You are on page 1of 15

MODULE 4

ANYO, KONTEKSTO,
KONSIDERASYON AT
ETIKA NG
KOMUNIKASYON
II. Deskripsiyon:

❖ Ang KOMFIL ay isang praktikal na kursong nagpapalawak at nagpapalalim sa


kontekstwalisadong komunikasyon sa wikang Filipino ng mga mamamayang
Pilipino sa kani-kanilang mga komunidad sa partikular, at sa buong lipunang
Pilipino sa pangkalahatan. Nakatuon ang kursong ito sa makrokasanayang
pakikinig at pagsasalita, gayundin sa kasanayan sa paggamit ng iba’t ibang
tradisyonal at modernong midya na makabuluhan sa kontekstong Pilipino sa
iba’t ibang antas at larangan.
❖ Sa bahaging ito ng pagtalakay pahapyaw lamang na matatalakay ang
komunikasyong Berbal sapagkat higit itong mapagtutuunan ng pansin sa pag-
aaral ng makrong kasanayan.

III. Pagkatapos ng kursong ito, ang mag-aaral ay inaasahang:

1. Mailalarawan ang gamit ng komunikasyong berbal at di-berbal sa iba’t-iba at


multikultural na konteksto
2. Maipaliliwanag ang mga konsiderasyon sa epektibong komunikasyon at ang
Etika ng Komunikasyon.
3. Maipaliliwana kung paano nakaapekto sa komunikasyon ang mga usaping
Kultural at aPndaigdig.

IV. Nilalaman:

Tunghayan mo ang lawak ng nilalaman ng modyul na ito.


Aralin 1. Anyo ng komunikasyon: Berbal at di-berbal
• Nagtataglay ng kahulugan ng komunikasyon at anyo ng komunikasyon.
Aralin 2. Mga konsiderasyon sa mabisang komunikasyon
• Nagpapaliwanag ng kahulugan ng mga akronim at konsiderasyon upang matiyak
na mabisa ang komunikasyon.
Aralin 3. Konteksto at Etika ng komunikasyon

• Naglalaman ng kaalaman at detalyadong paglalahad tungkol sa ib’t-ibang


konteksto ng komunikasyon.

V. Panimulang Pagsusulit

Ano ang lawak ng iyong kabatiran hinggil sa ating asignatura? Sagutin mo ang
panimulang pagsusulit sa ibaba upang mataya ang iyong kaalaman. Sundin ang mga tiyak na
panuto

1. Ano ang kahulugan ng komunikasyon?


2. Ano ang dalawang anyo ng komunikasyon?
3. Magbigay ng pahayag hinggil sa kaibahan ng dalawang anyo ng komunikasyon.

4-8 Naririto ang ilang layuning matatagpuan sa hanay ng mga ekspektasyong nasa lum.
Kilalanin at isulat ang makrong kasanayan ng bawat isa.

5. Napag-uugnay-ugnay ang makabuluhang impormasyon sa pagsulat ng talata


6. Nakagagamit ng mga angkop na pananalita sa panghihikayat
7. Napipili ang mga salita sa pangungusap na nagbibigay-pahiwatig sa kahulugan ng
mahirap na salita
8. Natutukoy ang pangunahing punto at mahahalagang detalye sa narinig na balita
9-15 Isulat ang iba’t-ibang Konteksto ng komunikasyon.
VI. Aralin 1. Anyo ng komunikasyon: Berbal at Di-berbal
Layunin: Sa araling ito, matututuhan mo ang kahulugan ng komunikasyon,ibat-
ibang depinisyon ng komunikasyon,uri ng komunikasyon,interaktibong modelo ng
komunikasyon, kahalagahan,kaibahan at uri o simbolo ng dalawang anyo ng komunikasyon.

