You are on page 1of 100

MODYUL SA

FILIPINO 1

PAG-AARAL NG
DISKURSO SA FILIPINO

Punong Manunulat:
DARREN M. TAN,
Taga-ambag Manunulat:
AIREEN M. MORA, MARILYN R. REYES, LOURDES TONGOHAN, CRYSALYN
CRUZADO, ROSALINDA C. DE GUZMAN, SARA A. MACARAIG,JONA F.
EVANGELISTA,JERLYN G. BINO, RICARDO CRUZ, MEYLIN JAVIER MARITES
STA. ANA, JESSICA CATOLOS, RAQUEL DU. CATAMEO

URS-IM-AA-CI-0155 Rev 00 Effective Date: August 24, 2020


Modyul 1: Gramatika at
Masining na Pagpapahayag
Pagpapahayag

Sinulat ni:

AIREEN M. MORA
Nagtapos ng kursong Batsilyer sa Edukasyon Pansekondarya Medyor
sa Filipino sa Rizal State College Tanay , Rizal ngayon ay University of Rizal
System.

Nagtapos ng Master of Art in Teaching medyor sa Filipino sa University of


Rizal System Morong, Rizal.

Kasalukuyang nagpapanday ng kaalaman sa University of Perpetual Help


Delta System para sa titulong Doktorado medyor sa Filipino.
Nagsimula sa pagtuturo sa Rizal State College ngayon ay University of
Rizal System ng taong 1999 hanggang sa kasalukuyan. Nagtuturo ng mga
asignaturang minor at medyor sa Filipino. Natalaga na rin sa iba’t ibang
posisyon sa University of Rizal System Angono Campus tulad ng Chief,
Student Organization, Adviser USSC, Coordinator Student Teacher ng BSE-
Filipino, Tagapayo ng Graduating Class, Tagapayo sa mga pananaliksik ng
BSE Filipino, BSE English at BEED. Mula 2010 hanggang sa kasalukuyan
tagapayo ng Ugnayang Kayumanggi samahan ng mga mag-aaral sa Filipino na
kumukuha ng kursong BSE-FILIPINO at Campus Alumni Coordinator.
Nakapagpresenta rin ng extension project sa University lebel
na”Balangrial Phase 1.
Nakapaglathala na rin ng aklat sa Filipino 3 TANGLAW. Punong manunulat
ng Modyul sa Filipino 101, Filipino 4 at Filipino 105. Tagapag-ambag na
manunumat sa modyul sa Fil 1, Fil 2, Fil 3, Fil 104, Fil 106, Fil 107, Fil 110 , Lit
101, Elective 1 at Fil 109.

URS-IM-AA-CI-0155 Rev 00 Effective Date: August 24, 2020


Agosto 24, 2020

Layunin: Pagkatapos ng aralin sa Modyul 1 ang mga mag-aaral ay


inaasahan na:

1. Naipaliwanag ng may kahusayan ang gramtika at masining na


pagpapahayag at kawastuhang pambalarila.
2. Nakapagpapahayag ng mga saloobin at batayang kaalaman gamit ang
masining na pagpapahayag at kawastuhang pambalarila.
3. Natutukoy ang mga tamang batayan ng gramatika at kawastuhang
pambalarila.
4. Nakagagawa ng sariling pangungusap/sulatin gamit ang tamang
gramatika at kawastuhang pambalarila.

Panimula:
Mahalaga ang gramatika sa pagkakaroon ng mainam at maayos
na pahayag. Pinag-aaralan sa gramatika ang instruktura ng
pangungusap gayun din ang mga tuntunin sa maayos at tamang
paggamit ng mga salita kasama ang wastong bigkas, wastong
pagbubuo, wastong gamit at ang mga pagkakaugnay ng mga ng mga
ito upang makabuo ng isang makabuluhang pangungusap. Dahil sa
gramatika, nagiging maayos ang mga pangungusap. Kung ang
gramatika ay tumutukoy sa kawastuhan ng paggamit ng salita at ng
kanilang pagkakaugnay.Sa tulong ng gramatika, makakabuo ang isang
tao ng mayamang pahayag.
Ang balarila ay kailangan upang magkaroon ng isang mainam at
maayos na pahayag. Ayon kay G. Lope K. Santos ang “ Balarila ay
bala ng dila”. Gayunpaman, makakamit lamang ang kabisaan ng isang
pahayag kung gumagamit ito ng tamang gramatika.

Nilalaman:

Ang Pagbuo ng Makabuluhan at Mabisang Pangungusap

Ang Pangungusap ay ang kalipunan ng mga salitang


nagsasaad ng isang buong diwa. Ito ay may patapos na himig sa dulo na
nagsasaad ng diwa o kaisipang nais niyang ipaabot. Ito ay may paksa na
siyang pinag-uusapan at may panaguri na siyang nagsasabi hinggil sa
paksa. Mayroon din itong iba’t ibang anyo , uri , gamit at iba pa. Hindi
lamang sapat na buo ang diwa ng pangungusap dapat din na nag-iiwan ng
kakintalan sa isipan ng mga mambabasa. Kailangan ang kaisahan sa
pangungusap para maging epektibo ito. Kung bawat bahagi ng
pangungusap at tumutulong para maihayag nang malinaw ang
pangunahing diwa nito, masasabing may kaisahan ang pangungusap.
Upang maging epektibo ito narito ang ilang paalaala upang matiyak ang
kaisahan sa pagbuo ng pangungusap.

URS-IM-AA-CI-0155 Rev 00 Effective Date: August 24, 2020


1. Dapat ihayag sa isang kaanyuan ng salita, ang mga sangkap na
magkakatulad ang tungkulin.
Halimbawa

Mali: Nagluluto ang pagod at nagugutom na misis.

Tama: Nagluluto ang pagod at gutom na misis.


Nagluluto ang pagod at nagutom na misis.

2. Dapat magkatugma ang pangngalang itinutulad at ang bagay na


pinagtutularan gayundin ang paggamit ng wasto at angkop na
panghalip panao.

Halimbawa

Mali: Matalim ang kutsilyo nila na tulad natin.

Tama: Matalim ang kanilang kutsilyo tulad ng kutsilyo natin.

3. Gamitin ang tamang-pang-ugnay sa pagsasama-sama o


paghihiwalay ng mga ideya sa loob ng pangungusap.

Halimbawa

Mali: Nagkamit ng gantimpala ang matalinong malakas na atleta.

Tama: Nagkamit ng gantimpala ang matalino at malakas na atleta.

4. Tiyaking nagkakaisa ang aspekto ng pandiwang gagamitin.

Halimbawa

Mali: Nagsisiuwi na sa kani-kanilang bahay ang mga batang


nagsipaglaro.

Tama: Nagsiuwi na sa kani-kanilang bahay ang mga batang


nagsipaglaro.

5. Dapat sumunod ang pang-uri sa pangalang tinuturingan.

Halimbawa:

Mali: Nakita niya ang larawan ni Rodel na maganda.

Tama: Nakita niya ang magandang larawan ni Rodel.

6. Dapat ilagay ang pang-uri sa pagitan ng dalawang pangngalang


kapwa tinuturingan.

URS-IM-AA-CI-0155 Rev 00 Effective Date: August 24, 2020


Halimbawa

Mali: Si Emilio Jacinto ay makabansa at tunay na makatao.

Tama: Si Emilio Jacinto ay tunay na makabansa at makatao.

7. Dapat magbigay turing ang pang-uri sa bahagi at hindi sa kabuuan.


Halimbawa

Mali: Mahaba siya at maitim na maitim pa ang buhok.

Tama: Mahaba at maitim na maitim pa ang kanyang buhok.

8. Hindi dapat ilagay ang sugnay na pang-abay sa pagitan ng


tambalang panaguri.

Halimbawa

Mali: Ang mga katutubo sa Kalinga ay nagtutulungan kung may


kalamidad at nagdadamayan.

Tama: Ang mga katutubo sa Kalinga ay nagtutulungan at


nagdadamayan kung may kalamidad.

9. Dapat magbigay-turing ang pang-abay sa panag-uri at hindi sa


paksang pangngalan ng pangungusap.

Halimbawa

Mali: Nagtanim ng mga puno ang mga estudyante sa Bundok


Makiling.

Tama: Nagtanim ng mga puno sa Bundok Makiling ang mga


estudyante.

10. Dapat isaisip ang paggamit ng mga piling salita sa malinaw at


maikling pangungusap.

Halimbawa

Mali: Dumating ang kanyang tatay na may itak na nakasabit sa


kanyang baywang.

Tama: Dumating ang kanyang tatay na itak na naksukbit sa


kanyang baywang.

Mali: Malaswa ang damit ng dalaga.

Tama: Masagwa ang damit ng dalaga.


Malaswa ang kilos ng dalaga.

URS-IM-AA-CI-0155 Rev 00 Effective Date: August 24, 2020


Mali: Magara ang mukha ng dalaga.

Tama: Maganda ang mukha ng dalaga.


Magara ang bagong kotse ng dalaga.

Pagpili ng Angkop na Salita sa Pangungusap

Ang pagpapahayag ay nagiging malinaw at epektibo kapag gumamit


ng mga angkop na salita para sa kaisipang ipinahahayag. May mga salitang tama
ang kahulugan sa gamit subalit hindi naman angkop na gamitin sa pahayag.

Halimbawa:

Di-angkop: Maluwang ang bunganga ng mama.


Angkop: Maluwang ang bibig ng mama.

Di-angkop: May pilat sa pagmumukha si Josephine.


Angkop: May pilat sa mukha si Josephine.

Di-angkop: Ginanahan sa paglamon ang mga anak ni Aling Maria.


Angkop: Ginanahan sa pagkain ang mga anak ni Aling Maria.

Di-angkop: Maarte siya sa pagkain kaya hindi siya tumataba.


Angkop: Mapili siya sa pagkain kaya hindi siya tumataba.

Tandaan na maraming salita sa ating wika ang pare-pareho ang kahulugan subalit
may kani-kanilang tiyak na gamit ito sa pagpapahayag.

Halimbawa:
bundok, tumpok, pumpon,salansan, tambak
kawangis, kamukha, kahawig
samahan, sabayan, saliwan , lahukan
daanan, pasadahan
aalis, yayao, lilisan

Paggamit ng Wastong Salita

http://wastonggamitngmgasalita.blogspot.com/2010/10/wastong-gamit-ng-
mga-salita.html
Ang bawat salita ay may tiyak na kahulugan. Maaaring magbago ang
kahulugan ng isang pahayag kung mali ang gamit na salita. Maramings alita sa
Filipino ang nagkakapalitan ng gamit. Ito ay bunga ng kakulangan ng pag-unawa sa
kahulugan ng salita at gamit nito sa pangungusap. At dahil dito, nagkakaroon tuloy
ng kamalian at hindi malinaw na pagpapakahulugan sa mensahe o pahayag.

URS-IM-AA-CI-0155 Rev 00 Effective Date: August 24, 2020


Ilan sa mga salitang ito ay ang mga sumusunod:

1. MAY at MAYROON
Ginagamit ang may kung ito’y sinusundan ng mga sumusunod na bahagi ng
pananalita:
Pangngalan
Pandiwa
Pang-uri
Panghalip na Paari
Pantukoy na Mga
Pang-ukol na Sa

Halimbawa:

May prutas siyang dala. (Pangngalan)


May kumakatok sa labas. (Pandiwa)
May matalino siyang anak. (Pang-uri)
May kanila silang ari-arian. (Panghalip na Paari)
May mga lalaking naghihintay sa iyo. (Pantukoy na mga)
May sa-ahas pala ang kaibigan mo. (Pang-ukol na Sa)

Ginagamit ang mayroon kung ito’y:


Sinusundan ng isang kataga o ingklitik.
Halimbawa: Mayroon ba siyang pasalubong?
Mayroon nga bang bagong Pajero sila?

Sinusundan ng panghalip palagyo


Halimbawa: Mayroon siyang kotse.
Mayroon kaming palaisdaan sa Bulacan.
Mayroon tayong pagsusulit sa Filipino bukas.

Nangangahulugang “mayaman” o pagka maroon.


Halimbawa: Ang pamilya ni Carol ay mayroon sa kanilang lalawigan.
Siya lamang mayroon sa aming magkakapatid.

2. KITA at KATA
Ang kita ay panghalip panao sa kaukulang palayon at may kailanang isahan.
Ginagamit ito bilang tuwirang layon o di-tuwirang layon ng pandiwa. Samantala,
ang kata naman ay panghalip panao sa kaukulang palagyo at may kailanang
dalawahan. Ang kita ay tumutukoy sa kinakausap, at ang kata naman sa
magkasamang nagungusao at kinakausap.

Halimbawa: Nakita kita sa Baguio noong Linggo.


Kata nang kumain sa kantina.

3. KILA at KINA
Walang salitang kila. Ang kina ay maramihan ng kay.
Halimbawa: Pakidala ang laruang ito kina Benny at Maris.
Makikipag-usap ako kina Vec at Nona.

URS-IM-AA-CI-0155 Rev 00 Effective Date: August 24, 2020


4. NANG at NG
Ginagamit ang ng bilang:
a. Ginagamit vilang pantukoy
Halimbawa: Nalalaman niya ang kahalagahan ng wikang Filipino kaya
ginagamit niya ito.
b. Ginagamit bilang pang-ukol na ang katumbas sa Ingles ay “with”
Halimbawa: Si Mang Manding ang puno ng aming samahan.
Makulay na ipinagdiriwang ng mga Pilipino ang
Araw ng Kalayaan.

c. Ginagamit bilang Pang-ukol na ang katumbas ay SA.


Halimbawa: Magsisitungo ng Antilopo ang mga mag-aaral upang dumalo sa
seminar.
Ang mga turista ay nagsisiakyat ng Baguio
d. Ginagamit bilang pang-ukol na nagpapakilala ng pangngalang paari.
Halimbawa: Nagkakaroon ng mahalagang papel ang midya sa
pagpapalaya sa bihag.
Tumanggap ng unang gantimpala ang kalahok na buhat sa
Antipolo.
e. Ginagamit na panda sa tuwirang layon ng pandiwang palipat.
Halimbawa: Gumawa siya ng manika
Nag-uwi ng paasalubong si Winnie para sa anak.

f. Ginagamit na pananda ng actor o tagaganap ng pandiwa sa tinig balintiyak


Halimbawa: Hinuli ng pulis ang mga nanloob sa kanilang bahay.
Ginawa ng mga estudyante ang kanilang proyekto.

g. Ginagamit kapag nagsasaad ng pagmamay-ari ng isang bagay o katangian.


Halimbawa: Ang aklat ng bata ay binalutan ng ina.
Ang mga paa ng mesa ay nabali.

Ginagamit ang nang bilang:

a. Ginagamit na pangatnig ng hugnayang pangungusap bilang panimula ng


katulong na sugnay o sugnay na di nakapag-iisa.
Halimbawa: Nang isilang siya sa mundo, natuwa ang buong pamilya.
Nang dumating ang panauhing pandangal nagsimula na ang
palatuntunan.
b. Ginagamit bilang pang-abay na nanggaling sa “na” na inaangkupan ng “ng”
kaya’t nagiging “nang”.
Halimbawa: Ang bihag ay itinali nang mahigpit kaya’t ito’y di makawala.
Wala nang tubig sa balde.
c. Ginagamit bilang salitang nangangahulugan din ng “para o upang”.
Halimbawa: Sumulat ka nang sumulat ng mga kwento ng mahasa ka.
Pumunta siya ng ibang bansa nang maiahon sa hirap ang
kanyang pamilya.
d. Ginagamit bilang salitang panggitna sa mga salitang inuulit.
Halimbawa: Naririnig nila ang mga yabag na papalit nang papalapit sa
kanilang kinalalagyan.

URS-IM-AA-CI-0155 Rev 00 Effective Date: August 24, 2020


Tawa nang tawa ang magkakabarkada dahil sa kuwento ni
Mokong.

5. DAW/DIN at RAW/RIN
Ginagamit ang daw/din kapag ang salitang sinusundan ay nagtatapos sa
katinig maliban sa W at Y; at raw/rin kapag nagtatapos sa patinig at malapatinig na
W at Y.

Halimbawa: May sayawan daw sa plasa.


Takot din siyang pumunta sa malayong lugar.
Sasama raw siya sa atin.
Ikaw rin ay kasama sa inanyayahan.

6. KUNG at KONG
Ginagamit ang kung bilang pangatnig na panubali at ito’y ginagamit sa
hugnayang pangungusap. Katumbas nito ang if sa Ingles;
Halimbaw: Matutulog na ako kung papatayin mo na ang ilaw.
Ako ay sasama sa iyo kung walang pasok bukas.

Ginagamit ang kong sa panghalip na panaong “ko” at inaangkupan lamang


“ng”. Ito ay panghalip panao sa kaukulang paari.
Halimbawa: Nabasâ ang binili kong aklat.
Ibig kong makarating sa Amerika.

7. Kung ‘di, Kungdi at Kundi


Ang kung ‘di ay galing sa salitang “kung hindi” o if not sa Ingles;
Ang kungdi ay di dapat gamitin. Walang salitang ganito.
Ang kundi ay kolokyalismo ng kung’di

Halimbawa: Aaalis na sana kami kung di ka dumating.


Kung’di k asana nag mataas kaibigan mo pa sana si Bernie.
Walang sinuman ang pwedeng manood kundi iyong mga may
tiket lamang.
Walang makakapasok sa gusali kundi mga empleyado lamang.

8. PINTO at PINTUAN
Ang pinto (door) ay ang bahagi ng daanan na isinasara at ibinubukas.
Samantala, ang pintuan (doorway) ay ang bahaging kinalalagyan ng pinto.
Halimbawa: May kumakatok. Buksan mo nga ang pinto.
Natanggal ang pinto sa pintuan.

9. HAGDAN at HAGDANAN
Ang hagdan (stairs) ay ang baytang na inaakyatan at binababaan sa bahay o
gusali. Samantala, ang hagdanan (stairway) ay ang bahaging kinalalagyan ng
hagdan.
Halimbawa. Nagmamadaling inakyat ni Marvin ang mga hagdan.
Mabilis niyang inakyat ang hagdan upang marating niya ang
bahay nila.

URS-IM-AA-CI-0155 Rev 00 Effective Date: August 24, 2020


Ilagay mo ang hagdanan sa tapat ng bintana.
Matibay ang hagdanan ng kanilang bahay.

10. PAHIRIN at PAHIRAN; PUNASIN at PUNASAN


Ang pahirin at punasin (wipe off) ay nangangahulugang alisin o tanggalin.
Ang pahiran at punasan (to apply) ay nangangahulugang lagyan.
Halimbawa: Pahirin mo ang mga luha sa iyong mga mata.
Pahiran mo ng palaman ang tinapay.
Punasin mo ang pawis sa iyong likod.
Punasan mo ng alkohol ang iyong mga binti.

11. OPERAHIN at OPERAHAN


Ginagamit ang operahin kung ang tinutukoy ay ang tiyak na bahagi ng
katawan na titistisin. Ang operahan naman ay tumutukoy sa taong sasailalim sa
pagtitistis.
Halimbawa: Ooperahin ang tiyan ni Rey sa Sabado.
Ooperahan si Rey sa tiyan sa Sabado.

12. WALISIN at WALISAN


Ginagamit ang walisin (sweep the dirt) kung tumutukoy sa bagay na aalisin o
lilinisin samantalang ang walisan ay tumutokoy naman sa lugar (to sweep the place).
Halimbawa: Walisin ninyo ang mga kalat sa sahig.
Walisan ninyo ang sahig.

13. IKIT at IKOT


Ginagamit ang ikit para maipakita ang kilos na paggilid mula sa labas
patungo sa loob. Ang ikot naman ay mula sa loob patungo sa labas.
Halimbawa: Nakatatlong ikit muna sila bago natunton ang daan patungo sa
loob ng kuweba.
Nahirapan pala silang makalabas sa tunnel. Umikut-ikot muna sila sa loob nito bago
nila nakita ang daan palabas.

14. SUNDIN at SUNDAN


Ang sundin (to obey or follow an advice) ay nangangahulugan ng pagsunod
sa payo o pangaral; ang sundan (to follow) ay gayahin o pumunta sa pinuntahan ng
iba.
Halimbawa: Sundin mong lagi ang sinasabi ng iyong mga magulang dahil
para rin iyon sa iyong kabutihan.
Sundan mo ang mga kabayanihang ipinakita ng iyong ama sa
bayan.
Sundan mo siya baka siya maligaw.

15. SUBUKIN at SUBUKAN


Subukin (to test, to try) – masubok ang husay o galing ng isang bagay o
gawain;
Subukan (to see secretly) – palihim na pagmamatyag o pag-eespiya sa kilos
ng isang tao
Halimbawa: Susubukin ko muna kung maayos itong kompyuter bago ko
bilhin.

