You are on page 1of 4

Aralin 8: Berbal at Di-berbal na

Komunikasyon
Aralin 8: Berbal at Di-Berbal na
Komunikasyon
1. Nakapagbibigay-paghahambing ng komunikasyong berbal at di-berbal
2. Nakapagbibigay ng mga tiyak na sitwasyon sa bawat abstrak na anyo
ng komunikasyon.
3. Nakapagpapaliwanag
1. Nakapaghahambing ng atkahalagahan
ng berbal ng komunikasyon sa
di-berbal na komunikasyon
kasalukuyang pangyayari
2. Naiisa-isa ang mgangabstrak
ating lipunan.
na anyo ng komunikasyon.
4. Nakapagpapaliwanag ngsa ginagampanang
3. Nakapagbibigay-halaga ginagampanang papelpapel ng
ng di-berbal
di-berbal na
sa
komunikasyon sa pakikipagtalastasan.
pakikipagtalastasan.
5.
4. Nakabubuo ng interpretasyon
Nakapagbibigay halimbawa ngsamga pamamagitan ng sayaw
sitwasyon na angng
kakikitaan awiting
mga
Leron-Leron Sinta.
abstrak na anyo ng komunikasyon.

11
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino


ISAGAWA

PAMAGAT: Larong Charades


ORAS: 15 minuto
MATERYALES: worksheet at panulat

Panuto: Hahatiin sa dalawang pangkat ang buong klase. Pipili ang bawat pangkat ng isang representante na
siyang magpapahula ng mga salitang nakaatas sa kanilang pangkat. Paramihan ng mahuhulaang salita ang bawat
pangkat sa loob ng dalawang (2) minuto.

Mga salita na huhulaan: haplos, mata, galaw ng katawan, distansya, oras, simbolo, mukha, kulay, pang-amoy,
bagay, pampubliko, machine, komunikasyon

MAIKLING PAGTATALAKAY

Ang komunikasyon ay isang likas na kakayahan at kasanayan ng tao, ito ay itinuturing na isang sining. Ang
pagpapahusay nito ay nakasalalay sa kakayahan ng indibidwal na makapagproseso ng mga kaalaman batay sa
limang makrong kasanayang pangwika, ang pakikinig, pagsasalita, pagbasa, pagsulat at panonood. Ang panggamit
ng mga makrong kasanayang ito ay makakatulong sa iba’t ibang diskurso para sa isang matagumpay na
pakikipagkomunikasyon. May mga prinsipyong dapat na isinsaalang-alang sa komunikasyon.

Prinsipyo ng Komunikasyon

1. Kilalanin kung sino ang nakikinig o kakausapin.


2. Alamin ang layunin ng pakikipagkomunikasyon.
3. Alamin ang magiging paksa ng patalakay.
4. Paghandaan na maaaring hindi tanggapin ang ideya ng pagtalakay sa paksa.
5. Talakayin nang komprehensibo ang paksa.
6. Sikaping maipakita ang kredibilidad sa makikinig o kakausapin.
7. Magkaroon ng interaskyon sa mga kausap at magbigay ng pidbak sa mga ibinahagi nila.
8. Ipahayag ang mga impormasyon nang ayon sa iba’t ibang paraan.
9. Linangin sa paraang praktikal at makatotohanan ang ibibigay na pidbak.
10. Gumamit ng maraming teknik sa pakikipagkomunikasyon.

Kaugnay nito, ang komunikasyon ay may dalawang anyo o uring nagpapakilala para maipahayag ang
mensahe ng isang tao.

1
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino


1. Komunikasyong Berbal – isang pormal na sumasailalim sa estruktura ng wika’t mga tuntunin


nito upang maipahayag ang mensahe sa anyong pasulat o pasalita. Ito ay ginagamitan ng wika.
Karaniwang gamitin ang ganitong uri ng pakikipagkomunikasyon sa lipunan.

Katangian ng Komunikasyong Berbal

a. Ang proseso ng komunikasyon ay tuloy-tuloy, nagaganap, at dinamiko.


b. Nagaganap ito sa sarili.
c. Hindi nabubura at hindi naglalaho.
d. May komunikasyong resiprokal.
e. Ang mga nasabi na ay hindi na nauulit o nabubura.
f. Transaksyunal
2. Komunikasyong Di-Berbal – Ito ay uri ng komunikasyong naghahatid at tumatanggap ng
mga mensaheng walang tinataglay na salita. Ibig sabihin ay hindi sangkot ang wika at lahat
ng kaparaan nakapaghahatid ng mensahe ay sinasakop nito mula sa ekspresyon ng mukha,
kumpas o gestures at ang kapaligiran.

Ang uri ng komunikasyong ito ay napakahalaga sapagkat naglalantad ito ng emosyunal ng isang tao. Ang
pagpapadala ng mensahe lalo na’t hindi naiintindihan ng kausap ay masusi nitong nalilinaw at pagpapanatili ng
interaksyon ay patuloy na pinag-uugnay mula sa tagapagpadala at tagatanggap ng mensahe.

Hindi maitatatwa na ang komunikasyon ay hindi lamang nakabatay sa uri bagkus katulong nito ang pagkilala sa
wika upang makita ang kahalagahan ng konseptong kinasasangkutan nito sa bawat tao.

1. Intrapersonal – ang komunikasyong nagaganap tuwing kakausapin ng isang tao ang kanyang
sarili. Nagaganap ito tuwing ang isang tao ay nagkakaroon ng isang masusing desisyon mula
mula sa mga bagay-bagay na dapat bigyan niya ng tuon.
2. Interpersonal – sa antas na ito nagaganap ang usapan dalawang tao o higit pa. Madalas itong
nagagawa sa usapan ng mga magkakaibigan, klasrum, at masinsinang usapan.
3. Pampubliko – Ito ay madalas na isinasagawa sa harap ng maraming tagapakinig tulad sa
kongreso, sermon ng pari at sa mga pagpupulong o mga seminar.
4. Pangmasa – dito nagaganap ang paggamit ng midyum na pangmasa tulad ng radio, tv, internet
na sangkot ang lipunan.
5. Pang-organisayon – Itoay nakatuon sa mga orgnisayong may sariling adhikain na maaring
makatulong sa kanilang sarili at pang-komunidad.
6. Pangkultura – Ito ay nagpapakilala ng isang kultura, lahi o bansa. Binibigyan dito ang mga
tradisyong dapat na linangin at pangalagaan sa pamamagitanng pagtatanghal at paggamit ng sariling wika.
7. Pangkaunlaran – Ito ay may layuning mapabilis ang pagsulong at pag-unlad ng bansa.
Kadalasan itong nakikita sa mga programa ng pamahalaan at mga ahensya ng gobyerno.
8. Machine Assisted na komunikasyon – Ito ay ang paraan ng paggamit ng anumang uri ng
teknolohiya tungo sa mabisang interaksyon sa kanyang kapwa. Dahil bahagi na ang teknolohiya sa ngayon ng
tao kung kaya’t nagiging daan na ito upang mapadali agng transakyon o anumang gawaing may kinalaman dito.

ABSTRAK NA ANYO NG KOMUNIKASYON

1. Mata – ang ating mata ang sinasabing bintana ng ating kaluluwa at pagkatao. Gamit ang mata
ay mahusay at mabisa tayong nakapaglalahad ng ating emosyon.
2
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino


2. Haplos – ito ay tumutukoy sa pagpapadama gamit ang paghaplos sa taong kinakausap.


Kadalasan itong nakikita sa mga ina o kaya sa mga taong nakikibahagi ng kanilang
nararamdaman o kaya ay nagbibigay pag-asa.
3. Galaw ng katawan – bahagi na sa pamumuhay ng tao ang paggamit ng ating katawan at hindi
niya alintana na nakapalalahad siya ng mensahe sa kanyang kapwa sa papamagitan ng kanyang
paggamit nito.
4. Bagay – Minsan upang higit na maunawaan ng ating kausap kung ano ang mensaheng nais
nating ipaabot sa kanya ay gumagamit tayo ng mga bagay na makakatulong upang malinaw na
mailahad ang kanyang mensahe.
5. Pang-amoy – gamit ang ating ilong, ito ang siyang nagsisilbing tagapag-ugnay sa atin upang
malaman natin kung anong uri ng pgkain ang ating nalalanghap.
6. Kulay – bawat kulay ay nagtataglay ng anyong pagpapakahulugan ito rin ang siyang nagsasabi
ng uri ng iyong pamumuhay. Hindi nga ba’t sa mga sinaunang panahon ang kulay ng violet ay
kulay ng mga mahaharlika.
7. Mukha – ito ay tinatawag sa ingles na facial expression kung saan ang bawat paggalaw ng
ating mukha ay nakakalikha ng iba’t ibang kompleks na kahulugan. Matatandaan na ang sikat
na si Maine Mendoza ay tinaguriang dubsmash queen dahil na rin sap ag-iiba-iba ng kanyang
mukha.
8. Simbolo – Saan man tayo mapadpad ay may mga natatanging simbolo tayong nakikita na
siyang nagiging palatandaan natin sa isang lugar.
9. Oras – May kasabihan sa Ingles na “Time is gold” kung kaya’t bawat minute ay napakahalaga
sa buhay ng tao. Ito ang nagsisilbing hudyat ng ating mga gawain at siyang nagpapatakbo sa
buhay ng tao. Mapapansin natin na magkaiba ang takbo ng buhay ng mga taong nasa probinsya
kaysa sa lungsod. Sa probinsya parang ang tagal ng oras samantalang sa lungsod ay napakabilis
ng oras.
10. Distansya – maaari nating malaman ang relasyon ng dalawang tao batay sa agwat ng kanilang
pag-uusap.

You might also like