You are on page 1of 65

Unang Bahagi

BASIKONG KAALAMAN
SA SIKOLOHIYANG FILIPINO
Aralin 1 SIKOLOHIYA NG WIKANG FILIPINO
Mga Layunin: Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. natutukoy ang kahulugan ng sikolohiya ng wikang Filipino;


b. naipapaliwanag ang kahalagahan ng sikolohiya sa wikang Filipino; at
c. naiuugnay ang sikolohiya sa wikang Filipino.

???

Galit, galit na galit, 'di masyadong galit? O ano? Ano 'to? Isang maaaring
palaisipan ang ipinapakita ng babaeng nasa larawan. Maaaring masabing siya'y
galit base sa ekspresyon ng kanyang mukha, mga mata na naglalakihan at kumpas
ng kanyang mga kamay. Ngunit ano ang ating patunay na tayo'y nagsasabi na ang
babaeng nasa itaas ay totoong galit?

Araw-araw nakakasalamuha natin ang iba't bang uri ng tao. Mayroong palaging
galit, nakaismid, nakasimangot, nakataas ang kilay, at siyempre mayroon ding
palaging nakatawa, nagpapatawa, nakangiti, at maging napakalakas humalakhak.
Iba't ibang gawi na nagpapakita ng iba't ibang emosyon ng isang tao. Isang sukatan
palagi ng panghuhusga, positibo o negatibo man ang panlabas na kaanyuan ng pag-
uugaling tao at kasama na rito ang kanyang mga ikinikilos. Sa ganitong sitwasyon,
pumapasok sa pang-araw-araw nating pamumuhay ang sikolohiya. Nagtatanong
tayo. Nag-iisip, namamangha. Bakit ganoon? Ano ang problema? Ano ang
nangyari? Galit siya? Bakit? Kanino? Hindi niya kaya ang problema ? Kung may
problema siya, bakit pati lahat ng tao ay apektado rin?
Pumapasok ang sikolohiya sa lahat ng aspekto ng buhay at sa pag-aaral nito ay
maiintindihan at mabibigyang-kahulugan natin ang kaugalian ng bawat isa
(Lardazabal, 1989).

2
Nilinaw ng “Ama ng Sikolohiyang Pilipino” na si Dr. Virgilio G. Enriquez na ang
Sikolohiya ay tungkol sa kamalayan, ulirat, isip, diwa, kalooban at kaluluwa
(Antonio, 2003 ).

Dr. Virgilio Gaspar


Enriquez, kilala sa tawag na
“Doc E”, ipinanganak sa
Santol, Bigaa, Bulacan noong
Nobyembre 24, 1942 at
yumao noong Agosto 31,
1994 sa California, USA

Tayong mga Pilipino ay minsang naaapektuhan ng kung anumang damdaming


mayroon tayo. Ito ay nagbubugso sa atin upang makapagsalita at makagawa ng mga
bagay na siyang nagpapakita ng ating damdamin. Kasama sa damdamin na ito ay
ang kaalamang nararanasan. Palaging nagsasalungatan ang damdamin at kaalaman.
Ano ang mangingibabaw? Damdamin o kaalaman? Saan at paano dapat
mangibabaw ang bawat isa?

Sa kasalukuyang panahon, isang mahirap na gawain ang pagbitiw ng desisyon. Sa


isang iglap ay maaaring magkaroon ng pagbabago sa buhay ng tao epekto ng
desisyong isinakatuparan. Walang pagdududa na ang sikolohiya ay
nangangailangan ng pag-aaral dahil ito'y isang agham. Kailangan ng matamang
pag-iisip at pag-iimbestiga upang maging patas ang pagbibitiw ng anumang
reaksyong nakikita, narararamdaman at nasasaksihan. Sa madaling salita, ang
damdamin ay tumutukoy sa KAMALAYAN at KALOOBAN. Kasama sa
kamalayan ay ang kaalamang nararanasan ng isang tao.

Mahirap intindihin ang mga nangyayari sa paligid. Maraming mga kalamidad at


krimen ang nangyayari. May pagputok ng bulkan at ang pinakasikat sa buong
daigdig ay ang pangkaganap ng Covid19. Buong mundo ay apektado sa ganitong
kalamidad. Bawat isa ay may kanya-kanyang interpretasyon. Bawat isa ay may
kanya-kanyang iniisip, kanya-kanyang gawi at kanya-kanyang damdamin na
maaring sukatan ng kanya-kanyang personalidad.

Habang nangyayari ang lahat ng ito, pinapakiramdaman natin ang ating paligid.
Tama. Ibig sabihin ang pakikiramdam sa paligid ang tumutukoy sa ULIRAT.
Binibigyan natin ng interpretasyon at pinapakiramdaman ang paligid. Pakiramdam
natin baka huling araw na natin sa buhay. Pakiramdam natin baka darating na ang

3
Panginoon para tayo'y husgahan. Pakiramdam natin malapit nang gumuho ang
mundo.

Ngunit ang lahat ng ito ay puro pakiramdam lang. Muli, dito pumapasok ang
sikolohiya bilang agham. Napag-aralan ng siyensya kung bakit nangyayari ito.
Nangangailangan nang maprosesong pag-iisip bago pumatol sa pakiramdam na
ating nararanasan. Bilang sikolohiya, ang kaalaman at pag-unawa natin ay
tumutukoy sa ISIP. Masaklaw ang pag-unawa at kaalaman ng bawat isa. Bawat isa
ay may kanya-kanyang pag-iisip na maaaring epekto ng maraming salik. Bakit
ganoon ang kanyang iniisip? Akala niya ay makatotohanan na, iyon pala'y nasa sa
isip lang niya. “Feeling” lang 'ika nga ng kabataan sa kasalukuyan. Siya lang ang
nakakaalam ng lahat. Hanggang pakiramdam lang pala niya.

Kumikilos siya, kumikilos hanggang sa makakilos. Mahirap ipaliwanag kung


anong pag-uugali mayroon siya kasama ang kanyang asal. Ang kilos, ugali o asal
ay tumutukoy sa DIWA. Maging kung pag-aaralan ng sikolohiya ang budhi ng
isang tao ay tinutukoy nating KALULUWA.

Ang mga sumusunod na eksperto ay nagbigay ng kani-kanilang depinisyon sa


sikolohiya na makikita sa aklat ni Lardizabal (1989). Ayon sa kanila ang Sikolohiya
ay:

- isang agham ng pag-aaral sa kaugalian at karanasan ng mga organismong


buhay (Hilgard).

- ito'y agham ng kaugalian kasama ang lahat ng uri ng mga pagtugon


(responses) at pagpipigil (inhibitions) ng organismo sa nagaganap na
kalagayan (Rutch).

- ang sikolohiya ay agham ng pag-iisip, pandama at pagkilos (sa ibang


panananalita).

- ang isang sikolohiya ay pag-aaral ng isip, diwa at asal. Isang


siyentipikong pag-aaral ng kamalayan ng tao at tungkulin nito lalo na iyong
nakakaapekto sa kilos, mental na katangian o aktitud ng isang tao o pangkat.

Ang sikolohiya bilang agham ay may iba't ibang layunin din. Ito ay
DESKRISYON at klasipikasyon ng mga kilos-tao, PREDIKSYON ng kilos-
tao, at PAGKONTROLsa mga kilos-tao.

Uri ang Sikolohiya:

4
Dalisay (pure). Ito'y may kinalaman sa pag-unlad at pagtuklas ng mga simulaing
pangkalahatan at mga batas ng kaugalian. Higit itong interesado sa katotohanan
kaysa sa aplikasyon. Ang mga halimbawa ay:

a. sikolohiyang pangkalahatan na tumutukoy sa pangkalahatang


pangkaugalian;
b. sikolohiyang pambata na pinag-aaralan ang mga kaugalian ng mga bata;
c. sikolohiyang pang-adolescent na may kinalaman sa pag-aaral ng mga
adolescent; at
d. sikolohiya ng pagkakaedad kung saan may mga kagulangan naman dito ang
pinag-aaralan.

Alin tayo sa apat na pag-aralan? Ugaling bata? Ugaling adolescent? Ugaling


kagulangan? O pangkalahatang pangkaugalian?

Isa pang uri ng Sikolohiya ay Aplikasyon na ginagamit sa mga praktikal na


sitwasyon ng buhay. Ang pananaliksik ng siyentipiko ay siyang inaasahan para
makabatid at makaunawa. Kasama sa mga halimbawa rito ay:

a. sikolohiyang pang-edukasyon - ang anumang natuklasan dito ay inilalapat


sa edukasyon;
b. sikolohiyang pangnegosyo - sa negosyo inilalapat ang natuklasan;
c. sikolohiyang pang-industriya - inilalapat sa industriya ang mga natuklasan;
at
d. sikolohiya ng pang-aangkop (adjustment) - na naglalapat ng mga natuklasan
ng sikolohiya sa pagtulong sa pag-aangkop ng sarili ng isang tao.

Tinitingnan ng tao sa sikolohiya bilang isang organismo o isang grupong


tagatanggap na mga mekanismo o mga reseptor na tinutukoy na sense organs,
tagapag-ugnay na mga mekanismong binubuo ng palanerbyusan o nervous system
at paladaluyan o circulatory system at tagatugon na mga mekanismong bumubuo
sa mga gland at mga kalamnan; nabubuhay ang tao sa isang sitwasyon, mga
institusyon, mga bagay na pisikal, at ng lahat ng bagay sa ating kapaligiran; at
patuloy na umaangkop dahil palagi nang nagbabago ang kapaligiran na maaari ring
may iba't ibang hulwaran.

May iba't ibang pamamaraan na magagamit sa pag-aaral ng sikolohiya.

Ang introspeksyon ay ginagamit sa pagmamasid sa sariling kalagayan at mga


proseso gaya ng pag-iisip at pagdama; Pagmamasid na palayon kung saan ang
tinitingnan ay ang kaugalian ng iba; Pamamaraang pag- aaral na ginagawa sa
pamamagitan ng pakikipamuhay kasama ang iba katulad ng ginawa ng mga
antropologo na nakipamuhay sa mga tribu; Sarbey- pagkuha ng koro-koro sa

5
pamamagitan ng tanong-sagot; eksperimental- tulad ng eksperimento sa
biyolohiya at pisika, at kasaysayan ng buhay.

Sa kasalukuyang panahon ang sikolohiya ng mga Pilipino ay kinasasangkutan


ng wika na binibigkas na nagpapakita ng kanyang iniisip. Angkanyang kaugalian,
paniniwala, pananaw at iba pa ay tinatawag na Sikolohiya ng Wikang Filipino.

Sa Sikolohiya ng Wikang Filipino, kung gayon, ay ang pag-aaral sa


sikolohiya ng mga Pilipinong bunga ng karanasan, kaisipan at oryentasyong
Pilipino na masasalamin sa biyolohikal, kognitibo, debelopmental, sosyal at kros-
kultural na pagsusuri sa naging pag-unlad at tunguhin ng mga wikang kasangkot
dito (Antonio, 2003).

Bakit?

Ang pagbibigay ng wasto at malinaw na kasagutan sa “bakit” ay isang suliranin.

Ang tanging kasagutang makalulutas sa suliraning ito ay ang makaagham na


paliwanag. Kailangan nating makita kung ano ang pagbabago sa ating
pagkamalay sa ating daigdig tuwing nagbabago tayo ng wikang ginagamit. Sa
ganyan, mauunawaan natin kung bakit nagbabago ang ating kamalayan kapag
nagbabago na tayo ng wika (Antonio et al., 2011).

Maaaring may kinalaman ang wikang ginagamit sa ating kamalayan. Hindi lamang
sapat na malaman na totoong may kinalaman ang wika sa nabanggit. Ito'y kailangan
pa ring gawan ng paglilinaw na isasagawa sa kabuuang ginagamit para maiuugnay
ang mga ito. Katulad na lamang kapag hindi masabi kung ano ang katawagan sa
bagay na namalayan sa ating tabi. Sasabihin na lamang nating may isang bagay
tayong namalayan sa ating tabi samantalang nakaupo sa silyang nasa kanan ng pinto
sa salas ng bahay ni Dr. Porque. Sakaling gusto nating tukuyin ito, may dalawang
paraan tayong maaaring magamit. Una, maaari nating hilahin at sabihin sa
usiserong kaibigan sa pook na kinamalayan ng bagay na hindi alam ang katawagan
at ituro na lamang ang bagay na iyon. Maaaring sabihin na “Iyan ang bagay na ating
namalayan sa ating tabi samantalang nakaupo tayo sa bahay ni Dr. Porque; o maaari
ring sabihin nating “May namalayan akong kuwan doon.”
6
Gawin Natin
A. Batay sa larawan na nakikita, anong interpretasyon ang iyong maibibigay?
Gawan ng isang presentasyon.

B. May limang larawan ng bata na nasa ibaba. Sa mga larawang ito, alin ang
nagpapakita ng totoong ikaw? Ipaliwanag.

7
Subukin Natin
PAGSUSULIT BILANG 1

Pangalan: Kurso/Taon: Iskor:


Oras ng Klase: Petsa

Panuto. Tukuyin kung ano ang isinasaad ng mga sumusunod na halimbawa.


Piliin ang tamang sagot na tinutukoy nito at isulat ang tamang sagot na
letra sa patlang na nakalaan.

8
____1. Sa pagkakagamit ng (A. Sikolohiya B. Sikolohiyang Filipino C. Sikolohiya
ng Wikang Filipino) ay natutukoy natin ang kaugalian ng bawat isa.

____ 2. Nilinaw ng "Ama ng Sikolohiyang Pilipino" na si (A. Virgilio G. Roquez


B. Virgilio G. Enriquez C. Virgilio G. Porquez) na ang sikolohiya ay isang
kamalayan, ulirat, isip, diwa, kalooban at kaluluwa.

____ 3. Bawat desisyong binibitawan ay mahalaga. Nangangailangan ito ng


matamang pag-aaral at tiyak na batayan. Nangangailangan ito ng sikolohiya
bilang isang (A. sining B. kagandahan C. agham).

