You are on page 1of 15

r---l

123
L--..J

YIDEOKE AT TIIS: Kulturang


Popular bilang Anestisya sa
Krisis

ni John Enrico C. Torrolba

Panimula

Iz un g babasahin ang kasaysayan ng ating


bansa, makikitang ito ay naratibo ng
pakikibaka, paglaban at paglaya. Pambansa
man, rehiyunal 0 lokal, hindi nagdalawang-isip ang
mga ninuno natin noon na magkaisa upang kaharapin
ang mga problema at krisis na nagbabanta sa bayan.
Samakatwid, wala silang pag-aalinlangan na maghirap
o mamatay para lamang sa ikabubuti ng buhay.
Gayunpaman,kung titingnan ang kontemporanyong
panahon, maaaring maitanong j.a sarili kung bakit sa
kabila ng marami nang taon at-dekada ng matinding
krisis, ang bayang may malawak na karanasan na sa
sama-samang pakikibaka ay hindi pa nagkakaisa upang
harapin ang mga problema. Totoong may naganap at
nagaganaJ."'fia mga pagkilos ngunit ang mga ito ay hindi
sustinado at walang pangkalahatang suporta mula sa
mismong mamamayang direktang naaapektuhan. At
sa mga pagkakataong may malawak na pakikilahok,
ang sanhi 0 puno't dulo ng krisis at problema ay agad
r----l I I
124 John Enrico C. TorrolbcL-'
L....-.-J

na nalilimutan. Sa madaling salita, bakit nakakayang tiisin ng mga


Pilipino ang kasalukuyang sitwasyon?
Isa sa maaaring pag-aralan at suriin ay ang kulturang popular.
Hindi maikakaila na ang ating buhay-bansa ay napapalibutan at
nadidiktahan ng kulturang popular. Tulad ng sinabi ni Roland
Tolentino (2004):
Mula sa ating paggising hanggang sa pagtulog, ang substansya
ng kulturang popular ang siyang gumigiya sa ating buhay . ...
May malaking pagtataya ang kulturang popular sa ating
katawan bilang behikulo para maisulong ang pagdanas sa
lipunan, kasaysayan at (post)modernisasyon.

Dagdag pa niya na may kakaibang kapangyarihan ang


kulturang popular. May kakayahan itong ipatanggap ang realidad
ng namamayaning kaayusan bilang realidad ng mga indibidwal.
Maraming depinisyon ang kulturang popular. Ngunit sa kontekstong
ito, mauunawaan ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng depinisyon
sa mga salitang kultura at popular.
Batay sa mga depinisyon nina Tolentino (2001) at ng mga iskolar
ng Frankfurt School, Mass Culture, Marxism, Postmodernism
(Strinati 2003), ang konseptong popular sa kulturang popular
ay tumutukoy sa pagtangkilik ng mas maraming bilang ng tao.
Maaaring ito ay sa antas ng pambansa 0 sumasaklaw lamang sa isang
partikular na niche audience. Sa ganito, masasabing ang mga tao ang
siyang may kapangyarihan upang itakda at pasikatin ang mga bagay
sa kulturang popular. Ang konseptong kultura naman sa kulturang
popular ay tumutukoy sa intelektwal, ispiritwal at estetikang salik
na siyang nagtutulak sa pagbuo ng partikular na paraan ng
pamumuhay at ang manipestasyon nito ay ang mga kaugalian at
materyal na kultura (Williams 1976). Dahil dito, ang popularisasyon
sa kulturang popular ay batay sa pananaw, paniniwala at paraan ng
pamumuhay ng mga tao.
Gayunpaman, ang sinasabing kalayaan ng tao sa kulturang
popular ay hindi masasabing lubos na malaya. Ayon kay Tolentino
(2001), ang mga bagay sa kulturang popular ay preconstituted at
preconditioned na ng mga grupong nasa kapangyarihan. Ang mga
pasisikatin ay itinakda na at ang balangkas ng pagpili ay ibinaba
I I ,---,
MAlau VIDEOKE AT TIIS: Popular bilong Anestisyo so Krisis 125
VtL-1_ _--'I