URS-IM-AA-CI-0155 Rev 00 Effective Date: August 24, 2020


Subukan mo nga kung ano ang ginagawa ng mga bata sa likod-
bahay.

16. HATIIN at HATIAN


Hatiin (to divide) – partihin;
Hatian (to share) – ibahagi
Haimbawa: Hatiin mo sa anim ang pakwan.
Hinahatian niya ng kanyang hamburger ang namamalimos
na bata.

17. IWAN at IWANAN


Iwan (to leave something or somebody) – huwag isama;
Iwanan (to leave something to somebody) – bigyan
Halimbawa: Iniwan ni Arnie ang kotse sa garahe.
Iniwanan ni Rene ng pera si Joy bago siya umalis.

18. NABASAG at BINASAG


Ang salitang nabasag ay nangangahulugan ng kilos na di sinasadya o di
ginusto; ang salitang binasag naman ay nagpapakita ng sariling pagkukusa.
Halimbawa: Galit na galit na binasag ng lalaki ang mga salamin ng kotse.
Nagmamadali kasi siyang maghugas kaya nabasag niya ang
mga plato.

19. BUMILI at MAGBILI


Bumili (to buy);
Magbili (to sell) – magbenta
Halimbawa. Pumunta ang nanay sa Baguio para bumili ng mga sariwang
gulay.
Ang trabaho ng tatay niya ay magbili ng mga lumang
kasangkapan.

20. KUMUHA at MANGUHA


Kumuha (to get);
Manguha (to gather, to collect)
Halimbawa: Kumuha ng isang basong tubig si Neth para kay Jean.
Nanguha ng mga kabibe ang mga bata sa dalampasigan.

21. DAHIL Sa at DAHILAN Sa


Dahil sa – ginagamit bilang pangatnig na pananhi;
Dahilan – ginagamit bilang pangngalan
Halimbawa: Hindi siya nakapaglaro ng basketbol dahil sa taas ng kanyang
lagnat.
Ang dahilan ng pag-iyak niya ay dahil sa masasakit mong
pananalita.

22. TAGA at TIGA


Walang unlaping tiga-. Taga- ang dapat gamitin. Ginagamit ang gitling sa
unlaping taga- kung sinusundan ng pangngalang pantangi.
Halimbawa: Si Juan ay taga-Bikol.
Taganayon ang magandang babaeng iyon.

URS-IM-AA-CI-0155 Rev 00 Effective Date: August 24, 2020


I. PAGSASANAY

Gawaing Interaktib Bilang 1:

Indibidwal na Gawain
Panuto: Sumulat sa isang malinis na papel ng isang sanaysay
tungkol sa napapahong paksa gamit ang mga wastong salita.

Rubriks ng Pagmamarka sa Sanaysay

Nilalaman at Kaisipan – 10
Gramatika / Tamang gamit ng salita- 5
Organisayon ng mga Ideya– 5
20 puntos

Gawaing Interaktibo Bilang 2:

Indibidwal na Gawain
Panuto: Magklipings ng mga balita (2) mula sa tabloid na tadtad
ng mga kamaliang panggramatikal at iwasto ang mga pagkakamali na
nakita sa tabloid
Rubriks ng Pagmamarka

Nilalaman- 10
Kaangkupan ng konsepto- 5

Pagkamalikhain 5
20 puntos

III. Buod ng Aralin

Malaking bahagi ang gramatika at masining na pagpapahayag tungo


sa mabisang pagpapahayag gaya ng pag-aaral san g mga salira, sa
tamang gamit ng salita at ganundin din sa tamang pagkakaugnay-
ugnay ng mga salita upang makabuo ng malinaw na kaisipang
panggramatika.

URS-IM-AA-CI-0155 Rev 00 Effective Date: August 24, 2020


Ebalwasyon
Handa ka na ba sukatin ang iyong natutunan sa natapos na aralin. Kaya
sagutan ang kasunod na maiksing pagsusulit.

Pangalan:
Kurso/ Seksyon

A. Panuto: Bilugan ang angkop na salita sa loob ng panaklong uoang


mabuo ang mga sumusunod na pahayag.

1. Maluwang ang ( bibig, bunganga) ng bulkang Mayon.


2. (Namayapa, Namatay) na ang mahal niyang asawa.
3. ( Dinaanan, Pinasadahan) niya ng mainit na plantsa ang gusot niyang
damit.
4. Tigsampung piso ang bawat (salansan, tumpok) ng sibuyas.
5. Lakad (nang, ng) lakad ang guro sa loob ng silid aralan.
6. (May, Mayroon) daw tayong seminar sa Martes.
7. Ang tipo ( kong, kung) lalaki ay responsible at mapagmahal.
8. (Namatay, Napatay) sa sakit na tumor ang anak n gaming Mayor.
9. (Sundan, Sundin) mo ang humahagibis na taksing iyon.
10. (Pahirin , Pahiran) mo ang iyong luha sa pisngi.
11. Nabalitaan ko na aalis ka na (raw, daw) bukas ng umaga.
12. Dahan-dahan siyang bumaba sa kanilang (hagdanan, hagdan ) dahil
sa kanyang pilay.
13. (Sina, Sila) Marie at Mariz ay magkaibigan tunay.
14. Malakas (din, daw) ang tinig n gaming guro.
15. Siya ay ( ooperahin, ooperahan) sa bato mamaya.
16. (Walisan, Walisin) mo ang mga tuyong dahon.
17. Ang (dahilan , dahil) ng pag-iyak niya ay ang pagkakatanggal niya sa
trabaho.
18. (Nakita, Kata) ko siya sa Baguio noong isang linggo.
19. Pinagbuksan niya ng ( pintuan, pinto) ang humahangos na ama.
20. (May, Mayroon) kuryente na sa Isla.

B. Panuto: Iwasto ang mga salitang may salungguhit sa pangungusap.


Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.

_____________________1. Ang mukha ng dalaga ay magara kaya takot


sa kanya ang mga kalalakihan.
_____________________2. Bagay sa batang babae ang maluwang
niyang bibig.
_____________________3. Malaswa ang damit ng dalaga.

URS-IM-AA-CI-0155 Rev 00 Effective Date: August 24, 2020


_____________________4. Malapad ang sinasakang bukid ng mga
kamag-anak niya sa probinsiya.
_____________________5. Maarte sa pagkain si Aira kaya di tumaba.
_____________________6. Ang matandang babae ay walang awing
ginahasa.
_____________________7. Malinis ang kubeta sa palengke.
_____________________8. Matatangkad ang mga punong-kahoy sa
bundok ng Makiling.
_____________________9. Saliwan mo ng gulay ang niluluto mo
sinigang.
_____________________10. Hinigop ni Aira ang tubig sa baso.

URS-IM-AA-CI-0155 Rev 00 Effective Date: August 24, 2020


Modyul 2: Mga Konseptong
Pangdiskurso

Sinulat nina:

ANO ang KWENTO MO?


ni Lourdes Tongohan Tejada

Kulang k a ba sa ganda?
Kulang ka ba sa pera?
Kaunting kembot, kaunting luhod
Kailan ka ba sasahod?
Kulang ba ang penitensya
Kahit araw ng iyong pahinga
Kayod ka nang kayod
Luhod ka nang luhod
Walang palya sa pagsisimba
Magkamal lang ng salapi at pagsinta

Ito ba ang kapalaran nitong sangkatauhan


Lagi na lamang nakikipagsapalaran

URS-IM-AA-CI-0155 Rev 00 Effective Date: August 24, 2020


Sa hamon ng buhay na di mapigilan
Kapag nagbiro si tadhana ikaw ay mapag-iiwanan.

Kuwento kahit walang kuwenta


Pinagpipistahan ng mga tsismosa,
Bakit nga ba sila pag kuwento kahit duda ka maeksena
Ginawang Isyu ang ibang persona
Nabenta sa Quiapo maging sa Ermita

Ikaw ano ang Kuwento mo?


Kapag puno ng stress idaan sa kuwento
Baka pag di mo mailabas sisihin mo ang mga santo
Mas mabuti pang i-kwento mo na ang totoo.
Sisikat ka malay mo ma-Trending ito.

Ngunit minsan ingat mga katoto


Ang kuwento ni Kurdapya nagkakatotoo
Sa mga Milennial patok na patok ito
Ginagawan ng blog at Komentaryo.

Paalala ko lang sana may aral na makukuha tayo


Hindi basta kuwento ng kung sino-sino
Sapagkat bawat kwento buhay mo ang taya rito
Ikaw rin ………INGAT at HWAG MAGPAPALOKO
Ang sabi nga ng iba-
ANG MANIWALA SA SABI-SABI WALANG TIWALA SA SARILI.
IKAW ANO ANG KWENTO MO?

TIKTANONG
1. Ano ang layunin ng may-akda sa tula?
2. Anong paniniwala mayroon ang may-akda ng tula?
3. Ano ang tunay na Kuwento sa Tula?
4. Anong Uri ng Tekstong Diskurso ang pinapahiwatig ng tula?
5. Paano binigyang kahulugan ng may-akda ang salitang Kuwento?
6. Anong konsepto ng pagpapakahulugan sa Teksto ang binibigyang diin sa
tula?
7. Ilahad ang iba’t ibang kwento ng buhay ng tao sa tula.

Mahalaga ba ang kwento nang buhay ng isang tao? Pangatwiranan.

URS-IM-AA-CI-0155 Rev 00 Effective Date: August 24, 2020


BAGONG ARALIN,
ATING TUKLASIN!

Ayon kay Dr. Dolores Tanawan sa pakikipagpalitan ng ideya ng isang tao,


hindi lamang sapat na alamin lamang niya ang gramatika ng isang wika kundi
mahalaga ring malaman niya kung paano pagsasama-samahin ang mga ito upang
makabuo ng isang mahusay na diskurso na siyang daan upang maipahayag ang
naiisip, nadarama at mga pangarap.
Ang wika ang pinakainstrumento ng tao sa pakikipag-unawaan sa kanyang
kapwa. Sa maraming pagkakataon, labis ang pasasalamat ng tao sa pagkakaroon
ng wika sapagkat naihahayag niya ang kaniyang saloobin, naiisip, at nadarama.
Bagama’t hindi sa lahat ng pagkakataon ay wika ang ginagamit ng tao sa
“pagpapahayag”, matitiyak nating sa 100% ng kaniyang kakayahang
makapagpahayag ay 70% ang gumagamit ng wika; at ang 30% ay gumagamit ng
pamaraang hindi nakasalig sa wika kung hindi sa kahulugang nais ipahayag. (Carpio
, 2016. )
Ayon kay Noah Webster ang Diskurso ay katulad ng Komunikasyon na
ginagamitan ng berbal na komunikasyon. Bahagi ng komunikasyon ang Diskurso.
Halimbawa sa pasalitang diskurso ay pag-uusap tulad ng pagkukuwentuhan, debate,
at kumustahan samantalang ang pasulat naman ay natutunghayan sa palitan ng
liham at korespondensiyang nangangailangan ng tugon (De Vera 2010 sa aklat nina
Nuncio Rhoderick V.,Ph.D, et.al).
Hindi lamang wika ang tinutukoy sa diskurso kundi ang aktuwal na gamit
nitong lampas sa usapin ng gramatika. Maaaring suriin ang diskurso sa
pamamagitan ng pagtingin sa ugnayan ng wika at konteks na ginamit. Kabilang sa
komunikatibong kakayahan ng isang indibidwal ay taglay nitong kakayahang diskors
na nagbibigay –pansin sa kakayahan na bigyan ng interpretasyon ang isang serye
ng mga napakinggang pangungusap upang makagawa ng isang makabuluhang
pakahulugan ( Nuncio, 2016 )

A) KAHULUGAN NG DISKURSO
DISKURSO
Ito ang tawag sa paggamit ng wika bilang paraan ng paghahatid ng mensahe
at pormal o sistematikong eksaminasyon ng isang paksa pasalita man o pasulat.
Ang salitang diskurso ay nagmula sa Middle English na “discours” na mula sa
Medieval at Late Latin na “discursus” at “kumbersasyon.” Ito ay mga yunit ng
linggwistik na bumubuo ng iba’t ibang pangungusap . Sa ibang salita ay Sali-salitaan
(conversation) , argument o pananalita (speeches).

URS-IM-AA-CI-0155 Rev 00 Effective Date: August 24, 2020


Ayon naman sa diksyonaryo ni Leo James English
(2007) ang kahulugan ng diskurso ay may kinalaman sa
pagsasalita at pagtatalumpati. Marapat lamang na sabihin
na ang diskurso ay isang pagbibigay ng pagtalakay sa
iba’t ibang paksa, pasulat man o pasalita. Dahil sa
diskurso, maraming nalaman ang tao mula sa mga taong
nagsipagsulat ng kani-kanilang mga akda at gayundin sa
mga taong nakipagpalitan-tugon sa pamamagitan ng
pagsasalita sa kanilang mga

kausap.https://baclaranphenomenon.wordpress.com/2018/05/17/father-leo-james-
english-c-ss-r-the priest -who-wrote the dictionary
Ayon sa Diksyunaryo Ingles-Filipino (1984), ito ay nangangahulugang
magsulat at magsalita nang may katagalan o kahabaan. Sa Webster’s New World
Dictionary (1995), ito ay isang pormal na pagtalakay sa isang paksa, pasulat man o
pasalita. Ito rin ay pakikipagtalastasan, pakikipag-usap o anumang paraan ng
pagpapahayag ng ideya tungkol sa isang paksa.
Malayang nasasabi ng tao ang kanyang saloobin, kaisipan o ideya kahit
anumang lahi ng tao sa mundo. Kaya mahalaga ang pakikipagdiskurso sa buhay ng
tao. Sa makalumang kahulugan naman ,ito ay tumutukoy sa kakayahan ng
pagsasaayos ng kaisipan, pamamaraan o pagiging makatwiran ng isang tao.
Ang Diskurso ay itinuring na isa sa apat na sistema ng wika, kasama ng
bokabularyo, balarila at ponolohiya. Marami itong kahulugan katulad ng pagtingin
dito bilang isang piraso ng pinalawig na wika, nakasulat o sinasalita, na may
kaisahan, kahulugan at layunin.
(https://www.teachingenglish.org.uk/article/discourse(retrieved,2016 mula sa aklat
nina Maranan, Mario H. et.al.)
Ang diskurso ay isang paraan na kung saan ang wika ay ginagamit sa
lipunan upang maipamalas ang malawak na pinag-ugatan ng kabuluhan nito. Ito ay
wika na tinutukoy ang kondisyong panlipunan ng gamit nito, sino ang gumagamit nito
at sa ilalim ng anong kondisyon. Sa kabuuan ang wika ang naguugnay sa ating
personal at sa mundo o lipunang ating ginagalawan (pananaw nina Frances at
Henry 2002 mula sa aklat nina Maranan, Mario H. et.al.).
Ang salitang diskurso ay “discours” , salitang nagmula sa Middle Engish, na
mula naman sa Medieval at Late Latin na “diskursus” na nangangahulugang
“argument” at “kumbersasyon” . Sa sinaunang pagtingin, tumutukoy ang diskurso sa
kakayahan ng pagsasaayos ng kaisipan, pamamaraan o pagiging makatwiran ng
isang tao.”(mula sa aklat Carpio, 2016 ).
Mula naman sa aklat nina Carpio, Perla S., et.al. na binanggit ni Slembrouck
(2000) sa kanyang artikulo, na ang diskurso ay “wikang ginagamit sa mga salita ,
pangungusap o pahayag kaugnay ng lipunang ginagalawan ng tao na ang tuon ay
ang kanyang pang-araw-araw na pakikipagtalastasan.” Binibigyang-diin sa
kahulugang ito na ang diskurso ay hindi ang mga salitang ginagamit sa

URS-IM-AA-CI-0155 Rev 00 Effective Date: August 24, 2020


pagpapahayag, bagkus ito ang kahulugang ipinaaaabot ng tao sa kanyang kapuwa
layon ang makapamuhay nang matiwasay at payapa.
Ayon naman sa aklat nina Jorgensen at Phillips (2002) na binanggit sa aklat
nina Carpio, 2016) ang salitang diskurso ay naging gamitin sa loob ng mahabang
panahon. Sa mga debate at mga siyentipikong pag-aaral, ang salitang ito ay
madalas gamitin nang hindi ipinaliliwanag ang kahulugan. Naging Malabo ang
konsepto ng salita sapagkat palitang ginagamit nang may karaniwang kahulugang
mga pahayag o nakatuon sa mga kahulugan ng pahayag. Ano’t anoman, ang
diskurso ay ipinagpapakahulugang wikang nakaayon sa iba’t ibang paderno na
inaangkupan ng pagpapahayag ng tao batay sa kinabibilangan nilang lipunan.
Nangangahulugan lamang na ang diskurso ay ang pag-aangkop ng tao sa lipunang
kanyang kinabibilangan gamit ang kanyang kahusayan sa pagpapahayag.
B) KAHALAGAHAN NG DISKURSO
*Sa pamamagitan ng diskurso naipaparating ang mensahe ng isang tao sa kanyang
kapuwa upang siya ay lubusang maunawaan.
*Ito ang nagsisilbing hudyat sa pagtugon na nakabatay sa lipunang kinabibilangan
ng isang tao.
Ang Diskurso ang tawag sa paggamit ng wika bilang paraan ng pagpaparating
ng mensahe ng isang tao sa kanyang kapuwa upang siya ay lubusang maunawaan.
Isa itong yunit ng wika na higit na mahaba kung sa isang pangungusap. Isinasagawa
ito sa pamamagitan ng paraang pasalita o pasulat.
Ang Diskorsal ang komponent na nagbibigay-kakayahang magamit ang wikang
binibigkas at ginagamit sa pagsulat upang maipabatid ang mensahe at maunawaan
nang tumatanggap nito. Binibigyan ng wastong interpretasyon ang salita,
pangungusap o pahayag upang makabuo ng isang mas malawak at malalim na
kahulugan. https://www.slideshare.net/abigailcabanzadayrit/filipino-reportdiskurso

TANDAAN:
 Ang diskurso ay fanksyunal sapagkat sa pamamagitan nito ay nagkakaroon
ng ugnayan sa pagitan ng tagapagsalita ,tagapakinig, at ng manunulat at
mambabasa.
 Sa pamamagitan ng diskurso lubusang nagiging matagumpay ang pagunawa
kung ito’y naipararating ng malinaw, maayos ang mensahe sa isang tao.

Ang mga sumusunod ay mga dapat tandaan upang maging makabuluhan


ang Diskurso (ayon sa aklat nina Pena 2012 na sinipi nina Carpio, 2016) :
 1. PAKSA- ito ang lunsaran sa pagbuo ng mga ideyang ilalahad sa isang
sitwasyong pandiskurso. Makatutulong ang pagbuo ng balangkas o outline
upang maisaayos ang paghahanay ng mga ideya at malaman kung papaano
maipaliliwanag ang bawat bahagi. Nagkakaroon tayo ng tiwala sa sarili kapag
bihasa tayo o kabisado natin ang paksang tatalakayin. Nagiging magaan ang

URS-IM-AA-CI-0155 Rev 00 Effective Date: August 24, 2020


atmospera sa pakikipagdiskuro sa panahong nahimay nang mabuti ang mga
ideya sa paksa.

 2. LAYUNIN – ito ang nagtatakda ng saklaw at hangganan, gayundin ng


tunguhin ng ideya. Sa mga diskurso, madaling malaman ang tinutumbok ng
isang kaisipan kung nakilatis agad ang layunin ng usapan. Maaaring ang
layunin ay manghikayat, magpabatid, magmulat at iba pa. Makatutulong ang
tanong na “Bakit” upang malaman ang layunin ng isang diskurso.

 3. PAGLALAPAT SA WIKA – ito ang pinakamahirap na bahagi sa


pakikipagdiskurso, ang paglalapat ng ideya. Maaaring napakaraming
kaalaman ang umiikot sa ating isipan subalit hindi natin maibahagi sapagkat
nagkukulang tayo sa mga talasalitaang maaaring kumatawan sa mga
kaisipang nais iparating ang kaalamang pangwika ay may malaking gampanin
sa pagbuo ng ideya. Ang wika ang mahalagang kasangkapan sa
pagpapahayag at dapat tingnan ang punto ng paggamit nito sa anyo ng
diskurso upang maisaalang-alang ang antas ng wikang gagamitin.

 4. MGA TAUHAN- dapat alamin kung sino-sino ang kasangkot sa palitan ng


mensahe sa isang sitwasyong pandiskurso upang maiangkop ang
mabubuong ideya sa magiging daloy ng usapan. Pakatatandaang ang
pagpapahayag sa anumang uri ng diskurso ay palaging kinasasangkutan ng
mga tauhan, kaya marapat alamin ang mga salik na may kinalaman dito tulad
ng edad, panlipunang estado, edukasyong natamo, hilig at kultura.
Makatutulong ang mga tanong na “sino ang maghahayag at para kanino ang
ideyang ipahahayag”.

