You are on page 1of 40

FIL.

001
PAGBASA AT
PAGSUSURI NG
IBA’T IBANG
TEKSTO TUNGO
SA
PANANALIKSIK
TEKSTONG
MABUHAY
ARGUMENTATIBO!
LAYU NI
Nakasusuri ngN :
isang tekstong argumentatibo at
nakatutukoy kung anong uri ng lihis na pangangatwiran
ang ginamit sa isang pahaya
TEKSTONG
ARGUMENTATIBO
TEKSTONG ARGUMENTATIBO

 Ay naglalahad ng pangangatwiran na
ginagamitan ng mga ebidensya at
katotohanan.

 Layunin nitong manghikayat sa


pamamagitan ng pangangatwiran
batay sa katotohanan o lohika.
TEKSTONG ARGUMENTATIBO

 Maaari itong tungkol sa pagtatanggol


ng manunulat sa kaniyang paksa o
panig o pagbibigay ng kasalungat o
ibang panig laban sa nauna, gamit ang
mga ebidensiya mula sa kaniyang
sariling karanasan, nabasa mula sa
ibang teksto o akda, mga halimbawa
buhat sa kasaysayan, at pananaliksik
na susuporta sa kaniyang mga
argumento.
TEKSTONG ARGUMENTATIBO

 Logos ang ginagamit ng tekstong


argumentatibo.

 Ilan sa mga halimbawang sulating


gumagamit ng tekstong argumentatibo
ay editoryal, papel na pananaliksik,
posisyong papel, petisyon, at iba pa.
 Kapwa nangungumbinsi o
nanghihikayat ang tekstong
argumentatibo at tekstong
persuweysib, ngunit narito ang
kanilang pagkakaiba:
PAGKAKAIBA
Tekstong Argumentatibo Tekstong Persuweysib

 Nangungumbinsi batay sa  Nangungumbinsi batay sa opinyon


datos o impormasyon  Nakahihikayat sa pamamagitan ng
 Nakahihikayat dahil sa pagpukaw ng emosyon ng
merito ng mga ebidensiya mambabasa at pagpukos sa
 May pagsasaalang-alang kredibilidad ng may-akda
sa kasalungat na pananaw  Walang pagsasaalang-alang sa
 Obhetibo kasalungat na pananaw
 Subhetibo
ELEMENTO NG
TEKSTONG
ARGUMENTATIBO
Premis o Proposisyon
 Ay ang pahayag na inilalahad upang pagtalunan o pag-
usapan.
 Ito ang isang bagay na pinagkasunduan bago ilahad ang
katuwiran ng dalawang panig. Magiging mahirap ang
pangangatwiran kung hindi muna ito itatakda sapagkat hindi
magkakaisa sa mga batayan ng isyu ang dalawang panig.

Halimbawa:

 Dapat ipasa ang divorce bill upang mabawasan ang karahasan


laban sa kababaihan
Argumento
 Ito ang paglalatag ng mga dahilan at
ebidensiya upang maging makatwiran ang
pagpapaliwanag ng isang panig.

Halimbawa:
 Ayon sa Statistica.com, may 16 na libong
naiulat na kaso ng domestic violence laban
sa mga bata at kababaihan simula taong
2016-2021 sa ating bansa.
Kongklusyon
 Ito ang huling suntok ng teksto. Ito ang lagom ng mga
inilahad na ebidensiya at argumento.

Halimbawa:

 Sa pamamagitan ng pagsasabatas ng diborsyo ay


mapapangalagaan at maililigtas ang mga anak at asawang
biktima ng domestic violence sa ating bansa.
MGA URI NG LIHIS NA
PANGANGATWIRAN O
FALLACY
1. Argumentum ad Hominem (Argumento laban sa
karakter)
 Lihis ang ganitong uri ng pangangatwiran sapagkat nawawalan
ng katotohanan ang argumento dahil ang pinagtutuunan ay hindi
ang isyu kundi ang kredibilidad ng taong kausap.