sa mga tao. Samakatwid, ang kulturang popular ay hindi nagmula


sa tao. Ang puno't dulo ng ganitong pagbibigay at pagtatakda ng
maykapangyarihan sa kung ano ang popular at batayan ng pagiging
popular ay ang kita.
Sa kabilang banda, ang kulturang popular ay hindi lamang
sumasaklaw sa usapin ng kita. Kaugnay din nito ang politikal,
sikolohikal at pilosopikal na mga aspekto na siyang nagsisiguro na
mapapanitili ang sistemang nagsisilbi sa status quo. Ibig sabihin,
instrumento ng panggagahum ang kulturang popular at dala ng mga
resorses nito, tulad ng telebisyon, radyo, damit, laro 0 wika, at ang
mga kahulugan na papabor sa maykapangyarihan (Fiske 1989).
Batay sa kalikasan ng kulturang popular, masasabing ang aliw 0
pagkaaliw ang siyang ibinibigay ng konsesyon ng nasa poder. Paano
ito nagaganap? Napakalawak ang kulturang popular kung llsa-
isahin ang mga bagay na sakop nito. Dahil na rin sa sariling hilig,
pinili kong talakayin ang isa sa mga resorses na ito: ang videoke.
Gayunpaman, kailangang linawin na ang videokeng tinutukoy dito
ay iyong mga naobserbahan sa mga bar, club 0 inuman at makikita
sa mga class A at B na lugar tulad ng Makati at C, D at E na lugar
tulad ng Avenida Rizal. Hindi kasama rito ang pagvi-videokeng
ginagawa sa tahanan. Sa madaling salita, mga videokeng komersyal
o iyong ibinibenta 0 kinakailangang bayaran.
Hindi maipagkakaila ang hilig nating mga Pilipino sa pag-awit.
Noong sinaunang panahon pa man, bahagi na ng pang-araw-araw
na pamumuhay ng Pilipino ang pag-awit. N ariyan ang pag-awit
habang nagtatrabaho sa taniman, naghahabi ng tela 0 naglalala ng
basket. Nariyan rin ang pag-awit ng matatanda sa mga bata 0 kaya'y
buong komunidad. Sa kasalukuyan, ang gaftitong pagkahilig ng mga
Pilipino ay makikita pa rin. N ariyan ang maraming paligsahan sa
pag-awit. Nariyan din ang ilang Pilipinong mang-aawit na nagbigay
karangalan sa bansa. Idagdag pa ang maraming pampubliko 0
pampribadong palabas 0 pagtitipon na laging may kasamang awitan
bilang bahagi ng programa. Para sa mga ordinaryong mamamayan,
may talento man 0 wala, nailalabas nila ang kanilang hilig sa pag-
awit sa pamamagitan ng videoke.
,-----, I I
126 John Enrico C.
L--J

Pagdadalumat sa Aliw

Una sa lahat, kailangang sagutin ang tanong kung bakit mahilig


umawit ang mga Pilipino. Ayon kay Jose Mario C. Francisco, S.]., sa
kanyang sanaysay na A Local Genealogy of Desire: Aliw sa Buhay
Pilipino (Reyes 2000), ang mga Pilipino ay laging naghahanap ng
aliw. Samakatwid, masasabing aliw ang dahilan kung bakit mahilig
ang mga Pilipino sa pag-awit. Ngunit makikita sa sanaysay na hindi
simpleng aliw ang kanyang tinutukoy. Iniugnay niya ito sa konsepto
ng pampalubag-loob 0 konsolasyon, paghahanap ng ginhawa
at paglilibang. Kaya, ang aliw na tinutukoy ni Francisco ay may
kaugnayan sa paghahanap ng diversyon 0 pagtakas sa isang aba 0
hirap na sitwasyon.
Kontemporaryo ang ganitong konsepto ng aliw sapagkat iba ito
sa konsepto ng mga Pilipino noong unang panahon. Marami nang
pananaliksik ang nagpatunay na iba ang konsepto ng aliw noon.
Ang pag-awit bilang pang-aliw ay may layuning pulitikal, ispiritwal,
!kultural, pang-ekonomiya at panlipunan. Ginagamit ito noon
upang magtakda ng kaayusan at pagsisiguro ng patuloy na pag-
iral ng buhay-komunidad. Sa pamamagitan ng pag-awit, nagiging
episyente ang pagtatrabaho, napapadali ang pagtuturo at pagsasalin
ng karunungan, at nagbubuklod sa mga mamamayan. N agagawa ito
dahil ang mga kaalamang kinakailangan para sa patuloy na pag-iral
ng komunidad ay nakapaloob sa mga epiko na karaniwang inaawit.
Sa ibang salita, ang pag-awit bilang pang-aliw ay fanksyunal at ang
lahat ay nakikinabang.
Sa kabilang banda, ang konsepto ng aliw sa ay may
kinalaman na sa pera. Hindi katulad noon na kung saan ang pag-
aaliw ay libre; ngayon ay kinakailangan nang maglabas ng pera,
maliit man 0 malaki, upang maaliw kahit panandalian lamang. Ang
paglabas ng pera ay hindi lamang sa mismong pang-aliw kundi
ang mga bagay na kakabit nito. Makikita ito, bilang sa
malling. Dito, kahit walang bibilhin, ay kinakailangang gumastos
para sa pamasahe 0 pagbili ng angkop na pananamit. Bihira lang 0
walang makikitang nagmo-mall na nakapambahay lamang 0 marumi
ang damit. Gayundin ang panonood ng sine, pakikinig ng radyo,
j I
MAlau VIOEOKE AT TlIS: Kulturong Populor bilong Anestisyo so Krisis 127
JiLl_ _-11

