You are on page 1of 9

MODYUL 2 Aralin 1

Baliktanaw sa Kahulugan, Kahalagahan, at Mga


Elemento ng Komunikasyon
_________________

Mga Layunin

Sa aralin ito ang mag-aaral ay inaaasahan na:


 Mapalalim ang pagpapahalaga sa sariling paraan ng pagpapahayag ng mga Pilipino sa
iba’t ibang antas at larangan.
 Mabalikan ang mga batayang konsepto ng komunikasyon at magamit ang mga ito sa
pagtuklas tungkol sa sariling kultura.
 Makapagpahayag ng mga makabuluhang kaisipan sa pamamagitan ng tradisyonal at
modernong midyang akma sa kontekstong Pilipino.
 Maisaalang-alang ang kultura at iba pang aspektong panlipunan sa pakikipagpalitang-
ideya.

Basahin Natin

Baliktanaw sa Kahulugan, Kahalagahan, at Mga


Elemento ng Komunikasyon

Kahulugan
Ang Komunikasyon ayon kina Pearson and Nelson (2000), ay ang proseso ng pag-
unawa at pagbabahagi ng mga kahulugan. Ang komunikasyon ay ang proseso ng
pagpapadala at pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng simbolikong cues na
maaaring berbal o di-berbal. (Bernales, et al., 2002)

Isa itong sistematikong proseso ng interaksiyon ng mga tao sa pamamagitan ng mga


simbolo upang lumikha at magbigay ng interpretasyon sa mga kahulugan. (Wood, 2000)

Ang komunikasyon ay paghahatid ng mahahalagang impormasyon sa isang paraang


masining upang maging mabisa at mahusay na maipahayag ng tao ang kanyang palagay o
saloobin sa kanyang kapwa, anuman ang paksang inaakala niyang mahalagang mapag-
usapan. (Verdeber, 1987)

Mula ito sa mga salitang Latin na communis na ang ibig sabihin ay panlahat.

Ang komunikasyon ay mula rin sa salitang Latin na communi atus na ang ibig sabihin
ay “ibinabahagi.” Sa ganitong sitwasyon, ang dalawang panig ay magbabahaginan ng
kanilang ideya sa paraang kasangkot ang pagsasalita, pakikinig, pag-unawa, pagbasa, at
pagsulat. Mangahis et al. (2008)

Ayon kay Marquez (2020) ang mahalaga ang komunikasyon dahil ito ay pagsasalin,
paghahatid ng balita, kuro-kuro, mensahe, kaalaman o impormasyon, damdamin, iniisip o
pangangailangan, at ideya mula sa tao patungo sa isang tagatanggap o sa isang
patutunguhan. Aniya, dahil ang komunikasyon ay maituturing na isang sining, ito ay
nagbibigay sa isang tao ng pagkakataon na maipahatid ang kanyang naiisip o nadarama.
Sapagkat isang kasanayan ang komunikasyon ang mga nagtataglay ng kakayahan sa
pakikipagkomunika ay nararapat na maipahayag ang nais nila sa paraang angkop, mabisa,
karapat-dapat, at maganda.

Kahalagahan

1. Pagpapahayag ng damdamin. Nagbibigay ang komunikasyon ng pagkakataon


na maibahagi ng tao sa kanyang kapwa ang kanyang damdamin, kaisipan, o saloobin.
2. Pagtuklas sa identidad. Nagkakaroon ang tao ng ganap na kabatiran tungkol sa
sariling pagkatao batay sa kanyang perspektiba at napauunlad niya ang pagkakakilala sa
sarili.
3. Pag-uugnay sa mga tawid-distansya at tawid-kulturang koneksiyon.
Napaglalapit ng komunikasyon ang mga indibidwal o organisasyong magkakalayo sa
espasyo at nagkakaiba sa oras, at nababawasan ang mga hadlang sa pakikipag-usap sa
magkakaibang kultura.
4. Paggamit bilang estratehiya sa pagresolba ng mga suliranin. Nagkakaroon ng
estratehiya upang mapag-isa, mapaglapit, o mapag-ayos ang mga tao o grupong may
hidwaan o di-pagkakaunawaan.
5. Paglilipat-kaalaman. Nakapagbabahaginan ang mga tao ng mga kaalamang
mahalaga at kailangan sa kanilang buhay, trabaho, o pag-aaral.
6. Pagyabong at intelektuwalisasyon ng wika. Natutuklasan ng mga tao ang
tamang paggamit ng kanilang wika sa mas madalas na paggamit nito.

Ang mga komunikador sa kasalukuyang siglo ay nangangailangan ng iba’t ibang


kakayahang pangkomunikasyon. Tingnan sa Venn diagram sa ibaba ang mga mahahalagang
kasanayang kailangan ng mga komunikador sa ika-21 siglo.

