Professional Documents
Culture Documents
URI NG PANITIKAN
Paggawaing Panitikan
• Ang layunin ng panggawaing panitikan ay mapalaganap ang kaalaman ukol sa gayo’t
ganitong uri ng gawain at karunungan.
Masining na Panitikan
• Ang ating bait, higit kaysa ating damdamin, ang tinatawag na masining na panitikan. Ang
masining na panitikan ay may kambal na layunin:
• a. Pukawin ang guni-guni’t gisingin ang damdamin
• b. Magturo o manghikayat
MALIKHAING PANITIKAN
• Ang layunin naman ng malikhaing panitikan ay tahasang pukawin ang ating guni-guni at
damdamin na nakakakita ng saya sa isang paraluman (ideal).
• Ang bisa ng panitikan ay nanggaling sa kalawakan ng diwa nito. Tunay ngang ito’y
nagsasalita sa pamamagitan ng nilimbag na dahon. Subalit ang mga salitang nilimbag ay
isa lamang kasangkapan. Ang matatag na kaisipan, ang marahas na damdamin ng puso,
ang pag-ibig, kalungkutan, galak, panibugho at ang matatamis at masasaklap na
karanasan, ang lahat ng ito ay natititik sa panitikan ng isang bansa.
Pagpapalawig sa Kaalaman sa Wika
Nauungkat lamang muli ang usapin sa wikang Filipino kapag pinagmasdan ang pinakabagong
dalawampung pisong papel na inilabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas. Nakasaad doon
ang“Filipino as the National Language 1935” ngunit itinatanong ng ilan ang katumpakan ng
gayong pahayag.
Hindi totoong noong 1935 nilagdaan ang batas at umiral ang Filipino bilang wikang pambansa. Sa
bisa ng Saligang Batas ng 1935, ang Kongreso “ay inaatasang magpaunlad at magpatibay ng
pangkalahatang Pambansang Wika na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika” (akin ang
diin). Ibig sabihin, wala pa noong ahensiya ng pamahalaan na mangangasiwa o magpapalaganap
ng mga patakaran hinggil sa pambansang wika. At wala pa ring napipili noong 1935 kung aling
katutubong wika ang magiging batayan ng pambansang wika.
Alinsunod sa Batas Komonwelt Blg. 184, itinatag ang Surian ng Wikang Pambansa “na mag-aaral
ng mga diyalekto sa pangkalahatan para sa layuning magpaunlad at magpatibay ng isang
pambansang wikang batay sa isa sa mga umiiral na wika.” Ang pagpili ng isang pambansang wika
ay ibinatay sa“pagkaunlad ng estruktura, mekanismo, at panitikan na pawang tinatanggap at
ginagamit ng malaking bilang ng mga Filipino.”Sa madali’t salita, Tagalog ang napili.
Noong 13 Disyembre 1937, sinang-ayunan batay sa Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134
napagtibayin ang Tagalog “bilang batayan ng wikang pambansa ng Pilipinas.” Ngunit magkakabisa
lamang ang nasabing kautusan pagkaraan ng dalawang taon, at ganap masisilayan noong 1940.
Dalawang mahalagang tungkuling naisagawa ng SWP ang pagbubuo at pagpapalathala ng “A
Tagalog English Vocabulary” at “Balarilang Wikang Pambansa”. Pinagtibay ng Pambansang
Asamblea ang Batas Komonwelt Blg. 570 noong7Hunyo1940 na kumikilala sa Pambansang
Wikang Filipino [Filipino National Language] bilang isa sa mga opisyal na wika ng Filipinas pagsapit
ng 4 Hulyo 1946.
Gayunman, noong 1942 ay inihayag ng KomisyongTagapagpaganap ng Filipinas [Philippine
Executive Commission] ang Ordinansa Militar Blg. 13 na nagtatakdana ang kapuwa Nihonggo at
Tagalog ang magiging mga opisyal na wika sa buong kapuluan. Nagwakas ang gayong ordinansa
nang lumaya ang Pilipinas sa pananakop ng Hapon. At muling ipinalaganap ang paggamit ng Ingles
sa mga transaksiyon sa pamahalaan, akademya, at negosyo. At upang matupada ng mithing
Pambansang Wikang Filipino, sari-saring seminar ang idinaos noong panahon ng panunungkulan
ni Lope K.Santos sa SWP (1941–1946).