pakikipagtext 0 pagbabasa ng libro 0 peryodiko. Ang lahat ng ito ay


kailangang bilhin. Sa madaling salita, ang pang-aaliw sa modernong
panahon ay komersyaL

Uri ng Aliw sa Videoke

Ngunit anong uri ng aliw 0 jouissance ang makukuha sa videoke


at handang magbayad ng limang piso 0 higit pa ang maraming
Pilipino?

A. Teknolohiya, Modernisasyon at Sosyalisasyon sa Videoke

Kung titingnan ang mga pag-aaral ng ating mga antropolohista,


ang pag-awit noon araw ay isang pangkomunidad na gawain. Isang
magandang halimbawa nito ay ang pag-awit habang nagtatanim.
Karaniwan, ang isa 0 ilan sa mga nagtatanim ay magsisimula ng isang
awit na alam ng lahat at susundan naman ng iba pa nilang kasama.
Sa ganitong paraan, nagkakaroon ng ritmo ang pagtatrabaho, isang
bagay na mahalaga upang maging maayos at mabilis ang ginagawa.
Bukod sa pagtatanim, ginagamit din ang pag-awit sa pagsasalin
ng kaalaman. Sa isang komunidad, inaawit ng mga nakatatanda
ang ilang bahagi ng kuwento 0 epiko na naglalaman ng kanilang
kasaysayan, tradisyon 0 kaugalian hindi lamang para mag-aliw
kundi para gunitain ang kanilang identidad. Bukod sa paggunita,
ginagamit din ang pag-awit sa pagtuturo 0 pagsasalin ng kaalaman sa
mga batao Bahagi rin ng paniniguro na maisalin ang mga kaalaman
ang pagtuturo mismo ng paraan ng pag-awit. Ginagamit ang iba't
ibang melodiya upang matandaan ng mga tit1bturuan ang maraming
ideya at impormasyon. Kung magkamali ang tinuturuan, maaaring
iwasto ng nagtuturo at ulitin ang maling bahagi. Samakatwid, hindi
lang pillg-aliw ang pag-awit, bagkus, ito ay may fanksyon para sa
komunidad. Dahil fanksyunal, ang pag-awit ay hindi itinuturing na
katangi-tanging gawain sapagkat karaniwang bahagi ito ng kanilang
pang-araw-araw na pamumuhay.
Ang pagiging fanksyunal ng pag-awit ay nagbago nang pumasok
ang teknolohiya at modernisasyon. Dahil sa mabilis na pag-unlad,
ang mga gawain at kaalamang kinakailangan ng isang komunidad
r----, j I
128 John Enrico C. Torrolbo,-I
L---J

upang bumuti ang kanilang buhay ay napasakamay sa teknolohiya.


Sa ganitong sitwasyon, nawala ang papel ng pag-awit bilang
pagpapanatili ng kaayusan sa isang komunidad. Ang resulta nito ay
naging espesyal na gawain na ang pag-awit at ginagawa na lamang
ito kung kailan may panahon 0 kasiyahan.
Gayunpaman, kahit nagkaroon ng pagbabago sa konteksto
ng pag-awit, hindi pa rin nawawala ang katangian ng pagiging
pangkomunidad nito. Tulad ng pag-awit noong araw, ang
pagvi-videoke ay isang uri ng sosyalisasyon. Makikita pa rin na
pinagbubuklod nito ang mga pagkakaibigan. Makakakita pa rin tayo
ng mga grupong nagkukuwentuhan, nagbibidahan, nagsasabihan ng
problema 0 simpleng nagbibiruan habang nagvivideoke.