____ 4 . Anumang damdamin ng isang tao ay naimpluwensyahan ng kanyang


sariling karanasan na nag-uudyok sa kanya ng pagbitiw ng ganoong
reaksyon. Ang damdamin niya ay tumutukoy sa (A. kamalayan B.
kalooban C. a at b).

____ 5. Gumagamit tayo ng ating (A. ulirat B. kamalayan C. kalooban) habang


tayo'y nakikiramdam kung ano-ano ang mga nangyayari sa paligid.

____6. Ang kaalaman at pag-unawa ay isang mahalagang bagay na


nangangailangang gamitin bago ang pagbibigay ng hatol. Bilang
sikolohiya, ito'y tumutukoy na (A. kamalayan B. ulirat C. isip).

____ 7. Maging budhi ng isang tao ay pinag-aaralan ng sikolohiya. Ang budhi


ay tumutukoy sa (A. kamalayan B. kaluluwa C. isip).

____ 8. Ang pagtugon at (A. pagkilos B. pag-alam C. pagpigil) sa isang organismo


na nagaganap sa isang kalagayan ay patunay na ang sikolohiya ay isang
agham ng kaugalian.

____ 9. Ang uri ng sikolohiya na dalisay ay higit na interesado sa (A.


katotohanan B. aplikasyon C. pinag-aaralan).

____ 10. Ang pag-aaal ng siyentipiko ay nakakatulong para matuklasan ang


katotohanan sa praktikal na pamumuhay. Ito'y tinutukoy na uri ng
sikolohiya na (A. katotohanan B. aplikasyon C. pinag-aralan).

9
Aralin 2 KAALAMANG PAGKATAO NG MGA PILIPINO
Mga Layunin: Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. natutukoy ang kaalamang pagkatao ng mga Pilipino;


b. naipapaliwanag ang kaalamang pagkatao ng mga Pilipino; at
c. naiuugnay ang kaalamang pagkatao ng mga Pilipino.

Talakayin Natin
10
Maraming dayuhan ang nanakop sa bansang Pilipinas. Nandiyan ang mga Kastila,
Amerikano, Hapones at iba pa na may dalang impluwensya sa kultura, wika at
kabuuang pagkatao ng mga Pilipino. Nakilala natin ang Panginoon, naging malaya
sa pagpapahayag ng niloloob at iniisip at nagkaroon ng pagmamahal sa pagsulat na
naging isa sa mga pamamaraan upang maipakilala ang kulturang Pilipino. Wika,
paniniwala, tradisyon o kaugalian, pagkain, sining, kasuotan, relihiyon ay
halimbawa ng ating kultura. Lahat ng ito ay tatak ng pagkataong Pilipino. Ika nga,
“Huwag kalimutan ang sariling atin, marapat lang itong alagaan at muling
buhayin.”

Ang pagkataong Pilipino ay ipinapakilala ng pagkakagamit ng wika. Naging


makapangyarihan ito sa pagpapahayag ng sarili, pagkakaintindihan ng bawat isa,
pagpapahayag ng nakaraan, kasalukuyan at maging sa hinaharap. Gamit ang wika,
nagkaroon ng kanya-kanyang interpretasyon batay sa pagkakaintindi kung ano ang
nais iparating ng kausap, berbal man o di berbal. Kasama sa berbal na
komunikasyon ay ang pagkagamit ng kilos o galaw ng ating katawan maging ang
representasyon ng bawat isa nito.

Pagkatao at Katauhan

“Madali ang maging tao ngunit mahirap ang magpakatao.”

Makatotohanan, binigyan tayo ng hininga ng Panginoon para mabuhay.


Pinakamataas na nilikha ng Panginoon na may kakayahang kontrolin ang isip at
emosyon. May kakayahang bumigkas at gamitin ang wika sa pakikipagtalastasan.
Naiimpluwensyahan tayo ng mga taong nakapaligid sa atin. Ang pagpapahayag
natin ng ating sarili ay nababatay sa kung ano ang mga salik na nasa paligid. Tao
tayo ngunit kung minsan, nahihirapan kung paano maiangkop ang sarili sa iba.

Ang pagkatao, katauhan o persona, sa isang kolokyal na pananalita, ay


kadalasang kasingkahulugan ng tao.

Ang personalidad ay mga gawi o mga katangiang pansikolohiya. Ito ay


mekanismo sa loob ng indibidwal na isinaayos ay nakakaimpluwensiya sa
pakikipag-ugnayan o pakikisalamuha at pakikibagay o pag-akma sa mga
kapaligirang intrasikiko, pisikal, at panlipunan (Larsen & Buss, 2008).

Wika ng Katawan

Ang wika ng katawan o pananalita ng katawan ay isang uri ng pagpapahayag o


komunikasyon na hindi ginagamitan ng mga salitang binibigkas o isinusulat.
Binubuo lamang ito ng manerismo o kilos ng katawan, tindig o tikas, at anyo o
hitsura ng mukha.

11
Ang mga ito ay kilos o galaw ng bahagi ng katawan, katulad ng kamay, bahagi ng
mukha, galaw ng mata, tayo, asta o bikas ng buong katawan na nagpapakita o
nagpapahiwatig ng ibig sabihin o nais gawin, tinatawag itong komunikasyong
kinesiko - isang makaagham na pag-aaral ng galaw o kilos at ekspresyon ng
katawan.

Sa pakikipag-ugnayang na hindi ginagamitan ng mga salita, nagaganap ang wika


ng katawan sa tuwing may nakakaharap na tao. Nagsasabi ito ng kanyang tunay na
damdamin. Nagbibigay kaalaman kung paano natatanggap ng ibang tao ang mga
salitang binitawan o binigkas.

Umaabot sa 60 hanggang 80 bahagdan ng mga mensahe ang naipapakita at


naipababatid sa pamamagitan ng wika ng katawan. Tanging 7 hanggang 10
bahagdan lamang ang mga salitang binabanggit na mga salita sa isang usapan o
huntahan. Kaya't mahalaga ang kakayahang basahin o unawain at ipaliwanag ang
wika ng katawan ng tao upang magkaroon ng mabuting pagtanggap.

Sa larangan ng sikolohiya, ito ay walang pagsasalitang pagsisiwalat,


pagpapabatid, at pamamahagi ng kabatiran o impormasyon sa pamamagitan ng
sinasadya (habang may malay-tao, gising, nakakaramdam, mulat, at may ulirat) o
hindi namamalayang mga galaw, kumpas, tindig, at iba pang kilos ng katawan o
mga bahagi nito.

Ang "wika ng katawan" ay pagpapahayag ng mga tahimik na pabatid o


mensaheng hindi binabanggit o binubukambibig na pasalita gamit ang mga kilos ng
katawan. Kasama sa pinapamalas ay ang wangis, bikas, o hilatsa ng mukha (katulad
ng kiyâ, ismid, ingos, at iba pang mga katulad nito), tunog, tono at kahinaan o
kalakasan ng tinig, at iba pa. Ang mga ito ay impormal na anyo ng komunikasyong
hindi nakasandig sa kultura. Ipinapahayag ang damdamin, emosyon, motibo, at
mgakaisipan sa pamamagitan ng mga pagbabago ng hitsura ng mukha, mga
kumpas, tikas, posisyon ng katawan, at iba pang mga hudyat na hindi ginagamit ng
salitang binibigkas ng bibig.
Ang pagkataong Pilipino ay binubuo ng mga sumusunod na magkakaugnay
sa bawat isa.

12
labas

Istruktura ng
kaluluwa Pagkataong budhi
Pilipino

loob

Pagtatakda ng mga Bahagi ng Katawan

Ang pagkataong Pilipino ay nabuo ayon sa konseptong tambalan ng labas at


loob. Bawat bahagi ng katawan ay may kanya-kanyang gamit.

Mukha at Isipan

Bawat bahagi ng mukha ay may kanya-kanyang kakanyahan sa


pagkakagamit katulad ng noo, kilay, pilikmata, ilong, labi, dila, ngipin, nguso, baba
at pisngi. Ang halimbawa nito ay:

Sa mukha nasasalamin ang samu't saring karanasan. Salamin ang mukha ng


damdami't kalooban ng pagkakataong nililok ng kulturang karanasan.

Labas, Loob at Lalim


Labas Loob

mukha Isipan
dibdib puso
tiyan bituka
sikmura atay

13
Lalim

kaluluwa budhi
May sariling kakanyahan ang mukha gaya ng hayag na mukha na walang tinatago
o walang mukhang ipakita-kahiya-hiya. Ang mukhang Pilipino ay nangungusap
ng sariling pagkatao ayon sa kapahayagan ng iba't ibang bahagi nito.

Ang utak ay nakaugnay sa isipan at ang isip ay ang pinagmumulan ng diwa,


kamalayan, ulirat, talino, at bait. Ang pag-unawa ay nakuha sa pag-iisip at ang
isip ang pinagmulan ng diwa, kamalayan, ulirat, talino, at bait. Sa pag-iisip din
nakasalalay ang pag-uunawa. May mga parirala tulad ng mataas mag-isip, walang
malay, matalino, bukas ang kamalayan, atbp. Ito'y hindi lamang nagsasabi ng
intensyon kundi sa kanyang pagkilos at gawa na maaaring pino, magaspang,
garapal, magaslaw, makatao, maka-Diyos, at makabayan. Ang mga ito ay
nagpapakilala rin ng pagkatao.

Puso at Dibdib

Pag-iisang dibdib ang tawag sa pag-aasawa ng mga Pilipino at hindi pag- iisang
puso. Nangangahulugang ang pag-aasawa ay dibdiban at hindi biro. Maliban dito,
ay mayroon ding sinasabi na maluwag ang dibdib, masikip ang dibdib, at mababang
dibdib. Hindi nangangahulugan ng malaki ang hinaharap kung may mababang
dibdib. Ang dibdib ay ang pandama ng damdamin.

Dito sa Pilipinas, ang buhay ay kaugnay sa pagsanib ng kaluluwa at pagkalagot ng


hininga. Katulad ng mga halimbawa na matabang puso, walang puso, isapuso,
mahabaging puso. Ito'y mga halimbawa ng pagkatao.

Tiyan at Bituka

Malaki ang tiyan, ay maaaring nagsasabi na ang tao ay busog, matakaw, may
bulate sa tiyan, o mapagkamkam. Ang katambal nito na maliit ang tiyan o walang
tiyan ay maaaring may kahulugan na gutom, mahirap, o kulang sa kain.

Ang bitukang sala-salabid ay nangangahulugan ng buhay na punong-puno ng


balakid. Naglalarawan ito ng kalagayan ng pagkatao.

Sa kanluranin ang puso ay kaugnay ng buhay. Ang pagtibok ng puso ay tanda ng


buhay, hindi tulad natin na ang buhay ay nakaugnay sa pagsanib ng kaluluwa at
pagkalagot ng hininga.

14
Sikmura at Atay

Malakas, masama, mahapdi o maasim ay iilan lamang sa mga pariralang


nakaugnay sa sikmura. Nangangahulugan lamang ito na ang sikmura ay di mabuti
ang pakiramdam. Ang mahapding sikmura o nangangasim, ay maaaring
nangangahulugang hindi matanggap ang isang bagay. Malakas ang kanyang
sikmura kung natatanggap ng tao ang lahat, lalo na ang mga pangyayaring karumal-
dumal.

Ang sikmura ay may kinalaman sa pagduwal o pagsusuka o di matanggap ng


sikmura ang pagkaing nilulon. Bahagi ng katawan ang sikmura na ginagamit na
pantantiya ng damdamin, pag-iisip, kilos, at gawa ng ibang tao.

Ang atay naman ay ginagamit na panawas sa mambubunong upang makamit


ang magiging kapalaran ng isang desisyon katulad ng kung itutuloy ang
pagdaraos ng pishit o pangangaso. May kinalaman ito sa kulay ng atay. Kung
madilaw ang atay, ay magtatagumpay ang isasagawang balak; maitim na atay,
sakuna ang susuungin. Gayundin ang taong may maitim na atay ay walang
pakundangan sa kanyang ginagawa.

Ang katawan ng tao ay naglalaman ng kaluluwa at budhi.

Kaluluwa at Budhi

Sa pag-aaral ni Manuel, ang salitang kaluluwa, ikararuwa o kararua at inikaduwa


ay buhat sa salitang duwa, “two” dahilan sa dalawa ang kalagayan nito. Una, ay ang
tambalan ng kaluluwa at katawan, at ang pangalawa ay ang pansariling kalagayan
ng kaluluwa.

Sa pag-aaral naman ni Salazar, ang kaluluwa ay batis ng buhay at ginhawa.


Ang Cebuanong salitang ginhawa ay “hininga” ang salin sa Tagalog. Ang mga
Pilipino ay naniniwala na ang pagkamatay ng isang tao ay dahilan sa pagkalagot ng
kaniyang hininga.

Sikolohiya ng Pagkataong Pilipino

Ang pagkatao ng isang Pilipino ay maaaring nababago kung siya ay linalangkapan,


sinasapian o sinasaniban. Ang pagbabago ng pagkatao ay nananatiling isang hula
lamang sapagkat hindi pa lubos kung anong prosesong pisikal ang pagbabago. Ito'y
isa lamang palatandaan na ipinapahiwatig sa pagbabago ng damdamin, isipan,
kilos, gawa pati na ang wika. Ang mga pagbabagong ito ay itinatakda ng iba't ibang
bahagi ng katawan, at ng kaluluwa.

15
May dalawang klase ng pagkataong Pilipino. Ito ay likas na pagkatao, at
pagkataong may sapi.

Ang likas na pagkatao (human nature) ay tinutukoy na kalikasan ng tao. Itoý isang
katutubo o taal na ugali, sariling katangian na natatangi upang matawag ang isang
nilalang bilang tao. Kasama sa mga katangiang ito ay ang paraan ng pag-iisip,
pandama, at pagkilos na taglay nito.

Isang katanungan sa pilosopiyang kanluranin kung ang mga katangiang ito ay


napapanatili lalo na kapag itoý naiuugnay sa etika, politika, at teolohiya.
Nangangailangan ito ng pamantayan o sukatan para makapamuhay nang mabuti.

Isang katotohanan na likas sa taong nag-iisip ay nag-aasam ng katotohanan para sa


katotohanan, inaalam ang mga bagay na nagpapabago sa buhay, umaasam na ang
pag-alam sa katotohanan ay magiging ganap na sandata para malaman kung alin
ang totoo, na yaong pinakarurok ng pagkakaroon ng bagay na maisasanib sa
kanyang pagkatao.

Gawin Natin
A. Bilang mga Pilipino, naniniwala ka ba na ang tao ay maaaring magbago kapag
ito'y sinasapian o sinasaniban? Gawan ito ng pananaliksik at ilahad.

B. Sa lahat na bahagi ng katawan, alin sa palagay mo ang pinakaimportante sa


lahat?
Paano ito ingatan? Gawan ng pananaliksik at ipaliwanag.

Subukin Natin
PAGSUSULIT BILANG 2

Pangalan: Kurso/Taon: Iskor:


Oras ng Klase: Petsa

MARAMING PAGPIPILIAN: Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na


tanong at tukuyin kung ano ang isinasaad ng mga halimbawa. Piliin ang tamang
sagot na tinutukoy nito at isulat ang tamang sagot na letra sa patlang na nakalaan
(10 pnts).
__________1. Ang pagkataong Pilipino ay ipinapahayag sa pagkakagamit ng (A.
wika B. kilos C. ekspresyon).

16
__________ 2. Ang salitang pagkatao ay nangangahulugan (A. wika B. gawi ng
tao C. loob ng indibidwal).

__________3. Ang kasabihang “madali ang maging tao, ngunit mahirap


magpakatao”, ay nagpapakita na (A. ang buhay ay napakadali B.
ang buhay ay nangangailangang iangkop sa mga taong nasa iyong
paligid C. ang buhay ay mahirap dahil tao ka na mahina at
marupok.

__________ 4. May (A. 60-70 B. 70-80 C. 60-80) porsyento ang pakikipag-usap


gamit ang wika ng katawan.

__________ 5. Ang pinakamaliwanag na katangiang taglay ng tao ay (A.


kamalayan ng isip B. bahagi ng katawan C. utak) na karaniwan
kasama dito ang plano, mithiin, hangarin, pag-asa, takot, at iba pa.

__________6. Ang pagkataong Pilipino ay nabuo sa tambalan ng (A. labas at loob


B. loob at lalim C. labas at lalim).

__________7. Sa ( A. puso B. utak C. mukha) nasasalamin ang iba't ibang


karanasan ng isang tao.

__________8. Ang mga Pilipino ay naniniwala na ang ang pagtibok ng puso ay


tanda ng (A. buhay B. pagmamahal C. pagsanib ng kaluluwa
at pagkalagot ng hininga).

__________9. Ang pagbabago ng bahagi ng katawan ay maaari ring may


pagbabago sa ( A. damdamin B. isipan C. lahat).

_________10. Ang (A.isip B. puso C. budhi) ay ang pinagmumulan ng diwa,


kamalayan, ulirat, talino at bait ng isang tao.

17
18
Ikalawang Bahagi

SOSYOLINGGWISTIK
NA PAG-AARAL SA WIKANG
FILIPINO

Aralin 3
MGA SALIK NA NAKAIMPLUWENSYA SA PAGKAKAIBA-IBA
NG MGA WIKA SA PILPINAS

19
Mga Isla sa Pilipinas

Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. nakapagbibigay ng opinyon o pananaw kaugnay sa mga napakinggang


pagtatalakay sa mga salik na nakakaimpluwensya sa pagkakaiba-iba ng
mga wika;
b. nasusuri ang iba’t ibang pananaw tungkol sa iba't ibang dimensyon at
makapagbigay ng mga halimbawa; at
c. nalinang ang kakayahan ng mga mag-aaral sa kritikal na pag-iisip sa
pagsusuri sa mga isyung may kaugnayan sa pagkakaiba-iba ng mga
wika.

Ang wika ay nagkakaiba-iba dahil sa mga taong gumagamit nito. Sinasabing


nagkaroon ng baryasyon o pagkakaiba-iba ang wika dahil sa lokasyong kinalalagyan
ng tao o grupo ng mga taong gumagamit nito. Ang mga taong nabibilang sa isang
komunidad at gumagamit ng iisang wika ay maaaring magkaroon pa rin ng
pagkakaiba sa paraan ng kanilang pagsasalita-estilo, tono, punto atbp. Halimbawa
dito sa Iloilo; ang mga tagasiyudad ay gumagamit ng Hiligaynon samantala ang
tagaprobinsya ay gumagamit ng Kinaray-a. Ang Kinaray-a na ginagamit ng mga
tagaprobinsya ay nagkakaiba-iba ayon sa mga tagapagsalita nito. Iba ang Karay-a sa
Alimodian, Leon kaysa Kinaray-a ng mga taga-Pavia, Maasin, Passi at iba pang
lugar sa probinsya.
Ang tao kahit nabibilang sa isang lipunan ay iba-iba ang paraan ng pagsasalita.

20
May Tatlong Dimensyon ang Pagkakaiba-iba ng Wika

1. Dimensyong Heyograpikal

Ang terminong heograpiya ay tumutukoy sa mga katangiang pisikal ng isang lugar


na kinatitigilan ng isang pangkat ng mga tao. (Rubin, 2002) May limang
importanteng bagay tungkol dito: kinaroroonan, lawak, hugis, topograpiya at
klima. Ang Pilipinas ay napapaligiran ng mga dagat at karagatan dadil nasa gitna
ito ng rehyong Timog-Silangang Asya. Dahil dito naging daungan ito ng mga
sasakyang- dagat at panghimpapawid. Para sa mga manlalakbay o biyahero,
negosyante o mangangalakal ay kombinyenteng makakarating rito.

Sa dimensyong heyograpikal o pagkakahiwa-hiwalay ng lugar, nagkakaroon ng


baryasyon ng wikang ginagamit ng mga tao. Katulad ng Pilipinas na
napaghihiwalay ng katubigan o kabundukan kung kaya nakapagdulot ito ng
maraming wikain sa bansa. Ang paglilipat-lipat ng tirahan ng tao sa ibang lugar
dahil sa kalamidad o di kaya giyera ay isa pang dahilan. Ang mga pangyayaring ito
ay naging dahilan upang magsama-sama ang magkaibang grupo ng tao.

Ang pagkahiwa-hiwalay ng mga kapuluan sa Pilipinas ang sinasabing


pinakamatinding sagabal sa pagkakaroon ng iisang wika sa Pilipinas. Idagdag pa
ang ibang salik gaya ng: Paghiwa-hiwalay ng mga lugar dahil sa ilog, bundok, lawa,
kagubatan at burol. Nagkaroon din ng sari-saring kultura ang bawat tribu.

Ang Pagkabuo ng mga Dayalek

Isa sa mga madalas na dahilan sa pagkakaroon ng mga subgrupo ng isang wika ay


sosyo-heograpiko. Rehiyunal na dayalek ang tawag sa pag-uuring batay sa wikang
sinasalita ng isang grupo ng tao sa isang lipunan (Rubin, 2002).

Ang pagkakaiba-iba sa loob ng isang wika sa punto ng aksent, leksikograpiya,


punto, pagbigkas, pagbibigay-kahulugan sa ilang salita ay tinatawag na Dayalek.
Dahil sa pagiging kapuluan ng Pilipinas nagkaroon tayo ng isang daang wika at
humigit kumulang sa 400 dayalek.

Ang Karay-a halimbawa ay isang uri ng dayalek ngunit pansinin na iba ang tono
at aksent ng mga taga-Passi sa tono at aksent ng mga taga-Alimodian, Leon, at
Antique at iba pang probinsya ng Iloilo kahit pareho silang gumagamit ng Kinaray-
a.
Ang dayalek na ito na tinuturing na unang wika ng isang tao ay naka impluwensya
din sa tono, aksent at paraan ng kanyang pagsasalita.

21
B. Dimensyong Sosyo-Ekonomiko

Ang dimensyong sosyo-ekonomiko ay dulot ng pagkakaiba-iba ng


kalagayan at katayuan ng isang tao sa lipunan. Dahil dito nabubuo ang mga
sosyolek. Ang mga taong may iba't ibang interes, gawain, hanapbuhay, estado sa
buhay ay may malaking kaugnayan sa baryasyon ng wika. May barayti ng wika
ang mga nakatataas, masa, tambay, babae, lalaki at iba pa.

May mga taong bantog sa kanilang idyolek:

 Kabayan Noli de Castro


 Mike Enriquez
 Mareng Winnie
 Kris Aquino
 Ruffa Mae Quinto
 Vice Ganda
 Boy Abunda

Halimbawa:

“Siguro nga ammm…dapat tayong magkaisa ok…Ito ay ammm….susi sa


pagkakaroon ng katahimikan sa bansa, ok? Kung hindi ngayon, ammm…kailan pa
kaya? Dapat ay ngayon na, ok?

C. Dimensyon ng Kontekstuwal

Ang dimensyong kontekstwal ay baryasyong nagaganap sa loob ng isang


indibidwal. Nagkaroon ng pagkakaiba sa pananalita ng tao batay sa sitwasyon o
kontekstong kinasasangkutan niya. Halimbawa: sino ang ating kausap, ano ang
paksang pinag-uusapan, at saan nagaganap ang usapan. Dito papasok ang
tinatawag nating Tenor of discourse at Mode of discourse.

Tenor of discourse - tumutukoy ito sa relasyon ng mga taong nag-uusap sa isang


sitwasyon. Ang relasyon ng mga taong nag-uusap ay nakakaimpluwensiya ng
malaki sa paggamit ng pormalidad ng wika.

Halimbawa: Ang pakikipag-usap sa kasing edad o gulang ay naiiba sa


pakikipagusap sa nakatatanda. Madalas gumagamit ng po at opo upang ipakita ang
paggalang na hindi naman ginagamit kung ang kausap mo ay isang kaibigan o
kakilala o kasing edad mo lamang o mas nakakabata sa iyo.

22
Mode of discourse - tumutukoy ito sa paraan o kung paano nag-uusap ang mga
tagapagsalita -pasulat o pasalita. Sa pasulat madalas ay pormal ang mga salitang
ginagamit kung ihahambing sa pasalita.

Halimbawa: Ang sariling paraan ng pagsasalita sa klase ay hindi maaaring


gamitin kung sumusulat ng isang pormal na sanaysay. Maaari ring isaalang-alang
sa kontekstong ito ang modelo ni Dell Hymes na tinawag niyang S.P.E.A.K.I.N.G.

Barayti at Baryasyon ng Wika

Ang speech variety o barayti ng wika ay tumutukoy sa anumang kapansin- pansin


na anyo ng wika o uri ng pananalita ng isang tao o grupo ng taong gumagamit nito.
Kadalasan ay nakikita ito sa pagbigkas, intonasyon, estilo, pagbuo ng mga
pangungusap at bokabularyo.

A. Idyolek - Ang kapansin pansin na paraan ng paggamit ng wika o nakagawain


na pananalita ng isang tao na yunik sa kanya. May mga taong kilometriko at
mabulaklak kung magpahayag. May mga ilan ding nakagawiang magsalita
nang malakas o 'di kaya ay mahina. Mayroon ding mga tao na may isang
salitang nakasanayan nang banggitin nang paulit-ulit sa bawat linya ng kanilang
pangungusap.

Halimbawa: Sa hapong ito ahmm, tatalakayin nating ang tungkol sa


ahmm, lagay ng panahon okey pagkatapos ahmm
pagusapan din natin ang okey…

B. Dayalek - ang barayting ito ay inuuri ayon sa lugar, panahon at katayuan sa


buhay ng mga taong nagsasalita at kabilang sa isang heyograpikal na
komunidad. Tinatawag din itong panrehiyunal o wikain. Ang dayalek ay
palasak sa isang lugar o sa buong kapuluan. Ito ay unang wikang kinagisnan sa
tahanan, pamayanan at lalawigan. Ito rin ang wikang namumutawi sa bibig ng
mga tao, ng mga magulang sa tahanan at sa sambayanang Pilipino.

Halimbawa ang Tagalog ay isang wika na sinasalita sa Kamaynilaan, ang mga


dayalek nito ay ang Tagalog-Batangas, Tagalog- Cavite, TagalogNueva
Ecija, Tagalog-Bulacan, Tagalog-Laguna at Tagalog-Quezon.

C. Sosyolek- Sosyolek- sinasabi naman itong pansamantalang barayti. Tinatawag


itong pansamantala dahil nadedebelop ito sa pamamagitan ng malayang
interaksyon at sosyalisasyon natin sa isang partikular na grupo ng mga tao, wika
ng mga beki o gay lingo.
Halimbawa:
23
-Allergy (Galis para sa mahihirap)
- gravy (sarsa para sa ordinaryong tao)
- slim (tawag sa mga payat na tao)
- Indiana Jones - nag-indian,
- churchill- sosyal
- bigalou- malaki
- givenchy- pahingi
- Juli Andrews- nahuli
- cono o conotic o conyospeak (isang barayti ng Taglish)

“You make basa kasi para you know naman, ok?”


“It's so haba na naman ang linya for sure”

D. Ekolek- tumutukoy ito sa mga salita na kadalasang nagmumula o


sinasalita sa loob ng bahay.

Halimbawa: inihaw/sugba, Tinola/ sinabawan/ sinigang

E. Pidgin- ito ay tumutukoy sa wikang walang pormal na estruktura. Nadedebelop


ito dahil na rin sa pangangailangan na makabuo ng isang pahayag. Kadalasan,
napaghahalo-halo ng nagsasalita ang kanyang unang wika sa wikang sinasalita
ng isang komunidad ng bagong kinabibilangan niya
-nagaganap ito sa dalawang taong may magkaibang unang wika na
nagtatangkang mag-usap ngunit hindi magkaintindihan, na nagbubunga
ng tinatawag na makeshift language.

Halimbawa: (Filipino-Chinese)
-Kayo bata aral buti para laki ganda trabaho.
-Ikaw bili bag mura lang ito.
(English-Nigerian)
-I no no-I don't know
-I no sabi- I don't understand
-I dey fine- I'm fine. I'm doing well

F. Etnolek- barayti ito ng wika na nadedebelop mula sa mga salita ng mga


etnolinggwistikong grupo.