Nagpalabas ng kautusanangkalihimngTanggapan ng Edukasyon noong 13 Agosto 1959, na
tawaging “Pilipino” ang “Wikang Pambansa.”Ang“Pilipino” na ibinatay nang malaki sa Tagalog ay
maghuhunos na “Filipino” alinsunod sa atas ng Saligang Batas 1973 “na linangin, paunlarin, at
pagtibayin ang Filipino alinsunod sa umiiral na mga katutubong wika at diyalekto nang di-alintana
ang pagtanggap ng mga salita mula sa mga dayuhang wika
Sa panahon ni Ponciano B.P. Pineda, ang SWP ay nagbunsod ng mga pananaliksik na may
kaugnayan sa sosyo lingguwistika, bukod sa pagpapalakas ng patakarang bilingguwal sa
edukasyon. Naipalathala ang mga panitikan at salin para kapwa mapalakas ang Pilipino at iba
pang katutubong wika.
Noong 1987, pumapel ang SWP sa paghahanda ng salin ng Saligang Batas ng 1987, at
sanaturangbatas din kinilalang ang pambansang wika ng Filipinas ay “Filipino.” Kung
paniniwalaan ang nasabingbatas,“habang nililinang ang Filipino ay dapat itong payabungin at
pagyamanin nang nakasalig sa mgakatutubong salitang umiiral sa wikang Filipino at iba pang
wika.”
Ano ang maaaring ipakahulugan nito? Na ang “Filipino” ay nangangailangan ng isang ahensiyang
pangwika na magtataguyod sa naturang simulain. Ang “Filipino” ay hindi na ang
“PambansangWika”na nakabatay lamang nang malaki sa Tagalog, bagkus idiniin ang
pangangailangang payabunginitosatulongngmga panrehiyong wika sa Filipinas, bukod pa ang
tinatanggap na mga salita sa ibang internasyonal na wika. At upang “mapayabong” ang
pambansang wika ay kinakailangan ang isang institusyong pampananaliksik,namay mandatong
higit sa itinatakda ng “pagsusuri” ng mga wika.
Kaya naman sa bisa ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 117 na nilagdaan ni Pang. Corazon Aquino
nalikha ang Linangan ng mga Wika sa Pilipinas (LWP) na sa pumalit sa SWP. Malulusaw pagkaraan
ang LWP nang pagtibayin at pairalin ang Saligang Batas ng 1987 dahil iniaatas nito ang pagtatatag
ng isang komisyonng pambansang wika. Naisakatuparan ito nang maipasa ang Batas Republika
7104 noong 14 Agosto1991,nanagtatag sa Komisyon sa Wikang Filipino.
Ang Filipino, na patuloy na nilalahukan ng mga salita mula sa iba’t ibang wikang panrehiyon at
pandaigdigan,ay sumasailalim sa ebolusyong hindi lamang limitado sa gramatika at palaugnayan
kundi maging sa mga pahiwatig at pakahulugan. Ginagamit na ang Filipino hindi lamang sa
panitikan o sa Araling Panlipunan, bagkus maging sa pagpapaliwanag ng agham at teknolohiya,
inhinyeriya at medisina, batas at matematika,atiba pang larang.
Bagaman ang Departamento ng Edukasyon (DepEd) ay nagpalabas ng bagong kautusan hinggil sa
pagsasakatuparan ng Edukasyong Multilingguwal, ang nasabing patakaran ay hindi basta-basta
maipatutupad hangga’t hindi nababago ang Saligang Batas. Kinakailangang baguhin muna ang
probisyon ng Saligang Batas hinggil sa bilingguwalismo na nagsasaad na tanging Filipino at Ingles
ang “mga opisyal na wika sa komunikasyon at pagtuturo,” at ang KWF ay malaki ang tungkulin sa
pagpili kung aling hakbang ang makabubuti sa pagsusulong ng anumang panukalang polisiya
hinggil sa wika.
Maselang bagay ang pagbabago ng mga polisiya, kaya naman dapat ding maging maingat ang
Pangulo kung sino-sino ang itatalaga sa Lupon ng mga Komisyoner ng KWF. Anumang
mungkahing patakaran o programang pangwika ang imungkahi ng lupon, at siyang sang-ayunan
ng Pangulo alinsunod sa itinatakda ng Saligang Batas, ang iiral at dapat ipatupad sa buong
kapuluan.