B. Ang Pantasya ng Tagumpay at Pagkapanalo

Bukod sa pagpapatibay ng mga ugnayan, makikita rin ang aliw


sa videoke bilang isang laro. Kung pagmamasdan ang mga nagvi-
videoke, malimit ay nag-uunahan sila sa paghawak sa mikropono 0
sa pagpili ng awit sa songbook 0 kaya'y nagkakantyawan na parang
mga bata kapag naglalaro. Bilang laro, isang malaking bagay ang
ibibigay 0 lalabas na iskor sa iskrin ng makina. Ang makakuha ng
pinakamataas na iskor ang ituturing na kampeon. Gayunpaman,
itinuturing pa rin na panalo ang sinumang umaawit hangga't ang
iskor na makukuha ay mataas. Katulad ng karamihan sa mga laro,
ang pagvi-videoke ay maaari ding maging sugal. Dito, ang mga
umaawit ay maglalagay ng kani-kanilang taya at ang makakakuha ng
pinakamataas na iskor ang siyang magwawagi. Sa madaling salita,
ang videoke ay nagiging instrumento sa pagka1hit ng mabilisang
pera.
Sa kabilang banda, ang paglalaro sa videoke ay hindi lamang
nakalimita sa mga umaawit. Kasama na rito ang mga taong nanonood
ngunit walang hilig sa pag-awit. Para sa kanila, isang aliwan na ang
pag-usapan at hula an ang magiging iskor ng umaawit. Isang malaking
kasiyahan na kung naging tam a ang kanilang hula at pagtataka kung
taliwas sa kanilang inaasahan. Kumbaga, ang kanilang itinataya ay
hindi materyal na bagay kundi ang kanilang inaasahang galing sa
pag-aanalisa at pagghuhula. Sa ganitong paraan, ang pagtuturing
I .----,
Mtlhtj ;IDEOK£ AlTIIS: KultulOng Populor bilong Anestisyo so Krisis 129

sa videoke bilang isang laro ay maaaring ihalintulad sa panonood


ng sine 0 teleserye. Dito, pinag-uusapan at hinuhulaan din ang
maaaring susunod na eksena. At tulad sa videoke, pagkatuwa 0
pagkadismaya ang nadarama sa lalabas na resulta.

C. Naratibo ng Seks at Relasyon sa Videoke

Dahil sa ang videoke ay biswal, ang mga imaheng ipinapakita


rito ay lalong nakapagdudulot rin ng aliw sa mga Pilipino. Kung
pag-aaralan ang mga imahen sa iskrin ng videoke, madalas ay mga
larawan ng magaganda, seksi at nakabikining babae ang makikita.
Kung hindi man mapang-akit na pose, ang mga babae ay mapanuksong
nagsasayaw. Sa mga ganitong uri ng videoke bar, malimit ay mga
kalalakihan ang kostumer. Sa mga mamahaling videoke bar naman
kung saan ang mga kostumer ay karaniwang mga babae, ang mga
larawang ipinapakita ay pawang magkakasintahan at tungkol sa
kanilang pag-iibigan.
Kung hindi man seks 0 pahiwatig sa seks, tungkol naman sa
pakikipagrelasyon ang laman ng iskrin. Ang karaniwang daloy ng
kuwento sa mga kanta sa videoke ay pamilyar sa mga Pilipino. Iba-iba
man ang banghay, isa lang ang sinasabi. Nagkamabutihan ang isang
babae at lalaki, nagkaroon ng masayang pagsasama, nagkatampuhan,
nagkahiwalay at ngayon ay ginugunita. At maaari namang ang
katapusan ng kuwento ay masaya. Parang telenovela.
Ano ang ipinahihiwatig ng pagkahilig ng mga Filipino sa
ganitong mga imahen? Sa Freudian na pananaw, maaaring sabihin
na napakasekswal ng mga Pilipino. Masasabing likas sa mga Pilipino
na magkaroon ng kaugnayan sa iba, sekswal man 0 hindi. