You are on page 1of 5

Sekretarya Leonor Briones. Maraming nagbatikos sa kanya isa na ang mga magulang na may mga estudyante.

Ayaw muna nilang paaralin ang kanilang mga anak dahil wala pang gamot sa COVID-19 virus.  Si Pangulong
Rodrigo Duterte nagsabi rin na wala munang klase kung walang bakuna. Ngunit di nagpatinag si Sec. Briones.
Nagpresenta siya ng iba’t ibang modaliti sa pagtuturo at pagkatuto ng mga mag-aaral. Madaling nakumbinsi si
Pangulong Digong Duterte at pinuri pa niya si Sec. Briones.
Narito ang iba’t-ibang modality sa Bagong Normal:
1. Klasrum na Virtual (Virtual Classroom)
Ito’y pagkakatuto sa kaligirang online na magbibigay pagkakataon para sa live na interaksyon sa pagitan ng guro at
mga mag-aaral habang nakikilahok sa mga aktibiti ng pagkatuto.
Mga halimbawa:
•         Google Classroom
•         Edmodo
•         Schoology
•         Web-Enhanced Learning Activities
•         Open Educational Resources (OERs)
•         LR Portals
•         Deped Common
•         Pagkonek ng mobile sa ordinaryong TV gamit ang Wecast Dongle
2. Online Distance Learning
Ito ay pag-aaral gamit ang internet, laptap at smartphones. Maaaring synchronous (live, real time. Ibig sabihin
kailangan mong mag-online sa oras ng iyong klase. Maaaring asynchronous (mag-online ka lamang pag may
kakayahan ka na ayon sa time frame na binigay ng iyong guro).
Pagkatutong Online (Online Learning)- gamit ang mga sumusunod na resorses:
•         Brain Pop
•         Curiosity Stream
•         Tynker
•         Outschool
•         Udemy
•         iReady
•         Beast Academy (Math)
•         Khan Academy
•         Creative Bug
•         Discovery Education
Mga Tsanel Sa You Tube (You Tube Channels)
•         Crash Course Kids
•         Science Channel
•         SciShow Kids
•         National Geographic
•         Free School
•         Geography Focus
•         The Brain Scoop
•         Kids Learning Tubes
•         Geek Furl Diaries
•         Mike Like Science
•         Science Max
•         SoulPancake
Online Board Games
e-library (Kindle)
3.Eskwela sa Bahay (Home Schooling)
                             
4. Pag-aaral na Pangmalayuan (Distance learning)
Ito’y online Distance learning. Ito rin ay Modyular na ginagamitan ng modyul. Iro rin ay ginagamitan ng TV at Radio
Broadcast.
5. Modyular (Modular)
Ito ay paggamit ng mga learrnng modules na ibibigay ng paaralan na maaaring printed to electronic.
Mga halimbawa:
•         Mga Modyul
•         Mga Pilyegong Gawain (Worksheets)
•         Mga Pilyego ng Aktibiti (Activity Sheets)
         
