You are on page 1of 5

Aralin 4 Estilo

Tinatawag na style sa wikang ingles. Bawat awtor ay may estilo sa pagsulat, at


bawat ispiker ay may kaniya ring estilo sa pagsasalita. Sa pagsasalita o pagpapahayag ng
isang tao, mababanaag mo sa kaniya ang estilo. Dahil sa estilo, maaaring iyon ang
tumatak sa isipan ng tagapakinig kaya kadalasang nawiwika natin na magaling ang
tagapagsalita.
Sa paraan naman ng pagsulat, bawat manunulat ay may kaya- kanya ring estilo.
Ibigay nating haimbawa si Bob Ong. Simple lamang ang mga ginamit niyang mga salita sa
kaniyang mga akda, para lamang kakwentuhan niya ang mambabasa kung kaya madaling
unawain ang kaniyang akda.

Mga Layunin:
Sa mga leksyong ito, inaasahang matutunan ng mga mag-aaral ang mga sumusunod:

Leksyon 3
Estilo
• Naipahahayag ang relasyon ng mga ideya.
• Naibibigay ang mga katangian ng estilo
• Nauuri ang kahulugan ng isang pahayag.

Pagganyal:
May iba’t ibang estilo ang tao sa pagsasagawa ng mga bagay- bagay. Maging sa
pagsasalita at pagsusulat ay may kanya- kanya ring estilo.
Nasubukan na ba ninyong pansinin ang estilo ng pagsulat ng paborito ninyong
manunulat? Ikaw, ano ang iyong estilo sa pagsulat?
Talakayan:
Kahulugan ng Estilo

Ang estilo ay isang proseso ng masining na pagsasatitik ng mga natuklasan o


naihanay na mga kaisipan o ebidensya. Nauukol ito sa masining na pagpili ng mga
salita, pagbuo ng estruktura ng mga pangungusap, paggamit ng tayutay na
nakadaragdag sa kabisaan at kagandahan ng pagpapahayag.

Ayon kay Brummet (2008), ang estilo ay isang masalimuot na sistema ng mga
kilos, bagay, at ugali na gamit sa pagbuo ng isang mensahe na nagpapakilala kung sino
ang isang tao, kung ano ang nais niyang maging, at kung kanino niya nais maiugnay.
Samakatuwid, ang estilo ang siyang kasangkapan ng isang manunulat o tagapagsalita ng
kaniyang identidad.
Katangian ng Estilo

May pitong (7) katangian ang estilo sa akdang Hermogenes on Types of Style
(1987), tinalakay ni Wooten ang mga estilong ito sa inilatag ni Hermogenes upang
maging mabisa ang isang pagpapahayag.

• Kalinawan

Ito ang kalidad na kung saan ay madaling maunawaan ang isang ideya.
Naipababatid dito ang isang ideya sa paraang madaling maintindihan.
Nagtataglay ito ng dalawang tiyak na katangian:

a. Kadalisayan (purity)- ayon kay Wooten, ipinahahayag ito sa paraang


tila ba nakikipag- usap lamang sa mga tagapakinig o mambabasa.
Gumagamit dito ng mga sugnay na bagama’t maiikli ay buo ang diwa.

b. Pagkanatatangi (uniqueness)- natatangi ito kung napananatili ang


pagkakaiba- iba ng bawat pahayag na nagangahulugan ng hindi pag-
uulit sa kaisipang nasabi na. Makinis din dapat ang transisyon ng mga
kaisipan, may kaugnayan dapat ang kaisipan sa sinusundan nito, at
hindi dapat magkaroon ng ideyang lihis sa paksang tinatalakay.

• Dating o Grandeur

Maaaring maging malinaw ang isang pahayag ngunit karaniwan


lamang ito. Madali ring maunawaan ang diwa nito sa sandaling mapakinggan o
mabasa ngunit hindi tumatatak sa isip kaya naman ay madaling makalimutan
dahil sa kawalan ng bayas at upang maiwasan ang mga ito, binigyan ng diin ni
Hermogenes ang katangian ng estilo na dapat magpaigting sa kalinawan- ang
dating o grandeur.
Ang grandeur ay paglikha ng mas matingkad na damdamin sa
awdyens sa pamamagitan ng mga salitang higit na magpapakilos sa kanilang
pandama o magbubunga ng larawang- diwa sa kanilang kaisipan.
Nakadaragdag din sa grandeur ang tono ng pananalita o ang wastong
intonasyon.
• Kagandahan

Tumutukoy ito sa estrukturang sinusunod sa pagbuo ng isang diskurso.


Ayon kay Wooten (1983), pinagbatayan ni Hermogenes ng isang magandang
pahayag ang estilong peryodiko ni Isocrates. Ang period ay ang ganap na
pagsasama- sama ng iba’t ibang kaisipan upang maging malayang pahayag.
May tatlo (3) itong anyo:
1. Analytical period- nagsisimula ito sa pangunahing kaisipan at
susundan ng isang tiyak na paliwanag.