Halimbawa: Waray, Bukidnon, B'laan, T'boli


G. Creole- isang wikang nagsimula sa pagiging pidgin ngunit paglaon ay nalinang
at lumaganap sa isang lugar hanggang sa ito na ang magiging unang wika.
Nadebelop na ang pormal na istruktura sa puntong ito.
24
Halimbawa: Chavacano (Tagalog at Espanyol)
Palenquero (African at Espanyol)

H. Rejister - ito ay tumutukoy sa mga salita na espesyalisadong nagagamit


sa isang partikular na domeyn. Ang mga salita na ginagamit ay
maaaring hinggil sa mga teknikal o espesyalisadong salita na ginagamit
ng mga taong nasa partikular na disiplina o larangan.

Halimbawa: Ang rejister na ginagamit ng mga guro sa akademya ay


naiiba sa rejister na ginagamit ng mga nars at doktor sa
medisina pati na rin sa rejister na ginagamit ng eksperto sa
kompyuter.

Ang guro ay madalas gumamit ng terminong: mag-aaral o estudyante,


takdang-aralin o asaynment, lesson plan; ang abogado: kleyente, depensa, abeyance,
sobpuena; ang doktor: pasyente, preskripsyon, benign, malignant atbp. Ito ay mga
espesyalisadong termino na madalas ginagamit at nababanggit sa kani-kanilang
propesyon.

A. Talakayin ang tatlong dimensyong naka ipluwensya sa pagkakaiba-iba ng mga


wika sa Pilipinas ayon sa sariling pagkaunawa.
1. Dimensyong Heyograpikal

2. Dimensyong Heyograpikal

25
3. Dimensyong Kontekstuwal

B. Ano ang naging epekto ng pagkakahiwa-hiwalay ng kapuluan sa ating wika?

C. Bigyan ng mga halimbawa ang mga sumusunod na Barayti ng Wika:

Dayalekto
Idyolek
Sosyolek
Etnolek
Ekolek
Pidgin
Creole
Rejister

D. Manood ng TV shows o sitcom. Magtala ng sampung salita na ginamit ng tauhan


at tukuyin kung anong barayti ng wika ang ginamit.
Tauhan Salita Barayti ng Wika

E. Maghanap ng kapareha. Mag-isip ng mga kilalang tao na bantog sa kanilang


Idyolek. Gumawa ng dayalogo at gayahin ang paraan ng kanilang pagsasalita.
Aralin 4
26
PAG-UNLAD AT PAGBABAGO NG WIKA AT KULTURANG
PILIPINO

Mga Layunin: Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. natutukoy ang kahulugan at kahalagahan ng wika sa kulturang Pilipino;


b. natutukoy ang mga salitang hiram mula sa mga banyagang bansa at
impluwensya ng mga ito sa wikang Pambansa.
c. natatalakay ang sariling pananaw ukol sa pagbabago at pag-unlad ng
wikang Filipino;
d. nasusuri ang mga pananaw ng iba't ibang awtor ukol sa pagbabago at pag-
unlad ng wika at kulturang Pilipino; at
e. napalalim ang kamalayan ng mga mag-aaral sa epekto ng wikang sinasalita
sa indibidwal na identidad, kultura at lipunan.

Talakayin Natin
Sinasabing makikilala ang edukasyon, talino, kultura, ng isang tao batay sa wika
na kanyang ginagamit. Maaaring ang pagkakaiba ng wika ng isang tao ay batay sa
kulturang taglay nito. Ano nga ba ang kultura at paano ito naka- impluwensya sa
ating wika?

Kulturang Pilipino

Ano ang Kulturang Pilipino? Walang isang tiyak na kasagutan na makapaglilinaw


sa katanungang ito. May mga nagsasabi na mula ito sa paghahalo ng mga
elementong kanluranin at silanganin at lubhang maka-kanluranin nga ito. Maaaring
totoo ang pagpapakahulugang ito para sa mga Pilipino na nasa urban centers o mga
Kristiyano sa kapatagan. Ngunit para sa mga tribu o pangkulturang komunidad sa
mga kabundukan at mga Muslim, hindi maaring basta gamitin ang huling pagtingin
(Rubin, 2002). Ang grupong ito ay lumaban at tumanggi sa simula pa lamang sa
sistema at kultura ng mga mananakop.

May mga dahilan na dapat isaalang-alang sa pagbibigay ng depinisyon sa


kahulugan ng kultura. May pagpapakahulugan na akma lamang sa isang grupo
ngunit hindi para sa lahat.
Ayon kay Foronda (1975) na makikita sa aklat ni Rubin (2002), parang mosaic ang
kulturang Pilipino. Kumakatawan sa mga katutubong istratum at mga impluwensya
27
ang mga maliliit na batong nasa loob ng isang mosaic na bumubuo sa isang multi-
dimensyonal at kompleksikong larawang katulad ng larawang Pilipino.

Ang kulturang Pilipino ay maibabatay natin sa pangkalahatang pagtingin ayon sa


mga sumusunod na pananaw:

 bunga ng patuloy na pagdaloy ng mga impluwensyang iniluwal ng panahon


hanggang sa kasalukuyan na nagmula sa labas ng heograpikal na hangganan
ng bansa.
 ang mga impluwensya ng nakaraan at kasalukuyan na patuloy na naging
bahagi ng buhay ng mga Pilipino kayat mahirap nang ihiwalay at naging
natatanging karakter at ugaling Plipino.
 bagamat matagumpay na naasimileyt sa kabuuan ang impluwensya ng
nakaraan at kasalukuyan, at may iba't ibang antas ng pagpasok na ito ng mga
impluwensya sa mga rehiyon at mga uri sa lipunan na higit na nakaapekto sa
mga sentro ng mga rehiyon habang lumiliit para sa mga liblib na lugar,
nagbigay pahintulot naman sa mga may edukasyon at yaman sa buhay.

Si Horacio de la Costa (1961) ay may nabuong heneralisasyon tungkol sa kulturang


Pilipino.

 Ang kulturang Pilipino ay binubuo ng mga elementong iba iba ang


pinagmulan.
 Hindi nananatili sa orihinal nitong anyo ang pangkulturang panghihiram sa
labas.

Ang lahat ng aspektong ito (ang proseso ng pagkakaroon ng mamamayan, iba't


ibang patern ng pakikipagkalakalan sa mga karatig bansa ang liit o laki ng
penetrasyon ng sistema ng pananakop ng mga Kastila at Amerikano) ng ating
kasaysayan.

Ang maaaring magtukoy ng isang pambansang kultura na magkakatulad sa buong


Pilipinas kaya dapat asahan ang horizontal at materyal na baryasyon.

Sa kabila ng pananakop ng mga dayuhan sa bansa ayon kay Alegre, hindi nasakop
ang kultura ng mga katutubo. Ang pananatili ng wika ng mga katutubo sa loob ng
napakaraming taon ng pagiging kolonya ay patunay na nanatiling buhay ang
katutubong kultura ng mga katutubong Pilipino. Kahit naging dominante ang
wikang dayuhan ni hindi nasira ang kultura ng mga katutubo. Nanatiling buhay ang
wika ng kanilang lokalidad. Patuloy na naging buhay, buo, matatag ang wikang
Filipino at nanatiling may integridad ang kulturang Pilipino.

28
Epekto sa Wika ng Pandarayuhan ng mga Banyaga

Ayon sa kasaysayan bago pa dumating ang mga Kastila sa Pilipinas, dumadayo na


ang mga Intsik sa Kamaynilaan, Batangas, Mindoro at Sulu. Ganoon din ang mga
Orang Dampuan, Orang Banjar, India, Arabe, Hapones, Ban Siam, Tongkin,
Sumatra at Java.

Karamihan sa mga banyagang pumaparito noon ay mangangalakal at


nakikipagpalitan ng kanilang mga produkto sa paraang barter. Ang mga Orang
Dampuan ay kilalang mandaragat at dala nila ang impluwensya sa kanila ang
kabihasnang Hindu.

Ang mga Orang Banjar ang dumating sa Sulu at nakipagkalakalan doon. Walang
tuwirang ugnayan noon ang Pilipinas at India subalit sumapit sa Pilipinas ang
kulturang Indian dahil sa Indones. Malakas sa kanila ang impluwensya ng
Imperyong Shri-Visaya at Imperyong Madjapahit. Humigit kumulang sa 350 salita
sa ating wika ang hango sa Sanskrito. Ang Sanskrito ay sinaunang wika ng mga
Indian.

Ayon sa kasaysayan sa loob ng ika-10 siglo dumating ang relihiyong Islam sa


Pilipinas. Naunang dumating ang mga mangangalakal na Arabe at sinundan ng mga
misyonerong Muslim. Sa Timog-Kanlurang-Mindanao, napatibay nila ang ugnayan
lalo na sistema ng pagsulat, kaugalian, at tradisyon ng mga Arabe. Sa panahong ito
masigla na ang kalakalang namamagitan sa Pilipinas at China sa paraang barter o
palitan ng kalakal. Maraming kaugaliang Intsik ang napulot ng mga ninuno.

Maraming mga salitang Intsik ang natutuhan ng ating mga ninuno at naging bahagi
mismo ng ating wika. Karamihan sa mga ito ay gamit sa pagkain gaya ng: pansit,
sotanghon, lumpia, ampaw, miswa, bihon, siomay, siyopaw, lugaw, bitso, ukoy,
tokwa, hopya, hototay, suam, atbp.

29
Naging bahagi din ng ating bokabularyo ang mga salitang: ate, bakya, bantay,
bimpo, bitsin, bulong, buwisit, kintsay, kutya, kuwago, kuya, ginto, hibi, hikaw,
ingkong, lawlaw, madyong, sabwat, sangla, ulikba atbp.

Dumating sa Pilipinas ang mga Kastila, Amerikano at Hapones at ang kanilang


wika ay nagkaroon ng impluwensya sa ating wikang pambansa.

Mga salitang Kastila: panyo, kamiseta, butones, sinturon, medyas, terno, bestido,
pantalon, sapatos, kaldero, plato, bandihado, tasa , baso, tuwalya, mesa, kutsara,
tinidor, kutsilyo, kama, katre, eskwela, kolehiyo, unibersidad, maestro, maestra,
propesor, klase, estudyante, libro, diksyunaryo, kuwaderno, pare, madre, kumpare,
kumadre, misa atbp.

Mga salitang hiram sa Ingles: basket, boksing, iskul, haiskul, titser, notbuk,
badigard, bolpen, report, kompyuter, asaynment, klasmeyt, klasrum,elebeytor,
atom, asid, mayor at marami pang iba.

Mga Salitang Hiram sa Malay, Arabe at Sanskrito:

Mga salitang Malay: abo, agiw, ama, anak, bahay, basa, bato, bayani, dahoon,
dalaga, dingding, gutom, hangin, hari, ilaw, ina, lamok, itim, langit, lasa, layag,
lugi, mata, panday, patay, payong, sulat, taas, tamis;

Mga salitang Arabe: akma, agimat, agnas, alam, alamat, ani, asal, bakas, bikig,
kalan, dalamhati, ginhawa, hamak, hasik, hirang, hukom, hudyat, ingat, lagnat,
panaw, salamat, salawal, silid;

Mga salitang Sanskrito: abala, alapaap, alibugha, aral, bagyo, balita, bahala,
bansa, bathala, biyaya, budhi, buhay, kasi, katha, kuta, dalita, digma, dukha,
ganda, gunita, guro, himala, hiya, isip, luksa, mahal, maharlika, mithi, panata,
paksa, puri, saksi, sigla, sinta, tadhana, timawa, ulan, wasto.
Subukin Natin
PAGSUSULIT BILANG 3

Pangalan: Kurso/Taon: Iskor:


Oras ng Klase: Petsa

I. MARAMING PAGPIPILIAN: Direksyon: Piliin sa mga pagpipilian ang letra


nang tamang sagot. Isulat ito sa patlang na nakalaan bago ang bilang.

30
_____1. Barayti ito ng wika na tinatawag na pansamantala. Nabuo ito sa
pamamagitan ng malayang interaksyon at sosyalisasyon natin sa isang
partikular nang pansamantala. Nabuo ito sa pamamagitan ng malayang
interaksyon at sosyalisasyon natin sa isang partikular na grupo ng mga
tao.
A. idyolek B. dayalek C. sosyolek
_____ 2. Tumutukoy ito sa mga salita na kadalasang nagmumula o sinasalita sa
loob ng bahay.
A. dayalek B. ekolek C. dayalekto
_____ 3. Barayti ito ng wika na tumutukoy sa kapansin-pansin na anyo ng wika o
uri ng pananalita ng isang tao o grupo ng taong gumagamit nito.
A. idyolek B. sosyolek C. dayalek
_____ 4. Ito ay bersyong lokal ng wika o ng isang malaking lingua franca.
A. dayalek B. etnolek C. pidgin
_____ 5. Barayti ito ng wika na nadebelop mula sa mga salita ng mga
etnolinggwistikong grupo.
A. creole B. etnolek C. pidgin
_____ 6. Tumutukoy ito sa mga salita na espesyalisadong nagagamit sa isang
partikular na domeyn.
A. pidgin B. creole C. rejister
_____ 7. Walang pormal na istruktura ang wikang ito. Nadibelop ito dahil sa
pangangailangan na makabuo ng isang pahayag.
A. creole B. pidgin C. etnolek
_____ 8. Produkto ito ng pidgin na wika at nakapagdebelop ng pormal na
estruktura.
A. idyolek B. ekolek C. creole
_____ 9. Tumutukoy ito sa katangiang pisikal ng isang lugar na kinatitigilan ng
isang pangkat ng mga tao.
A. heyograpikal B. sosyo-ekonomiko C. kontekstuwal
_____ 10. Dulot ito ng pagkakaiba-iba ng kalagayan at katayuan ng isang tao sa
lipunan.
A. kontekstuwal B. sosyo-ekonomiko C. heyograpikal

II. PAG-IISA-ISA: Direksiyon: Ibigay ang mga limang ( 5 ) imortanteng bagay


na may kinalaman sa Dimensyong Heyograpikal

11. _________________________________

12. _________________________________

31
13. _________________________________

14. _________________________________

15. _________________________________

III. PAG-UURI-URI: Direksyon: Uriin ang mga salitang nakalista at kilalanin


kung sa anong banyagang wika ito nagmula. Piliin lamang ang letra ng tamang
sagot at isulat sa patlang.