6. Paggamit ng TV at Radio broadcast
Ang distance learning mode na ito ay nangangailangan ng suporta ng mga magulang. Habang hinihintay ang Agosto
24 ay bibigyan ng pagkakataon ang mga magulang o sinumang volunteer na i-capacitate ang sarili para dito.  Ito ay
sa pamamagitan ng trainings na ibibigay ng paaralan.
Mga Instruksyong base sa Radyong may mga segment at may mga modyul.
7. Eskwelang Pambahay (Home Schooling)
Ang bata ay nasa bahay lamang nag-aaral kasama ang magulang bilang guro.
8.Blended na Pagkakatuto (Blended Learning)
Ito ay kombinasyon ng Face to Face at Distance Learning
Mga Halimbawa:    
•         Klasrum na Flipped (Flipped Classroom)
•         Mga modyul
•         Mga Pilyegong Gawain (Work Sheets)
•         Mga Pilyego ng Aktibiti (Activity Sheets)
Paalala:  Ang usual o karaniwan sa loob ng mga normal na araw
9. Tradisyunal na harap-harapan pero May Distansya (Traditional face-to-face with Social Distancing)
Ito ay gagamitin sa mga liblib at taluktok na mga lugar na di pa naabot ng kuryente. Gagamitin din ito sa   mga lugar
na walang banta ng COVID na pahihintulutan ng IATF. Babawasan ng bilang ng mga mag-aaral.  Ang karaniwang
total ng mga mag-aaral lamang ay 20 o mababa pa sa bawat klase.Dapat iobserba ang minimum healthy standards.
10. Open High School program (OHSP)
Pwedeng maging Face-to-face with Social Distancing. May kabuuang bilang ng mga mag-aaral:21 at pataas sa isang
klase.
11. Modified na Pagshift ng mga Klase (Modified Shifting of Classes)
Sa pagshift ng mga klase, ang pagtuturo’y direktamenteng nakapukos sa mga konseptong may kasamang mga
aktibiti. Ang mga suplemental at pagtatayang gawain ay isa sa gagawin, dadalhin ng mga mag-aaral sa kanilang mga
bahay.  Ang shifting ay depende kung ilang mga araw na ang mga kompetensis at bilang ng mga kompetensing
nakapaloob batay sa koda ng mga kompetensis at bilang ng mga kompetensing nakapaloob sa lahat ng mga saklaw
ng pagkakaktuto.
12. Pag-shift ng mga klaseng may Dayadek na Pagtuturo (Shifting of classes with Dyadic Teaching
Sa modaliting ito, may dalawang guro sa loob ng klase bawat saklaw ng pagkakatuto. Ang mga bata ay daraan sa
mga serye ng mga idibidwal na aktibiti pagkaraang maituro ang mga kompetensi ng pagkakatutong maipasiliteyt at
mamonitor ng dalawang guro.
13. ESM-POkUS ng Pagtuturo(Junior High Schools)/ ESM-Focused Teaching (Junior High Schools)
Sa modaliting ito, ang Ingles, Agham at Matematika lamang ang ituturo sa paaralan. Ang ibang saklaw ng pag-aaral
ay ituturo sa tulong ng modyular at pagdulog na homebased.
14. RESM-Pokus ng Pagtuturo-Elementary Schools (RESM-Focused Teaching (Elementary Schools)
Sa modaliting ito ang Pagbasa, Ingles, Agham at Matematika lamang ang ituturo sa paaralan. Ang ibang saklaw ng
pag-aaral ay ituturo sa tulong ng modyular at pagdulog na homebased.

https://newsbeastph.com/2020/06/mga-ibat-ibang-uri-ng-modaliti-sa-pagtuturo-at-pagkatuto-sa-bagong-normal-
ngayon/

Itinuturing na 21st century learners ang mga mag-aaral sa henerasyong ito dahil umano sa kanilang
adaptive abilities, at ang pagkaangkla ng kanilang pamamaraan ng pagkatuto sa teknolohiya. Noong
araw, nasubukan nating pag-aralan ang mga paksa kasama ang matinding gabay ng ating mga guro sa
loob ng apat na sulok ng silid-aralan. Ngunit sa panahon ngayon, ang mga magaaral ang siyang
nagsisilbing kani-kanilang mga personal na guro sa apat na sulok ng kanilang mga tahanan. Ito ang
kinalalagyan ng mga estudyante sa pagsibol ng new normal at sa pagbukas ng panibagong akademikong
taon.

Sa kalagitnaan ng krisis na dulot ng COVID-19, isiniwalat ng Department of Education (DepEd) ang


kanilang plano sa pagpapatuloy ng klase sa pamamagitan ng blended learning na binubuo ng online
learning kasabay ng pagbibigay ng mga modyul o CAPSLET (Capsulized Self-Learning Empowerment
Toolkit). Isang kadahilanan dito ang mithiin na maibigay pa rin ang karapatan ng mga kabataan sa libreng
edukasyon sa kabila ng pandemya. Subalit, kasabay nito ang mga pagsubok na siyang kinakaharap sa
mga pampublikong paaralan.

Nang mapagdesisyunan ng DepEd na simulan ang akademikong taon noong ika-24 ng Agosto,
ipinangako ng ahensya ang matinding preparasyon at ang pagsasaalang-alang ng mga estudyanteng
walang kakayahan sa online learning—kabilang dito ang paggamit ng telebisyon at radyo sa pagtuturo.
Sa kabila ng pagsisikap ng ahensya, patuloy pa rin ang mga bumubuhos na problema nang magsimula
ang klase. Dahil dito, nag-isyu ang Malacañang ng memorandum na nakaayon sa R.A. 11418 na nag-
usad ng klase sa ika-5 ng Oktubre.

