You are on page 1of 7

IKALAWANG KABANATA

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Ang kabanatang ito ay tumatalakay sa literature at pag-aaral na kaugnay ng

pananaliksik na ito. Ang mga ito ay magsisilbing batayan sa pagbibigay ng konklusyon at

rekemendasyon sa kalalabasan ng pananaliksik at magbibigay hinggil sa suliraning tinangkang

sagutin sa pag-aaral. Ang mga mananaliksik ay nagsaliksik sa mga aklat, dyornal, magasin, at

mga di-limbag na pag-aaral na tumatalakay at may kaugnayan sa pananaliksik na ito. Ang mga

natipong datos at impormasyon ay magbibigay ng kaalaman at magsisilbing batayan upang

mapagtibay ang pag-aaral na ito.

Mga Kaugnay na Literatura

Estilo sa Pagkatuto ng mga Mag-aaral

Ayon sa pag-aaral ni Anonat (2009) isang sikolohiko na nag-aaral tungkol sa

pagkakaiba ng pagkatuto ng bawat indibidwal, karaniwang ang isang mag-aaral ay nangunguna

dahil sa estilo niya sa pagkatuto. Bawat isa ay may kani-kanilang paraan ng pagkatuto katulad

ng iba’t-iba nilang ugali o personalidad. May mga mag-aaral na mas madaling matuto kung

sila ay nakakarining o nakakakinig ng musika, samantalang mas natuto ang iba sa paraang

tahimik, maging ang kanyang paligid. Ang iba namang mag-aaral at natututo sa particular na

pakitang-turo ng guro,samantala ang iba ay hindi. Kaya’t nararapat na alam ng guro ang iba’t-

ibang estilo sa pagkatuto ng bata upang maisaalang-alang ito sa estratihiyang kangyang

gagamitin.

Batay naman sa pag-aaral ni Aquino (2011) ang estilo sa pagkatuto ay tumutukoy sa

katangian ng mag-aaral sa pagproseso ng mga impormasyon na kailangang matutunan. Ang

mga mag-aaral ay may malaking gampanin sa proseso ng pagtuturo. Ang mag-aaral ay

nagtataglay ng iba’t-ibang katangian: pangkalahatan at tuwirang kompetensi at estilo sa


pagkatuto. Ang ilan sa mga mag-aaral ay may kanya-kanyang paraan din kung paano sila

matututo at ano ang dating sa kanila ng pagtuturo ng mga guro. May mga mag-aaral na mas

natututo kapag hinahawakan nila ang isang bagay samantalang may ilang mag-aaral na mas

natututo kapag pinapakinggan nila sa radyo ang kanilang paboritong programa o kaya naman

ay pinapaanood nila sa telibisyon ang gusto nilang programa habang isinasagawa ang Gawain

sa papgtuturo ng guro. Ang mgga ganitong pangangailangan ng mga mag-aaral ay

makatutulong ng Malaki sa kognitibong estilo sa pagkatuto na maaring makaimpluwensiya

kung paano maaring tanggapin at iproseso ang mga impormasyon sa pamamagitan ng mga

talatanungan at inventories, malalaman ang iba’t ibang estilo sa pagkatuto ng mga mag-aaral.

Idinagdag ni Aquino (2009) na ang estilo sa pagkatuto ay ang paraan ng pagpili ng

bawat indibidwal ng kondisyon sa proseso ng pagkatuto na maaring makaapekto sa pagkatuto

ng bawat indibidwal kasama kung saan, kalian at paano nagaganap ang pagkatuto, at ang

kagamitan kung saan siya may higit na matutunan. Dapat ding tandaan na bawat indibidwal ay

may kanya-kanyang estilo sa pagkatuto. Walang indibidwal na maaring magkatulad sa estilo

sa pagkatuto at may mga salik na maaring makaapekto sa pagkatuto ng bawat indibidwal.