Halimbawa:
 Hindi dapat pinaniniwalaan ang sinasabi ng taong iyan
dahil iba ang relihiyon at mukha siyang terorista.
 Bakit ko sasagutin ang elegasyon ng isang abogadong
hindi magaling at tatlong beses umulit ng bar exam.
2. Argumentum ad Baculum (Paggamit ng
Puwersa o Pananakot)
Halimbawa:

 Sumanib ka sa aming relihiyon kung hindi ay hindi ka


maliligtas at masusunog ka sa impyerno.

 Bata: Bakit ko pa kailangang pag-aralan pati ang


mga paksang hindi pa naming tinalakay?

Magulang: Kapag hindi mo yan pinag-aralan,


papaluin kita
3. Argumentum ad Misericordiam (Paghingi ng
Awa o Simpatya
 Ang pangangatwiran ay hindi nakasalig sa katatagan ng argumento
kundi sa awa at simpatya ng kausap.

Halimbawa:
 “Ako ang inyong iboto dahil tulad ninyo ay isa lamang akong anak-
mahirap. Inalipusta at minamaliit ako ng aking mga kalaban. Ang
gusto ko lamang ay maglingkod. Ako lamang ang nakauunawa sa
kalagayan ninyo ngunit patuloy ang paninira nila sa akin ng mga
bagay na walang katotohanan.”
Halimbawa:
 “Ma’am, ipasa niyo na po ako. Kailangan ko pong makapagtapos
dahil ako na lang ang inasahan sa aming pamilya. Kailangan ko na
pong magtrabaho para mapagamot ang nanay ko na may TB dahil
karpintero lang po ang trabaho ng tatay ko, at pinag-aaral pa po ang
apat kong batang kapatid.”
4. Argumentum ad Numeram (Batay sa Dami ng
Naniniwala sa Argumento)
 Ang paninindigan sa katotohanan ng isang argumento ay batay sa dami
ng naniniwala rito.
Halimbawa:

 Marami akong kilalang malakas uminom ng Coke pero wala silang


Diabetes kaya naman hindi ako naniniwalang masama ito sa kalusugan.
 Lahat naman ng tao ay nagsisinungaling kaya walang masama kung
magsinungaling paminsan-minsan.
5. Argumentum ad Ignorantiam (Batay sa Kawalan
ng Sapat na Ebidensiya)
 Ang proposisyon o pahayag ay pinaninindigan dahil hindi pa
napatutunayan ang kamalian nito at walang sapat na patunay
kung mali o tama ang pahayag.

Halimbawa:
 Wala pa naming tumututol sa bagong patakaran ng pagsususot
ng uniporme, samakatuwid marami ang sumasang-ayon dito.
 Kung wala nang tanong ang buong klase, ibig sabihin ay alam
na alam na nila ang aralin at handa na sila sa mahabang
pagsusulit.
6. Cum Hoc ergo propter (Batay sa Pagkakaugnay ng
Dalawang Pangyayari)
 Ang pangangatwiran ay batay sa sabay na pangyayari; ang isa ay dapat
dahilan ng isa o may ugnayang sanhi at bunga agad ang dalawang
pangyayaring ito.

Halimbawa:
 Masuwerte sa akin ang kulay na pula. Sa tuwing nakapula ako ay laging
mataas ang benta ko.

 Ang mga batang tulad nina Hilda at Haydee ay gifted child dahil umiinom
sila ng isang uri ng gatas. Kaya naman ang lahat ng batang iinom ng gatas
na iyon ay paniguradong magiging gifted child din
7. Post Hoc ergo propter Hoc (Batay sa Pagkakasunod-
sunod ng Dalawang Pangyayari)
 Ang pagmamatuwid ay batay sa magkakasunod-sunod na pattern ng
mga pangyayari, ang nauna ay pinaniniwalaang dahialn ng kasunod
na pangyayari.

Halimbawa:
 Tumilaok na ang manok. Ibig sabihin ay umaga na.

 Talo na naman ang Tamaraw. Nanood kasi ako, eh. Sa tuwing


manonood ako ng laro nila ay lagi na lamang silang natatalo.
8. Non Sequitur (Walang Kaugnayan)

 Ang kongklusyon ay walang lohikal na kaugnayan sa naunang pahayag.