Ang ilang sa mga suliranin na kinakaharap ng DepEd ay ang sumusunod: kahinaan ng internet
connection, kakulangan ng mga modyul sa proseso ng pag-aaral, at kawalan ng kasiguraduhan sa pag-
unlad ng karunungan ng mag-aaral.

Isa sa mga pinakamalaking salik na siyang nagiging hadlang sa epektibong pag-aaral ay ang problema
sa internet o data connection. Ito, kasama ng mga gadyets ang siyang pinakapundasyon ng e-learning.
Maraming mga Pilipino ang naglabas ng kanilang mga hinaing ukol dito at iginiit na isa itong anti-poor na
aksyon. Ayon sa DepEd Information, Communications and Technology Service Director na si Aida
Yuvienco, nasa 26% lamang ang bilang ng mga pampublikong paaralan ang may internet connection. Sa
kalagayan at laganap na kahirapan, mahihirapan ang mga pampublikong paaralan sa pagpapatuloy ng
klase lalo na at ika-83 lamang ang Pilipinas sa loob ng 183 na bansa pagdating sa kahandaan para sa
online learning ayon sa Department of Science and Technology (DOST). Sa kabila ng kawalan ng
katiyakan dito, pinili pa rin ng DepEd na ipagpatuloy ang klase sa pamamagitan ng pagbibigay ng
alternatibo sa mga mag-aaral, katulad na lamang ng CAPSLET. Nang magsimula ang klase, nakitaan din
ng mga problema ang mga ito dahil sa mga maling impormasyong nakasaad dito. Kabilang na rin dito
ang mga leksyon na ineere sa telebisyon. Inamin naman ng DepEd ang kanilang mga pagkakamali sa
mga learning materials na kanilang ibinabahagi. Ayon kay Education Undersecretary for Curriculum and
Instruction Diosdado San Antonio, ang mga pagkakamaling ito ay maaaring nagmula sa kawalan ng
kontrol sa pagpapanatili ng kalidad ng mga modyul at mga ineereng aralin sa telebisyon dahil ilan sa mga
ito ay gawa lamang ng mga lokal na departamento ng paaralan. Nagpahayag naman si Education
Undersecretary Alain Pascua na “…may makakalusot talaga dahil we’re not living in a perfect world (hindi
tayo nabubuhay sa perpektong mundo).” Idinagdag din nito ang dami ng kanilang ginagawang learning
materials na siyang isa sa mga rason kung bakit may mga hindi napapansing mali sa CAPSLET at sa
mga iba pang pinagkukunan ng aralin. Patuloy rin ang mga hinaing ng kabataan sa social media tungkol
sa kanilang mga karanasan sa online class na hindi umano nakatutulong o nakadaragdag sa kanilang
kaalaman dulot ng self-learning. Isa pang nakikitang suliranin ay ang kawalan ng kasiguraduhan sa
learning progress ng mga estudyante dulot ng labis na pagtulong ng mga magulang o ng mga mas
nakatatandang kapatid sa pagsagot ng mga pagsusulit. Mas nagiging mahirap mapunan ang pagkatuto
ng mga mag-aaral dahil sa mga epekto na wala sa kontrol tulad na lamang ng kawalan ng interes o
atensyon sa pinag-aaralan na siyang dahilan kung bakit ang mga magulang ang nagsisilbing mga mag-
aaral. Naglabas ng pahayag ang DepEd patungkol sa isyung ito at umapela sa mga magulang na huwag
sagutan ang mga pagsusulit na nakatalaga sa mga mag-aaral.

