You are on page 1of 18

Kabanata IV: Diskurso at Komunikasyon

A. Pamagat: DISKURSO, DEPINISYON AT KATANGIAN


Buod:
Ayon kay Webster (1974), ang diskurso ay tumutukoy sa berbal na
komunikasyon tulad ng kumbersasyon. Samakatuwid, masasabing ang diskurso
ay isang anyo ng pagpapahayag ng ideya hinggil sa isang paksa at sinonimus ito
sa komunikasyon.
Ang diskursong pasulat at pasalita ay may maraming pagkakaibang unit
anomang anyo ng diskurso, mahalagang taglayin ng mga participant ang
komunikatib kompitens at ang linggwistik kompitens.
Ayon kay Noam Chomsky, ang komunikatib kompitens ay nag-iinbolb sa abilidad
ng ispiker upang piliin ang angkop na barayti ng wika para sa isang tiyak na
sitwasyong sosyal. Tinatawag rin itong Sosyolingguwitiks.
May dalawang konseptong kaugnay ng kahusayang komunikatibo na tinukoy ni
Lyle Bachman. Ito ay ang Tekstwal kompitens o abilidad na sumulat nang may
kohisyon at organisasyon at ang iloksyunari kompitens o ang abilidad na
magamit ang wika sa ideation, manipulasyon, heuristik at imahinasyon.
Samantala, ang lingguwistik kompitens naman ay ang mental grammar ng isang
indibidwal o ang di-konsyus na kaalaman sa sistema ng mga tuntunin ng wika.
Tintawag ito ng maraming lingguwista bilang payak na kompitens. Ayon naman
kay Bachman, tinawag niya itong gramatikal kompitens dahil para sakanya, ang
ponolohiya, morpolohiya, sintaksis at bokabularyo ay nasasangkot sa di-konsyus
na kaalaman.
B. Pamagat: Konteksto ng Diskurso
Buod:
Konteksto ng Diskurso - Ito ay isang diskurso na maaaring interpersonal, panggrupo,
pang-organisasyon, pangmasa, interkultural, at pangkasarian.
Kontekstong Interpersonal usapan ng magkaibigan.
Konteksto ng Panggrupo pulong ng pamumunuan ng isang samahang pang magaaral.

Kontekstong Pang-organisasyon memorandum ng isang pangulo sa kanyang


kumpanya sa lahat ng empleyado.
Kontekstong Pangmasa - pagtatalumpati ng isang pulitiko sa harap ng mga botante.
Kontekstong Interkultural - pagpupulong ng mga pinuno ng ASEAN.
Kontekstong Pangkasarian usapang mag-asawa.

C. Pamagat: Mga Teorya ng Diskurso: Pahapyaw na Pagtatalakay


Buod:
Ang mga teorya ng diskurso ay hindi naiiba sa mga teorya ng komunikasyon. Ang
teoryang ito ay maaaring susi sa ganap na pag-unawa sa proseso ng pagdidiskurso o
komunikasyon at ito nakakatulong upang tayo ay maging koseptual at prediktibo. May
dalawang tanyag na teorya: ang speech act theory at ang ethnography of
communication.
Ang speech act theory ay isang teorya ng wika batay sa pangunahing premis na ang
wika ay isang mode of action at isang paraan ng pagko-convey ng impormasyon. Ayon
sa mga naniniwala sa teoryang ito, ang yunit ng komunikasyong lingguwistk ay hindi
simbolo, salita o pangungusap mismo, kundi ang produksyon o paglika ng mga simbolo,
salita o pangungusal sa pagganap ng kanilang tinatawag na speech acts.
Ang ethnigraphy of communication ay nauukol sa pag-aaral ng mga sitwasyon, gamit,
patern at tungkulin ng pagsasalita. Ang pinakasusi ng teoryang ito ay ang
pamamaraang partisipant-obserbasyon na nangangailangan ng imersyon ng isang
partikular

na

komunidad.

May iba pang teorya na itinalakay sa http://www.mcgraw-hill.com, ang mga teoryang ito
ay ang communication accomodation theory at ang teorya ng narrative paradigm.

Ang communication accomodation theory ay sinusuri ang mga motibasyon at


konsikwens ng mga pangyayari kung ang dalawang ispiker ay nagbabago ng estilo ng
komunikasyon. Samantala, ang narrative paradigm naman ay naglalarawan sa mga tao
bilang mga storytelling animals.

