You are on page 1of 10

I.

INTRODUKSYON

Ang Filipino ay isang asignatura na kalamitan ay minamaliit. Pero sa katotohanan


ito ay isang asignatura na nagagamit sa ibang bahagi sa mundo ng akademiko
lalo na sa larangan ng Humanidades at mga larangan kaugnay nito.

II. HUMANIDADES
A. Background ng Aralin

Ano ang Humanidades?

Ito ay tumutukoy sa mga araling nauukol sa tao o mga araling pantao. Ito ay
tumutukoy sa mga disiplinang akademiko na nag-aaral sa mga kundisyong
humano, na ginagamitan ng mga metodolohiya ng malawakang pagsusuri (kritiko),
pagpuna (analitiko), at pagbabakasali (ispekulatibo); dahil sa tatlong metodong ito,
itinatangi ang pag-aaral na ito na tinatawag ding humanidades o umanidades
mula sa mga imperikong (empirikal) gawi na ginagamit sa mga likas na agham at
mga agham panlipunan.

Layunin ng Larangan ng Humanidades

Ayong kay J. Irwin Miller “Ang layon ng Humanidades ay ang gawin tayong tunay
na tao sa pinakamataas na Kahulugan nito.” Ito ay bumubuo na tao (ang kaniyang
kaisipan, kalagayan) at kultura (ang binibigyang-tuon sa pag-aaral ng larangang
ito)

Kahalagaan ng Humanidades

Ayon kay Newton Lee “Sana’y mapagtanto natin na ang edukasyon at ang
Humanidades ay dapat pahalagahan sa pagpapaunlas ng ating mga isipan at para
sa magkaroon ng karera sa hinaharap”. Bukod sa pagkakaroon ng karera sa
hinaharap kinakailngan din na magkaroon sa pagpapaunlad ng ating kaisipan at
ng lipunan sa kalahatan. Sa madaling salita “Hindi kung ano ng gagawin ng tao,
kundi kung paano maging tao.

35
Kasaysayan

Naging popular ang pag-aaral pantao noong mga kapanahunan ng Renaissance o


pagbabalik na kung saang ito ay isang panahon kung kailan nakahiligan ng mga
mamamayan ang pagiging likas ng tao o "likas na katangian ng tao". Naganap ang
panahon ng "Muling Pagsilang" sa Europa, nagsimula sa Italya, mula ika-14
hanggang ika-16 na dantaon. Ang panahong ito ang naging marka o pananda sa
transisyon o pagpapalit ng kapanahunan mula sa midyebal (panggitna) patungong
makabago o modernong panahon.

Humanidades sa Filipino

 Ang katawagan o terminong Humanidades ay tumutukoy sa mga


sining na biswal katulad ng musika, arkitektura, pintura, eskultura, teatro
o dula, wika kasaysayan Pilosopiya, Relihiyon at panitikan. Kung ito ay
sumasaloob sa wikang Filipino, ito ay Humanidades sa Filipino

Pagpapalim sa Aralin

Mga sumumsunod na disiplina sa larangan ng Humanidades

1. Wika
- Halimbawa: pag-aral ng mga sinuanu at makabagong wika,
pagsalin, at pagsulat
2. Panitikan
- Halimbawa: wika teatro, nobela, dula maikling kwento
3. Kasaysayan
4. Pilosopiya
5. Relihiyon
6. Biswal at isinasagaw na sining
- Halimbawa: Pelikula, Teatro, Sayaw, Musika, Pagpipinta

36
Pagsulat sa Humanidades

1. Impormasyonal
- Paktuwal na impormasyon bilang background gaya ng tamabuhay
o maikling bionote tungkol sa may akda. Paglalarawan at
pagsusuri ng mga karaniwan pampanitikan gaya ng kritisismo, tula
kuwento, at iba pa. Pagbubuo ng pliwagan sa kaunay sa tekik o
proseso.
2. Imahinatibo
- Binubuo ito ng mga malikhaing akda gaya ng piksyon (nobela,dula,
maikling kwento) sa larangan ng panitikan, gayundin ang pasusuri
dito.
3. Mapanghihikayat
- Pangganyak ito upang mapaniwala o di-mapaniwala ang mga
mambabasa. Subhetibo ito kaya’t mahalagang ang opinion ay
kaakibat ng ebidensya at katuwiran o argumento. Makikita ang
mga ganito anyo ng pagsulat ng kritisismo

B. Pagpapayaman sa kaalamnan
Para sa karagdagan kaalaman basahin ang: “Ang proseso ng transkripsiyon
ng mga inskripsiyon sa mga Bato ng Ticao” ni Ramon Guillermo

III. AGHAM PANLIPUNAN


A. Background ng Aralin

“Ano ang Agham Panlipunan?”

Isang disiplinang akademiko na kung saan pinag-aaralan ang mga aspeto ng tao
at sangkatauhan ng mundo.

Kahalagahan ng Agham Panlipunan

 Karapatan at responsibilidad ng mga mamanayan


 Kaalaman sa mga batas na umiiral sa Estado

37
 Partisipasyon sa mga simulain ng pamahalaan

Layunin ng Agham Panlipunan

tumutulong na magkaroon ng mas malalim na pagkakaintindi sa mundo at sa


lipunan na ginagalawan. Sakop nito kung ano ang mga dahilan sa pagwala ng
trabaho, paano at bakit bumoboto ang mga tao o ano ang mga nakapagpapasaya
sa isang tao.

B. Pagpapalim sa Aralin

Pag-uri at Pagbibigay Depenisyon sa mga Sangay ng Agha Panlipunan

1. Sosyolohiya (Sociology)
- Pakikipag-ugnayan ng tao sa mga pangkat, institusyon o samahan
na kanyang kinabibilangan.
2. Agham Pampulitika (Political Science)
- Konsepto at prinsipyo tungkol sa pamamahala ng isang lipunan na may
tiyak na teritoryo
3. Antropolohiya
- Simula, pag-unlad at katangian ng tao.
 Sosyo-kultural na sangay
- pag-unlad ng tao sa pamamagitan ng pananaliksik
 Arkeolohikal
- sistematikong paghuhukay at pag-aarap ng mga nagawa o
naganap sa mga sinaunang tao.
 Pang-biolohikal
- pagsusuri ng mga katangiang pisikal at pag-unlad ng tao batay sa
mga “fossils”
 Pag-aaral ng wika
- pag-aaral sa iba’t ibang lengguwahe ng tao
4. Ekonomiks
- Produksyon, distribusyon, at pagpapalitan ng kalakal at
pagkokonsumo

38
5. Kartograpiya
- pag-aaral at paggawa ng mga mapa. Halimbawa ay ang concept
mapping o mind maps na siyang nakakatulong magorganisa ng
mga ideya ng isang indibiduwal o grupo tungkol sa isang paksa
6. Lingguwistika
- agham na nakatuon sa pagbabago at pag-unlad ng wika, sapagkat
bawat tao o pangkat ng tao ay may sariling kultura na nagbabago
sa paglipas ng panahon. Sa agham na ito natatalakay ang
pagkakaiba iba ng pagbigkas ng isang salita base sa klase o
rehiyon ng mga tao.

Katangian ng lingguwistika:

 Balarila
1. Palatunugan
2. Palabuuan
3. Palaugnayan
4. Talasalitaan
5. Palatitikan
6. Panitikan
7. Saling-wika
7. Heograpiya
- Katangiang pisikla ng daigdig.
- Pagkilos ng tao ayon sa kayangian ng paligid niya
- Pakikibagay sa panahon, klima, lokasyonbat kahapagahan ng mga
likas na yaman.
 Heograpiyang pantao
- katangian ng tao batay sa kanilang kultura at iba’t ibang gawain
 Heograpiyang pisikal
- distribusyon ng mga anyong lupa at anyong lupa ay anyong tubig
sa daigdig.

39
8. Relihiyon
- pinagisang Sistema ng mga paniniwala at mga gawi tungkol sa
buhay at kaugnayan nito sa higit sa karaniwan na nagbubuklod sa
mga taga paniwala ng isang komunidad.

C. Pagpapayaman sa kaalamnan

Para sa karagdagan kaalaman basahin ang: “Ang pagtuturo ng Agham Panlipunan


sa wikang Ingles at Filipino: isang anyong eksperimento” ni Aurora L.Domingo

IV. KAUGNAY NA LARANGAN


A. Background ng Aralin

Ang wikang Filipino ay kilala rin bilang lingua franca, ibig sabihin, ito ang
wika na naiintindihan ng nakararami. Tungkulin ng mga tagapagsalita nito, ang
mga Pilipino, na pagyamanin at paunlarin ang wikang Filipino na siya rin napili
bilang wikang pambansa. Ayon sa Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), ang
wikang pambansa ay isang mabisang bigkis sa pagkakaisa at pagkakaunawaan.
Ito rin ay nagmimithing mabilis magkaunawaan at sibulan ng damdamin ng
pagkakaisa ang mga mamamayan na may iba-ibang wikang katutubo. Katulong
ito sa pagtatag ng isang pambansang pamahalaan. Sa madaling sabi, mahalaga
ang gampanin ng wikang Filipino sa bansa. Kailangan na gamitin ito ng gamitin
para mas mapalawak at mapaunlad.
Napagtibay ito sa pamamagitan ng Executive Order No. 335 na nag-aatas
sa lahat ng kagawaran, kawanihan, ahensiya at instrumentaliti ng pamahalaan na
gumamit ng Filipino sa lahat ng uri ng komunikasyon. Nakailalim din sa utos na ito
ang pagsasalin sa Filipino ng "Panunumpa sa Katungkulan" ng lahat ng pinuno at
tauhan ng pamahalaan at ang pagsasalin sa Filipino ng mga pangalan ng opisina,
gusali, at mga karatula sa lahat ng opisina at pook publiko. Gayunpaman,
mahalaga na magamit ang wikang Filipino di lamang sa ganitong aspeto kundi pati
na rin sa iba't-ibang larangan. Sa iba't-ibang ahensiya at institusyon ng
pamahalaan tulad ng institusyon ng batas at sa departamento ng edukasyon. Sa

40
akademikong larangan tulad ng mga panitikan, sa komersyo. Sa larangan ng
"sports" at sa larangan ng mga pelikula.
B. Pagpapalim sa Aralin

Sa larangan ng isports
 Wikang Filipino ng mga Manlalaro sa Praktikal na Pananaw

Wika ang magsisilbing susi upang magkaintindihan ang mga manlalaro at


kung paano ang gagawin nila sa loob ng court. Mahalaga ang wika sa paglalaro
ng kahit anong palakasan, hindi lamang sa larong basketbol, dahil dito mas
naipapahayag ang galaw ng mga manlalaro at daloy ng sistema na nais ng coach
sa isang koponan. Esensyal ang komunikasyon sa larong basketbol,
kinakailangan mag-usap ng mga magkakampi upang maging maayos ang
pagsasagawa nila ng mga “play”, mahalaga ang pagkakaisa dito, kaya naman
napakalaking parte ng wika dito sapagkat ito lang ang paraan ng komunikasyon
sa gitna ng isang laro.

 Wikang Filipino sa basketbol sa Pilosopikal na Pananaw

Napiling halimbawa ang larong basketbol dahil isa ito sa mga pinakakilala
at pinakasinusubaybayan ng mga Pilipino sa panonood ng isports. Kung
palalalimin ang larong ito sa aspetong Wika, marami nang nagdaang
magagandang linya kaugnay ang malalim na depinisyon nito. (SWS Sports
Survey, 2008)

Sa pilosopikal na pananaw, kilala ang kasabihan sa larong basketbol ang


bilog ang bola. Dito masasalamin ang lawak at talino ng mga Pilipino. Sa isang
bansang tulad ng Pilipinas na hindi naman ganoong umaangat sa larangan ng
pamumuhay, mahalaga ang konsepto ng pag-asa. Ito marahil ang dahilan kung
bakit tumatak sa puso ng maraming Pilipino ang koponan ng Ginebra San Miguel
kung saan ang kanilang “never say die” na prinsipyo ang nagdala sa kanila sa
posisyon bilang isa sa pinakasikat at pinakakinatatakutang koponan sa Philippine
Basketball Association (PBA).

41
Pangalawa, mayroon rin siguro tayong masisilip na prinsipyo sa konsepto
ng diskarte at gulang na nakaugat sa konsepto ng “matalinong pagpapasya”. Sa
etika ng basketbol sa Pilipinas, ang panggugulang sa mga kulang pa ng karanasan
na manlalaro ay tanggap bilang paggamit ng utak o pagiging madiskarte. Ang
salitang gulang (craftiness) ay mauugat natin sa Tagalog na salitang “magulang”.
Sa isang batang manlalaro na nagsisimula pa lamang, ang sitwasyong naiisahan
ng mas nakatatanda sa kanya na marami nang pinagdaanan sa laro (at sa buhay)
ay bahagi nga ng paglalaro. Ipinapakita sa larong basketbol ang kahalagahan ng
diskarte sa buhay. Kailangang matalino ka sa larangan ng buhay. Isang
magandang halimbawa dito ang dahilan kung bakit binansagang “The Scholar”
ang isa sa pinakamagaling sa depensa sa kasaysayan ng basketbol sa Pilipinas,
si Philip Cezar. Hindi man siya ang pinakamatangkad na manlalaro sa taas na 6”3’
noong henerasyon niya, nalalamangan naman niya ang kanyang mga kasabayan
gamit ang kanyang utak.

