You are on page 1of 23

EPEKTO NG MALABISANG PAGGAMIT NG

FACEBOOK APP SA PAG-AARAL

Isang Pananaliksik na Iniharap


kay Gng. Jenny Lyn Desiongco sa asignaturang
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
ng Science Technology Engineering Mathematics (STEM)

Dauin Science Senior High School


Paaralan

Rhea Jane A. Avanzado

Ipinasa ni

Talaan ng nilalaman
MGA PAUNANG PAHINA Pahina
1. Dahon ng Pagpapatibay................................................................... i
2. Pag-aalay at Pasasalamat................................................................ ii
3. Abstrak.............................................................................................. iii
KABANATA 1-ANG SULIRANIN AT ANG SAKLAW NITO
1. Panimula o Introduksyon.................................................................. 1-3
2. Layunin ng Pag-aaral/Paglalahad ng Suliranin................................ 4
3. Ipotesis o Haypotesis........................................................................ 4
4. Kahalagahan ng Pag-aaral............................................................... 4-5
5. Depinisyon ng mga Terminolohiya.................................................... 5-6
6. Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral............................................... 6
7. Batayang Teyoretikal ng Pag-aaral................................................... 7
8. Balangkas Konseptwal ng Pag-aaral................................................ 7
9. Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral.......................................... 8
10. Metodolohiya ng Pananaliksik
A. Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik........................ 9
B. Respodente...................................................................... 9
C. Kasangkapan sa Paglikom ng Datos............................... 9-10
D. Paraan ng Pagtikom ng mga Datos................................. 10
E. Pagsusuring Estadiska..................................................... 10

KABANATA II- PAGLALAHAD, PAGSUSURI, AT


PAGPAPAKAHULUGAN SA MGA DATOS……………………………... 11

KABANATA III- LAGOM, KONGKLUSYON AT


REKOMENDASYON
1. Lagom……………………………………………………………........... 12
2. Kongklusyon…………………………………………………………… 12
3.Rekomendasyon……………………………………………………….. 13

Listahan ng mga Sanggunian…………………………………………….. 14

Dahon ng Pagpapatibay
Bilang isang bahagi ng mga gawain kailangan sa pagkumpleto ng mga

kailangan para sa asignatura ng Komunikasyon at Pananaliksik saWika at

Kulturang Pilipino. Ang proyektong ito ay pinamagatang “Epekto ng

Malabisang Paggamit ng Facebook App sa Pag-aaral” na inihanda ko.

Gng. Jenny Lyn Desiongco Petsa

Tinanggap bilang isang bahagi ng mga gawaing kailangan sa

pagkumpleto ng mga kailangan para sa asignaturang Komunikasyon at

Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.

Pag-aalay at Pasasalamat
Ako ay lubusang nagpapasalamat sa mga nakilahok sa aking

pananaliksik. Nang dahil sa kanila, mas napalawak pa ng mananaliksik ang

kaalaman at naging possible na magkaroon ng magandang resulta ang pag-

aaral na ito.

Sa panginoong diyos sa pagbibigay ng lakas sa akin upang matapos

ang ginawang pananaliksik at kahit ganito kahirap ang dinanas ay nandiyan

pa din siya upang palakasin ang aking loob na matapos ng maayos ang

pananaliksik na ito.

Sa aking magulang na walang sawang sumusuporta sa aking

pangangailangan lalong-lalo na sa problemang pangpinansyal at oras na

binigay sa akin upang magawa ang aking pananaliksik.

Sa mga respondent na nakilahok sa pagsagot ng tapat sa aking sarbey

kwestyuner, maraming salamat sa inyo.

Kay Gng. Jenny Lyn Desiongco guro sa asignaturang Komunikasyon

at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino , ako po ay lubusang

nagpapasalamat dahil sa kaniyang walang sawang pagsuporta at pag-unawa

sa akin sa paggawa ng pananaliksik na ito sa pamamagitan ng pagtama at

pag-gabay sa aking pananaliksik.

ii

ABSTRAK
Facebook,marahil ay meron kang account dito. Siguro ay hindi

kumpleto ang iyong araw kapag hindi mo na-tsek ang iyong mga abiso o

makapagpost ng litrato sa iyong Facebook account. Ang social networking

sites na ito ay bahagi na ng ating pang-araw-araw na pamumuhay at naging

parte na rin ng kultura nating mga Pilipino. Sa paglipas ng panahon, ang

facebook ay produkto ng teknolohiya ay tila lumukob na sa ating pagkatao.

