You are on page 1of 1

Reyes, Pauline Gaile S.

Panitikan

BPEA 3-1 Professor Angelo Ayala

Basahin at suriin ang “Kapayapaan sa Madaling Araw” ni Rogelio Ordonez.

Mga gabay na tanong para sa pag-unawa sa pagbabasa:

1. Sa anong sector nabibilang pangunahing tauhan o mga pangunahing tauhan.

Si Andong at ang anak nyang si Totong ay nabibilang sa mga taong nasa laylayan ng
lipunan. Mga taong hindi nabibigyan ng sapat na pansin ng gobyerno at walang kakayanang
bilhin ang kanilang pangunahing pangangailangan.

2. Ano ang mga nagtutulak sa pangunahing tauhan sa kaniyang mga desisyon at aksyon?

Ang pinakanag-udyok sakaniya upang gawin ang mga ganon desisyon at aksyon ay
dahil sa kahirapan ng buhay. Hindi madali ang pinagdadaanan nilang mag-ama. Ang pag-
iwan ni Tasya sakanila ay isa ring suliranin upang mawalan siya ng gana sa buhay. Kasabay
pa ng pag-iisip sa kung saan niya kukunin ang pambili sa kanilang pangunahing
pangangailangan. Kaya naman ng gabing iyon, tuluyan na itong nawalan ng pag-asa.

3. Anong bahagi ng realidad ng lipunan ang sinasalamin ng akda?

May iilang halimbawa ang natumpok ng may akda ang tumatamasa sa realidad ng
lipunan. Una na dito ay ang mga pamilya o indibidwal na nasa laylayan ng lipunan ang
walang kakayanang makabili ng pang araw-araw nilang pangangailangan. Ang mga
pamilyang hindi kumpleto. Ang mga indibidwal na walang trabaho dahil sa kakulangan ng
mahahanap na trabaho o di kaya’y sa sobrang taas ng kinakailangan na karanasan bago
matanggap sa trabaho kahit na ito lamang ay hindi gaano kabigat na posisyon. Ngunit ang
pinaka sumasalamin sa realidad sa kwento ay ang pagdami ng mga ganitong pagpapakamatay
dahil sa kaparehong rason ng bida.

4. Ano ang kahalagahan sa lipunan ng akda?

Maraming matutunan sa mismong akda. Dito ay mamumulat ang mga mambabasa sa


kung anong lipunan ang mayroon tayo. Sapagkat ang akdang ito ay hindi lamang kathang isip
dahil ito ay nangyayari sa totoong buhay. Makikita na hindi lahat ay parepareho ng tinatamasa
sa buhay. Hindi rin lahat ay kayang lagpasan ang problemang nakukuha nila. Dito ay
mapapaisip ka na maswerte pa rin ang mga taong hirap sa buhay ngunit nakakain ng tatlong
beses sa isang araw. Higit na marami ang mga nasa laylayan ng lipunan, marami ang
nakakaranas ng mga ganitong problema, maaring ginawa itong akda upang ipakita na
nararapat itong pagtuunan ng pansin ng gobyerno at bansa.

You might also like