You are on page 1of 4

KABANATA 1

ANG SULIRANIN AT SANDIGAN NG PAG-AARAL

Nakapaloob sa Kabanata 1 ang suliranin at sandigan, kahalagahan, at ang saklaw

at limitasyon ng pag-aaral, tatalakayin din dito ang mga suliranin na nais bigyang-linaw

sa pag-aaral.

Panimula

Hindi maitatangging malaki ang impluwensiya ng mga outdoor media at radyo sa

pang araw-araw na pamumuhay. Ito ang nagsisilbing tagapagbalita sa pagsisimula ng

panibagong araw. Habang dumadaan sa mga pampublikong lugar o nakikinig sa radyo,

may nababasa o naririnig ang mga tao na mga patalastas.

Ang patalastas ay isang uri o anyo ng komunikasyon o pakikipagtalastasan upang

mahikayat o mahimok ang madla na tangkilikin ang mga produkto o serbisyo. Kagaya ng

gamit sa katawan, gamot, pagkain at iba pa. Sa panahon ngayon, samot saring patalastas

ang nagsisilabasan kaalinsabay sa nararanasang pag-unlad na may malaking

impluwensiya sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga tao. Ito ay makikita at

maririnig kahit saan pumunta: sa kalye, sa telebisyon, sa dyaryo, at kahit sa radyo. Isa

itong bagay na nakasanayan na ng mga tao. Masasabing ito ay naging bahagi na ng

pamumuhay ng mga tao, kaya’t marami ang maaaring maidudulot nito sa lipunan.

Ayon kay Nwanejuafor (2009) na sinipi ni Pagunsan (2010), ang sekreto para

pumatok at makuha ang interes ng mga tao, kailangang iimprenta o isapubliko ang mga

patalastas o di kaya'y iire sa mga sikat na estasyon ng radyo. Kailangan din ang brand ng
2

produkto o serbisyo upang ang pangalan ng negosyo mismo ay tatatak sa isipan ng mga

mamimili. Habang patuloy na umiinog ang mundo at patuloy na lumilipas ang panahon

maraming mga patalastas ang nagsisilabasan na makikita at mababasa sa bayan ng

Midsayap na nakasulat sa mga plakard, poster, streamer o tarpaulin at ang iba nama’y

maririnig sa radyo na nagpapakita ng malikhaing paraan upang maipakilala ang produkto,

serbisyo o establisyemento. Ang mga patalastas ay gumagamit ng iba’t ibang paraan at

atake upang tumatak sa isipan ng mga mamimili ang isang produkto o serbisyo.

Ang wika ay napakahalagang instrumento sa pakikipagtalastasan. Ang wikang

ginagamit sa mga patalastas ay may ginagampanang mahalagang tungkulin sa

pagmemerkado ng mga produkto o serbisyo. Dahil mabisang instrumento ang wika, ito

ang ginagamit upang maipakilala ang isang produkto o serbisyo. Sa pamamagitan ng

paggamit nito, mas naisasaloob ng mga tao ang diwa ng mga salitang nakasulat sa mga

patalastas. Wika o di kaya’y mga larawan ang ginagamit sa patalastas upang magkaroon

ng ugnayan sa mga mambabasa o tagapakinig. Dahil dito, nagkakaroon ng sosyalisayon

sa pagitan ng mga produkto o serbisyong inaanunsyo at sa mga mambabasa o tagapakinig

bilang mga konsyumer. Samakatuwid, ang wika ay itinuturing na pundasyon ng

patalastas.

Ang bayan ng Midsayap bilang isang bayang patuloy na umuunlad ay walang

patid na inuulan ng mga patalastas. Dahil dito, nilalayon ng pag-aaral na ito na malaman

kung ano-anong patalastas ang mababasa at makikita sa mga pampublikong lugar at

maririnig sa limang estasyon ng radyo sa Midsayap, Cotabato at kung anong tungkulin ng

wika ang malimit at kadalasang ginagamit sa mga patalastas.


3

Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay nakapokus sa pagsusuri sa mga patalastas na mababasa sa

mga pampublikong lugar at maririnig sa limang estasyon ng radyo sa Midsyap, Cotabato.

Sa pag-aaral na ito, ang mga mananaliksik ay naglalayong masagot ang mga

sumusunod na mga suliranin.

1. Ano-ano ang uri o katangian ng mga patalastas ang makikita at mababasa sa mga

pampublikong lugar ng Midsayap, Cotabato?

2. Ano-ano ang uri o katangian ng mga patalastas ang maririnig sa mga estasyon ng

radyo sa Midsayap, Cotabato?

3. Ano-anong tungkulin ng wika ayon kay M.A.K Halliday ang kadalasang

ginagamit sa mga patalastas na makikita at mababasa sa pampublikong lugar sa

Midsayap, Cotabato.

4. Ano-anong tungkulin ng wika ayon kay M.A.K Halliday ang malimit na

ginagamit sa mga patalastas maririnig sa mga estasyon ng radyo sa Midsayap,

Cotabato?

5. Ano-anong pagpapahalagang moral ang inilalahad ng mga patalastas na makikita

at mababasa sa pampublikong lugar at maririnig sa radyo?

Kahalagahan ng Pag-aaral

Mapapakinabangan ang pag-aaral na ito ng mga sumusunod:

Mga Guro. Ang resulta ng pag-aaral ay magsisilbing daan sa paglinang ng kasanayan sa

pagsusuri ng tungkulin ng wika batay sa isang konsepto.


4

Mga Mag-aaral. Bilang pinakasentro ng prosesong pagtuturo at pagkatuto ng

edukasyon, makakatulong ang pag-aaral na ito dahil maaari nila itong gawing hanguan

upang higit na mapalawak pa ang kanilang kaalaman tungkol sa tungkulin ng wika.

Mabibigyan sila ng mahalagang impormasyon kung paano ang wika ay patuloy na

umuunlad sa paggamit nito sa patalastas.

Mga Mananaliksik sa Hinaharap. Maaaring maging sanggunian ang pag-aaral na ito

sa mga kaugnay na pag-aaral.

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay nakapokus sa pagsusuri sa mga patalastas na nakasulat

sa mga plakard, poster, streamer o tarpaulin na makikita at mababasa sa pampublikong

lugar sa Midsayap, Cotabato at mga patalastas na maririnig sa limang estasyon ng radio

sa Midsayap, Cotabato na kinabibilangan ng 94.3 FM Power Radio, 96.5 My Radio My

Fm, 100.7 Kiss FM Ang Radyo ni Juan, 103.3 MUEWS Radio, at 104.1 Wow Radio

DXMA. Gagamit ang mga mananaliksik ng metodong kwalitatibo (qualitative) at

pamamaraang palarawan (descriptive). Susuriin o tutukuyin ang tungkulin ng wika ayon

kay M.A.K Halliday na tumatalakay sa pang-instrumental, panregulatoryo, pang-

interaksiyonal, pampersonal, pang-imahinasyon, pangheuristiko, at pang-impormatibo

ang malimit at kadalasang ginagamit sa mga patalastas na makikita at mababasa sa

pampublikong lugar at maririnig sa radyo.

You might also like