Ikaw ba ay hindi nakakagawa ng takdang-aralin sapagkat inuuna mo

pang bisitahin ang iyong facebook account para tingnan ang mga abiso? Ang

facebook ay may mga hindi magandang naidudulot sa mga mag-aaral na

dapat pagtuunan ng pansin. Ang pagbaba ng marka sa mga asignatura ay isa

sa mga masasamang dulot ng paggamit ng facebook. Sa halip na mag-aral

ang ilang estudyante, inilalaan nila ang kanilang oras sa pakikipag-chat sa

kanilang kaibigan. Bilang epekto nito, sila ay nagkakraming sapagkat ang

mga araling hindi nila naaral ay kanilang pinagtutuunan ng pansin sa

mismong oras ng klase. Ang iba nga ay nagpupuyat pa dahil hindi nila

mapigilan ang palagiang pagbisita sa kanilang mga account. Ang resulta ay

wala sila sa pokus habang sila ay nasa loob ng silid-aralan. Pisikal na

naroroon ngunit wala sa pag-iisip, ang sabi nga nila. Ang kanilang mundo ay

umiikot na lamang sa mga facebook na nagiging sanhi upang hindi nila

magampanan ang kanilang mga obligasyon bilang mga mag-aaral. Maging

ang kanilang aspetong pisikal ay lubos na naaapektuhan. Dati, ako ay

namulat sa mga larong pinoy: may lata at tsinelas ka lang sa tumbang preso

at pang-guhit sa harang-taga ay kumpleto na ang araw ko. Ang mga larong

iii
pinoy na ito ay tila nawawala na sa kasulukuyang panahon sapagkat sila ay

sinupil na ng mga produkto ng teknolohiya na patuloy na pumapatok sa mga

tao lalo na sa mga kabataan. Dahil dito, ang ilan sa mga kulturang Pilipino ay

nabubura na sa ating makulay na kasaysayan. Ang aspetong sosyal rin nila

ay nawawala na sapagkat hindi na nila mabigyan ng sapat na oras ang

kanilang pamilya at kaibigan. Ang mga simpleng gawain tulad ng pagkain ay

tila nalilimutan na rin ng ilan sapagkat ang iba ay nasa alapaap,

pansamantalang kapiling ang kanilang mga “virtual” na kaibigan.

Sa kabilang dako, mayroon ding mga magagandang naidudulot ang

facebook. Ang iba ay gumagawa ng group chat sa facebook. Ginagamit nila

ito upang makapagtanong sa kanilang mga kaklase kung ano ang kanilang

takdang-aralin kinabukasan. Maaari rin silang manghingi ng tulong sa isa’t isa

sa paggawa ng mga takdaling-aralin na ito. Sa pamamagitan din ng group

chat, nagagawa nilang makahingi ng lektyur sa kanilang mga kaklase at guro

sa mas madaling paraan. Nalalaman din nila ang mga mahahalagang

anunsyo na kailangan nilang malaman. Ang mga aplikasyon na maaaaring

matagpuan at gamitin sa mga na nakapaloob sa mga ito ay malaki rin ang

naitutulong upang madagdagan ang kanilang kaalaman. Sa mabilis na

paglipas ng araw, mayroong mga bata ang hindi na nakakapanood ng balita

sa telebisyon. Sa tulong ng facebook, maaari pa rin nilang malaman ang mga

mahahalagang balita na nangyayari sa loob at labas ng bansa.

Ang pagsulpot ng facebook sa buhay ng mga mag-aaral ay parte na ng

modernisasyon na siyang kailangan sa patuloy na pag-unlad ng bawat bansa.

Ang maayos na paggamit ng facebook ay mahalaga upang makatulong ang

mga ito sa lubos na pag-unlad ng ating mga mag-aaral. Maging responsable


sa paggamit ng facebook. Nawa ay gamitin natin ang mga ito sa tamang

paraan na kung saan ay hindi nasasakripisyo ang ating pag-aaral. Maaari

nating gamitin ang mga ito upang mapataas ang ating mga marka sa iba’t

ibang asignatura. Nakakabuti rin ang paggamit ng facebook sa mga mag-

aaral ngunit kapag nasobrahan, ito ay labis na nakasasama sa kanilang pag-

aaral. Sa pamamagitan ng paggamit ng facebook na may tamang layunin at

oras ay maiiwasan natin ang mga masasamang epekto na dulot nito.


