You are on page 1of 5

ANG WIKA SA EDUASYON BILANG PAGTUTURO NG FILIPINO

Malaki ang ginagampanan ng wika sa pambansang kaunlaran.Isang mahalagang instrumento ang wika sa
komunikasyon, nagkakaroon ng kakayahang kumuha at makapagbahagi ng kaalaman; mithiin at
nararamdaman sa halos lahat ng aspeto ng pag-aaral at sa ating pang- araw araw ng pamumuhay.
Nakasalalay ang epektibong pagkatuto at matagumpay na paghahatid ng mga ideya sa ibang tao sa
pamamagitan ng wika. Kinakailangang maging mahusay ang isang indibidwal sa pagsasanay ng wika
upang magamit ito nang maayos. Marami ang nagsikap at nagsisikap na mapayaman at mapaunlad ang
wikang pambansa. Layunin ng mga pagsisikap na ito na magamit ang Wikang Filipino bilang wikang
panturo o midyum sa edukasyon. Dahil sa pagbabago ng panahon ay malaki ang papel na ginagampanan
ng wikang Filipino sa edukasyon. Ano ang kahalagahan ng wikang pambansa sa edukasyon? Ito ba ay
instrumento tungo sa kaunlaran at kalagayang panlipunan ng isang bansa? Malaki ang tungkulin ng
wikang pambansa sa pagtuturo at pagkatuto ng bawat isa.

Itinaguyod ni Manuel L. Quezon na magkaroon tayo ng sariling wikang pambansa, ngunit


magpahanggang ngayon hindi pa rin natin masasabing lubos nga ang pagpapahalagang ibinigay natin
dito. Sa katunayan, usapin pa rin magpahanggang ngayon kung may kakayahan nga ba ang wikang
Filipino na makipagsabayan sa iba pang global na wika ng mundo.

Isanasaad sa Artikulo XIV, Seksyon 6 na ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino, Samantalang
nalilinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba
pang mga wika. Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasiya ng
Kongreso, dapat magsagawa ng hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang
paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa
sistemang pang-edukasyon.

Mahalaga ang wikang Filipino sa pagkaunawa ng mag-aaral sapagkat mas malaki ang
naitutulong nito sa intelektwalisasyon at ang anumang uri ng kaalaman ay nakapagpapabilis sa proseso
ng edukasyon. Mas naipapahayag nila ang kanilang sariling opinyon, damdamin sa isang isyu o usapin sa
kanilang pinag-aaralan.Nakatutulong ang paggamit ng wikang Filipino tungo sa mabilis na pagkaunawa
ng mag-aaral.

Patuloy na gumawa ng mga hakbangin at puspusang itaguyod pa sa mga paaralan ang Wikang
Filipino bilang midyum ng pagtuturo.
Kahalagahan ng Wikang Filipino sa Edukasyon
Kahalagahan ng Wikang Filipino sa Edukasyon

INTRODUKSYON

Bilang mga tao, nagbiyaya ang Panginoon ng isipan upang gamitin at ipalaganap. Maraming tanong sa
isipan ng isang tao, mga tanong na nakakaapekto sa bawat galaw, kilos, at desisyon ng sarili. Sa
paaralan, tinuturo ang kahalagahan ng mga bagay-bagay katulad nalang ng wikang pambansa. Ang isang
bansa na may sariling wika ay nangangahulugang malayang bansa. Ang wika ay isang paraan ng
komunikasyon. Dahil sa wika nagkakainindihan ang lahat ng tao. Iba't-ibang wika sa bawat lugar,
komunidad, at bansa. Mahalaga ang wika ng isang bansa katulad ng Wikang Filipino.

Ang isang tao na gumagamit ng Wikang Filpino ibig sabihin isa siyang Pilipino pero bakit ang ibang
Pilipino ay ikinakahiya ang sariling wika? Ito ba ang sinasabing mahalaga at mahal raw ng mga
mamamayan ang sariling wika ngunit kahit gamitin man lamang ito ay di magawa dahil sa mga
masasamang ideya, at kuro-kuro na namuo sa isipan ng ibang tao o mga banyaga tungkol sa Pilipino na
dahilan na ikahiya ang sariling wika. Kung mahalaga talaga sa mga Pilipino ang Wikang Pambansa ay
gagamitin ito kahit kailan at saan man magpunta.