Ang kasaysayan ng KWF ay kasaysayan din ng pagpupundar ng pambansang wikang Filipino.
Tuwing babalikan ang pinag-ugatan ng KWF, matutuklasan ang salimuot ng politika at pakikibaka
laban o pabor sa Filipino. Gayunman, napatunayan ng Filipino na kaya itong tanggapin sa iba’t
ibang rehiyon at gawing katuwang ng wika ng rehiyon, dahil ang komposisyon ng Filipino ay hindi
nalalayo sa naturang wika, kompara sa Ingles na sa kabilang polo nagmumula.
KAPANGYARIHAN, GAWAIN, AT TUNGKULIN NG KWF
1. Magbalangkas ng mga patakaran, mga plano, at mga programa upang matiyak anghigit
pangpagpapaunlad, pagpapayaman, pagpapalaganap, at preserbasyon ng Filipino at iba pang
mga wika ng Pilipinas; magpalaganap ng mga tuntunin, mga regulasyon at mga patnubay upang
isakatuparan ang mga patakaran,mga plano at mga programa nito;
2. Magsagawa o makipagkontrata sa mga pananaliksik at iba pang mga pag-aaral
upangisulongangebolusyon, pagpapaunlad, pagpapayaman at sa dakong huliý istandardisasyon
ng Filipino at iba pang mga wika ng Pilipinas. Saklaw nito ang pagtitipon at pagsasaayos ng mga
akda para sa posibleng paglalakip nito mula sa multilinggwal na diksyunaryo o ng mga salita, mga
parirala, mga idyom, mga koteysyon, mgasalawikain at iba pang mga wika na sa kasalukuyan ay
karaniwang ginagamit o nakasama na salinguafranca; magpanukala ng mga patnubay at mga
istandard para sa mga anyuing lingguwistiko at mgaekspresyonsalahat ng opisyal na mga
komunikasyon, publikasyon, teksbuk, at iba pang materyales sa pagbasaat pagtuturo;ganyakin at
itaguyod – sa pamamagitan ng sistema ng mga insentibo, mga grant at award ang pagsulat at
paglalathala sa Filipino at sa iba pang mga wika ng Pilipinas, ng mga obrang orihinal, pati na mga
teksbuk at mga materyales na reperensiya sa iba-ibang disiplina;
3. Lumikha at magpanatili sa Komisyon ng isang dibisyon ng pagsasaling wika na gaganyak sa
pamamagitan ng mga insentibo, magsagawa at masiglang magtaguyod ng pagsasalin sa Filipino
at sa iba pang mga wika ng Pilipinas ng mahahalagang akdang historikal at tradisyong kultural ng
mga grupong etnolinggwistiko, mgabatas, resolusyon at iba pang mga aktang lehislatibo,
executive issuances, mga pahayag na pampatakaran ng pamahalaan at mga dokumentong
opisyal, mga teksbuk at mga materyales na reperensiya sa iba-ibang disiplina at iba pang mga
dayuhang materyales na maaaring ipasyang kinakailangan sa edukasyonat para sa iba pang mga
layunin;
4. Tawagan ang alin mang departmento, byuru, opisina, ahensya o alin mang kasangkapan ng
pamahalaan o pribadong entidad, institusyon o organisasyon para sa kooperasyon at tulong sa
pagtupad ng mga gawain,mga tungkulin at mga pananagutan nito; mangasiwa, sa antas nasyonal,
rehiyonal at lokal, ng mga pagdinig publiko, mga komperensya, mga seminar at iba pang mga
talakayang panggrupo upang alamin at tumulong sa paglutas ng mga suliranin at mga isyung may
kaugnayan sa pagpapaunlad, pagpapalaganap at preserbasyon ng Filipino at iba pang mga wika
ng Pilipinas;
5. Bumalangkas at maglagda ng mga patnubay, mga istandard at mga sistema para sa
pagmomonitor at pagrereport ng tungkol sa pagganap nito sa antas nasyonal, rehiyonal at lokal;
at isumite sa Tanggapan ng Pangulo at sa Kongreso ang taunang progress report tungkol sa
implementasyon ng mga patakaran, mga plano at mga programa;
6. Humirang, sa ilalim ng mga probisyon ng umiiral na mga batas, ng mga opisyal at mga
empleadonitoatngiba pang mga tauhang kakailanganin para sa mabisang pagganap ng mga
gawain, mga tungkulin at mga pananagutan nito; at itiwalag sila dahil sa malubhang
kadahilanan; organisahin at reorganisahin ang istruktura ng Komisyon, lumikha o bumuwag ng
mga posisyon, o magpalit ng designasyon ng umiiral na mga posisyon upang matugunan ang
nagbabagong mga kondisyon o kalian man at dumarating ang pangangailangan, sa pasubali, na
ang naturang mga pagbabago ay hindi makaaapekto sa istatus ng mga nasa puwesto, ibaba ang
kanilang mga ranggo, bawasan ang kanilang mga sahodo magresulta sa kanilang pagkatiwalag sa
serbisyo;
7. Gampanan ang iba pang mga aktibidad na kinakailangan sa epektibong paggamit ng naturan
sa unahan ng mga kapangyarihan, mga gawain, mga tungkulin at mga pananagutan.