KABANATA I- ANG SULIRANIN AT ANG SAKLAW NITO

Panimula o Introduksyon

Ang Facebook ay isa sa mga kilalang Social Networking Sites sa

kasalukuyang henerasyon na malawakang ginagamit ng mga tao sa buong

mundo. Kahit saan man tayo pumunta, lahat ng taong nakakasalamuha at

nakikilala natin ay may kanya-kanyang account sa mga Social Networking

Sites na ito. Kung kaya’t pati na ang mga mag

-aaral mula sa elementarya, hayskul, at kolehiyo ay naiimpluwensiyang

magkaroon ng sariling account at makibagay sa uso. Ngunit nakaaapekto ba

ang mga Social Networking Sites sa edukasyon o pag-aaral ng mga mag-

aaral? May mga naidudulot ba itong masasamang epekto sa kanila?

Ang Facebook ay nagiging libangan na ng mga mag-aaral at minsan

ay nagiging parte na ng kanilang pamumuhay. Hindi nila nakakalimutang

buksan ang kanilang account bago pumunta sa paaralan, pagdating sa bahay

galing eskwelahan, habang kumakain ito , habang nag-aaral, habang

gumagawa ng takdang-aralin, at bago matulog. Paulit-ulit nila itong ginagawa

at hindi pa rin sila nagsasawa. Habang tumatagal, mas madalas na ang

pagbukas nila ng kanilang account. Sa gawaing ito, hindi maiiwasan ang mga

epekto ng Facebook sa kanilang pag-aaral. Ngunit hindi naman lahat ng mga

epekto nito ay masasama. Parehong may magaganda at masasamang dulot

ang Facebook sa pag-aaral ng mga mag-aaral. Nagagawa nilang magtanong

sa kanilang kaklase tungkol sa mga takdang-aralin. Maaari silang humingi ng

tulong sa isa’t isa sa paggawa ng takdang-aralin sa pamamagitan ng

tinatawag na “chat”. Nakakakuha rin sila ng kopya ng mga lecture ng kanilang

1
mga kaklase at guro. Nasasabihan din sila ng mga mahahalagang anunsyo

mula sa kanilang guro at kaklase na hindi nasasabi sa loob ng klase. Ito ang

mga mabubuting dulot ng Facebook sa pag-aaral ng mga estudyante. Sa

kabila ng mga ito, mayroon ding masasamang epekto ang Facebook. Hindi

sila makatuon ng mabuti habang sila ay nag-aaral at gumagawa ng takdang-

aralin dahil sa antala na dulot ng Facebook. Sa halip na gumagawa ng

takdang-aralin at nag-aaral, mas inaatupag nila ang paggamit ng Facebook.

Kapag hindi nila mapigilan ang kanilang sarili sa kakabisita sa Facebook, at

tumatagal na sa harap ng computer, nawawalan na sila ng oras para mag-

aral at gumawa ng takdang-aralin. Bilang epekto nito, sila ay umaakit sa

tinatawag na kraming na makakasama para sa kanilang pagganap sa

paaralan dahil sa halip namakinig sa guro, ginagawa nila ang kanilang

takdang-aralin sa loob ng klase, at nag-aaral para sa ibang asignatura. Kung

kaya't maaari silang makatanggap ng mga mababang marka sa mga

pagsusulit at gawain sa eskwela. Mula sa aking mga nabanggit na

mabubuting dulot ng tinatawag nating Facebook, mabuti naman ito para sa

pag-aaral ng mga estudyante ngunit kapag nasobrahan na ang paglipas nila

ng kanilang oras sa Facebook, pumapasok na ang mga masasamang epekto

ng mga ito. Sabi nga nila,“Kunin ang katamtaman sa lahat.” sa pamamagitan

nito at ng paggamit ng Facebook sa tamang layunin, paraan, at oras ay

maiiwasan ang masasamang epekto ng mga ito sa pag-aaral ng mga mag-

aaral. Isa sa kinahuhumalingan ng mga mag-aaral sa kasalukuyan ay ang

Facebook. Madalas pinagkakamalang hindi maganda ang nagiging bunga

nito sa kanilang pag-aaral (talaga nga kaya?); partikular ang karamihan sa

2
mga magulang sila ay may mga negatibong persepsyon tungkol sa usaping

ito. Mahirap igiit sa mga mag-aaral na wala itong mabuting idudulot at lalong

mahirap makipagtagisan sa kanila hinggil sa masamang epekto ng Facebook.

