You are on page 1of 36

Republic Of the Philippines

Department Of Education
Region IV-A CALABARZON
Division Of Rizal
SAN JOSE LITEX SENIOR HIGH SCHOOL

Kabanata 1

Ang Suliranin at ang Kaligiran Nito

A. Introduksyon

Ang magandang gawi sa pag-aaral ay napakaimportante upang maging

maganda ang akademikong performans ng ilang mag-aaral,at tulad ng mga

magulang at guro na nais para sa kanilang mga anak na maging sabik sa pag-

babasa at pag-aaral. Kung kaya’t napakaimportante na lumikha ng

nakakaakit,nakakaimbita at komportableng lugar para sa mga mag-aaral upang

matulungan silang mapaunlad ang magagandang gawi sa pag-aaral o study

habits. Ang silid-aklatan,higit sa lahat , ito ay isang mainam na lugar sa pag-

aaral gayundin ay nagbibigay ng mahalagang impormasyon para sa mga mag-

aaral upang bumuo at suportahan ang mga gawi sa pag-aaral na kinakailangan

para sa mahusay na pagganap sa mga akademikong gawain. Kaya, ito ay

mahalaga para sa mag-aaral upang umunlad ang magandang gawi sa pag-aaral

na magbibigay ng isang mahusay na pagganap sa kanilang mga akademikong

gawain. Ang gawi o habits ay isang regular tendency o praktis,lalo na kung ito ay

hindi kayang tigilan.

Inilalarawan ni Alex (2011) ang gawi bilang isang bagay na ginagawa ng

nakaiskedyul, regular at nakaplanong batayan na hindi mas mababa sa

1
Republic Of the Philippines
Department Of Education
Region IV-A CALABARZON
Division Of Rizal
SAN JOSE LITEX SENIOR HIGH SCHOOL

ikalawang lugar o opsyonal na lugar sa buhay ng isang tao. Higit pang nakasaad

na ang isang gawi ay ginagawa lamang,walang reserbasyon, walang dahilan at

walang eksepsiyon. Kaya, ang gawing nabuo ay maaring mapabuti sa

pamamagitan ng patuloy na pag-eensayo;at napakahirap alisin ng isang gawi sa

oras na ito ay mabuo.

Ayon kay Alex (2011) sa pag-aaral kailangan ng oras at dedikasyon sa sarili para

sa aplikasyon at gawain ng pag-aaral at maging kaakit-akit.

Ang gawi ng pag-aaral ay isang pagkilos tulad ng pagbabasa, pagkuha ng

impormasyon, pagdaraos ng grupo ng pag-aaral na regular na ginagawa ng

mag-aaral upang maisagawa ang gawain. Ang mga gawi sa pag-aaral ay

maaring inilarawan bilang epektibo o hindi depende sa kanila kung hindi nila

isinasagawa nang maayos. Marami sa mga isyu ng tagumpay sa paaralan ay

umiikot sa pagbuo ng isang mahusay na gawi sa pag-aaral. Ang mga gawi sa

pagbabasa ay tumutukoy sa kaugalian na nagpapahayag ng kahawig nang

pagbabasa ng mga indibidwal. (Busayo, 2011 sited in Sangkaeo 1999). Ang mga

magulang ay tiyak na may malaking papel sa pagbibigay ng lakas ng loob na

magtagumpay ang isang mag-aaral. Sila ang mga dahilan na mag-udyok at

magbigay inspirasyon sa bawat bata sa kanilang pag-aaral. Gayunpaman sa

paaralan ang aklatan ay nagbibigay ng tahimik at mahusay na lugar sa pag-aaral

na makatutulong sa mental na konsentrasyon.

2
Republic Of the Philippines
Department Of Education
Region IV-A CALABARZON
Division Of Rizal
SAN JOSE LITEX SENIOR HIGH SCHOOL

Ang mga akademikong pagtatanghal ng mga mag-aaral ay nakabatay sa isang

pag-aaral at kasanayan sa pagbabasa kung walang mahusay na pag-aaral at

ugali sa pagbabasa, ang mga mag-aaral ay hindi magagawang isagawa ng

mahusay ang pagsubok at pagsusuri. Ang mahinang akademikong pagganap ay

babagsak. Ang mahinang pagganap ng akademiko ay maaaring mag-resulta ng

mababang grado at pagkabigo ng isang mag-aaral, maaari din itong humantong

sa mga mag-aaral na huminto sa pag-aaral.

3
Republic Of the Philippines
Department Of Education
Region IV-A CALABARZON
Division Of Rizal
SAN JOSE LITEX SENIOR HIGH SCHOOL

B. Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay naglalayon upang magbigay ng mga

impormasyon sa mga mananaliksik at mga hinaharap na mga mananaliksik sa

kung ano ang impak ng study habits sa akademikong performans ng mga mag-

aaral ng ABM sa ikalabing-isang baitang sa paaralan ng San Jose Litex Senior

High School

Ito ay naglalayong sagutin ang mga sumununod na mga

katanungan:

1.Ano ang demograpikong profayl ng mga mag-aaral pagdating sa:

a.Kasarian

b.Oras na inilalaan ng mag-aaral sa paaralan

c.Antas ng Pamumuhay

2.Mayroon bang kaugnayan ang study habit sa akademilong performans ng mga

mag-aaral ?

3.Gaano kahalaga ang paraan ng study habits sa akademikong performans ng

mga mag-aaral?

4.Ano ang maipapayo ng mga mag-aaral sa kanilang kapwa mag-aaral na

epektibong paraan ng pag-aaral o study habits?

4
Republic Of the Philippines
Department Of Education
Region IV-A CALABARZON
Division Of Rizal
SAN JOSE LITEX SENIOR HIGH SCHOOL

C. Kahalagahan ng Pag-aaral

Ito ay nagbibigay benepisyo sa mga sumusunod:

Administrasyon ng Paaralan - Nakakatulong ito sa mag-aaral upang

makagawa ng programa.

Guro- ang pananaliksik na ito ay makatutulong din sa higit na pag-unawa sa

iba’t-ibang pag-aaral ng kanilang mga mag-aaral. Dahil dito,umaasa na maari

silang bumuo ng mas epektibong paraan sa pagtuturo ng kanilang mga aralin.

Mag-aaral- Ang pananaliksik na ito ay magbibigay ng impormasyon sa kung

paano nakakaapekto ang mga gawi sa pa-aaral sa kanilang akademikong

pagganap.

Kapwa Mananaliksik- Maaaring magamit ang resulta ng pag-aaral sa higit na

pananaliksik na katulad ng pag-aaral na ito. Ang pananaliksik na ito ay tutulong

sa kanila na mag sasagawa ng isang mas malalim na pag-aaral tungkol sa

epekto ng mga gawi sa pag-aaral sa akademikong pagganap ng mga mag-

aaral.

D. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

5
Republic Of the Philippines
Department Of Education
Region IV-A CALABARZON
Division Of Rizal
SAN JOSE LITEX SENIOR HIGH SCHOOL

Ang pnanaliksik na ito ay nakatuon sa impak ng study habits sa

akademikong performans ng mga mag-aaral mula sa ikalabing-isang baitang ng

ABM sa paaralan ng San Jose Litex Senior High . Saklaw nito ang mga mag-

aaral sa ikalabing-isang taon sa kasalukuyang semester na antas na ABM

(Accountancy,Business and Management). Nilimitahan ang pag-aaral na ito sa

mga mag-aral na nasa ikalabing-isang baitang sa taong panuraang 2018-2019

sa paaralan ng San Jose Litex Senior High School.

Ang bilang ng mga repondents ay may kabuuang bilang na sampu (10).

Limang (5) respondents mula sa kalalakihang mag-aaral at gayunding bilang ng

respondents sa mga kababaihang mag-aaral. Isasagawa ang pagkuha ng

respondents sa pamamagitan ng tinatawag na ‘’ Purposive Sampling ’’. Ito ay

isang pamamaraan ng pagsasampling o ito ay isang sample na pumipili batay sa

mga katangian ng isang populasyon at layunin ng pag-aaral. Ang purposive

sampling ay kilala rin bilang judgmental, selective, o subjective sampling. Ang

pamamaraan para sa pagsasagawa ng purposive sampling ay tapat. Ang dapat

gawin ng isang mananaliksik ay tanggihan ang mga indibidwal na hindi

nakaayon sa isang partikular na profayl kapag lumilikha ng sampol.

Gayunpaman, ang mga mananaliksik ay maaaring gumamit ng iba't ibang mga

diskarte sa panahon ng purposive sampling, depende sa layunin ng kanilang

pag-aaral.

6
Republic Of the Philippines
Department Of Education
Region IV-A CALABARZON
Division Of Rizal
SAN JOSE LITEX SENIOR HIGH SCHOOL

E. Kahulugan ng Termino

Akademiko - Ito ay tumutukoy sa edukasyon, Scholarship, Institusyon o pag-

aaral na nagbibigay tuon sa pagbasa , pagsulat at pag-aaral, kaiba sa praktikal o

teknikal na gawain.

Akademikong gawain - ay isang pananaliksik, nagbibigay ito ng mga kaalaman

sa mag-aaral upang mapalawak ang kainilang karanasan at mga kaalaman. Sa

ingles tinatawag itong study habit.

Akademikong Pagganap - tungkol sa kakayahan ng isang mag-aaral patungkol

sa akademikong aspeto. Sa ingles tinatawag itong academic performance.

Gawi - tumutukoy sa mga araw-araw na bagay na nakasanayan ng isang tao o

grupo ng m ga tao , sa ingles ito ay tinatawag na habits.

Gawi sa pag-aaral - ito ay sistematikong istilo ng pag-uugali o gawi sa pag-aaral

ng isang mag-aaral. Ito rin ay mga praan kung paano nag-aaral, o mga gawi na

nabubuo sa pag-aaral sa ingles tinatawag itong study skills.

7
Republic Of the Philippines
Department Of Education
Region IV-A CALABARZON
Division Of Rizal
SAN JOSE LITEX SENIOR HIGH SCHOOL

Impak - kinalabasan ng isang bagay o sitwasyon.

Kasanayan - ang natutunang kapasidad o kakayahan na ipatupad ang mga

resultang nauna ng matukoy at kadalasang may mababang paggugol ng

panahon.

Paaralan - isang institusyon para sa mga taong nais matuto.

Pag-aaral- ito ay upang mas lalo pang mapatalas pa ang isip ng isang tao.

Pagbabasa- proseso ng pagkuha at pag-unawa sa iang anyo ng inimbak o

nakasulat na impormasyon o ideya.

San Jose Litex Senior High School (SJLSHS) - paaralan kung saan ginanap

ang pag-aaral tungkol sa pananaliksik na natapos .

8
Republic Of the Philippines
Department Of Education
Region IV-A CALABARZON
Division Of Rizal
SAN JOSE LITEX SENIOR HIGH SCHOOL

F. Konseptual na Balangkas

 *Kasarian
 *Antas ng Pamumuhay  *Kasanayan
 *Oras na nilalaan sa Pag-  *Akademikong Performans
aaral

9
Republic Of the Philippines
Department Of Education
Region IV-A CALABARZON
Division Of Rizal
SAN JOSE LITEX SENIOR HIGH SCHOOL

Kabanata 2

Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

Banyagang Literatura

Ang gawi sa pag-aaral o study habits ay ang gawain ng mga mag-aaral

tungkol sa kanilang mga tungkulin at responsibilidad sa akademiko. Ang bawat

mag-aaral ay may sariling mga gawi sa pag-aaral na nag-iiba sa kanyang mga

kagustuhan sa lugar at oras ng pag-aaral, mga diskarte sa pag-aaral at marami

pang iba.

Ayon sa Champion Study Habits Torturing, isang learning enhancement

center sa Amerika, ang pag-aaral ay nakaaapekto ng akademik performans.

Kahit na ang pinakamatalinong mag-aaral ay humihina sa akademiks kapag hindi

maayos sa study habits. Ang center na ito ay nagdedebelop ng isang

personalisadong programa sa study habits na tumutugon sa pangangailangan ng

bawat mag-aaral. Ang Programang ito ay base sa puspusang ebalwasyon na

isinagawa upang malamang ang learning preference at abilidad ng mag-aaral. Ito

rin ay dinisenyo para matulungan ang mga mag-aaral na madebelop ang

personal study habits. Ito ay sumusuporta na may positibong relasyon sa pagitan

ng study habits at akademik performans.

Ayon naman kina A. Hansen, Ph. D et.al, na sumusuporta sa positibong relasyon

ng study habits at akademik performans sa kanilang pagsasamang gawa ng libro

na may pamagat na ‘’The Complete Idiot's Guide to Study habits. Nabanggit sa

10
Republic Of the Philippines
Department Of Education
Region IV-A CALABARZON
Division Of Rizal
SAN JOSE LITEX SENIOR HIGH SCHOOL

librong ito na ang study habits ay mahalaga upang makamtan ang akademikong

tagumpay para sa sinumang mag-aaral. Kaya't masasabing isang mahalagang

salik ang study habits para sa tagumpay ng isang mag-aaral.

Sa pag-aaral naman nina Marcus Crede at Nathan R. Kuncel napag-alaman nila

na mayroong kaugnayan ang akademik performans sa study habits. Sa

panananaliksik nila sa Unibersidad ng Albanya nasabi nila ang study habits ay

nagpapakita ng malakas na relasyon sa “ grade point average” at bawat grado

ng indibidwal. Sila rin ang nagsabi na ang academic specific anxiety ay

importanteng negatibong prediktor ng performans. Dagdag rito, ipinakita nila ang

kahalagahan ng baryasyon sa baliditi ng ispesipikong imbentaryo. Ang iskor ng

tradisyunal na study habits at attitude inventories ay ang pinakaprediktib sa lahat

ng performans. Habang ang iskor sa mga imbentaryo batay sa popular na depth

of processing perspective ang pinakamahinang prediktor ng performans.