Maraming iba't-ibang wika dahil sa archepilago ng hugis ng bansa Pilipino o tinatawag ding varayti ng
wika. Sabi ng marami na ang Wikang Ingles ang mas mahalaga kumpara sa Wikang Filipino dahil ang
Wikang Ingles ang pangunahing linggwahe na mas ginagamit ng karamihan kahit saan man magpunta sa
buong mundo. Pero para sa mga Pilipino at sa mga taong mas nakakaintindi sa kahalagahan ng ating
Wikang Filipino, ito ang sumisimbolo sa katauhan bilang isang Pilipino, makakaya ring mapaunlad ang
sariling bansa kahit ang sariling wika lamang ang ating gamitin. Sabi pa nga ng bayaning Pilipino na si Dr.
Jose Rizal "Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa malansang isda." Kaya
pahalagahan ito at mahalin ng buong puso, hindi lamang sa salita kundi sa gawa. Mahalaga talaga ang
wikang filipino sa kasalukuyan dahil nagpapatunay ito na mayroong sariling wikang maipagmamalaki ang
mga Pilipino.

Malinaw na ang wika ay isang mahalagang kasangkapan na ginagamit upang maiparating ang mga
nasasaloob na ideya at damdamin ng isang tao. Hindi lamang ito isang paraan ng pakikipag-usap sa
kapwa kundi ginagamit din ito upang makipagkaibigan, makipagtalakayan at maibahagi ang iba’t ibang
opinyon at kaisipan. Sa buong kasaysayan, maraming mga bagay, sitwasyon at pangyayari na tumutukoy
sa kahalagahan ng wika sa mga tao, sa kapaligiran at higit lalo na sa bansa.

Ang wika ay hindi lamang kumakatawan sa isang tao. Ito ay hindi lamang isang paraan para sa
pagpapahayag ng mga sariling saloobin, opinyon, mga personal na obserbasyon at halaga ng kanyang
mga katangian ay isang sisidlan na siyang nagpapahayag ng mga aspeto ng isang komunidad o bansa.
Ang wika ay kumakatawan din sa pangunahing pagpaparating sa iba ng panlipunang pagkakakilanlan. Sa
maikling salita, ang wika ay tumutulong na mapanatili ang mga damdamin ng kultura, sining at
pagkabansa ng isang bayan.

Kahit na sa anumang anyo, sa pamamagitan ng pagsusulat o pagsasalita, ang wika ang pinakamabisang
paraan upang maihatid ang mga kaisipan at mapanatili sa madaling hakbang ang kasaysayan at mga tala
ng mga sinaunang Pilipino. Sa ganitong pagkakataon, malalaman ng mga kasalukuyang mamamayan ang
mga hakbangin na ginawa noong unang panahon upang maipatuloy ito sa mabuting paraan at maiwasan
ang mga hindi magagandang pangyayari noon. Ito ang magsisilbing lakas upang maisakatuparan ang
mga naudlot na pangarap noong simula pa.

Sa paglipas ng panahon, mapatutunayan na ang wika ang siyang pinakamahalagang sandata upang
maiparating ng isang bansa sa kanyang mga mamamayan ang mga pangyayari, kasaysayan at bahagi ng
ekonomiya nito. Gayundin naman na ang wika ang siyang sentro ng mga mamamayan upang maibuhos
sa kanilang pamahalaan ang kanilang mga hinaing.

Maipadarama ng isang tao sa pamamagitan ng sariling wika ang laman ng damdamin, ang lalim ng
pagkatao, ang katangian ng ginagalawang kapaligiran, ang lawak ng kultura at sining, ang kabihasaan sa
anumang larangan at ang katotohanan ng pag-iral. Sa kabuuan, ang wika ang nagsisilbing kaparaanan
upang maging isang ganap na tao ang isang tao at maging isang ganap na bansa ang isang bansa.

Sa araw-araw na gawain ng tao, lumilitaw ang pakikipagtalastasan o pakikipag-ugnayan sa kanyang


kapwa. Halimbawa, sa loob ng klasrum ang pagpapaliwanag ng guro ng mga leksyun habang nakikinig
ang mga estudyante at pagkatapos ay magkaroon ng interaksyon batay sa paksa na kung saan ang guro
ay magtatanong at ang mag-aaral ay sasagot. Ito’y isang pakikipagtalastasan. Gayundin naman sa
lansangan o sa palengke, ang transaksyon na nagaganap sa mga mamimili o sa mga nagtatanong upang
magkaroon ng ugnayan, ito ay isang paraan ng pakikipagtalastasan. Sa tanggapan o sa opisina ng mga
empleyado at kung may mga kliyente silang kakausapin, ito ay isang pakikipagtalastasan. Ito ang
nagpapatunay na ang pakikipagtalastasan ay isang gawaing pang-araw-araw.