Penomenolohikal na pamaraan ang gagamitin sa pag-aaral; batay ito sa

obserbasyon, eksperimento at karanasan ng mga mag-aaral na gumagamit

ng Facebook. Nagsagawa ng pakikipanayam sa mga mag-aaral na

gumagamit ng Facebook. Pinakasikat na gamitin ng mga mag-aaral ay ang

Facebook. Ang mga takdang-aralin, babasahin at dapat pag-usapan tulad ng

ilang paglilinaw o katanungan tungkol sa paksang-aralin natalakay at

tatalakayin pa ay nabibigyang-linaw at tugon sa pamamagitan ng facebook

dahil dito madalas naka-On Line ang mga estudyante. Malaking bagay din ito

upang maging daan sa pagpapasa ng mga takdang-aralin ng mga mag-aaral

dahil ito ay paper less at malaking tulong pa ito upang mabawasan ang global

warming.

Sa panahon ngayon ay tunay na malaki ang naitutulong ng Facebook

sapakikipag-ugnayan ng tao sa buong mundo. Kaya’t hindi maipagkakailang

kahit ano pa man ang lahi, kasarian, edad, propesyon at estado sa buhay ng

isang tao ay may kaalaman na sa iba’t ibang

social networking sites at nagmamay-aring isa o higit pang “account”

ng mga ito, lalo’t higit ang Facebook. Kaya’t hindi na rin nakapagtatakang ito

na ang animo’y pinakabagong bisyong

kinahuhumalingan ngayon ng mga kabataan lalo na ang mga nasa murang

edad.

3
Layunin ng Pag-aaral/Paglalahad ng Suliranin

Dito itinatala ang problema ng pag-aaral. Hinahangad sa pag-aaral na

ito na masuri at masagot ang Epekto ng Malabisang Paggamit ng Facebook

App sa Pag-aaral.

Ilalahad sa bahaging ito ang mga katanungan na siyang sasagutin sa pag-

aaral.

1. Ano ang positibong Epekto ng Malabisang Paggamit ng Facebook App sa

Pag-aaral?

2. Ano-ano ang negatibong Epekto ng Malabisang Paggamit ng Facebook

App sa Pag-aaral?

3. Bakit mahilig gumamit ang mga mag-aaral ng Facebook?

4. Paano ba nakakatulong ang Facebook sa mga mag-aaral?

5. Paano nababalanse ng mga mag-aaral ang kanilang pag-aaral at paggamit

ng Facebook?

Ipotesis o Haypotesis

May makabuluhang epekto ang paggamit ng facebook sa loob ng klase.

Maaaring ginagamit nila ito sa magandang paraan, maaari ding ginagamit nila

ito sa masama at hindi nakakabuti sa kanila.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay makapagbibigay ng malaking tulong sa mga

sumusunod:

4
Sa mga Guro, ang pananaliksik na ito ay nakakatulong sa kanila upang

magabayan ang mga mag-aaral sa paggamit ng facebook app sa loob ng

paaralan.

Sa mga Mag-aaral, ang pananaliksik na ito ay nakakatulong sa kanila para

mayroon silang kamalayan sa mga epekto ngmalabisang paggamit ng

facebook app sa pag-aaral.

Sa mga Magulang, ang pananaliksik na ito ay maaring maging basihan sa

kanila para sa paggabay ng kanilang mga anak kung ano ang magiging

epekto ng malabisang paggamit ng facebook app sa pag-aaral.

Depinisyon ng mga Terminolohiya/Katuturan ng mga Katawagang

Ginamit

Ang mga terminolohiya ay binigyang kahulugan batay sa pag-aaral.

Cellphone- ay isa sa mga maraming bagay na napapabilis ang mga gawain

lalong-lalo na sa pagkokomunikasyon.

Account- ito ay paggawa ng impormasyon tungkol sa iyong sariliupang

gamitin sa social media.

Application- isang programa o system na nakukuha sa cellphone o

kompyuter.

Chat- ginagamit ito ng isa o higit pang-tao upang gawing bahay talakayan,

dito nagaganap ang palitan ng kaalaman at pagsagap ng impormasyon.

5
Facebook- isa itong teknolohiya na ginagamit upang makipagkilanlan at

makipagkumunikasyon sa ibang tao mula sa iba’t-ibang lugar, ginagamit din

ito upang makapamahagi at makasagap ng iba’t-ibang mahahalagang

impormasyon.

Profile- dito nakalahad ang mga impormasyon tungkol sa iyong sarili, o sa

madaling salita ay ito ang salamin sa iyong katauhan.

Social Networking Site- ay tumutukoy sa alin mang plataporma na lumilikha

ng mga social network o mga ugnayan ng pakikisalamuha sa mga taong may

magkatulad na interes, gawain, karanasan, o mga ugnayan sa tunay na

buhay. Ito ay binubuo ng isang representasyon ng bawat gumagamit (na

kadalasan ay isang profile), ang mga ugnayan nito sa ibang mga tao, at iba

pang mga serbisyo.

Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay sumasaklaw tungkol sa mahalagang isyu na

ikinakaharap ng ating bansa lalo na sa paaralan. Nakasentro dito ang

pagpatibay at pagpapatatag ng impormasyon tungkol sa problema at

solusyon ukol sa problema ng ating bansa na pagbaba ng kaalaman ng mga

mag-aaral dahil sa paggamit nila ng aplikasyon na facebook sa klase.

6
Batayang Teyoretikal ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay nagsasaad ng mga naging epekto sa ibang tao

ng facebook. Sinasabi dito na ang facebook ay isang tulay na maaring

magdugtong sa ating nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap na sitwasyon o

kaisipan. Ang pag-aaral na ito ay masasabi ring kritikal sapagkat malaki ang

impak sa isipan at pamumuhay ng isang tao ang facebook. Nais ng

mananaliksik na mapag-aralan kung paano nga ba ito nakakaapekto sa

pamumuhay at pag-aaral ng mga mag-aaral at kung ano ang kahalagahan

nito.

Paradima ng Pag-aaral

INPUT PROCESS OUTPUT


Uri ng social Pagsasarbey ukol sa nasa- Pamumuhay ng
media: bing input. mga mag-aaral:
Facebook Pagsasama-sama at pag- 1. Pag-aaral
aanalisa ng mga tala ng na- 2. Grado
kuhang sagot sa sarbey.
Balangkas Konseptwal ng Pag-aaral

Pinag-aaralan dito ang kasalukuyang ginagawa at mga isyu na importante sa

tao. Ang mananaliksik sa uring ito ng pananaliksik ay nagsasagawa ng mga

sarbey na nagpapaliwanag sa naging pakahulugan sa mga datos na nakalap.

Epekto ng Malabisang Paggamit ng Facebook App sa Pag-aaral

Positibo Negatibo

Ang naisasagawang pananaliksik na ito ay gumagamit ng


deskriptibong metodolohiya ng pananaliksik. Sa maraming uri ng
pananaliksik, ang napiling gamitin ng mga mananaliksik ay ang descriptive
survey research design. Ang nasabing uri ng diskriptibong pananaliksik ay
gumagamit ng survey questionaire o talatanungan sa pagkuha ng mga
datos. Para sa mananaliksik, ang disenyong ito ang pinaka angkop na
gamitin para sa pag-aaral ng kanilang paksa dahil mas maraming datos ang
makukuha mula sa maraming respondente.
Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral
Ayon sa pag-aaral ni Fiona Mae Abainza 2014, ang social media

katulad ng Facebook ay isang daan na maaaring makapagdulot ng maganda

sa mga kabataan. Isa na dito ay ang maaring magkaroon ng malayong

ugnayan ang bawat tao para magkaroon ng komunikasyon dahil sa paggamit

nito. Isa ring dulot ng mga social media ayon sa mga pag-aaral ay ang

pagpapadali nito sa pangangalap nito ng mga impormasyon.

Ayon sa Diksyunaryo tinutukoy ang Facebook bilang isang online na

social networking website kung saan ang mga tao ay maaaring lumikha ng

mga profile, magbahagi ng impormasyon tulad ng mga larawan at ang mga

quote tungkol sa kanilang sarili, at tumugon o mag-link sa impormasyong nai-

post sa iba.

Ayon kay Susan Greenfield (n.d), isang propesor sa kursong

pharmacology sa Oxford University at direktor ng royal institution of great

britain sa isang pahayagan na ang social networking ay parang sanggol na

kailangan bantayan bawat kilos at asikasuhin oras-oras.

