You are on page 1of 4

Bulacan State University

DUNGIS SA PUTING PAPEL


Maikling Kwento ni Dr. Victor C. Ramos

Contreras, Lenea L.
BSTM – 1B
Manipulasyon ng Wika

1. dungis sa puting papel


- Ang aking pagkakaintindi dito ay, halimbawa: mayroon isang malaking kulay puti na
painting. Isang lamang na simpleng putting painting ngunit ang painting na ito ay
mayroon isang maliit ngunit maitim na tuldok sa gitna. Kahit na gaano kalinis at kaputi
ang pagiging kulay puti niyo ay ang una parin nating mapapansin ay ang itim na tuldok
sa gitna nito. Para bang, isang pagkakamali lamang nang isang tao ay kala mo napaka
samang tao na nito, na nawalang bahala na ang lahat ng mabuting nagawa nito dahil
lamang sa isang pagkakamali na maaring hindi naman nito sinadya.

2. alumpihit sa upuan
- Para sa akin, ang ibig sabihin nito ay hindi mapakali sa iisang lugar. Na parang
kinakabahan dahil guilty o alam niyang siya ay may nagawang mali. Kaya kinakabahan
ay dahil alam niyang siya ay may hindi nagawang mabuti na hindi ikatutuwa ng tao.
Natatakot na may makaalam o ma-judge siya dahil doon. Para din itong pagsali sa mga
programa o kung ano mang tatahakin mo sa buhay. Hindi ka mapapakali dahil ikaw ay
natatakot o kinakabahan.

3. naaasiwa sa lugar
- Ang pagkakaintindi ko naman dito pagiging hindi komportable sa isang lugar. Maaring
hindi sanay na naroon o takot na may makakita sa kanyang ibang tao dahil nasa lugar
siya na hindi naman dapat siya nandoon na ikadudungis ng imahe niya. Masiyadong
nagiging mapagmasid sa paligid ‘yong tipong hindi na nakapag-enjoy dahil medyo
paranoid na.

4. walang bahid-dungis
- Para sa akin, ang ibig sabihin nito ay sobrang buting tao. O sa pagkakakilala sa kanya
ng tao ay wala siyang ni isang bisyo o nagagawa masama. Sobrang laki ng respeto ng
mga tao sa kanya. Isa siyang idolo ng mga tao o isa ding inspirasyon ng kanyang mga
anak. Kumabaga sa dungis sa putting papel, siya ay isa lamang puting papel na walang
ka dungis dungis o dumi sa pagkatao niya.

5. butihing kabiyak
- Ayon sa nabasa kong storya at akin naring pagkakaintindi, ang ibig sabihin nito ay
isang mabuti, mapagpatawad, at maintindihang asawa at anak na rin. Isa magandang
example ang asawa ni Propesor Sandoval na si Elsie sa pagiging butihing kabiyak.
Dahil kahit na nalaman na niya ang nangyaring iyon sa kaniyang asawa ay pilit niya
paring inintindi ito hindi dahil gusto niya lang dahil malaki ang tiwala niya dito.
6. palinga-linga sa paligid
- Ito ay konektado din sa naasiwa sa lugar. Nabanggit ko na kanina doon, pero ito ay
para ding pagiging hindi komportable sa paligid kaya ang isang tao ay palinga-linga sa
paligid. Natatakot ito na may makakita nga sa kanya lalo na sa sitwasyon ni Propersor
Sandoval dahil siya ay nasa isang bar.

7. nais lumubog sa pagpakakatulos


- Maihahalintulad ko dito ang kasabihan na “gusto kong magpakain sa lupa” dahil
konektado din ito sa sitwasyon ni Propesor Sandoval noong nalaman niyang may
ganong balak ang dati niyang estudyante, hindi pa siya sigurado sa kung ano mang
nangyari nung gabing iyon. Natatakot siya sa maaring kahantungan nito. Ito rin ay
kagustuhang umalis sa kinaroroonan niya dahil sa kahihiyan na nadarama.

8. pagpapahalaga sa sariling dangal


- Pinapahiwatig nito ang pagpapahalaga ni Propesor Sandoval sa kanyan dangal bilang
isang tao at guro. Pati ang kaniyang propesyon at reputasyon ay ayaw niyang
madungisan. Kaya naman grabe ang takot at kaba niya sa nangyari nung kaniyang
kaarawan.

9. may halong kaba


- Ang ibig sabihin nito ay ang hindi pagpanatag ng loob ng isang tao. Pakiramdam na
maaaring may mangyaring hindi maganda na ikinatatakot ng isang tao. Isang
halimbawa nalang ditto ay ang sitwasyon ni Propesor Sandoval. Hindi lamang kaba
ang nararamdaman niya kundi sobra-sobra na dumating sa puntong namutla ang kanya
mga labi.

10. naudlot na tinig


- Ito ay pagiisip ng sobrang lalim o pagkakaroon ng alinlangan dahil sa kung ano anong
pumasok sa isipan niyang nagpalubog sa loob niya. Malalaman mong nararamdaman
ito nang isang tao pag siya ay tahimik at maaring nakatulala lang sa isang paligid.
Ehersisyong Mental

You might also like