You are on page 1of 12

Ang kuwento ay isinulat ni Eros S.

Atalia Sa pamagat ng kuwento mahihinuha na ang istorya ay tungkol kay


Intoy na nakatira sa Kalye Marino.

Si Intoy ang pinakabihasa sa lahat ng magtatahong sa kanilang lugar. Kaya “Syokoy” ang tinatawag ng mga
tao sa kaniya ay dahil para nga raw itong isang syokoy na nakatatagal sa ilalim ng dagat. Parang may hasang
ito na tulad ng isang isda.

Ang Kalye Marino naman ay hindi na Kalyeng Marino kung wala ang mga magtatahong na tulad ni Intoy.

Sinasabi ng matatanda na tinawag ang lugar na iyon na Kalye Marino simula nang gawing Base Militarng
mga Amerikano ang dulo ng kanilang lugar. Marines o marino ang kadalasang sundalong dinadala roon. Ang
kuwento ay isa nang pelikula at isang kalahok sa New Breed Full Length Feature Category 2012
CINEMALAYA INDEPENDENT FILM FESTIVAL AND COMPETITION.

Ang pelikula ay pinagbibidahan ni JM De Guzman kasama na sina LJ Reyes at Joross Gamboa. Ito ay mula
sa direksyon ni Lemuel C. Lorca.

ANG BUOD NG KUWENTO

Si Intoy ang bihasa sa lahat ng mga magtatahong sa Kalye Marino sa lungsod ng Cavite. Tinatawag siyang
“Intoy Syokoy” ng mga tao dahil para nga raw itong isang syokoy na nakatatagal sa ilalim ng dagat na parang
may hasang ito tulad sa isda. At kahit bagong ligo pa siya ng tabang na tubig , huwag lang pagpawisan nang
kaunti ay amoy dagat agad siya. Pinaglilingkuran niya ang kaniyang amo na si Mang Amor.

Isang araw ay tinamaan ng mga alig ang mga tahungan ng mga tao sa kanilang lugar. Bilang magaling na
manininisid at bihasang magtatahong, si Intoy ang inaasahan ng mga taong maglilinis at magsasalba sa
kanilang tanging kabuhayan mula sa pesteng alig na dumadalas na ang dalaw bitong mga nakaraang taon.

Natutuwa si Intoy dahil kung maraming tinamaan ng alig, tiyak bukas at hangga’t sa mga susunod na araw
ay maraming may tahungang magpapalinis sa kaniya. Kikita siya nang malaki. Ngunit malungkot siya, dahil
bukas o sa mga susunod na araw pa siya kikita…ngayon niya kailangan ng pera! At ngayon sana niya aanihin
ang sarili niyang tanim na tahong na pasikreto niyang ginawa. Matatapos na sana ang kaniyang paghihintay
at magkakaayosnasana sila ni Doray.

Kursunada ni Intoy si Doray kahit noong mga bata pa lamang sila kahit alam niya at ng buong Kalye Marino
ang trabahong paglalako ng ‘tilapya’ o katawan ni Doray sa mga parukyano at maging sa mga mangingisda.

Nagustuhan niya ito dahil mabait si Doray sa kaniya dahil maliban kay Berto ay ito lang ang nagtitiyagang
makinig sa kaniyang mga kwento at pantasya.

Kaya siya namomroblema ngayon kung saan kukuha ng pera ay dahil may usapan sila ni Doray. Gusto
niyang dalihin ang ‘tilapya’ ni Doray. Hindi niya alam kung gusto ba niyang mahalin o anuhin lang ang babae.
O baka naman mahalin at aanuhin din pagkatapos. Isang gabi ay nakita niya si Doray na nilalako ang
kaniyang ‘tilapya’ sa mga parukyano. Gustong sumabay ni Doray sa kaniyang pag-uwi at pinagbigyan naman
niya ito.
Nagulat si Intoy sa tinuran ng dalaga, marahil ay nasabi na ni Berto dito ang tungkol sa kaniyang balak kay
Doray. Hindi niya alam kung matutuwa siya o magagalit sa kaibigang washer. Hindi rin niya alam kung
nakikipag-syota na ba sa kaniya si Doray o simpleng pinaglalakuan lang siya ng ‘tilapiya’ nito.Hindi nakatulog
si Intoy sa gabing iyon nang sabihin ni Doray na pupuntahan siya nito sa bahay niya. Marami sana siyang
balak. Bibili sana siya ng makakain at aayusin ang sarili upang sa ganoon ay hindi nakakahiya kay Doray.
Ngunit ngayon ay pinatay nag mga alig ang sagot sa mahabang pag-hihintay na iyon ni Intoy. Wala siyang
pera. Wala siyang ibabayad kay Doray. Ngunit paano kung gusto pala siya ng babae at hindi ito
nagpapabayad?

Gabi, salamat sa paunang bayad na isangdaang piso sa kaniya ng amo, nakabili siya ng pandesal at
mantikilya. Pero hindi nakahanda si Intoy. Hindi pa siya naliligo dahil sa mag-hapon na paglilinis sa tahungan.
Nakaupo siya at makikita ang mahapding sugat sa kamay. Naramdaman niya bigla ang langitngit ng tulay
na kawayan. Nakita ni Intoy si Doray na iniluwa ng dilim na bagong paligo. Naikwento niya dito ang nangyari
sa tahungan at ang pesteng mga alig. Nagulat na lamang siya at hinawakan ni Dorayang kaniyang kamay at
sinuri ang sugat. Hinalikan ito ng babae at inakay siya paloob sa bahay.

PAGSUSURI SA KWENTO

ISTILO NG PAGLALAHAD

Sa istoryang “Intoy Syokoy ng Kalye Marino” ni Eros Atalia, naging malinaw naman ang paglalahad ng
kwento at naging maayos ang pagkakalarawan sa mga transisyon ng mga pangyayari. Gumamit ang
manunulat ng ilang salitang bernakular sa mga taong nabibilang sa mababang uri ng lipunan. Ipinahayag
niya ang mga karaniwang eksena sa Kalye Marino, bilang isang lugar na pinaninirahan ng mga karaniwang
taong may iba’t-ibang persepsyon sa buhay, pag-uugali, pangarap at iba’t-ibang estiloat pamamaraan para
malampasan ang kalam ng sikmura.
Ang ideyang lumitaw sa istoryang ito ay pinanghugutan mismo mula sa karanasan ng ng manunulat na
si Eros Atalia dahil siya mismo ay nagmula sa Kalye Marino. Masasabing naging mapangahasang istoryang
ito sa paggamit ng mga salitang hindi angkop at katanggap-tanggap para sa ibang tao lalo na kung
isasapubliko. Ganun pa man, ang mga salitang ito gaya ng mga direktang pagmumura at mga terminong
sensitibo ay isa sa naging daan para maipahayag at maipakita sa mga mambabasa ang mundiong iniikutan
ng istorya.
Inilarawan rin ng manunulat ng maayos ang mga pisikal na anyo ng paligid ng bawat eksena sa kwento.
Naktulong rin para sa komprehensyon ng mga mambabasa ang detalyadong paglalarawan niya sa mga
tauhan.

SARILING REAKSYON

1.PANSIN AT PUNA

a.TAUHAN

Intoy – siya ang pangunahing tauhan sa kwentong ito. Sa aming palagay, si Intoy ay imahe ng isang binatang
puno ng pangarap, handang harapin ang anumang hirap at may malasakit sa kapwa. Ang kanyang pisikal
na kaanyuan ay sumasalamin lamang sa matitinding hirap na naranasan niya sa pagtatrabaho sa Kalye
Marino. Batid rinnaming ang kanyang tapat na pagmamahal sa kababatang si Doray.

Doray – si Doray ay isang babaeng representasyon lamang ng milyun-milyong kababaihan sa Pilipinas na


handang ikalakal ang dangal at puri para lamang malamnan ang kumakalam na sikmura at may
maipangtustos sa pamilya. Hindi namin siya masisisi dahil sa kinalakihan niyang lugar, tila katanggap-
tanggap na propesyona ng pagbebenta ng laman. At isa pa, lumaki si Doray na walang magulang kaya’t
hindi rin kataka-takang ito ang kanyang sinapit na trabaho.

Mang Amor – siya ang amo ni Intoy. Sa aming pananaw siya ang uri ng taong nagpapahalaga ng husto sa
kanyang pinagkakakitaan. Ipinahihiwatig rin ng deskripsyon sa kanyang kaanyuan, kilos at galaw na tulad ni
Intoy at Doray ay laki siya sa hirap.

Bertong Baka – siya ang kaibigan ni Intoy. Sa kanyang estilo ng pananalita at mga impormasyong lumalabas
mula sa kanya,kitang-kita ang kawalan niya ng pinag-aralan. At dahil sa mga kwento niya ukol sa pandadali
niya sa iba’t-ibang babae sa kanilang lugar, nabatid naming siya ang uri ng lalaking hindi rumirespeto sa
kababaihan at tinitingnan lang ang mga ito bilang parausan. Sa tingin naming ay naging masamang
impluwensya siya kay intoy.