Ayon sa wikipedia, ang social media ay isang strakturang sosyal na

gawa sa mga nodes o sa mas madaling salita ay mga indibidwal na

konektado ng isa o maraming tema tulad ng kaugalian, ideya, pagkakaibigan,

hilig at sekswal na relasyon. Hindi natin maipagkakaila na patuloy na

lumalawak ang mundo ng social media, lahat tayo ay kailangan ito hindi

lamang bilang pakikipagkapwa kundi pati narin sa ating pag-aaral. Sa

katunayan, patuloy ang pagdami ng mga estudyanteng mayroong account sa

mga social media sites.

8
Metodolohiya ng Pananaliksik

A. Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik

Ginamit sa pag-aaral na ito ay ang palarawang pamamaraan o

deskriptibong pamamaraan. Ang pamamaraang ito ay mabisa sa

paglalarawan ng kasalukuyang sitwasyon ng mga bagay (Walliman 2002).

Karaniwan itong ginagamit sa pananaliksik ukol sa linggwistika, agham

panlipunan, at panitikan.

Gumamit ng sarbey ang mananaliksik sa pamamagitan ng

talatanungan upang malaman kung mayroon bang epekto ang facebook sa

pamumuhay ng mga mag-aaral.

B. Respondente/Lokal at Populasyon ng Pananaliksik

Ang mga respondent na ginamit sa pag-aaral ay ang mga mag-aaral sa iba’t

ibang paaralan namay bilang na tatlumpu (30) na mag-aaral, labinlima (15) na

lalaki at labinlima (15) na babae.

C. Kasangkapan sa Paglikom ng Datos/Instrumento ng Pananaliksik

Isinagawa ng mananaliksik ang mga sumusunod na hakbang upang

maisakatuparan ang kasalukuyang pag-aaral:

1. Pagkalap at pagbasa ng mga aklat sa pananaliksik

Ang mananaliksik ay naglikom at nagbasa ng mga aklat tungkol sa

pananaliksik sa wikang Ingles at Tagalog upang malaman ang mga

karaniwang terminong ginagamit sa pananaliksik at mapalawak pa ang

corpus na maaaring pagkunan ng glosaryo ng mga terminolohiya.

9
2. Pagbuo ng Talatanungan

Bumuo ng talatanungan ang mananaliksik tungkol sa Epekto ng Malabisang

Paggamit ng Facebook App sa Pag-aaral na maaaring mayroong epekto sa

pamumuhay ng mga mag-aaral.

3. Pagbuo ng Talatanungan tungkol sa Epekto ng Malabisang Paggamit ng

Facebook App sa Pag-aaral

Gumawa ng talatanungan ang mananaliksik na kinapapalooban ng sampung

(10) katanungan na nakaugnay sa mga baryabol (Facebook, Pag-aaral, at

Grado).

D. Paraan ng Paglikom ng mga Datos

Sa paglikom ng datos, inumpisahan ito sa pagpadala ng liham sa

pamamagitan ng text sa sosyal media sa mga mag-aaral kung saan nakasulat

ang mga tanong nito na sumusuri at tumutukoy sa epekto ng malabisang

paggamit ng facebook appsa pag-aaral.

E. Pagsusuring Estadistika/Paraan sa Pagsusuri ng Datos

Sa pagsusuri ng datos ay may ibibigay ang mananaliksik na mga

talatanungan sa mga mag-aaral. Sa pamamagitan ng mga sagot nila na

galing sa talatanungan ay matutukoy at masusuri na kung ano ba talaga ang

magiging epekto ng malabisang paggamit ng facebook app sa pag-aaral, ito

ba ay may maganda o masamang maidudulot sa mga mag-aaral. Ano man

ang magiging sagot ng mga respondente ay iyon ay susuriin ng

mananaliksik. Dito na makikita at malalaman ang mga sagot ng respondente

na kinakailangan sa pagsusuri ng mga datos. Ang magiging resulta sa

pananaliksik ay nababatay sa mga sagot sa mga respondente.