2. Suspenseful period- kabaligtaran ito ng analytical period sapagkat


sinisimulan ang diskurso sa mga tiyak na sitwasyon at paliwanag at
ipinapanghuli ang pangunahing kaisipan na pinakapunto ng
pagtalakay.

3. Logical period- ang pangunahing kaisipan ay makikita sa gitna.


Sinisimulan ang diskurso sa mga sitwasyong magtataguyod sa
pangunahing kaisipan at susundan ng tiyak na kapaliwanagan
hanggang sa dumako hanggang sa dulo.

• Rapidity (Bilis)

Tumutukoy ito sa bilis ng pagsasalita na maihahalintulat sa ritmo ng isang


awitin.
Hindi dapat parang nakikipaghabulan sa panahon ang isang tagapagsalita
sapagkat maaaring maging dahilan ito ng hindi pagkakaintindihan.

Ang pagsasalita ay dapat magkaroon ng tamang daloy o angkop na bilis


upang mapanatili ang kawilihan ng mga tagapakinig at upang kanilang
maunawaan ang ipinahahayag ng tagapagsalita.

• Karakter

Sa isang dula, ang karakter ay tumutukoy sa papel na ginagampanan. Ang


isang artista, itinatago niya ang tunay niyang pagkatao upang mahusay niyang
magampanan ang karakter niya sa isang pelikula.

Sa pamamahayag, ang katumbas ng karakter ay packaging o ang paglikha


ng publikong imahen na nagsisilbing pagkakakilanlan ng isang broadcast
journalist.

Ang isang tagapagsalita o manunulat ay dapat makalikha ng isang


mahusay na karakter gaano man kasalimuot ang mga pangyayari sa paksang
kaniyang tinatalakay. Dapat ding magpamalas siya ng tatlong (3) katangian

a. Tamis (Sweetness)- makikita sa pamamagitan ng paggamit ng marikit


o magagandang pananalita o matulaing pananalita na kikiliti sa mga
tagapakinig o mambabasa.

b. Pagkabanayad (Subtlety)- paggamit ng mga tumpak o angkop na


mga pananalita sa pagpapahayag ng tkaisipan ng tagapagsalita na
magpapakilala sa kaniyang dunong at kaalaman.
c. Galang (Modesty)- ayon kay Wooten (1983), ito ang magpapakilala at
magpapaniwala sa awdyens na ang tagapagsalita ay likas na mabuti at
mapagpakumbaba na lalong makahihikayat ng kanilang simpatya’t
paghanga.

• Katapatan

Ayon kay Wooten (1983), masasalamin ang katapatan ng isang


tagapagsalita kung spontaneous ang pagbigkas niya ng diskurso. Panatag o
kalmado lamang siyang haharap sa mga tagapakinig at binibigkas lamang ang
kung ano ang nilalaman ng kaniyang puso at hindi kung ano lamang ang
nilalaman ng iskrip. Umaayon din dapat ang kumpas ng mga kamay sa
damdamin ng kaniyang ipinahahayag. Direkta rin siyang tumitingin sa awdyens
upang matapat na maisalin ang kaniyang nais ipahayag.

• May dating

Ito ang estado na kung saan ay nagiging kahanga- hanga, kaakit- akit at
kapansin- pansin ang isang kaisipan.

• Puwersa

Maaari itong pasalita o pasulat. Ang kalidad kung saan nakapagbibigay ng


kahulugan o impresyon sa isang marubdob na paraan ng pagpapahayag. Kung
ang lahat ng mga nabanggit na katangian ay naipamalas ng tagapagsalita o
manunulat, saka pa lang magkakaroon ng puwersa at magkakaroon ng
panghihikayat sa awdyens ang kaniyang diskurso.

Iba Pang Katangian:


• Kaisipan- sa isang paksa lamang nakatuon ang sangkap ng talata. Hindi dapat
magkaroon ng iba pang hatid na mensahe ang binuong talata upang hindi
magbunsod sa kalituhan ng tagapakinig o mambabasa.

• Kaugnayan- lahat ng sangkap sa bubuing talata ay nararapat na


magkakaugnay diwa upang maging mabisa ang isang pahayag.

• Diin- tinatawag din itong emphasis. Binibigyan ng diin dito ang mahahalagang
bagay o puntos sa talata.

• Kawilihan- dapat na makaakit o makahikayat ng kawilihan ng mga bumabasa


ng pahayag

Pahayag
Isang uri ng deklaratibong pangungusap kung saan naghahayag ng ideya ang
isang nagsasalita tama man ito o mali. Maaaring opinyon o saloobin, katotohanan, at iba
pa.
Ito ay nahahati sa dalawang depinisyon, ang kahulugang tekswal at kontekswal.

a. Kahulugang Tekstwal- kung naipararating ang literal na kahulugan ng salita.

b. Kahulugang kontekstwal kung naipararating nang hindi direkta ang kahulugan ng


salita.

You might also like