Basahin:

1. Ano nga ba ang komunikasyon?


• Ang komunikasyon ay hindi natin maiiwasan. Pangunahin ito sa pangangailangan
ng tao habang siya ay nabubuhay. Nagaganap ang anumang transaksiyon dahil sa
komunikasyon, babagsak ang alinmang sector ng lipunan kung walang
komunikasyon.
• Ang komunikasyon ay lumilinang ng isang mabuting pagkatao at pakikipagkapwa.
Nagkakaunawaan at nagkakaroon ng isang mapayapa, matatag na bansa at
lipunan nang dahil sa komunikasyon.
• Ang komunikasyon ay isang proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mga
mensahe sa pamamagitan ng simbolo.
• Ang komunikasyon ay maaaring gawin sa anyong berbal at di-berbal o maaaring
kumbinasyon ng dalawa.
• Berbal – ito ay komunikasyon gumagamit ng wika na maaaring pasalita o pasulat.
• Pasulat kung ito ay nababasa
• Pasalita kung binibigkas o naririnig.
2. Isa-isahin natin ang bawat kahulugang ibinigay ng mga dalubwika sa komunikasyon
upang mabigyang -linaw ang halaga nito.
❖ Webster- ayon sa kaniya ang komunikasyon ay pagpapahayag o paghahatid ng
mensahe sa pasalita o pasulat na paraan.
❖ Greene at Petty- mula sa kanilang aklat na Developing Language Skills, ang
komunikasyon ay isang konsyus na paggamit sa anumang uri ng simbolong tunog o
anumang uri ng simbolo upang makapagpadal ng katotohanan, ideya,damdamin o
emosyon mula sa isang indibidwal tungo sa iba.
❖ Communir- salitang mula sa Latin, nangangahulugan para sa lahat.
3. Uri ng komunikasyon:
▪ Komunikasyong Intrapersonal- Ito ay komunikasyong pansarili. Ito ay
tumutukoy sa proseso ng komunikasyong nagaganap sa sariling katuunan. Ito
ang pinakabatayan ng komunikasyon.
Halimbawa: pag-aalala,pagdama at pag-iisip.
▪ Komunikasyong Interpersonal – Ito ay tumutukoy sa komunikasyong
nagaganap sa pagitan ng dalawang katao o maliit na pangkat.
▪ Komunikasyong pampubliko- Ito ay komunikasyong nagaganap sa pagitan ng
isang tao at malaking pangkat ng tao. Napasailalim din sa uring ito ang mga
midyang pangmasa tulad ng pelikula,radio, telebisyon at mga peryodiko.
4. Pag-aralan: Interaktibong Modelo ng Komunikasyon
TSANEL MENSAHE

KAPALIGIRAN

PINANGGALINGAN TAGATANGGAP

Taga-enkowd Taga-enkowd

Sagabal Sagabal

FIDBAK TSANEL

Figure 1

LAWAK NG KARANASAN
SIGNAL LAWAK NG KAALAMAN

pinagmulan
Pinagmulan
pinadalhan
Pinadalhan

Figure 2
5. Pansinin kung paanong nagkakaroon ng komunikasyon sa pamamagitan ng di-
berbal na paraan.

Figure 3

6. Iba’t-ibang anyo ng di-berbal na komunikasyon:


➢ Chronemics (oras)
➢ Espasyo (Proxemics)
➢ Katawan (Kinesics)
➢ Pandama (Pandama)
➢ Simbulo (Ironics)
➢ Kulay (Colorics)
➢ Paralanguage (pagbigkas sa isang salita)
➢ Oculestics (paggamit ng mata)
➢ Objectics (paggamit ng mga bagay)
➢ Olfactorics (pang-amoy)
➢ Pictics (ekspresyon ng mukha)
➢ Vocalics (paggamit ng tunog)
7. Tuklasin:

Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa pagganap Mga kasanayan sa pagkatuto


1.Magsimula sa pakikipag- 1. Bigyan pansin sa mga 1. Ibigay ang pagsasanay
usap sa mga estudyante sa mag-aaral ang video ng at pre-test.
binuong group gamit ang aralin.
teknolohiya. (Kontekstwalisadong 2. Bigyan ng panahon ang
komunikasyon sa Filipino mga mag-aaral na
2. Magkakaroon ng ni: Roland Dalisay Maran) matapos ang Gawain sa
kapaliwanagan at talakayan itinakdang araw at oras.
ukol sa aralin. 2. Tingnan ang bawat
figure at larawan para sa 3.Maging handa para sa
3.Simulan ang pagbasa ng kapaliwanagan ng aralin. mga katanungan ng mag-
kahulugan at iba pang aaral.
dapat alamin sa aralin. 3.Itanong sa mga mag-
aaral ang kahalagahan ng
4. Magpanood ng video na komunikasyon sa
tumatalakay sa aralin. kanilang pang-araw-araw
na buhay.