LAYUNIN NG DISKURSO
https://www.slideshare.net/abigailcabanzadayrit/filipino-reportdiskurso
* Makalikha ng imahe sa isipan ng mambabasa upang maging sila ay maranasan
din ang naranasan ng manunulat.
* Pagbibigay ng malinaw na imahe ng isang tao, bagay, pook, damdamin o teorya
upang makalikha ng isang impresyon o kakintalan.
* Makahikayat ng tao sa isang isyu o panig.
* Makapagbigay ng isang sapat at matibay na pagpapaliwanag sa isang isyu o
panig upang makahikayat ng mambabasa o tagapakinig.

URS-IM-AA-CI-0155 Rev 00 Effective Date: August 24, 2020


BASAHIN AT UNAWAIN:
MEDIA AT PAMBANSANG WIKA
ni Rolando Tolentino
Media ang pangunahing daluyan ng pambansang wika, o ang popular nitong
bersiyon, kolokyal na Tagalog, Filipino at Taglish. Maliban sa evangelical na
palabas na nagbibigay-aral at nanghihimok ng kumbersiyon sa Ingles, ang
kalkhan ng mga free channel sa telebisyon ay gumagamit na nitong Filipino.
Dati ay primetime telebisyon lang ang gumagamit nito. At simula ng
pinakahuling balita sa gabi, lahat ay bumabalik sa Ingles, lalo na ang news
magazine shows, Magkabilang pisngi ng iisang mukha ang telebisyon bilang
lundayan ng pagpapalaganap ng pambansang wika. Sa isang banda, ito na ang
nakakapagpaunlad ng kontemporaryong Filipinong kauna-unawa sa buong bansa.
Ang kalakarang hindi kayang ilehislatura o isabatas hinggil sa pambansang wika
ay naisasakatuparan na ng popular na media.

At hindi nag-iisa ang telebisyon bilang pangunahing disseminator ng wika.


Lahat ng AM station sa radio ay gumagamit ng Filipino at mga wikang
bernakular. Ang mga FM station ay kinakailangan ang gumamit ng Taglish kaysa
Ingles na may twang at slang dahil masyadong nae-alienate ang tagapakinig.

Ang umuunlad na wika ay pragmatikong wikang kolokyal. Nasasapol nito ang


aspirasyonal na layunin ukol sa komunikatibong operasyon sa bansa. Na ang
abang uri ay maaari ding umangat- at the very least, maging call center agent-
kung makikinig lamang ito ng Taglist sa popular media, mga bagay na hindi niya
lubos na matutuhan sa akademikong kalakaran na purong Filipino o purong Ingles
lamang.

URS-IM-AA-CI-0155 Rev 00 Effective Date: August 24, 2020

Mayaman ang ating wika, una sa lahat ng rehiyon sa Pilipinas ay may iba’t ibang
At ang mataas na uri ay maaaring magkaroon ng reli (relevance) sa
kinakausap na abang uri, dahil marahil sa kuna-unahang pagkakataon, may
nauunawaang popular na wikang pinaghahalawan ang kumakausap at kinakausap.
Para itong wika ng popular na pelikula, kahit mamilipit na ang mga karakter- na
ginagampanan ng pinakabatikang batang artista- na magdiretsahang Ingles,
nakakapanghimok pa rin ang wika ng aspirasyonal na lifestyle choice: edukasyon,
career, pag-ibig, pamilya , at gitnang uri ng buhay.

Sa Internet, sinasabing ang mga site na nasa Filipino at bernakular ay mas


maraming trapiko at higt kaysa mga site sa Ingles. Umaaariba na ang kolokyal
na pambansang wika, at ang panuntunan ng mga gatekeeper ng opisyal na wikang
pambansa, ay sa pangunahin nakasentro sa usaping estandardisasyon (baybay,
panunumbas na kahulugan, gamit ang pangungusap , at iba pa.)

Hindi ba’t Ingles ang siyang kolonyal na wika, at kasalukuyang tampok na


global na wika sa ating insular na mundo? Kahit pa sa boom economies ng India
at China at ang pangangailangan ng maraming Pilipinong marunong ng wika ng
mga ito para sa engagement sa mga bagong global na economic powers, patuloy
lamang ba ang pinupuntirya ng mga Pilipino ay ang circultous na pakikisalamuha
via Ingles?

Sa madaling salita, pambansang aspirasyon ang kolokyal na pambansang wika.


Ang sentral na impetus ay nanggagaling sa pambansang motibasyong
makaalinsabay sa globalisasyon , ang paghahanap ng local na idyoma sa global na
kapitalismo. Hindi ito dumidiretso sa kalakarang global, ang pagpasok sa
ekonomiya ng India, China at iba pang umuunlad at mas mauunlad na bansa.

mula sa http/bulatlat.com/main/2010/09/06,media-at-pambansang wika

SAQ 1 /TANONG SA SARILI

URS-IM-AA-CI-0155 Rev 00 Effective Date: August 24, 2020


Panuto: Suriin ang sumusunod na mga tanong:
1. Ano ang naging impluwensiya ng wikang Filipino sa Telebisyon?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
________________.
2. Bakit mahalagang suriin ang kolokyal na wikang pambansa kaugnay ng
media?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
_____________________.
3. Ang Wikang Filipino ba ay masasabing wika ng mass media sa Pilipinas?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________

SAQ 2/ TANONG SA SARILI


Panuto A: Basahin at unawain ang Balitang ito.

Ibalik ang Filipino at Panitikan sa kolehiyo

February 28, 2018 Filed under IMBESTIGADaVe Posted by Balita Online RSS
Feed
Ni Dave M. Veridiano, E.E.
SA tuwing madaraan ako sa may gusali ng Commission on Higher Education
(CHEd) sa Diliman, Quezon City, ‘di ko mapigil na mapasimangot dahil sa wari ko’y
may “umaalingasaw” na amoy ng nabubulok na malansang isda sa naturang lugar.

Huwag masamain ito ng mga taga-CHEd, dahil hangga’t patuloy sila sa


pagmamatigas na hindi ipatupad nang lubusang ang utos ng Korte Suprema (SC),
na ibalik ang core courses na FILIPINO at PANITIKAN sa kolehiyo, bilang
pagpapatupad sa bagong curriculum simula sa Academic Year 2018-2019 – patuloy
silang mangangamoy na animo’y bulok na isda, para sa akin at sa mas
nakararaming mamamayan sa bansa.

URS-IM-AA-CI-0155 Rev 00 Effective Date: August 24, 2020


Hindi nila matatakasan ang hagupit ng mga katagang ito ni Gat Jose P.
Rizal, na nagbibigay kahalagahan sa Inang Wika sa buhay nating mga Pilipino: “Ang
hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit sa hayop at malansang isda;
Kaya ating pagyamaning kusa, gaya nang inang sa atin ay nagpala.”
Binabasa ko pa lang ang mga katagang ito, nagtatayuan na ang aking
balahibo. Marahil dahil sa alam kong ang tanggapan – walang iba kundi ang CHED
mismo — na dapat manguna sa pagpapalaganap sa ating Inang Wika, ay siya pang
pasimuno sa pagpatay sa FILIPINO at PANITIKAN sa mga paaralan.
Matatandaang sa ipinalabas ng CHEd na kautusan, ang CMO No. 20,
series of 2013, o ang “General Education Curriculum (GEC): Holistic
Understandings, Intellectual and Civic Competencies” na nagtatanggal sa FILIPINO
at PANITIKAN bilang “core courses” sa mga kolehiyo at universidad noong 2015.
Ang bagong GEC ay para sa pagpapatupad ng K to 12 Education Program — lalo
na sa mga nakakumpleto na ng Senior High School (SHS) sa Department of
Education (DepEd).
Agad itong kinuwestiyon at nilabanan ng mga grupong nagmamahal sa
ating Inang Wika, sa pangunguna ng Alyansa ng mga Tagapagtanggol ng Wikang
Filipino o Tanggol Wika — isang alyansa ng mga eskuwelahan, kolehiyo,
unibersidad, linguistic at cultural organizations, at concerned citizens – na agad
nakakuha ng Temporary Restraining Order (TRO) laban sa pagtatanggal ng
FILIPINO at PANITIKAN bilang mga mandatory “core courses” sa bagong GEC ng
CHEd.
Ito naman ngayon ang dahilan nang pagalingasaw ng lansa ng mga taga-
CHEd — sa kabila ng nasabing desisyon ng SC ay patuloy na “never actually
implemented” ito ng CHEd. Nguni’t hindi basta-basta magpapatalo ang ating mga
taga-Tanggol Wika – simula nang paalalahanan ang CHEd sa nasabing court order,
inumpisahan nilang idokumento ang sinasabing “history of continuing violation” ng
komisyon sa nasabing TRO.
Ang wika ay nagbibigay buhay sa isang bansa. Pinagkakaisa nito ang mga
mamamayan na naninirahan sa iba’t ibang lugar sa buong kapuluan. Katulong ito sa
paghubog ng pagkatao, disiplina, at mga natatanging kultura sa bansa. Kaya’t
lubhang nakababahala ang katotohanan na ang karamihan sa kabataang Pinoy sa
kasalukuyang henerasyon, ay mas marami pang alam na mga kuntil-butil hinggil sa
ibang bansa kaysa sa sariling bayan.
Nakikipagsabayan sila sa mga banyaga sa paglilibot sa mga kapitbansa bilang
mga turista, gayung ang sariling bansang Pilipinas, na ‘di magpapatalo sa dami ng
ating magagandang lugar at tanawin, ay ‘di pa nila nakikita! Maraming alam sa lahat
ng bagay, lalo pa’t may kaugnayan sa bagong sistema, gadget at iba pa. Subalit
kung pilipit ang dila nila sa wikang banyaga ay ganoon na rin halos sa sarili nilang
Inang Wika.
Kung ang henerasyong ito ay ganito, paano na kaya at saan patutungo ang
mga susunod pang henerasyong Pilipino?

URS-IM-AA-CI-0155 Rev 00 Effective Date: August 24, 2020


SAQ 3/ TANONG SA SARILI
Panuto : Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
1. Ano ang ibinabalita? _________________________________________
2. Sino ang sangkot sa balita?____________________________________
3. Saan naganap ang balita?______________________________________
4. Kailan naganap ang balita?_____________________________________
5. Paano naganap ang balita?______________________________________
6. Bakit naganap ang balita?______________________________________

Pagtalakay - Sa iyong palagay mahalaga ba ang diskurso sa iyong buhay at


sa iyong pag-aaral? Ipaliwanag ang iyong sagot sa pamamagitan ng poster o
islogan.

URS-IM-AA-CI-0155 Rev 00 Effective Date: August 24, 2020


MAY ANYO NG DISKURSO ITO AY :

Pasalita at pasulat na diskurso. Tila iisipin na magkaiba ang mga ito sa anyo
o pamamaraan ng pagsasagawa. Maaaring tama ito dahil kapuwa mahalaga sa
dalawang anyo ng diskurso ang kakayahang pangwika at kakayahang komunikatibo.
Ngunit magkaiba ang dalawa sa kanilang kahingian.
 Ang kakayahang komunikatibo ay tumutukoy sa kakayahang tekstwal o
abilidad na sumulat o magsalita nang may organisasyon o kohisyon at ang
abilidad na magamit ang wika para sa manipulasyon, imahinasyon o sa
paglilinaw ng ideya at maging sa pagtuturo.
 Ang kakayahang pangwika ay tumutukoy sa kaalaman sa sistema ng
wika. Ibig sabihin ay mahusay sa gramatika ang isang ispiker o manunulat
at may kakayahan manipulahin ang wika upang makamit ang layunin ng
diskurso.

Ayon sa aklat ni Tanawan (2013) , kung ihahambing ang dalawang paraan,


maaaring gamitin ang sumusunod na aspekto:
SA KASAYSAYAN – mapapansing mas unang ginamit ng mga tao ang paraang
pasalita sa diskurso. Hindi mabakas ng mga antropologo kung kailan nagsimulang
magsalita ang tao. Samantala, ang pasulat na pamamaraan ay matatandaang
nagsimula 5,000 taon na ang nakalilipas ng unang ginamit ng mga lahing Subarian,
pinaniniwalaan na sila ang umimbento ng pagsulat. Maiuugnay rin ito sa proseso ng
pagkakaroon ng kasanayan na maiuugnay sa kasaysayan, mas naunang natutuhan
ng tao ang kasanayan sa pagsasalita bago ang pagsulat.
SA PARAAN NG PAGHAHATID NG MENSAHE- ginagawa ang pasalitang diskurso
sa pamamagitan ng mga simbolong binibigkas at naririnig agad din itong nawawala
sa hangin. Sa pasulat naman, ginagamitan ito ng mga simbolong grapema o mga
titik, isinusulat ito at nananatili sa anumang pagtalakay, dahil agaran ang paghahatid

URS-IM-AA-CI-0155 Rev 00 Effective Date: August 24, 2020


ng mensahe sa pasalitang pamamaraan, maraming pagkakataong nagkakamali ang
tagapagpahayag kumpara sa pasulat na anyo.
SA PANAHONG GINUGUGOL SA PAG-AARAL- mas natural ang paraan ng pag-
aaral sa pasalitang diskurso dahil taglay ng tao ang kakayahang matuto ng wika sa
natural nitong pamamaraan. Samantala, mas mahaba ang panahong ginugugol sa
diskursong pagsulat dahil kinakailangan nito ang pagsasanay lalo na sa mga
kumplikadong wika. Ang kasanayan sa pagsulat ang pinakamatagal na matutuhang
kasanayan kumpara sa iba pang kasanayang makro kaya kinakailangan ito ng
ibayong paghahanda at pagsasanay.
SA SITWASYON, ginagamit ang lantarang palitan ng kuro at salitaan sa pasalita.
Maaari ring gumamit ng berbal at di-berbal na paraan sa pagpapahayag at maaari
ring tuwiran o lantaran ang pagtugon na hindi nangyayari sa pasulat na diskurso. Sa
pagsulat kailangan munang basahin ang isinulat bago makapagbigay ng kanyang
tugon.
PROSESO NG DISKURSO
http://maestroaeious.blogspot.com/2015/05/diskurso.html
1. Nagpapadala ng Mensahe- tumutukoy sa tao o pangkat ng mga taong
pinagmulan ng mensahe. Sila ang nag-eenkowd ng mensahe.

2. Ang mensahe

May dalawang uri ng mensahe ito ay:


 Mensaheng pangninilaman o panglinggwistika
 Mensaheng relasyunal o di berbal
3. Daluyan/Tsanel ng Mensahe

Ang dalawang kategorya ng daluyan ay:


1. Daluyang sensori – o tuwirang paggamit ng paningin, pandinig, pang-
amoy, panlasa at pandama.
2. Daluyang institusyunal- pakikipagtalastasan sa pamamagitan ng sulat,
telegram, mga kagamitang elektroniko.
4. Tagatanggap ng Mensahe- nagbibigay-pakahulugan sa mensaheng
kanyang natanggap. Siya ang nagdedekowd.

5. Ang Tugon o Pidbak- ang kumokontrol sa mga sagabal sa komunikasyon.

6. Mga potensyal na sagabal sa komunikasyon- ang mga bagay-bagay na


maaaring makasagabal sa mabisang komunikasyon. Matatagpuan sa
tagapagdala ng mensahe, sa mensahe mismo, sa daluyan ng mensahe o di
kaya’y sa tagatanggap nito.

Ang mga sagabal ay maaaring:

URS-IM-AA-CI-0155 Rev 00 Effective Date: August 24, 2020


1. Semantikong Sagabal- matatagpuan sa salita o pangungusap
mismo.

2. Pisikal na Sagabal- mga ingay sa paligid, mga distraksyong


biswal, suliraning teknikal na kaugnay ng sound system.

3. Pisyolohikal na Sagabal- mga sagabal na matatagpuan sa


katawan ng nagpapadala o tagatanggap ng mensahe tulad ng
kapansanan sa paningin, pandinig o pagsasalita.

4. Sikolohikal na Sagabal- ang pagkakaiba-iba ng mga kinalakihang


paligid at ang nakagawiang kultura na maaaring magbunga ng
misinterpretasyon sa kahulugan ng mga mensahe.

SAQ 4/TANONG SA SARILI

A)

Panuto : Punuin ang mga linya na naglalaman ng diskurso tungkol sa pagkakaiba at


pagkakapareho ng Diskursong pasalita at pasulat.

Pagkakaiba Pagkakatulad Pagkakaiba

URS-IM-AA-CI-0155 Rev 00 Effective Date: August 24, 2020


B)
Panuto : Sumulat ng Sanaysay na may kinalaman sa Kasalukuyang Pandemikong
Nagaganap sa ating bansa sa pamamagitan ng Diskursong Nagbibigay Paalaala,
babala sa kaligtasan ng sangkatauhan.
 PAMANTAYAN SA PAGPUPUNTOS NG SANAYSAY

MGA 5 4-3 2-1


KATEGORYA
Napakahusay ng
Mahusay ang
Kahusayan sa pagkakagamit ng
pagkakagamit at Mali-mali ang
paggamit ng wika. Walang mali
kinakitaan ng pagkakagamit ng salita
wika sa paggamit ng
kaunting kamalian
wika o gramatika.
Napakahusay ng Mahusay ang
paglalahad ng paglalahad ng Hindi gaano nakalahad
Kahusayan sa
impormasyon at impormasyon at ng imporamasyon at ka
paglalahad
kapupulutan ng makukuhanan ng alamanan.
aral. kaalamanan

Kahusayan sa
Napakahusay sa Mahusay sa Hindi nakitaan ng
pagiging
pagiging malikhain pagiging malikhain pagiging malikhain sa
malikhain sa
sa pagsulat sa pagsulat pagsusulat
pagsusulat

Napakahusay ang
pagkakabuo ng Mahusay ang
Kahusayan sa konklusyon. pagkabuo ng Hindi gaanong maayos
pagbibigay ng Sinalamin nito ang konklusyon. ang pagbibigay ng
konklusyon kalaliman at Kinakitaan ng pag- konklusyon.
lubusang pag- unawa sa gawain.
unawa sa Gawain

SAQ 5/ TANONG SA SARILI


Panuto : Magsagawa ng isang panayam o interbyu sa isang tindero/tindera at sa
isang mamimili hinggil sa kanilang reaksyon tungkol sa patuloy na pagtaas ng mga
bilihin. Magtala ng 10 katanungan at –irecord ang napag-usapan sa pakikipanayam
at ihanda ang presentasyon sa klase.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

URS-IM-AA-CI-0155 Rev 00 Effective Date: August 24, 2020


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
__________________________

 RUBRICS SA PAGPUPUNTOS NG ISANG PANAYAN

MGA 5 4-3 2-1


KATEGORYA
Mahusay ang
Napakahusay ng
pagkakagamit ng
Kahusayan sa pagkakagamit ng Mali-mali ang
wika at kinakitaan
paggamit ng wika wika. Walang mali pagkakagamit ng salita
ng kaunting
sa gramatika.
kamalian
Napakahusay ng Mahusay ang
paglalahad ng paglalahad ng Hindi gaano nakalahad
Kahusayan sa
impormasyon at impormasyon at ng imporamasyon at
paglalahad
makukuhaan ng makukuhaan ng kaalamanan.
aral. kaalamanan
Kahusayan sa
Napakahusay sa Mahusay sa Hindi nakitaan ng
pagiging
pagiging malikhain pagiging malikhain pagiging malikhain sa
malikhain sa
sa pagsulat sa pagsulat pagsusulat
pagsusulat
Napakahusay ng
pagkakabuo ng Mahusay ang
Kahusayan sa konklusyon. pagkabuo ng Hindi gaanong maayos
pagbibigay ng Sinalamin nito ang konklusyon. ang pagbibigay ng
konklusyon kalaliman at Kinakitaan ng pag- konklusyon.
lubusang pag- unawa sa gawain.
unawa sa gawain

ANG KONTEKSTO AT TEKSTO NG DISKURSO


 Konteksto ng diskurso – nagbabago ang anyo at pamamaraan ng
diskurso maging ang daloy nito batay sa konteksto ng diskurso. Ang
konteksto ay tumutukoy sa oras, espasyo at maging ang taong kasangkot
sa diskurso. Dahil dito, ang konteksto ng diskurso ay nararapat
napagtuunan din ng pansin dahil maaaring makaepekto ito hindi lamang
sa daloy ng komunikasyon kundi maging ng kalalabasan nito.