Inilahad din sa pag-aaral na isinagawa nina Baron (1994); Bina (1999); Wagmeister at

Shifrin (2000), ang mga mag-aaral na right brain ay may isa o higit pang mga tungkulin: (1)

biswal- ang mga mag-aaral ay may kakayahang makita ang mga impormasyon habang

nakikinig sa guro; mahilig gumuhit ng mga larawann o arrows o mag doodle habang nagtatala

ng mahahalagang impormasyon; at nangangailangang matahimik na lugar para makapag-aral;

(2) pandinig- ang mga mag-aaral ay nakikinig ang impormasyon: nagbabasa ng malakas o

nagsasalita nang malakas habang nagsusulat; nangangailan ng tunog o musika habang nag-

aaral; ang paulit-ulit na pagsasabi na pagsasabi ng mga impormasyon para mas maalala ang

mga ito; at (3) pandama ang mga mag-aarala ay natututo kapag sila ay gumagalaw at may

ginagawa; ayaw na ayaw making o magbasa ng panuto; minsan ay binabagalan ang paggawa
sa mga Gawain; at nagtatala ng mga impormasyon habang tinatalakay ang aralin subalit

madalang itong pag-aralan ( Ornstein at Sinatra, 2005)

Sang-ayon kay Casazza (2000) na binanggit ni Ang (2010), “learning styles involve

several factors that affect the expectations that teacher, parents, and students have about

learning in the classroom and at home. Others have investigated the relationship of learning

styles to wether we are left-brained or right-brained learners.” Ang termino sa pagkatuto ay

tumutukoy sa pagpili sa paraan kung paano makukuha, mapoproseso at matatandaan ang mga

impormasyon sa pinaka-mabisang paraan. Ang bawat tao ay may kanya-kanya at iba-ibang

paraan ng pagkatuto. Maaring maapektuhan ng personal na karanasan, mga guro kaibigan ang

indibidwal na estilo sa pagkatuto.

Kaugnay din nito, inihayag ni Casinto (2010) na maraming kaparaanan kung paano

matututo at mapapaunlad ang pagkatuto ng bawat mag-aaral. Bawat mag-aaral ay may kanya

kanya ding angking kakayahan at kaparaanan kung paano sila matututo. Nakapaloob dito ang

iba’t-ibang uri ng estilo sa pagkatuto: una, ang pampaningin (visual) na paraan ng pagkatuto

kung saan ang mga mag-aaral ay natututo batay sa kaninag nakikita; ikalawa, ang pandinig

(auditory) na paraan ng pagkatuto kung saan ag mga mag-aaral ay mas natututo batay sa

kanilang naririnig; ikatlo, ang pandama (tactile) na paraan ng pagkatuto kung saan ang mga

mag-aaral ay mas natututo kung aktwal nila itong ginagawa.

Pamamaraan sa pagtuturo

Ayon kay Gacelo (2012) ang tungkol sa Improved Instructional Practices na

pamamaraan ng pagtuturo na nakatuon sa mga mag-aaral bilang sentro ng pag-aaral kailangang

matukoy ang pangangailangang nakatutulong sa pag-unlad ng pangkaisipan, pakikisalamuha

at pandamdamin. Ilan sa mga halimbawa ng pamamaraang ito ay ang mga sumusunod: 1.)

integrative learning, 2.) discovery approach, 3.) process approach, 4.) conceptual approach, 5.)
mastery learning, 6.) programmed instruction, tulad ng pangkatang pagtuturo, simulation

teaching at paggamit ng modyul, 7.) pagtalakay ng aralin tulad ng panel discussion,

symposium, forum, debate, at round table conference, at 8.) special techniques-learning

process.

Hinihingi ng mabisa at mabilis na pagtuturo ang paggamit ng mabuting pamamaraan.