Iba pang kaibigan: Yeyeng/Boyet- tulad ng mga naunang tauhan, di maikakailang sila ay lumaking hindi rin
nakapag-aral at kulang sa gabay ng magulang.

b.GALAW NG PANGYAYARI

Bilang mambabasa, malinaw naman naming naunawaan ang galaw ng mga pangyayari. Medyo nakulangan
lang dahil tila kulang ng ilang elemento ang istorya tulad ng rising action at climax. Parang naging bitin din
ang istorya sa bandang huli. Ganun pa man, nagtagumpay ang manunulat na iparamdam at ipakita sa mga
mambabasa ang aktuwal na buhay sa Kalye Marino.

PAGPAPAHALAGA AYON SA NILALAMAN

a.KALAGAYANG SOSYAL NG TAUHAN

Naipakita sa akdang ito kung paano nakakaapekto ang estado ng buhay sa nagiging karakter ng isang tao.
Katulad na lamang ng mga gawaing patuloy na ginagawa ng mga tauhan sa kwentong ito na sa kung tutuusin
ay normal na rin na gawain ng ating kapwa mamamayan na hikahos sa buhay. Mapapansin rin na sa paraan
ng panananalita ng ng isang tao mahihinuha kung ano ang kalagayan nito sa buhay.Nasasalamin ng mga
tauhan ang paraan ng pagsasalita : pabalbal man o minsan ay maseselan na pananalita , mga pag-uugali at
mga gawain ng mga taong walang pinag-aralan at mga taong hikahos sa buhay.
Sa kwentong nabasa, mahirap lamang si Intoy at ang iba pang mga tauhan sa Kalye Marino. Dahil sa kawalan
ng trabaho at iba pang oportunidad na kumita ng malaki, ang iba nga ay ‘kumakapit na sa patalim’ gaya ng
pagbebenta ng katawan upang makaraos lamang. Dito masasalamin ang totoong nangyayari sa lipunan.
Ang kalye Marino sa kwento ay isang simbolismo ng ating bansa. Ang bawat tauhan ay may kaniya-kaniyang
representasyon sa ating lipunan. Ngunit iisa lang ang nagtutulak sa mga ito upang mamuhay ng ganoon. At
ito ay ang matinding kahirapan.Ang bagay na ito’y madarama mo sa tahanan ng bawat ordinaryong Juan
dela Cruz kung saan karamiha’y nagsisikap itawid ng gutom ang pamilya, na wag sasala sa pagkain ng
tatlong beses isang araw. Ito’y makikita mo sa bilang ng mga bata na nasa lansangan at ito’y mapapansin
mo sa dumaraming squatters at side-walk vendors gaya ng Kalye Marino.

b.KULTURANG PILIPINO

Base sa mismong depinisyon ng salitang kultura na tumatalakay s : wika , kaugalian at kasuotan ng isang
tao malalaman natin na ang akdang ito ay nagpapakita at naglalahad ng iilang kulturang Pilipino.

Makikita rito ang isa sa mga kaugaliang Pilipino na Pakikisama sa kapwa. Ito ay pakiki-ayon o pakikibagay
sa mga kasamahan. Maganda ang pakikisama dahil nagdudulot ito ng magandang samahan at
pagkakaisa.Isang halimbawa nito ay nang humingi ng tulong ang mga ibang magtatahong kay Intoy na linisin
din ang kanilang lugar, agad na sumang-ayon si Intoy kahit na hindi pa siya tapos sa pinapagawa ng kaniyang
amo. Ito ay upang ipakita sa mga tao na mahusay siyang makisama at makibagay.

Naipamalas rin ni Intoy ang kaugalian ng pagiging isang Matulungin ng isang Pilipino. Nagagawa rin niyang
tumulong sa mga taong nasa paligid niya at maging kay Doray.

Dahil na rin sa kalgayan niya sa buhay, naipakita ng bidang si Intoyang pagiging Masipag at Matiyagana
likas at kilala na sa ating mga Pilipino. Halimbawa lamang nito ay ang pagtatayo ni Intoy ng kaniyang sariling
baklad o lugar para sa mga tahong upang kahit papaano ay magkaroon siy ng kita. Pinakita rin niya ang
pagiging Maparaan kung saan sa mga pira-pirasong bagay na maaring mapakinabangan niya ay kunuha at
ginamit niya para sa kaniyang tinatayong baklad.

Ngunit mayroon namang mga nakaugalian nang kultura ng mga Pilipino na nilabag ng mga tauhan sa kwento.
Isa na rito ang Amor Propioo pagpapahalaga ng isang tao sa kanyang dignidad. Ang ibang tauhan sakwento,
lalo na si Doray ay isinugal na pati ang kaniyang katawan upang kumita lamang ng pera. Isang halimbawa
ito ng hindi pagpapahalaga sa dignidad ng isang tao.

c.PILOSOPIYANG PILIPINO

Para sa aming palagay, may mga parte sa istoryang ito ang nagpapakita ng isang pilosopiyang pilipino. Alam
naman natin na umiikot ang istoryang ito tungkol sa kahirapan ng buhay. Nagpamalas naman ang mga
tauhan ng ilang kaisipan na kadalasa’y ginagawa ng mga Pilipino sa realidad ng buhay. Minsan iniisip lang
natin na magawa ang isang bagay kahit na hindi natin alam ang maaaring maging resulta nito. Hindi muna
natin inaalam ang mga susunod na bagay na mangyayari pagkatapos ng aksyon na gagawin natin.
Narito pa ang ilang mga pilosopiyang nakita sa kwento:

o Ang karahasan ng buhay ay depende kung sino ang mandarahas at dinarahas.


o Ngitian ang mga bagay na hindi malunasan.
o Ang buhay ay hindi simpleng pagtugon lang sa kalam ng sikmura.
o Lahat ng tao ay pwedeng mangarap. Wag tumigil mangarap. At isabuhay ang pangarap.
o Ang pangarap ng isang pinakasimpleng tao ay singhalaga rin ng pangarap ng pinakamakakapangyarihan
sa mundo.
o Ang buhay ng pinakapayak na tao ay katumbas ng buhay ng pinakamayayaman sa lipunan.

d.SIMBOLISMONG PILIPINO

Maraming simbolo ng pagka-Pilipino ang nakita ko sa pagbabasa ng akdang ito. Ang Kalye Marino ay
sinisimbolo ang ating bansa na dumadaan sa matinding kahirapan. Kahirapan na patuloy na lumalala
magpasahanggang ngayon. Ang Kalye Marino ay isang lugar kung saan matatagpuan ang totoong
pinagdadaanan ng karamihan sa atin. Dahil nga sa hirap ng buhay na nararanasan ng karamihan sa ating
bansa likas na sa atin ang pagiging masipag at pagiging matiyaga. Tulad na lamang ng pangunahing tauhan
sa kwentong ito na si Intoy – dahil siya ay isang binatang may pangarap sa buhay nagsisikap siya sa
pagtatrabaho magkaroon lamang ng panlaman sa tiyan.
Ang mga pesteng alig naman ay sumisimbolo sa mga taong sumisira sa pangarap ng ibang makahaon sa
kinasasadkalakan. Ang mga alig rin na ito ang nagbibigay ng ‘false hope’ sa mga tao. Ito rin ang mga
makapangyarihan sa lipunan na walang habas kung abusuhin ang kanilang kapangyarihan sa mga walang
kalaban-laban.
Isa rin sa simbolismong Pilipino na nakita namin sa akdang ito ay ang mga karakter ng mga babaeng tauhan.
Alam naming hindi na bago sa atin ang mga usapin na tungkol sa prostitusyon , pag-bubugaw o kung anuman
ang tawag sa pagbebenta ng puri at dangal. Naipapakita kasi sa akdang ito na dahil sa hirap ng buhay
naisasakripisyo ng mga kababaihan ang kanilang pinagkaka-ingatan para lang makaahon sila sa hirap.

PANITIKANG PAGTATALAKAY

A.PANLIPUNAN

Iba’t ibang uri ng tao ang bumubuo sa lipunang ating ginagalawan. Ipinapakita ng akdang ito ang hindi
pagkakapantay-pantay ng mga tao sa ating lipunan. Sa pagkakaiba-iba ng lebel ng tao, iba-iba rin ang
kanilang pangangailangan upang mabuhay sa lipunang kanilang kinabibilangan.
Sa isang lipunan, mayroon at mayroong makapangyarihan na gagamitin ang kanyang kapangyarihan na
kung tawagin ay power, upang kontrolin ang mga hindi nabiyayaan ng kapangyarihan. Matagumpay na
naisalamin ng akdang ito ang sistema ng politika sa ating bansa. Ang sistema na may konsepto ng pagiging
mataas at mababa sa lipunan.

B.PANG-MORAL

“Ang taong gipit, sa patalim kumakapit”


Isang sikat na kasabihan na akmang-akma sa akda. Nangangahulugang sa oras ng kagipitan, napipilitan
tayong gumawa ng kamalian. Problema, pinansiyal man o personal, ang nagtutulak sa isang indibidwal
upang gumawa ng mga hindi inaasahang bagay.
Ipinapakita ng akdang ito ang pagsasawalang bahala ng mga tao sa kanilang moralidad at dignidad sa buhay,
mapakain lang ang kanilang kumakalam na mga sikmura at mapunan lang ang kanilang damdamin.