Sa kabuuan, ang study habits and skill measures ay nagpapabuti ng prediksyon

ng akademik performans kaysa sa ibang non-cognitive individual difference

variable na napag-aralan sa kasalukuyan, at dapat itong tanggapin bilang

ikatlong haligi sa akademikong tagumpay.

Ayon pa sa sinabi ni M. Schwartz (1973), para makakuha ng magandang marka

ang isang estudyante kailangang idebelop niya ang magandang study habits na

sinusunod ang balangkas ng mga estratehiya sa kaniyang ginawang libro.

Iminungkahi ng kanyang libro na may pamagat na “The British Study Habits

11
Republic Of the Philippines
Department Of Education
Region IV-A CALABARZON
Division Of Rizal
SAN JOSE LITEX SENIOR HIGH SCHOOL

Inventory” ang paggamit ng kanyang estratehiya ay nagpapabuti ng akemikong

performans. Ayon sa awtor, ang tagumpay sa paaralan ay hindi

nangangahulugan ng pagkakaroon ng mataas na IQ, ngunit kailangan lang ang

apat na elementong ito: teknik, direksyon, gabay at study habits. Itinangi niya

ang pag-aaral ay isang kasanayan kung kaya’t ang study habits ay dapat

maidebelop ang pinakamataas na resulta sa akemikong performans ng mga

estudyante. Karagdagan pa ayon kay Steve Piscitelli, sa kanyang librong

pinamagatang ‘’Study Habits Do I Really Need This Stuff?’’ Sinabi dito na ang

epektibong study habits ang nagbibigay lakas sa mag-aaral na gawin ang

kinakailangan upang maging mahusay sa pagganap ng kanilang course

requirements, sinabi pa nya na ang study habits ay pinagbubuti ang akademik

performans ng isang mag-aaral.

Ayon naman kina Chansarkar and A. N Mishaeloudis (2001), ipinaliwanag ang

epekto ng edad , pagkamarapat na distansya ,mula sa lugar na pag-aaralan at

iba pang sa pagganap ng mga mag-aaral. Ang performans ng mga mag-aaral

ayon sa kanilang libro na “Factors Associated with Academic Performance” ay

hindi apektado sa pamamagitan ng mga kadahilanan ng gaya ng edad, kasarian,

lugar ng paninirahan ngunit may kaugnayan sa pagkamarapat ng dami ng

asignatura. at iba pang natuklasan ay yong nakatira malapit sa paaralan o

unibersidad.

12
Republic Of the Philippines
Department Of Education
Region IV-A CALABARZON
Division Of Rizal
SAN JOSE LITEX SENIOR HIGH SCHOOL

Banyagang Pag-aaral

Mula sa pag-aaral na “A Study on Study Habits and Academic Performance of

Students” sinabi ni Singh (2011) na ang mga tagumpay sa pag-aaral at mga

gawi sa pag-aaral na isinagawa ng mga mag-aaral sa sekondarya ay lumabas na

ang mga batang babae at lalaki ay magkakaiba sa kanilang mga gawi sa pag-

aaral at tagumpay sa akademiko.Sa akda naman ni Frank Pogue (2000), sinabi

niya na ang study environment ay may positibong ugnayan sa akademik

performans. Nakapagsagawa siya ng pananaliksik upang malaman kung bakit

lumalagpak sa klase ang mga mag-aaral. Nalaman niya hingil sa sarbey tungkol

sa study habits, tatlumpung taon ng nakalipas, na lumalagpak ang mga mag-

aaral dahil hindi sila marunong kung papaano ang wastong pag-aaral. Inilalahad

rin niya ang kahalagahan ng pagkakaroon ng maayos na mesa’t upuan, pag-

iilaw, temperatura, bentilasyon at tahimik na kapaligiran. Sinasabi dito na

kailangan ng mga mag-aaral ang tahimik na lugar upang makapag pokus sa pag-

aaral.

13
Republic Of the Philippines
Department Of Education
Region IV-A CALABARZON
Division Of Rizal
SAN JOSE LITEX SENIOR HIGH SCHOOL

Kung sa gayon, dapat maialis ang internal at external na mga distraksyon.

Pangalawa’y dapat ring makakuha ng komprehensibong oberbyu sa takdang

aralin na pag-aaralan, alamin ang mga kakayahan, katotohanan at ideya na

inaasahang ma-master. Unahin ang pinakamahirap na asignatura kung saan ang

pag-iisip ay fresh at receptive. Ayon pa kay Pogue sa isinagawang pananaliksik

na “Study Habits and Students’ Academic Performance” ang study habits mula

pa noong nakaraang 30 taon hanggang ngayon ay isang salik kung bakit

bumabagsak ang mga estudyante dahil hindi nila alam kung paano makakapag-

aral ng tama at karaniwan na sa mga mag-aaral na bumagsak o hindi makapasa

ay sa kadahilanan na wala silang alam sa epektibong study habits na nararapat

sa pag-aaral. Isa pang nagpapaalala sa kanilang kawalan ng malay ay ang mga

psychological conceptions kagaya ng pagsuko kaagad at ang mga distraksyon

na nasa paligid na siyang lalong pumipigil sa kanila para makaisip ng mabuting

study habits.

Ayon naman kay Vince Sabroso (2013) sa pananaliksik na may pamagat na

“Research About the Factors Affecting Student's Study Habits. , ” kailangan ng

wastong study habits na babagay sa isang mag-aaral. Una ito ay ang pagplano

at tamang paglaan ng oras, kung ano ba ang dapat na unahin at kung ano ang

hindi dapat. Unahin ang mga asignatura kung saan ka mahina at ihuli kung saan

ka magaling. Bigyan ng mas malaking panahon ang mga mababang grado sa

asignatura at mga exams at ihuli ang madaling aralin. Sabi pa nga “Remember,

14
Republic Of the Philippines
Department Of Education
Region IV-A CALABARZON
Division Of Rizal
SAN JOSE LITEX SENIOR HIGH SCHOOL

good study habits includes how you plan and how you manage your time

efficiently.” Karagdagan naman ayon kina Mendez at Gampis (1975) ang

katalinuhan ay hindi ang pinakamahalagang kadahilanan para sa tagumpay ng

isang mag-aaral, ang matagumpay na mga mag-aaral ayon sa kanilang mga

natuklasan, ay may mas mahusay na mga diskarte sa pagtitipon ng data o mga

impormasyon, pag-organisa at pagtatanghal ng mga ideya. Napag-alaman din na

ang mahihirap na mga gawi sa pag-aaral ay maaaring makaapekto sa pagganap

ng akademiko ng mga mag-aaral at maging sanhi ng pagkabigo sa kanilang mga

akademikong paksa.

Sa pananaliksik ni Gudagavanar at Halayannavar, na pinamagatang "Influence

of Study Habits on Academic Performance of Higher Primary Students,” ang mga

gawi sa pag-aaral ay may napakahalagang papel sa buhay ng mga mag-aaral.