Sa gitna ng mga pasulpot-sulpot na problemang hatid ng new normal sa mga pampublikong paaralan,
patuloy pa ring kinakaharap ng mga mag-aaral ang mga epektong dulot nito sa kanilang edukasyon.
Bagama’t nagsusulong ng solusyon ang DepEd, hindi maipagkakaila ang kakulangan sa preparasyon o
kahandaan para sa online learning. Ayon sa isang pahayag ni DepEd Secretary Leonor Briones noong
Agosto, nais nilang iwasan ang pagkawala ng interes at pagkahuli ng mga Pilipinong mag-aaral
pagdating sa edukasyon. Kaya naman ang pangunahing misyon nito ay patuloy na maibahagi ang
serbisyong edukasyon para sa mga kabataan. Sa kabila ng mga patong-patong na reklamo at
problema na kinahaharap ng mga mag-aaral, pinipili pa ring maging bingi ng ahensya sa
isinisigaw ng mga kabataan na tumatawag ng academic freeze. Nakababahalang isipin na
mithiin ng ahensiya ang pagtibayin ang kaalaman ng mga mag-aaral, ngunit may pag-unlad nga
ba talagang nakikita sa mithiing ito? Nakababahalang isipin na mahigpit ang paniniwala ng
ahensya sa kanilang misyon na magbahagi ng maayos na kalidad ng edukasyon nang walang
solusyon sa mga suliraning ito. Kinakailangan bang magdusa ng mga Pilipinong mag-aaral para
lamang makamit ang hinahangad ng DepEd? Talaga bang naghahatid-serbisyo ang ahensiya
sa mga magaaral kung ang “serbisyo” ay siyang nakikitaan ng problema? Ang “new normal” ba
ay nagsilbing solusyon upang muling makapag-aral o naging sanhi lamang ito ng panibagong
balakid sa karunungan? Kung ang mga mag-aaral noon ay lubusang nagabayan ng mga guro,
ang pinakamalaking ambisyon sa panahong ito ay maibalik ang dating kalidad at sistema ng
pag-aaral. Maaaring mas mabuti ang maghintay na mayroong kasiguraduhang kaunlaran sa
pagkatuto kaysa ang ipagpilitan ang mga kondisyong hindi naaangkop sa kapasidad na
mayroon ang ahensiya, pati na rin ang mga mag-aaral. Oo, itunuturing 21st century learners
ang henerasyong ito ngunit wala itong magandang idudulot kung ang mismong sistema ang
siyang problema.

https://issuu.com/beaconpublications/docs/sinag_2020_updated/s/11376120

GRABE ang epekto ng COVID-19 pandemic sa larangan ng edukasyon sa buong mundo at ang anyo ng bagong
normal sa edukasyon ay malayong malayo sa dating normal. Sa ayaw man o sa gusto ng mga titser, magulang,
estudyante at mga opisyales ng Kagawaran ng Edukasyon, CHED at Tesda, mas dadalas at magiging pangunahing
pamamaraan sa paghahatid ng karunungan ang “online learning” na dati’y madalang gamitin.

Hindi na uubra ang dating normal na tanging sa silid paaralan lang maghaharap ang guro at mga estudyante upang
maganap ang edukasyon. Ang online learning ay gumagamit ng teknolohiya na mag-uugnay at maghaharap sa
dalawa sa pagsasalin ng karunungan at kasanayan, at sa tagisan at palitan ng kuro-kuro.

Sinabi ni Cathy Li ng World Economic Forum, na mas epektibo ang online learning kesa sa pag-aaral sa loob ng silid
paaralan. Mas natatandaan ng estudyante ang 25-60% ng kanilang natutuhan online kumpara sa 8-10% lang kung
sa silid-paaralan ito itinuro. 40-60% ang nababawas na oras para matutuhan ng bata ang isang aralin sa online
learning. Ito raw ay dahil kayang balik-balikan ng bata ang aralin, puedeng lumaktaw at umabante sa ibang konsepto
batay sa sariling kakayanan ng bata. Hindi nababagot ang bata sa bagal ng pagtuturo ng titser sa silid paaralan.

May distance o remote learning kung saan mananatili sa bahay ang mga estudyante upang aralin ang mga learning
modules na ipapadala sa kanila ng titser gamit ang teknolohiya tulad ng email, viber, telegram, at FB PM. Maaari din
bahay bahayin ng titser ang paghahatid ng mga modules na ito. Maaari din gumamit ng TV at Radio learning
broadcast upang maihatid ang aralin sa mga bata. Sa Inglatera, mga sikat na atleta at artista ang kanilang isinama
dito para mahikayat ang estudyante na manood at makinig sa mga learning broadcasts. Pagkaraan nito, maaaring
mag video conference o virtual meeting o di kaya bibisita ang titser sa bahay ng estudyante para magkaroon ng “one
on one” sa estudyante.

