You are on page 1of 28

KOMUNIKASYON AT SITWASYONG

PANGWIKA

LAYUNIN:
1. Mailalarawan ang iba’t ibang gawain pangkomunikasyon ng mga Pilipino.
2. Magagamit ang wikang Filipino sa mga sitwasyong pangkomunikatibo.
3. Makapagpapahayag ng sariling kaisipan, damdamin at saloobin.

1
KOMUNIKASYONG AT SITWASYONG PANGWIKA

Sa araling ito:
◍ Lubos na pinahahalagahan ang paggamit ng wika sa konteksto at mga gawing
pangkomunikasyon ng mga Pilipino.
◍ Mahalagang malaman ang pinanggalingan ng menshahe gamit ang wika tungo sa epektibong
komunikason.

Upang makapagpahayag nang epektibo gamit ang wikang Filipino, kinakailangang pag-aralan at
matutuhan ng mga mag-aaral ang kulturang Pilipino (Mangahas, 2011).

Filipinolohiya
◍ Sistematikong pag-aaral ng Pilipinong kaisipan (psyche) , Pilipinong kultura at Pilipinong lipunan.

2
ANO ANG ETIMOLOHIKAL NA KAHULUGAN NG
KOMUNIKASYON?

Komunikasyon
◍ Hango sa salitang Latin na ”communicare”, na
nangangahulugang “magbahagi” o “magbigay.

◍ Pagpapalitan ng ideya o opinyon, paghatid at pagtanggap ng


mensahe sa pamamagitaan ng telepono, telegram, kompyuter,
radyo, telebisyon at iba pa.

3
IBANG KAHULUGAN NG KOMUNIKASYON

Berelson at Steiner (1964)


“Transmisyon ng mga impormasyon, ideya,
pag-uugali, o damdamin at kasanayan… sa
paggamit ng simbolo.”

Dale (1969)

“Ito ay pagbabahagi ng ideya at damdamin sa


estado ng pagkakaunawaan.”
Theodorson (1969)

“Transmisyon ng mga impormasyon, ideya,


paguugali, o damdamin mula sa isang tao o
pangkat ng mga tao patungo sa kaniyang
kapwa…karaniwang isinasagawa sa
pamamagitan ng mga simbolo.

4
MGA ELEMENTO NG KOMUNIKASYON

◍ Pinagmulan (encoder)
◍ Mensahe
◍ Tsanel
◍ Tagatanggap (decoder)
◍ Fidbak
◍ Ingay
◍ Sitwasyon o Konteksto
◍ Sistema

5
MGA ELEMENTO NG KOMUNIKASYON

1. Pinagmulan/encoder- ang bumubuo ng layunin at nagpapadala ng mensahe sa proseso ng komunikasyon


2. Mensahe - ang ipinadadalang salita at ideya: verbal at di verbal
3. Tsanel – daanan o daluyan ng mensahe
4. Tagatanggap/decoder – tumatanggap ng mensahe at nagbibigay ng interpretasyon sa mensahe
5. Tugon / Fidbak – pagbabalikan ng mensahe sa pagitan ng dalawang kalahok ng komunikasyon
6. Ingay – nagsisilbi itong sagabal sa proseso ng komunikasyon (pisikal, teknikal, pisyolohikal, kultural at
sikolohikal)
7. Sitwasyon o konteksto – mahalagang salik sa pagpapakahulugan ng mensahe
8. Sitema - tumutukoy sa relasyon o ugnayan na nalikha sa pamamagitan ng proseso ng komunikasyon

6
PROSESO NG KOMUNIKASYON

TUGON/FIDBAK

Pinagmulan Mensahe Tsanel Tagatanggap

TUGON/FIDBAK

7
SITWASYONG PANGWIKA

◍ Patuloy na umuunlad at nagbabago ang mundo, nagbabago rin


ang paggamit ng wika sa iba’t ibang sitwasyon

Sa komunikasyon maraming paraan upang ibahagi ang:


◍ Kaalaman
◍ Ideya
◍ Damdamin
◍ At iba pa gamit ang wika

8
SITWASYONG PANGWIKA SA TELEBISYON

◍ Filipino ang karaniwang ginagamit na wika bilang midyum sa


telebisyon sa bansa.
◍ Ang telebisyon ang pinakamakapangyarihang media sa
kasalukuyan dahil sa dami ng mamamayang nakaaabot nito.
(Dayag at Del Rosario, 2016)

9
SITWASYONG PANGWIKA SA TELEBISYON

Paggamit ng Filipino sa Telebisyon: Bilang Isang


Telebisyon Mapagkukunan ng Aral

◍ May malaki na impluwensya sa ◍ Ang paggamit ng wika sa TV ay


pakikipagkomunikasyon ng mga salik sa pagkatuto ng
tao ang paggamit ng medyum na nakararami sa pamamagitan ng
Filipino sa mga nangungunang panggagaya sa paraan ng
estasyon gaya ng GMA 7, pagsasalita mula sa mga
ABSCBN at TV5. napapanood sa telebisyon.