Nakasalalay sa mabuting pamamaraan ng pagtuturo ang matagumpay, kawili-wili at mabisang

pagkatuto ng mag-aaral at pagtuturo ng guro. Subalit walang isang paraan lamang na

masasabing sadyang mabisa para sa lahat ng uri ng paksang aralin o isang pamamaraan kaya

na angkop gamitin sa lahat ng pagkakataon. Kaya ang guro ang nagbalak at nagpasya sa

pamamaraang kanyang gagamitin, na angkop sa kakayanan ng mag-aaral at gayundin sa uri ng

paksang-aralin at asignaturang kanyang itinuturo. Halimbawa ang pamaraang pabuod o

Inductice method ay angkop na angkop gamitin sa pagtuturo kaugnay ng pagbuo ng tuntunin o

pagkakaroon ng isang paglalahat o generalization ang pamamaraang ito kung minsan ay

tinatawag na ‘Limang Pormal na Hakbang sa Pagtuturo’ o dili kaya Herbatian Method sapagkat

ipinakilala ito sa larangan ng pagtuturo ni Herbert. Sa paraang ito, ang pag-aaral ay nagsisimula

sa nalalaman patungo sa tuntunin kaya’t nasasabi ito ay erugule na pamamaraan. Ang

paghahanda o preparation, 2.) paglalahad o presentation, 3.) paghahambing at paghahalaw o

comparison and abstraction, 4) paglalahat o generalization, at 5.) paggamit o application

(syndicaeduc.blogspot.com, para 2)

Samantala, sa pahayag ni Bermino (2010) sa isang babasahin ukol sa Center-Based

Language Learning Approach, ang dulog ay namumuhunan sa paniniwalang ang mag-aaral ay

may iba’t-ibang katalinuhan (multiple intelligences) na maaring may nangingibabaw at maari

ring malinang sa pamamagitan ng paghahanda ng iba’t-ibang sentro ng pagkatuto sa loob ng

klasrum. Ito ay ang mga sumusunod: Pang kalahatang Sentrong Pandiskusyon. Dito ibibigay

ng guro ang pangkalahatang direksyon sa Gawain ng bawat sentro ng pagkatuto sa Sentro ng


Pagbabasa; nagbabasa ang mga mag-aaral ng gawaing nakaatas sa kanila na inihanda ng guro

sa mga “Kard na Gawain” sa Sentrong Panlaro, inihahanda ng mga guro ang mga bagay na

maaring gamitin ng mga mag-aaral upang lalong mapagtibay ang kasanayan nila sa paksa.

Karaniwang makikita rito ang boggle, world puzzle, scrabble, geo safari, at iba pa na

magagamit sa pagtuturo ng kasanayan sa wika. Sa sentrong pansining, nakahanda naman ang

mga kagamitan asa sining tulad ng krayola, papel na may kulay, watercolor, at molder. Sa

sentro ng teknolohiya, maaring ang kompyuter, TV, karaoke o cassette na maaring makatulong

sa mga mag-aaral sa paglinang ng kasanayan sa wika. Ang mga mag-aaral ay pinapangkat ditto

ayon sa dami ng sentro. Binibigyan sila ng takdang oras na mamalagi sa bawat sentro ayon sa

dami ng kanilang gagamitin sa bawat isa. Pagkatapos ng kanilang iskedyul ay lilipat sila sa

pang sentrong nakatala sa kanilang kard hanggang malibot ang layo ng sentro ng pagkatuto.

Ayon namn kay Abad at Ruedas (2001), ang anumang bagay na ginagamit bilang

pantulong sa pagtuturo at pagkatuto ay maituturing na kagamitang pampagtuturo. Dahil sa

dami ng sinasaklaw nito, ang binibigyang pansin ditto ay ang mga kagamitan sa pagtuturo na

karaniwang inihahanda, ginagamit at kinakailangan ng isang guro.

Mga Kagamitang Pampagtuturo

Ayon kay Acero (2007), ang pinakamagandang kagamitan pampagtuturo ay ang

sariling karanasan sa buhay. Ito mismo ang dahilan kung bakit ang mga karanasan ay

hinahalinhan ng mga kongretong kagamitan. Ilang halimabawa ng mga ito ay ang teksto, mga

larawan, atbp. Ipinapaliwanag din nila na ang mga guro ay pumipili ng mga kagamitang naayos

sa particular na Gawain. Ang mga ito ay kinakailangang ayos sa layunin upang magdulot ng

kawilihan sap ag-aaral tungo sa pagkaunawa at mabisang pagkatuto. Sa makatuwid, ang pinaka

mabisang kagamitang pampagtuturo ay yaong gumigising sa pandama ng tao. Ang pagiging

malikhain ng isang guro ay nangangahulugan ng pagtataglay ng pagiging orihinal. Bago mag


simula ang pagtuturo ng isang guro, kinakailangang mapukaw na agad niya ang intension ng

mga mag-aaral upang magkaroon sila ng interes sap ag-aaral ng isang aralin.