Hunyo 4, 1946
Nagkabisa ang Batas Komonwelt Blg. 570 na pinagtibay ng Pambansang Asambleya noong Hunyo
7, 1940 na nagproklama na ang Wikang Pambansa na tatawaging Wikang Pambansang ay isa
nang wikang opisyal.
Marso 6, 1954
Nilagdaan ng Pangulong Ramon Magsaysay ang Proklama Blg. 12 na nagpapahayag ng
pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa simula sa Marso 29- Abril 4 taun-taon sang-ayon sa
tagubilin ng SWP. Napapaloob sa panahong saklaw ng pagdiriwang ang araw ni Balagtas (Abril 2).
Proklamasyon Blg. 186 noong Setyembre 23,1955 na nagsasabing inilipat ang petsa ng
pagdiriwang ng Linggo ng Wika sa Agosto 13-19 na kung saan itinapat ang huling araw ng
pagdiriwang sa kaarawan ni Pangulong Manuel L. Quezon na binigyang karangalan “ Ama ng
Wikang Pambansa .”
1959
Ibinaba ng Kalihim Jose B. Romero ng Edukasyon ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 7
nanagsasaad na ang Wikang Pambansa ay tatawaging Pilipino upang mailagan na ang mahabang
katawagang “Wikang Pambansang Pilipino” o “Wikang Pambansa Batay sa Tagalog”.
Hulyo 29, 1971
Memorandum Sirkular 488,. Humiling sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan na magdaos ng
palatuntunan sa pagdiriwang ng lingo ng Wikang pambansa tuwing Agosto 13-19.
1978 (Hulyo 21)
Nilagdaan ni Kalihim Juan Manuel ng Edukasyon at Kultura ang Kautusan blg 22, 1978 na
nagtatadhana na ang Pilipino ay bahagi ng kurikulum na pangkolehiyo
1987
Filipino na ang ngalan ng wikang pambansa, alinsunod sa Konstitusyon na nagtatadhanang “ang
wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.” Ito ay hindi pinaghalu-halong sangkap mula sa iba’t
ibang katutubong wika; bagkus, ito’y may nucleus, ang Pilipino o Tagalog.
Artikulo XIV ng Saligang Batas 1987: WIKA
SEK.6. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nalilinang, ito ay dapat
payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika.
Alinsunod sa mga tadhan ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso,
dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang
paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa
sistemang pang-edukasyon.
SEK.7. Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas
ay Filipino at hangga’t walang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga wika ng rehiyon ay
pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbing opisyal na pantulong na midyum
ng pagtuturo.Dapat itaguyod nang kusa at opsiyonal ang Kastila at Arabic.
SEK.8. Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa mga
pangunahing wikang panrehiyon, Arabic, at Kastila.
SEK.9. Dapat magtatag ang Kongreso ng isang komisyon ng wikang pambansa na binubuo ng mga
kinatawan ng iba’t-ibang mga rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, mag-uugnay at
magtataguyod ng mga pananaliksik para sa pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanatili sa
Filipino at iba pang mga wika.
EBOLUSYON NG ALPABETONG FILIPINO
Nang dumating ang mga Kastila, may sarili nang palatitikan ang ating mga ninuno, ang Alibata o
Baybayin, na binubuo ng 14 katinig at 3 patinig. Tinawag itong ''Alibata'' ni Paul Versoza. Ang
salitang "Alibata" ay nagmula sa mga salitang arabo na "alif" na nangangahulugang "salita/usal",
at "bet" na nangangahulugang bata.