URS-IM-AA-CI-0155 Rev 00 Effective Date: August 24, 2020


 Ang Teksto – ay ang lawak ng wika na binibigyang kahulugan nang
walang konteksto.https://slideshare.net MeatPourg/diskurso
 ang Konteksto – ay ang panlipunan at pisikal na kaligiran na nakikipag-
interak sa teksto upang makalikha ng diskurso. https://slideshare.net
MeatPourg/diskurso

Ayon kay Tanawan (2013) Kailangang angkop ang wika sa uri ng konteksto ng
komunikasyon upang maging epektibo ang pag-unawa o pagpapapakahulugan sa
mga pahayag. Ang mga sumusunod na konteksto ay lubos na nakatutulong sa
pagdidiskurso:
SA KONTEKSTONG SIKOLOHIKAL – may kinalaman ito sa damdamin, katauhan,
ugali at pananaw ng kausap.Ano ang damdamin ng kausap? Paano siya nakikitungo
sa kaniyang mga kausap? Ano ang mga pananaw niya sa buhay? Ang sagot sa mga
tanong na ito ay pantulong upang makilatis ang kahulugan ng pagpapahayag ng
isang tao. Mainam na suriing mabuti ang mga salik na kasangkot sa mga
kasanayang ito.
SA KONTEKSTONG HISTORIKAL – upang maintindihan ang punto ng kanilang
ping-uusapan. May nakaraang ugnayan ba ang nag-uusap? Ano ang nangyari bago
ang usapan? May nauna ba silang pinag-usapan bago ang kasalukuyang pag-
uusap? Ang mga tanong na ito ay lubos na nakatutulong upang maitatag ang pag-
unawa sa konteksto ng pag-uusap o diskurso ng komunikasyon.
SA KONTEKSTONG SOSYAL – dapat ding ikonsidera sa pagpapakahulugan ng
mga diskurso na may kaugnayan sa gulang, katayuan at hangarin ng kausap.
Halimbawa kung bata ang kausap, paano ang paggamit ng wika? Kung mas
nakatataas ang posisyon ng kausap, ano ang uri ng mga salitang dapat gamitin?
Ano ang hangarin mo sa pakikipag-usap?
SA KONTEKSTONG KULTURAL- may kaugnayan ito sa tradisyon, gawi,
paniniwala, at prinsipyo ng kausap. Sa anong kultura napabibilang ang mga kalahok
sa diskurso? Pareho ba sila ng pinanggalingan o kulturang kinabibilangan?Kung
nagkakaiba sila ng kultura, paano naibabagay ng isa ang pagpapahayag upang
magkaunawaan sila?

 Uri ng Konteksto ng diskurso:


May mga uri ang konteksto ng diskurso tulad ng :

a. interpersonal – usapang magkaibigan o malapit ang


kasangkot sa isa’t isa. Mas naihahayag ang interpersonal na
usapan kung ito’y halos magkaharapan ng magkausap,
naihahayag nang personal ang damdamin, kaisipan sa
malapitang ugnayan. Halimbawa sa magkaibigang matagal
na nagkalayo at muling nagkita. Ang pananabik at
kuwentuhan ay nagiging daan sa simula bilang isang
magkaibigan.

URS-IM-AA-CI-0155 Rev 00 Effective Date: August 24, 2020


b. panggrupo – ang mga kasapi ay may ugnayan dahil
bahagi sila ng isang pangkat tulad ng isang klase. Ang
tulong-tulong at kaisahan ay mas higit na nangingibabaw
kung nasa anyong pangkatan. Nagkakaroon ng malalim na
pagsasamahan at nakikilala ang kalakasan at kahinaan ng
bawat isa sa ganitong konteksto ng diskurso. Halimbawa –
sa loob ng klase kung may inatas ang guro na proyekto at
gawain nangingibabaw ang pinagsama-samang kaisipan at balakin sa
ikatatagumpay ng grupo.

c. pang-organisasyon – ang mga kasapi ay bahagi ng


isang organisasyon. Sa bawat organisasyon ay binubuo ng
mga miyembro o kasapi na aagapay sa isang organisasyon
o samahan. Isa sa layunin ng organisasyon ay maging
matagumpay ang lahat ng gawain na may pagkakaisang
layunin. Sa isang organisasyon sa lider o namumuno
nakaatang ang katagumpayan ng lahat. Di maiiwasan ang
kontra sa isang proyekto ngunit kung maaayos na naiisa –
isa o naihain ang proseso ng isang proyekto ito’y
napagkakaisahan naaprobahan agad.

d. pangmasa –ang halimbawa nito ay isang Lider na


nangangampanya sa panahon ng eleksyon, ang salita,
paninindigan, aksyon ay nagiging katanggap-tanggap sa
madla.

e. interkultural – ang mga kasapi ay nabibilang sa


magkakaibang kultural na pangkat. Nagiging salik sa
lipunan ang pagkakaiba-iba ng kultura. Ngunit sa bayan ni
Juan –ang isang mithiin at layunin ay hindi nagiging
sagabal sa pag-unlad. Magkaiba man ng kultura sa papel
na ginagampanan tulad ng relihiyon, wika, paniniwala,
kaugalian, hanap-buhay maging sa kasuotan ngunit sa oras
ng pangangailangan Kababayan ang turingan.

f. pangkasarian - ang mga kasapi ay nabibilang sa isang particular na


kasarian tulad ng usapang lalake at usapang babae. Halimbawa sa
emosyon- mas iyakin ang babae kaysa lalake, ang lalake ay matatag ,
may paninindigan sa kulturang paniniwala ng mga Pinoy .
Teksto ng Diskurso-ang teksto ay tumutukoy sa mga orihinal,
iniakdang salita o nailimbag na gawa. Maaari rin itong tumukoy sa
pinakakatawan ng panitikan tulad ng libro, lathalain, at iba pang
naisulat. ito ay isang babasahin na naglalaman ng mga ideya tungkol sa
iba't ibang tao o impormasyon tungkol sa mga bagay-bagay
(.https://www.slideshare.net/mobile/abigailcabanzadayrit/filipino-reportdiskurso)

URS-IM-AA-CI-0155 Rev 00 Effective Date: August 24, 2020


Teksto ng
Diskurso:(https://www.slideshare.net/mobile/abigailcabanzadayrit/filipino-
reportdiskurso)
 Ang teksto ng diskurso ay may iba’t ibang uri:
a. Informativ - ang isang teksto ay naglalahad ng mga bagong kaalaman,
bagong pangyayari, bagong paniniwala at mga informasyon. Ang mga
kaalaman ay nakaayos ng sekwensyal at inilalahad nang buong linaw at
kaisahan.
Halimbawa: mga kasaysayan, mga balita
b. Argumentativ- ang isang teksto ay naglalahad ng mga posisyong umiiral na
kaugnayan ng mga proposisyon na nangangailangan ng pagtatalunan o
pagpapaliwanagan. Ang ganitong uri ng teksto ay tumutugon sa tanong na
bakit.

Halimbawa: mga editoryal


c. Persweysiv- tekstong nangungumbinse o nanghihikayat.

Halimbawa: mga nakasulat na propaganda sa eleksyon, mga advertisement


d. Narativ- naglalahad ng pagkakasunod-sunod na mga pangyayari, o simpleng
nagsasalayasay.

Halimbawa: mga akdang pampanitikan


e. Deskriptiv- ito ay nagtataglay ng mga informasyong may kinalaman sa pisikal
na katangian ng isang tao, lugar at bagay. Madali itong makilala sapagkat ito
ay tumutugon sa tanong na Ano?

Halimbawa: mga lathalain, mga akdang pampanitikan


f. Prosijural- ito ay nagpapakita at naglalahad ng wastong pagkakasunod-
sunod ng malinaw na hakbang sa pagsasakatuparan ng anumang gawain.
g. Nareysyon - ito ay naglalahad ng mga informasyon tumutugon sa mga
tanong na Paano at kalian?

h. Exposisyon- ito ay naglalahad ng mga informasyon tungkol sa pag-aanalays


ng mga tiyak na konsepto. Tinutugon nito ang tanong na Paano?

i. Referensyal- ang isang teksto na naglalahad ng mga tiyak na pinaghanguan


ng mga inilalahad na kaalaman.

Konsepto sa Pagpapakahulugan ng Teksto


Ang Konsepto sa pagpapakahulugan ng teksto ay:
https://www.slideshare.net/mobile/diocylannrequillo/filipino-batayang-uri-ng-diskurso-
1

URS-IM-AA-CI-0155 Rev 00 Effective Date: August 24, 2020


 Ethos- ang karakter, imahe, o reputasyon ng manunulat o tagapagsalita.
Hango sa salitang Griyego na nauugnay sa salitang etika. Sa ganitong
paraan, kailangang nagtataglay ng sapat nakasanayan sa pamamahayag ang
isang manunulat o tagapagsalita.
 Logos- Ang opinyon o lohikal na pagmamatuwid ng manunulat at
tagapagsalita. Ito ay salitang Griyego na tumutukoy sa pangangatwiran na
nangangahulugang nanghihikayat gamit ang lohikal na kaalaman o may
katwiran ba ang sinasabi upang mahikayat ang mga tagapakinig kung ito ba
ay totoo.
 Pathos- Emosyon ng mambabasa o tagapakinig. Ito ay tumatalakay sa
emosyon damdamin ng mambabasa o tagapakinig. Pag-apila sa damdamin
ng mga tagapakinig. Ito marahil ang pinakamahalagang paraan upang
makahikayat. Madaling naaakit ang isang tao kapag naaantig ang kanyang
damdamin kaugnay ng paksang tinatalakay.

SAQ 6/ TANONG SA SARILI


Panuto: Isaayos ang mga nagulong letra sa Hanay B upang makabuo ng salita na
angkop sa kahulugan mula sa Hanay A.

HANAY A HANAY B

1. Ang mga kasapi ay nabibilang sa A P N G K A A I R A N S


isang partikular na kasarian tulad ng
usapang lalake.

2. Ito ay naglalahad ng mga bagong R M A T I N F O I V


kaalaman, bagong pangyayari, bagong
paniniwala at mga bagong informasyon.

3.Ang uri ng teksto na tumutugon sa M E N V I T A R T U G A


tanong na bakit.

4. Tekstong nangungumbinse o S I V R E P S W E Y
nanghihikayat.

5. Sa harap ng malaking grupo ng tao P N G S A A M A

URS-IM-AA-CI-0155 Rev 00 Effective Date: August 24, 2020


tulad ng pangangampanya.

6. Ang mga kasapi ay P N A G R O G A N I A S S Y O N


bahagi ng isang
organisasyon.

7. Naglalahad ng magkakasunod-sunod R A A N T V I
na pangyayari, o simpleng
nagsasalayasay.

8. Ito ay nagtataglay ng informasyong P I R K S E D I V T


may kinalaman sa pisikal na katangian
ng isang tao, lugar, o bagay.

9. Naglalahad ng wastong J U L R A S O R P I
pagkakasunod-sunod ng hakbang sa
paggawa ng isang bagay.

10. Ito ay naglalahad ng mga R E Y A N S Y O N


informasyon tumutugon sa mga tanong
na paano at kailan.

MGA MODELO NG DISKURSO

Modelo ni berlo (Modelong SMR)


mo
https://www.slideshare.net/avigailgabaleomaximo/diskurso-sa-filipino

Pinanggalingan Mensahe Tagatanggap

(Souce) (Message) (Receiver)

URS-IM-AA-CI-0155 enkowding Rev 00 dekowding


Effective Date: August 24, 2020
Linear ang paglalarawan sa proseso ng komunikasyon sa modelong ito. Binigyang-
diin dito and direksyon
MODELOng proseso mulaLASSWELL
NI HAROLD sa pinanggalingan (S) tungo sa
tagatanggap (R). Ipinapahiwatig din dito naang mensahe (M) o ang pagpapadala at
https://www/slideshare.net/Nuggets/
pagtanggap nito ay nakadepende sa enkowding at dekowding nito.
ni G. Reynele Bren G. Zafra MA

Ang modelong ito ay gawa ni Harold Lasswell. Sinaabi ng modelo ni Lasswell na ang isang
proseso ng komunikasyon ay maipapaliwanag nang mabuti sa pamamagitan ng tanong na:

WHO? IN WHICH WITH WHAT


CHANNEL? EFFECT

SAY’S WHAT? TO WHOM?

Halimbawa :

Reported by: ABS-CBN TV PATROL


Isang malawakang black-out ang magaganap
sa susunod na Linggo sa buong Kamaynilaan
upang tugunan ang lumalalang krisis sa
enerhiya. Ito ang pahayag ng Department of
Energy.

URS-IM-AA-CI-0155 Rev 00 Effective Date: August 24, 2020


MODELO NI ARISTOTLE NG PAG-EENKOWD NG
MENSAHE
https://www.slideshare.net/avigailgabaleomaximo/diskurso-sa-filipino

Pagtuklas (Discovery) ng kaalamang lohikal,


emosyoal, o etikal

Pagsasaayos (Arrangement) ng mga kaalaaman sa


paraang istratehikal.

Pagbibihis (Clothing) ng ideya sa malinaw na


salita o pahayag.

Paghahatid (Delivery) ng mensahe mula sa


pinanggagalingan tungo sa tagatanggap

Ito ay kaugnay ng sub-prosesong enkowding. May aplikasyon


ito sa anomang anyo ng diskurso, pasalita o pasulat. Batay sa
modelong ito, anumang mensahe ay kailangang tuklasin,
isaayos at bihisan bago maihatid.

URS-IM-AA-CI-0155 Rev 00 Effective Date: August 24, 2020


TAKDANG-ARALIN

Ang klase ay hahatiin sa apat na grupo. Ang bawat grupo ay may nakatalagang
isang klase ng modelo ng diskurso ng isang proponent na kung saan magsasagawa
ng dula-dulaan kung paano inilarawan ng proponent ang diskurso (google meet)

Pangkat isa: modelo ni Aristotle ng pag-eenkowd ng mensahe

Pangkat dalawa: Modelo ni Schramm

Pangkat tatlo: Harold Lasswell

Pangkat apat: Modelo ni Berlo (Modelong SMR)

Rubriks sa Presentasyon

Puntos 5 3 1
Pag-unawa sa Paksa Nagpakita ng Nagpakita ng Hindi lubusang
mahusay na pag- katamtamang naunawaan ang
unawa sa paksa pag-unawa sa paksa
paksa
Kooperasyon Ang lahat ng Iilan lamang ang Ang grupo ay
miyembro ay nakibagi sa hindi nagpakita ng
nagpakita ng nasabing gawain pagtutulungan
partisipasyon
Presentasyon Mahusay na Hindi gaanong
Hindi lubusang
naipakita ang naipakita angnaipakita ang
kabuuan ng kabuuan ng kahusayan sa
presentasyon presentasyon buong
presentasyon
Ang bawat grupo ay makakatanggap ng iba’t ibang reaksyon base sa kabuuang
puntos na nakuha

1-15 6-10 1-5

URS-IM-AA-CI-0155 Rev 00 Effective Date: August 24, 2020


SANGGUNIAN

A. Aklat

Lartec, Jane Kibla, at Dolores S. Tanawan (2013). Sining Sa Mabisang


Pagpapahayag (Retorika): Kasanayan at Worksyap. Taytay Rizal : Olimpia
Publishing House.

Cruz, Reynaldo J., at Paulina B. Bisa (1999). RETORIKA Mga teorya huwaran at
pagsasanay sa mabisang pagsulat Caloocan City: MMRC Trading

Nuncio, Rhoderick V. et.al. (2016) , SIDHAYA 11 Komunikasyon at Pananaliksik


sa Wika at Kulturang Pilipino C & E Pubnlishing Inc. 1993.

Lartec, Jane Kibla at Dolores S. Tanawan, (2013) HARAYA: Komunikasyon sa


Akademikong Filipino Olympia Publishing House.
Escoto Mary Ann C., et al. ( 2007) Masining na Pagpapahayag (Aklat sa Filipino 3-
Antas Tersyarya)

Maranan, Mario H., et.al. (2016), ANG GURU: Komunikasyon at Pananaliksik sa


Wika
at Kulturang Pilipino , MINDSHAPERS CO.,INC.

Carpio, Perla D.S., et.al ( 2016) Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at


Kulturang
Filipino , Jimczyville Publication 2016

B. Larawan

http://clipart-library.com/speaking-cliparts.html

https://baclaranphenomenon.wordpress.com/2018/05/17/father-leo-james-
english-c-ss-r-the-priest-who-wrote-the-dictionary/

https://www.slideshare.net/marielbagsic/pagkakaiba-ng-pasalita-at-pasulat-na-
diskurso

C. Internet

http://maestroaeious.blogspot.com/2015/05/diskurso.html
https://www.vectorstock.com/royalty-free-vector/little-girl-cartoon-writing-
on-a-book-vector-1620902

URS-IM-AA-CI-0155 Rev 00 Effective Date: August 24, 2020


https://www.lynda.com/Business-Skills-tutorials/Overcoming-Your-Fear-Public-
Speaking/173885-2.html
http://irenepearltperalta.blogspot.com/
http://maestroaeious.blogspot.com/2015/05/diskurso.html
https://brainly.ph/question/532956
https://brainly.ph/question/530900
http://irenepearltperalta.blogspot.com/
https://www.slideshare.net/avigailgabaleomaximo/diskurso-sa-filipino
http://sanaysay-filipino.blogspot.com/2011/07/halimbawa-ng-isang-tagalog-na-
sanaysay.html
https://www.slideshare.net/abigailcabanzadayrit/filipino-reportdiskurso
http://balita.net.ph/2018/12/24/pagpapalakas-ng-puwersang-pandepensa-ng-
japan/
https://pinoycollection.com/talumpati-tungkol-sa-kabataan/#Isang-Talumpati-
para-sa-Kabataan
https://www.google.com/amp/s/beverleymendoza.wordpress.com/2013/08/16/m
ga-aralin-sa-masining-na-pagpapahayag/amp/
https://www.slideshare.net/mobile/abigailcabanzadayrit/filipino-reportdiskurso
https://www.slideshare.net/mobile/diocylannrequillo/filipino-batayang-uri-ng-
diskurso-1

https://www.slideshare.net/Nuggets/ Reynele Bren G. Zafra M


http://balita.net.ph/2018/02/28/ibalik-ang-filipino-at-panitikan-sa-kolehiyo/

URS-IM-AA-CI-0155 Rev 00 Effective Date: August 24, 2020


CRYSALYN ATANACIO-CRUZADO
Si Crysalyn A. Cruzado ay kasalukuyang Associate
Professor sa University of Rizal System (URS) Morong,
Rizal. Siya ay kasalukuyang Head ng Extension and
Production ng Morong, Campus. Naging Student
Supervisor ng mga nagsasanay na mga mag-aaral sa
pagkaguro. Nagtuturo siya ng asignaturang Filipino,
Humanities, at Special Education sa mga mag-aaral na
Hearing Impaired. Nagtapos siya ng Bachelor of Secondary
Education sa Tomas Claudio Memorial College (TCMC).
Natapos nya ang kanyang Masterado sa Filipino sa
University of Rizal at sa kasalukuyan ay nasa pagsulat ng
kanyang Disertasyon sa Ph.D Filipino.
Naging presentor ispiker sa pagtuturo ng Mother
Tounge sa mga guro sa refresher classes. Naging chairman sa pagsasalin sa Wikang Filipino
ng Waste Management ng Municipality of Morong, Lecturer ng Review Classes for
Licensure Examination for Teachers at Lecturer ng Review Classes para sa Civil Service
Examination. Coordinator ng Extension GAWIN BIGKASIN BAYBAYIN ACADEMIC
TUTORIALS (GABAY) na hinirang bilang Best Extension 2009. Isa sa mga project
proponent ng KAYAKAP (KAPWA AY KAAGAPAY SA PAGTATAGUYOD NG
PAROKYA) na hinirang ng Best Extension 2013. Nagwagi bilang isa sa Best Extension
Paper in Education and Ethics sa International Level sa UP Diliman at nagawaran na Best
Extension Paper sa PAEPI University of San Carlos Cebu, City at kamakailan ay napabilang
ang kanilang extension program na SIKAT Rizaleno sa Best Extension Paper na naipresenta
2019 PhilEASTNet AFFNR Extension Symposium sa Bohol. Kasalukuyang tagapagsanay sa
Basic Sign Language sa mga Day Care Workers ng MSWD sa Municipality of Baras. Naging
panel ekspert sa mga gurong nagpapakadalubhasa sa pagtuturo ng Filipino sa paaralang
gradwado. Kasapi siya sa iba’t ibang samahang propesyunal tulad ng Philippine Association
for Teacher Education (PAFTE) at Pandayan Ng Literaturang Filipino (PANDAYLIPI).
Nakapag presenta ng kanyang pananaliksik sa Antas Nasyonal at Pandaigdigang
Kumperensiya na nagtamo ng iba’t ibang gawad : Gawad Pursigido, Gawad Talino at Aktibo,
at Gawad Usisa.
Kamay-ari at manunulat ng mga aklat na: Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik ;
Kadluan, Tanglaw: Pagsusuri ng mga Akdang Pampanitikan;
May-ari ng aklat na IPaD ( Isang Pag-aaral ng Diskurso at Compiler ng Basic Sign
Language) .
Gurong tagapayo ng Senior High School Organization, URSM at Organization of
Future Elementary Mentors (OFEM)

I. Paksa : Kahulugan ng Diskurso

URS-IM-AA-CI-0155 Rev 00 Effective Date: August 24, 2020


Diskurso- binigyang-kahulugan bilang isang padron ng verbal beheybyor,
maari din itong tawaging isang verbal na anyo ng panlipunang gawi, isang
pagkakataon sa komunikatibong gamit ng wika, at proseso ng paglalahad ng
isang ideya sa teksto. (Brown at Yule, 1983; Cook, 1989; at Nunan, 1993)
II. Layunin:
 Nasasabi ang kahulugan ng Diskurso
 Naiisa-isa ang mga mungkahi sa paggamit ng wika.
 Nakasusulat at nakabubuo ng minute paper batay sa paksang tinalakay.
III. Panimula
Ang malayang pagpapahayag at pagbabahagi ng damdamin , kaisipan at
pagkilos ng isang tao ay nakabatay sa kanyang mga namamasid at
nararamdaman, ang mapanuring pananaw gamit ang wika ang siyang
magbubukas sa malawak at malalim na pag-unawa sa diskurso.