 Wikang gamit ng mga manunulat ng isports o sportswriters

Isang malaking hamon ang "sports" sa mga "news editor" at "reporter" ng


"tabloid" ang mapanatili nila ang diwa at mensahe ng mga artikulong kanilang
nililimbag araw-araw dahil sa limitasyon ng wikang ginagamit sa pagkukuwento ng
mga "pangyayari" sa mundo ng "palakasan" (sports events) na banyaga sa ating
kultura. Sa salpukan ng magkabilang mundo, ang wikang "Filipino" at "sports
events" na nanggagaling sa ibang bansa, lumilitaw ang atityud ng mga tabloid sa
paggamit ng wikang pinayayabong sa mga suliraning kanilang hinaharap sa
pagsusulat ng mga artikulong pang-isports. Ang hamong ito ay matatapatan kung
ang bawat tabloid ay may sinusunod na pamamaraan o estilo sa pagsusulat;
panghihiram at pagsasalin ng wika. Natatangi ang "sports" bilang bahagi ng isang
pahayagan dahil sa kakaibang kalikasan ng pamamaraan ng pagbabalita rito tulad
ng pagsusulat sa wikang naiintindihan ng marami. Ang malaking katanungan ay
kung tapat ba sila sa pagsasalin ng tunay na diwa at mensahe gamit ang ating
wika. Inaakala marahil ng mga tabloid na nagagampanan nila ang tungkuling ito
dahil walang nangyayaring pagtutol mula sa mambabasa. Dahil wika ang

42
ginagamit sa proseso ng komunikasyong umiiral sa larangang ito, mahalagang
pagtuunan ng pansin ang atityud ng pagsasaling wika na ipinapakita ng mga
tabloid sa seksyon ng sports.

Akademikong larangan
ang paggamit ng wikang Filipino sa pagsusulat at pakikipagtalastasan ay
mas nakapagpapabatid ng nais maiparating na mensahe. Namulat man sa mga
literatura na nakasulat sa wikang Ingles, na pinasimulan ng mga Amerikano nang
ika-20 siglo, kalaunan ay tinangkilik na rin ang mga nakasulat sa sariling wika. Sa
pagsulat ng mga babasahin at panitikan tulad ng mga literatura at dyaryo, at
paggawa ng pananaliksik ay mas naipapahayag ang iyong saloobin at mga
kaisipan gamit ang Filipino. Bukod sa mas epektibo ito, ay nakaaambag rin ito sa
pagpapaunlad ng wikang Filipino.
Larangan ng pelikula
Mapapansin ang pag-unlad sa paggamit ng wikang Filipino. Ang mga
pelikula kagaya ng Indie Films ay malaking ambag para sa pagsulong ng wikang
Filipino. Gamit ang naturang wika, higit na naipapahayag ng maayos ang emosyon
na inihahatid ng istorya sa pelikula sa mga manonood. Mas nararamdaman at
nauunawaan ang mga pangyayari na napapanood. Sa pamamagitan ng wika na
gamit sa pelikula, naipapahayag at nasasalamin rin ang
 Wikang Filipino sa Pagbuo ng Pamagat ng Pelikula

Mahalaga ang papel na ginagampanan ng pambansang wika sa lahat ng


larangan sa lipunang ating ginagalawan partikular na lamang sa mga pelikula. Ang
pamagat ng isang pelikula ay maaari nang humubog ng atensyon dahil maaari
nang mahusgahan ng tao ang pelikula. Kaakibat ng paggamit ng pambansang
wika sa lahat ng larangan sa ating lipunan ang pagyabong ng wikang Filipino
bilang ang pangunahing wika sa media. Inirerekomenda na kung maaari, gamitin
ang wikang Filipino sa paglikha ng pamagat ng pelikula at iba pang akda na
makakaimpluwensya sa karamihan.

43
 Wikang Filipino sa Telebisyon at Pelikula

Ang eksposyur sa telebisyon ang isang malaking dahilan kung bakit


karamihan ng mga mamamayan sa Pilipinas ay nakakaintindi ng Wikang Filipino.
Kabilang dito ang maraming kabataang natuto sa pagsasalita ng Wikang Filipino
kahit hindi naman sila nakatira sa mga lugar sa Katagalugan. Mainit na
tinatanggap ng mga Pilipino ang mga pelikulang gawa sa Pilipinas kahit na mas
kilala ang mga pelikula mula sa ibang bansa. Kaya lang, karamihan sa mga
pelikulang ito ay Ingles ang pamagat sa kadahilanang mas kaaya-aya ang
ganitong pamagat sa mata ng bansang lumaki sa kaalaman ng banyaga. Dahil
mas kaaya-aya ito, mas magkakaroon ito ng viewers at ito ang magpapalaki ng
kanilang kita. Kahit nahahaluan na ng wikang Ingles ang mga nagawang pelikula,
mas matimbang pa rin ang paggamit ng Wikang Filipino at ito ang nagiging dahilan
kung bakit malakas makakuha ng atensyon mula sa masang Pilipino.

C. Pagpapayaman sa kaalamnan

Para sa karagdagan kaalaman basahin ang: “Ang Pagsasa-Filipino ng mga


Panoorin sa Daigdig ng Telebisyon, Pagda–dub ng Anime, at Paglaganap ng
Wikang Filipino sa Bawat Sulok ng Mundo: Mga Patunay na ‘Moog’ ng Pagka-
Pilipino

44

You might also like