Ayon sa mga kastilang mananalaysay, ang Alibata ay pinaghalong kabihasnan ng Malay, Arabe,
Kambodya, Tsina, Sayam, Borneo, at Indiya.
Ayon sa mga kastilang mananalaysay, ang Alibata ay pinaghalong kabihasnan ng Malay, Arabe,
Kambodya, Tsina, Sayam, Borneo, at Indiya.
Elehiya- ang paksa nito ay ang alaala ng isang namatay. Itoy isang uri ng panaghoy o panangis
Oda- Tulang liriko na pumupuri sa isang kadakilaang nagawa ng isang tao o grupo ng mga tao.
Awit- ang mga paksa nito ay pag-ibig, kabiguan, pag-asa, kaligayahan at iba pa
Tulang Pasalaysay- ito ay tulang may kwento at may mga pangunahing tauhang
gumagalaw. Ang mga kagitingan ng mga bayani sa pakikipagdigma ang paksa nito.
Epiko- isinasalaysay ang kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa
mga kaaway na kadalasang may mga tagpong may kababalaghan at mga pangyayaring di
kapani-paniwala.
Awit at Korido – mga tulang nagsasalaysay ng pakikipagsapalaran ng mga kilalang tao sa
kaharian gaya ng hari, reyna, duke, prinsipe, at prinsesa. Ang awit ay may lalabongdalawahing
panting samantalang angg korido ay may wawaluhing pantig.
Balad- tulang inaawit habang may sumasayaw.
Tulang Patnigan
• Karagatan- paligsahan sa tula na may tema ng isang prensesang nahulog ang singsing sa
dagat at nilalaro bilang parangal sa isang namatay.
• Duplo- paligsahan sa tula na karaniwang ginaganap sa ikasiyam na gabi sa bakuran ng
namatayan matapos mailibing ang patay bilang pang-aliw sa mga naulila nito.
• Ensileda- isa pang paligsahan sa pagtula na ginagawa bilang pang-aliw sa namatayan. Ito
ay ginagawa gabi-gabi hanggang sa ika-siyam na gabi.
• Balagtasan- isa pang tagisan ng talino sa pamamagitan ng palitan ng katwiran sa
pamamaraang patula.
• Tulang Pandulaan- ito ay dulang isinusulat nang patula tulad ng moro-moro at komedya
MGA PARAAN AT HANGARIN NG PANITIKAN-Maging tuluyan o patula man, ang apat na
paraan ng pagpapahayag ay ginagamit ayon sa hinihingi ng hangarin.
• Paglalahad- kung nais magpaliwanag
• Paglalarawan- kung nais magpahiwatig ng hitsura, anyo, lagay, hugis, kulay at iba pa.
• Pagsasalaysay- kung nais magpakita ng pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari.
• Pangangatwiran- kung nais magpaniwala, manghikayat, o magpaganap.
MGA KALAGAYANG NAKAPANGYAYARI SA PANITIKAN
• Klima- may kinalaman sa pag-iisip at pag-uugali ng tao
• Gawaing Pang-araw-araw- ang hanapbuhay at mga tungkulin ng karaniwang tao ay
nagpapasok ng mga salita at kakanyahan ng pagkukuro sa wika at panitikan ng isang lahi
o bansa.
• Kinatitirikan- ang kinatitirhang pook ng isang lahi ay nagtatakda sa hilig at takbo ng
talasalitaan at himig ng tayutay ng panitikan.
MODULE 3
Ang pasulat at oral na panitikan
Mga Akdang Nagkroon ng Impluwensiya sa Panitkan
LAYUNIN
■ Nakikilala ang mga akdang nagkaroon ng impluwensya sa panitikan
■ Natutukoy ang kakanyahan ng wikang pambansa sa pamamagitan ng pagtalakay sa mga
usaping nagpapakita ng kalakasan at kahinaan nito.