Mga Kasanayan ng Komunikador sa ika-21 siglo

Dagdag sa mga nakikita sa dayagram sa itaas, kinakailangan din ng mga komunikador sa


ika-21 siglo, ang kasanayan sa Kritikal na Pag-iisip at pagpapasya. Ang Kritikal na Pag-iisip ay
ang kalipunan ng mga kasanayan ng isang indibidwal na nagagamit upang mataya,
makapagbigay ng interpretasyon, at makapagsuri ang mga impormasyon, isyu, o penomenon
tungo sa paglikha ng mahusay na ebalwasyon, bagong ideya, sariling paninindigan, at wastong
desisyon.

Malaki na ang iniunlad ng mga modelo ng proseso ng komunikasyon nitong mga


nagdaang taon, malayo na ito sa modelo nina Shannon at Weaver na linear kung saan tinatawag
pa ang mga komunikador bilang tagapagsalita at tagatanggap ng mensahe. Isa sa
pinakaginagamit sa ngayon na batayan sa mga paliwanag tungkol sa komunikasyon ay ang
Transaksiyonal na Modelo ng Komunikasyon ni Barnlund na unang inilabas noong 1962 at
pinaunlad noong 2008 kung saan ipinapakita na ang komunikasyon ay tuloy-tuloy na proseso na
palagiang nakaaapekto ang mga komunikador sa isa’t isa o sa sinumang nakakaugnay nila sa
komunikasyon. Ayon kay Barnlund ang pagbibigay at pagtanggap ng mga mensahe ay resiprokal,
ibig sabihin, ang mga komunikador ay kapwa responsable sa epekto at pagiging matagumpay ng
komunikasyon.

Transaksiyonal na Modelo ng Komunikasyon ni Barnlund, 1970

Maraming proseso at komponent ang transaksiyonal na modelo tulad ng proseso ng


encoding, decoding, ang mga komunikador, ang mensahe, and tsanel, at ang hadlang o ingay.
Malaki ang ginagampanang papel ng pananaw ng mga komunikador at ng konteksto sa proseso
ng komunikasyon.

Ang Transaksiyonal na Modelo ng Komunikasyon ay isang sistema ng fidbak na sapin-


sapin o maraming paglalatag. Isa itong tuloy-tuloy na proseso kung saan ang inter-palitan ng
tagapagpadala ng mensahe at tagatanggap ng mensahe ay tinitingnan bilang pantay ang halaga.
Ito ang dahilan kung bakit sa modelong ito, kapwa “komunikador” o “komyunikeytor” ang tawag sa
parehong “tagapagsalita” at “tagatanggap” ng mensahe. Dahil konstant ang fidbak nila sa bawat
partido, patuloy ang palitan ng mensahe. Ang fidbak para sa isang komunikador ay mensahe
naman para sa isang komunikador. Parehas silang nagiging tagapagbigay at tagatanggap ng
mensahe, sa iba’t ibang pagkakataon.

Angkop na gamitin ang modelo ni Barnlund sa konteksto ng Komunikasyong Filipino


sapagkat ito ay nagpapakita ng elemento ng mga pahiwatig-pangwika o cues. Ayon sa kanya, sa
komunikasyon, mayroong publikong pahiwatig, pribadong pahiwatig, at pahiwatig-asal. Ang
publikong pahiwatig ay ang pisikal, pangkapaligiran, artipisyal o natural na pahiwatig na ipinakikita
sa publiko. Ang pribadong pahiwatig naman ay kinabibilangan ng mga pribadong tuon o objek ng
oryentasyon tulad ng mga pandama ng isang tao. Parehas ng puwedeng maging berbal at di-
berbal ang mga pahiwatig na ito. Ang pahiwatig-asal naman ay maoobserbahan sa kilos o gawi ng
mga komunikador, na maaari ring may berbal o di-berbal. Mayaman ang Komunikasyong Filipino
sa mga pahiwatig. Ang simpleng mga tunog na intensyonal o di-intensyonal na nililikha ng
komunikador ay maaaring may iba’t ibang mensahe. Maraming tunog na hindi ganap na salita ang
Filipino, ngunit may kahulugan, halimbawa, ang paglikha ng tunog na “aaaww” o “aahh” para
ipahiwatig na nasaktan o naantig ang damdamin, o ang “ayiiee” sa panunudyo, “ah!” kapag may
naalala, “aahh!” kapag nagulat sa biglaang nakakatakot o di-pinaghandaang pangyayari. Ilan
lamang iyan sa mga linguistic cues sa Filipino na hindi ganap na salita at mahirap ilimbag ngunit
magkakaintindihan ang mga Pilipino kapag narinig sa pasalitang paraan.
Elemento ng Komunikasyon

1. Komunikador. Tumutukoy sa bawat indibidwal na sangkot sa proseso ng komunikasyon.

2. Mensahe. Ito ay elemento ng komunikasyon na siyang bibigyang kahulugan ng


tagatanggap ng mensahe. Maaari itong berbal at di-berbal na mensahe.

