You are on page 1of 33

Ang mga Makrong

Kasanayan
Pakikinig
Pagsasalita
Pagsulat
Pagbasa
Pakikinig
• Ang pag-unawa sa kahulugan ng mga tunog na
napakinggan. Nangangahulugan ito ng pagdinig
ng may layunin.
Pagkakaiba ng Pagdinig at Pakikinig
• Pagdinig- isang kapasidad ito para matukoy ang tunog na bumubuo sa
isang salita.Tumutukoy ito sa ating kakayahang marinig ang anumang
tunog sa pamamagitan ng ating mga tainga.
• Pakikinig- Isang proseso ng pag-iisip na may layuning unawain ang
kahulugang nakapaloob sa mga tunog na narinig.
Ang Proseso ng Pakikinig
Pag-
Pagdinig Atensyon unawa

Pagtanggap ng ●
Pagpili sa ●
Pinakamahalagan
tunog
mahalagang ideya g proseso

Dinadala ang ●
Interes ng ●
Pag-alam sa tunay
mensahe sa
tagapakinig. na kahulugan.
paraang pasalita.
Salik na Nakakaimpluwensiya sa
Pakikinig
1. Pisikal-maaring may kinalaman sa sarili ng tagapakinig o kaya may
kaugnay sa mga panlabas na bagay.
May Kinalaman sa Sarili Panlabas na Bagay
• Pagkapagod • Ingay sa Paligid
• Karamdamang Pisikal • Temperatura
• Kapansanan sa Pandinig • Pananamit, paraan ng pagsasalita at
boses ng tagapagsalita

