You are on page 1of 5

Aralin 5: Barayti at Register ng

Wikang Pasalita at Pasulat

1. Naiisa-isa ang mga barayti at register ng wikang pasalita at pasulat.


2. Nakapagbibigay-kahulugan ng mga salita batay sa tiyak na larangan.
3.Nakapagbabahagi ng sariling opinyon hinggil sa kahalagahan ng
pagkakaroon ng register ng wika sa iba’t ibang larangan o disiplina.

Itinakdang oras: Dalawang (2) oras

Itinakdang oras: Dalawang (2) oras

11
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino


ISAGAWA

PAMAGAT: Paglilista ng mga Salita ng Tiyak na Disiplina


ORAS: 15 minuto
MATERYALES: worksheet at panulat

Panuto: Pumili ng isang disiplina o larangan at maglista ng sampung (10) na rejister ng salita na ginagamit
sa napiling disiplina.

DISIPLINA:

1. 6.

2. 7.

3. 8.

4. 9.

5. 10.

MAIKLING PAGTATALAKAY

Ayon kay Rousseau (1950), ang pagkakaiba-iba sa kultura at wika ay nagbubunga sa bawat panahon, at
pag-uugali at kaasalan, na may kaugnayan sa di pagkapantay-pantay ng mga wika, sangkot, ang tagapagsalita,
kultura at sibilisasyon.

Ayon kay Dr. Pamela Constantino (2002), isang pangunahing katangian ng wikang Filipino ang pagbubuo
at pagkakaroon ng kamalayan sa mga barayti ng wika.

Ang barayti ng wika ayon kay Hudson (1996 sa Wardhaugh, 2006) ay isang set ng mga linggwistik aytem
na may pagkakatulad na pamamahagi o distribusyon.

Batay kay Alfonso (2002), ang barayti ng wika ay isang maliit na grupo ng pormal o makabuluhang
katangian na nauugnay sa partikular na uri ng katangiang sosyo-sitwasyon na nakabatay sa teoryang
sosyolingwistik na siyang nagbibigay daan sa pagkakaroon ng baryasyon ng isang wika.

1
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino


Hinati ni Catford (1934) ang barayti ng wika sa dalawang malaking uri. Una, ang permanente para sa
tagapagsalita (performer) at ikalawa, ang humigit kumulang ay pansamantala dahil nagbabago kung may
pagbabago sa sitwasyon ng pahayag.

Samantalang ginagamit ang register o rehistro sa pagtukoy sa mga barayti ng wika ayon sa gumagamit.
(Halliday, Mcintosh, at Stevents, 1994). Bawat pagsasalita o pagsulat ng isang tao ay isang pag-uugnay ng
kaniyang sarili sa ibang tao sa lipunang kaniyang kinasasangkutan.

Ang DAYALEKTO ng isang tao ay nagpapakilala kung sino siya. Ito ang wikang nalilikha ng dimensyong
heograpiko. Ito ang ginagamit sa isang lalawigan o pook.

Batay kay Halliday (1998, sa Lewandowski, 2010) may mga salik na nagpapakilala sa isang dayalek:

a. Isang barayti na naaayon sa ispiker o gumagamit ng wika.


b. Ang dayalek ay wikang ginagamit ng isang ispiker na nabuo kung saan siyang lugar nagmula.
c. Ito ay mga paraan ng pagsabi ng iisang mensahe na maaaring dulot ng ponetika o mga tunog
na nalilikha ng tao.
Samantalang ang register ay nagpapakita kung ano ang kaniyang ginagawa. Tinatawag na Jargon ang
tanging bokabularyo bg isang partikular na pangkat ng gawain o larangan.

Halimbawa:

Mga Legal jargon ng mga Abogado

Court, pleading, hearing, appeal, at iba pa.

Sa hanay naman ng mga IT Specialist

Bytes, software, modem, mother board, at iba pa.

Ang mga guro o konektado sa edukasyon ay maipakikilala ng sumusunod:

Lesson plan, test, assessment, curriculum, textbook, grade, performance task.

Ang mga doctor, nars o may kinalaman sa medisina:

Symptom, x-ray, check-up, diagnosis, therapy

IDYOLEK

Tumutukoy naman ito sa nakasanayang pagsasalita ng tao o maaari ring grupo ng mga tao. Paraan ng
paggamit ng wika ng indibidwal. Palasak ngayon sa kabataan o maging ilang matatanda ang paggamit ng SIYA sa

2
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino


pagsasalita. Pakatandaan na ang SIYA ay panghalip panao, subalit madalas itong ginagamit sa mga bagay tuwing
nakikipag-usap (Acopra, J. et al., 2018).

Pansinin ang halimbawa: (Sitwasyon sa kantina. Umorder ng pagkain ang dalawang magkaibigan.)

Tol, na-try mon a ba siya?

Malinamnam siya! Minsan tikman mo rin nang malaman mo.

TATLONG DIMENSYON NG REGISTER/REHISTRO NG WIKA

Nagkakaroon ng pagbabago ang wika sa taong nagsasalita o gumagamit ng wika. Kung sino ang kausap
(Tenor of Discourse), anong paksa ang pinag-uusapan (Field of Discourse) at paraan o paano ang pag-uusap
(Mode of Discourse).

Field

Nauukol ito sa layunin at paksain ayon sa larangang sangkot ng komunikasyon. Ang mga salita ay batay sa
larangan na tinatalakay o pinag-uusapan.

Halimbawa: Panitikan

Tula, nobela, maikling kuwento, awit, aklat, kasaysayan

Tenor

Nagbabago ang wikang ginagamit depende sa kausap. Nagkakaroon ng pagbabago kung ama sa anak,
magkaibigan, magkasintahan, employer at empleyado.

Mode

Ito ay umaayon sa paraang pasalita o pasulat. Sa usapang pasulat mas pormal ang salitang ginagamit,
pinipili at sumusunod sa mekaniks ng pagsulat. Samantalang sa pagsasalita maaaring nangangatwiran, may
pagkamagalang, nagliligawan at iba pa.

Panlahat na Katotohanan (100%)

Ang isang salita ay maaaring magkaroon ng iba’t ibang kahulugan batay sa iba’t ibang field o larangan.

3
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino


Pansinin ang halimbawa:

Bigyang kahulugan ang mga salita batay sa tiyak na larangan.

CS

MEDISINA Cesarean Section


TEKNOLOHIYA Copyuter Sayans

KAPITAL

Business Puhunan
Heograpiya Pangunahing bayan ng isang bansa

RACE

Palakasan Karera
Sosyolohiya Lahi

ILUSTRASYON

Edukasyon Pagpapaliwanag
Engineering Magdrawing

You might also like