Pamagat: KOMUNIKASYON : DEPINISYON at HALAGA


Buod:
Ayon kay Webster ang komunikasyon ay ang akto ng pagpapahayag ng ideya sa
pamamagitan ng pasalita o pasulat na paraan. Inilarawan naman nina Greene at
Petty,sa aklat nilang Developing Language Skills ang komunikasyon bilang isang
intensyunal o konsyus na paggamit ng anumang uri ng simbolo upang makapagpadala
ng katotohanan, ideya, damdamin o emosyon mula sa isang indibidwal tungo sa iba.
Samakatuwid, ang komunikasyon ay maaaring magamit para sa mabuti o masamang
layon.

Kapag

tinatangka

sa

komunikasyon

ang

tuklasin

ihayag

ang

katotohanan,pagyamanin ang mga aspetong nagpapabuti sa kalidad ng buhay ng


tao,ang komunikasyon ay mabuti. Ngunit kapag sinisira o binabaluktot ang katotohanan
sa komunikasyon, nililito o nililihis ang mga mamamayan sa kabutihan ang
komunikasyon ay masama. Ayon kina Gray at Wise kung ang tao ay walang metodo ng
komunikasyon, wala sa mga institusyong pantao industriya, relihiyon, gobyerno,
edukasyon - ang magiging posible.

Pamagat: Uri at Katangian ng Komunikasyon


Buod:
-

Ang komunikasyon o pakikipagtalastasan ay proseso ng pagpapadala at


pagtanggap ng mga mensahe sa pamamagitan ng mga simbolikong cues na
maaring berbal o di-berbal. Nasaklaw ang dipinisyong ito. Sinasaklaw nito ang
ibat ibang uri g prosesong pangkomunikasyon.

a. Komunikasyong Intrapersonal. Ito ay tumutukoy sa komunikasyong pansarili.


Sangkot dito ang pag-iisip, pag-alala, at pagdama, mga prosesong nagaganap
sa internal nating katauhan.
b. Komunikasyong Interpersonal. Ito naman ay tumutukoy sa komunikasyong
nagaganap sa pagitan ng dalawang tao o pagitan ng isang tao at maliit na
pangkat. Malaking bahagdan ng komunikasyong nagaganap sa ating lipunan ang
nasa uring ito.
c. Komunikasyong Pampubliko. Ito ay tumutukoy sa komunikasyong nagaganap
sa pagitan ng isang malaking pangkat ng mga tao. Ang isang tagapagsalitang
nagtatalumpati

sa

harap

ng

mga

tagapakinig

ay

nakikipagtalastasang

pampubliko.
-

1. Ang komunikasyon ay isang proseso


Kinapalooban ng maraming proseso. Hindi lamang ito kinasasangkutan ng
pagpapadala ng mensahe ang isang tao sa ibang tao, kailangan isipin niya muna
kung ano ang mensaheng ipinadadala niya, paano niya iyong ipadadala, anuanong salita ang kanyang gagamitin, paano niya iyon isasaayos upang
maunawaan sa anong daluyan niya iyon padaanin at ano ang inaasahan niyang
reaksyon ng pagpapadalhan niya ng mensahe

2. Ang Proseso ng komunikasyon ay dinamik


Nagbabago ang komunikasyon batay sa panahon dahil marami ng mga bagong
salita

3. Ang komunikasyon ay komplikado


Nagiging komplikado ang komunikasyon dahil sa paraan ng pagtingin ng mga
sangkot ng komunikasyon sa isat isa. Ito ang tinatawag na persepsyon na hindi
laging pare-pareho kapag ang dalawang tao ay nag-uusap.

Halimbawa:
Persepsyon ng isa sakanyang sarili at ang kanyang kausap ay mayroon ding
persepsyon sa kanyang sarili.
4. Mensahe,

hindi

komunikasyon.

kahulugan,

ang

naipadala/natatanggap

sa

Kapag nagpadala ang isang tao ng mensahe sa pamamagitan ng salita , maari


itong magkaroon ng ibat ibang kahulugan, paano ang pagpapakahulugan sa
mga mensahe ay nakasalalay sa tumatanggap nito.

5. Hindi tayo maaring umiwas sa komunikasyon


Kahit hindi pa tayo magsalita , nakikipagtalastasan tayo sa ating kapwa. Hindi
man tayo magsalita, sa ating kilos/galaw, kumpas at anyo, hindi man sinasadya
ay nakapagpadal tayo ng mensahe sa iba.

