You are on page 1of 23

FIL 101

Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan

Ang Kultura , Kasaysayan at pinagmulan ng

Tribung Ilonggo

Miyembro ng pangkat:

Shymie B. Bandoy
Kaligirang Kasysayan ng Tribung Ilonggo

Ang Pinagmulan ng Pangalan

Ang pangalan ng Hilongos ay nagmula mula sa wikang "Ilonggo" (Espanyol

"Ilongo"). Ang wikang ito ay isang dyalekto ng Pilipinas na makikita sa isa sa mga

rehiyon ng Iloilo, Capiz at Negros Occidental. Ito rin ay ginagamit sa iba pang mga

probinsya ng grupo ng Isla sa Panay, pati na rin sa Antique, Aklan, Guimaras at

malalaking bahagi ng Mindanao kabilang ang lungsod ng Koronadal, Timog Cotabato,

Sultan Kudarat at mga bahagi ng hilagang Cotabato.Ang dialekto na ito ay nabibilang

sa grupo ng mga wika sa Austronesian at ethno-lingguwistika na grupo ng mga

katutubo ng Iloilo (5.000 BC - 2.000 BC). Hindi namin nais na magbigay ng liwanag ukol

dito, bilang ng mananaysay na si William Henry Scott na tinalakay ang bagay na ito sa

detalye sa pag-areglo ng mga wika na ito. Ang natatanging tampok ay sa kanya ang

pagkanta indayog (impit) bilang din ito ay nakatagpo sa Italyanong wika, na kung saan

ay ginagamit sa pamamagitan ng isang malaking bilang ng mga Tsino na mestizos

(Mestizos de Sangley).Kung ikaw ay naghahanap sa lugar ng pamamahagi kahit na

mas malapit, ito ay natagpuan na ang mga rehiyong ito, na may hindi tuloy-tuloy na

geological ibabaw, nagkakatulad sa dating kilalang sentro ng kalakalan ng 9th-14th na

siglo.Ang Idyoma na ito ay ginagamit bilang isang wika ng kalakalan upang bumili o

makipagpalitan ng mga iba't-ibang mga kalakal. Sa pinakatanggap na seguridad na

nakapaligid na residente ng mabundok na lugar at ang mga kaanak ng pangingisda, na

nais mag-alok o mangalakal o ibenta ang kanilang mga kalakal sa iba pang mga

magsasaka at mga negosyante: "Pumunta sa kanila na pakikipag-usap sa Ilongo, ...


pababa sa Ilongos sa malaking ilog, doon maaari mong ipagpalit ang iyong mga

produkto sa kalakalan ". Upang maging eksaktong ang mga residente na eksklusibong

nagdadalubhasa upang mapanatili ang mabilis na kalakalan sa iba pang mga sentro ng

kalakalan sa Borneo (Indonesia), Malaysia, Thailand, Vietnam at China. isa pang

pangitain samakatuwid na ang Hilongos naglalaro ng isang mahalagang papel bilang

isang sentro ng kalakalan sa mahigit na sa 1,000 taon.

Ang mga Espanyol ang kumuha ng pangalan at sinulat ito. Ngunit dahil sa hindi

sila makapagsalita ng kanilang wika ang letrang "H", ay itinalaga nila ang mga lokasyon

sa kanilang pagkasalin bilang HILONGOS


Varayti ng Wikang Hiligaynon

Ang varayti ng wika ay tumutukoy sa iba’t ibang grupo ng mga tagapagsalita

ogrupong kinabibilangan.Ang Wikang Ilonggo ay tumutukoy sa wika at kultura na may

kaugnayan sa NegrosOccidental, Bacolod, Iloilo at Capiz. Kilala rin sa tawag na Wikang

Hiligaynon. Ginagamitrin ito sa mga grupo ng isla sa Panay, at probinsiya na rin tulad

ng Capiz, Antique, Aklan,Guimaras, at mga parte ng tulad ng Koronadal, Timog

Cotabato, Sultan Kudarat atgayundin ang malalaking parte ng Hilagang Cotabato.