C.PANG-ARKETIPO

Gamit ang trabahong pagtatahong, naging epektibo ang akda sa mga mambabasa. Sa tulong nito nagawa
ng akdang bulabugin ang isipan ng mga mambabasa. Kagaya ng ibang kabuhayan tulad ng pagsasaka na
ang kalaban ay peste, gayun din ang pagtatahong na ang kalaban ay alig.
Isinalamin ng alig ang mga makapangyarihan sa lipunan na walang habas kung abusuhin ang kanilang
kapangyarihan sa mga walang kalaban-laban sa kanila katulad ng tahong na nakatali lamang at walang
nagawa ng daanan ng alig.

D.PANG-SOSYOLOHIKAL AT PANG SIKOLOHIKAL

Kung ang pag-uusapan ay aspetong sosyolohikal, hindi nagkulang ang akdang ito. Kitang-kita sa akda ang
pagiging liberal ng may-akda sa nakikita niyang mali sa lipunan. Kahirapan ang puno’t dulo ng maikling
kwentong ito. Ito ang unti-unting pumapatay sa mumunting buhay ng mga nasa masalimuot na lipunan. Sakit
ng lipunan na tila hindi na magagamot pa kailanman.
Hindi nagbabago ang lugar, ang tao ang nagbabago na nagbabago sa lugar. Ayon sa sikolohiya, ang
lipunang ginagalawan ng tao ang siyang pangunahing tagahubog ng kaniyang mga kilos at pag-uugali. Ang
tagpuan ng maikling kwentong ito ay sa tabing-dagat kaya’t ang kabuhayan ng mga tao dito ay galing sa
dagat. Tulad ng sinabi sa kwento, ang Kalye Marino ay hindi na Kalye Marino kung walang magtatahong.

TEORYA O PANANALIG NA PAMPANITIKAN

•Teoryang Realismo- Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan at nasaksisan ng may-akda sa
kanyang lipunan. Samakatuwid, ang panitikan ay hango sa totoong buhay. Pinaghugutan mismo mula sa
karanasan ng manunulat na si Eros Atalia ang kwento dahil siya mismo ay nagmula sa Kalye Marino.Hinubog
ng Kalye Marino ang pagtingin ko sa buhay. Tinulungan siya ng Kalye Marino na makita ang kagandahan ng
buhay sa gitna ng karukhaan. Ito ay nabuo mula sa nakasalamuha niyang ilang kagalang-galang na mga
indibidwal. Na bagamat salat sa buhay, puno ng kaalaman. May lalim.

•Eksistensyalismo – Masasabing ang isang akda ay nasa Teoryang Eksistensyalismo kung may layunin ito
na maipakita na ang isang tao ay may kalayaan na pumili at mag-desisyon para sa kanyang sarili. Katulad
sa akdang ito kung saan ipinakita na ang mga tauhan ay may kalayaang gawin ang nais nilang gawin .
Mismong ang sarili nila ang nagde-desisyon kung anuman ang mga bagay na gagawin nila sa kanilang
buhay.

•Sosyolohikal -Masasabing nasa teoryang sosyolohikal ang akdang ito dahil halos lahat ng pangyayari ay
sumasalamin sa kung anong klase ang lipunang ginagalawan ng tauhan. Ang mga kinikilos at paraan ng
pananalita ng mga tauhan ay dahilan at resulta lamang ng lugar na kinikilusan nila.

•TeoryangMoralistiko- Ang layunin ng panitikan ay ilahad ang iba’t ibang pamantayang sumusukat sa
moralidad ng isang tao – ang pamantayan ng tama at mali. Inilalahad din nito ang mga pilosopiya o
proposisyong nagsasaad sa pagkatama o kamalian ng isang kilos o ugali ayon sa pamantayang itinakda ng
lipunan. Sa madaling sabi, ang moralidad ay napagkakasunduan ayon na rin sa kaantasan nito.Sa kwento
ay may maikikitangpagsasawalang bahala ng mga tauhan sa kanilang moralidad at dignidad sa buhay,
mapakain lang ang kanilang kumakalam na mga sikmura at mapunan lang ang kanilang damdamin.

IMPLIKASYON

•KALAGAYANG PANLIPUNAN O PAMBANSA

Ang paksa ng akda ay umikot sa kahirapan, prostitusyon, at sa kawalan ng pag-asa – Ilan lamang sa mga
realidad ng buhay na kinakaharap ng lipunan ngayon.

May mga lugar pa rin hindi lamang sa CAVITE, ngunit maging sa iba pang parte ng bansa, lalong lalo na sa
Maynila ang nakakaranas ng kalagayang inilahad sa akda. Ito ang takbo ng lipunan noon, ito pa rin ang takbo
ng lipunan ngayon.
Mailap ang pagbabago at pag-unlad dahil patuloy ang pagtangkilik ng mga tao sa ganitong klase ng
pamumuhay, dahil wala silang ibang magagawa kundi ang gawin lamang ang nakasanayan dahil walang
mangyayari kung aasa lamang sila, aasa sa mga bagay na walang kasiguraduhan. Mula sa mga tao, patungo
sa maliliit na komunidad o barangay, lipunan, at buong bansa. Lahat ay apektado ng kahirapan.
Ang akda, na naglahad ng kasalukuyang realidad ng ating bansa, realidad na marapat lamang na hindi
hayaang magpatuloy pa at manatiling realidad, ay maaaring magsilbing pambukas isip at kamalayan sa mga
tao, lalong lalo na ang mga nasa posisyon upang gumawa ng paraan nang masolusyonan ang malawakang
problema ng ating bansa pagdating sa kahirapan, prostitusyon at sa kawalan ng pag-asa.

•KALAGAYANG PANSARILI

Subukan mong ilagay ang sarili sa kwento. Isiping isa ka sa mga karakter sa kwento at kalimutan muna ang
iyong sarili. Kahit saang anggulo ay napakahirap maging isa sa kanila. Ang klase ng buhay nila na malayo
sa iyong kinagisnan.

Ang akda ay naglalahad at ipinapaalam sa atin ang mundo ng ibang mga tao sa malalayong kabihasnan.
Kung ano pa ang mga bagay na hindi pa natin nakikita, mga bagay na itinatago ng midya upang mapagtakpan
ang totoong kalagayan ng bansa.

Ito ay magbibigay sa atin ng ideya, kaalaman, at kamlayan tungkol sa mga bagay na malimit lamang nating
marinig sa pang araw araw nna pamumuhay, hindi dahil hindi sila totoo, ngunit dahil hindi natin alam na
mayroon palang ganoong katotohanan.

Inilalahad rin nito sa bawat mambabasa, ang kaibahan ng buhay na mayroon sila sa buhay ng mga karakter
sa akda.

Maaari rin itong makaapekto sa paniniwala at pagtingin ng isang tao sa mga bagay na nangyayari sa paligid,
na maaaring makadulot ng maganda o makapagbigay ng masamang impresyon.

Maaaring hayaan lamang natin na ganito ang kalagayan ng lipunan at kung hindi maagapan, maging
kalagayan ng buong bansa sa mga susunod na taon, ngunit maaari rin naman tayong gumawa ng paraan
upang malabanan ang mapait na realidad ng buhay na ito. Pansamantala lamang ang lahat at sa sarili natin
magsisimula ang pagkilos at pagbabago.

[Read 124,692 times, 58 views today.]