IV. Nilalalaman
Sinasabing ang diskurso ay paraan ng pagpapahayag sa paraang
pasulat at pasalita,na maaring istruktural na tumutukoy sa isang partikular na
yunit ng lengguwahe at fangsyonal na tumutukoy sa isang tiyak na pokus
sa gamit ng wika kung saan maaariitong humantong sa mas malawak o
pangkalahatang fangsyon ng wika. Sinasabing ang diskurso ay salitaan
(conversation)pananalita(speeches)maaaring gumamit ng pormal at
patuluyang pagsasagawa ng isang mahusay na usapan, masasabing ito rin
ay interaktibong Gawain
Ayon sa Diksyunaryo Ingles-Filipino (1984), ito ay nangangahulugang
magsulat at agsalita nang may katagalan o kahabaan. Sa Webster’s New
World Dictionary (1995), ito ay isangpormal na pagtalakay sa isang paksa,
pasulat man o pasalita. Ito rin ay pakikipagtalastasan, pakikipag-usap o
anumang paraan ng pagpapahayag ng ideya tungkol sa isang paksa.
Sinasabing ang diskurso ay paraan ng pagpapahayag sa paraang pasulat at
pasalita,na maaring istruktural na tumutukoy sa isang partikular na yunit ng
lengguwahe at fangsyonal na tumutukoy sa isang tiyak na pokus sa gamit ng
wika kung saan maaari itong humantong sa mas malawak o pangkalahatang
fangsyon ng wika.
Sinasabing ang diskurso ay salitaan(conversation)
pananalita(speeches)maaring gumamit ng pormal at patuluyang
pagsasagawa ng isang mahusay na usapan, masasabing ito rin ay
interaktibong gawain tungo sa mabisang paglalahad at pagbabahagi ng mga
impormasyon.
Upang maging mabisa, ang komunikasyon, kailangan din itong
isaayos. Si Dell Hymes ay nagbigay ng ilang mungkahi kung paano dapat
isaayos ang paggamit ng wika. Ayon kay Hymes, kailangang isaalang-alang
ang konsiderasyon upang matiyak na magiging mabisa ang komunikasyon.
Ginamit niya ang akronim na S.P.E.A.K.I.N.G. na tatalakayin sa mga
sumusunod na talata.
1. Setting. (saan nag-uusap?) Sa pakikipagkomunikasyon, ang pook o lugar
saan naganap ang usapan ay dapat isaalang-alang. Ang paraan ng

URS-IM-AA-CI-0155 Rev 00 Effective Date: August 24, 2020


pagpapahayag ng mga salitang ginagamit, ang tono at tunog ng pagsasalita
ay nag-iiba ayon sa lokasyon na pinangyarihan ng salitaan. Hindi maaaring
ang pakikipag-usap sa kaibigan sa gitna ng lansangan ay maging katulad ng
pakikipag-usap sa kanya sa loob ng simbahan. Ang lugar ay may malaking
impluwensya sa komunikasyon. Kung hindi ito isasaalang-alang, maaari kang
mapagkamalang bastos o walang pinag-aralan. Subukan mong magsisigaw
sa loob ng inyong klase. Ano kaya ang posibleng mangyari?
2. Participants. (sino ang kausap, nag-uusap?) Dito isinaalang-alang ang tao
o mga taong kasangkot sa komunikasyon. Ang pag-uugali, katauhan,
damdamin, maging ang estado sa buhay, katungkulan, hanapbuhay, gulang
kasarian, paniniwala at pilosopiya sa buhay ay nakakaimpluwensya sa daloy
at paraan ng pagpapahayag ng nagsasalita at ng kanyang kausap.
Halimbawa: Ang mga salitang balbal ay ginagamit mo lamang sa iyong mga
kaibigan, ngunit di mo maaaring gamitin ito kapag ang kausap mo ay may
mga mataas na katungkulan at nasa pormal na pagdiriwang kailangang
pagbatayan kung sino ang kausap mo. Mahalagang isaalang-alang kung
sino ang kausap.
3. End. (ano ang layunin ng usapan?) Sa komponent na ito ang interaksyon
ay ayon sa layuning nais matamo sa pakikipagusap maging sa pagpapahayag
o pagbibigay ng impormasyon, pag-uutos, pakikiusap, pagpapahiwatig,
pagpapakahulugan, pagmumungkahi, pagbabahagi ng damdamin,
pangangarap o paglikha.
Halimbawa: Kailangang alamin ang layunin sa pakikipag-usap upang
maging malinaw ang pagpapalitan ng ideya at maging maayos ang daloy
ng usapan ang bawat pakikipag-usap ay may layon na dapat bigyang
pansin.
4. Acts Sequence. (paano ang takbo ng pag-uusap?) Ito ang tumutukoy sa
pagkakaugnay ng usapang nagaganap sa uri ng pangyayari.
Halimbawa: Maaaring isaalang-alang ang takbo ng usapan upang maging
handa sa pagpili ng mga salitang gagamitin.Ang pag-alam sa maaaring
maging takbo ng usapan ay isang malaking kapakinabangan upang
maging matagumpay ang diskurso.
5. Keys. (pormal ba o impormal ang usapan?) Kailangan ang pag-alam kung
pormal ba o di pormal ang usapan kailaangang isaalang-alang ang
pormalidad ng isang okasyon sa iyong pakikipag-usap. Kung gayon, kung
pormal ang isang okasyon, paano ka makikipag-usap sa ibang tao? Anong
mga salita ang kailangan mong gagamitin?
Kailangang alamin kung ang pag-uusap ba ay pormal o hindi pormal
sapagkat malaki ang epekto nito sa pagpili ng mga salitang gagamitin.
6. Instrumentalities. (ano ang midyum ng usapan, pasalita ba o pasulat?) Sa
madaling salita, kailangang ikonsider din ang gamit o daluyan ng
komunikasyon. Daluyang sensori ba o daluyang institusyunal? Bakit
kailangang isaalang-alang ito? Pakaisipin mo. Maaari mo bang ikwento sa
iyong kaibigan ang nobelang iyong nabasa sa pamamagitan ng text?
Maipapaamoy mo ba sa kanya ang halimuyak ng bulaklak sa pamamagitan

URS-IM-AA-CI-0155 Rev 00 Effective Date: August 24, 2020


ng telepono? Susulat ka pa ba sa bumbero kung nasusununog na ang bahay
mo? Kung hindi mo kayang magsinungaling nang harapan, magdadahilan ka
ba pa sa iyong kasintahan sa kanyang harapan? Kung mahusay kang
gumawa ng sulat o ng tula, paano ka manliligaw kaya? Ang midyum ang
humuhubog at naglilimita sa isang mensahe. Kung mabisang maisasaalang-
alang ito, kung gayon, magiging kontrolado natin ang hugis at lawak o
limitasyon ng mensahe sa komunikasyon.
Tiyakin kung ano ang gagamiting midyum sa pag-uusap may
pagkakataon hindi mo kailangang sumulat kung hindi hinihingi ng
pagkakataon.
7. Norms. (ano ang paksa ng usapan?) Mahalagang maisaalang-alang din ng
isang tao ang paksa ng usapan. Halimbawa, maaaring hindi mo na igigiit ang
iyong katwiran kung batid mong limitado lamang ang nalalaman mo sa paksa
ng isang pagtatalo. Makakabuti ring itikom na lamang ang bibig kung sa gitna
ng isang talakayan ay wala ka namang nalalaman sa paksang tinatalakay.
May mga paksa ring eksklusibo.
Sa usapang relihiyon, hindi mo maaaring sabihan na mali ang ginagawa
ng ibang sekta dahil ito ay salungat sa iyong pinaniniwalaan..
8. Genre. (ano ang uri ng pagpapahayag? Pagsasalaysay, paglalarawan,
paglalahad o pangangatwiran?) Sa komponent na ito, isinaalang-alang ang
layunin ng participants. Kung ang nais niya ay ang magkwento ng isang
pangyayari o mga pangyayari, pasalaysay ang pagpapahayag. Kung ang
nilalayon naman niya ay magpakitang anyo, katangian, hugis, at kulay ng
isang bagay, tao, pook, pangyayari at damdamin, paglalarawan ang paraan.
Paglalahad naman ang paraan ng pagpapahayag kung ang nais nito ay
magpapaliwanag at magbigay ng impormasyon, samantalang kung ang
layunin niya ay ang manghikayat, magpatunay at pagbulaanan ang opinyon,
katwiran at paninindigan ng iba, pangangatwiran ang paraan ng
pagpapahayag.
Ang layon sa pagtuturo-pagkatuto ng wika ay ang pagtatamo ng
pangkalahatang kahusayan sa paggamit ng wika upang makapagpahayag
nang mabisa at maiugnay ang sarili sa kanyang paligid. Dapat malinang ang
kasanayang umunawa sa mga salik na personal at salik-sosyal at
kahusayang magpaunawa sa mensaheng nilalayong ipahatid sa paraang
angkop, tumpak, at katanggap-tanggap sa lipunan at pamayanan.
Sinasabing ang diskurso ay paraan ng pagpapahayag sa paraang
pasulat at pasalita.

Konteksto ng Diskurso:
Ang isang tao ay nakikipagtalastasan sa iba sa anumang oras,
espasyo at konteksto. Ang mga kontekstong iyon ay madalas na ituring bilang
mga partikular na kumbinasyon ng mga taong bumubuo sa isang sitwasyong
pangkomunikasyon. Samakatwid, ang konteksto ng isang diskurso ay
maaaring interpersonal, panggrupo, pang-organisasyon, pangmasa,

URS-IM-AA-CI-0155 Rev 00 Effective Date: August 24, 2020


interkultural at pangkasarian.Maaaring pagbatayan ang mga konteksto ng
diskurso:
Halimbawa:
 Konstekstong Interpersonal – usapan ng magkaibigan
 Kontekstong Panggrupo – pulong ng pamunuan ng isang samahang
pangmag-aaral
 Kontekstong Pang-organisasyon – memorandum ng pangulo ng isang
kumpanya sa lahat ng empleyado
 Kontekstong Pangmasa – pagtatalumpati ng isang pulitiko sa harap ng mga
botante
 Kontekstong Interkultural – pagpupulong ng mga pinuno ng mga
bansang ASEAN
 Kontekstong Pangkasarian – usapan ng mag-asawa
Mga anyo ng Diskurso
1. Pasalita (verbal)
2. Pasulat (gumagamit ng ortograpikong simbolo gaya ng mga letra)

V. Pagsasanay
1. Isulat sa loob ng lobo ang mga salitang may kinalaman sa salitang
diskurso.Ilahad sa ibaba ang dahilan kung bakit ito ang mga salitang iyong
napili.

___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________

URS-IM-AA-CI-0155 Rev 00 Effective Date: August 24, 2020


___________________________________________________________
_______________
2. Ibigay ang kahulugan ng SPEAKING

S
P
E
A
K
I
N
G

3. WORD POOL

Konstekstong Interpersonal Kontekstong Pangkasarian


Kontekstong Panggrupo Kontekstong Interkultural
Kontekstong Pang-organisasyon Kontekstong Pangmasa
Setting Diskurso
Konteksto ng Diskurso Pasulat

Tanong Sagot
1. Usapan ng Kontekstong
mag-asawa Pangkasaria
n
2. Ito ay ang Diskurso
paraan ng pagpapahayag sa paraang pasulat at
pasalita.
3. Pagtatalumpati ng isang pulitiko sa harap ng mga Kontekstong
botante Pangmasa

URS-IM-AA-CI-0155 Rev 00 Effective Date: August 24, 2020


4. Usapan ng Konstekston
magkaibigan g
Interperson
al
5. Ito ay Konteksto
maaaring interpersonal, panggrupo, pang-organisasyon, ng Diskurso
pangmasa, interkultural at pangkasarian.
6. Pulong ng pamunuan ng isang samahang pangmag- Kontekstong
aaral Panggrupo
7. Memorand Kontekstong
um ng pangulo ng isang kumpanya sa lahat ng Pang-
empleyado organisasyo
n
8. Ito ay Pasulat
gumagamit ng ortograpikong simbolo gaya ng mga letra.
9. pagpupulong ng mga pinuno ng mga bansang ASEAN. Kontekstong
Interkultural
10. Ito ay isa sa dapat isaalang-alang sa pakikipag Setting
komunikasyon ito ay ang pook o lugar kung saan
gaganapin ang pag-uusap.

Gumawa ng minute paper batay sa mga natutunan sa paksang tinalakay


maaaring maging gabay ang mga sumusunod na pahayag.
Nalaman ko na, Mahalaga pala ang…Natutunan ko na…
Dahil dito gusto ko pang malaman ang tungkol sa …
Pamantayan sa pagpupuntos ng Minute Paper
5 - Napakahusay
4- Mahusay
3- Katamtamang husay
2- Hindi gaanong mahusay
1- Nangangailangan ng Gabay
5 4 3 2 1 Puntos

Napakahu Mahusay na Katamtamang Hindi gaanong Hindi nailahad


say na nailahad ang husay na mahusay na ang ideya
nailahad ideya nang nailahad ang nailahad ang nang may
ang ideya may maayos ideya at ideya nang maayos na
nang may na balangkas balangkas may maayos balangkas
maayos na balangkas
na
balangkas
.

URS-IM-AA-CI-0155 Rev 00 Effective Date: August 24, 2020


Napakahusay Mahusay na Katamtamang Hindi gaanong Hindi
na nakagamit nakagamit ng husay na mahusay na nagamit nang
ng tumpak na tumpak na nakagamit ng nagamit nang tumpak ang
bokabolaryo at bokabolaryo at tumpak na tumpak na bokabolaryo at
istrukturang istrukturang bokabolaryo at bokabolaryo at istrukturang
gramatika gramatika istrukturang istrukturang gramatika
gramatika gramatika

Napakahusay Mahusay na Katamtamang Hindi gaanong Hindi na


na Naisulat Naisulat nang husay na mahusay na naisulat at
nang wasto wasto ang naisulat nang Naisulat ang nagamit ang
ang tamang tamang wasto ang tamang tamang
baybay ng baybay ng tamang baybay ng baybay ng
mga salita. mga salita. baybay ng mga salita. mga salita.
mga salita.
Napakahusay Mahusay na Katamtamang Hindi gaanong Hindi nagamit
na nakapagsulat husay na mahusay na ang wastong
nakapagsulat na ginamitan nakapagsulat nakapagsulat bantas
na ginamitan ng wastong na gamit ang na gamit ang
ng wastong bantas wastong wastong
bantas bantas bantas
Kabuoang Puntos

VI. Abstraksyon
Ang pagbabago at pagkakaroon ng kasanayan sa pakikinig, pagtugon ,
pakikipagtalasatasan , pagbasa na may kalakip na pag-unawa ay magkakaroon
ng maliwanag na pangagatwiran
Malaya nating maipahahayag ang pagbabahagi ng ating kaisipan, damdamin
at pagkilos alinsunod sa ating mga nakita, narinig , nadama, nabasa, naisip at
mga naranasan ang siyang magbubukas sa malinaw na diskurso.

URS-IM-AA-CI-0155 Rev 00 Effective Date: August 24, 2020


VII. Sanggunian:
https://www.slideshare.net/ManuelDadeaDaria/diskurso-43048341

http://maestroaeious.blogspot.com/2015/05/diskurso.html

https://prezi.com/rakrbw6d8iwr/apat-na-paraan-ng-pagpapahayag-ng-

diskurso/

https://prezi.com/jpyxn_bvuxzt/diskurso-depinisyon-at-katangian/

https://prezi.com/46bujv9s9tnh/mga-konsepto-ng-diskurso/

URS-IM-AA-CI-0155 Rev 00 Effective Date: August 24, 2020


Kabanata 2: Apat na Batayang Uri ng
Diskurso
Modyul 3: Deskriptibo

Sinulat nina:

URS-IM-AA-CI-0155 Rev 00 Effective Date: August 24, 2020


Kahulugan, Kahalagahan at Layunin ng Deskripsyon
Katangian ng Epektibong Paglalarawan at Dalawang Uri nito

LAYUNIN

1. Nasasabi ang kahulugan ng Deskriptib Diskors


2. Naipapaliwanag ang kahalagahan ng deskriptib diskors
3. Naiisa-isa ang mga katangian ng Epektibong Deskripsyon
4. Natutukoy ang mga layunin ng paglalarawan.
5. Nakikilala ang dalawang uri ng deskripsyon.
6. Nakasusulat ng karaniwan o masining na paglalarawan.

PANIMULA

Ang deskriptib diskors ay isang komposisyon na binibigyan ng isang biswal


na konsepto ang mga bagay,pook, tao o pangyayari sapagkat naipapakitang
makatotohanan, kaakit-akit, kapana-panabik at kapani-paniwalaang sinulat o
nailahad. Ang gawaing paglalarawan ay isang kasanayang makalikha ng larawan sa

URS-IM-AA-CI-0155 Rev 00 Effective Date: August 24, 2020


pamamagitan ng mga salitang angkop at masining. Naipapakita ng isang manunulat
ang anyo, hitsura, layo, kalagayan, ganda at katangian ng mga bagay bagay sa
pamamagitan ng paggamit ng tayutay at mga matatalinghagang salita.

NILALAMAN

Kahulugan ng Diskriptib Diskors o Paglalarawan 

Ito ay anyo o paraan ng pagpapahayag ng kaisipan o palagay tungkol sa


isang tao, bagay, hayop, lunan o pangyayari sa pamamagitan ng kulay, hugis o
pandama tulad ng pang-amoy, panlasa o pandinig. Samakatuwid ang deskriptibong
komposisyon ay naglalayong bumuo ng malinaw na larawan sa isipan ng
mambabasa.

Ang mga pang-uri at pang-abay ang karaniwang ginagamit sa deskriptibong


diskors. Sa pamamagitan ng mga pang-uri at pang-abay maayos at mabisang
mailalarawan ang anumang bagay na nais ikintal sa isipan ng mambabasa at
nakikinig.

Kahalagahan ng Paglalarawan 

Mahalaga ang paglalarawan sa pagpapahayag sapagkat naipakikitang


parang totoo at may buhay ang anumang nais na ilahad. Naipapakita rin sa
paglalarawan ang kaibahan ng isang bagay sa karamihan.

Malaki ang nagagawa ng paglalarawan upang higit na maging mabisa ang


paglalahad o pagsasalaysay. Sa mga maikling kwento at nobela, lalo nating
napapahalagahan at nakikilala ang mga katangian ng tauhan ,pook na
pinangyarihan at maging ang kalagayan ng panahon nang mangyari ang kwento sa
pamamagitan ng mahusay na paglalarawan. Subalit ang lahat ng ito’y hindi
magaganap kung hindi alam gamitin ng manunulat o nagsasalaysay.

Ang malinaw at mayamang paglalarawan ay depende sa kakayahan ng


gumagamit nito. Kailangan ang mahusay na pagkilala, pagpili at pagpapahayag ng

URS-IM-AA-CI-0155 Rev 00 Effective Date: August 24, 2020


mga detalye. Bukod sa tulong ng kanyang pandama, kailangan ding Makita ang
kulay, galaw at anyo ng mga bagay na ibig ilarawan.

Layunin ng Paglalarawan 
Sa bawat diskurso ay mayroon tayong layunin. Ang layunin ang nagiging
daan upang upang gawin natin ang isang bagay. Nagiging masigasig tayo sa ating
mga ginagawa upang makamit ang mga ito. Narito ang mga layunin ng
paglalarawan:

o Tumutukoy sa mga konkreto o abstrak na bagay na binibigyang-hugis


o anyo.
o Makapagpamalas sa isa pang tagapakinig o mambabasa ng isang
malinaw at buong paglalarawan
o Makapagpahayag ng impresyon o kakintalang likhang pandama
o Makapagbigay ng impormasyon
o Makapanggising ng damdamin

Mga Katangian Ng Epektibong Deskripsyon 

Sa aklat ni Dolores Tanawan et. al. (2019) nabanggit ang mga dapat isaalang -
alang upang maging mabisa ang deskriptibong komposisyon..