Meron itong mahigit 7,000,000katao sa loob at maging sa labas ng Pilipinas na bihasa

sa wikang Hiligaynon, at angkaragdagang 4,000,000 katao naman na marunong nito at

karagdagan lang sa kanilanglingua franca. Kabilang ito sa pamilya ng Wikang Bisaya

na kung saan ay kabilang din itosa mga pangunahing diyalekto ng Pilipinas.

Maraming salitang Kastila sa Ilonggo, mas marami kaysa Tagalog, bagaman

sakolokyal na pananalita madalas gamitin sa Tagalog ang mga

salitang Kastila. Kadalasang"Ilonggo" ang tawag sa Wikang Kadalasang Hiligaynon sa

Iloilo at Negros Occidental.Kung tutuusin, ang Ilonggo ay isang pangkat ng

ethnolinggwistiko na tumutukoy sa mgamamamayan ng Iloilo at gayundin ang kulturang

Hiligaynon. Ang pagitan ng diyalektong

Ilonggo at ang katawagang Hiligaynon ay hindi matukoy sa kadahilangang

maaaring angisa ay pwedeng tumukoy sa wika at ang isa naman ay sa tao.Ang

Hiligaynon ay maraming hiram na salita mula sa wikang Espanyol mula

samga pangngalan (hal., santo mula sa santo), pantukoy (hal., berde mula sa

verde, luntian), pang-ukol (e.g., antes mula sa antes, bago), at pangatnig (hal. pero

mula sa pero). Gayumpaman,marami pa ring wikang Espanyol ang hiniram ng wikang


Hiligaynon tulad ng barko(barco), sapatos (zapatos),kutsilyo (cuchillo), kutsara

(cuchara)

Mga Wikang Hiligaynon sa Pilipinas

Rehiyon: Bisayas

Mga katutubong tagapagsalita

Pamilyang wika

Austronesian

Malayo-Polynesian

Borneo-Philippines

Central Philippine

Visayan

Central Visayan Hiligaynon

Mga wikain/diyalekto

Standard/Urban Hiligaynon (Iloilo probinsya/Lungsod ng Iloilo diyalekto)

Guimaras Hiligaynon

Bacolodnon Hiligaynon (Metro Bacolod diyalekto)

Negrense Hiligaynon (Negros Occidental dialect)


Mindanao Hiligaynon

Sistema ng pagsulat :Latin

Naunang naisulat sa Baybayin

Opisyal na katayuan

Opisyal na wika sa Wikang Rehiyonal ng Pilipinas

Pinangangasiwaan ng Komisyon sa Wikang Filipino


Sining, tradisyon at kasaysayan: ang Simbang Gabi sa Iloilo

TigbauanChurch

Pagpatak ng madaling araw, sabay-sabay na pinapatunog ng mga simbahan ang

kani-kanilang mga kampana bilang hudyat ng Simbang Gabi.

Ngunit dahil sa tagal ng panahon at dahil na rin sa teknolohiya na mayroon tayo

ngayon, kaunti na lamang ang mga simbahan na may totoong kampana dahil

karamihan ay gumagamit na lamang ng recorded na bersyon nito.Dito sa St. John of

Sahagun Parish o mas kilala bilang Tigbauan Church ay makikita mo ang

ipinagmamalaking kampana ng kanilang bayan.Taong 1575 nang itinayo ang simbahan

kaya bakas sa itsura nito ang isang istraktura na napaglipasan na ng panahon.Sa

katunayan, isang mala-kuwebang lagusan na pinamamahayan na ng mga paniki at

marupok na daanan ang kailangang tahakin palagi ng kampanerong si Nonoy para

lamang patugtugin ang kampana.Sa halos 25 na taong serbisyo niya sa simbahan,

sanay na si Nonoy sa kanyang tinatahak araw-araw ngunit doble-ingat pa rin siya sa

tuwing umaakyat dito.


Siningsasimbahan

Kabilang sa mga bagay na ipinagmamalaki ng Tigbauan Church ay ang mga

disenyo ng mosaic na makikita sa mga pader nito.Imahe ni Hesus kasama ang

Kanyang mga apostol.Nakalarawan dito ang mahigit 20 na iba’t ibang imahe kabilang

angkapanganakan ni Hesus, pati na rin ang kanyang mga apostol.Ang lumikha ng

proyektong ito ay si Tino Soriano, na sinimulan ang pagdisenyo sa simbahan noong

1990.Hindi naging madali para kay Tino ang paggawa ng sining na ito at sa katunayan

ay malaki ang inilabo ng kanyang paningin dahil dito.Pero hindi niya ininda ang hirap at

pagod dahil lahat naman ng ito ay iniaalay niya sa tunay na star ng Pasko, si

Hesukristo.“Hindi importante na malaman pa ng mga tao na ako ang gumawa nito,” sabi

ni Tino. “Ang mahalaga, alam ng Diyos na buong loob ko itong ginawa para sa Kanya.
JaroCathedral

Dito naman sa bayan ng Mandurriao, may isang tradisyon na taon-taong

ginagawa ng mga taongbayan bilang paghahanda sa kapaskuhan – ang ‘Viva Parol,’

isang tradisyon na mahigit 50 na taon na ang tanda.Pagtapos ng Simbang Gabi sa Jaro

Cathedral, magtitipon-tipon na ang mga tao sa kalye ng Arguelles sa likod ng simbahan

para mangaroling.Viva Parol. Ang tradisyon na 50 taon na ang tanda.Mga bata,

matanda, kahit saan ka tumingin, lahat ay may hawak na parol at sabay-sabay na

kinakantahan ang mga bahay sa saliw ng mga iba’t ibang kanta na pang-Pasko.Isa sa

mga pumaparada taon-taon ay si Jolly. Bata pa lang daw siya ay sumasama na siya sa

tradisyon na ito.“Sa pamamagitan ng taunang kantahan na ito, mas nahihikayat namin

ang mga kabataan na magsimba kasama ang kani-kanilang mga pamilya.”

Bata man o matanda, lahat ay nakikisaya sa tradisyon na ito.Matapos mangaroling ay

inaanyayaan sila ng may-ari ng bahay at hinahainan ng pagkain.Simpleng taho, arroz

caldo at pandesal lamang ang binibigay noon ng mga tao sa mga nangangaroling, pero

‘di nagtagal ay nagiging grande na rin ang inihahanda sa tuwing ginaganap ang Viva

Parol.
MandurriaoChurch

Pagkatapos ng kantahan, dumiretso naman tayo sa aktingan.Dito sa Espousal

of Our Lady Parish Church o Mandurriao Church ay pinaghahandaan na naman ng mga

taong bayan ang taunang panunuluyan.Ang pagsasadula ng pagsilang kay Hesus.Ito ay

isang pampaskong pagsasadula na nagkukwento sa Banal na Pamilya na naghahanap

ng matutuluyan sa Bethlehem para sa kapanganakan ni Hesus.Ang panunuluyan ay

ginaganap tuwing bisperas ng Pasko. Magsisimula ang prusisyon sa imahe ni Joseph at

Mary na itinataboy ng mga tao.Sila ay hihinto sa tatlo o apat na bahay sa kanilang lugar

na sumisimbolo sa mga bahay na ayaw pumayag na patuluyin sila.Ang kakaiba sa

ginagawa nilang panunuluyan ay nasa kanilang sariling wika na Hiligaynon ang gamit

sa pagkwento sa mga pangyayari sa kapanganakan ni Hesus.Sa selebrasyon ng

Kapaskuhan, nawa’y panahon din ito para mapagtibay ang ating mga

pananampalataya.Lalo pa at ang pinakadiwa ng Pasko ay ang paggunita sa

kapanganakan ni Hesus.
Pagkain ng Ilongo( linagpang)

Ang linagpang o nilagpang ay isang pagkain ng mga Ilonggo. Ito ay binubuo

ng inihaw na karne ng hayop na nilagyan ng mainit na tubig at mga pampalasang

sangkap. Sa pagluto ng linagpang, iniihaw muna ang karne ng manok, baboy, o

kadalasan ay isda. Pagkatapos ay inilalagay ang inihaw na karne sa isang mangkok na

maaaring lagyan ng sumusunod na pampalasa: dahon ng sibuyas, sibuyas bombay,

kamatis, ginamos, sili, luya, asin, at asukal. Dinadagdagan ng kumukulong tubig ang

mangkok at tinatakpan nang hindi bababâ sa limang minuto. Maaari na itong ihain

pagkatapos.Nabanggit ang linagpang sa “Turagsoy,” isang awiting-bayan ng mga

Ilonggo. Ang turagsoy ay isang uri ng isda. Sa awitin, ginawang linagpang ang turagsoy

na nahúli sa isang sapà malapit sa taniman.


Paniniwala : Bagat

Sa paniniwala ng mga Ilonggo, isang uri ng aswang ang bagat, bagaman may

mga nagsasabing magkaiba ang dalawa. Pinaniniwalaang nagpapanggap ang bagat

bilang isang napakalaking aso o domestikadong hayop at karaniwang pagala-gala sa

mga liblib na daan o lugar. Tinatawag na baragatan ang mga lugar na itinuturing na

pinaglalagian ng isang bagat. Sa iba pang mga salaysay ng mga Ilonggo, ang isang

bagat ay maaaring alaga ng isa pang mas malakas na sobrenatural na nilaláng.

Nanlilisik ang malalaking matá ng isang bagat at gumagawa ng ingay o tunog na

masasabing mula sa isang malaking nilaláng o mula sa pagaspas ng kaniyang mga

pakpak kapag nása tunay na anyo. Karaniwan siyáng nagpapakita kapag kabilugan ng

buwan o sobrang madilim at umambon sa panimula ng gabi. Sinasabing hindi naman

umaatake ang bagat maliban kung sinaktan. Kapag umatake, ang panlaban sa bagat ay

isang latigo na gawa sa buntot ng page. Maaari namang gamiting panlaban sa bagat

ang itak ngunit mahirap itong gamitin kapag napakadilim. (MJCT) ed VSA
Written in Hiligaynon -- Plays. Isang drama,

dalawang sarswela at isang dulang

panlansangan ang bumubuo sa antolohiyang

ito ng dulang Hiligaynon. Tungkol sa mga

suliraning pantahanan ang Talikala (1916) ni

Serapion c. Torre. Sa sarswelang Cusug

sang Imul (1923) ni Miguela Montelibano,

hinihikayat ang mga mahihirap na magkaisa.

Inilalarawan naman ng Bunal ni Bilay Hilay

(1988), ni Joel Arbolario, ang sabwatan ng

Amerikano at naghaharing uring Pilipino, na

siyang sanhi kahirapan ng taumbayan.'


Katutubong Panitikan ng mga Ilongo

HURUBATON

Sa katutubong panitikan ng mga Hiligaynon, tumutukoy ang mga hurubaton (o

minsan ay hulubaton) sa mga salawikain o kasabihan. Karaniwang binubuo ang isang

hurubaton ng dalawang linya at magkakatugma ang mga dulong tunog ng mga ito. Sa

mga nalikom na kuwentong-bayan ng mga Hiligaynon, madalas na nakapaloob dito ang

mga hurubaton bilang linya na nagsasabi o nagpapahiwatig ng aral o saysay ng

salaysay. Noong unang panahon, inaawit o binibigkas ang mga hurubaton upang

ipaalala ang mga kaugalian at hálagáhang kailangang panatilihin o pangalagaan ng

taumbayan. Sa kasalukuyan, tumutukoy na rin ang salitang hurubaton sa lahat ng

sawikain o kasabihan sa Hiligaynon, katutubo man o makabago.