10
KABANATA II-PAGLALAHAD, PAGSUSURI, AT PAGPAPAKAHULUGAN

SA MGA DATOS

Sa pagsusuri ng datos ay gumawa ng talatanungan ang mananaliksik

bilang gabay para makakuha ng kinakailangang impormasyon tungkol sa

posibleng maidudulot ang malabisang paggamit ng Facebook App sa pag-

aaral. Sa kanilang mga sagot ay dito na malalaman kung ano talaga ang

posibleng maidudulot ng paggamit ng cellphone sa loob ng paaralan, ito ba ay

mabuti o masama. Ano man ang magiging sagot ng mga respondente ay yun

ang susuriin ng mananaliksik. Dito na makikita ang mga sagot ng mga

respondente na kinakailangan sa pagsusuri ng datos. Ang magiging resulta

sa pananaliksik ay nakabatay sa mga sagot ng respondente.

Ang mga sumusunod ay ang kalabasan ng sarbey ng mananaliksik.

30 mag-aaral 30 mag-aaral
(sang-ayon) (hindi sang-ayon)
Madalas ba ang 28 2
paggamit mo ng
Facebook?
May mabuti bang 21 9
epekto ang Facebook
sa iyong pag-aaral?
Naranasan na po ba 12 18
ninyo ma-cyberbully
sa Facebook?
Ginagamit mo ba sa 28 2
mabuting paraan ang
Facebook?
Hindi napapabayaan 25 5
ang mga gawaing
bahay.

11
KABANATA III- LAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON

1.Lagom

Ang pag-aaral na ito ay ginagamitan ng descritive correlational upang

ipakita ang epekto ng malabisang paggamit ng facebook app sa pag-aaral.

Ang mga respondent ay binubuo ng tatlumpu (30) na mag-aaral mula sa iba't

ibang paaralan.

Ang pananaliksik na ito ay sumasagot sa mga sumusunod na mga

katanungan.

1. Bakit Facebook ang madalas gamitin ng mga mag-aaral?

2. Ano ang kahalagahan ng Facebook sa pag-aaral ng mga mag-aaral?

2. Kongklusyon

Base sa mga nakalap na mga datos, makikitang may iba't ibang epekto

ang facebook sa mga mag-aaral. Dahil ang pagkakaroon ng kalamangan at

kawalan sa paggamit ng facebook ay wala sa aplikasyon na ito kundi nasa

nasa kamay ng mga gumagamit. Bilang gumagamit ng aplikasyon na ito

nararapat alamin ang mga dapat at hindi dapat gawin upang makaiwas sa

masamang dulot nito.

12
3. Rekomendasyon

Kaugnay ng kongklusyon ay buong pagpapakumbaba na mabigyang pansin

ng mga mananaliksik ang mga sumusunod na rekomendasyon:

1. Sa mga mag-aaral, na gumagamit ng facebook app, hinihiling ko na isang

mananaliksik na maging maingat at responsableng mga gumagamit ng

aplikasyong ito. Dito natin mapapatunayan na talagang may pagtugon tayo sa

ating pag-aaral. Dito rin masusubok ang ating kapursigido sa pagkamit ng

ating tagumpay sa pag-aaral.

2. Sa mga magulang, bilang isang magulang huwag sana kayong

magsawang gabayan ang inyong mga anak sa pagkamit sa kanilang mga

pangarap. Palaging ipa-alala sa kanila na ang pagpupursigi sa pag-aaral ay

ang susi para makamit ang minimithing kinabukasan. Para hindi sila mawili sa

ibang materyal na bagay na maaring makasira sa kanilang kinabukasan.

3. Sa mga guro, kayo ang tinuturing na pangalawang magulang ng mga

mag-aaral. Humihingi ako sa patuloy na paggabay sa kanila sa pagtahak sa

kanila sa kanilang kinabukasan.

13
LISTAHAN NG MGA SANGGUNIAN

1. http://www.scribd.com/doc/121786736/Pananaliksik-tungkol-sa-epekto-

ng-malabisang-paggamit-ng-facebook-app-sa-pag-aaral.

2. www.wikipedia.com

3. www.google.com

14
SARBEY KWESTYUNER

Pangalan (Opsyunal): Baitang:

Paaralan: Edad:

Average:

90 85-89 80-84 77-79

Sagutan ang mga katanungan.

Sang-ayon Hindi Sang-ayon


1. Madalas ba ang

paggamit mo ng

Facebook?
2. May mabuti

bang epekto ang

Facebook sa iyong

pag-aaral?
3. Naranasan na

po ba ninyo ma-

cyberbully sa

Facebook?
4. Ginagamit mo

ba sa mabuting

paraan ang

Facebook?
5.Hindi

napapabayaan ang

mga gawaing

bahay.

You might also like