6. Laging may dalawang uri ng mensahe sa proseso ng komunikasyon


Ang mensaheng ito ay maaring mauri sa:
a. Mensaheng relasyon o mensaheng pang lingguwistika at,
b. Mensaheng relasyunal o mensaheng di-berbal na nagpapahiwatig ng
iyong damdamin o pagtingin sa kausap.

Pamagat: Mga Modelo, Sangkap at Proseso


Buod:

Isa sa pinakamadaling paraan ng paglalarawan sa proseso at sangkap ng isang bagay


ay sa pamamagitan ng mga modelo representasyong biswal sa pagkat na gawan itong
simple ang isang komplikadong bagay, tulad ng komunikasyon.
Maraming awtor ang nag disenyong ibat-ibang modelong Komunikasyon. Bawat isang
modelo ay may kapakinabangan sa sino mang naglalayong maunawaan nang
ganapang komplikadong prosesong komunikasyon.

Modelo ni Schramm

Lawak ng Karanasan
Lawak ng Karanasan

Pinanggalingan

Tagatangga
p

Ipinahiwatig na Bawat taong sangkot sa isang sitwasyong pangkomunikasyon ay may


kani-kaniyang field of experience na maaring makaaapekto sa bias ng komunikasyon.

ModelongKontekstwal-Kultura
Sa Modelo naming ito, binigyang-diin ang konteksto at kultura bilang siyang mga sentral
na element sa siklikal na prosesong Komunikasyon.

Tinutukoy din dito kung ano-ano ang mga salik na nakaaapekto sa pinanggalingan at
tagatanggap ng mensahe at kung paano nililimitahan o hinuhubog ng daluyan ang
mensahe.

Ipinahiwatig nila sa modelong ito na ang bias ng isang aktong pangkomunikasyon ay


naksalalay sa wastong kalkulasyon ng mga salik na nakaaapekto rito tulad ng
transmitter, channel, receiver, at noise.

a. Ang Nagpapadala ng Mensahe - ito ay tumutukoy sa tao o pangkat ng mga taong


pinagmumulan ng mensahe at sila din ang mga taong nag e-encode ng mensahe.
b. Ang mensahe nabanggit na sa nakalipas na pagtalakayan ang mensahe ay may
dalawang aspeto ito ay ang mensaheng pangnilalaman o panlingguwistika at ang
mensaheng relasyunal o mensaheng di berbal.
c. Angdaluyan/tsanel ng mensahe - may dalawang kategoryang mga daluyan ng
mensahe. Ang una ay ang daluyang sensori o tuwirang paggamit ng paningin,
pandinig, pang-amoy, panlasa at pandama. Ang ikalawa naman ay ang daluyang
institusyunalang pakikipagtalastasan sa pamamagitan ng sulat, telegram at mga
kagamitang elektronomiko ay halimbawang daluyang institusyunal.
d. Ang tagatanggap ng mensahe siya ang magbibigay-pakahulugan sa
mensaheng kanyang natanggap at siya ang magde-decode.
e. Ang tugon o pidbak- ang pagbibigay ng tugon o pidbak ay isang mahalagang
paraan ng pagkontrol sa mga sagabal sa komunikasyon.
f. Mga potensyal na sagabal sa komunikasyon - ito ay tinatawag sa ingles na
communication noise o filter bawat prosesong komunikasyon ay maaring

magkaroon ng potensyal na sagabal. Ito ang mga bagay-bagay na maaring


makasagabal sa masabing komunikasyon o sa komunikasyon mismo. Ito ang
mauuri sa apat ang semantikong sagabal, pisikal na sagabal, pisyolohikal na
sagabal at ang sikolohikal na sagabal.
Ang mga semantikong sagabal ay matatagpuan sa salita o pangungusap

mismo.
Ang mga pisyolohikal na sagabal ay matatagpuan sa katawan ng nagpapadala
o tagatanggap ng mensahe tulad ng kapansanan sa paningin, pandinig o

pagsasalita.
Ang mga sikolohikal na sagabal ay ang mga biases, prejudices, pagkakaibaibang mga kinalakhang paligid at pagkakaiba-ibang mga nakagawiang kultura na
maaaring magbungang misinterpretasyon sa kahulugan ng mga mensahe.

G. Pamagat: Komunikasyong Berbal


Buod:

Komunikasyong Berbal Isang anyo ng paghahatid mensahe sa pamamagitan ng mga


salitang simbolo na kumakatawan sa mga ideya at bagay-bagay. Sangkot sa prosesong
ito ang pagsusulat, pagbabasa, pagsasalita, at pakikinig. Ayon kay Gerald (1960),
ginagamit ang berbal na komunikasyon sa mga sumusunod na ideya at bagay-bagay:
Kung sunod-sunod ang mga impormasyong dapat lutasin, higit na mabisa ang pandinig
kaysa biswal na metodo upang makagawa ng temporal na diskriminasyon Kung abala
sa isang gawain ang tagatanggap, ang kanyang pokus sa pakikinig ay nababawasan
Kung ang mensahe ay mahahalaga at payak, mas madali itong mauunawaan at
matatandaan kapag napakinggan o nabasa. Kapag mahalaga ang flexibiliti ng
transmisyon ng mensahe, epektibo ang paggamit ng tinig lalo na sa pagbibigay ng
infleksyon at emphasis. Kung maglalahad ng isang tiyak na usapin o isyu, ang paggamit
ng berbal na komunikasyon ay napakabisa. Kapag ang resepsyong biswal ay hindi
mabisa sa kadahilanang maiuugnay sa kondisyong pangkapaligiran, ang paggamit ng
komunikasyong

berbal

ay

mas

lalong

kapaki-pakinabang.

Pagpapakahulugan o Interpretasyon ng mga Simbolikong Berbal

Paraan

ng

REFERENT - tawag sa bagay o ideyang kinakatawan ng isang salita. Tiyak na aksyon,


katangian ng mga aksyon, ugnayan ng bagay sa ibang bagay.

Comon Reference tawag sa parehong kahulugang ibinibigay ng mga taong sangkot


sa proseso ng komunikasyon.

KONTEKSTONG BERBAL - tawag sa kahulugan ng isang salita na matutukoy batay


sa ugnayan nito sa iba pang salita.

PARAAN NG PAGBIGKAS/MANNER OF UTTERANCE


- (Paralanguage) maaari ring magbigay ng kahulugang konotatibo.

H. Pamagat: KOMUNIKASYONG DI-BERBAL


Buod:
Hindi laging berbal ang komunikasyon, hindi lamang pasalita o pasulat. Madalas
gumagamit rin tayo ng di-berbal na anyo o di kayay kumbinasyon ng berbal at di-berbal
na anyo ng komunikasyon.
May ibat ibang anyo ng komunikasyong di-berbal:
Chronemics, ito ay ang pagpapahalaga sa oras. Proxemics, ito ay tungkol sa
espasyong inilalagay natun sa pagitan n gating sarili at ng ibang tao. Kinesics, ito ay
tungkol sa sinasabi na ating katawan na minsan mas higit pa sa mga tunog na
lumalabas sa ating bibig. Haptics, ito ay tumutukoy sa paggamit ng sense of touch sa
pagpapahatid ng mensahe. Iconics, ito ay tumutukoy sa mga simbolo o icons na ating
makikita sa paligid na nagbibigay mensahe. Colorics, ito ay tumutukoy sa mga kulay
na maaaring mapahiwatig ng damdamin o oryentasyon. Paralanguange, ito ay
tumutukoy sa paraan ng pagbigkas sa isang salita. Oculesics, ito y tumutukoy a
paggamit ng mata sa paghahatid ng mensahe. Objectics, ito ay ang paggamit ng mga

bagay sa paghahatid ng mensahe. Olfactorics, ito ay nakatuon sa pang-amoy. Pictics,


ito ay tumutukoy sa mga tunay nating damdamin at intensyon na makikita sa ating
mukha. Vocalics, ito ay ang paggamit ng tunog, liban sa pasalitang tunog.

