Professional Documents
Culture Documents
Ang kursong ito ay tumatalakay sa buhay, gawa at akda ni Dr. Jose Rizal. Sang-ayon sa
ipinaguutos ng Batas Republika 1425, sakop ng kursong ito ang buhay at mga akda ng
pambansang bayani ng bansa, si Jose Rizal.
KABANATA 1
ANG BATAS RIZAL AT ANG PAGKAKAPILI SA PAMBANSANG BAYANI NG PILIPINAS
PANIMULA
Maligayang pag-aaral sa unang kabanata sa kurso ng buhay at ginawa ni Rizal. Ang kabanatang
ito ay nagbibigay ng talakayan tungkol sa makasaysayang konteksto ng Batas Rizal na
nagbibigay daan sa atin upang mas maunawaan ang mga nilalaman, makatuwiran at
kahalagahan ng batas. Tumatalakay din ito kung ano ang mga pamantayan sa pagpili ng isang
pambansang bayani at mga dahilan ng pagkakahirang kay Dr. Jose Rizal bilang pambansang
bayani.
Mga Layunin:
1. Mapahalagahan ang pag-aaral ng buhay at akda ni Rizal.
2. Maisa-isa ang nilalaman ng Batas Republika bilang 1425
3. Matalakay at nakokontekstwalisa ang nakapaloob sa Batas Rizal
4. Makapagpahayag ng sariling opinion kaugnay ng kontrobersya tungkol sa pagkakapili ni
Rizal bilang bayani.
5. Mahubog ang pagkamakabayan batay sa natutunan.
Ang Kasaysayan ng Batas (Historical Context & Legal Basis – legal na batayan ng pag-aaral sa
buhay at mga sinulat ni Jose Rizal )
Si Sen. Claro M. Recto ang orihinal na may akda at unang nahain ng tinatawag na
Senate Bill No. 438 sa Senado. Sunindan ito ng House Bill No. 5561, isang katulad na
panukalang inihain ni Rep. Jacobo Gonzales sa House of Representative
Inihapag sa senado ni Sen. Jose P. Laurel, Sr. ang panukalang batas (Senate Bill 438) na
naglalayong pag-aralan ang buhay at mga akda ni Jose Rizal noong Abril 17, 1956.
- Si Sen. Laurel bilang Tagapangulo ng Lupon sa Edukasyon (Senate Committee on
Education) ang nagbigay ng sponsorship na talumpati para sa panukalang batas,,
subalit ang orihinal na panukala ay inakda ni Sen Claro M. Recto.
5. Nagbanta ang simbahang magsasara ang mga Katolikong paaralan sa Pilipinas bilang
protesta kapag ipinilit ang panukalang batas.
- Dahil sa mahigit sa dalawang lingo ang matindihang debate at tila walang
patutunguhang paguusap tungkol sa panukala, nirebisa ni Sen. Laurel ang Panukala.
- Sa huli nagkaroon ng isang kompromiso nang dumaan ito sa Lupon ng Edukasyon ng
Senado na pinamumunuan ni Sen. Jose P. Laurel.
- Paglalagay sa mga silid aklatan ng sapat na mga kopya ng mga nobela ni Rizal sa orihinal
kabilang ang iba pang mga lathalain ng mga ginawa at talambuhay ni Rizal.
- Pagsalin sa Ingles, Filipino, ang mga pangunahing wika sa Pilipinas ng mga nobela at iba
pang mga sinulat ni Rizal at mapalimbag ang mga ito ng mura at maipamahagi nang libre
sa buong bansa.
- Marami pa rin ang umasa na hindi ito maaprobahan ngunit nabigo ang mga ito
sapagkat…
- Senado: Naipasa ang batas na 23 senador and pabor (Panukalang Batas bilang 438)
PAMANTAYAN/CRITERIA SA PAGPILI:
1. Isang Pilipino
2. Yumao na
3. May matayog na pagmamahal sa bayan – maigting ang pagkamakabayan
4. May mahinahong damdamin – dapat ay ayaw sa rebolusyon
MGA PINAGPILIAN:
1. Marcelo H. del Pilar
2. Graciano Lopez-Jaena
3. Hen. Antonio Luna
4. Emilio Jacinto
5. Jose Rizal
6. Emilio Aguinaldo
7. Apolinario Mabini
8. Andres Bonifacio*
- Tanggal na agad si Aguinaldo dahil buhay pa siya nang panahong iyon. Gusto ng mga
amerikano na pumanaw na ang isang hihiranginb para wala nang maidulot na kasiraan
sa kanyang pagkatao o pagkakataong magbago ang kanyang adhikain o di kaya ay
kalabanin ang pamamahala ng Estados Unidos.
- Alaganin ding mapili sina Bonifacio, Luna, Jacinto, at Mabini na pawang naging bahagi
ng himagsikan. Iwas ang mga Amerikano sa pagpili sa mga rebolusyonaryo sapagakat
ito ay mapanganib sa pananatili ng mga Amerikano sa Pilipinas
- Samantala, si Del Pilar at Jaena bagamat makabayan ay hindi raw kasing igting na gaya
ni Rizal. Lumamang si Rizal sa pagiging di umanoy mas dramatiko ng pagkamatay niya,
siya’y binaril sa Bagumbayan, samantalang si Del Pilar at Jaena ay namatay sa sakit.
- Sa madaling sabi, pabor sa mga Amerikano ang pagkakapili nila kay Rizal para na rin sa
pagpapahinahon at asimilisasyon ng Pilipinas.