Ang Teksto: Pagtalakay sa Nilalaman, Pagtatakda ng Genre at Pagsusuri sa Bisa

Ang kontemporanyong akdang Alamat ng Gubat ni Bob Ong ay tungkol sa pakikipagsapalaran ng isang
talangkang nagngangalang Tong na binigyan ng dakilang tungkuling kunin ang puso ng saging mula sa lupa
upang mapagaling ang maysakit niyang amang-hari. Sa paghahanap ni Tong ng daan patungo sa lunas na
kanyang hinahanap, iba’t ibang nilalang ang nakatagpo niya sa gubat na bawat isa’y may sariling kuwentong
kanyang kinasangkutan. Nariyan si Buwayang humihingi ng suhol kapalit ng bawat tulong na kanyang
ibinibigay; ang malansang si Palakang napipilitang pakisamahan ng magandang si Bibe dahil lamang sa
kanyang kayamanan; si Leong nagpanggap na mabuti kay Tong ngunit sa huli’y ginamit lang pala ang
talangka upang matunton niya ang pinagtataguan ng ibang hayop sa gubat; sina Langgam at Tipaklong na
nagtatalo ukol sa binabalak na pag-aalsa ng mga insekto laban sa mga hayop dahil ang una’y natatakot na
maapektuhan ang kanyang mga naipundar na negosyo habang ang pangalawa nama’y nakakapagpamalas ng
tapang dahil wala namang mawawala sa kanya; ang iba pang insektong may kani-kanyang paninindigan
tungkol sa binabalak na pag-aalsa; si Ulang na binabayaran umano para gumawa ng wala at siyang lumikha
ng malawak na baybaying namamalas ni Tong; sina Manok at Pagong na ninakawan ni Daga ng itlog ngunit
pinagmagandahang-loob ni Tong na pagsaulian ng kanilang mga anak; si Aso na kilala sa pagsuka at muling
pagkain ng kanyang suka na nag-alok kay Tong ng tulong para makuha ang hinahanap niyang gamot; si
Kuneho na nakikipagtagisan kina Aso at Pagong sa pagkuha ng puso ng saging upang magamit daw niya ang
kapangyarihan nito; si Katang, ang kapatid ni Tong na ipinagkanulo siya sa mga kaaway bilang paghihiganti
sa ginawang pagpapahamak ng huli sa kanya; at si Matsing, ang nilalang na nagbunyag kay Tong ng tunay
na sakit ng kanyang ama at dahilan kung bakit siya nito pinahahanap ng puso ng saging. Bukod sa
paghahanap ni Tong ng lunas sa karamdaman ng kanyang ama, isa pang mahalagang suliraning itinampok
sa akda ang pagpapakilala ng iba’t ibang karakter ng paghahari nila sa kagubatan, gaya nina Buwaya, Leon,
Aso, Kuneho, Pagong, Tipaklong at ng ama ni Tong. Nagwakas ang akda na nahanap ni Tong ang puso ng
saging sa tulong ni Matsing ngunit natuklasan niya mula rito na ang tunay na karamdaman ng kanyang
ama’y ang kawalan ng pakialam sa kahirapan sa kanyang paligid at ginagamit niya ang puso ng saging bilang
pampamanhid sa mga suliraning kanyang namamalas. Wala raw puso ang ama ni Tong kaya puso ng saging
ang ipinampapalit niya rito. Sa huli, nalansi ni Matsing si Tong at napakain ito ng puso ng saging gayong
mangangahulugan ito ng kawalan din niya ng pakialam sa mga problema.

Sa pagtukoy ng genre ng panitikang ito, pinagtabi ang mga katangian ng isang maikling kuwento at nobela
sapagkat kapwa ito nagtataglay ng mga katangian ng dalawa. Ang maikling kuwento ay isang uri ng
masining na pagsasalaysay na maikli ang kaanyuan at ang diwa ay napapalaman sa isang buo, mahigpit at
makapangyarihang balangkas na inilalahad sa paraang mabilis ang galaw.1 Sa isang banda, maituturing na
maikling kuwento ang Alamat ng Gubat sapagkat sing-ikli lamang ito ng isang tipikal na maikling katha na
maaaring matapos sa isang upuang pagbabasa. Hindi nito naaabot ang bilang ng mga salitang dapat taglayin
ng isang nobela na 60, 000 – 200, 000 salita o 300 – 1, 300 pahina2 sapagkat binubuo lamang ito ng 90
pahina, kalahati pa rito’y nagtatampok lamang ng guhit sa buong pahina. Tuwiran din ang paggamit nito ng
wika kaya kapag binasa’y mabilis ang nagiging galaw ng mga pangyayari. Sa kabilang banda, maituturing
namang nobela ang Alamat ng Gubat sapagkat masalimuot ang banghay nito na nagpapamalas ng iba’t ibang
pakikipagsapalaran. Sa pagpasok ng pangunahing tauhan sa bawat natatanging yugto ng kanyang
paghahanap, ibang kuwento ang nagaganap sa kanyang buhay na makailang ulit nagpataas-baba sa punto
ng kawilihan sa akda (sa halip na iisang pagtaas lamang sa kasukdulan sa isang maikling kuwento).
Nagtatampok din ang Alamat ng Gubat ng maraming tauhan na ang bawat karakter ay nabigyan naman ng
sapat na pag-unlad upang ituring lamang na mga suporta. Marami rin ang tagpuang ipinapamalas sa akda na
nagbabagu-bago sa pagpasok ng tauhan sa bagong pakikipagsapalaran. Ang nobela ay isang akdang
pampanitikang naglalahad ng kawil-kawil na mga pangyayaring pinaghabi-habi sa isang mahusay na
pagkakabalangkas, kung saan binibigyang-diin ang pagtutunggali ng hangarin ng isang bayani at ng kanyang
mga kalaban.3 Sa pagitan ng dalawang ito, masasabi kong higit na kumikiling ang nilalaman ng Alamat ng
Gubat sa isang nobela bagamat ang haba nito’y katulad lamang ng sa isang maikling kuwento.

Ang Alamat ng Gubat ay isang kuwentong pambatang para sa matanda.4 Nasabing kuwentong pambata ito
sapagkat kinakasangkapan nito ang mga tauhang karaniwang matatagpuan lamang sa mga kuwentong
pambata, gaya ng mga hayop na kumikilos na parang tao, na ipinamalas sa makukulay na larawan. Kawili-
wiling basahin ang akda sapagkat may tamang timpla ito ng kabuluhan at katatawanan. Naglalahad ito ng
makakabuluhang kaisipan tungkol sa buhay at pulitika ngunit hindi itinatanghal ang mga ito sa seryosong
himig na nag-iiwan ng mabigat na pakiramdam sa mga mambabasa. Hindi ito tulad ng mga palasak na
akdang romantisado na pinasisidhi ang mga kahirapan sa buhay upang magdulot ng natatanging bisa sa
puso’t kaluluwa ng mga mambabasa o ng mga akdang pangkaisipan na bumubugbog sa mga mambabasa ng
sunud-sunod na pilosopiyang tanging mapanuring pag-iisip lamang ang makalulusaw. Hindi iniintimideyt ng
Alamat ng Gubat ang mga mambabasa nito. Sa halip, ipinapaloob ng akda ang mga dakilang kaisipan nito sa
mga pangyayaring katawa-tawa gamit ng pananalita ng karaniwang mambabasa. Binabasag nito ang
pormalidad ng isang teksto, pinahihintulutan ang mga mambabasang maging sila lamang na
nakapagbubukas ng kanilang isip at pinasasaya sila nang hindi namamalayang natututo na pala.

Ang Estilo ng Awtor: Pagsusuri sa Promulang Ginamit

Isa sa mga tiyak na estilong ginamit ng may-akda sa paggawang-masaya ng kanyang teksto ang
pagpapatawa, na ginawa niya sa iba’t ibang paraan. Una’y ang paghihimig-seryoso sa pagsasalaysay na bigla
niyang binabawi kung kailan nakuha na niya ang kalooban ng mga mambabasa at nakondisyon ang kanilang
isip. Ilang halimbawa ng mga pagpapatawang kanyang isinunod sa seryosong pagsasalaysay ang
sumusunod:

Noong unang panahon, sa isang liblib na kaharian sa ilalim ng dagat, ay may nakatirang maganda at mabait
na sirena. Pero wala siyang kinalaman sa kuwentong ito. Kaya ang pagtutuunan na lang natin ng pansin ay si
Tong, ang pinakabatang anak ni Haring Talangka na tulad ng maraming hari ay walang ibang papel sa
kuwento kundi ang magkasakit.5

“Wag ka nang humirit, Langgam!” putol ni Tipaklong. “Takot ka lang dahil maaapektuhan ng kilusan ang mga
negosyo mo. Palibhasa, maraming mawawala sa’yo pag nagkagulo!” “Anong mali doon? Natural lang na
protektahan ko ang bunga ng pagod ko!” pagtatanggol ni Langgam sa sarili. “At ikaw, kaya ka lang din
matapang ay dahil walang mawawala sa’yo! Wala ka kasing pinagpaguran. Nagpapatalsik ka lang ng laway
habang ang iba ay nagpapatulo ng pawis!” “Lagot, personalan na!” sabat ni Langaw. “Sige nga, hawakan nga
sa tenga! O, ha… sino matapang? Hawakan nga sa tenga!” gatong ng isa pang langaw.6

Pero hindi siya sinagot ng mapangahing talangka na abalang-abala sa pagbabanlaw ng sarili sa dalampasigan
– Naks, dalampasigan! Anlalim ng Tagalog!7

Pangalawa, nagpapatawa ang may-akda sa pamamagitan ng paglalatag ng magkakaugnay na kaisipan at


pagsisingit ng isang konseptong wala namang lohikal na kaugnayan o may labas na paralelismo sa mga
nabanggit. Halimbawa:

"Ayken biyur hiro, Bibe…ayken tekawey yor peyn…”patuloy na pag-awit ni Palaka, pero hindi s’ya pinapansin
ni Bibe man o ni Boy Abunda.”8

Umalingawngaw sa buong kapaligiran ang habilin ni Pagong. Halu-halong emosyon naman ang naramdaman
ni Tong. May tuwa dahil sa palapit na s’ya nang palapit sa kinaroroonan ng puso ng saging. May takot dahil
sa mahabang paglalakbay na maaaring puno ng panganib. At may lumbay dahil sa mga oras na ‘yon ay wala
nang signal ang kanyang Nokia 3210.9