I.Pamagat: Mga Konsiderasyon sa Mabisang Komunikasyon


Buod:
Si Dell Hymes ay nagbigay ng ilang mungkahi kung paano isaayos ang wika.
Ayon sa kanya upang matiyak na mabisa ang wika dapat isaalang-alang ang mga
konsiderasyon. Ito ay ipinahayag niya sa akronim na SPEAKING.
Una ay S-setting, kinokosidera kung saan nag-uusap, ibig sabihin ang inyong
pag-uusap o paano kayo nag-uusap ay nauukol sa lugar na inyong kinaroroonan.
Pangalawa ay P-participants, kinokonsidera kung sino ang kauusap, ibig sabihin
babaguhin mo ang paraan ng pakikipag-usap depende kung sino ang kausap.
Pangatlo ay E-ends, kinokonsidera kung ano ang layunin ng pag-uusap, ibig sabihin
ay dapat isaalang-alang ang layunin ng pakikipag-usap. Pang-apat ay A-act
sequence, kinokonsidera kung paano ang takbo ng usapan, ibig sabihin dapat
bigyan pansin ang daloy ng pag-uusap kung ito ba ay may maayos na takbo o
nagkakaroon nang posibilidad na magkaroon ng resulta ng pag-aaway. Panglima ay
K-keys, kinokonsidera kung pormal o di-pormal ang usapan, ibig sabihin titingnan
mo kung ang layunin o paksang pinag-usapan ay pormal o di-pormal. Pang-anim ay
Instrumentalities, kinokonsidera kung ano ang midyum ng usapan, ibig sabihin ay
dapat isaalang-alang ang tsanel o daluyan ng komunikasyon ukol sa kung ano ang
layunin o gusto ipahayag sa kausap. Pang-apat ay N-norm, kinokonsidera kung ano
ang paksa ng usapan, ibig sabihin huwag kang makisali sa usapan kung wala kang
alam sa paksa at kung ang paksa ba ay eklusibo para sa iyo o dapat mong iwasan.
At pangwalo ay G-genre, kinokonsidera kung nagsasalaysay ba o nakikipagtalo at
iba pa pang mga genre, ibig sabihin kailangang alam ng isang tao kung ano ang
genre na ginagamit ng kanyang kausap nang sagayoy alam niya kung ano ang
genre na gagamitin sa pakikipag-usap sa kanyang kausap.

Maliban sa mga konsiderasyong natalakay may iba pang pangangailangan ang


tagapapadala o tagatanggap upang maging epektibong partisipant. Ang mga ito ay:
kailangan maunawaan nila ang prosesong komunikasyon, kailangang may
positibong persepsyon, marunong mag-enkowd at mag-dekowd ng mensahe, may
sapat na kaalaman at kasanayan sa paggamit at pagpapakahulugan ng mga
simbolong di-berbal sa pakikipagkomunikasyon, at kailangang mauunawan niya ang
mga batayang konsepto at simulain ng komunikasyon at kailangang alam niya kung
paano gamitin ang mga iyon sa particular na sitwasyon at sa ibat-ibang antas at uri
ng komunikasyon.

Konklusyon:
Diskurso at Komunikasyon
Ang diskurso ay tumutukoy sa berbal na komunikasyon, isang pormal at sistematikong
eksaminasyon ng isabng paksa. May dalawang uri ng diskurso ito ay Komunikatib
Kompitens,

at

Lingguwistik

Kompitens.

Ang

Komunikatib

Kompitens

ay

nangangailangan ng sensitibiti sa dayalek o rehistro at kaalaman sa mga kultura na


reperens. At Lingguwistik kompitens ito naman ang mental grammar ng isang
indibidwal, ang di-konsyus na kaalaman sa sistema ng mga tuntunin ng wika. May mga
teorya nmana ang diskurso, hindi ito naiibasa mga teorya ng Komunikasyon. Ang mga
teoryang ito ay maaaring susi sa ganap na pag-unawa sa proseso ng pagdidiskurso o
komunikasyon, ito ay nakakatulong upang tayo ay maging konseptwal at prediktibo .
May dalawang pinakapopular na teorya ito ay speech act theory at ethnography of
communications. Ang speech act theory ay isang teoya ng wikang batay sa aklat na
How to do thing with Words ni J.L Austin, ito ay nakabatay sa pangunahing premis na
ang wika ay isang mode of action isang paraan na pagco-convey ng impormasyon. Ang
enthography of communication ito naman ay nauukolsa pag-aaral ng mga sitwasyong,
gamit, patern at tungkulin ng pagsalita. Ang

pinakasusi ng teoryang ito ay ang

pamamaraang partisipant-obserbasyon na nangangailangan ng imersyon sa isang


partikular na komunidad. May mga uri at katangian ang komunikasyon ito naman ay

Komunikasyong Intrapersonal, Komunikasyong Interpersonal, at Komunikasyong


Pampubliko. Ang komunikasyong intrapersonal ito yung pag-iisip, pag-alala at
pagdama, mga prosesong nagaganap sa internal nating katauhan. At ang
komunikasyong interpersonal naman ay komunikasyong nagaganap sa pagitan ng
dalawang tao. Ang komunikasyong pampubliko naman ay nagaganap sa pagitan ng isa
at malaking pangkat ng mga tao. Kaya dapat natin pag-aralan ang mga ito dahil
napakaimpotante nito sa ating pag-aaral, at magagamit din natin ito sa pag trabaho
natin .

You might also like