Halimbawa:
 Hindi nagagalingan si Ronald sa musika ng bandang iyan dahil baduy raw
manamit ang bokalista.

 Magagaling na doctor ang mga magulang ng batang iyan. Tiyak na


magiging isang magaling na doctor din siya pagdating ng araw.
9. Paikot-ikot na Pangangatwiran ( Circular
Reasoning)
 Paulit-ulit ang pahayag at walang malinaw na punto

Halimbawa:
 Tayo ay nagkakasala sapagkat tayo ay makasalanan

 Hindi ako nakarating sa pulong dahil lumiban ako sa araw na


iyon.

 Ang Bibliya ay mga salita ng Diyos dahil ang mga salita ng


Diyos ay nasa Bibliya.
10. Padalos-dalos na Paglalahat (Hasty Generalization)

 Paggawa ng pahayag o kongklusyon batay lamang sa iilang patunay


o katibayang may kinikilingan. Bumuo ng argumento nang walang
gaanong batayan.

Halimbawa:
 Sinaktan at niloko ako ng mga naging kasintahan ko noon. Ang mga
lalaki talaga ay hindi mapagkakatiwalaan.

 Nang minsan ako dumaan sa lugar na iyan ay nadukutan ako. Kaya


huwag kang magagawi diyan dahil pawang mandurukot ang mga
nariyan.
PAGLALAHAT
TEKSTONG ARGUMENTATIBO

 Ay naglalahad ng pangangatwiran na ginagamitan


ng mga ebidensya at katotohanan.

 Layunin nitong manghikayat sa pamamagitan ng


pangangatwiran batay sa katotohanan o lohika.

 Logos ang ginagamit ng tekstong argumentatibo.


ELEMENTO NG TEKSTONG
ARGUMENTATIBO

 Premis o Proposisyon
 Ay ang pahayag na inilalahad upang pagtalunan o pag-
usapan.
 Argumento
 Ito ang paglalatag ng mga dahilan at ebidensiya upang
maging makatwiran ang pagpapaliwanag ng isang panig.
 Kongklusyon
 Ito ang huling suntok ng teksto. Ito ang lagom ng mga
inilahad na ebidensiya at argumento.
MGA URI NG LIHIS NA PANGANGATWIRAN O
FALLACY
1. Argumentum ad Hominem (Argumento laban sa karakter)
 Lihis ang ganitong uri ng pangangatwiran sapagkat nawawalan
ng katotohanan ang argumento dahil ang pinagtutuunan ay hindi
ang isyu kundi ang kredibilidad ng taong kausap.

2. Argumentum ad Baculum (Paggamit ng Puwersa o Pananakot)

3. Argumentum ad Misericordiam (Paghingi ng Awa o Simpatya


 Ang pangangatwiran ay hindi nakasalig sa katatagan ng
argumento kundi sa awa at simpatya ng kausap.
MGA URI NG LIHIS NA PANGANGATWIRAN O
FALLACY
4. Argumentum ad Numeran (Batay sa Dami ng Naniniwala sa Argumento)
 Ang paninindigan sa katotohanan ng isang argumento ay batay
sa dami ng naniniwala rito.

5. Argumentum ad Ignotantiam (Batay sa Kawalan ng Sapat na


Ebidensiya)
 Ang proposisyon o pahayag ay pinaninindigan dahil hindi pa
napatutunayan ang kamalian nito at walang sapat na patunay
kung mali o tama ang pahayag.
MGA URI NG LIHIS NA PANGANGATWIRAN O
FALLACY
6. Cum Hoc ergo propter (Batay sa Pagkakaugnay ng Dalawang
Pangyayari)
 Ang pangangatwiran ay batay sa sabay na pangyayari; ang isa
ay dapat dahilan ng isa o may ugnayang sanhi at bunga agad
ang dalawang pangyayaring ito.