“Pero hindi ba pwedeng ako na lang ang kumuha para hindi na sila mag-away-away?” tanong ni Tong kay
Aso. “Magandang ideya ‘yan,” ani Kuneho. “Pero ang kapal mo naman! Mapapagaling na nga ang tatay mo,
kukunin mo pa ‘yung libreng kahilingan. Saka yari ka rin dahil maraming nakabantay sa bunga, hindi ka
uubra. May tigre, may ahas, may pating, may dinosaur, may holdaper, may aswang, may SARS…ngyay,
nakakatakot! Kung ako sa’yo hindi ako pupunta doon mag-isa!”10

Pangatlo, gumamit ang may-akda ng mga tayutay, gaya ng pagwawangis, pagmamalabis, kabalintunaan, at
iba pa upang malagay ang mga tauhan sa lalong nakatatawang sitwasyon bilang karagdagan sa
pagsasataong isinasakatuparan na nila, gaya ng sumusunod:

"Syatap!” sigaw ni Bibe kay Palaka, sabay tingin kay Tong. “Laging nagpapahalik ‘yan, magiging makisig na
talisain daw s’ya, e kaso naman ilang beses ko na s’yang hinalikan, walang nangyayari. Malansa na nga ako,
eh!”11

“Hoy! Sinong Ipis?” hirit ni Ipis. “Paruparo ako…kulay brown lang ang pakpak!”12

“Nangingitlog ako.” “Pasensya ka na, hindi ko alam.” “Ngayon alam mo na…hmp!” ismid ni Manok. “Kaya nga
‘ko, pumuputak, para malaman ng lahat na nangingitlog ako!” “Ganon ba?” napakamot si Tong sa ulo n’yang
kalbo. “Ilan na itlog mo?” “Booook! Bok-bok-bok…bokokok! Marami.” “Ilan nga?” May pagmamalaking
tumayo si Manok para ipakita sa talangka ang dalawang itlog nsa pugad nito. “Limang piso isa. Bibili ka
ba?”13

Sa gitna ng mabilis na takbo ng mga pangyayari sa akda at mga pagpapatawang nagpapasaya sa mga
mambabasa nito, ipinapasok ng may-akda ang makakabuluhang kaisipang bumubusog sa diwa o di kaya’y
umaakay sa pagninilay. Ilan sa mga ito ang sumusunod:

"Pero paano s’ya nagkaroon ng perlas dito sa gubat?” pagtataka ng talangka. “Wag kang maingay,
ha…”pangiting lumingon muna si Bibe sa paligid bago bumulong: “Sa mga taga-dagat…ahihihi!!!” “Pero hindi
ba pagnanakaw ‘yon?” wika ni Tong. “Shhh…hindi naman! Noon lang ‘yon nung perstaym n’yang ginawa.
Pero nung inulit-ulit na n’ya, hindi na!” “Huh?!...Nasaan ang katapatan n’ya?” “Ang pinakamainam na paraan
para maging dukha ay ang maging matapat!” namewang na si Bibe.14

“Mahirap ‘yang gagawin mo, talangka. Baka hindi mo magawa, wala ring mangyayari.” “Pero mas mabuting
mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala.” marahang paliwanag ni
Tong.15

Nagpatuloy si Matsing: ”Bigyan mo sila ng isda, mabubusog mo sila nang pang-isang araw. Turuan mo sila
mangisda, mabubusog mo sila nang panghabang-buhay at hindi ka na nila kakailanganin. Mawawala ang
kamangmangan nila at hindi na sila magiging inutil. Wala ka nang kapangyarihan. Kaya bakit mo sila
tuturuang mangisda?” “Hindi ko kailangan ng kapangyarihan, Matsing!” sagot ni Tong. “Ang kapangyarihan
ay tatagal lang ng ilang taon – anim, sampu, dalawampu….Pero ang impluwensya, daangtaon.”16

Ang Karakterisasyon: Pagsusuri sa mga Nilikhang Tauhan sa Konteksto ng Lipunan

Ang teoryang sosyolohikal sa panunuring pampanitikan ay nakatuon sa pag-unawa ng isang literatura ayon
sa mas malawak na kontekstong sosyal nito . Itinuturing nito ang sining bilang salamin ng lipunan na
nagtataglay ng mga pagwawangis at kaisipang tuwirang makikita sa mundong ginagalawan ng akda. Ayon
kay Kenneth Burke, ang mga likhang-sining gaya ng panitikan ay mga “estratehikong pagpapangalan sa mga
pangyayari” na nagpapahintulot sa isang mambabasa upang higit na maunawaan ang mga kaganapan sa
lipunan at “magkaroon ng tiyak na kontrol sa mga ito.”17

Sa pagsusuri ng Alamat ng Gubat, mamamalas na ang mga sitwasyong tinatalakay dito ay makikita rin sa
kasalukuyang kalagayan ng ating bansa. Ang mga tauhang itinatampok dito, bagamat mga hayop na
nasasangkot sa mga katawa-tawang sitwasyon at nakaguhit sa makukulay na larawan, ay kumakatawan sa
mga tiyak na taong gumagalaw sa ating kapaligiran o sa isang ugaling matagal nang nakatalamak sa ating
kultura. Gumamit ang may-akda, si Bob Ong, ng mga pagwawangis upang punahin ang maraming sakit sa
mundong kanyang ginagalawan at iniwan sa mga mambabasa ang hamon kung kikilos tungo sa kalutasan ng
mga ito.

Si Tong ay isang talangkang inatasan ng kanyang mga magulang na magtungo sa lupa upang hanapin ang
puso ng saging na makapagpapagaling sa kanyang ama. Sa paglalakbay niya sa gubat upang hanapin ang
naturang gamot, iba’t ibang hayop na nagpapakilalang hari ang kanyang nakatagpo at nasangkot din siya sa
kuwento ng bawat isa. Kinakatawan ni Tong ang mga karaniwang Pilipino, mga taong kapwa nagtataglay ng
magaganda at di-magagandang ugali. Ilan sa mga positibong katangiang Pilipinong ipinamalas ni Tong ang
pagsunod sa mga magulang at pagtanaw ng utang na loob sa kanila, gaya ng ginawa niyang paghahanap sa
puso ng saging sa kabila ng napakaraming hirap na kanyang dinanas; pagmamalasakit sa kapwa at
pagtulong dito, tulad ng ginawa niyang paghahanap kina Manok at Pagong upang ibalik sa kanila ang mga
itlog na ninakaw nina Leon at Daga; at ang pagiging ideyal (tipikal sa isang kabataan) na ipinamalas niya sa
engkuwentro nila ni Matsing kung saan nangako siyang babaguhin ang gubat sa pamamagitan ng pagtuturo
ng wastong pamumuhay at pagbibigay ng matinong edukasyon at magandang trabaho sa mga nilalang na
nabubuhay rito. Sa kabilang banda, ilan naman sa mga kahinaang ipinakita niya ang pagpapaubaya sa
ngalan ng pakikisama kahit nakakasangkapan na siya sa kasamaan ng ibang tao, gaya ng ipinakita niya sa
patuloy na pagbibigay ng mga perlas kay Buwaya kahit iniisahan na siya nito; ang paggawa ng di-maganda,
lalo na kapag walang nakakakita, tulad ng ginawa niyang pag-ihi sa baybayin nang matiyak na wala nang
ibang nilalang ang naroon; ang pagpapadala sa kaisipang kolonyal, tulad ng pagpapamalas ng mga
impluwensyang banyaga sa pamumuhay, gaya ng paggamit ni Tong ng “siyet” pag nagugulat siya sa halip na
dating gamit na “nanaykupu”: ang pag-aangkin ng lahat ng merito sa isang gawain upang masarili ang
kadakilaan, tulad ng ginawa niyang pagpapatae sa kapatid na si Katang sa Ibong Adarna upang mapalabas
na siya lang ang gumawa ng paraan upang mailigtas ang kanilang ama kahit halos isakripisyo na ng huli ang
kanyang buhay; at ang pagkahigop sa sistemang ginagalawan, tulad ng pagtanggi sa una ni Tong na kainin
ang puso ng saging ngunit paggawa rin niya nito sa huli sa panghihikayat ni Matsing kahit gagawin siyang
manhid ng kanyang ginawa sa kahirapan sa paligid.