■ Nakakasulat ng isang iskrip at nakalilikha ng isang docuformative na nagpapakita ng
gamit ng wika sa kasalukuyan mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan sa panahon ng
pandemya
ANG KATUTUBONG PANITIKANG FILIPINO
Bago pa dumating ang mga Kastila sa Pilipinas ay mayroon na tayong panitikan. Nakababasa at
nakasusulat na ang ating mga ninuno nang dumating sila sa ating bansa. Tinawag na Alibata o
Baybayin ang unang alpabeto. Binubuo ito ng 17 titik na hawig sa ginagamit ng mga Indones. Ito
ay may tatlong patinig at 14 na katinig tulad ng mga sumusunod:
■ Pinalitan ang Alibata o Baybayin ng mga Kastila ng Alpabetong Romano. Binuo ni Lope
K. Santos sa kanyang Balarila ng Wikang Pambansa (1940) ang abakada na may 20 titik.
■ Sa aklat ni Mahistrado Ignacio Villamor na pinamagatan sa Ingles na The Ancient Filipino
Writing ay inilahad ang kuro-kuro na ang ating Abakadang Filipino ay nagbuhat sa
matandang abakadang Malayo. Alinsunod pa rin sa palagay, ang mga Pilipino noong
unang panahon ay sumusulat buhat sa kaliwa pakanan.Naging sulatan nila ang mga
sariwang kawayan, palapa ng niyog, at dahon ng saging sa tulong ng matalim na bagay.
■ Ang mga ninuno nating Indones ay nagdala sa ating bansa ng kanilang mga salita, epiko,
alamat, at mga tula. Ganun din ang mga Intsik, Bumbay, Arabo, Persyano, Kambodyan,
at Malaya. Dahil sa hindi nasakop ng Kastila ang Mindanao, dito naimbak ang katutubong
panitikan. Marami rin tayong panitikang pasalin-saling bibig ng bawat salinlahi. Mayroon
tayong alamat, mito, epiko, tula, tugma, awit, dula at iba pa. Ayon kay Lascasas (1943),
ang mga Kastila ay maraming nakuhang manuskripto o akda na tinuturing nilang pawang
mga diyablo. Ang mga ito ay sinunog ng mga Kastila upang malimutan ng mga Pilipino
ang katutubong pananampalataya.
■ Hindi nalipol ang lahat ng palatandaan ng ating katutubong panitikan. Ayon kay Dr.
Alejandro (1949), ang nalalabing matatandang panitikang Filipino ay nahahati sa tatlong
uri:
■ Ang mga kwentong bayan
■ Ang mga karunungang-bayan, at
■ Ang mga awiting bayan
■ PASULAT NA PANITIKAN
Ang paraan ng pagsasalin ng panitikan magmula nang matutunan ng tao ang sistema ng
pagsulat
■ ORAL o PASALITANG PANITIKAN
Pasalin-dila ang tawag sa panitikan kung ito ay naisalin na sa ibang henerasyon sa pamamagitan
ng bibig ng tao.
Hal. Epiko, awiting-bayan, alamat, kasabihan, salawikain, bugtong at maging palaisipan
Narito ang ilan pang pagpapatunay na ang Pilipinas ay may mga panitikan na noong dinatnan
ng mga Kastila
■ Sinabi ni Padre Chirino na may 33 manuskritong sinunog sa Balayan, Batangas
■ Sinabi ni Sinibaldo de Mas na sila ay may dinatnang tulang tagalog ngunit ito ay hindi
mataas ang uri.
■ Ayon naman kay Padre Colin, noong unang panahon ay may mga Pilipinong mang-await
na nagsasaulo ng mga awiting nagsasalasay ng kasaysayan ng mga ginagawa ng
kanilang Diyos.
■ Ayon kay Epifanio de los Santos, talagang may panitikang Tagalog dito na di mapag-
aaliinlangan.
■ Sina Morga, Totanes. Bravo, Blacas de San Jose, at Placencia ay nagsipagsabing “Sa mga
Indio ay likas at katutubo ang tula t pagtula”..
MGA ALAMAT AT MITO
Ang Alamat at Mito ay naging mga sangkap ng sinaunang ppanitkan ng alinmang lahi. Ang mga
pangyayari sa kalikasan ay bnibigyan nila ng mga paliwanag sa pamamagitan ng malikhaing
guniguni.
■ ANG PINAGMULAN NG MGA LAHI (BISAYA)
■ BANAHAW (TAGALOG)
■ SI MALAKAS AT MAGANDA (TAGALOG)
EPIKO
EPIKO NG IPUGAW
■ ALIM - Isinasalaysay dito ang pagkakasal ng magkapatid na Bugan at Wigan na siyang
pinagmulan ng pag-aaway at pagpapatayan ng mga tao sa daigdig bilang sumpa ng
Bathala ng mga Ipugaw na si Makanungan.