Ang tagumpay o kabiguan ng bawat mag-aaral ay nakasalalay sa kanyang

sariling mga gawi sa pag-aaral. Siyempre, ang pag-aaral ay isang sining at dahil

dito ay nangangailangan ng pagsasanay. Ang ilang mga mag-aaral ay nag-aaral

nang higit pa ngunit hindi nila nakamit ang tagumpay. Ang iba ay mas kaunti ang

nag-aaral ngunit nakakamit ito. Ang tagumpay ng bawat mag-aaral ay tiyak na

nakasalalay sa kakayahan, katalinuhan at pagsisikap ng mga estudyante.

Walang alinlangang, ang regular na gawi sa pag-aaral ay nagdudulot ng kanilang

sariling mga gantimpala sa kahulugan ng tagumpay. Kaugnay nito, ayon kina

Crow & Crow (1992), ang isang epektibong habits o gawi sa pag-aaral ay

15
Republic Of the Philippines
Department Of Education
Region IV-A CALABARZON
Division Of Rizal
SAN JOSE LITEX SENIOR HIGH SCHOOL

kasama ang pagpaplano o lugar, at isang tiyak na oras ng talahanayan at

pagkuha ng isang maayos, maikli at organisadong tala.

Lokal na Literatura

Ang susi para maging epektibong mag-aaral, kailangang matutunan na maging

“smarter” at hindi “harder”. Ang pag-aaral ng paunang pagaaral ay mas effective

kaysa sa nagka-cramming kung kailan malapit na ang exam. Ang isa o dalawang

oras na pag-aaral sa isang araw ay sapat na para magkaroon ng magandang

marka. Ayon ito sa isang artikulo na may pinamagatang “Study Habits ng

Estudyante” ni Lani Mate karagdagan pa mula rito , kahit college student ay

nawawalan na nang sapat na oras at araw para makapag-aral, kailangan pa rin

maging smart at i-apply ang study habits. Panahon na para magbago ng gawi

ang isang mag-aaral. Ang matagumpay na mag-aaral ay naglalaan ng oras sa

kanyang pag-aaral. Planuhin kung kailan mag-aaral, gawing ‘’weekly rountine’’

ito kahit pa sobrang busy. Dahil ang mag-aaral na nagtatala at sumusunod sa

iskedyul ng pag-aaral ay nakakadebelop ng magandang study habits at para

mag-review o pag-aralan ang subjects sa kanyang kurso ay mas nagtatagumpay

ang isang mag-aaral.

Karagdagan, ayon kay Geronimo (1983) na nagsiwalat sa kanyang pag-aaral na

ang mga mag-aaral na may mahusay na gawi sa pag-aaral ay mas mahusay na

gumaganap sa anumang gawain nangangailangan ng kakayahan sa isip.

Gayundin kay Cuevas (1984) ay dumating din sa parehong resulta, sa

16
Republic Of the Philippines
Department Of Education
Region IV-A CALABARZON
Division Of Rizal
SAN JOSE LITEX SENIOR HIGH SCHOOL

pamamagitan ng pagtuklas na may malaking kaugnayan sa pagitan ng

kakayahan sa isip at ng mga gawi sa pag-aaral. Binanggit din niya ang

karaniwang mga gawi ng pag-aaral ng mga mag-aaral na may mataas na

kakayahan sa pag-iisip. Ang mga ito ay ang mga sumusunod: 1.) regular na

ehersisyo; 2) pakikibahagi sa mga talakayan sa klase; 3) pag-alam sa layunin ng

mga takdang-aralin; 4) paglahok sa mga aktibidad ng grupo at 5) pagrepaso ng

mga tala sa mga naunang materyales.

Lokal na Pag-aaral

Ayon sa pag-aaral na pinamagatang “Kaugnayan ng Study Habits ng mga mag-

aaral sa ikalawang taon ng Edukasyon tungo sa sa Akademikong Performans”

ang mga matagumpay na estudyante ay nababalanse ang sosyal na aktibidad sa

mabuting study habits .Ang pagdadaybert mula

sa pag-aaral ay nakakabawas ng istres at nakakaiwas sa pagkakapagod. Sabi

pa sa pag-aaral na ito, dapat sa isang mag-aaral namagkaroon ng break time ng

isang oras pagkatapos ng pag-aaral para makisalamuha sa mga kaibigan:

magwork-out sa gym o makipagkilala sa ibang tao. Sa ganitong paraan, ang

mag-aaral ay nagkakaroon ng kosentrasyon sa pag-aaral pag may plano siyang

sosyal na aktibidad pagkatapos. Dagdag pa ni Gilly mula rin sa pag-aaral na ito

,“ Para madebelop ang isang magandang sosyal na pamumuhay, dapat

madebelop ang isang magandang malagiang study habits. Pagkatapos ng

hapunan, dalhin ninyo ang inyong aklat sa silid aralan, humanap ng komportable

17
Republic Of the Philippines
Department Of Education
Region IV-A CALABARZON
Division Of Rizal
SAN JOSE LITEX SENIOR HIGH SCHOOL

at payapang lugar at mag-aral ng dalawa hanggang tatlong oras na may break

na

sampung minuto kada apat naput limang minuto”. Ang pakikipagkaibigan sa

mga taong may kapareho na study habits at pagsabay sa kanila sa silid aralan

ay isa sa pinakamabuting paraan ng pagdebelop ng study habits, sabi naman ni

Mark.

Sa pananaliksik naman na pinamagatang “Isang pag-aaral ukol sa iba’t ibang

salik na nakakaapekto sa akademik performans ng mga iskolar sa Assumption

College” sinabi ni Kalamag, ang mananaliksik na ang kanyang pag-aaral ay

naka-pokus sa epekto ng gawi ng pag-aaral sa akademik performans ng mga

estudyante ng Computer Science. Ayon sa kanyang mga resulta, ang study

habits ay ang isa sa nakakaambag sa performans ng isang estudyante dahil sa

malawak na gamit ng internet, hypertext, at mga multimedia (Kalamag, A., 2013).

Karamihan sa mga pag-aaral tungkol sa gawi ng mga mag-aaral ay umiikot sa

paligid ng relasyon sa pagitan ng mga gawi at mga akademikong tagumpay at

pagganap. Ito ay pinaniniwalaan na ang mga pag-aaral ng isang mag-aaral na

nakabuo ng isang mahusay na gawi sa pag-aaral ay nagkakamit o nakakakuha

ng mas mataas na grado kaysa sa mga walang gaanong mga kasanayan sa

pag-aaral. Bumubuo din sila ng bagong kaalaman tungkol sa mga gawi sa pag-

aaral at maaari nilang gamitin para sa mga layunin sa pag-aaral.

18
Republic Of the Philippines
Department Of Education
Region IV-A CALABARZON
Division Of Rizal
SAN JOSE LITEX SENIOR HIGH SCHOOL

Ayon sa website na how-to-study.com (2009), ang mga estudyante na napaka-

matagumpay sa kanilang ninanais na karera ay may magandang gawi sa pag-

aaral. Inirerekomenda rin ng website na ito ang ilang mga tip sa pagpapabuti ng

mga gawi sa pag-aaral.

Karagdagan pa, ito ay nagpapahiwatig din na ang mag-aaral ay dapat subukan

na huwag pag-aralan ang lahat ng mga paksa sa loob lamang ng isang panahon

kung susubukang gawin ang sobrang pag-aaral sa isang pagkakataon,

nakakagugulo ito at ang pag-aaral ay hindi magiging epektibo. Ang pagkaroon

ng maikling break ay makatutulong na ibalik ang iyong mental na enerhiya.

Synthesis

Batay sa mga impormasyong nakalap ng mga mananaliksik tungkol sa iba’t-

ibang kaugnay na literatura at iba pang mga pag-aaral ng iba pang mga

mananaliksik hinggil sa epekto ng mga gawi sa pag-aaral sa akademikong

pagganap ng mga estudyante, ay masasabing ang mga gawi sa pag-aaral ay

talagang mahalaga para makamit ang tagumpay ng isang estudyante.

Makatutulong ito sa isang mag-aaral na magkaroon ng mas mahusay na grado

at mas mahusay na pagganap sa akademiko sa Paaralan. Karagdagan, ayon din

sa mga kaugnay na pag-aaral , hindi epektibong study habits o mga gawin sa

pag-aaral ay maaaring makaapekto sa akademikong pagganap ng mga mag-

aaral at maging sanhi ng pagkabigo sa kanilang akademikong pagganap, kaya

ang mga gawi sa pag-aaral ay dapat gawin ng maayos. Para sa kadahilanang

19
Republic Of the Philippines
Department Of Education
Region IV-A CALABARZON
Division Of Rizal
SAN JOSE LITEX SENIOR HIGH SCHOOL

ito, para sa mga mananaliksik ,ang mga gawi sa pag-aaral ay may positibong

epekto sa akademikong pagganap ng isang mag-aaral kung maayos at epektibo

ito itong isasagawa.

20
Republic Of the Philippines
Department Of Education
Region IV-A CALABARZON
Division Of Rizal
SAN JOSE LITEX SENIOR HIGH SCHOOL

Kabanata 3

Metodolohiya sa Pananaliksik

Disenyo ng Pananaliksik

Ang disenyo ng pag-aaral ay nasa paraang Deskriptibo ng

pananaliksik Pinakapangunahing layunin ng paggamit ng deskriptiv na disenyo

na ilarawan ang kapaligiran sa kasalukuyang pangyayari at alamin ang sanhi ng

partikular na kaganapan inuugnay rin ito sa mga elemento ng pag-unawa o

kahalagahan ng paksang tinatalakay .

Ayon sa Bums and Grove (2003;201),ang deskriptib na pananaliksik ay

idinisenyo upang magbigay ng isang larawan ng isang sitwasyon habang ito ay

natural na nangyayari. Ang pananaliksik na ito ay isang uri ng Kwalitatibo

(Qualitative) na nakabase sa mga opinyon at iba pang relatibong impormasyon

na maaaring mag iba iba sa mga iba’t ibang tao sa isang partikular na panahon .

Pamamaraan ng Pagpili ng Respondent

Inilalarawan ng bahaging ito ang ginamit na paraan sa pagpili ng sampol ng

populasyon ay “ Purposive o Deliberate Sampling”. Ang purposive o deliberate

sample ay isang uri ng non-probability sampling na kilala rin bilang judgemental

at subjective.

21
Republic Of the Philippines
Department Of Education
Region IV-A CALABARZON
Division Of Rizal
SAN JOSE LITEX SENIOR HIGH SCHOOL

Sa pag-aaral na ito pumili ang mga mananaliksik ng mga magaaral mula sa

pangkat ng ikalabing- isang baitang sa strand ng ABM sa paaralan ng San Jose

Litex Senior High School na tumutugon at may kaugnayan sa pananaliksik na ito.

Instrumento ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng pag-iinterbyu at

pagsasarbey . Ang mga mananaliksik ay naghanda ng sarbey kwestyoner upang

makakalap ng mga impormasyon tungkol sa kaugnayan ng study habits sa

akademikong perpormans ng mga mag-aaral.

Pamamaraan ng Pagkalap ng mga Datos

Inilalarawan sa bahaging ito ang pagkakasunod-sunod ng hakbang sa pagkalap

ng datos sa ginagamit na instrumentong panayam at talatanungan . Dito ay

nagsimula ang mga mananaliksik na mangalap ng mga datos sa mga piling mag-

aaral na may katangiang tumutugon sa hinihingi ng mga mananaliksik bilang

respondents.

1.Ang paggawa ng talatanungan para sa gagamiting pagsasarbey, at pag-

aapruba nito para makapagsimula.

2. Pumili ang mga mananaliksik ng dalawang katao, isang lalaki at isang babae

kada pangkat na mula lamang sa ikalabing-isang baitang ng ABM.

3. Isa-isang pinuntahan ng mga mananaliksik ang silid-aralan ng napiling

respondents.

22
Republic Of the Philippines
Department Of Education
Region IV-A CALABARZON
Division Of Rizal
SAN JOSE LITEX SENIOR HIGH SCHOOL

4.Pang-apat na hakbang ay tinawag ang mga napiling respondente ng mga

mananaliksik, upang simulan na ang pagpapanayam. Pagkatapos ay

inanyayahan ang mga mag-aaral na napili ng mga mananaliksik sa isang tahimik

na lugar upang maisagawa ng matiwasay ang kanilang pakikipagpanayam sa

mga respondente at upang masagot ng maayos ang mga tanong sa

talatanungan .

5. Ipinaliwanag ng mga mananaliksik ang panuto sa mga respondente na bigyan

nila ng kasagutan ang bawat katanungan ayon sa kanilang sarili ng may

katotohanan at katiyakan ,at kanila naman itong naunawaan at naisagawa ng

tama. Para naman sa huling hakbang na ginawa ay kumuha ng mga litrato ang

mga mananaliksik bilang patunay o dokumentado ang isinagawang

pangangalap ng datos mula sa mga respondents na kanilang pinasalamatan na

isinagawa noong araw ng Pebrero 18,2019.

6.Nilikom ang mga datos at binigyan ng interpretasyon.

Kompyutasyong Estradistika

Paglikom ng mga datos o impormasyon na binigyan ng kaukulang

interpretasyon.

23
Republic Of the Philippines
Department Of Education
Region IV-A CALABARZON
Division Of Rizal
SAN JOSE LITEX SENIOR HIGH SCHOOL

KABANATA 4

Pagsusuri Paglalahad at Interpretasyon ng mga Datos

Suliranin bilang 1

Ang mga co-researcher ay binigyan ng isang katanungan kung sa paanong

paraan madali nilang matutunan at maunawaan ang aralin, ibigay ang kanilang

dahilan kung bakit at ang kanilang mga sagot ay ang mga sumusunod:

Respondent 1: "Kaya ahmm. Madali akong matuto sa aking pag-aaral ay

pamamagitan ng pagbigkas ng mga salita nang malakas at paulit-paulit, ahmmn.

Pag-highlight sa teksto sa libro o sa kuwaderno at pagsali sa mga sesyon ng

pagsusuri o pag-aaral ng grupo ng mga kaibigan ko, sapagkat iyan ang madalas

naming ginagawa lalo na sa aking mga kaibigan dahil hindi lang namin

natututunan kundi maaari rin kaming makapag-bond sa bawat isa, kami ay

masaya at mayroon kaming mas maraming oras upang magkaroon ng isang

pag-uusap. "

Responden 2: " Sa paghiglight ng teskto kasi madali ko syang natatandaan."

Responden 3: " Sa mga nabanggit na pagpipilian ahh wala.... Wala akong napi... Di ako

gumagawa ng ganon, pero para sakin lang mas natututo ako kapag ako lang yong mag isang nag-

aaral. Sa madaling salita ako lang kasi yong mag isa kapag nagbabasa lang ako sa bahay... Sa

ganong paraan don lang aq nakakapag-aral, hindi talaga ako nag aaral sa school."

Respondent 4: " Mas mabilis akong matuto sa lesson kapag ano may group study ganun. "

24
Republic Of the Philippines
Department Of Education
Region IV-A CALABARZON
Division Of Rizal
SAN JOSE LITEX SENIOR HIGH SCHOOL

Respondent 5: " Pagbuo ng outline tapos pagsali sa mga review session o group study

kasi mas madali po ako natututo o naalala ko po agad pag meron akong ginawang outline sa

sarili ko tapos mas madali at mas maganda pag may kasama tayo .."

Responden 6: " Paulit ulit na pagbigkas ng malakas

At pag hahighlight ng teksto sa aklat o kwaderno. Kasi dun ako mas sanay at nadadalian."

Nagtatanong 7: " Ahmmmm... Paulit-ulit na pagbigkas ng malakas, ahmmm, oo yun lng,

ahmmm kasi nasubukan ko na din yung iba dito paggawa ng outline, paghihighlight, then pagsali

sa mga review sessions pero parang narealize ko na mas natututo ay mas nakakabisado ko

kapag paulit-ulit na binibigkas. Parang mas epektibo yun para sa akin. "

Respondent 8: " sa paulit ulit na pagbigkas ng malakas. Kasi mas naalala ko yung mga

nababasa ko kapag mas naalala ko yung mga word na nababasa ko kapag ganun yung ginagawa

ko.

-sa bahay lang, kasi ano mas tahimik dun. " Commented [A1]:

Responden 9: " Paulit ulit na pagbigkas ng malakas kasi sa paulit ulit na pagbigkas ko ng

malakas mas naiintindihan ko yung mga sinasabi ko,yung mga nirereview ko tsaka mas

napapadali ako sa ganong pag-aaral."

Respondent 10: " sa paulit ulit na pagbigkas ng malakas kasi mas lalo ko syang

nakakabisado."

25
Republic Of the Philippines
Department Of Education
Region IV-A CALABARZON
Division Of Rizal
SAN JOSE LITEX SENIOR HIGH SCHOOL

Mahigit sa kalahati ng mga respondent ang nagsabi na ang paulit-ulit na

pagbigkas ng mga salita nang malakas ay ang kanilang paraan na ginagamit sa

epektibong pag-aaral, tatlo naman sa mga sumasagot ay sinabing sa pagha-

highlight ng teksto o kuwaderno at pagsali sa pag-aaral ng grupo,pagkatapos isa

sa mga sumasagot ay nagsasabing ang paglikha ng balangkas ay ang paraan

para sa kanya upang matuto nang epektibo, at isa sa mga respondent sumagot

ng wala sa anumang pagpipilian,ang kanyang paraan, dahil epektibo para sa

kanya ay ang pag-aaral nag-iisa sa bahay. Batay sa mga sagot ng mga

sumasagot na lahat ay nagsabi na ang kanilang mga gawi sa pag-aaral ay

epektibo.

Lumilitaw sa literatura ni A. Hansen, Ph.D at Kathrina C. Hansen, Ph.D, na

sumusuporta sa positibong ugnayan ng mga gawi sa pag-aaral at mga

akademikong performans sa kanilang pinagsamang aklat na may pamagat na

"The Complete Idiot's Guide to Study Habits", nabanggit sa aklat na ito na ang

mga gawi sa pag-aaral ay mahalaga sa pagkamit ng tagumpay sa akademikong

performans para sa sinumang estudyante.

Mula sa mga pahayag na nakalap mula sa mga sumagot at mga kaugnay na

literatura t pag-aaral ang mga mananaliksik ay nakagawa ng isang

interpretasyon na ang mga mag-aaral ay mas madaling mag-aral sa

pamamagitan ng kanilang sariling paraan ng pag-aaral, ang mga mag-aaral ay

magkakaiba sa lahat ng paraan, katulad na lamang sa kanilang mga gawi sa

26
Republic Of the Philippines
Department Of Education
Region IV-A CALABARZON
Division Of Rizal
SAN JOSE LITEX SENIOR HIGH SCHOOL

pag-aaral kaya ang mga mag-aaral ay nararapat lang na gumamit ng kung ano

ang mas epektibo para sa kanilang sarili. Ang kanilang mga gawi sa pag-aaral ay

talagang tumutulong sa kanila na makaunawa at matuto.sa bawat aralin.

Suliranin bilang 2

Ang mga mag-aaral ay tinanong kung saan karaniwang isinasagawa ang

kanilang pag-aaral at sa ibaba ay ang kanilang mga kasagutan.

Respondent 1: “madalas ako mag-aral sa ahmm. Commonly sa bahay lang talaga kasi pag

dito sa school , pag may discussion lang yung teacher, nakikinig ako pero pag self study sa bahay

talaga.”

Respondent 2: “computer shop.”

Respondent 3: “Pinaka madalas akong nag-aaral sa bahay, kasi madalas ako walang

ginagawa tsaka pag sabado, linggo hindi ako masyadong nakikipag usap sa magulang ko.”

Respondent 4: “Sa classroom kasi kapag sa bahay ahhhh ano ahhh more on relax nalang ako

dun, pahinga pag kapag school school pag bahay ,bahay.”

Respondent 5: “sa classroom minsan diba review review kayo magkakaklase mas maganda

pag may kasama ka parang ngtatanungan kyo nagsasalitan kayo ng tanong para marefresh yung

mga katanungan .

- Pag sa bahay . Paggusto mo magisa yung pagmagmememorize ka ng mga lines mo mas

maganda pag sa bahay kase pwede kng sa kwarto mas tahimik pa .”

27
Republic Of the Philippines
Department Of Education
Region IV-A CALABARZON
Division Of Rizal
SAN JOSE LITEX SENIOR HIGH SCHOOL

Respondent 6: “Classroom, dun lang naman ako nag-aaral, minsan sa bahay.”

Respondent 7: “Ahmmm sa bahay and klasrum, sa library hindi eh kasi wala akong library eh

ahahahah charot. Ano kasi nga dun yun syempre yung ako umiikot lang naman yung oras ko sa

ano sa bahay, klasrum, bahay, klasrum so dun na din ako nag-aaral and yun nga, sa pero mas

nakakapagfocus ako sa bahay kasi nga mas tahimik. Sa klasrum kapag hassle na diba hindi ako

nakakapagreview sa bahay dun minsan nag-aaral ako sa klasrum.”

Respondent 8: “sa bahay lang, kasi ano mas tahimik dun.”

Respondent 9: “Sa bahay kasi sa bahay namin unti lang kaming nandun at mas naiintindihan

ko kapag sa bahay, tahimik.”

Respondent 10: “Sa bahay, kasi mas mahaba yung oras na nagugugol ko sa bahay kaysa sa

school.”

Suliranin Bilang 3

Ang mga co-researcher ay tinanong kung ano ang karaniwang panahon para

sa kanila na mag-aral at sa ibaba ang kanilang mga sagot.

Respondent 1: " Ano madalas ako mag-aral pag...Pag ano ...pag gabi ,gabi talaga kasi dun ko

hinahapit lahat eh, pati assignments ko, mga ano..quizzes namin.. Dun talaga ako nag-aaral kasi

before talaga ako matulog. "

Respondent 2: “madaling araw, mas madali mong matatandaan yung pinagaralan mo pag

madaling araw. "

28
Republic Of the Philippines
Department Of Education
Region IV-A CALABARZON
Division Of Rizal
SAN JOSE LITEX SENIOR HIGH SCHOOL

Respondent 3: " sa totoo lang sikreto ko kaya talagang tumatatak sa utak ko yung kaalaman

nag-aaral ako tuwing gabi tsaka madaling araw kasi ayun yung oras para sakin, sa kaalaman ko

na doon doon ka mas matututo kasi dun mas aktibo utak mo."

Respondent 4: " Madaling araw kasi alam ko kapag ka kasi syempre kapag ka bagong gising

tapos parang kakagising mo palang mas nagpa-function utak mo tapos yung mga lessons or yung

mga nirereview mo mas mabilis mo natatandaan.”

Respondent 5: " Pag sa bahay ako mas maganda pag gabi kasi para kinabukasan fresh parin

ung inaral mo .

-Pag sa room naman syempre pag mga break time o kaya hapon ksi walng ginagawa sa hapon

kasi nga breaktime.edi habang kumakain kyo nauusap usap kayo tungkol sa pinagaarlan nyo . "

Respondent 6: " Pagkagising duna ko ah normal, dun normal isip ko ."

Respondent 7: " Gabi, kasi diba ang oras natin 7:00 to 4:00 then magpapahinga ako saglit

tapos gabi na ako mag-aaral. So ayun feeling ko, aa akin ano mas okay siya kasi ahmmmm kapag

madaling araw minsan hindi ako nagigising eh kaya gabi ko inaaral talaga lahat. Wala na po.

Opo, kasi nga ayun katulad nang nasabi ko kanina tuwing may exam natatandaan ko pa naman

pumapasok pa siya sa isip ko then hindi ko na nakakalimutan agad. "

Respondent 8: “Madaling araw. Madaling araw tska umaga, ano pala, madaling araw tsaka

gabi! Kasi kapag gabi diba nagbabasa ako tapos ano, para maalala ko sya kapaag nagreview ulit

ako sa madaling araw.” Respondent 9: " hapon tsaka madaling araw. Kasi kapag hapon,

uwian natin kapag hapon tapos minsan naman kapag maaga akong matutulog nagigising ako ng

madaling araw, nag-aaral din ako. "

29
Republic Of the Philippines
Department Of Education
Region IV-A CALABARZON
Division Of Rizal
SAN JOSE LITEX SENIOR HIGH SCHOOL

Respondent 10: " Minsan kasi gabi eh, pero madalas madaling araw. Kasi mas naalala ko

sya diba ano, madaling araw tapos papasok sa school so mas ano yung utak ko, gumagana. "

Karamihan ng mga sagot mula sa mga sumasagot ayon sa oras ay ang

karaniwang oras para sa kanilang pag-aaral ay tumutugon na sa bukang-

liwayway ay sumusunod sa bawat gabi, pagkatapos ang ilan sa kanila ay

sumagot umaga, ang oras kung kailan sila gisingin at sa hapon o breaktime. At

nakabatay din sa mga sagot ng mga sumasagot, sila ay epektibo sa panahong

ito ng pag-aaral.

Ang artikulo ni Lani Mate na pinamagatang "Mga Pag-aaral sa Pag-aaral ng

Estudyante" ay nagsasabi na ang isang matagumpay na estudyante ay nagtabi

ng oras sa kanyang pag-aaral. Magplano kung kailan mag-aral, gawin ang

"lingguhang gawain" na ito kahit na sobrang abala. Dahil ang mga mag-aaral na

sumusunod sa isang iskedyul ng pag-aaral ay bumuo ng isang mahusay na gawi

sa pag-aaral at isang mag-aaral na magrerepaso o mag-aral ng kanilang mga

paksa ay magiging mas matagumpay.

Mula sa data na natipon at ayon sa mga pag-aaral, ang mga mananaliksik ay

nakagawa ng isang interpretasyon na ang mga mag-aaral ay nagsasagawa ng

oras para sa pag-aaral ay magiging epektibo sa kanilang akademikong

pagganap at magkakaroon ng isang epektibong pag-aaral.

Suliranin bilang 4

30
Republic Of the Philippines
Department Of Education
Region IV-A CALABARZON
Division Of Rizal
SAN JOSE LITEX SENIOR HIGH SCHOOL

Ang mga co-researcher ay tinanong kung gaano karaming oras ang kanilang

ginagastos kapag nag-aaral at sa ibaba ang kanilang mga sagot.

Respondent 1: " Umaabot ako ng tatlong oras kung hindi ako hihinto tatlong oras talaga. "

Respondent 2: "Isang oras."

Respondent 3: " Kapag walang gawain sa bahay, inaabot ako ng kalahating araw sa

pagbabasa tumitigil lang ako kapag kumakain. "

Respondent 4: “Ah isang oras lang, di naman ako masyadong nag-aaral.” Respondent 5:

" Ahhh. Isang oras kasi matalino ako eh "

Respondent 6: "Isang oras, hanggang dun lang kaya ko. "

Respondent 7: " Depende kasi eh, kapag yung konting exam lang ganun quiz-quiz lang mga

isang oras lang, siguro mga dalawa ganon dalawang oras lalo na kapag periodical exam ganun.

Wala na po. Epektibo naman po, kasi ayun nga ahmmmm achiever ako ngayon ganon ganon

with honors ganun ganun kaya masasabi kong epektibo naman po. "

Respondent 8: "Tatlong oras"

Respondent 9: "ahhh. Sa hapon isang oras, sa umaga 15-30 minutes"

Respondent 10: "isang oras hanggang dalawang oras."

31
Republic Of the Philippines
Department Of Education
Region IV-A CALABARZON
Division Of Rizal
SAN JOSE LITEX SENIOR HIGH SCHOOL

Halos lahat ng mga ito ay nagbibigay ng isang oras ng kanilang pag-aaral at

ilan sa mga ito ay nagbibigay ng tatlo o higit pang mga oras ng pag-aaral, na

tumutulong sa kanilang pag-aaral.