1. Pagpili ng Paksa: Tao ang nakararaming paksa sa paglalarawan. Ang tao ay


lagi nang naaakit at nagkakaroon ng kawilihan sa ibang tao.

Sa paglalarawan ng tao, banggitin ang kaniyang anyong panlabas at mga


katangian panloob. Sa anyong panlabas, maaaring ilarawan ang kanyang tindig,
hugis ng ulo o mukha, kulay ng buhok, kutis, taas, ang paglakad, pagtawa at iba pa.
Sa tindig, maaaring sabihing hukot, tuwid na parang military o tindig maginoo. Ang
mukha ay maaaring pangahan, hugis-puso, bilugan at iba pa samantalang ang kutis
at maaaring maputi, kayumanggi, dilaw, maitim at iba pa. Maganda lumakad, piki
kung lumakad, salakwang o sakang kung lumakad o paika-ika ang paglakad. Maging
ang tinig nga ay maaaring ilarawang tinig na magaling, tinig na matinis, tinig na
animo’y galing sa ilalim ng lupa, tinig na galit at iba pa.

URS-IM-AA-CI-0155 Rev 00 Effective Date: August 24, 2020


Para sa katangiang panloob, sabihin kung anong uri siya ng tao, ano-ano ang
kanyang mga katangian, ugali, paniniwala, paninindigan sa buhay at ang pagkatao.
Katulad ito ng paglalarawan ng katauhan o karakterisasyon. Maaaring sabihing
magalang, mabait, masunurin, palabati, matulungin, may isang salita at iba pang
mga katangiang panloob. Mainam kung ang babanggiting katangian ay tiyak na
bibigyan ng patunay sa buhay ng paksa. Kapag sinabi mong, “matulungin siya”,
mabuting banggitin ang mga natulungan niya at kung paano siya tumulong.

Bukod sa tao, maaari ring paksain sa paglalarawan ang pook o tanawin, ang
mga katangi-tanging bagaygayundin ang damdaming naghahari at nag-uumapaw sa
dibdib ng isang tao.

2. Pagpili ng Pananaw: Ito ang pagtingin o pagsasaalang-alang ng sumusulat sa


tao o bagay na inilalarawan. Ito ay maaaring ayon sa agwat o layo ng bagay o
tao na inilalarawan o ayon naman sa pagtingin sa paksa ayon sa sariling
palagay at damdamin ng sumusulat. Maaaring maging iba ang pananaw ng
ugali sa buhay ng tao kaysa sa pananaw ng isang pari, halimbawa. Tinititigan
ng ugali ang buhay sa pisikal na kalagayan nito, ang pari naman ay mag-
uukol ng diin sa kalagayang espirituwal. Iba ang masasabi ng malapit sa
bagay kaysa sa masasabi ng naglalarawan na malayo sa bagay na
inilalarawan.

Tatlong uri ng pananaw o punto de vista na maaaring gamitin ng


naglalarawan.
a. Subhetibo- ang paglalarawan ay naglalahad ng mga dapat na isipin o
sabihin ng tauhan;
b. Obhetibo- ang naglalarawan ay tagamasid lamang sa iniisip at sinasabi ng
mga tauhan sa kaniyang inilalarawan;
c. Omnisyent- alam ng tagapaglarawan ang mga pangyayari sa loob at labas
ng tauhan; kahit saan dumako ang mga tauhan ay batid pa rin ng
tagapaglarawan ang mga nangyayari sa tauhan, ang kanilang ginagawa at
iniisip.

3. Pagbuo ng Pangunahing Larawan: Bumuo ng tiyak na impresyon o


pangunahing larawan sa tao, bagay, lunan, o pangyayaring bibigyang
larawan. Magagawa ito sa pamamagitan ng matamang pagmamasid.

4. Pagpili sa mga sangkap: Pagkatapos na mapili ang mga pangunahing


larawang namasid, pipiliin naman ang mga bahaging bumubuo sa
pangunahing larawan. Dito na mapipili ang mga bahaging ikinaiba ng tao o
bagay sa mga kauri nito.
5. Banggitin ang layunin ng paglalarawan: Bawat pagsulat ng paglalarawan ay
may taglay na layunin. Naglalarawan kaba para magpakita ng bagay o tao o
naglalarawan ka para makapagbigay ng impormasyon o kaalaman?

URS-IM-AA-CI-0155 Rev 00 Effective Date: August 24, 2020


Dalawang Uri ng Deskripsyon 
1. Karaniwang Deskripsyon
 ito ang uri ng paglalarawan na kung ano ang nakikita, nadarama,
nairinig, o di kaya’y nalalasahan, iyon ang ilalaman sa ginagawang paglalarawan.
Ika nga, sa uring ito, mailalarawan sa balintataw ng nakikinig o nagbabasa ang
sinasabi ng manunulat dahil ito ang uri ng pahayag na napakamakatotohanan. Ito
rin ay nagtataglay ng mga sumusunod na katangian:

o Karaniwan/palasak
o Ang pangunahing layunin ay makapagbatid o makapagbigay ng
dagdag kaalaman
o Nakatuon ang pokus ng naglalarawan sa mga pangunahing katangian
ng inilarawan.
o Obhetibo ang paglalarawang ito
o Hindi nakikitaan ng bahid ng pagkiling ng manunulat o tagapagsalita sa
inilalarawan

 https://www.coursehero.com/file/37881120/Naglalarawan-O-
Deskriptibopptx/ I-klik ang link para sa karagdagang
impormasyon at paliwanag.

2. Masining na Deskripsyon
 ito ay paglalarawang abstrak na di mo nakikita nang kongkreto ang
larawan o imaheng isinasaad ng manunulat. Kadalasa’y gumagamit din dito ng
mga matalinhagang pahayag. Ito rin ay nagtataglay ng mga sumusunod na
katangian:

o Magarbo, grandyoso, o makulay


o Higit na nagiging maingat ang naglalarawan sa kanyang pagbibigay
deskripsyon
o Pagpili ng mga salitang kikiliti isa guni-guni ng kanyang mambabasa o
tagapakinig
o Ang kakayahang lingguwistik ng isang tagapahayag ay higit na aktibo.
 https://prezi.com/mn1y_dz-qg6n/masining-na-paglalarawan/ I-
klik ang link para sa karagdagang impormasyon at paliwanag.
PAGSASANAY
Sumulat ng maikling talata batay sa mga larawan na nasa ibaba. Isang
karaniwan at isang masining na paglalarawan. Ipadala ang sagot sa gmail o
messenger.

URS-IM-AA-CI-0155 Rev 00 Effective Date: August 24, 2020


Rubriks
• Nilalaman 5

• Pagkakaugnay-ugnay ng kaisipan 3

• Kawastuhan at kaayusan 2

Kabuoan 10
__________
10

Karaniwang
Paglalarawan/Deskripsyon

URS-IM-AA-CI-0155 Rev 00 Effective Date: August 24, 2020


Masining na
Paglalarawan/Deskripsyon

MGA SANGGUNIAN
Bernales, Rolando A. et.al. (2013) Rerotika ang Sining ng Pagpapahayag.
Malabon City: Mutya Publishing House, Inc.
Orsal, Cesar D. at Delgado, Jose M.(2001) Retorika/ Gandasulit, Quezon
City, New Day Publishers

Tanawan , Dolores et.al. (2019), DALUMAT Pag-aaral ng Diskursong


Filipino, Taytay, Rizal, Olimpia Publishing House

https://www.coursehero.com/file/37881120/Naglalarawan-O-Deskriptibopptx/
https://prezi.com/mn1y_dz-qg6n/masining-na-paglalarawan/
https://www.coursehero.com/file/48834839/4-Tesktong-Naglalarawandocx/

URS-IM-AA-CI-0155 Rev 00 Effective Date: August 24, 2020


SAQ
A. Panuto: Isulat sa patlang ang tamang sagot.

______________1. Ito ay punto de vista na ang paglalarawan ay naglalahad ng


mga dapat na isipin o sabihin ng tauhan
_____________2. Ang mga pang-uri at pang-abay ang karaniwang ginagamit sa
ganitong uri ng diskors.
_____________3. Sa ganitong uri ng pananaw ang naglalarawan ay tagamasid
lamang sa iniisip at sinasabi ng mga tauhan sa kaniyang inilalarawan.
_______________4. Uri ng pananaw na ,alam ng tagapaglarawan ang mga
pangyayari sa loob at labas ng tauhan; kahit saan dumako ang mga tauhan ay batid
pa rin ng tagapaglarawan ang mga nangyayari sa tauhan, ang kanilang ginagawa at
iniisip.
______________5. Ito ang pagtingin o pagsasaalang-alang ng sumusulat sa tao o
bagay na inilalarawan

B. Panuto: Isulat sa patlang ang KD kung ang nilalaman ng pahayag sa ibaba ay


tumutukoy sa karaniwang deskripsyon at MD kung masining na deskripsyon.

_____1. Nakatuon ang pokus ng naglalarawan sa mga pangunahingkatangian ng


inilarawan.
_____2. Ang kakayahang lingguwistik ng isang tagapahayag ay higit na aktibo
_____3. Kadalasa’y gumagamit din dito ng mga matalinhagang pahayag.
_____4. Hindi nakikitaan ng bahid ng pagkiling ng manunulat o tagapagsalita sa inilalarawan.
_____5. Higit na nagiging maingat ang naglalarawan sa kanyang pagbibigay deskripsyon.

URS-IM-AA-CI-0155 Rev 00 Effective Date: August 24, 2020


KABANATA 3 Apat na Batayang Uri ng
Diskurso

Modyul 4: Naratibo
Sa Panulat nina:

URS-IM-AA-CI-0155 Rev 00 Effective Date: August 24, 2020


URS-IM-AA-CI-0155 Rev 00 Effective Date: August 24, 2020
Sa pagtatapos ng kurso, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Maipaliwanag ang kahulugan at layunin ng naratibo;

2. Matukoy ang mga katangian ng naratibo;

3. Maiisa-isa ang Elemento ng tekstong naratibo .

4. Makabuo ng mga halimbawang pangungusap na nagtataglay ng

pagsasalaysay ng mga pangyayari; at

5. Makababasa ng halimbawa ng tekstong naratibo upang maisagawa

ang mga elemento nito

6.

PANIMULA

Ang Modyul na ito ay sumasaklaw sa pagtalakay sa Naratibo o


Pagsasalaysay. Inaasahan na ang mga Aralin na ito ay tutugon sa mga
pangangailangan ng mga mag-aaral o mambabasa na maintindihan kung ano
nga ba ang kahulugan, katangian ng epektibong pagsasalaysay, uri ng
pagsasalaysay o naratib, at elemento ng Naratib.
Kaakibat na ng ating buhay ang pagsasalaysay. Kung saan, ito ay
ginagamit na sa pang-araw araw. Bawat sandali ng ating buhay, tao ay
maaaring magsalaysay ukol sa mga pangyayaring ating nararanasan. Sa
madaling salita, ang pagsasalaysay ay may layuning magkwento o maglahad
ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari batay sa mga nararanasan natin
sa ating kapaligiran.
Ang naratibo ay pangkaraniwang naririnig sa silid-aralan, tahanan,
korte, sa kanto, sa simbahan at iba pang dako upang maibahagi ang karanasan
o mga pangyayari.
Ang diskursong naratibo ay isang paraan ng paglalahad sa
mahahalagang pangyayari ng nakalipas na nakapukaw sa interes ng manunulat
at inaasahang magiging makabuluhan din sa mga mambabasa. Sa
pagkakataong ito, mangangailangan ang manunulat ng pananaliksik upang higit
na mapagtibay ang paksa at maging makabuluhan sa mga mambabasa.

URS-IM-AA-CI-0155 Rev 00 Effective Date: August 24, 2020


NILALAMAN:

Kahulugan, Layunin at Kahalagahan ng Naratibo

Ang naratibo ay Ano ang


nagsasalaysay tinatawag na
ng mga serye ng naratibo?
mga naganap na
maaaring piksyon
o kaya ay di
piksyon.

Ang naratibo ay nagsasalaysay ng mga serye ng mga naganap na maaaring


piksyon o kaya ay di piksyon. Ito ay parehas na gumagamit ng wikang puno ng
imahinasyon, nagpapahayag ng emosyon at kumakasangkapan ng iba’t ibang imahe
na metapora at simbolo upang maging malikhain ang katha.

Ito rin ay nakakapagbigay ng mga detalye na nasasagot ang mg tanong na


ano, sino, saan, kanino, kalian, bakit at paano. Ang ganitong uri ng diskurso ay
nagbibigay aral.

Ang pinakalayunin ng tekstong ito ay nagsasalaysay o nagkukuwento sa


isang tiyak na pangyayari na maaaring hango sa tunay nakaranasan o bungang
tulog lamang. Nagbibigay din ito ng aliw at nagpapalipas ng oras sa mga
mambabasa at tagapakinig.
Ito ay nagpapakita ng kwentong sinasalaysay o nasusulat. Karaniwang mayroon
itong tagapagsalaysay tulad ng mga maiikling kwento, nobela, at iba pang panitikan.
Ito ay itinatanghal bilang isang sining ng isang kwento. Tumutukoy rin ito sa tekstong
naglalahad ng katotohanan o impormasyon tungkol sa mga pangyayaring naganap,
nagaganap o magaganap pa lamang.

Ang tekstong naratibo ay karaniwang kronolohikal o nakabatay sa


pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari, bagamat sa tekstong literi, madalas
naman ang paggamit ng flashback; bagamat karaniwa’y katotohonan at
impormasyon ang nilalaman ng tekstong naratibo, maari rin naman sumulat ng
tekstong naratibo nagsasalaysay ng mga pangyayaring pawang kathang-isip lamang

URS-IM-AA-CI-0155 Rev 00 Effective Date: August 24, 2020


Maaring
pagkunan ng
Paksa

Anu-ano ba ang dapat na


Katangian ng
Epektibong Naratibo?

1. May makabuluhang paksa-diwa


Paksa – dumadaloy at umiikot ang mga pangyayari
sa isang paksa lamang.
Sa anumang anyo ng diskurso, labis na mahalaga ang
isang paksang orihinal at kawili-wili.
2. May orihinal na pamagat
Mga Katangian ng Pamagat
A. Maikli
Mas malaki ang pagkakataong matandaan ng mambabasa
ang isang salaysay kung ang pamagat nito ay maikli.

Tunghayan natin ang iba pang


katangian ng Epektibong Naratibo
sa kabilang pahina!!!!

URS-IM-AA-CI-0155 Rev 00 Effective Date: August 24, 2020


Katangian ng Epektibong Naratibo

B. Angkop na pamagat
Mahalagang matiyak ng manunulat na ang pamagat na kaniyang nabuo ay may
kaugnayan sa pinakapaksa.
C. Sinaliksik
Ang pamagat ay maingat na pinag-isipan at binuo ay higit na makahihikayat ng
mambabasa.
3. May wastong pagkakasunod-sunod ng pangyayari
Ang karaniwang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa isang salaysay:
A. Simula
B. Gitna
C. Wakas
Mayroon din namang mga salaysay na gumagamit ng pamamaraang pabalik o
flashback.
4. May mapagganyak na simula
Ang panimula ang ikalawang salik na nanghihikayat sa mga
mambabasa bukod pa sa pamagat.

Uri ng Panimula

a. Pagbuo ng makatatawag-pansing pangungusap – Isang malaking hamon


sa sino mang nagnanais na sumulat ang pagbuo ng unang pangungusap sa
kaniyang teksto.
b. Dayalogo – Sa pamamagitan ng dayalogo o salitaan, ang tauhan ng isang
naratibo ay nabibigyan ng kakayahang mag-isip at higit na nakikilala ng
mambabasa.
c. Paglalarawan ng tauhan at tagpuan – Ang paggamit ng mga pang-uri ay
makahihikayat sa mambabasa na paganahin ang guni-guni at imahinasyon.
d. Pagtatanong – Ang pagbuo ng mga makabuluhang tanong ay
nakahihikayat ng mambabasa na mag-isip tungkol sa maaaring nilalaman ng
isang naratib.
e. Sipi o kasabihan – Iwasan lamang ang mga pananalitang gasgas na at
yaong hindi tuwirang angkop sa paksa.
5. Kapana-panabik o kasiya-siyang wakas

URS-IM-AA-CI-0155 Rev 00 Effective Date: August 24, 2020


Pananaw o Punto de Vista
Ang tatlong uri ng Punto de Bista ay:
1. Subhetibo- ang tagapagsalaysay ang naglalahad sa mga dapat isipin o
sabihin ng tauhan.
2. Obhetibo- ang tagapagsalaysay ay tagamasid lamang sa iniisip at sinasabi
ng mga tauhan sa kanyang isinasalaysay.
3. Omnisyent- alam ng tagapagsalaysay ang lahat ng mga nangyayarisa
loob at labas ng tauhan.

Pamilyar ka Oo
ba sa mga
elemento ng
Naratibo?
Ito ay
paksa,istraktu-
ra,
oryentasyon,
Ano
pa?

Narasyon,
Komplikasyon
/Tunggalian
at
Resolusyon.

BUKLATIN ANG SUSUNOD NA PAHINA..DALI!!

Handa ka na bang malaman ang mga


Elemento ng Naratibo? Tara at
buklatin ito sa susunod na pahina!!!!

URS-IM-AA-CI-0155 Rev 00 Effective Date: August 24, 2020


Elemento ng Naratibo

1.Paksa- ito ay may kahagahan at kabuluhan.


2. Istraktura- ito ay may malinaw at lohikal na kabuuang kwento.
3. Oryentasyon- ito ay may kaligiran ng tauhan, tagpuan, oras at panahon.
4. Narasyon- ito ay isinasagawa upang kapanapanabik ang pagsasalaysay ng
kwento..
5. Komplikasyon o Tunggalian- ito ang batayan ng paggalaw o pagbabago sa
posisyon at disposisyon ng tauhan.
6. Resolusyon- ito ang kahahantungan ng komplikasyon na maaaring masaya o
hindi batay sa nagging kapalaran ng pangunahing tauhan.

Basahin natin ang isang


halinbawa ng Naratibo na
nasa kabilang pahina!

URS-IM-AA-CI-0155 Rev 00 Effective Date: August 24, 2020


Halimbawa ng Naratibo

“TEENAGER” NA NGA AKO


Ni Darren M. Tan

Sa ganitong edad
Masarap sa pakiramdam ‘yong….
‘yong my crush ka!
Minsan pumunta ako sa plasa
kasama ko ang aking mga barkada
Sa di inaasahang pagkakataon
Nakita ko siya!
Kaibigan din pala ng aking barkada
Ang “crush” ko.
Napakaespesyal ng gabing iyon.

Hindi ko inaasahan na
magkakakwentuhan kami
“Anything under the sun”
Ay napa-usapan namin.
Ang saya ng gabing iyon
Mula sa piit na tawa, lumakas pa
Na may kasamang hampas pa sa kanya
Sa isang iglap naging close kami
Pakiwari ko mataga ko na s’yang kilala
Natapos ang gabing iyon
sa paghahatiran ng barkada
Bago siya tumalikod sa akin
Tinanong niya ako,
URS-IM-AA-CI-0155 Rev 00
“Pwede bang makadalaw sa inyo?” Effective Date: August 24, 2020
Sumagot naman ako ng “oo”
Ang lakas ng kabog ng aking dibdib
Tila baga ako’y kinikilig!!

Dumalas ang kanyang pagdalaw


Hanggang sa siya ay nanligaw
Dahil sa marespeto sa pag-akyat ng bahay,
At pagtrato sa aking magulang
Paglaon ay sinagot ko na s’ya
Bumuo kami ng mga alaala.

Ngunit bahagi pala ng isang relasyon


ang magkatampuhan
Pag-aaway na tila’y walang hangganan
Hindi magpapansinan ng ilang araw
Pero sa bandang huli’y hindi matitiis
Ang mga pusong nag-iibigan

Nang minsang umupo kami


sa tabing- dagat
Nagtama ang aming paningin
Ang lapit na….ang lapit lapit na…!
Nakakakilig talaga!!
“TEENAGER” NA NGA AKO

URS-IM-AA-CI-0155 Rev 00 Effective Date: August 24, 2020


Ang mga Elemento ng Nabasang teksto ( “Teenager” Na Nga Ako)
1.Paksa – ang nadaramang pag-ibig ng pangunahing tauhan. Ang paghanga na
napunta sa pag-ibig. Napakahalaga at may kabuluhan ang paksa sapagkat tayo
bilang tao ay nabubuhay dahil sa pag-ibig. Bahagi na ito n gating buhay sa mundong
ibabaw.
2. Istraktura – ang pagkakaayos ay mula sa simulang pangyayari hanggang sa
huling pangyayari. Ito ang pangkaramiwang ginagamit ng mga awtor sa pagsulat ng
isang katha.
3. Oryentasyon- ang tauhan ay may katangian na tulad ng isang tao, hindi
komplikadong tagpuan,oras at panahon. Ang pangunahing tauhan ay humanga at
nagmahal sa kapwa niya teenager.
4. Komplikasyon o Tunggalian – hindi pagkakaunawaan ng mga pangunahing
tauhan. Walang perpektong relasyon. Lahat ay dumadaan sa pagsubok.
5. Resolusyon – naging masaya ang wakas ng kwento. Damang daman a masaya
ang kinahinatnan ng wakas. Sa hulihang bahagi na binanggit na “ nakakakilig
talaga”.