Ang mabisang pakikipagtalastasan ay maaring makapagpabago ng isang paninindigan o kilos at maari


ring makahikayat ng paninindigan gaya ng mga kandidatong nagbibitiw ng mga magagandang pangako
upang makuha ang panig ng mga tagatanggap ng mensahe. Ito rin ay nakakatulong sa pagbuo, pag-
unlad, pagbabago at paglikha ng maayos at mataas na antas ng ugnayan ng isipan, damdamin at
saloobin. Ito ay sining ng pagpapahayag na may kaugnayan sa pagiging malikhain sa paggamit ng wika na
may kaayusan at kawastuhan at paglinang sa mga kasanayang pakikinig, pagsulat, pagbasa at
pagsasalita. Lahat ng mga ito, samakatuwid ay nagpapatunay na ang mabisang pakikipagtalastasan ay
proseso ng paghatid ng kaalaman, ideya o mensahe kung saan ang tagapakinig ay lubos na nakauunawa
sa kahulugang nais ipahatid ng lubos na nakauunawa sa kahulugan ng nais ipahatid ng
nakikipagtalastasan.

Ang pagsalita ay ginagawa upang maipahayag ang mga ideya at kaisipan sa kapwa sa ibat-ibang
kadahilanan, maaaring nagsasalita o nagsusulat upang maiparating ang mahalagang impormasyon at
mensaheng nais nating ibahagi upang hindi magsisi ang mga tagapagpahayag kung sakaling hindi natin
naiparating gamit ang nag-iisang wikang pambansa ang wikang Filipino na siyang sumasalamin sa
pagiging isang tunay na Pilipino.

1.2 Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa kahalagahan ng wikang Filipino sa Edukasyon. Layunin ng pag-
aaral na ito na sagutin ang mga sumusunod na katanungan:

1.2.1 Gaano kahalaga ang wikang Filipino para sa mga mag-aaral?


1.2.2 Paano kinukumpara ang wikang Filipino sa wikang banyaga?

1.2.3 Para sa ating mga Filipino aling wika ang mas kailangan nating hasain, ang wikang Filipno na
siyang ating sariling wika o ang wikang banyaga na kung saan mas nirerequire na ngayong gamitin?

TSAPTER II
PRESENTASYON, ANALYSIS, AT INTERPRETASYON

2.1 Kahalagahan ng Wika Para sa Mga Mag-aaral

Ang kahalagahan ng wikang Filipino sa mga mag-aaral ay ito ay isang mahalagang salik ang wika sa
komunikasyon. Sa pamamagitan ng maayos at angkop na paggamit ng wika, nagkakaroon ang
gumagamit nito ng kakayahang kumuha at makapagbahagi ng kaalaman, ng mga mithini at
nararamdaman.

Sa bawat aspekto ng pag-iral ng tao ay ginagamitan ito ng wika kapag nagpapalitan ng mga sikreto sa
pagitan ng malalapit na kaibigan, kapag sumasagot sa klase o nagsusulat ng iba't ibang term paper, sa
mga oras ng review para sa eksamen, lahat ay gumagamit ng wika. Dito nakasalalay ang epektibong
pagkatuto at matagumpay na paghahatid ng mga ideya sa ibang tao. Ngunit gaya nga ng nabanggit
kanina, kailangang hasain ang wika sa isang kaukulang lebel upang magamit ito nang maayos. Kaya
naman may mga kurso tayo sa grammar o balarila, at sa literature o panitikan. Sa pamamagitan ng mga
kursong ito, lumalawak ang pag-unawa ng mga mag-aaral tungkol sa paggamit ng iba't ibang mga salita
upang makamit nila ang kanilang mga nais gawin. May matibay na relasyon ang pagbabasa at
pagsusulat, sapagkat hindi maaaring umiral ang isa kung wala ang isa pa. Habang umuunlad ang ating
kakayahan sa pagbabasa ay inaasahang umuunlad din ang ating kakayahan sa pagsusulat. Ginagamit rin
ang wikang Filipino upang mas lalo pang nagbubuklod buklod ang bawat isa sa ating bansa.

2.2 Pagkukumpara ng Wikang Filipino sa Wikang Ingles

Sa kabila nito, hindi pa rin ito sapat upang masabing intelektwalisado ang wikang Filipino kung
ikukumpara sa ibang wika tulad ng wikang ingles. Kinakailangang pag-aralan nang mabuti ang proseso ng
intelektuwalisasyon bago pa man ito isagawa. Kailangan ding maintindihan ng mga tao na ang ating wika
ay hindi unibersal tulad ng wikang Ingles. Maisalin man natin ang lahat ng salita sa Filipino, hindi pa rin
ito magiging dahilan upang gamitin ng lahat, lalo pa’t pag-aralan ng ibang tao mula sa ibang bansa. Hindi
nito masisiguro na ito’y gagamitin sa pang-araw-araw na buhay. Bukod pa rito, hindi rin ito magiging
madaling proseso kung ito’y ituturo sa mga mamamayan. Sa kabilang banda, dapat din ay bigyang
pansin at pagkakataon ang mga nais magtaguyod ng pag-intelektuwalisa ng wikang Filipino. Mataas ang
respeto sa kanila dahil bagama’t mahirap ang kanilang mga nais mangyari ay hindi ito nagiging hadlang
upang silay’y magpatuloy. Kung mabibigyan sila ng pagkakataon ay marahil maintindihan din kung bakit
hindi kinakailangang iintelektuwalisa ang wikang Filipino sa bawat larangan. Bukod sa hindi magiging
simple ay hindi rin ito ang tanging paraan upang itaguyod ang sariling wika. Ang intelektuwalisasyon ng
Filipino ay hindi imposible, ngunit sa ating panahon ngayon, hindi rin ito lubusang magagamit. Bukod pa
rito ay hindi na rin mapapalitan ang katotohanang Ingles pa rin ang unibersal na wika.
2.3 Wika na Mas Kailangang Hasain

Bilang isang Filipino mas piniprefer na hasain ang ating sariling wika kaysa sa wikang banyaga. Dahil ang
wikang filpino ang nagsisimbolo ng ating pagka Filipino ito ang siyang maipagmamalaki natin sa ating
bansang kinabibilangan. Mahalaga ang paggamit ng wikang Filipino sa pagtuturo sapagkat malaki ang
maitutulong nito sa intelektwalisasyon ng mga Pilipino. Sa isang payak napagsusuri masasabi nating ang
paggamit ng katutubong wika sa pagtuturong anumang uri ng kaalaman ay nakapagpapabilis sa proseso
ng edukasyon. Sabi ng marami an Wikang Ingles ang mas mahalaga kumpara sa Wikang Filipino dahil sa
ang Wikang Ingles a ang pangunahing linggwahi na mas ginagamit nga karamihan kahit saan man sila
magpunta sa mundo. Pero para sa amin at sa mga mas nakakaiintindi sa kahalagahan ng Wikang Filipino
ay ang Wikang Filipino parin ang napakahalaga dahil ito ang sumisimbolo sa ating katauhan bilang isang
Pilipino, makakaya nating mapaunlad ang ating sariling bansa kahit ang ating sariling wika lamang ang
ating gamitin katulad ng bansang Japan. Mas pinahahalagahan nila nag kanilang sariiling wika kaysa sa
ibang wika kahit ganito napapaunlad parin nila ang kanilang bansa at ngayon isa ang kanilang bansa sa
pinakamaunlad na bansa sa buong mundo. Sabi pa nga ng ating bayani na si Dr. Jose Rizal " Ang hindi
marunoong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa malansang isda." Kaya tayong mga Pilipino
pahalagahan natin ang ating sariling wika at mahalin ng buong puso, hindi lamang sa salita kundi sa
gawa. Mapapansin na hindi umunlad ang wika sa loob ng napakahabang panahon dahil hindi na
kailangan pang pag aralan ng mga banyaga ang wikang Pilipino.

Tunay na isang paraan na magkaunawaan ang magkaibang wika sa pamamagitan ng wikang Ingles,
ngunit isipin naman ng mga Filipino na hindi obligasyon na magsalita ng Ingles kung nasa sariling bayan.
Sa katunayan hindi isyu kung alin ba talaga ang dapat na gamiting opisyal na wikang panturo sa mga
paaralan. Ang tunay na isyu dito ay ang kalidad ng edukasyon. Sa huli ay nasa estudyante pa rin kung
paano siya magsusumikap upang tumaas ang kanyang kaalaman sa paggamit ng Wikang Ingles at
pagmamahal sa pamanang Wikang Filipino.

You might also like