2. Bakgrawn- Hindi natin nauunawaan kapag hindi lubos na naiintindihan


ang mga salitang ginagamit.Nawawalan ng gana ang sa pakikinig kapag
mas malawak ang karanasan at kaalaman ng tagapakinig
Iba pang Kahadlangan sa Mabisang
Pakikinig
• Lugar at Kapaligiran
• Oras
• Mga Kagamitan at Tsanel
• Distansya
• Kasarian
• Edad
• Timbre ng Boses
• Dami ng Bilang
• Kultura
Uri ng Pakikinig
• Kaswal-Pampakondisyon lamang o kaya’y pampalipas oras na
nakagawian.
• Imformal- Karaniwan na ang ganitong uri ng pakikinig sa mga
estudyate na tipong napipilitan lamang dahil may dapat isagawa sa
isang kurso.
• Kritikal- Kaakibat ng uring ito ang pagiging analitikal, ebalwativ,
apresyativ.Masinsin ang level ng pagsusuri, tinitingnan lahat ng
aggulo.
Pagsasalita
• Kakayahan ng isang tao na maipahayag ang
kaniyang saloobin at damdamin gamit ang
kaniyang bibig at dila.
• Una ito sa mga kasanayang pinauunlad mula
sa pautal-utal na panggagagad-salita
hanggang sa katatasang-tuto sa pag-aaral.
Proseso ng Pagsasalita
• Ang tagapagsalita ang gumagamit ng verbal na
kasangkapan, ang wika, na nag-aangkin ng
tunogg, diin, bilis, haba at tono para ihatid sa
direkta, papahiwatig, o pasenyas na hangad
niyang iparating sa tagapakinig, mambabasa o
manonood..
Kahalagahan ng Pagsasalita
• Nakakatagpo ng maraming kakilala o kaibigan ang isang tao.
• Naglalarawan ng mga ugaliin o kultura ng pagkalahi ng isang
bansa.
• Nagkakaroon ng maraming oportunidad ang magaling
magsalita.
• Madaling makapagpalago kapag maistratehiya sa pagsasalita
ang nagnenegosyo.
Ang mga katangian at Kasanayang Dapat
Angkinin ng Isang Epektibong Tagapagsalita
• May sapat na kaalaman sa paksa.
• May malaking tiwala sa sarili.
• May tantyadong angkop na kilos at kumpas.
• May maayang tining, preskong tignan, walang
kagarapalan, ni kasupladahan gayundin
mapitagan.
Pag-uulat
• Isang pagpapahayag ng mga pinangalap at
pinag-ipun-ipong kaalamang pinalawak na
matamang pagmamasid sa mga nagaganap.
Pasalitang Pag-uulat
• Nakaka akit ang pag-uulat na ito lalo pa’t ang taga-ulat ay may
katangi-tanging pamamaraan .
• Dapat ay pinakikinggan nilang mabuti ang kaisipang taglay ng ulat.
• Ang paghatol sa anyo, tindig, galaw at pamamaraan na
kinasasalalayan ng ikapagtatagumpay o ikabibigo ng pag-uulat ay
hindi maiiwasan.
• Wastong kaalaman sa palabigkasan at tamang artikulasyon ay dapat
angkinin ng taga-ulat
Ang Diin
• Ito ay bahagyang pagtaas ng tinig sa pagbigkas ng salita o mga salitang
mahahalaga na nais bigyang diin.
• Ang kabilisan at kabagalan ng pagsasalita ay dapat nagiiba-iba.
• Ang kabagalan o kabilisan ng pagsasalita ay nababatay sa paksa at sa
layuning nais ipahiwatig sa mga tagapakinig.
Iba pang dapat Tandaan sa Pasalitang Pag-
uulat
A. Ekspresiyon ng Katawan
B. Ekspresyon ng Mukha
C. Lugar, Temperatura, Ingay at Kaukulang Tingin
Ang Pagtatalumpati
•Tinatawag na talumpati ang anumang uri
ng pagsasalita sa harap ng maramin tao,
mapapribado man o mapapubliko.
•Ang sining ng mahusay at magalang na
pagsasalita sa publiko tungkol sa isang
mahalagang paksa.
Ang mga Katangiang
Dapat Taglayin ng isang
Mananalumpati
•May Interes sa kapaligiran
•May angking kasanayan
•May pulso sa publiko
•May ganap na kaalaman sa paksa
•Mapakiramdam at may pandamang
palapatawa
•Kombersasyunal sa pagsasalita
• Maparaan
• Mabikas ang tindig, malinis ang pananamit
at maginoo ang kilos.
• May diretsong tingin, may kontroladong
boses, may makulay na tono at may
makahulugang kumpas.
• May malinaw na bigkas ng salita
Ang Paksa ng Talumpati
• Angkop sa personalidad, interes at takdang
panahon ng mananalumpati.
• Angkop sa interes, gulang, gawin, karanasan atb.
Ng tagapakinig.
• Angkopn sa okasyon.
Uri ng Talumpati
• Impromptu o Biglaan
• Extemporanyo o Maluwag
• Preparado o Handa
Ang mga bahagi ng
isang
Mapangatwirang
Talumpati
Ang Introduksyon
Ito ang panimula at may layunin gaya ng ss.
• Maihanda ang mga tagapakinig o mambabasa sa gaganaping pagtalakay
sa paksa.
• Pukawin ang kanilang damdamin
• Ganyakin ang kanilang interes
• Siguruhin ang kanilang atensyon
• Maipaliwanag ang paksa
• Mabalangkas ang talakayan
• Maihanda ang kanilang pang-unawa sa mensahe.
Bahagi ayon sa malayuning tungkulin
• Exodium
• Pagsasalaysay
• Proposisyon
• Isyu
• Partisyon
Exodium
• Umaapela sa emosyon ng mga tagapakinig o mambabasa.
• Lumilikha ito ng ugnayang unawaang simpatetiko sa pagitan ng
tagapagsalita at tagapakinig.
• Sumusunod sa bahaging ito ang salutasyon- isang makatawag pansing
panimula tungkol sa paksa na gigising sa interes ng mga tagapakinig
para makalikha ng reaksyong emosyonal paborable sa tagapagsalita.
• Nasa bahaging ito ang tsansa ng tagapagsalita na makapagbigay ng
magandang impresyon para sumidhi ang kuryosidad ng tagapakinig.
Pagsasalaysay
• Ipinapakita ang relasyon ng paksa sa iba
pang mga problema para maipahayag at
maipaliwanag ang mga pangyayaring
nagbibigay-daan sa kahalagahan ng paksa
para talakayin.
Proposisyon
•Magpapaliwanag sa kahulugan ng
proposisyon para maiwasan ang
pagkalito o misintepretasyon.
Isyu
•Nagbibigay daan ang bahaging ito ng
introduksyon sa mahalagang puntong
dapat malinaw para maging maliwanag
at magaan ang unang proposisyon.
•Karaniwang inihahayag nang patanong.
Partisyon
•Naghahayag ng mahalagang punto
na patitibayin para ganap na
mapalutang ang pangunahing
proposisyon sa gawaing talakayan at
mapagtibay ang isyu.
Ang Diskusyon
• Ito ang pinakakatawan sa mapangatwirang panayam.
• Nalalaman o ipinipresenta ang mga ibidensya,
pruweba at argumento.
• Ginagamitan ng prinsipyong panretorika.
• Ang kaisahan, pagkakaugnay-ugnay at pagbibigay diin
ay mahigit na isinasaalang-alang dito.
Konklusyon
•Pangwakas na bahagi ng
talumpati.
•Karaniwang ginagamit ang
pagbubuod.

You might also like