URS-IM-AA-CI-0155 Rev 00 Effective Date: August 24, 2020


Sagutin natin
Pangalan:__________________________________
Kurso/Pangkat:____________
Petsa:________________ Iskor:______________________
I. Panuto: Basahing mabuti ang hinihingi sa ibaba. Isulat ang Tamang

sagot.

___________ 1. dito dumadaloy at umiikot ang mga pangyayari sa kwento.


___________2.maingat na pinag-isipan at binubuo upang higit na makahihikayat ng
mambabasa.
___________3. nagsasalaysay ng mga serye ng mga naganap na maaaring piksyon
o kaya ay di piksyon.
___________4. ito ay may kaligiran ng tauhan, tagpuan, oras at panahon.
___________5. Uri ng punto de vista na tagapagsalaysay ang naglalahad sa mga
dapat isipin o sabihin ng tauhan.
___________6. Uri ng punto de vista na ang tagapagsalaysay ay tagamasid lamang
sa iniisip at sinasabi ng mga tauhan sa kanyang isinasalaysay.
___________7. elemento ng naratibo na batayan ng paggalaw o pagbabago sa
posisyon at disposisyon ng tauhan.
___________8. salitaan, ng tauhan sa isang naratibo na nabibigyan ng kakayahang
mag-isip at higit na nakikilala ng mambabasa.
___________9. ito ay may malinaw at lohikal na kabuuang kwento.
___________10. Ito ang pinakalayunin ng naratibo.

II. Panuto: Hanapin ang link na nasa ibaba. Basahin ang teksto at gawin
ang mga Elemento ng Naratibo. Isulat sa baba ang mga sagot.

https://www.slidehttp:alliahgaban.blogspot.com/2012/08/maikling-
kwento-naratibo.html

URS-IM-AA-CI-0155 Rev 00 Effective Date: August 24, 2020


URS-IM-AA-CI-0155 Rev 00 Effective Date: August 24, 2020
Gawin natin

Panuto: Maghanda sa pagkukwento. Lumikha ng grupo na may tatlong myembro.


Kumuha ng tigi-tigisang kopya ng pyesa mula sa propesor. Mamili lamang ng isa sa
tatlo ( Bakit Nga Ba Biglang Bumait si Nanay?, Lilipad na Ako at Pinatatag ng
Pagsubok.Upang magkaroon ng ideya sa pagkukuwento hanapin sa YOUTUBE
upang mapanood ito.Ivideo ang isasagawang pagkukuwento. Ipadala sa aking gmail
account ang resulta.(darren.tan@urs.edu.ph/ jerlynbino26@gmail.com) at pangalan
ng bumubuo ng pangkat.Tandaan ang mga kraytirya na makikita sa ibaba.

Kurso/Pangkat/ Kahandaan Kalidad ng Pagbig- Kasuotan Kabuuan Ranggo


Pangalan tinig kas
(memoryado (pagpabago
ang pyesa) -bago ng
boses)
30%

40% 20%
10% 100%

1.

2.

3.

4.

5.

6.

7.

8.

URS-IM-AA-CI-0155 Rev 00 Effective Date: August 24, 2020


TALASANGGUNIAN

https://www.google.com/search?q=talking+to+each+other&tbm=isch&ved=2ahUKEwiiusiZwNnqAh
VBbJQKHcCRB0wQ2-
cCegQIABAA&oq=talking+to+each+other&gs_lcp=CgNpbWcQAzIECCMQJzICCAAyAggAMgIIADICCAAy
AggAMgIIADICCAAyAggAMgYIABAFEB46BwgjEOoCECc6BQgAELEDOgcIABCxAxBDOgQIABBDOggIABC
xAxCDAVDu1nNYtbp0YMK7dGgBcAB4BIABqgKIAY8okgEHMC4xNS4xMJgBAKABAaoBC2d3cy13aXota
W1nsAEKwAEB&sclient=img&ei=V1UUX-
KyDcHY0QTAo57gBA&bih=657&biw=1366#imgrc=Zh1nSxe2iUKeoMhttps://www.google.com/search
?q=READING+BOOKS&tbm=isch&ved=2ahUKEwjThpmsx9nqAhWVIqYKHfvgAIwQ2-
cCegQIABAA&oq=READING+BOOKS&gs_lcp=CgNpbWcQAzIFCAAQsQMyAggAMgIIADICCAAyAggAMgI
IADICCAAyAggAMgIIADICCAA6BAgAEEM6BggAEAUQHjoHCCMQ6gIQJzoICAAQsQMQgwE6BwgAELED
EENQiqtzWKPWc2DC4XNoAXAAeASAAY8CiAHjF5IBBjAuMTYuMpgBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1nsA
EKwAEB&sclient=img&ei=1VwUX5PIFJXFmAX7wYPgCA&bih=657&biw=1366#imgrc=aZfXSm74DDrdH
M

URS-IM-AA-CI-0155 Rev 00 Effective Date: August 24, 2020


Modyul 5: Ekspositori

URS-IM-AA-CI-0155 Rev 00 Effective Date: August 24, 2020


I Paksa Ekspositori/Paglalahad
II Layunin
Makapagbigay ng impormasyon.
Madagdagan ang kaalaman ng tao tungkol sa mga bagay na nagaganap sa
kanyang kapaligiran.

III Panimula
Sa bahaging ito ng aralin tatalakayin ang ekspositori o paglalahad, bibigyan diin dito
kung paano magiging mahusay na paghahayag ng mga bagay na makapagbibigay bago at
dagdag kaalaman sa tagapakinig o mambabasa.

Sa anumang paraan ng ating ginagawang pakikipag-ugnayan sa kapwa nagkakaroon


tayo ng pakikipagtalastasan ito man ay pasulat o pasalita. Sa pakikinig sa isang talastasan
nagkakaroon ng masaganang interes ang mga tagapakinig kung ang naghahatid ay
mapamaraan sa pagbibigay ng panayam upang hindi maging kabagut-bagut sa mga
tagapakinig sapagkat ang pagbibigay ng pahayag o panayam ay maituturing na isang
Ekspositori o Paglalahad lalo na kapag ito ay may kinalaman sa isang particular na okasyon.
(Pagpapahayag, Retorika at Bigkasan ni Milagros Bagsit-Macaraeg, Rex Bookstore 1999).

IV Nilalaman (Pagtalakay)

Kahulugan ng Ekspositori

Ang Ekspositori/paglalahad ay nangangailangan ng masusing paghahanda upang


maipaliwanang nang maayos, tama at may paninindigan ang anumang impormasyong ating
ilalantad sa nakararami. Ang ekspositori ay isang pagbibigay ng kaalaman o kabatiran
maging kuro-kuro. Sa pamamagitan ng paglalantad o eksposisyon naibabahagi ang isang
ideya, damdamin, hangarin, paniniwala at kuro-kuro hinggil sa isang pangyayari, bagay,
lugar maging sa ating kapwa-tao.

Ang Ekspositori o paglalahad ay nagpapaliwanag ng maayos o pagtuturo upang lubos


na maintindihan ang isang bagay, ito rin ay nagbibigay linaw sa isang konsepto upang lubos
na maunawaan.

Sa isang eksposisyon o pagahahayag ito ay nagbubukas ng bagong kaalaman sa


kaisipan ng isang indibidwal upang magkaroon siya ng malayang pagdidisisyon hinggil sa
dapat pagpapasyahan. Ang epektibong paglalahad/eksposisyon nakasalalay sa mahusay na
pahayag ng isang tagapaghayag ng isang ekspositori.

Ang salitang ekspositori ay tumutukoy sa kabuuhang pagtukoy o katawagan sa


pangyayaring nagaganap na nagkakaroon ng pagbubunyag, paglalantad, o paglalahad.
Samantalang ang salitang eksposisyon ay tumutukoy sa pahayag na mismo kung saan naroon
ang kanyang saloobin, nilalaman ng kanyang mga ilalantad o ibubuyag at mga sasabihin.

Sa pagbibigay ng pahayag na ekspositori mahalaga ang kahandaan sa kaakibat na


pananagutan kasunod ng mga paghahayag.

URS-IM-AA-CI-0155 Rev 00 Effective Date: August 24, 2020


Kahalagan ng Paglalahad /Ekspositori

Nagiging daan sa pagkakaroon ng bago at/o karagdagang kaalaman ng tao kaugnay ng


mga bagay na nagaganap sa kanyang kapaligiran.
Kahingian ng Epektibong Eksposisyon

Pagkakaroon ng sapat na kaalaman ang isang tao kaugnay ng paksa.


Makabubo lamang ng isang mahusay na eksposisyon kung malawak at maituturing na may
kalaliman ang saklaw ng kaalaman ng isang tao sa isang paksa.

Pagkakaroon ng kakayahang ihanay ang kaisipan.


Ang mahusay na organisasyon ay daan sa pag-unawa ng eksposisyon.

Nararapat na obhetibo ang tagapagpahayag kaya’t kailangang taglay ang pagkakaroon


ng bukas na isipan upang tanggapin ang mga mahaha-lagang ideya kaugnay ng isang bagay
maging ito man ay taliwas sa sariling paniniwala.

Mahalagang nagbabasa ang isang tao upang laging nakakakalap ng mga


impormasyon.
Mainam na maging mapagmasid dahil bukod sa mga aklat, ang kapaligiran ay kapupulutan
ng mga impormasyon na mahalaga sa pang-araw-araw na pamumuhay.

Katangian ng Epektibong Ekspositori

Malinaw – maituturing na malinaw ang eksposisyon kung ito ay agad na mauunawaan


ng
mambabasa o tagapakinig.

Tiyak – nararapat na ang mismong tagapagpahayag ay magawang mapanindigan ang


kanyang pahayag.

Kaugnayan – hindi magkakaroon ng halaga ang nilalaman ng akda kung ito ay hindi
naihanay
sa maayos na pamamaraan.

Diin – kailangang hindi malunod sa mga ideya ang mambabasa o tagapakinig


ngunit
mahalaga ang mga karagdagang paliwanag upang mas maging epektibo ang
paglalahad.

1. http://mamsha.tripod.com/id36.html/, 2. https://www.facebook.com/notes/rene-
bendal/paglalahad-1/530208684022858/, . 3.
https://www.slideshare.net/JohnCarlCarcero/ekspositori-o-paglalahad,

URS-IM-AA-CI-0155 Rev 00 Effective Date: August 24, 2020


V Pagsasanay/Gawain (Indibidwal)
“Edukasyon: Pundasyon sa Kinabukasan”
ni Ricardo B. Cruz

Ang kinabukasan natin ay hindi nahihingi kaninuman, hindi


rin nabibili sa palengke, sa mall, maging sa mga tindahan,
hindi rin ito basta hinihintay na parang bisita, hindi rin ito
basta napapanaginipan na sa paggising mo ay nawawala rin
naman sa ulirat. Edukasyon ang pundasyon ng anumang
tagumpay na nagiging bunga nito ay ang magandang
kinabukasan. Masarap sa pakiramdam kapag ang bawat
bagay na nakakamit ay pinaghihirapan.

Sa mga kabataan natin ngayon, hindi natin maunawaan


kung bakit mas pinipili pa nila ang hindi mag-aral ng mabuti,
dahil ang akala nila habang buhay na kapiling ang mga
magulang na susuporta sa kanila. Ang hindi nila alam,
walang ibang makikinabang sa bawat pagsisikap ng kanilang
mga magulang kundi sila rin, sino ba ang gumagawa ng ating
kapalaran di ba tayo rin, ang Diyos ay nandiyan upang tayo
ay gabayan sa pamamagitan ng ating mga panalangin upang
makapagdesisyon tayo ng tama at huwag maligaw ng
landas.

Mahabang panahon ang kinakailangan para mabuo ang


bawat pangarap, maraming pagsubok na dapat malagpasan
nang maging matatag, maraming salita, payo at paalala ang
dapat maging baon sa bawat paglalakabay at
pakikipagsapalaran dahil sa bandang huli masusumpungan
din natin ang tamang kapalaran at matatag na
kinabukasang sa biyaya ng Diyos.

I. Panuto: Basahing mabuti ang artikulong sanaysay na

sinulat ni Prof. Ricardo B.

II. Panuto: Suriin ito at alamin kung taglay nito ang mga katangian ng isang
epektibong ekspositori, may kalinawan ba?, katiyakan,
magkakaugnay ba ang pangungusap, at higit sa lahat taglay ba nito
ang pagkakaroon ng pagbibigay halaga o diin sa nilalaman nito.

III. Panuto: Isulat ng patalata ang sagot na may katumbas na sampung (10)
puntos

Paghahati-hati ng sampung (10) puntos

Sa pangkalahatan 2 puntos

URS-IM-AA-CI-0155 Rev 00 Effective Date: August 24, 2020


Sa malinis na pagkakasulat
at pormat ng talata 3 puntos

Sa magandang pagkakahanay
ng mga ideya, orihinal at wastong
gamit ng mga salita at bantas 5 puntos
------------------
Kabuuhan 10 puntos

SAQ ASAQ
Ano ang Ekspositori Paglalahad na
nagpapaliwanag
Ano ang mga katangian ng May kalinawan, katiyakan,
isang ekspositori kaugnayan at diin

VI Abstraksyon/ Buod
Sa kabuuhan ang Ekspositori ay nagbigay ng pagkakataon sa magkabilang
panig sa nagbibigay ng eksposisyon at sa tagapakinig o bumabasa nito. Nagkakaroon
ng linaw at kasagutan ang mga agam-agam sa kanilang isipan na noon ay hindi pa
nabibigyan ng linaw at paliwanag.

Dahil sa pagbibigay ng ekspositori/paglalahad nagkaroon sila ng dagdag


bagong kaalaman na magagamit sa kanilang pagtindig, nagkaroon ng direksyon ang
kanilang kaisipan sa mga susunod nilang gagawin higit sa lahat nagkaroon sila ng
kahandaan.

VII Ebalwasyon/Pagsusulit
Unang Bahagi:
Panuto: Sagutin ang mga sumunod at isulat lamang titik.
1. Kung ang ekspositori ay sa paglalahad, ang eksposisyon
ay___________ (b)
a. Katarungan b. pahayag c. damdamin d. wala
2. Kalinawan ay nauunawaan, pagbibigay halaga ay_________ (d)
a. Kalinawan b. katiyakan c. kaugnayan d. diin
3. Paglalantad ay pagbubuyag, ang ekspositori ay may ________ (c)
a. Katanungan b. nagbibigay c. kahandaan d. alinlangan
4. Magkaugnay-pangungusap, katiyakan-___________ (c)
a. Kalinawan b.diin c. paksa d. tiyakin
5. May wastong pagpapaliwanag (b)
a. Katiyakan b. diin c. kalinawan d. kaugnayan

URS-IM-AA-CI-0155 Rev 00 Effective Date: August 24, 2020


Ikalawang Bahagi: Pag-iisa-isa/Enumerasyon
1- 5 Mga Uri ng Ekspositori
Sanaysay
Paglalahad ng Proseso
Suring-basa/Rebyu
Editoryal
Balita o Ulat
6 – 11 Pamamaraan ng Ekspositori
Pagbibigay/depenisyon,
Pag-iisa-isa/Enumerasyon
Pagsusunod-sunod/Order
Paghahambing/Pagkokontras
Problema at Solusyon
Sanhi at Bunga
12 – 15 Katangian ng Ekspositori
Kalinawan
Katiyakan
kaugnayan
diin
Mga Sanggunian:
Google Slideshare
Pagpapahayag, Retorika at Bigkasan ni Milagros Bagsit-Macaraeg, Rex Bookstore
1999
Rolando A. Bernales et al 2018
DALUMAT Olimpia Publishing House
http://mamsha.tripod.com/id36.html/,
https://www.facebook.com/notes/rene-bendal/paglalahad-1/530208684022858/, .
https://www.slideshare.net/JohnCarlCarcero/ekspositori-o-paglalahad
http://maestroaeious.blogspot.com/2015/05/paglalahad-ekspositori.html

URS-IM-AA-CI-0155 Rev 00 Effective Date: August 24, 2020


MEILYN GUEVARRA-JAVIER
Nagtapos ng kursong Batsilyer ng Elementarya at
Sekundarya ( BSESE ),Medyor sa Filipino, sa
Pamantasang Normal ng Pilipinas ( PNU ), Cum
Laude, at Master of Arts in Teaching Filipino sa
University of Rizal System.
Associate Professor I at dalawampung pitong taon
(27) nang nagtuturo sa University of Rizal System-
Morong Campus,sa Kolehiyo ng Edukasyon.

Nakadalo na sa mga Pandaigdigan at Pambamsang


Seminar-Workshop sa Wika at Panitikan; Regional
Press Conferences at naging Regional Trainer sa K to 12 ng Department of
Education sa Filipino noong 2013 at 2015.
Tagapayo ng Opisyal na Pahayagan ng Morong High School na “ The High
School Chronicle at Ang Tanglaw.” Sa kasalukuyan ay nagtuturo sa Grade 8, 9,
10 sa Paaralang Laboratoryo ng University of Rizal System-Morong

URS-IM-AA-CI-0155 Rev 00 Effective Date: August 24, 2020


I. PAKSA

DISKURSONG EKSPOSITORI

II. LAYUNIN

1. Naibibigay ang kahulugan ng diskursong ekspositori


2. Natutukoyang iba’t jbang uri ng diskursong ekspositori
3. Nauunawan ang kahingian at katangian ng magsusula at ng
diskurso mismo.

III. PANIMULA

Ang tao ay laging may mga katanungan na nais na mabigyan ng


mga kasagutan kung kaya’t madalas silang naghahanap ng paraan upang
masagot ang mga ito. Sa patuloy na pagsasaliksik ng tao ang mga
katanungang nabubuo sa kanilang isipan ay unti-unti ring nabibigyan ng
katugunan at sa pagpapaliwanag sa mga tao ang mga bagong kaalamang
ito ay napapakinabangan. Ito rin ay nagiging daan sa pagpapabuti ng
kanyang pagkatao at nagpapataas ng antas ng pamumuhay ng ibang tao.
Ang kasalukuyang antas ng pamumuhay ng tao ay bunga ng mga pag-
aaral na isinagawa ng mga tao noong unang panahon at sa pamamagitan
ng kanilang mga paliwanag, naging daan ito upang maisalin sa susunod
na hererasyon at patuloy itong pakinabangan ng mga susunod pang
salinglahi at mapaunlad rin ang antas ng kanilang buhay.

IV. NILALAMAN
KAHULUGAN

 Ang eksposisyon ay pagpapaliwanag. Ito ay anyo ng diskursong


nagpapahayag ng mga ideya, kaisipan at impormasyon na sakop ng
kanyang kalaman na inihanay sa isang maayos at malinaw na
pamamaraan upang maging daan sa pagkakaroon ng bago o dagdag
na kaalaman ng ibang tao

URS-IM-AA-CI-0155 Rev 00 Effective Date: August 24, 2020


MGA KATANGIAN NG EPEKTIBONG EKSPOSITORI

KAHINGIAN NG EPEKTIBONG EKSPOSISYON

URS-IM-AA-CI-0155 Rev 00 Effective Date: August 24, 2020


MGA PAMAMARAAN NG EKSPOSISYON

URS-IM-AA-CI-0155 Rev 00 Effective Date: August 24, 2020


URS-IM-AA-CI-0155 Rev 00 Effective Date: August 24, 2020
MGA URI NG EKSPOSISYON

URS-IM-AA-CI-0155 Rev 00 Effective Date: August 24, 2020


URS-IM-AA-CI-0155 Rev 00 Effective Date: August 24, 2020
V. PAGSASANAY

Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na teksto at suriin


ang pamamaraang ginamit.

URS-IM-AA-CI-0155 Rev 00 Effective Date: August 24, 2020


VI. ABSTRAKSYON

Sa araling ito, natutunan ng mga mag-aaral ang mga mahahalagang bagay na dapat
iisaalang-alang upang makapagpahayag ng higit na mabisa at epektibo. Na bukod sa mga
pamamaraan na ginagamit sa eksposisyon ang iba’t ibang uri rin nito ay mahalagang
saligan ng mga bagong kaalaman at impormasyon. Ang mga katanungang maaring
nasasaklaw ng isipan ng tao ay naipapaliwag o natatamo sa mga ekspositoring diskurso.
Ito ay nakakatulong sa pagbubukas ng bagong pintuaan ng karunungan upang mapabuti
at maitaas ang antas ng pamumuhay ng mga tao.