May “blended learning” o pinaghalong online at distance learning. Mayroon din “flipped classroom” , isang uri ng
blended learning kung saan manonood ang mga estudyante sa online lecture, magbabasa ng mga itinakdang aralin,
may video chat ang mga magkaklase upang talakayin ang aralin o magtulong-tulong sa pagsasaliksik sa internet ng
mga materyales na kailangan upang lalong luminaw, lumawak at lumalim ang kanilang pagkaunawa sa mga
konsepto na tinatalakay ng titser.

Sa isang napanood kong video sa epekto ng online learning sa Wuhan sa panahon ng pandemic, isang 10 taon
gulang na bata ay nag-online sa takdang oras, tumayo sa harap ng monitor at sumaludo habang kinakanta ang
kanilang pambansang awit. Mayroon din ilang minuto ng calisthenics at sumusunod ang bata sa mga kilos ng titser
sa monitor. May ilang saglit na pahinga bago mag umpisa sa aralin ng araw na iyon at sumagot sa mga tanong sa
learning modules na hawak niya. Ang bata ay nagsabing malungkot mag-aral mag-isa dahil wala siyang makausap.
Mas gusto pa niya pumasok sa paaralan para magkita ng mga kaklase at makapaglaro pagkatapos ng klase. Ang
nanay naman ng bata ay nangangamba sa kalusugan ng tumatabang anak na isang swimmer dahil kulang ito sa
ehersisyo.
Mayroon dalawang puna ang mga nangangamba na hindi magtatagumpay ang online learning sa Pilipinas: una,
mabagal ang internet sa Pilipinas, at pangalawa, maiiwanan ang mga mahihirap sa bagong normal sa edukasyon.

Nakakahiya ang kupad ng mobile internet download speed ng Pilipinas sa 15.06 megabits per second (Mbps) para
sa taong 2019. Ang global average speed ay 26.12 Mbps. Daig pa tayo ng Zimbabwe (15.2 Mbps) at Syria (19.48
mbps). Pang 103rd sa 139 bansa ang ating rango. Ang DepEd, CHED, Tesda at DICT ay kailangan magsanib
puwersa para pigain ang mga Telecom carriers na palakasin ang internet connectivity infrastructure ng Pilipinas. Free
WiFi at libo-libo pang mga cloud servers ang kailangan upang ang mahihirap na estudyante ay hindi na kailangan
pang magpaload ng kanilang mobile device para makapag online at magkasya ang napakalaking bulto ng data na
kailangan idownload at upload.

Kailangan maglaan ng pondo ang pamahalaan, nasyonal at lokal, sa pagbili ng mga desktop, laptop, at mobile
devices para sa estudyante at mga guro. Dagdag pa rito ang paglalaan ng pondo para sa training ng titser sa
pagsasalin ng kanilang ituturo sa digital format at kung paano gumamit ng mga devices para mag upload ng mga
aralin na ginawa nila. Ang lesson na pang isang oras sa silid paaralan ay kailangan kinisin upang magkasya sa loob
ng 15- 30 minuto lamang sapagkat ito ang pinaka epektibong online session, ayon sa University of Peking.

Ayon kay Antonio Contreras (Manila Times, Mayo 7,2020), noong 2017, 80% ng mga Pilipino na ang edad ay 18-24
ay nakakapag-online. Sinabi ni Contreras na malaking hamon paano mabubuksan ang isipan ng age group na ito
na ang internet ay tagapaghatid din ng edukasyon at hindi lamang ito kasangkapan ng libangan, aliwan ,at
pakikipag ugnayan sa mga FB friends at mga followers nila. Minungkahi niya na pagsamahin ang edukasyon at
libangan sa pagdisenyo ng mga programa sa online at ofline learning sapagkat “learning should be fun”.

Sabi ni Alfred Mercier, dapat maging masayang karanasan ang pag-aaral upang hindi makalimutan ng mag-aaral
ang kanyang natutuhan. Kung susundin ng Dep Ed, CHED at Tesda ang mungkahi ni Contreras, hindi mababagot
ang mga batang mag-online para mag-aral. Ang bagong normal sa edukasyon ay dapat maging isang masayang
karanasan ng bata at titser.

https://journal.com.ph/editorial/opinion/online-learning-sa-new-normal-ng-edukasyon/

You might also like