3. Tsanel. Ito ang elemento ng komunikasyon na nagsisilbing daluyan ng mensahe mula sa


tagapaghatid ng mensahe.

Mga pandama - pandinig, paningin, at pandama


Daluyang Midya o Mediated - pahayagan, pelikula, radio, telebisyon at Internet

4. Ingay o Hadlang. Ang isang hadlang o interference ay elemento ng komunikasyon na


nagsisilbing sagabal na proseso ng komunikasyon. Tandaan na hindi lamang ito nakapaloob
sa tunog. Sakop nito ang pisikal o teknikal na sagabal, semantikong sagabal, pisyolohikal na
sagabal, kultural na sagabal at sikolohikal na sagabal.

5. Tugon o Fidbak. Ito ay elemento ng komunikasyon na nagsisilbing tugon sa mensaheng


ipinadala ng sender. Gaya ng mensahe, ang tugon ay maaari ring berbal (pasalita/pasulat)
at di-berbal (simbolo).

Uri ng Fidbak
Relasyonal - di-berbal na pagpapahiwatig ng damdamin o pagtingin sa kausap.
Panlingguwistika - pasalita, tungkol sa tamang gamit ng wika

Unawain Natin
Gawain 1
Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
Ano ang kahulugan ng Komunikasyon?

Ano-ano ang kahalagahan ng Komunikasyon?

Ano ang mga posibleng hadlang sa Komunikasyon?

4. Ano-ano ang mga elemento ng Komunikasyon?


Gawain 2: Gawin Natin

Panonood at Pagsusuri ng Video na “Ang Estado ng Wikang Filipino” mula sa


https://www.youtube.com/watch?v=WSsEaBA06-0. Suriin ang nilalaman ng
dokumentaryo at sagutin ang mga sumusunod:

Sa kalagayan ng pagtuturo ng Filipino, kailan na lamang nagagamit ang Wikang Filipino at ano ang naging e

Batay sa social experiment sa dokumentaryo, aling wika ang mas nauunang banggitin ng mga bata? Ano an

Ano ang pananaw ng mga eksperto kaugnay sa pagtuturo ng wika at sa identidad ng mga Pilipino?

Sa kabuuan, ano raw ang estado ng Wikang Filipino? Napangalagaan ba ito matapos itong maging wikang

Sa iyong palagay, ano ang epekto sa mabisang komunikasyon ng kahinaan sa kasanayan sa Wikang Filipin
Buuin Natin !
Gawain 3
Pagbuo ng Ilustrasyon. Sa espasyo sa ibaba, gumuhit o bumuo ng ilustrasyon ng proseso
ng komunikasyon. Sa mga patlang sa ibaba ng ilustrasyon, isulat ang depinisyon ng mga
elementong isinama mo sa iyong ilustrasyon.

1.
2.
3.
4.
5.

Rubrik ng Grado: Puntos


Kumpleto ang Mahahalagang Elemento 5
Malinaw ang Proseso ng Komunikasyon 10
Tamang Paliwanag sa mga Elemento 10
KABUUAN: 25
Sagutin Mo
I. BALIKTANAW SA KOMUNIKASYON

PANGALAN: SEKSIYON: ISKOR: /10

Identipikasyon. Isulat sa patlang ang tinutukoy sa bawat tanong.


1. Proseso ng pag-unawa at pagbabahagi ng mga kahulugan.

2. Salitang Latin na ang ibig sabihin ay panlahat.

3. Elemento ng komunikasyon na binibigyang kahulugan


4. Daluyan ng mensahe mula sa tagapaghatid ng mensahe
5. Mga kasangkot sa komunikasyon
6. Sagabal sa daloy ng mensahe
7. Tugon sa mensaheng ipinadala ng tagapagsalita o tagapaghatid
8. Kalipunan ng mga kasanayan ng isang indibidwal na nagagamit
upang mataya, makapagbigay ng interpretasyon, at makapagsuri ng impormasyon
9. Modelo ng komunikasyon kung saan kapwa mahalaga at pantay
ang dalawang nagpapalitan ng mensahe.
10. Hindi ganap na mga salita at mahirap ilimbag
ngunit magkakaintindihan ang mga Pilipino kapag narinig sa pasalitang
paraan

You might also like