Mga halimbawa ng hurubaton ang sumusunod:

Ang tao nga wala sing pilak,

Daw pispis nga wala sing pakpak.

(Ang taong walang salapi

Ay parang ibong walang pakpak.)

Ang tao nga malikaya,

Sa katilingban gina-amuma.

(Ang taong mabuti

Ay tinatanggap ng lahat.)
Linagpang ko nga Turagsoy (sining)

Didto sa may talamnanan

Ang turagsoy nga akon nadakpan

Ginhimo ko nga linagpang.

Nag-abot ang mga bisita

Kabarkada ko sa inuman

Linagpang nga turagsoy

Amon ginsumsuman

Linagpang ko nga turagsoy

Sa sabaw nagalangoy-langoy

Ginlaktan pa gid sang ginamos

Pinamalhas gid kami sang higop

Ang siling sang nakatilaw

Sampat gid ang timplada mo

Linagpang nga turagsoy

Kanamit gid pro

Pagkatapos namon sang kaon

Linagpang ko nagbati

May nagadihal, nagasiyup-siyop

Kay ang bibig tama gid kahapdi


May nagatulo ang luha

Nga wala naman sing kasubo

Tungod sang turagsoy nga akon linagpang

Tama gid ka ka kahang.


“Patyo” ni Magdalena G.Jalandoni (May Salin sa Filipino ni John
Iremil Teodoro)

by Pangga Gen

ANG PATYO

Ni MAGDALENA G. JALANDONI
Mamingaw nga duog, mahagnup nga duta,

Puloy-an nga baw-ing sang nagkalamatay,

Lamang ang kapung-aw among nagabuta

Sa mga lulubngan nga yara nakatay.

Yara ang lulubngan nga ang mga tanda

Sang-an nga gabuk na kag nagakahulog,

Ang iban nabuksan nga daw nagahanda

Nga pagakulanan sang bag-o nagtulog.

Yara ang lapida nga nagakapisang

Kay ang pagpatub-as dugay na nga dag-on,

Yara ang kamingaw nga makapalisang

Kag makapakurog sa taong’ mapag-on.

Ang tanan nga tul-an dira kag magtipon,

Dira kag magtingub sa walay kagahud,

Dira kag mag-angay ang mga ulipon

Sa mga agalon nga ila gintahud!

Sa sina nga duog, wala sing manggaran,

Kag wala sing imol…Alangay ang tanan!

Wala sing kailo kag walay palaran,


Tanan nangin-yab-ok kag ginaulanan!

Sa sini nga duog, diri kag magtulog

Ang bugal kag handum nga halus magkanay,

Diri kag matapus, diri kag magdulog

Ang luha sang imol nga nag-antus anay.

Ang pagtulog nila, pila na ka dag-on,

Pila ka tingadlaw, pila ka tingulan!…

Sa ila puloy-an nga labing mapag-on,

Ang gabantay lamang, bituon kag bulan!

Mamingaw nga patyo nga ginakadtu-an ko

Nga bukas gihapon ang imong ganghaan,

Ang diutay mong’ duta, ihanda kay ako

Matulog sing dayon sa imo higdaan.

Dira sa lungib mo nga lunsay nasaktan

Sing luha, may adlaw nga ako’ng ikulan,

Dili magkaligad, apang di mapaktan,

Kon san-o nga tuig, inadlaw kag bulan.