Si Buwaya, tulad ng tipikal na metaporang itinatawag sa mga pulis na nangongotong, ay sapilitan ding
humihingi ng suhol bago ibigay ang tulong na hinihingi sa kanya. Sa kuwento, makatlong ulit siyang
nangotong ng tatlong perlas kay Tong bago sagutin ang itinatanong nito na sumasalamin sa mga tiwaling
kawani ng pamahalaan na sinasamantala ang kanilang posisyon upang magpayaman. Bukod sa mga pulis,
masasalamin din kay Buwaya ang mga opisyal at empleyado ng gobyernong humihingi ng suhol bago
pabilisin ang isang transaksyon o mamagitan sa isang aplikante at nakatataas na pinuno upang makuha ng
una ang anumang nilalakad niya, gaya ni dating Comelec Chairman Benjamin Abalos na humingi umano ng
ilang daang milyong piso mula sa kumpanyang NBN – ZTE sa Tsina kapalit ng pagtulong upang maaprubahan
ang isang multi-bilyong pisong kontrata sa pagitan nito at ng gobyerno. Samantala, si Maya naman na
katulong ni Buwaya at sa ilang pagkakatao’y nagsisilbi nitong tagapagsalita ay maihahalintulad sa mga
kawani ng pamahalaan na dumidikit sa mga taong makapangyarihan dahil napapakinabangan nila ang mga
ito (sa tunay na buhay, may ekolohikal na ugnayan ang ibong Egyptian plover at buwaya sapagkat tinutuka
at kinakain ng una ang mga tingang nakasingit sa mga ngipin ng huli). Kahit malay silang wala sa katuwiran
ang kanilang amo, patuloy pa rin nila itong ipinagtatanggol dahil nabubusog sila rito sa mga biyaya, na hindi
singsagana ng isang matuwid na pamumuhay. Maibibigay na mga kongkretong halimbawa rito ang mga
mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na sa tuwina na lang hinahainan ng impeachment
complaint ay ibinabasura ang mga reklamo at nagagawa pang ipagtanggol ang “katuwiran” sa kanilang mga
boto. Ito’y dahil mas mabilis daw inilalabas ang pork barrel ng mga kongresista kapag kaalyado sila ng
pangulo at pahirapan naman kapag kanyang mga kritiko, tulad ng minsan nang idinaing ni Bayan Muna Rep.
Teodoro Casiño.

Kinakatawan naman ni Palaka ang mga nakaririwasang tao sa lipunan na hinahango ang kanilang kayamanan
mula sa nakaw. Sa kuwento, bagamat pangit, napakayaman naman daw ni Palaka sapagkat marami itong
perlas, na sa huli’y ibinunyag ni Bibeng ninanakaw lang pala ng una sa mga tagadagat. Maaaring salaminin ni
Palaka ang mga pulitikong nagpapayaman sa pamamagitan ng tuwirang pagnanakaw sa kaban ng bayan (di
tulad ni Buwaya na sa mga suhol), gaya ni Pangulong Arroyo na nagpalabas umano ng multi-milyong pisong
pondo para sa pataba bago ang nakalipas na halalang pampanguluhan ngunit hindi naman nakarating sa
mga magsasaka o ang mga opisyal ng militar na ibinunyag ni Navy Lt. Nancy Gadian na ibinulsa umano ang
pondong nakalaan para sa Balikatan exercises. Tulad ng mga moluskong naghihintay ng mahabang panahon
bago makapagbunga ng tunay na perlas, ang mga mamamayang Pilipino’y pinaghihirapan din ang buwis na
kanilang ibinabayad sa pamahalaan ngunit ang mga taga-gobyerno’y madali naman itong inuumit.
Samantala, si Bibe naman ay sumasalamin sa mga taong ginagamit ang kanilang anyo upang makadikit sa
mayayaman at mapaahon sila sa kahirapan, kahit wala naman talaga silang nararamdaman para sa mga ito.
Sa kuwento, makikita ang inis ni Bibe kay Palaka dahil hindi naman daw ito nagiging talisain sa kabila ng
paulit-ulit niyang paghalik ngunit dahil sa yaman ng huli, napipilitan siyang pakisamahan ito. Wala itong
ipinagkaiba sa mga artistang napapabalitang “kabit” ng mga pulitiko o mga putang nagpapagamit sa
mayayamang parokyano kapalit ang pagpuno sa kanilang mga pangangailangan kahit karnal lamang at hindi
pag-ibig ang relasyong namamagitan sa kanila.
Si Leon ay maihahalintulad sa mga pulitikong nagpapanggap na tagapagtaguyod ng katarungan o kakampi
ng mga mamamayan upang makuha ang kanilang loob at mapakinabangan sila. Ito ang tinatawag sa midya
na “pagpapapogi”. Sa kuwento, inutusan ni Leon si Buwaya na ibalik kay Tong ang mga perlas na ninakaw ng
huli na nagparamdam kay talangka ng pagmamalasakit ng una. Gayunpaman, hindi naman ito bukal sa puso
ni Leon sa halip, ginawa lamang niya ito upang makuha ang tiwala ni Tong at magamit siya upang tuntunin
ang ang pinagtataguan ng mga hayop sa gubat. Wala itong ipinagkaiba sa mga pulitikong nagpapalabas
ngayon ng mga infomercial upang ilahad ang mga nagawa nila sa tungkulin o itaguyod ang kanilang
kredibilidad bilang isang bayaning tumutulong sa mga nangangailangan at magtatanggol sa mga naaapi.
Nagpapabango sila sa publiko at kinukuha ang kanilang loob upang pagdating ng halalan ay siyang iluklok
nila sa puwesto. Gayunpaman, pagdating ng panahong iyon, maaaring bawiin nila ang ilang malaking
halagang pinuhunan nila sa nakalipas sa pamamagitan ng pagnanakaw sa kaban ng bayan dahil malaking
pera ang nawala sa kanila na hindi naman nila makukuha sa liit ng suweldong matatanggap sa pamahalaan.
Samantala, tulad ni Maya, kinakatawan naman ni Daga ang mga taong kadikit ng malalaking tao at tulad ng
isang langaw na nakatuntong sa kalabaw ay may pakiramdam na makapangyarihan na rin sila. Isang
kongkretong halimbawa nito ang mga kapamilya ng mga pulitikong nagpapamalas ng pagkaarogante,
tinatakdaan ang mga tao sa kontekstong kinapapalooban nila na bigyan sila ng priyoridad o ituring na hari at
tahasang lumalabag sa mga karapatang-pantao ng kanilang kapwa sa pag-aakalang “sila ang kanilang mga
kamag-anak”. Umaabuso sila dahil komo’t malapit sa tunay na makapangyarihan, maaari nilang bulungan
ang huli at balikan ang mga taong hindi kikilala sa kanila, gaya na lamang ni Unang Ginoo Jose Miguel Arroyo
na nasangkot na sa napakaraming kontrobersya dahil sa pakikialam sa mga operasyon ng pamahalaan kahit
konsorte lang naman siya ng pinakamakamataas na tao sa bansa at walang malinaw na kapangyarihang
itinatakda sa kanya ang Saligang Batas.

Si Langgam ay kumakatawan sa pangkaraniwang Pilipinong ayaw masangkot o makibahagi sa mga pagkilos


sa pangambang magambala ang kanyang tahimik na buhay o maperwisyo ang kanyang mga naipundar. Sa
halip na maging laman ng kalsada sa tuwinang may bagong anomalyang pinapasabog laban sa pamahalaan,
mas mamatamisin nilang magpatuloy sa kanyang trabaho at hindi magpaapekto sa mga negatibong
pangyayari sa kanyang kapaligiran. Para sa kanya, sapat nang may kamalayan siya sa mahahalagang isyung
nagsasangkot sa kanya ngunit hindi kinakailangang aktibo pa siyang makialam dahil may sarili rin siyang
buhay na pinatatakbo at mundong ginagalawan. Si Tipaklong ay sumisimbolo naman sa mga sektor ng
lipunang pakiramdam ay “naaapi” sila at laging dinadala ang laban sa kalsada o di kaya’y nagpapanimula ng
marahas na pag-aalsa. Makikita siya sa mga aktibistang nagrarali sa kalsada upang tuligsain ang
pagmamalabis ng mga nasa kapangyarihan, sa mga rebeldeng nagtatago sa bundok at gumagamit ng dahas
upang isulong ang kanilang paniniwala at sa ilang mga puwersang Muslim sa Mindanao na ipinaglalaban ang
pagtataguyod nila ng sariling estado dahil sa nararamdamang di-patas na pagtrato umano ng “naiibang”
naghaharing-uri, na mahihinuha sa winika ni Tipaklong na “Hayup sila…insekto kami!”.