A. Intsik B. Kastila C. Ingles D. Malay E. Arabe F. Sanskrito

________1. pansit _________6. alibugha

________2. boksing _________7. salamat

________3. alamat _________8. bayani

________4. pantalon _________9. klasrum

________5. kolehiyo _________10. sotanghon

Aralin 5 WIKA AT ANG GAMIT NITO SA


PAKIKIPAGDISKURSO

32
Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. natutukoy ang kahalagahan ng wika sa pakikipagdiskurso;


b. nasusuri ang kahalagahan ng iba't ibang teorya sa pakikipagdiskurso;
c. natutukoy ang kaibahan ng pasalita at pasulat na pakikipagdiskurso; at
d. nakapagsasagawa ng isang mabisa at mahusay na diskurso.

Diskurso ang tawag sa berbal o di-berbal na komunikasyon.

Ang kumbersasyon ay isang uri ng diskurso o komunikasyon na kadalasang


nauuwi sa walang saysay na usapan, o maaari rin itong pormal o sistematikong
pagpapahayag ng isang paksa, pasalita man o pasulat.

Ang diskurso ay isang sistematikong proseso na ating tinitingnan upang sa


ating sinasabi madiskubre ang mga bagay-bagay na nakaimpluwensya sa ating
paniniwala at perspektibo sa pagbibigay natin ng kahulugan sa ating sinasabi (Witter
Merithew, 1992).

Mga Teorya Sa Diskurso

Ang mga teorya ng diskurso ay maaaring susi sa ganap na pag-unawa ng proseso


sa pagdidiskurso o komunikasyon. Ang mga teoryang ito ay nakatutulong upang
tayo ay maging konseptwal at prediktib. Samakatwid, ang isang tao aymaaaring
makagawa ng mga desisyon tungkol sa mga sitwasyong pangkomunikasyon batay
sa mga saliksik ng mga teorista. Ngunit kailangang isaisip na walang teoryang
perpekto. Bawat isa ay may kani-kaniyang kalakasan at kahinaan.

33
Bilang mga mapanuring mag-aaral, kailangang pagsumikapan ninyong suriin
nang kritikal ang mga positibo at negatibong elemento ng bawat isa.

a. Speech Act Theory. Nakabatay ito sa pangunahing premis na ang wika ay isang
mode of action at isang paraan ng pagko-convey ng impormasyon.

Ayon sa mga naniniwala sa teoryang ito, ang yunit ng komunikasyong linggwistik


ay hindi ang simbolo, salita o ang pangungusap mismo, kundi ang produksyon o
paglikha ng mga simbolo, salita o pangungusap sa pagganap ng kanilang
tinatawag na speech acts. May tatlong komponent ang mga aktong linggwistik.
a. Aktong Lokyusyonari o ang akto ng pagsasabi ng isang bagay (may kahulugan).
b. Aktong Ilokyusyonari o ang pagganap/perpormans sa akto ng pagsasabi ng isang
bagay (may pwersa).
c. Aktong Perlokyusyonari o ang pagsasabi ng isang bagay na kadalasang
nagpoprodyus ng mga tiyak na konsikwensyal na epekto sa damdamin, pag-iisip
at aksyon ng tagapakinig, ng ispiker o maging ng ibang tao (may konsikwens).

b. Ethnography of Communication Theory. Ito'y nauukol sa pag-aaral ng mga


sitwasyon, gamit, patern at tungkulin ng pagsasalita. Ang pinakasusi ng teoryang
ito ay ang pamamaraang partisipant-obserbasyon na nangangailangan ng
imersyon sa isang partikular na komunidad.

Halimbawa:
Kung nais nating pag-aralan ang glossolalia (speaking in tongues) na karaniwang
makikita sa mga Kristyanong sekta, kailangan nating dumalo sa mga pagtitipon
ng isang sektang Kristyano, makisalamuha sa kanila at kung maaari'y maging isa
sa kanila at mismong aktwal na makaranas ng gayon. Sa pamamagitan lamang
niyon, ayon sa mga teorista nito, tayo ay magiging pamilyar sa konteksto ng
glossolalia upang maipaliwanag ang tungkuling sosyal nito.

c. Communication Accomodation Theory. Sinusuri ang mga motibasyon at


konsikwens ng pangyayari kung ang dalawang ispiker ay nagbabago ng istilo ng
komunikasyon. Ang mga teorista nito ay naniniwalang sa komunikasyon, ang
mga tao ay nagtatangkang iakomodeyt o i-adjust ang kanilang istilo kapag
nakikipag-usap sa iba. Ang akomodasyong ito ay nagagawa sa dalawang paraan:
Divergence. Ang mga grupong may malakas na pagmamalaking etniko ay madalas
na gumagamit nito upang ihaylayt ang kanilang identidad.
Convergence. Nagaganap ito kung saan mayroong matinding pangangailangan
para sa social approval. Ang madalas gumagawa nito ay mga
indibidwal na walang kapangyarihan.

34
d. Narrative Paradigm. Ito'y naglalarawan sa mga tao bilang storytelling animals.
Ang teoryang ito ay nagpapanukala ng naratibong lohika bilang pamalit sa
tradisyunal na lohika ng argumento. Ang naratibong lohika o ang lohika ng
mabuting katwiran ay nagmumungkahi na husgahan ang kredibilidad ng isang
isipiker batay sa kohirens at pideliti ng kanilang istorya. Isang demokratibong
paghuhusga di umano ito sapagkat hindi naman kailangan ng pagsasanay sa
oratoryo at panghihikayat upang makalikha ng paghuhusga batay sa kohirens at
pideliti.

e. Variationist Theory. Ang teoryang ito'y nakapokus sa baryasyon ng wikang


ginagamit ng mga taong sangkot sa isang diskurso. Kinapapalooban ito ng
pagkakaiba sa aksent, intonasyon, gamit ng salita gayon din ang istrukturang
panggramatika ng isang ispiker. Dahil may pagkakaiba, kinakailangang
mahusay na makaadap ang kapwa nagsasalita at tagatanggap ng mensahe upang
maging maayos ang daloy ng komuniksyon. Lumaganap ang teoryang ito dahil
na rin sa unti-unting pag-usbong ng iba't ibang speech community na nagtataglay
ng maraming baryasyon sa wika (Badayos et al. 2007).

f. Pragmatic Theory. Ayon kina Badayos et al. (2007), ang mahusay na diskurso
ay laging bumabatay sa kinalalagyang sitwasyon (social setting) ng mga taong
sangkot sa isang usapan upang mapanatili ang daloy ng pakikipagpanggramatika
tungo sa mabisang diskurso, sa halip, sa kaangkupan ng gamit ng wika sa isang
partikular na sitwasyon.

Pasalita at Pasulat na Diskurso

Maraming pagkakaiba ang diskursong pasalita at pasulat. May kani- kaniyang


kalikasan at pangangailangan (requirements) ang bawat isa. Ngunit maging anuman
ang anyo ng diskurso, mahalagang taglayin ng mga partisipant nito ang
komunikatib kompitens at ang linggwistik kompitens.

Ano ang komunikatib kompitens?

Tinukoy ito ni Noam Chomsky na kahusayang pragmatiko na nagsasangkap sa


abilidad ng isang isipiker upang piliin ang angkop na barayti para sa isang tiyak na
sitwasyong sosyal. Ang kompitens na ito ay nangangailangan ng kaalaman sa mga
kultural na reperens tulad ng pamilyariti sa lipunan, pulitika, kulturang
popular,istatus ng mga pangyayaring panlipunan at iba pa.

Ano naman ang linggwistik kompitens?

35
Ito naman ang mental grammar ng isang indibidwal, ang di-konsyus na kaalaman
sa sistema ng mga tuntunin ng wika. Ang terminong ito ay tinatawag ng maraming
linggwista bilang payak na kompitens. Tinawag naman ito ni Bachman na
gramatikal kompitens, na ayon sa kanya ay nasasangkot ng di-konsyus na kaalaman
sa ponolohiya, morpolohiya, sintaksis at bokabularyo.

Sa talahanayan sa ibaba, lalong mauunawaan natin ang pagkakaiba ng pasalita at


pasulat na diskurso batay sa mga salik na Sikolohikal, Linggwistik at Kognitib.

Pagkakaiba ng Pasalita at Pasulat na Diskurso


Mga Salik Pasalita Pasulat
a. May kontekstong a. I s a n g a n y o n g
sosyal pakikipagtalastasan na
dahil may awdyens at ginagawa nang nag-iisa
m a y i n t e r a k s y o b. Maraming ginagawang
Sikolohikal n g nagaganap. pag-aakmaang
b. May kagyat na pidbak m a n u n u l a t u p a n
sa anyong berbal o di- g maisaalang-alang ang
berbal. di nakikitang awdyens
c. Gumagamit ng para- o tagabasa ng sulat na
linguistiscate ginagawa.
x t r a linguistic c. Walang kagyat na
features tulad ng pidbak kaya'thindi
pagtango, pag-iling, n a magbabago kung
ekspresyon ng mukha, ano ang naisulat.
kilos ng katawan at
iba pa. ito'y anyong
tuluytuloy, hindi na
mababawi ang nasabi
ngunit maaaring
baguhin.

36
a. Maaaring gumamit a. Kailangang
ng mga impormal at mga mahusay ang paglalahad
pinaikling konstruksyon ng kaisipan upang
ng mga salita. makatiyak na malinaw
b. Maaaring ulitin, ang dating sa
baguhin at linawin ang mambabasa.
nabitawang salita ayon sa b. Masmahabaan
Linggwistik reaksyon ng tagapakinig. g konstruksyon ng mga
c. Nauulit ang pangungusap at may
anumang sinabi lalo na tiyak na istrukturang
kung sa palagay na dapat sundin.
nagsasalita ay hindi
narinig ng mga
tagapakinig.
a. Ang pagsasalita ay a. Natutunan sa
madaling natatamo. paaralan at kailangan ang
b. Natutuhan sa i sang pormal na pagtuturo at
Kognitib prosesong natural na tila pagkatuto.
walang hirap. b. pahirap ang pagbuo
ng isusulat na mga ideya
kaysa sa pagsasabi nito.

37
I. Ipaliwanag ang kahulugan ng diskurso batay sa sariling pagkakaunawa.

II. Ilahad ang iba't ibang konteksto ng diskurso. Magbigay ng halimbawa sa bawat
konteksto maliban sa ibinigay na halimbawa sa aklat.

III. Sa iyong palagay ano ano ang maitutulong ng pagkakaunawa sa bawat teorya ng
diskurso?

IV. Sa iyong palagay, alin sa dalawang uri ng pakikipagdiskurso ang mas mabisa?
Pasalita o pasulat? Bakit? Pangatwiranan ang iyong sagot.

V. Magpangkat sa 5 grupo at magsagawa ng panel discussion gamit ang pasalitang


diskurso. (Ibibigay ng guro ang mga pamantayan at ang rubric na gagamitin sa
pagbibigay ng grado)
Aralin 6 BILINGWALISMO
Mga Layunin: Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. naipaliwanag ang kahulugan ng bilingwalismo;


b. naiisa-isa ang elemento ng bilingwalismo; at
c. natatalakay ang kaganapan tungkol sa bilingwalismo.

Talakayin Natin

38
Ang bilingwalismo ay ang kakayahan ng isang indibidwal o ng isang miyembro
ng lipunan na epektibong gumamit ng dalawang wika.

Ang bilingwalismo ay isang sistema ng pag-aaral sa proseso, pagkakabuo at ang


mga paraan sa kung paano uunawain ang isang wika. Isa sa binibigyan pansin
ngayon sa pag-aaral ng wika, lalong-lalo na sa larangan ng lingwistika ay ang
bilingwalismo. Nakaugat ang bilingwalismo sa mga pagbabago ng wika at kultura
na nangyayari sa lipunan. Ang bilingwalismo ay ang kakayahang gumamit ng
dalawang magkaibang wika.

Ang pagiging bilingwal ng isang indibidwal ay nakasalalay sa kung paano siya


natutong gumagamit ng pangunahing wika. Minsan ang isang nilalang ay natututo
sa dalawang wika sabay sa kanyang pagkatutong magsalita (simultaneous
bilingualism)

Maaring may magsasabi na sila ay bilingwal, subalit ito ay maaaring


nangangahulugan lamang ng kaalaman sa pagsasalita at pakikipag-usap. Maaaring
magiging bilinggwal ang isang tao dahil sa pagkakataong lumaki ito na gumagamit
ng dalawang magkaibang wika (sequential bilingualism). Pwede naman na ang tao
ay marunong magbasa ng dalawang magkaibang wika, subalit ito'y hindi ang
pagiging bilingwal, tinatawag lamang ito na bi-literate.

Ang pagiging bilingwal ay ang pagiging marunong sa dalawang wika sa hiwalay


na pagkakataon. Ito ay nangangahulugan sa paggamit ng dalawang wika na
hiwalay. Halimbawa nito ay paggamit ng Filipino sa hiwalay na usapin at wikang
Hiligaynon sa iba pang pagkakataon. Ang pagiging bilingwal ay nangangailangan
ng malawak, malalim na kasanayan at karunungan.
Upang mas magiging malinaw ang usaping ito, dapat na talakayin ang isyu ayon
sa layuning akademiko. Ang pagiging bilingwal ay nangangahulugan ng
kakayahang gumamit ng dalawang wika na naiintindihan ng kausap. Dalawang
hiwalay na usaping ginagamitan ng dalawang hiwalay na wikang kapwa
naiintindihan ng nagsasalita at nakikinig. Mawawalang saysay ang kahulugan ng
bilingwalismo kapag ang usapin dito ay naaayon lamang sa nagsasalita at wala
naman sa tagapakinig. Sa loob ng silid-aralan, madalas nagaganap ang
bilingwalismo sa pagpapahayag ng mga estudyante ng kanilang opinyon o mga
kasagutan. Maaaring nagpapakita ito ng pagiging versatile ng mag-aaral sa
pagpapahayag gamit ang dalawang wika.