Pakadto sa imo, ako’ng nagahanda

Kay ikaw ang dalan nga akon dulugan,

Ang isa ka sang-an amo’ng mangintanda

Sang akon higdaan nga pagatulogan!…

(Salog, Nobiembre 1957)


SEMENTERYO

Ni MAGDALENA G. JALANDONI
Malungkot na lugar, nakakatakot na pook,

Tahanan ng mga namatay na madalang puntahan,

Tanging ang pangungulila ang pumupuno

Sa mga nakahilerang libingan.

Nandiyan sa mga nitso ang mga tanda

Mga krus na marupok na nangangahulog,

Ang iba’y bukas na parang handa na

Upang lagyan ng mga bagong natulog.

Nandiyan ang lapida na natitipak

Dahil sa matagal na panahong pagkabilad,

Nandiyan ang lumbay na nakakaburyong

Na makakapagpanginig sa taong matibay.

Ang lahat ng buto nandidiyan at natitipon,

Sama-samang nandiyan at walang ingay,

Nandiyan lamang na parang mga alipin

Ng mga among kanilang iginagalang!

Sa pook na ito, walang mayaman,

At walang mahirap…Pare-pareho ang lahat!

Walang kawawa at walang mapalad

Lahat naging alikabok at inuulanan!

Sa pook na ito, dito pumupunta upang matulog

Ang dangal at ambisyon na nawalan ng alindog,

Dito natatapos, dito humihinto sa pag-agos


Ang luha ng mahirap na nagtiis nang lubos.

Ang pagtulog ng mga pumanaw ilang taon na,

Maraming tag-araw at tag-ulan ang nagdaan!…

Sa kanilang tahanan na ubod nang tibay

Ang nagbabantay lamang, bituin at buwan!

Sementeryong malumbay na pinapasyalan ko

Na palaging bukas ang iyong tarangkahan,

Ang maliit mong lupa iyong ihanda, dahil ako

Mahihimbing nang tuluyan sa iyong higaan.

Diyan sa yungib mo na pawang nahaluan

Ng luha, may araw na ako’y isasalang,

Di na magtatagal pa, subalit di mahulaan kung kalian,

Kung anong taon, araw at buwan.

Ako’y naghahanda sa pagpunta ko sa iyo,

Dahil ikaw ang daan na aking hihimpilan,

Ang isang krus ang magiging tanda

Ng aking himlayang tutulugan!

-Sinalin mula sa orihinal na Hiligaynon ni JOHN IREMIL E. TEODORO

(Ang tulang ito ay mula sa Tinuhog nga Sampagita, di pa nalalathalang manuskrito,


1960. Ang kapirayt ng mga likha ni Magdalena G. Jalandoni ay pag-aari ni Ofelia L.
Jalandoni.)
Ang Guitara

Author: Magdalena Jalandoni


Ang baw-ing nga mga dalan
Kon hadkan kag pisili-on
Sang bulan nga naga usad
Kag mangin-angay sa sulu.
Upod sa kulas sang hangin
Nga halus gain bati-on
Ang guitara nagabuuylog
Sa hinay nga hlibi-on
Sa pagsuguid sang kasakit
Nga una niyang guinmulu.

Halin sa patag kag bukid


Nga sang bulan napawa-on
Halin sa payag nga diotay
Nga daw guinbuksan sing hungod
Pamati-I kay gatu-aw ang
Nahut niyang bala-an
Sang panaghoy nga sa gugma
Kag sa kamingaw matungod.

Kag ayhan sa kasingkasing


Sang gakuskos nga tag-iya

May unay nga kasulub-on


Nga dili didto makakas
Kay samtang nagalanton
Ang tagsa ka nahut niya
Wala sing dili mawili
Sa pagpamati sa iya
Wala sing dili bumatyag
Sing kasulub-on nga lakas.

Source:
Philippine Literature 2009: Regions, Cultures and Histories, Edited by: Marie Melanie J.
Misajon, Seguiban Printing and Publishing Enterprise, Inc, Copyright 2009

You might also like