan o dulot ng
naturang pangyayari. Sa malayang likha ng pagtatahi kwento, hindi kailangang laging
nauuna ang sanhi sa bunga sa paglalahad ng kwento, maaaring mauna ang bunga sa
pagsasalaysay. Ang manunulat ay nagbibigay ng isa o higit pang sanhi at epekto ng
pangyayari. Ang sanhi ay nagsasabi ng mga kadahilanan ng mga pangyayari at ang
epekto nito ang tinatawag na resulta o bunga. Sa simpleng salita, may pinagmulan
ang isang pangyayari at dahil dito ay nagkaroon ng kasunod. Ito ay ito ay nagbigay
kaalaman o nagpaliwanag at parehong  nangungu kumbinsi o iniimpluwensiyahan
ang mambabasa na pumanig sa isang opinyon o katwiran.
Isang magandang halimbawa ng problemang kinahaharap ng tao ngayon ay ang
paglaganap ng mga nakakahawang sakit, ang coronavirus na nagresulta sa pandemya.
Ito ay nagdudulot ng malalang pneumonia sa ilang tao sa bansang China at kumalat
na sa iba pang mga bansa at siyudad. Noong ika-12 ng Pebrero ng kasalukuyan taon
ay ipinahayag ng World Health Organization (WHO) na ang kasalukuyang sakit na
novel ay opisyal nang pinangalanan at tinatawag na Coronavirus Disease 19 o
COVID-19, at ang virus na ay tinatawag na COVID-19. Madaming paraan upang
maiwasan ito na makapinsala pa sa atin, isa na dito ang pagsunod sa mga alituntunin
ng gobyerno ang pananatili sa tahanan. Pagiging malinis sa katawan at parating
magehersisyo upang maging malusog. 

You might also like