8. Tandaan:

“Ang wika ay kailangan ng berbal na komunikasyon samantalang ang di-berbal na


komunikasyon ay hindi nangangailangan ng paggamit ng wika. Kinakailangan lamang sa
di-berbal na komunikasyon ang paggamit ng sensori;paningin;pang-amoy; at pandama.”

Mahalaga and di-berbal na komunikasyon sapagkat:

1. Inilalantad nito ang kalagayang emosyonal ng isang tao;


2. Nililinaw nito ang kahulugan ng isang mensahe at
3. Pinanatili nito ang interaksyong resiprokal ng tagpagdala at tagatanggap ng
mensahe.

“Samakatwid, ang di-berbal na komunikasyon ay maaaring maipahiwatig sa


pamamagitan ng kilos, kulay, hugis paggamit ng gestures at ekspresyon ng mukha
sa paghahatid ng kabuuang mensahe sa kausap. Kadalasan ang body language ay
nagpapahayag ng damdamin at emosyon nang mas mabisa kaysa mga salita.
9. A. Pagsasanay: Ipaliwanag kung Tama o Mali ang bawat pahayag ayon sa binasa.
Isulat ang salitang Tama o Mali sa patlang bago ang bilang at ang paliwanag sa ilalim. (5pts
bawat bilang)

________1. Kahulugan ang pinadadala at tinatanggap sa komunikasyon:


Paliwanag: ____________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

_______2. Ang komunikasyon ay naiiwasan.


Paliwanag: _____________________________________________________________
______________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

________3. Ang pagtugon ay maaaring tuwiran, di tuwiran at naaantala.

Paliwanag: ____________________________________________________________________

______________________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________________

B. Tukuyin ang mga mensaheng ipinarating ng mga di-berbal na komunikasyon.

___________1. Nandidilat na mata

___________2. Nanunuyo ang mga labi

___________3. Namumula ang mga pisngi

__________ 4. Kindat

__________ 5. pakendeng-kendeng lumakad

C. Magbigay ng mga halimbawa para sa bawat uri ng komunikasyon.

1. Intrapersonal
a.
b.
c.
2. Interpersonal
a.
b.
c.
3. Pampubliko
a.
b.
c.
D. Sumulat ng maikling pahayag tungkol sa kabuuan ng ating napag-aralan (4pts.)

___________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________.
Aralin 2: Mga Konsiderasyon sa mabisang komunikasyon

Layunin: Sa araling ito, matututuhan ang pag-sasaayos ng mabisang


komunikasyon,konsiderasyo at kahulugan ng ginamit na akronim ng isa sa dalubhas sa wika.

Basahin:

Sa unang kabanata, nabanggit na ang wika ay hindi lamang pinipili. Upang maging mabisa ang
komunikasyon, kailangan din itong isaayos. Si Dell Hymes ay nagbigay ng ilang mungkahi kung
paano dapat isaayos ang paggamit ng wika.

Ayon sa kaniya, kailangang isaalang-alang ang ilang konsiderasyon upang matiyak na magiging
mabisa ang komunikasyon. Ginamit niya ang akronim na S.P.E.A.K.I.N.G .

Suriin: Pag-aralan at unawain ang bawat larawan.


Tandaan:
“Ang layon sa pagtuturo-pagkatutoay ginamit ang akronim na SPEAKING.
Setting (saan nag-uusap?) ang lugar ay may malaking impluwensya sa komunikasyon. Kung hindi ito
isaalang-alang ay maaaring mapagkamalang-bastos o walang pinag-aralan.
Participants (Sino ang kausap?) pabagu-bago ang paraan n gating pakikipag-usap depende sa kung sino
ang kinakausap. Binibigyang pansin ang edad, kasarian, katungkulan, propesyon atbp.
Ends (Ano ang layunin sa pag-uusap?) ibagay ang pananalita sa layunin gaya ng pagiging malumanay,
may awtoridad, seryoso, masaya atbp.
Act Sequence (Paano ang takbo ng Pag-uusap?) ang komunikasyon ay dinamiko, samakatuwid ang isang
usapan ay Kasama ditto ang pagbabago ng paksa at paraan ng pag-uusap.
Keys (Formal ba o informal ang usapan?) pagpili ng salitang gagamitin na babagay sa formalidad ng
okasyon.
Instrumentalities (Ano ang midyum ng usapan?) tsanel o daluyan ng komunikasyon. Ang midyum ang
humuhubog at naglilimita sa isang mensahe.
Norms (Ano ang paksa ng usapa?) Mahalagang maisaalang-alang ang paksa ng usapan.Genre
(Nagsasalaysay ba? Nakikipagtalo o nagmamatwid? Naglalarawan? O nagpapaliwanag?).
Mahalagang batid ng isang tao kung ano ang Genre na ginagamit ng kanyang kausap, nang sa gayoy
malaman din niya kung anong genre ang kanyang gagamitin.”