Lumilitaw sa literatura na ginawa ni Lani Mate sa isang artikulong pinamagatang

"Study habits ng Estudyante" na nagsasabi na ang isa o dalawang oras ng pag-

aaral sa isang araw ay sapat na upang magkaroon ng isang mahusay na grado.

Mula sa mga pahayag na kinuha mula sa mga sumasagot at mga may-akda, ang

mga mananaliksik ay bumuo ng isang interpretasyon na ang mga mag-aaral ay

nagbibigay ng isang oras o dalawa sa pag-aaral ay sapat na upang magkaroon

ng mataas na grado.

Pagsusuri bilang 5

Ang mga co-researcher ay tinanong kung ang kanilang sinabi gawi sa pag-

aaral ay epektibo, pagkatapos ay patunayan ito at sa ibaba ang kanilang mga

sagot.

Responden 1: "Oo dahil napapasa ko ang aking mga pagsusulit at activity"

Respondent 2: "Maaari kong sabihin na ito ay epektibo dahil nakakuha ako ng

mataas na grado, at ang aking mga magulang ay natutuwa tungkol dito, at sa

gayon ito ay sapat na dahilan para sa akin, ito ay epektibo."

32
Republic Of the Philippines
Department Of Education
Region IV-A CALABARZON
Division Of Rizal
SAN JOSE LITEX SENIOR HIGH SCHOOL

Respondent 3: " syempre epektibo talaga yun kasi minsan may mga taong kailangan din nv

katahimikan tapos minsan kailangan din ng kasama para magreview napakaepektibo nun

promise.”

Respondent 4: " oo tuwing may exam ginagawa ko siya so kapag may exam nakakasagot

naman ako , and feeling ko epektibo naman talaga . "

Respondent 5: " oo dahil nakakapasa naman ako sa mga quiz at activity ayun kapag may test

mataas naman nakukuha ko ."

Respondent 6: " syempre epektibo yun kase meron naman tayong paraan kaya para sa akin

yung pagbuo ng outline at pagsali sa review session ay napakaepektibo para sa akin kase

nakakakuha ako ng mataas na grade at hindi ako na-a-out of mind paranc di nabablanko yung

utak ko kase may outline akong ginawa.”

Respondent 7: " Epektibo naman po, kasi ayun nga ahmmmm achiever ako ngayon ganon

ganon with honors ganun ganun kaya masasabi kong epektibo naman po. "

Respondent 8: " Masasabi kong epektibo kasi sa mga test mataas naman yung nakukuha

kong score"

Respondent 9: "Bale epektibo at bale yung patunay ko nung nakuha ko yung card ko,

mataas naman yung mga markang nakuha ko."

Respondent 10: Oo,oo epektibo sya kasi syempre nag-aaral ako, tapos naalala ko yung mga

pinag-aralan ko , active ako, may nasasagot ako."

Suliranin bilang 5

33
Republic Of the Philippines
Department Of Education
Region IV-A CALABARZON
Division Of Rizal
SAN JOSE LITEX SENIOR HIGH SCHOOL

Ang mga co-researcher ay tinanong kung ang kanilang sinabi gawi sa pag-

aaral ay epektibo, pagkatapos ay patunayan ito at sa ibaba ang kanilang mga

sagot.

Responden 1: "Oo dahil napasa ko ang aking mga pagsusulit at aktibidad"

Respondent 2: "Maaari kong sabihin na ito ay epektibo dahil nakakuha ako ng

mataas na grado, at ang aking mga magulang ay natutuwa tungkol dito, at sa

gayon ito ay sapat na dahilan para sa akin, ito ay epektibo."

Respondent 3: "Ofcourse ito ay epektibo, dahil kung minsan, may mga tao na

nangangailangan ng katahimikan, at pagkatapos paminsan-minsan isang

kasamahan o isang taong may kapag may pagsusuri"

Nagtatanggol 4: "Oo, dahil sa bawat oras na magkakaroon ng isang pagsubok na

ang bagay na gagawin ko at kapag dumating ang pagsubok, masasagot ko ito,

kaya talagang epektibo ito."

Sagot: "Oo, dahil dumaan ako kapag may pagsusulit at aktibidad, kung

mayroong isang pagsubok, maaari rin akong lumipas."

Responden 6: "Ito ay epektibo, dahil mayroon kaming iba't ibang paraan at para

sa akin, lumilikha ng balangkas at sumali sa sesyon ng pagsusuri o pag-aaral ng

grupo dahil nakakuha ako ng mataas na grado at hindi ako nalimutan, tulad ng

aking isip ay hindi kumuha ng blangko dahil ginawa ko ang isang balangkas. "

34
Republic Of the Philippines
Department Of Education
Region IV-A CALABARZON
Division Of Rizal
SAN JOSE LITEX SENIOR HIGH SCHOOL

Responden 7: "Ito ay epektibo, dahil ahmmmn. Ako ay isang achiever, na may

honors, tulad na kaya maaari kong sabihin na ito ay talagang epektibo. "

Respondent 8: "Kaya ito ay epektibo, ang aking patunay ay na kapag nakuha ko

ang aking card, nakakuha ako ng mataas na grado."

Responden 9: "Maaari ko bang sabihin na ito ay epektibo dahil maaari kong

makakuha ng mataas na iskor sa isang pagsubok."

Tumangging 10: "Oo, oo ito ay epektibo sapagkat, ng pag-aaral na aking pag-

aaralan at pagkatapos ay naaalala ko ang aking mga pinag-aaralan, aktibo ako,

at maaari kong sagutin at makilahok."

Pagsusuri ng Kaso 5

Sinagot ng lahat ng mga respondent na ang kanilang mga gawi sa pag-aaral

ay epektibo.

At bilang isang katibayan, ayon kay Steve Piscetelli sa kanyang aklat na

pinamagatang "Pag-uugali sa Pag-aaral Mayroon ba Talagang Kailangan Ko Ito

Bagay? "Kung ang mga gawi sa pag-aaral ay epektibo at maayos sa

pamamagitan ng mga mag-aaral, gagawin nito ang mahusay at matagumpay na

pagganap ng mag-aaral.

Batay sa mga sagot ng mga sumasagot lahat ng mga ito ay nagsasabi na ang

kanilang mga gawi sa pag-aaral ay epektibo. Bilang patunay, ang kanilang mga

35
Republic Of the Philippines
Department Of Education
Region IV-A CALABARZON
Division Of Rizal
SAN JOSE LITEX SENIOR HIGH SCHOOL

grado ay mataas pati na rin ang mga estudyante na ito ay nakakuha ng matataas

na marka sa kanilang mga pagsusulit upang ipakita na ang mga gawi sa pag-

aaral ay napakahalaga para sa pag-aaral at kung gagawin ito ng maayos ay

magiging epektibo ito para sa akademikong pagganap ng mag-aaral.

36

You might also like