10
SITWASYONG PANGWIKA SA SOCIAL MEDIA AT
INTERNET

◍ Nangungunang wika na ginagamit sa social media at internet ay INGLES


◍ Social media account tulad ng “Facebook, Twitter, at Instagram”
◍ Ang “code switching” ay paggamit ng magkaibang wika sa loob ng isang pahayag. Madalas
nagaganap ito sa salitang pahayag. (Carpio at Castillo, et al., 2012)
◌ “Ang goal natin by twenty twenty five is two point five billion.”
◌ “Magshoshopping ako mamaya sa mall.”
◌ “I’ll make sundo to you later sa haus nyo ha, see ya.”
◍ Marami ng website ang mapagkukunan ng mga impormasyon o kaalamang nasusulat sa Filipino o
Tagalog, nanatiling Ingles pa rin ang pangunahing wika nito. Ang Pangunahing website at sa iba pang
impormasyong mababasa, maririnig at mapapanood sa internet ay nananatiling Ingles. (Dayag at Del
Rosario, 2016)

11
SITWASYONG PANGWIKA SA TEXT

◍ Ang text message o text ay pagpapadala ng mensahe o Short Messaging System (SMS)
gamit ang mobile/cellular phones na madalas gamitin sa pakikipagtalastasan sa
kasalukuyan.
◍ Isa ang Pilipinas sa mga bansa na nangunguna sa paggamit ng cellphone o pagpapadala
ng mensahe.
◍ Dahil ang gamit ng teknolohiya ay upang maipadali ang gawain ng tao
◌ Pagpapaikli ng salita para makatipid ng oras

12
SITWASYONG PANGWIKA SA TEXT

Halimbawa:
◍ “K” mula sa pinaikling “okay”
◍ “nandi2” o “d2” sa halip na ”nandito” o “dito”

LOL Laughing out loud BRB Be right back


SKL Share ko lang G na G Game na game
SML Share mo lang SLR Sorry late reply
OTW On the way MOMOL Make out make out lang
SYL See you later

13
SITWASYONG PANGWIKA SA TEXT

◍ Wika ay patuloy na nagbabago o dinamiko


◍ Maraming paraan o midyum ng komunikasyon ang maaaring gamitin upang ipadala
ang mensahe.

Naging malaking ambag na sa kulturang Pilipino ang pag-usbong at pag-unlad ng


mass media (Labrador, 2018)
◍ Cellphone
◍ Social networking sites
◍ Iba pang uri ng elektronikong kagamitan

14
KATEGORYA NG KOMUNIKASYON

Mga kategorya sa Komunikasyon na hinati:


◍ Sa dami ng nagsasalita
◍ Nakikinig
◍ Sangkot na sangkap sa komunikasyon
◌ Tsanel
◌ Midyum
◌ Iba pa

15
KATEGORYA NG KOMUNIKASYON

1. Intrapersonal na Komunikasyon
2. Interpersonal na Komunikasyon
2.1 Dayadiko
2.2 Pangkatan
2.3 Pampubliko
3. Komunikasyong Pangmadla o Mass Communication

16
INTRAPERSONAL NA KOMUNIKASYON

◍ Komunikasyong nagaganap sa sarili


lamang
◍ Personal na pagmuni-muni, pagsasaulo ng
mga ideya, pagsusulat para sa sarili

17
INTERPERSONAL NA KOMUNIKASYON

◍ Nagaganap sa pagitan ng higit sa isa na maaaring kinasasangkutan ng


nagsasalita at nakikinig o nagbabasa at nagsusulat.

18
INTERPERSONAL NA KOMUNIKASYON

1. Dayadikong komunikasyon
◍ Komunikasyong nagaganap sa dalawang tao lamang
◍ Hal: Pakikipagusap sa telepono, counseling

19
INTERPERSONAL NA KOMUNIKASYON

2. Pangkatang Komunikasyon
◍ Higit sa dalawang tao na sangkot sa komunikasyon
◍ Hal: Inuman, pagpupulong

20
INTERPERSONAL NA KOMUNIKASYON

3. Pampublikong Komunikasyon
◍ Mas marami ang bilang ng nakikinig kumpara sa nagsasalita
◍ Hal: Misa, pagtuturo, talumpati gaya ng SONA

21
Komunikasyong Pangmadla o Mass
Communication
Kategorya ng komunikasyon na ginagamitan ng midya. Kabilang sa
mga midyang ginagamit sa ganitong uri ng komunikasyon, ang radio,
telebisyon, dyaryo o pahayagan at social media.

22
Tukuyin ang mga sumusunod na larawan.

23
24
25
26
27
Pasar lagi ka anachem salig langJ

28

You might also like