7. Post Hoc ergo propter Hoc (Batay sa Pagkakasunod-sunod ng Dalawang


Pangyayari)
 Ang pagmamatuwid ay batay sa magkakasunod-sunod na
pattern ng mga pangyayari, ang nauna ay pinaniniwalaang
dahialn ng kasunod na pangyayari.
MGA URI NG LIHIS NA PANGANGATWIRAN O
FALLACY

8. Non Sequitur (Walang Kaugnayan)


 Ang kongklusyon ay walang lohikal na kaugnayan sa
naunang pahayag.

9. Paikot-ikot na Pangangatwiran ( Circular Reasoning)


 Paulit-ulit ang pahayag at walang malinaw na punto.

10. Padalos-dalos na Paglalahat (Hasty Generalization)


 Paggawa ng pahayag o kongklusyon batay lamang sa iilang
patunay o katibayang may kinikilingan. Bumuo ng argumento
nang walang gaanong batayan.
PANGKATANG
GAWAIN
PANUTO:
Basahin at suriin ang babasahing Tekstong Argumentatibo, sagutin ang mga
tanong hinggil dito.

TEKSTONG ARGUMENTATIBO
Sa Panulat ni Rolando A. Bernales

Hindi dapat ipagbawal ang distribusyon ng nobelang Da Vinci Code at


ang pagpapalabas ng pelikulang bersiyon nito sapagkat taliwas ang hakbang
na ito sa probisyon ng Saligang Batas na pumoprotekta sa Kalayaan sa
artistic na pagpapahayag.
Labag din ito sa Karapatan ng mamamayang pumili. Sabihin na
nating ang nobela/pelikula ay may mga sensitibong ideya/eksena, ngunit
kailangang hayaan ang mga mamamayan ang pumili kung
babasahin/panonoorin nila ito at hayaang sila ang magpasiya.
Magtiwala tayo sa talion ng mga mamamayan. Napatunayan na natin
ito sa pelikulang Schindler’s List na tinangka ring pigilan noon dahil umano
sa labis na karahasang inilalarawan ng pelikula. Ngunit napatunayang tama
lamang ang pagpapalabas ng pelikulang ito sapagkat nagsilbi itong
pangmulat na senaryo ng digmaan.
Sa madaling sabi, walang malinaw na banta sa ating interes at
moralidad upang pigilan ang pagbabasa at panonood ng Da Vinci Code.
Sagutin ang sumususnod na mga katanungan ayon sa binasang tekstong
argumantatibo.

1. Tungkol saan ang paksa ng binasang teksto?


2. Ano ang premis ng binasang tekstong argumentatibo?
3. Ano ang ginamit na paraan sa paglalahad ng argumento sa pahayag na
ito?

“Napatunayan na natin ito sa pelikulang Scindler’s List na


tinangka ring pigilan noon dahil umano sa labis na
karahasang inilalarawan ng pelikula.”
4. Anong paraan ang ginamit ng manunulat upang mas maging matibay
ang paglalahad ng kanyang argumento?

“Hindi dapat ipagbawal ang distribusyon ng nobelang Da Vinci


Code at ang pagpapalabas ng pelikulang bersiyon nito
sapagkat taliwas ang hakbang na ito sa probisyon ng Saligang
Batas na pumoprotekta sa Kalayaan sa artistic na
pagpapahayag.”

5. Ang pahayag ay anong bahagi/element ng tekstong


argumentabo?

“Sa madaling sabi, walang malinaw na banta sa ating interes at


moralidad upang pigilan ang pagbabasa at panonood ng Da
Vinci Code.”
Mga Kasagutan
1. Pagpipigil sa distribusyon ng nobela at pagpapalabas sa sinehan ng Da
Vinci Code.
2. Hindi dapat ipagbawal ang distribusyon ng nobelang Da Vinci Code at
ang pagpapalabas ng pelikulang bersiyon nito sapagkat taliwas ang
hakbang na ito sa probisyon ng Saligang Batas na pumoprotekta sa
Kalayaan sa artistic na pagpapahayag.
3. Paggamit ng mga katulad sa nakaraang pangyayari
4. Paggamit ng probisyon sa Saligang Batas.
5. Kongklusyon
SALAMAT

You might also like