Sinabi naman ni Arrogante (2007), napakalaki ng nagagawa ng “mass media” sa

edukasyon o sa pagkatuto. Hindi kailangang isa-isahin pa ang mga programa sa telibisyon na

nagtuturo ng iba’t-ibang “educational television programs” sa mga local na istasyon ng bansa.

Ang napakaraming kagamitang pampagtuturo ay iyongn mga makabagong instructional media

at maraming-marami pang iba, idagdag pa ang elektronik midya.

Batay sa pananaw ni Lucido (2007), ang pagtuturong gamit ang teknolohiya ay

nakukuha ang interes o kawilihan ng mga mag-aaral at nakapag-papadagdag ng motibasyon,

sa panahon ngayon ang pagsasama ng teknolohiya sa pagtuturo at pagkatuto ay malawak ang

nasasakop para sa pagtuklas ng bagong kaalaman.

Mga Kaugnay na Pag-aaral

Ang isinagawang pananaliksik nina Cuadra (2011) ukol sa pag-termina ng mga paraan

ng pagkatuto ng mga piling mag-aaral ng unang taon sa kolehiyo sa pamamagitan ng sistemang

VARK ay naglayong malaman kung anu-ano ang mga paraan ng pagkatuto ng mga mag-aaral,

particular sa kursong BSA at BSBA-MA. Ang mga mananaliksik ay nag pamigay ng mga

talatanungan sa mga mag-aaral ukol sa sistemang Vark, isang kilalang Sistema sa internet na

ginagamit ng nakakarami upang madetermino ang kanilang paraan sa pagkatuto. Ang mga

tanong ay idinikteyt at ang iba naman ay pinasagutan sa mga mag-aaral. Ang mga resulta sa

bawat seksyon ay sinuring mabuti at ipinagkumapara upang matermina ang pinakaangkop na

paraan ng pagkatuto ng mga mag-aaral.

Batay sa mga resulta, ang Visual Learning Preferences ang pinaka-angkop ba paraan

ng pagkatuto para sa mga mag-aaral sa unang taon ng kursong BSA at BSBA-MA. Ang

nasabing paraan ng pagkatuto ay higit na nagging epektibo kung isang mag-aaral ay may
nakikitang mga visual aids at iba pang edukasyunanl na mga bagay. Ayon na rin sa sistemang

VARK, napag-alaman na hindi nagkakalayo ang mga presensya ng bawat mag-aaral sa mga

paraan ng pagkatuto. Inirerekomenda ng mga mananaliksik na subukang gumawa ng

panibagong pananaliksik ukol sa iba pang mga paraan ng pagkatuto at sa mga multiple

intellenges (Cuadra, 2011).

Layunin naman ng pag-aaral ni Pinera (2009) na magkaroon ng angkop na pamamaraan

o estratihiya ang mga guro sa pagtuturo ng wikang Filipino. Dapat na pag-iba-ibahin ang

pamamaraan ng pagtuturo upang maging mabilis ang pagkatuto ng mga mag-aaral. Higit na

mabisa at epektibo ang pamamaraang makabago upang maging dinamiko ang pagkatuto. Ang

pag-aaral ay gumagamit ng paglalarawang pamamaraan na ang pokus ay Cooperative Learning

sa mag-aaral ng Narsing. Gumamit ng talatanungan sa pagkuha ng mga datos. Ayon sa resulta

ng pag-aaral ay gumamit ang guro ng pagkatang Gawain na isang nangungunang estratihiya

ng pagkatuto babg tulung-tulong upang maging mahusay at epektibo ang talakayan.

You might also like