A. Pagtaya: Lagyan ng tsek √ ang wastong kahon


1. Sino ang nagpakilala ng akronim na speaking bilang gabay sa epektibong komunikasyon?
o Del Hymes
o Del Hyme
o Dell Hyme
o Dell Hymes
2. Saan naganap ang pag-uusap?
O setting
O norms
O participants
O instrumentalities
3. Sino ang mga kalahok sa pag-uusap?
O keys
O act sequence
O genre
O participants
4. Ano ang layunin ng pag-uusap?
O keys
O genre
O ends
5. Paano ang naging daloy ng pag-uusap?
O act sequence
O keys
O genre
O instrumentalities
6. Ano ang paraan ng pag-uusap?
O keys
O act sequence
O norms
O instrumentalities
7. Ano ang mga ginamit upang maisakatuparan ang pag-uusap?
O keys
O genre
O act sequence
O instrumentalities
8. Ano ang mga tradisyon at kulturang nararapat punahin sap ag-uusap?
O keys
O genre
O norms
O settings
9. Ano ang uri o anyo ng kapahayagan sa pag-uusap?
O keys
O instrumentalities
O norms
O genre
10. Ano ang maaaring mangyari kung hindi maisasaalang-alang ang SPEAKING sa komunikasyo?
O magiging epektibo ang komunikasyon
O walang komunikasyong magaganap
O magiging kapaki-pakinabang ang komunikasyon
O magiging magulo ang komunikasyon

B. Sa iyong sariling pananaw ano pa maliban sa mga konsiderasyong tinalakay, ang iba pang
pangangailangan upang ang mga sangkot (tagapagpadala at tagatanggap ng mensahe) sa isang
prosesong pangkomunikasyon ay maging mga epektibong partisipant (10 pts)
____________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
Aralin 3: Konteksto at Etika ng Komunikasyon

Layunin: Sa araling ito, matututuhan ang pag-sasaayos ng mabisang


komunikasyon,konsiderasyo at kahulugan ng ginamit na akronim ng isa sa dalubhas sa wika.

Basahin
Tandaan: “Ang Etika ay isang sistemang kinapapalooban ng pagpapahalagang
moral, sosyal at kultural ng isang lipunan.”

“Bawat desisyong ating ginagawa ay may kaloob na sa etikal na dimensiyon.”

“ Sa kredo ng National Communication Association, pinagdiinan nila ang


kahalagahan ng etika ng komunikasyon.”

Pagsasagawa:

A. Magsulat ng sariling pananaw o paagkakaunawa para sa mga katanungan.

1. Ano ang kinalaman ng ng Etika sa komunikasyon?


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
__________________________________________________________________.
2. Paanong ang Etika ay nakatutulong sa paghuhubog ng ating komunikasyon?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
3. Posible bang maging epektibong komyunikeytor, ngunit hindi etikal na
komyunikeytor?

B. Ano ang sinasaad ng larawang ito na may kaugnayan sa Etika ng komunikasyon.

_______________________________________________________________________

______________________________________________________________________

_______________________________________________________________________

__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
VI. MGA SANGGUNIAN

• Youtube
• Google
• Powerpoint
• PDF

1. Rolando A. Berna:les, J. C. (2018). Malayuning Komunikasyon sa LOKAL


AT GLOBAL NA KONTEKSTO. Potrero Malabon City: Mutya Publishing
House, Inc.

2. FRANCISCO, PAUL MICAH, ET. AL., MGA KONTEMPORARYONG ISYU, THE


LIBRARY PUBLISHING HOUSE
3. Google
4. Powerpoint Presentation

You might also like