Ayon pa kay Li Wei (2006), ang pagiging bilingwal ay produkto ng malawak at


madalas na eksposyur sa mga taong gumagamit ng mahigit sa isang wika. May mga
dahilan kung bakit nagiging bilingwal ang isang tao sa kanyang pakikipag-usap o
pakikipagkomunikasyon sa iba. Maaaring ito ay sa kanyang kagustuhang
39
magkakaroon ng ugnayan sa kapwa. Sunod, ay ang pagnanais na maragdagan ang
kaalaman, dahil sa teknolohiya, ekonomiya, relihiyon, at kultura, politika at ibang
pang gawaing may kinalaman sa buhay at kabuhayan.

Ganoon pa man, may mga taong nagiging bilingwal dahil sa kailangan nila ito sa
araw-araw na buhay at hanapbuhay. Dagdag pa rito, likas sa dalawang wikang
gamit ng isang bilingwal, may nangingibabaw na wika na nagiging komportable
siyang gamitin ito.

Gawin Natin
A. Maghanap ng kapareha at gumawa ng kumbersasyon na sangkot ang
penomenang bilingwalismo.

B. Sagutin sa kalahating papel ang sumusunod:

1. Bakit makabuluhan ang pagiging bilingwalismo?

2. Paano mapapabuti ng bilingwalismo ang kasanayang pangwika?

40
Subukin Natin
PAGSUSULIT BILANG 4

Pangalan: Kurso/Taon: Iskor:


Oras ng Klase: Petsa

A. TAMA O MALI: Panuto: Isulat ang Tama kapag ang pahayag ay nagsasaad
ng katotohanan at Mali naman kung iba. Isulat ang sagot sa patlang na nakalaan
bago ang bilang. (10 pnts.)

41
_______1. Mahalagang paksa sa larangan ng lingwistika ang bilingwalismo.
_______2. Sa gamit ng wika, ang bilingwalismo ay kakayahan sa paggamit ng
dalawang wika ng sabay.
_______3. Maaaring magiging likas ang kaganapan ng bilingwalismo.
_______4. Nagtataglay ng mga elemento ang bilingwalismo.
_______5. Walang paraan upang matutunan ang pagiging bilingwal.
_______6. Ang pagiging bilingwal ay maaaring may kinalaman sa unang wika ng
isang indibidwal.
_______7. Isang katawagan sa Ingles ng bilingwal ay “continuous bilingualism”.
_______8. Isang sistema ng pagiging bilingwal ang “bi-literate”.
_______9. Mahalaga ang kaalaman sa dalawang wika kapag bilingwal.
_______10. Magiging makabuluhan ang pagiging bilingwal kung marunong din
nito ang tagapakinig.

B. PAGKILALA: Panuto: Suriin ang pahayag at alamin kung ano ang tinutukoy
ng bawat pangungusap kaugnay sa bilingwalismo. Isulat ang sagot sa espasyong
nakalaan:

___________________11. Tumutukoy sa kakayahan ng isang indibidwal na


gumamit ng dalawang wika na hiwalay.
___________________12. Ito ang tawag sa Ingles sa isang bilingwal na lumaki
gamit ang dalawang wika.
___________________13. Ito ang tawag sa kakayahang magbasa ng dalawang
wikang may sariling sistema.
___________________14. Makabuluhang kasama ng bilingwal sa proseso ng
bilingwalismo.
__________________ 15. Naghahayag ng pagiging versatile ang pagiging
bilingwal.

42
Aralin 7 MULTILINGWALISMO
Mga Layunin: Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. nabibigyan kahulugan ang multilingwalismo;


b. natutukoy ang mga elemento ng multilingwalismo;
c. nakikilala ang dimensyon ng multilingwaslimo; at
d. naipapaliwanag ang kaganapan ng multilingwalismo.

43
Talakayin Natin

Ang multilingwalismo ay ang kasanayang gumamit ng mahigit sa dalawang wika.


Ang pagiging multilingwal ay kakayahang magsalita gamit ang maraming wika.

Maging ang Saligang Batas 1987, ay nagbanggit sa kahalagahan ng pagiging


multilingwal sa pagpapabuti ng wika at komunikasyon, Artikulo XIV, seksyon 6
“Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang lilinangin ito,
pagyamanin at pagyabungin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba
pang mga wika.

Ang usapin tungkol sa multilingwalismo ay hindi bagong usaping pangwika. Ang


paksa tungkol dito ay nagiging bahagi ng mga aklat na naisulat sa Latin noong ika-
11 na siglo. Ang pag-aaral na inilaan ngayon tungkol sa multilingwalismo ay
pagbibigay ng pagkakataon sa nakaraan. Ang nakaraang humugis sa kasalukuyang
pakikipagsapalaran ng tao sa buhay sa tulong ng iba't ibang wika.

Ang Pilipinas ay mayaman hindi lamang sa likas na yaman maging sa kasayasayan


ay hindi maiiwanan. Nagkahugis ang wika't kultura ng Pilipinas sa tulong na rin ng
nakaraang kasaysayan ng bansa sa mga mananakop. At maging sa
pakikipagsapalaran, ang mga Pilipino ay hindi matatawaran, lamang
makapaghanap ng maayos na kabuhayan.

Ang ating kapwa na nangingibang bansa at ang mga manggagawang nasa barko,
kapwa'y sa katagalan ng kanilang pangingibang bansa, natututo silang gumamit
hindi lamang ng dalawang wika, mangyari pa'y mahigit sa tatlo. Kaya, mababakas
natin dito ang buhay-globalisasyon at hindi pwedeng iwasan angpagiging
multilingwalismo ng tao para makipagsabayan sa iba. Sa totoo lang, ang katangiang
taglay ng isang nilalang sa paggamit ng mahigit sa dalawang wika ay
nakapagbibigay sa kanya ng isang pagkakataong makilala at mangyari pa ay
dakilain. Kagaya ng ating pambansang bayani, Dr. Jose P. Rizal, hindi lamang
Tagalog o Filipino at Latin o Ingles ang wikang kanyang natutunan. Nakilala siya
dahil sa kanyang kasanayang gumamit ng iba't ibang wika sa kanyang
pakikihalubilo sa iba.

Sa bansang Pilipinas kadalasan ang mamamayan sa iba't ibang sulok ng lupain ay


marunong gumamit ng mahigit sa tatlong wika. Ito ay ang kanyang “lengua franca”,
wikain ng karatig-bayan, Filipino at English na itinuturo sa mga paaralan. Kagaya
sa lalawigan ng Iloilo may mahigit sa tatlong wika ang ginagamit ng mamamayan
dito. May Hiligaynon, Filipino, English at Karay-a na ang bawat kabayanang
gumagamit ay may sariling sistema ng pagsasalita ng Karay-a.

44
Si Colin Baker (2011) ay nagbigay ng walong dimensyon ng
multilingwalismo:

1. Kasanayan
2. Gamit
3. Pantay na gamit ng wika
4. Pagkatuto ng sabay sa dalawang wika
5. Pagpapayaman
6. Kultura
7. Pagkakabuo/Konteksto
8. Proseso ng pagkatuto

Maraming Wika, Matatag na Bansa

Ricardo Ma. Nolasco Ph.D.


Tagapangulo, Komisyon sa Wikang Filipino

Isa pong karangalan at pribilehiyo para sa akin at sa Komisyon sa Wikang


Filipino na maimbitahan at makapagsalita sa inyong kumperensya. Ang ibabahagi
ko sa inyo ngayong umaga ay tungkol sa bisyon, direksyon at mga programa ng
KWF para sa susunod na tatlong taon, o hanggang 2010. Ibinabahagi ko ang mga
ito sa inyo sa pag-asang yayakapin ninyo ang nasabing mga bisyon, direksyon at
programa bilang sarili ninyong bisyon at programa.

Kamakailan lamang ay nagkasundo ang pamunuan ng KWF na baguhin ang


aming bisyon. Ang pangarap namin ay: “maging sentro ng kapantasan sa mga
wika at literatura ng mga Pilipino.” Umaalinsunod ang pangarap na ito sa aming
mandato na paunlarin, palaganapin at panatilihin ang mga wikang ginagamit ng
mga Pilipino sa iba't ibang larangan.

Ang ganitong bisyon at misyon ay pag-amin na bagamat ang KWF ay siyang


opisyal na ahensyang pangwika ay malayo pa rin ito sa pagiging tunay na sentro ng
kapantasan at kaalaman sa mga wika at panitikan ng mga Pilipino. Ang itinatayo
namin ay isang sentro ng impormasyon, dokumentasyon at pananaliksik; na may
kuwerpo (corps) ng mga mananaliksik na may mataas na kakayahan sa linggwistika
at applied na linggwistika (hal. pagtuturo ng wika) at pagsasaling-wika; isang
sentro na katatagpuan at naglalaman ng lahat ng mga pag-aaral at akda tungkol sa
mga wika ng Pilipinas; isang sentro na may kamalig ng mga datos sa ibat ibang

45
wika, at sa ibat ibang genre, kasama na ang audio at video recording ng mga
pangyayaring komunikatibong may mga anotasyon at komentaryo; isang sentro na
lumilikha ng mga orihinal at huwarang mga diksyunaryo, gramatika, ortograpiya,
iskolarli na mga babasahin, materyales sa literasiya at reperensya sa pagtuturo sa
magkakaibang disiplina; at isang sentro na dalubhasa rin sa teknolohiyang pang-
impormasyon at pangkomunikasyon upang magampanan ang gawain ng
pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanatili ng mga wika sa Pilipinas.

Ang katwiran para sa pangarap naming ito ay nagmumula sa aming


pagkilala sa kahalagahan ng mga wikang ginagamit ng mga Pilipino - ang wikang
pambansa, ang mga wikang panlokal at mga wika na pang-ibayong dagat - para sa
magkakaibang mga layunin: para sa literasiya at edukasyon ng ating mamamayan;
para sa layuning pangkultura at intelektuwal; para sa pagkakakilanlan at etnisidad;
para sa pakikipagtalastasan sa loob at labas ng bansa; para sa pag-unlad na
pangekonomiya; at para sa kaisahan at katatagang pampulitika.

Gusto naming isipin na lipas na ang panahon na ang mga gawain ng komisyon - sa
katotohanan o sa karaniwang pagkakaalam - ay eksklusibong nakatuon sa wikang
pambansa, sa kapabayaan ng mahigit na 170 ng wika ng ating bansa at nang
walang makatotohanang pagsasaalang-alang sa isa pang opisyal na wika ng bansa,
ang Ingles, o sa mas eksaktong pormulasyon, ang Philippine English.

Ito ang landas o linya ng “isang bansa, maraming wika”, na siyang simulain
ng kasalukuyang tema ng buwan ng wika 2007, na “maraming wika, matatag na
bansa.”

Ano ang batayan at katwiran ng “maraming wika, matatag na bansa”?


Ang batayan at katwiran ay may kinalaman sa pagiging multilingwal at pagiging
multikultural ng mga Pilipino. Sa halip na isang disbentahe, itinuturing ng
komisyon na napakalaking bentahe ang pagkakaroon ng Pilipinas ng mahigit na
170 ng wika. Pangsampu tayo sa pinakamaraming wika sa buong daigdig, sa kabila
ng palasak at mapangmenos na palagay na ang mga wikang ito'y pawang mga
dayalekto lamang. Ang natural na kundisyon ng karaniwang Pilipino at ng
karaniwang mamamayan ng daigdig ay hindi lang iisa ang alam nitong wika. Sa
karaniwan, ang Pilipino at ang karaniwang tao sa daigdig ay may alam na dalawa
o mahigit pang wika. Si Hesukristo ang pinakamainam na halimbawa ng pagiging
multilingwal, sapagkat marunong siya ng Aramaic, ng Hebrew, Griyego at Latin.
Si pangulong GMA ay mainam na halimbawa ng isang Pilipino. Maalam siya sa
Kapampangan, Sinebwano, Ilokano, Tagalog, Ingles at Espanyol. Dahil sa
katotohanang ito, ang ideya at pangakong pag-unlad sa ilalim ng isang

46
sentralisadong nasyon-estado na may iisang sentralisadong wikang pambansa ay
naglalaho.

Gayunpaman, mayroon tayong wikang pambansa. Ito ang wikang Tagalog


na nang dahil sa kumbinasyon ng mga sirkumstansyang historikal, pang-
ekonomiya at sosyo-pulitikal ay naging komon na wika ng magkakaibang
etnolingwistikong grupo ng ating bayan. Ang kasalukuyang Filipino ay ang dating
wika ng Katagalugan na naging pambansa. Ang Filipino, kung gayon, ay ang
pambansang lingua franca.

Kung batayang panlinggwistika ang pag-uusapan, ang wikang pambansa at


ang Tagalog ay nabibilang sa iisang wika. Ang unang batayan sa pagsabi nito ay
ang tinatawag na mutual intelligibility. Ang isang nagsasalita ng Filipino at ang
isang nagsasalita ng Tagalog ay magkakaunawaan. Kung gayon, nagsasalita sila
ng isang wika.

Ang ikalawang batayan ay ang gramatika. Ang gramatika ng umiiral na Filipino


ay walang pinag-iiba sa gramatika ng Tagalog. Totoong sa ilalim ng konstitusyon,
ang wikang Filipino ay kailangang nakasalig sa mga umiiral na wika sa Pilipinas.
Ngunit, sa ngayon, ang gramatika ng wikang pambansa ay yaong sa Tagalog.
Tingnan lamang ang mga panlapi ( -um-, -in, -an, at i-) at ang mga gramatikal na
pananda (i.e. ang, ng, sa) at mga partikulo (i.e. pa, na, kung, daw, kasi). Hindi ba
magkapareho lang sa mga panlapi at gramatikal na pananda at partikulo ng
tinatawag na “Filipino”? Walang panlapi o gramatikal na elementong galing sa
Ilokano, Sebwano, Ilonggo at sa ibang malalaking wika ang may matatag na
katayuan sa wikang pambansa.

May ilang teorista sa akademya na nagpapalaganap ng ideya na ang


kaibahan ng “Filipino” sa Tagalog ay ang pagiging “malaya” ng una, at ang
pagkapurista ng huli. Ang ibinibigay nilang halimbawa ay ang pagkakaiba ng
leksikon ng “Filipino” at ng “Tagalog”, gaya raw ng “fakulti”, sa halip na “guro”,
“kolehiyo” sa halip na “dalubhasaan”, “miting” sa halip na “pulong” atbp.
Kinikilala ng KWF na ang “purismo” at “Tagalismo” ay mga hadlang sa
pagpapaunlad ng wikang pambansa. Subalit, kailangan ding alalahanin na hindi
panghihiram ng dayuhang leksikon o leksikon buhat sa iba pang wika ng Pilipinas
ang batayan sa pagklasipika ng dalawa o mahigit pang barayti na magkakaibang
wika. (Maging ang mga Tagalog sa Batangas at Bulakan ay nanghihiram din at
nagko- code-switch.) Gaya ng nabanggit sa itaas, ang pagkakaunawaan at ang
gramatika ay higit na mapagpasyang batayan. Idagdag pa rito ang katotohanan na
karamihan ng mga Pilipino ay tumatawag pa rin sa wikang pambansa na “Tagalog”.
at madaling maintindihan kung bakit kakaunti lamang, maliban sa kakarampot sa

47
akademya, ang naniniwala na ang “Tagalog” at ang “Filipino” ay “magkaibang
wika.”

Pero may isang malaki at hindi matatawarang pagkakaiba ang wikang Tagalog
noon at ang wikang pambansa ngayon. Ang kasalukuyang wikang pambansa ay
ang pangalawang wika ng nakararaming Pilipino. Mas marami nang Pilipino
ngayon na marunong mag-Tagalog pero hindi ito ang kanilang kinagisnan o unang
wika. Ito ang pangalawang wika nila. Ito ang isa sa tampok na dahilan sa pagtawag
dito ng ibang pangalan—Filipino. Ito rin ang panlipunang batayan sa paglitaw ng
mga pasalitang barayti ng “Filipino”; mga barayti na hindi lamang limitado sa
Katagalugan at Kamaynilaan, kundi sumasaklaw sa Davao, Iloilo, Cebu, Baguio,
Angeles, Cagayan de Oro, Zamboanga City at sa ibang punong sentrong lungsod
kung saan nagtatagpo ang magkakaibang grupong etniko. Sa ngayon, ang
barayting pinakaprestihiyoso ay ang barayti sa Metro Manila at kanugnog na mga
lugar, na siyang itinuturo ngayon sa mga paaralan at pinalagaganap ng mas midya.
Pero hindi maipupuwing na ang wikang Tagalog ay naging pambansa na.

Ang ganitong mga katotohanan, sa aking palagay, ay hindi nalingid sa mga


gumawa ng mga probisyong pangwika sa ating konstitusyon. Nanalig sila na
habang nalilinang, ang wikang pambansa ay dapat payabungin at pagyamanin pa
salig sa umiiral na mga wika sa Pilipinas at sa iba pang wika. Idineklara din nila
ang wikang Filipino at ang wikang Ingles bilang wikang opisyal, pero hindi nila
kinaligtaan na ipahayag din na ang mga wikang panrehiyon ay pantulong na wikang
opisyal at midyum ng pagtuturo. Higit sa lahat, tiniyak nila ang pagtatayo ng
isang komisyon na “magsasagawa, mag-uugnay at magtataguyod” ng mga
pananaliksik hindi lamang sa wikang pambansa, kundi sa iba pang mga wika ng
mga Pilipino. Ang ganitong mga probisyong pangkonstitusyon ay nagkaroon ng
katuparan sa pagkakapagtibay ng RA 7104 na siyang lumikha sa Komisyon sa
Wikang Filipino.

Ang lohika ng patakarang multilingwal sa pagpapaunlad ng mga wika sa


Pilipinas ay unti-unting tinatanggap ngayon ng mas maraming mananaliksik sa
wika at/o tagagawa ng patakaran sa ating pamahalaan. Nitong kamakailan, may
isang grupo ng mga mananaliksik ang naglabas ng KRT 3 Formulation of the
National Learning Strategies for the Filipino and English Languages na
nagmumungkahi sa pamahalaan na:

 para sa ECCD (3-5ng taon), ang paggamit ng wika ng bata sa day care
center. Gagamitin ang Filipino at English (at Arabic) sa mga istorya at
panitikan;

48
 para sa Grade 1 hanggang 3, ang paggamit ng wika ng bata bilang midyum
ng pagkakatuto para sa lahat ng sabdyek. Gagamitin ang Filipino at English
(at Arabic) bilang magkahiwalay na sabdyek para sa oral language
development;
 para sa Grade 4 pataas, Filipino bilang midyum ng pagtuturo para sa
Makabayan at sabdyek na Filipino at/o panitikan at English bilang midyum
sa Math at Science. Gagamitin ang wika ng bata bilang pantulong na wika;
 samantala, sa sekundarya, magtuturo ng mga language elective sa wika ng
bata, wikang panrehiyon, Arabic at anumang wika sa ibayong dagat;

Ayon sa nasabing dokumento: “contrary to being a hindrance, the languages of


children must be considered as enabling factors on which student learning and
achievement can be based. The use of the mother tongue in learning has been found
to be the most effective way to bridge learning in all subject areas including the
development of future languages. This is a generalization based on numerous
experiences of other multilingual countries as well as empirical studies conducted
in the Philippines.”

Ang isang halimbawa ng empirikal na pag-aaral na nagbibigay-balidasyon sa bisa


ng multilingwal na patakaran ay ang resulta ng 2006 NAT Grade 3 reading test sa
dibisyon ng Kalinga. Sa sampung distritong ito, tanging ang Lubuagan lamang
ang may first language component, ibig sabihin, ang unang wika ay siyang ginamit
na midyum ng pagtuturo sa naturang eskuwelahan, kahit sa Science at Math. Ang
natitirang siyam na dibisyon ay sumailalim sa regular na edukasyong bilingwal.
Ipinakikita ng reading test na ang distrito ng Lubuagan ang nakapagtala ng
pinakamataas na marka sa English (76.5%) at Filipino (76.44%). Ang
pumangalawa na distrito ay ang Tinglayan na nakaiskor ng 64.5% sa English at
61.4% sa Filipino. Ang pumangatlo naman ay ang Pasil, na nakaiskor ng 51.9%
sa English at 47.7% sa Filipino.

Ang ganitong mga ebidensya ay nagpapatotoo na maaaring gawing tulay ang lokal
na wika upang matutuhan ang English at Filipino. Ang totoo'y maraming mga pag-
aaral ang nagpapakita na ang paggamit ng wikang hindi-sa- bata ay hindi
makatutulong manapa'y makasasama pa nga sa pang-akademikong performance ng
bata. Mahalagang banggitin muli ang mga napatunayan sa pananaliksik ni
Taufeulangaki (2004):

 ang mga bata ay nangangailangan ng pinakamababa na 12 ng taon upang


matutuhan ang kanilang unang wika;
 ang mga bata ay hindi natututo ng pangalawang wika nang mas mabilis
kaysa mga matanda;

49
 ang may edad na bata ay may higit na kasanayan sa pagkatuto ng
pangalawang wika;
 mas importante ang pag-unlad pangkognitibo ng bata kaysa paghantad sa
ikalawang wika;

Sa isang hiwalay na artikulo, nabanggit ko na ang eksklusibong paggamit ng


Ingles at Filipino ay nagresulta sa tinatawag ni Smolicz, Nical and Secombe (2000)
na inferiorization ng iba pang wika sa Pilipinas. Ninanakaw ng kasalukuyang
patakarang bilingwal ang wika ng bata at hinahalinhan ito ng isang wikang
dipamilyar at tiwalag sa kanilang kultura at karanasan. Ang mensahe ng bilingwal
na edukasyon sa marami nating mag-aaral ay walang kuwenta ang kanilang
kinagisnang wika. Sa halip na tingnan bilang resource at pundasyon ng panimulang
kaalaman, itinuturing ang pagkakatuto ng wikang sarili na isang malaking
kakulangan o deficiency, o di kaya'y kapansanan. Sa halip na pagmamahal at
pagpapahalaga sa sariling kultura't wika, pagkutya at pagmamaliit sa sarili ang
itinuturo ng kasalukuyang patakaran.

Sinusuportahan ng KWF ang anumang kampanya na papaghusayin ang kasanayan


sa Ingles ng ating mga estudyante. Pero kailangang linawin na ang pinakamabisang
paraan ay ang pagturo dito bilang pangalawang wika. Ibig sabihin nito, magsimula
sa kinagisnang wika sa unang mga grado. Kapag mabulas na at matatag na ang
kasanayang pangliterasi at pangkognitibo ng estudyante sa kinagisnang wika at
kultura, ipakilala ang Ingles at ang Filipino bilang mga sabdyek. Sa paglaon ay
maaari na ring ituro ang iba pang sabdyek sa Filipino at Ingles. Gayunpaman, ang
katatasan sa Ingles ay hindi makakamtan lamang sa eskuwelahan. Sa labas ng
eskuwelahan, kailangang magkaroon ang mga estudyante ng mga modelo o
huwaran sa pagsusulat at pagsasalita ng mabuting Ingles, at kasabay nito ng mga
pagkakataon para magamit ang kanilang kasanayan sa Ingles. Sa kasalukuyan ay
walang sapat na motibasyon at oportunidad maliban sa eskuwelahan upang
mapaunlad ng mga estudyante ang kanilang kasanayan sa
Ingles, laluna sa pagsasalita nito.

Ang komitment ng KWF sa “isang bansa, maraming wika” ay makikita sa tema at


saklaw ng nakaraang patimpalak na idinaos noong Buwan ng Wika 2006. Sa
simula't sapul ay nakasanayan na namin na magdaos nang taunan ng isang
patimpalak lamang, ang tradisyunal na Gantimpalang Collantes sa sanaysay sa
wikang Filipino. Noong 2006, sa kauna-unahang pagkakataon ay nagdaos ang
KWF ng magkakahiwalay na mga timpalak sa pormal na pagsulat sa Sebwano (tula
at maikling kuwento), Iloko (tula at maikling kuwento), Hiligaynon (maikling
kuwento) at Pangasinan (tula). Ang nagwaging mga akda ay nakatipon ngayon sa
isang akda na pinamagatang Ani ng Wika 2006. Ang tema ng buwan ng wika 2006
ay: “Ang buwan ng wikang pambansa ay buwan ng mga wika ng Pilipinas.”
50
Ngayong taong 2007, pinalawak namin ang saklaw ng patimpalak para makasama
ang Bikol (maikling kuwento at sanaysay), Samar-Leyte (tula at maikling
kuwento), Kapampangan (tula), Meranaw (sanaysay), Maguindanao (sanaysay) at
Tausug (sanaysay). Ang tema ng buwan ng wika 2007 ay: “Maraming wika,
matatag na bansa.”

Ang multilingwal na adhikain ng KWF ay hindi lamang naipapahayag sa taunang


pagdiriwang ng buwan ng wika at pagkilala sa mahusay na mga akdang
pampanitikan, kundi sa mga pangmatagalang programa at proyektong inako nitong
isakatuparan.

Ang mga programa't proyektong ito ay naglalayon na makamit ang sumusunod na


pagbabago sa ating kapaligiran: ang pagpabor ng opinyong publiko sa
multilingwalismo. Hanggang ngayon, marami pa rin ang naniniwala na hindi na
kailangang pag-aralan ang wikang pambansa o ang ating mga lokal na wika
sapagkat “alam na natin ito.” Laganap pa rin ang maling pag-iisip na ang
pagkakaroon ng isang wika ay mapagpasya sa pagbubuo ng isang bansa.

Upang pumabor ang opinyong publiko sa multilingwalismo, plano naming


magbigay ng napapanahong mga impormasyon sa OP, DepEd, ChEd, ang
Kongreso at iba pang ahensya ng gobyerno tungkol sa mga bagay na may
kinalaman sa wika. Makatwiran lamang na ang unang benepisyaryo ng aming mga
pananaliksik ay ang pamahalaan na rin.

Gusto rin naming lumikha ng bagong mga kaalamang pangwika at


pampanitikan. Nais naming palakasin ang: Philippine Lexicography program,
Philippine Grammars Program, ang National Translation Program, ang
Phonology, Phonetics and Ortography Program, mga proyekto sa literasiya at
pagtuturo ng wika; Philippine Language Mapping Project; Bibliography of
Philippine Languages project; Endangered Languages Program; Philippine
corpus;

Gusto rin naming palaganapin sa publiko at stakeholder ang impormasyon at


kaalamang pangwika at pampanitikan. Kayá namin itinatayo ang: Library and
Archives of Philippine Languages; pinapataas ang kantidad at kalidad ng mga
publikasyon; nagdadaos ng mga seminar, workshop, lektyur, at iba pang aktibidad
na pang-edukasyon; pinapaganda ang aming website; nagkakaloob ng mga
research grants o tinutulungan ang mga stakeholder na makakuha ng mga research
grants; nagtatayo ng mga language councils sa mga rehiyon; pinalalakas ang mga
kakayahang pang-IT at pampananaliksik, at sinisikap na magkaroon ng sarili
naming tahanan at gusali.

51
Sa pagwawakas, nais kong ibilin sa inyo ang sinabi ng isang katutubong
Amerikano, isang American Indian, tungkol sa relasyon ng wika at ng buhay.
Aniya, kailangan natin ang wikang dayuhan para mabuhay sa kasalukuyang
panahon. Pero kailangan natin ang wikang sarili, para mabuhay nang
habampanahon.

Magandang umaga sa inyong lahat.

1. Nakakabuti ba sa isang bansa ang pagiging multiligwalismo ng kanyang


mamamayan? Bakit?

2. Nakatutulong ba sa pagkakaisa ng bansa kung ang mamamayan nito ay


multilingwal? Bakit?

52
Subukin Natin

53
PAGSUSULIT BILANG 5

Pangalan: Kurso/Taon: Iskor:


Oras ng Klase: Petsa

Panuto: Suriin ang bawat pahayag at kapag tama isulat ang WAKI at kung mali
LAGI. Isulat ang sagot sa nahandang espasyo:

__________1. Bilang multilingwal taglay mo ang kakayahan gumamit ng mahigit sa


dalawang wika.

__________2. Ang multilingwal ay tumutukoy din sa kakayahang gumamit ng


maraming wika.

__________3. Ang nakaraan ng isang lipunan ay maaaring magiging bahagi ng


pagiging multilingwal ng kanyang mamamayan.

__________4. Si Dr. Jose Rizal ay maaaring tawaging isang multilingwal na


indibidwal.

__________5. Ang pangingibang bansa ng mga Pilipino ay nakatutulong sa kanyang


pagiging multilingwal.

__________6. Ang Pilipinas ay halimbawa ng bansa na kung saan karamihan ng


kanyang mamamayan ay multilingwal.

__________7. Karamihan sa mga Ilonggo ay mga multilingwal.

PAG-IISA-ISA: Panuto:Ibigay ang walong (8) dimensyon ng multilingwalismo:

8.
9.
10.
11.
12.
13.
14.
15.

54
Aralin 8 PAGPAPALIT KODA
Mga Layunin: Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. natutukoy ang kahulugan ng palit-koda at halo-koda;


b. naiugnay ang mga konseptong pangwika sa mga paksa;
c. nakapag-aanalisa ng bakit nagaganap ang palit-koda at halo-koda sa
pagpapahayag; at
d. nagagamit ang kaalaman sa teknolohiya para sa pag-unawa sa wika gaya
ng Google, Facebook at iba pa.

55
Talakayin Natin
Ang code-switching ay nagaganap dahil sa pagnanais na magpahayag ng
pagpapahalaga sa mahigit dalawang magkaibang grupo.

Ang palit-koda ay isang kaganapan lalo na sa pagsasalita sa layuning maipaabot


ang nais ipahayag at para maintindihan ng kausap.

Ang pagpalit-koda ay nagaganap sa pagkakataon kung saan ang isang nagsasalita


ay gumagamit ng dalawang wika o dalawang dayalekto o mga register ng wika
upang maipaabot ang kanyang nais ipahayag at maintindihan ng kanyang kapwa.

Sa madaling sabi, ang palit-koda ay ang paggamit ng dalawang wika sa


pagpapahayag ng sabay.

Maiuugnay din ang palit-koda sa kasanayang taglay ng isang indibidwal sa


paggamit ng wika. Halimbawa natuto siyang gumamit ng dalawang wika ng sabay
sa kanyang paglaki. Ang kanyang pagpapahayag ay may impluwensya ng kanyang
kasanayang magsalita. Kaya sa kanyang mga pagpapahayag, maririnig ang
paggamit ng dalawang wika ng sabay.

Mga Dahilan Bakit Nagaganap ang Code-Switching


1. Ang salitang sangkot ay walang katumbas sa Ingles
2. Hindi alam kung ano ang katumbas sa Ingles
3. Punan ang kakapusan sa pakikipagtalastasan
4. Komportable sa kanyang lingua fanca
5. Makaiwas sa palabong kaisipan
6. Makabuo ng ugnayan at makapagbigay “diin”
Gawin Natin
1. Praktikal ba ang gamit ng code mixing? Bakit?
2. Paano nakakatulong sa pambansang pagkakaisa ang kasanayan sa code-
switching?
3.Nakakabuti ba sa mga estudyante na taglayin ang kasanyan ng code-switching?
Bakit?

HALO-KODA (Code Mixing)

Ang halo-koda o code-mixing ay isang penomena sa pagpapahayag na pasalita.


Nagaganap ito sa pamamagitan ng pagsingit ng salita o mga salitang mula sa ibang
wika na labas sa sistema ng pangunahing wikang ginamit sa pagpapahayag.
56
Ang halo-koda ay nangyayari sa pagkakataong ang nagsasalita ay walang
mahagilap na angkop na salitang dapat gamitin sa kanyang pagsasalita. Kagaya ng
code-switching, ito rin ay madalas nagaganap kapag nagsasalita. Masasabing ang
halo-koda ay nagaganap kapag ang isang nagsasalita ay kapos na sa bokabularyo
sa pangunahing wikang gamit sa pagpapahayag. Sa madaling sabi, isa sa mga
layunin ng code-mixing ay upang maintindihan ng kausap, at upang punan ang
kakapusan ng pangangailangan ng pagsasalita. Maari namang nagaganap ang halo-
koda dahil sa kaugnayan ng wikang gamit sa usaping kultural o panahon na lantad
ang wikang ito sa isang lipunan.

Ang terminong code-mixing ay nagbibigay diin sa “hybridization” na nagaganap


sa pagpapahayag ng isang bilingwal o multilingwal na indibidwal.

Sa ating bansa, madalas nagaganap ang penomenon na ito sa pagpapahayag, sa


kalye, palengke, tahanan at maging sa loob ng mga silid-aralan.

Gawin Natin
1. Kailan masasabi na mabuti ang epekto ng halo-koda sa pakikipagtalastasan?

2. Paano nakikinabang sa isa't isa ang palit-koda at halo-koda?


Subukin Natin
PAGSUSULIT BILANG 6

Pangalan: Kurso/Taon: Iskor:


Oras ng Klase: Petsa

I. TAMA O MALI: Panuto: Isulat ang salitang TAMA kapag wasto ang pahayag
at MALI kung iba. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang:

___________1. Ang palit-koda at halo-koda ay nagaganap sa pagnanais na


maunawaan ng tagapakinig.
___________2. Ang halo-koda ay nagaganap na hindi sinasadya.
___________3. Ang pagpapalit-koda ay nagaganap sa isang bilingwal.
___________4. Ang palit-koda ay sadyang paggamit ng ibang wika sa pagsasalita.
___________5. Maaari din na magaganap ang halo-koda kapag magkaangkan ang
mga wikain.
___________6. Sa pagpapalit-koda ng mga Ilonggo, ang wikang sangkot ay
maaaring Hiligaynon, Karay- a, Filipino at Ingles.

57
___________7. Ang halo-koda ay maaaring magaganap anumang oras kapag
nakikipagkomunikasyon ang isang multilingwal.
___________8. Ang halo-koda ay maaaring magaganap dahil na rin sa kakapusan
sa bokabularyo.
___________9. Ang palit-koda ay sinasadya upang ilayo ang tunay na kahulugan
ng pahayag sa ibang tao.
___________10. Kahit hindi magkakamag-anak ang wikain nagaganap pa rin ang
palit-koda.

II. SANAYSAY:Panuto: Isulat ng malinis, malinaw, payak at tiyak ang iyong


kasagutan: (5 puntos)

Bakit nagaganap ang halo-koda sa mga bilingwal?

58
Aralin 9 ILANG KONSIDERASYON TUNGO SA
MABISANG KOMUNIKASYON
Mga Layunin: Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. nasusuri ang kaisipan ng akronim na SPEAKING;


b. nakasusulat ng isang komik iskrip; at
c. natutukoy ang mga kaparaanan sa pagbibigay ng angkop na pahayag batay
sa akronim na SPEAKING.

59
Talakayin Natin
Hanggang sa kasalukuyan ang modelong SPEAKING ni Dell Hymes sa mabuting
pakikipagkomunikasyon ay napapakinabangan ng maraming indibidwal na
nagnanais mapabuti ang kasanayang pangkomunikasyon. Lalong-lalo na sa buhay
ng mga estudyante na nais taglayin ang kasanayan sa pagiging mabuting
tagapagsalita.

Mahalagang aspeto sa pakikipagtalastasan na alam ang mga mahalagang


konsiderasyon sa pag-uusap. Kapag alam mo ang konsiderasyon, magiging madali
para sa iyo ang pakikipag-usap at maayos mong matatawid ang mga nais mo
ihahayag para sa iba.

Narito ang inimungkahing akronim ni Dell Hymes na SPEAKING:

S - (Setting) Ito'y tumutukoy sa kaangkupan ng iyong pagpapahayag ayon sa


pinangyayarihan o pook kung saan nag-uusap.
P - (Participants) May kinalaman kung sino ang kausap.
E - (Ends) May kaugnayan ito sa pagtugon sa layunin ng pag-uusap. May
malaking kinalaman ang wakas sa pagtugon sa layunin ng
pagpapahayag.
A - (Act Sequences) Ito ang pagtantya sa daloy ng pag-uusap.
K - (Keys) Tumutukoy sa kaangkupan ng pagpapahayag o kaya'y kung sa
kasuotan, ang kaangkupan nito sa sitwasyon.
I - (Instrumentalities) Ano ang midyum na gamit sa pag-uusap.
N - (Norms) Maiugnay sa paksang pinag-uusapan.
G - (Genre) May kaugnayan sa paraang gamit sa pag-uusap.Sa
pagpapahayag hindi lamang mahalaga kung ano ang ating nais iparating sa kapwa,
importante din na maunawaan ka ng iyong kausap.

Sina Bernales et al. (2000), ay nagbigay ng mahalagang punto para sa isang


aktibong kalahok sa usapan:

60
1. Kailangang maunawaan nila ang proseso ng komunikasyon.
2. Kailangan may positibong pananaw sa sarili.
3. Kailangang marunong sa pag-decode at encode ng mensahe.
4. May sapat na kaalaman sa pag-unawa sa mga di-berbal (wika ng katawan)
na komunikasyon.
5. Marunong sa batayang instrumento ng komunikasyon.

Subukin Natin

61
PAGSUSULIT BILANG 7

Pangalan: Kurso/Taon: Iskor:


Oras ng Klase: Petsa

A. Panuto: Ibigay ang kahulugan ng akronim na SPEAKING:

S–
P–
E–
A–
K-
I–
N–
G-

B. Panuto: Ibigay ang limang (5) punto na mahalagang isaalang-alang sa aktibong


pakikilahok: (5 pnts)

1.
2.
3.
4.
5.

62
Aralin 10
ETNOLINGWISTIKS

Mga Layunin: Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. nakikilala ang batayan ng etnolingwistikong katawagan;


b. natutukoy ang dalawang maghalagang batayan ng etnolingwistikong
kultural;
c. nakapagpalitang opinyon sa pagkakaugnay-ugnay ng mga wikain sa

63
Pilipinas;
d. nakapagsaliksik sa iba pang etnikong grupo sa Pilipinas; at
e. nakapagpapaliwanag sa pagkakabuo ng mga pangkat etniko sa Pilipinas.

Talakayin Natin
Etnolingwistiko ay ang pagkakapareho at pagkakaiba ng mga tao sa isang bansa
ayon sa kultura.

May dalawang batayan sa paghahati ng etnolingwistik ng kultura:

1. etnisidad – tumutukoy sa pagkamag-anak.


2. wika – nakikilala ang tao sa pamamagitan nito.

Ang etnisidad ay tumutukoy sa pagkakamalapit ng dalawang panig at sila'y


tinatawag na magkamag-anak.

Paano nagkakaiba ang etnisidad at identidad. Ang etnisidad ay tumutukoy sa


katangiang kultural na binubuo ng wika, lahi, paniniwala, kaugalian, tradisyon,
saloobin, ideolohiya at iba pang mga salik. Habang ang identidad ay ang
pagkakakilanlan batay sa kabihasnan at kulturang kinagisnan bilang isang lahi.

Sa kabilang dako, ang wika naman ay may malaking papel na ginagampanan sa


pagkakakilanlan sa isang etnikong grupo. Ang wika ay kaparaanan kung saan
makikilala mo ang isang tao o ang isang pangkat etniko. Ito ang naghahayag kung
ano at sino ang isang pangkat o indibidwal. Sa pamamagitan ng kanyang wikang
gamit, makikilala mo ang grupong kinabibilangan nito.

Sa Pilipinas may 7 pangunahing pangkat etniko:

1. Ilonggo- Hiligaynon
2. Bikolano - Bikolano

3. Tagalog - Tagalog
4. Kapangpangan - Pangasinense Amánung Sísuan (breastfeed nurture language)
5. Ilokano - Ilokano (Provincial Ordinance passed September 2012)
6. Moro - Arabiko
7. Cebu - Bisaya/Cebuano (bahagi ng Rehiyon 7)

Subdibisyon ng mga Pangkat etniko sa Pilipinas

64
1. Tagbanua – nakatira sa baybaying dagat ng gitnang Palawan.

2. Mangyan – nakatira sa liblib na pook ng Mindoro. Mahiyain silang tribu.


Kayumanggi ang kanilang kulay, itim ang buhok, may maamong mata at
katamtaman ang tangkad.

3. Yakan – matatagpuan sa Basilan at ang lalaki at babae ay gumagamit ng malong.


Ipinapalupot ng babae sa baywang at isinusuot naman sa ulo ng lalaki ang
malong. Maraming ipinagbabawal sa buhay ng mga Yakan. Ipinagbabawal sa
kanila ang pagpapakasal sa magpinsang makalawa ngunit maaaring magpakasal
ang magpinsang buo manatili ang yaman ng angkan. Maaaring magpakasal nang
higit sa apat ang lalaking Yakan kung kaya niyang bigyan ang mga ito ng sapat
na kabuhayan. Pinapayagan din sa kanila ang diborsiyo kung pumapayag dito
ang lalaki.

4. Bagobo – matatagpuan sa gulpo ng Davao

5. Bukidnon ng Sentral Panay – matatagpuan sa bulubunduking bahagi ng Panay.

Gawin Natin
A. Magbigay ng dalawang pangkat etniko at talakayin ang kanilang pagkakaiba sa
kultura (8 puntos).

B. Pumili ng dalawang pangkat etniko at talakayin ang pagkakatulad ng kanilang


wika (7 puntos).

C. Paano nabubuo ang pangkat etniko? (5 puntos)

65

You might also like