Kinakatawan naman ng iba pang ekstrang insekto sa kuwento ang mga karaniwang Pilipino. Kinakatawan ni
Bulate ang mga naghaharing-uring hindi kumikilala sa mga narating ng mga taong di nabibilang sa kanila. Sa
kuwento, “binara” ni Bulate si Langgam nang sabihin nitong “nasa pagsisikap lang ng tao ang lahat” sa
pamamagitan ng pagkuwestyon sa “pagkatao” ng huli. Ibinibida pa naman noon ni Langgam ang pagsisikap
nila ng mga kapwa insektong sina Bubuyog at Gagamba at ang mga naipundar nila dahil sa “pagsisikap”. Si
Paruparo naman ay sumasalamin sa mga taong inililigtas ang kanilang mga sarili kapag naiipit na sa
kapahamakan at nawawalan na ng pakialam sa kanilang kapwa kapag nasa mabuti na silang kalagayan. Sa
kuwento, nagdayalogo si Paruparo ng “Haaay, ewan ko sa inyo. Basta ako, I can go anywhere I want. Wala
na ‘kong pakialam sa bulok ninyong sistema!” habang nagtatalu-talo ang lahat ukol sa binabalak na pag-
aalsa. Makikita sa kanya ang mga Pilipinong kapag nasasadlak na ang bansa sa mga kaguluhang pampulitika
o pang-ekonomiya ay tumatalilis patungo sa ibang bansa kung saan may higit na kapayapaan at kaayusan.
Dahil tulad ng parurapong may kakayahang lumipad, ginagamit nila ang kanilang kakayahang makahulagpos
sa isang magulong sistema at ibukod ang kanilang sarili sa mga kauring wala namang ibang pamimilian
kundi ang manatili. Kinakatawan naman ng iba pang mga langaw ang karaniwang reaksyon ng mga Pilipino
sa tuwing may bagong isyung nagaganap sa lipunan. Sa kuwento, di “nag-iingay” ang mga langaw sa gitna
ng usapin ukol sa binabalak na pagkilos dahil “nakakatamad magsalita” o “nakakatamad manahimik”.
Nangangahulugan ang una na wala namang saysay kung ibahagi pa nila ang kanilang mga saloobin sapagkat
“hindi naman na mababago ang isang sistema at mas mainam na gamitin nila ang kanilang lakas sa ibang
kapaki-pakinabang na gawain” samantalang ang ibig namang sabihin ng pangalawa’y “makikisangkot sila sa
isyu ngunit ginagawa lang nila ito upang may mapaglibangan tulad ng pakikipagtsismisan ngunit huwag
asahang magiging malalim ang kanilang pakikisangkot dito, tulad ng kongkretong pagkilos.”

Kinakatawan nina Manok at Pagong ang mga magulang na anak nang anak ngunit sa huli, dahil marahil sa
kahirapan ng buhay, ay pinagkakakitaan na lamang ang mga ito. Sa kuwento, nagsikap si Tong na mahanap
sina Manok at Pagong upang maibalik ang mga itlog nilang ninakaw ni Daga ngunit hindi naman pala ito
ganoon kahalaga sa kanila sapagkat ipinanghahanapbuhay lamang nila. Ibinebenta ni Manok ang kanyang
mga itlog ng limampiso isa samantalang ginagawa namang leche flan ni Pagong ang sa kanya na maaaring
kumatawan sa mga magulang na ipinagbibili ang kanilang mga anak sa mga taong nais mag-ampon,
ibinubugaw sila o di kaya’y pinagtatrabaho upang makatulong sa pagbuhay ng pamilya.

Si Ulang ay kumakatawan sa mga kawani ng gobyernong binabayaran upang manahimik at hayaan lamang
ang bulok na sistema na magpatuloy sa pag-inog. Sa kuwento, sinabi ni Ulang na binabayaran daw siya
upang gumawa ng wala at dahil sa trabaho niyang ito, nalikha niya ang napakagandang kapaligirang
kinaroroonan ni Tong. Kinakatawan ng magandang kapaligirang iyon ang katiwalian sa gobyerno na para sa
mga kurakot na miyembro nito ay isang paraisong nagpapanagana sa kanila. Kung may mga kasamahan nila
sa pamahalaan na magbubunyag ng kanilang mga nalalamang katiwalian, gaya nina Jun Lozada o Lt. Nancy
Gadian, mabubulabog ang tahimik at masaganang pamumuhay ng mga tiwaling pulitiko kaya upang
mapanatili ito, binabayaran nila ang mga taong sangkot upang “gumawa ng wala”.

Si Aso ay isang hayop na sumusuka at kumakain din ng kanyang suka pagkaraan. Ang suka ay mga tunaw
na pagkaing labis sa kayang panghawakan ng ating mga sikmura at lumalabas mula sa loob ng katawan.
Sinisimbolo ng suka ang mga salaping ibinibigay bunsod ng kagandahang-loob ng isang tao, mga labis na
salapi sa sadyang kailangan kaya nagiging madaling pakawalan. Nakikita ko kay Aso ang mga pinunong
panrelihiyon na mabubuting pananalita lamang ang pinupuhunan na bumabalik sa kanila bilang mga salapi o
donasyong mapapakinabangan nila o ng kanilang sekta. Naihalintulad ko si Aso sa mga pinunong
panrelihiyon sapagkat sa mahabang panaho’y hindi niya pinag-interesang kunin ang puso ng saging upang
makuha ang kapangyarihan nito. Ngunit sa huli, nang dumating si Tong ay bigla niyang napagpasyahang
kunin na ito, na nagpapaalala sa akin sa mga tulad nina Fr. Ed Panlilio, Bro. Eddie Villanueva at Bro. Mike
Velarde na pagkaraan ng mahabang panahon ng pagpapakabuti at pangangasiwa lamang sa kanilang mga
sekta’y (di pagiging interesado sa puso ng saging at pagsusuka-kain lamang) biglang nagsipagpalaot sa
pulitika at nag-asam na makamit ang pinakamataas na puwesto sa bansa. Gayunpaman, tulad ni Asong
iniatras na ang planong maging hari kapalit ng malaking “donasyong” ibinigay sa kanya ni Kuneho,
“nahihilot” din ang ilang mga pinunong panrelihiyong nagpapahayag ng pagtakbo kapalit ng “tulong” sa
kanila o sa kanilang samahan.

Kinakatawan ni Kuneho ang karaniwang pulitiko. Batay sa ating karanasan, pag nalalapit na ang halalan, lalo
nating nararamdaman ang “kagandahang-loob” ng ating mga tagapaglingkod-bayan. Nariyang batiin tayo sa
iba’t ibang okasyon; magpakita sa atin sa mga larawang nakapaskil sa kung saan-saan o sa kaliwa’t kanang
mga pagtitipong dinadaluhan din nila; pagawaan tayo ng mga gusali, daanan, tulay at iba pang proyektong
pang-impraestruktura; at paulanan tayo ng mga iskolarsyip, pabigas, Philheath card, at iba pa.
Pinapaalalahanan tayo ng mga pulitiko kapag kailangan na nila tayo kaya naman hindi natin nakakalimutan
ang kanilang mga pangalan pagdating ng halalan. Ganito rin ang ginawa ni Kuneho na nagpamudmod ng
mga biyaya sa mga botante, tulad ng pagbibigay ng taeng may mga mani pa sa mga langaw at suka para
kay Aso. Dahil sa pagtulong niya sa mga mamamayan kung kailan nalalapit na ang eleksyon, di siya
nakalimutan ng mga ito at siyang inihalal bilang hari ng kagubatan.

Si Matsing naman ay kumakatawan sa relidad. Sa kuwento, siya ang huling nilalang na nadatnan ni Tong sa
paggalugad niya sa puso ng saging. Ibinunyag ni Matsing kay Tong ang ilang katotohanan, tulad ng kawalan
ng pakiramdam ng kanyang ama sa mga paghihirap na namamalas nito sa paligid kaya puso ng saging ang
ginagawa niyang pamalit sa tunay na puso. Si Matsing din ang humikayat sa talangka na kumain ng puso ng
saging bagamat magdudulot ito ng pagkawala rin ng kanyang pakialam sa paligid. Noong una, nakipagtalo pa
si Tong sa unggoy at binigkas dito ang ilang mabubuting prinsipyo niya sa buhay, na mga bakas ng isang
ideyal na kabataan, tulad ng “hindi raw niya pagkasikmura sa sistemang namamalas niya at
pangangailangang niyang kumilos upang magkaroon ng pagbabago at kaunlaran sa kagubatan”, ang “pag-
iiwan ng mabuting impluwensya sa mga nilalang dahil ito raw ang higit na nagtatagal kaysa kapangyarihan”
at ang “paggawa ng mga bagay, hindi lamang para sa sarili kundi para rin sa susunod na mga salinlahi”.
Ngunit sa huli, nahulog din si Tong sa matatamis na pananalita ng matsing at kinain ang puso ng saging na
nahahalintulad sa isang taong isinantabi na ang kanyang mga dating paniniwala nang aktuwal na madamang
higit palang magaan kapag maginhawa ang pamumuhay (kahit mangahulugan ito ng pagiging patas, kung
minsan). Hindi nangangahulugan ang pagliliwanag ng araw nang pagkaganda-ganda sa gubat ng paghahari
ng kapayapaan kundi ng pagiging mabuti lamang ng mundong ginagalawan ng talangka dahil sa pagiging
tulad na rin niya ng marami. Naaalala ko tuloy sa kanya ang tulad ni Mike Defensor na hinahangaan dati
noong kongresista pa lamang dahil sa pagsusulong ng makabagong pulitika sa Batasan at pagkakaroon ng
paninindigan sa kabila ng kabataan (pagtuligsa noon sa administrasyon) ngunit sa huli’y naging bulag sa
katiwalian ng pamahalaang pinagsisilbihan niya, nanguna sa pagtatanggol nito at nasangkot pa sa
pagbubusal sa bibig ni Jun Lozada kaya hindi binigyan ng sapat na suporta nang tumakbo sa Senado.