VII. EBALWASYON
Panuto:
Basahing mabuti ang tekstog, suriin ito, at sagutin ang mga kaugnay na tanong.

URS-IM-AA-CI-0155 Rev 00 Effective Date: August 24, 2020


1. Ano ang uri ng teksto?
2. Ano ang ipinaliliwanag sa teksto?
3. Ano ang paraan ang ginamit sa teksto?
4. Anong kaalaman o impormasyon ang natutunan mo sa tekstong binasa.
5. Ano ang katangian ng may –akda ang masasalamin sa binasang teksto?

VIII. MGA SANGGUNIAN

Https://www.slideshare,net/diocylannrequillo/ Filipino-batayang uri ng diskurso

Bernales, Rolando A. et al. 2009. Retorika: Sining ng Pagapahayag, Mutya Publishing


Inc. Malabon, City.

SAQ

Panuto:
Basahing mabuti ang tekstog, suriin ito, at sagutin ang mga kaugnay na tanong.

URS-IM-AA-CI-0155 Rev 00 Effective Date: August 24, 2020


URS-IM-AA-CI-0155 Rev 00 Effective Date: August 24, 2020
Modyul 6: Argumentibo

URS-IM-AA-CI-0155 Rev 00 Effective Date: August 24, 2020


Layunin
1. Maipapaliwanag ang kahulugan ng argumentatibo
2. Magkakaroon ng kaalaman sa pakikipagtatalo o debate
3. Makapagsasanay sa isang pagtatatalo ang bawat pangkat.

Kahulugan ng Argumentatibo
Ang tekstong argumentatibo ay isang uri ng teksto na ang pangunahing
layunin ay makapaglahad ng katuwiran. Sa tekstong ito, ang manunulat ay
kailangang maipagtanggol ang kaniyang posisyon sa paksa o isyung pinag-uusapan.
Kinakailangang may matibay na ebidensya ang manunulat upang mapatunayan ang
katotohanan ng kaniyang ipinaglalaban. Ang ilan sa mga ebidensya na pwede
niyang gamitin ay sariling karanasan, kasaysayan , kaugnay na mga literatura, at resulta ng
empirikal na pananaliksik

Sa pangangatwiran ay nararapat na maging malinaw at lohikal, kahit pa ang


layunin lamang nito ay magpahayag ng opinyon sa isang tiyak na isyu o usapin.
Ang pagsulat ng ganitong uri ng teksto ay nangangailangan ng masusi at
maingat na pagkalap ng mga datos o ebidensya. Kapag mayroon ng matibay na
ebidensya, ang manunulat ay obligado nang panindigan ang kaniyang panig, maari
na rin siyang magsimulang magsulat ng malaman at makabuluhang
pangangatwiran. Sa pamamagitan ng detalyadong pag-aaral sa paksa o isyu, mas
mauunawaan ng mananaliksik ang iba’t-ibang punto de bista na maaring matalakay
sa diskurso. Dahil may sapat na rin siyang kaalaman tungkol sa paksa, mas madali
na rin para sa kanya ang pumili ng posisyon o papanigan.
Ang tekstong argumentatibo ay kinakailangang maging detalyado, tumpak at
napapanahon ang impormasyon. Sa pagkakaroon ng matibay na ebidensya,
masisigurado ng manunulat ang katotohanan ng kaniyang sinulat na argumento.

Ang pakikipag-argumento o pakikipagtalo ay ang isang paraan ng paggigiit ng


katotohanan at paghihikayat na mapaniwala ang iyong tagapakinig o mambabasa na
kumilos batay sa inyong panig.

URS-IM-AA-CI-0155 Rev 00 Effective Date: August 24, 2020


Mga Komponent ng Epektibong Tekstong Argumentatibo

1. Tesis na Pahayag- Ito ay maituturing na isang pahayag na naglalagom ng


buong teksto.Ito ay naglalaman ng puntong nais ipaglaban ng
manunulat.Ito ay karaniwang inilalalgay sa unang bahagi ng teksto.
Nakatutulong ang tesis na pahayag di lamang sa mambabasa kundi
maging sa manunulat dahil nagsisislbi itong gabay upang matiyak na hindi
malillihis sa paglalahad ng mga kaisipan.

2. Suportang Detalye.Sa katawang bahagi ng teksto ay ilalahad ang mga


detalyeng susuporta sa ipinakilalang tesis na pahayag. Ito ay maaaring
mga lohikal na kaisipan o pangangatwiran,datos na empirika tulad ng mga
estadistika o maging mga argumentong nagmula sa ibang pag-aaral.

3. Dokumentasyon- Matibay na ebidensya ang panghahawakan ng isang


manunulat upang makaimpluwensya ng mambabasa.Sa bawat detalye
inilalagay sa isang tekstong argumentatibo,kailangang naitala sa
pamamagitan ng dokumentasyon,ang pinaghanguan nito upang
matulungan ang mambabasa na hanapin ito upang matiyak ang
katotohanan ng mga pahayag..Mahalagang maipakilalaang mga
pinaghanguan ng impormasyon upang maiwasan ang plagyarismo o
pangongopya sa gawa ng iba dahlia ang plagyarismo ay isang
napakalaking pagkakasala sa larangan ng akademya.

4. Kontra-argumento- Sa pagbibigay halaga sa isang paninindigan,


makatutulong sa pagpapatibay ng isang argumento ang pagpapahina ng
paniniwala o paninindigan ng iba.Mainam na kilalanin din ang argumento
ng kabilang panig at ilahad kung bakit hindi ito wasto o kung bakit hindi ito
wasto o kung bakit mas matibay at mas malakas ang iyong paninindigan.

5. Kongklusyon. Ang pagbibigay ng kongklusyon o mga kaisipang nabuo


mula sa mga naunang ipinahayag na detalye ay maging daan ng
manunulat upang wakasan ang argumentasyo at daan upang hikayatin
ang mambabasa na bumuo ng kanilang desisyon patungkol sa
ipinakilalang kaisipan.

Katangian at Nilalaman ng Mahusay na Tekstong Argumentatibo


1. Mahalaga at napapanahon ang paksa .

URS-IM-AA-CI-0155 Rev 00 Effective Date: August 24, 2020


Ang pagpili ng paksa sa tekstong argumentatibo ay napakahalaga dahil dito
iikot ang buong diskusyon. Kapag pumipili ng paksa, dapat isaalang-alang kung ito
ba ay napapanahon sa mga isyu o kaganapan sa lipunan.

2. Maikli ngunit malaman at malinaw na pagtukoy sa tesis sa unang talata ng teksto.


Sa unang talata, dapat ipaliwanag ng mabuti ng manunulat ang buong
konteksto ng paksa sa pamamagitan ng pagtatalakay nito sa pangkalahatan.
Makikita rin sa bahaging ito ang kahalagahan ng paksa at kung bakit kailangang
makialam ng mambabasa sa nasabing isyu.
3. Malinaw at lohikal na transisyon sa pagitan ng mga bahagi ng teksto .
Transisyon ang magpapatibay ng pundasyon ng isang teksto. Ito rin ang
nagbibigay ng koneksyon sa pagitan ng mga kaisipan sa bawat talata. Kung walang
lohikal na pagkakaayos ng kaisipan, maaring hindi makasunod ang mambabasa sa
argumento at hindi maging epektibo ang kabuuan ng teksto. Ang transisyon ay
nakakatulong din upang ibuod ang ediya ng naunang bahagi ng teksto at magbigay
ng introduksyon sa susunod na bahagi.
4. Maayos ang pagkakasunud-sunod ng mga talatang naglalaman ng mga
ebidensya ng argumento .
Ang nilalaman ng bawat talata ay dapat umiikot sa iisang pangkalahatang
ideya lamang. Ito ang magbibigay ng linaw at direksyon sa buong teksto. Upang
magkaroon ng kaayusan, kinakailangan ding isaalang-alang ang lohikal na
koneksyon sa bawat talata. Dagdag pa, ang pagkakaroon ng maikli ngunit malaman
na talata ay makakatulong upang mas maintindihan ng mambabasa ang teksto.
5. Matibay na ebidensya para sa argumento .
Ang tekstong argumentatibo ay kinakailangang maging detalyado, tumpak at
napapanahon ang impormasyon. Sa pagkakaroon ng matibay na ebidensya,
masisigurado ng manunulat ang katotohanan ng kaniyang sinulat na argumento.

Mga dapat Tandaan sa Pagbuo ng Tekstong Argumentatibo:


1. Pagsulat ng Panimula
Sikaping pukawin ang interes ng mambabasa sa iyong paksa. Maaaring
magbahagi ng isang nakakatawang karanasan, estadistika, balita, palabas sa
telebisyon, o pananaw ng isang mahalagang taong tumatalakay ng parehong paksa.
2. Pagsulat ng Katawan

URS-IM-AA-CI-0155 Rev 00 Effective Date: August 24, 2020


Bago isulat ang kabuuan ng iyong sanaysay o tekstong argumento,
mahalagang pagpasyahan muna ang iyong paninindigan o pananaw- kung sang-
ayon o hindi sa argumentong tinatalakay.
3. Pagsulat ng Konklusyon
Sa bahaging ito, ibinubuod ang mga opinyon ng awtor, lalo na ang mga
pinakamahalang puntos na nagpapatibay sa kaniyang paninindigan.
Kumpara sa ibang mga teksto, kailangan ang pag-iingat sa paggamit ng
mga salita sa tekstong argumentatibo. Kung kaya`t dapat isaalang-alang ang
tamang pagpili ng mga salita.

Dalawang Uri ng Argumentatibo


A. Argumentatibong Pabuod o Induktibo

Nagsisimula sa mga halimbawa o partikular na kaisipan o katotohan at


nagtatapos sa pangkalahatang simulain o katotohanan.
B. Argumentatibong Pasaklaw o Dedaktibo

Sinisimulan sa pamamagitan ng paglalahad ng pangkalahatan o masaklaw na


pangyayari o katotohanan at mula rito ay iisa isang ilalahad ang maliliit o mga
tiyak na pangyayari o katotohanan.

Debate o Pagtatalo
· Ang tagisan ng dalawang grupo ukol sa kanilang pananaw o opinion sa
isang paksa. Masasabi din natin na ito ay isang uri ng pahigitan sa bawat
kampo.Karamihan sa mga debate ay nagaganap sa pagitan ng mga pulitiko dahil
hindi sila nagkakasundo-sundo sa isang bagay.
· Naglalayong na makapanghikayat ng iba na paniwalaan ang sinasabi sa
pamamagitan ng pangangatuwiran. Maaari itong nakasulat o binibigkas.
· Ayon kay Arrogante ang pagtatalo ay isang sining gantihan ng katwiran o
makatuwid ng dalawa o higit pang magkasalungat na panig tungkol sa isang
kontrobersyal na paksa
· Ang pagtatalo ay binubuo ng pagbibigay matuwid ng dalawang
magkasalungat na panig tungkol sa isang pinagtatalunang paksa.
Mga Katangian ng Mahusay na Proposisyon

URS-IM-AA-CI-0155 Rev 00 Effective Date: August 24, 2020


1 .May dulot na kapakipakinabang at napapanahong paksa
2 .Kawili-wili sa mga nakikinig
3 .Pantay at walang kinikilingan
4. Malinaw at tiyak ang mga salitang napagkaloob sa proposisyon
5. Hindi pa ito nagpapasyahan
6 .May makakalap na datos tungkol sa paksa
7. Maaring patunayan ng ebidensya
8. Nagtataglay ng isang ideya sa isang argumento
Sa pagpapahayag ng proposisyon, isaalang-alang ang mga sumusunod:
1.Ibigay ang suliranin sa anyong kapasiyahan.
2.Ibigay ito sa payak at paturol na pangungusap na may isa lamang suliraning
patutunayan.
3.Ipahayag ito sa isang paraang walang salitang pag-aalinlanganan ang kahulugan.
4.Ipahayag ito sa paraang pasang-ayon

Kahalagahan ng Pagtatalo
1. Malinang ang kasanayan sa wasto at mabilis na pag- iisip
2. Malinang ang kasanayan sa wasto at mabilis na pagsasalita
3. Malinang ang kasanayan sa lohikal na pangangatwiran
4. Malinang ang kasanayan sa pag-uuri ng tama at maling pagmamatuwid
5 .Nagbibigyang kahalagahan ang magandang asal tulad ng paggalang,
pagtitimpi,o pagpipigil ng sarili
6. Magkakaroon ng pag-uunawa sa mga katwirang inilahad ng iba at pagtanggap
na nararapat nakapasyahan.
Paghahanda sa Pagtatalo
1. Pangangalap ng mga datos. Paghanap ng impormasyon at katibayan
2.Paggawa ng balangkas
· Panimula
· Katawan
· Wakas
3 .Pagpapatunay ng mga katuwiran. Pagpapahayag ng maayos, mabisa at
maingat

URS-IM-AA-CI-0155 Rev 00 Effective Date: August 24, 2020


Dapat tandaan sa pagtatalo
· 1. Kailangan magkaroon ng isang kapasyahan o oposisyon na nakasaad sa isang
positibong pahayag
· 2. Isalang-alang ang antas ng pang-uunawa ng mga nakikinig
· 3. Kailangan may katumbas na katibayan ang lahat ng katwiran at ito ay
nakahalad sa isang maayos na pagpapahayag.
· 4. Ilahad nang maayos at mahinahon ang mga mali sa katwiran at kalaban
· 5. Ipaliwanag ang mga kahinaan ng mga ebidensya o patunay na inilahad ng
kalaban
Dapat tandaan sa Pagtatanong
 Huwag hayaan magamit ng iyong kalaban ang oras ng iyong pagtatanung
 Ang tanong ay dapat nasasagot lamang sa OO o HINDI.
 Ibigay lamang ang sagot sa hinihingi ng tanong
 Ipaalam sa tagapamahala ng pagtatalo kung lumabag sa itinakdang
pamantayan ng pagtatanong ang isa sa kanila
 Ang mga tanung ay nauukol lamang sa paksang pinagkasunduan

Dapat Tandaan sa Talumpating Pagtuligsa (Rebuttal)


 Mahinahon at maliwanag nailahad ang mga kamalian sa katuwiran ng
kalaban
 Ipaalam ang kakulangan sa mga katibayan ng kalaban.
 Ipaliwanag ang kahinaan at kamalian ng mga argument ng kalaban
 Ipaalam sa kalaban na walang kaugnayang mga binanggit na katwiran sa
paksang pinagtatalunan.
 Ipaalam sa kalaban at mga tagapamahala kung may paglabag sa mga
alituntunin sa pagtuligsa
 Tapusin ang talumpati sa pamamagitan ng paglalagom sa mga inilahad na
katuwiran at katibayan

Mga Tagapagsalita o Speaker


· Beneficiallity – ang ibinibigay ng talumpati ng tagapagsalita ay kung anong
mga benipisyong makukuha sa proposisyong pinagtatalunan
· Practicability – ibinibigay ng talumpating tagapagsalita kung bakit possible ba
o praktikal na maisakatuparan ang hinihingi.
· Necessity – ang ibinibigay ng talumpating tagapagsalita ay hinihingi ng
sitwasyon bilang kailanagn at tunay na solusyon

Uri ng mga Pagtatalo


·A. Debateng Oregon-Oxford

URS-IM-AA-CI-0155 Rev 00 Effective Date: August 24, 2020


-madalas gamiting paraan ng pagtatalo
-binubuo ng dalawang koponan na may 2-3 kasapi
-may mga huradong susuri sa mga argument na may sapat na kaalaman sa
paksa

· B. Debateng Oregon
-Unang Tagapagsalita ng dalawang panig - maghaharap ng pagmamatwid ng
kani-kanilang panig
- Pangalawang Tagapagsalita - magtatanong upang maipakilala ang karupukan
ng mg matwid na panig ng katalo
-Pangatlong Tagapagsalita - maghaharap ng pagpapabulaan
Bago lalagumin ang mga matwid ng kani-kanilang panig

· C. Debateng Oxford ( Rufino Alejandro )


-Pagpapakilala ng bawat koponan ( Pagtukoy sa mga tuntunin )
- Paglalahad ng proposisyon
- Pagbibigay ng katuturan
- Paglilinaw sa mga isyu o buod ng pangangatwiran
- .Pagtatalo

Gawain l
1. Magsaliksik ng mahahalagang/napapanahong pangyayari o
kaganapan na kasalukuyang kinakaharap ng inyong komunidad.( Pag-
uusapan sa pamamagitan ng zoom /messager o facebook.)
2. Gumawa ng isang pagtatalo hinggil sa mga sumusunod na isyu. (gagamit ang
guro ng rubriks)
a. Handa ba ang pamahalaan na harapin ang problema ng COVID 19
Pandemic?
b. Sa larangan ng edukasyon,ano ang mas mainam gamitin sa pagtuturo sa
panahon ng pandemya:
-Internet
-Modyul

URS-IM-AA-CI-0155 Rev 00 Effective Date: August 24, 2020


-Face to face
c. Handa ba ang mga paaralan sa pagbubukas ng klase ngayong taon?

Pagsasanay l.
Isulat sa patlang ang tamang sagot sa mga sumusunod na tanong o pahayag.
___________1. isang uri ng teksto na ang pangunahing layunin ay makapaglahad
ng katuwiran.
___________2. Ito ay maituturing na isang pahayag na naglalagom ng buong
teksto.Iinilalagay ito sa unang bahagi ng teksto.
__________3. Matibay na ebidensya ang panghahawakan ng isang manunulat
upang makaimpluwensya ng mambabasa.
__________4. Sa bahaging ito, ibinubuod ang mga opinyon ng awtor, lalo na ang
mga pinakamahalang puntos na nagpapatibay sa kaniyang paninindigan
__________5. Ito ay ang tagisan ng dalawang grupo ukol sa kanilang pananaw o
opinion sa isang paksa.
__________6. Uri ng argumento na nagsisimula sa mga halimbawa o partikular na
kaisipan o katotohanan at nagtatapos sa pangkalahatang simulain o katotohanan.
__________7. Argumento na sinisimulan sa pamamagitan ng paglalahad ng
pangkalahatan o masaklaw na pangyayari o katotohanan at mula rito ay iisa isang
ilalahad ang maliliit o mga tiyak na pangyayari o katotohanan.
__________8. Siya ang nagsabi na ang pagtatalo ay isang sining gantihan ng
katwiran o makatuwid ng dalawa o higit pang magkasalungat na panig tungkol sa
isang kontrobersyal na paksa
__________9. Paraan ng pagtatalo na madalas gamitin.
__________10. Ito ang ibinibigay ng talumpati ng tagapagsalita ay kung anong mga
benipisyong makukuha sa proposisyong pinagtatalunan

Pagsasanay ll. Isulat sa patlang ang salitang TAMA kung ang pahayag ay
wasto at salitang MALI kung ang pahayag ay di-wasto.
____________1. Sa pangangatwiran, nararapat na maging malinaw at lohikal, kahit
pa ang layunin lamang nito ay magpahayag ng opinyon sa isang tiyak na isyu o
usapin.
____________2. Kapag mayroon ng matibay na ebidensya, ang manunulat ay
obligado nang panindigan ang kaniyang panig.
____________3. Sa pagkakaroon ng mahinang ebidensya, masisigurado ng
manunulat ang katotohanan ng kaniyang sinulat na argumento.

URS-IM-AA-CI-0155 Rev 00 Effective Date: August 24, 2020


___________4. . Sa pagsulat ng panimula maaaring magbahagi ng isang
nakakatawang karanasan, estadistika, balita, palabas sa telebisyon, o pananaw ng
isang mahalagang taong tumatalakay ng parehong paksa.
___________5. Ang proposiyon ay dapat na may kinikilingan.
___________6. Ang tanong sa pagtatalo ay dapat nasasagot ng kahit anong sagot
___________7. Practicability ang ibinibigay ng talumpating tagapagsalita ay hinihingi
ng sitwasyon bilang kailangan at tunay na solusyon.
___________8. Ang Debateng Oregon-Oxford angmadalas gamiting paraan ng
pagtatalo.
__________9. Mahalaga sa pagtatalo ang malinang ang kasanayan sa wasto at
mabilis na pagsasalita.
_________10. Ang Pangangalap ng mga datos ang unang hakbang sa paghahanda
sa pagtatalo

SANGGUNIAN
http://tl.answers.com/Q/Kahulugan_ng_pagtatalo
http://tl.answers.com/Q/Ano_ang_debate
Retorika: Ang sining ng Pagpapahayag Edisyong 2013 nina Bernales,etal. Malabon City:Mutya
Publishing House

Filipino 3: Ang Masining na Pagpapahayag edisyong 2013 nina Cantre,et al. Lorimar Publishing Inc.
Cubao Quezon,City

URS-IM-AA-CI-0155 Rev 00 Effective Date: August 24, 2020

You might also like