■ HUDHUD - Ito ay tungkol sa pakikipagsapalaran ni Aliguyon, ang bayani ng lahing
Ipugaw, at ang kadakilaan at kaluwalhatian ng kasaysayan ng kanilang lahi. May mga
bahagi ng tulang ito na hanggang ngayon ay inaawit pa ng mga Ipugaw sa mga kasalan
at ibang pagdiriwang.
EPIKO NG BISAYA
■ HARAYA - ito ay kalipunan ng mga tuntunin ng kagandahang-asal
■ HINILAWOD - nagsasalaysay ng pag-iibigan ng mga bathala na unang nanirahan sa Iloilo,
Antique, at Aklan.
■ MARAGTAS - ito ay kasaysayan ng sampung datung Malay na tumakas mula sa Borneo
sa pamumuno ni Datu Puti at ng mga unang araw nila sa Panay, ang islang kanilang binili
kay Haring Marikudo ng mga Ito.
■ LAGDA - ito ay kalipunan ng mga kautusan tulad ng Kodigo ni Kalantiyaw.
■ HARI SA BUKID - tungkol sa isang haring hindi nakikita ngunit naging tanyag dahil sa
pagbibigay – biyaya at pagpaparusa
EPIKO NG MUSLIM
■ DARANGAN - ito ay isa sa pinakamatanda at pinakamahabang epiko ng Pilipinas.
Binubuo ito ng 25 na Kabanata. Kasama rito ang Indarapata at Sulayman at Prinsipe
Bantugan at Bidasari.
■ INDARAPATRA AT SULAYMAN - Ito ay tungkol kay Emperador Indarapatra ng Kaharian
ng Matapuli. Siya ay matalino, mabait at matapang. Siya ay may sibat na bumabalik sa
kanya matapos ihagis sa kaaway.
■ PRINSIPE BANTUGAN –
■ BIDASARI - ay nasasalig sa isang matandang paniniwalang ang buhay ay napatatagal
kung ang kaluluwa ay pinaiingatan sa isda, hayop o anumang bagay na may buhay.
■ EPIKO NG TAGALOG
KUMINTANG - Ito ay kasaysayan ng pakikipagdigma nina Datu Dumangsil ng Taal,
DatuBalkasusa ng Tayabas, at Bai ng Talim.
■ EPIKO NG ILOKO
Biag ni Lam-ang – Ito ay akda ni Pedro Bukaneg tungkol sa isang bayani at ang kanyang matapat
ng mga alaga, isang tandang na manok, at isang aso
■ EPIKO NG BIKOL
Ibalon – Ito ay tungkol sa bayaning si Baltog, ang unang nakarating sa Bikol mula sa kaharian ng
Samar. Kasama ng ama, tinuruan nila ang mga mamamayan ng wastong pamumuhay at mga
industriya. Itinuro rin nila ang mahusay na pagpapasunuran ng panginoon at alipin.
KWENTONG BAYAN
Ito ay mga kwentong nagpasalin-salin sa bibig ng marami at hindi na alam kung saan nagsimula.
Ang mga ito ay maihahalintulad sa mga kwentong bayan ng mga taga- Hilagang Europa, Rusya
at marami pang ibang bansa sa Astya
MGA AWITING-BAYAN
Ang mga tao noon ay marunong sumulat at magsaulo ng tula. Sa uri ng tulaa ay nanginigbabaw
ang awit. Ang mga awiting ito ay galling sa iba’t ibang pook ng mga taong hindi nakapag-aral,
mga mangingisda, at mga taga bukid, itinuturing na hamak datapwa’t may puso at kaluluwa.
Ang mga awit na ito ay mauri gaya ng sumusunod:
■ Mga awitin sa iba’t ibang gawain gaya ng talindaw, tambiling, at suliranin
■ Mga awitin sa gidmaan gaya ng tikam at tagumpay
■ Mga awitin sa paghehele gaya ng tinatawag na oyayi.
■ Mga awitin sa pag-ibig gaya ng Diona (Masaya) at Kundiman (Malungkot)
■ Mga awiting may magandang aral.
■ Mga awiting nakatatawa o may kahambugan.