Gamit ng Wika: Ilang Puna sa Antas, Morpolohiya at Sintaks

Makikilalang isinulat ang akda para sa karaniwang tao, lalo na sa kabataan, dahil sa paggamit ng mga
salitang bahagi na ng kanilang pang-araw-araw na pamumuhay, bukod pa sa pagpapaloob ng mga ito sa
estruktura ng wikang sumasalamin sa likas na gamit nila sa pagpapahayag o pakikipagtalastasan. Marahil,
ginawa ito upang maipantay ang akda sa antas ng mga mambabasa at maipadama sa kanilang “kanila” ang
teksto nang sa gayo’y lalo nilang buksan ang kanilang mga puso’t isip dito at tanggapin ang mga kaisipang
isinusulong nito. Ang pagpili rin ng pangunahing tauhan na isang anak o isang bata ay nagpapahiwatig na sa
kanila nakatuon ang akda at may tungkulin itong ipinababalikat sa kanila. Ilan sa mga salitang hinango ng
may-akda sa pang-araw-araw na buhay ng mga mambabasa at ginamit niya upang lalong makaugnay sa
kanila o makapagtaguyod ng rapport ang sumusunod:

Noon din ay nag-log-off si Tong sa Friendster at dali-daling nagtungo sa lupa. Inabot s’ya ng pitong araw at
tatlong gabi sa paglalakbay bago narrating ang kakahuyan. Sa di-kalayuang ilog ay namataan n’ya kaagad si
Buwaya na nagpapahinga.18

“Pero wala na ‘kong pambili ng load!” “Ano ba ang importante sa’yo, textmate o puso ng saging?” hirit ni
Maya. Wala nang nagawa si Tong kundi iabot ang mga huling perlas.19

“Siyeht!” sigaw ni Bibe. “Yu asshol!”20

“Hindi, buti pa gawin natin itong 5-event competition,” sabi ni Langgam. “Laban tayong sky diving, quiz bee,
pagalingan sa videoke, Ragnarok, at saka pabilisan kumain ng hissing cockroach, atay ng baboy, itlog ng
ostrich at dugo ng kambing!” Syempre, nag-walk out sa audience ang mga ipis, baboy, ostrich at kambing.
May balita pang naringgan daw si Baboy na nagsabing: “How gross!”21

Mamamalas sa akda ang dalawang ayos ng pangungusap na maaaring maging karaniwan o kabalikan.
Karamihan sa mga pahayag ay nasa unang anyo, kung saan nauuna ang panaguri kaysa simuno at may
himig na kolokyal o tila nakikipag-usap lang. Ilang halimbawa nito ang sumusunod:

“Tong, anak, ang iyong ama ay may karamdaman.” wika ng reyna. “Hindi na s’ya nakakalangoy. Kailangan
mong umahon ngayon din papunta sa lupa upang kumuha ng puso ng saging – ang tanging prutas na
makapagpapagaling sa kanya.” Sumagot si Tong, “Ngunit inang reyna, hindi ba’t talaga namang hindi
nakakalangoy ang amang hari?” “Dahil nga mayroon s’yang karamdaman!” ang sagot ng reyna.22

Inumpisahan ang botohan. Tinanong ni Pagong kung sino ang mga pabor sa kanya bilang hari. Mabilis
namang nagtaasan ng kamay ang lahat ng hayop. “Si Pagong ang gusto naming pagsilbihan!” wika nila.
Sumunod si Langgam na nanghingi ng boto. Taas rin lahat ang kamay ng mga insekto. At dahil sa pinaboran
si Langgam ng mga nilalang na may anim o higit pang kamay, natalo n’ya si Pagong. Si Tipaklong naman ang
nanligaw sa madla. Landslide! Nagdilim ang kalangitan sa dami ng langaw na dumalo sa pagtitipon upang
suportahan ang patalon-talon na kandidato. “Bwehehe!” pagmamalaki ng mga langaw. “Si Tipaklong namin
ang nanalo!”23
Bukod dito, isina-Filipino rin ang morpolohiya ng ilang salitang banyaga sa pamamagitan ng pagpapasok ng
mga panlaping Filipino sa salitang ugat nito, gaya ng pinaboran (-in-, -an, pabor/favor), sinuportahan (-in-,
an, suporta/ suportar), idiniklara (i-, in-, diklara/declarar) at nag-walkout (nag-, walkout). May mga
pangungusap na binuo na magkasanib na sa iisang estruktura ang Ingles at Filipino dahil sa kawalan ng
panumbas sa mga banyagang termino sa ating katutubong wika, gaya ng “Laban tayong sky diving, quiz
bee, pagalingan sa videoke, Ragnarok, at saka pabilisan kumain ng hissing cockroach, atay ng baboy, itlog
ng ostrich at dugo ng kambing!” at “Syempre, nag-walk out sa audience ang mga ipis, baboy, ostrich at
kambing.” Gumamit din ng mga salitang balbal, tulad ng meron sa halip na mayroon at “Bwehehe!”

Gumamit din ng mga alusyon sa akda o isang tagong pag-uugnay ng isang bagay sa ibang akdang-
pampanitikan, sa ibang sining, sa kasaysayan, sa mga kilalang tao sa kontemporaryong panahon, at sa iba
pa (Preminger, 1965) upang higit na maging masining at katawa-tawa ang pangyayari, lalo pa at sa mga
hayop ipinagawa ang mga ito.24 Isang halimbawa nito ang ginawang paghalik ni Katang sa kapatid niyang
talangkang si Tong bilang pagkakanulo sa kanya sa mga kaaway at paghingi niya ng tatlumpung pirasong
pilak bilang kapalit nito. Halaw sa akda:

Hinalikan ni Katang si Tong sa pisngi. “Eto na ‘sya. Akin na ang tatlumpung piraso ng pilak na
napagkasunduan natin.”25

Alusyon ito sa ginawang paghalik ni Hudas kay Kristo upang ipahiwatig sa mga sundalong siya ang dapat
dakpin. Bilang kapalit ng pagkakanulo niya sa kanyang panginoon, pinagkalooban si Hudas ng tatlumpung
piraso ng pilak ng mga pariseo.

Panghuli, gumamit din ang akda ng mga pahayag na may ambigwiti o higit sa isang kahulugan upang
magdulot pa rin ng saya sa mga manonood. Ilang halimbawa nito ang sumusunod:

Sa mga sandaling ‘yon, naisipan na ni Tong na magparamdam. “Ahem, ahem…” Nagtinginan lahat sa kanya
ang mga napatigil na insekto. Ilang tahimik na sandali pa ang lumipas bago nakapagsalita si Tipaklong.
“Hayup!” “Huh?” nagulat si Tong. “Hayup ka!”26

May ambigwiti sa pahayag na ito dahil sa mga tao, ang masabihan ng hayop ay nangangahulugang may
kasamaang taglay ang taong iyon na hindi nararapat para sa kanyang uri kundi tanging hayop lang ang
makagagawa gaya ng pagsila ng leon sa isang walang labang katawan o pagtuklaw ng ahas habang
nakatalikod ang isang walang-malay na nilalang. Gayunpaman, dahil literal namang hayop ang talangka,
maaaring hindi siya talaga iniinsulto ng tipaklong sa halip ay payak na inilalarawan lang.

Talasanggunian

Baisa, Aileen G., at iba pa. Pluma: Wika at Panitikan Para sa Mataas na Paaralan. Lungsod Quezon:
Phoenix Publishing House, Inc., 2004.

Leppihalme, Ritva. “An Empirical Approach to the Translation of Allusions,”Culture Bumps. Great
Britain: WBC Book Manufacturers, Ltd.

Ong, Bob. Alamat ng Gubat. Lungsod ng Pasay: Visual Print Enterprises, 2004.,

________. “Nobela,” Wikipedia: The Free Encyclopedia. <http://tl.wikipedia.org/wiki/Nobela>

________. “Sociological Criticism,” Wikipedia: The Free Encyclopedia. <


http://en/.wikipedia.org/wiki/Sociological_criticism>
About the Reviewer:
Si Alvin Ringgo C. Reyes ay isang propesor sa kolehiyo na nagtapos ng Bachelor of Secondary Education
Major in Filipino (magna cum laude) sa Unibersidad ng Santo Tomas at kasalukuyang nagtatapos ng kanyang
Master sa Sining sa Araling Filipino – Wika, Kultura, Midya sa Pamantasang De La Salle – Maynila.
Tagapagsalita at delegado rin siya sa mga seminar-worksyap sa wika at panitikang Filipino at edukasyong
propesyunal; rebyuwer sa mga kumukuha ng lisensya sa pagtuturo; tagapagsanay at inampalan sa mga
timpalak sa pagtatalumpati, debate at pagtatanghal panteyatro; kontribyutor sa mga magasin at newsletter
na pangguro; at aktibong kasapi ng mga samahan sa wika at panitikang Filipino, gaya ng Wika, Inc., Sangfil,
PSLLF, LSP at Umpil. Napili rin siyang Fellow sa Ikatlong Palihang Rogelio Sicat Pambansang Palihan sa
Malikhaing Pagsulat ng UP Diliman Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas.

You might also like