■ Mga awitin sa pagdiriwang
SALAWIKAIN
Ito ay nasusulat na may sukat at tugma, patalinghaga at kinapapalooban ng mabubuting payo
tungkol sa kagandang asal.
Halimbawa:
Ang taong nagigipit
Sa patalim kumakapit
Walang matimtimang birhen
Sa matiyagang manalangin
Taong walang kibo
Nasa loob ang kulo
Ang mahirap kunin
Ay masarap kanin
BUGTONG
Ito ay mga anyong patula, binubuo ng dalawang taludtod na may sukat at tugma. Taglay nito
ang paglalarong patula. Ito ay nagpapatalas ng isip.
HALIMBAWA:
Isang munti kong kumpare
Naaakyat kahit kahoy na malaki
- langgam
Eto na si lelong
Bubulong - bulong
- bubuyog
Dahon na pindapinda
Magsinlapad silang dalawa
- tainga
Batok pare
Paa’y lagare
- tipaklong
Maliit pa si kapatid
Marunong nang umawit
- kuliglig
Nang maglihi’y namatay
Nang manganak ay nabuhay
- sinigwelas
Panudyo – patula ang pagkakabuo nito. Bigkasin maging ng mga bata at matatanda
Tutubi, tutubi
Huwag kang papahuli
Sa batang mapanghi
Bata batuta
Nagsuot sa lungga
Hinabol ng palaka
TUGMANG HALOS WALANG DIWA – Ito ay mga tugmang halos walang diwa ngunit may
kapilyuhan o paglalaro sa dila
Ako’y nandiliwariw sa pinandiliwariwan
Ayaw kong pandiliwariwin
Ngunit ako’y nandiliwariw rin
KASABIHAN – payak na kahulugan at hindi gumagamit ng talinghaga. Ang kilos, ugali, at gawi
ng isang tao ay masasalamin sa mga kasabihan
Ubos-ubos biyaya
Maya-maya, nakatunganga.
Hampas sa kalabaw
Sa kabayo ang latay
BULONG – may iba’t iba uri nito. Sa pang- engkanto, sa pangkukulam, sa panunumpa, sa
paggalng sa mga anito, at mga di- mabubuting espiritu, o sa pagpapagaling sa mga may sakit.
SAWIKAIN – Ito ay patalinghagang pananalita. Isa rin itong pamukaw at paghasa ng isipan ng
tao. Nakalilibang ito bukod sa nakadaragdag ng kaalaman.
Hulog ng langit – biyaya, suwerte
Maluwag ang turnilyo – luko-luko
Kutong lupa - paslit, maliit na bata
Putok sa buhok - anak sa pagkadalaga
Anak – pawis - dukkha mahirap
PALAISIPAN - Ito ay isang pagpukaw at paghasa ng isipan ng tao. Nakaliliabang ito bukod sa
nakadaragdag ng kaalaman
Mga Unang Dula
■ Nadatnan ng mga Kastila na ang mga Pilipino ay may mga dulang itinatanghal sa lilim ng
puno. Ang mga dulang patula ay sinasamahan ng awit at sayaw kung itanghal. Ang
Wayang Purwa ng Bisaya ay kasaysayan ng pakikipagsapalaran ng isang sultan,. Ang mga
Muslim ay mayroon ding dula na kung tawagin ay Bayok, Embayoka, at Sayatan. Ito ay
isang pagtatalong patula tulad ng Balagtasan. Ang Tibaw ng mga Tagalog ay tungkol sa
pangliligaw at pamamanhikan.
■ Lumalabas sa mga pagsasaliksik na ang pagkakasakop sa ating kapuluan ng mga
kaharian ng Madyapahit at Shri-Bisaya; at ang pagkakadayo rito ng mga taga Kambodia,
at ibang pook sa Indo Tsina ay nagsasaad na ang mga unang dulang naging libangan ng
ating mga ninuno ay galling sa kanila.
TATLONG BAHAGI NG DULA
■ YUGTO – Ito ang bahaging ipinanghahati sa dula. Inilalahad ang pangmukhang tabing
upang magkaroon ng panahong makapamahinga ang mga nagsisiganap gayundin ang
mga manonood.
■ TANGHAL - Ito ay ipinanghahati sa yugto kung kailangang baguhin ang ayos ng
tanghalan
■ TAGPO - Ito ang paglabas-pasok sa tanghalan ng mga tauhanang gumaganap sa dula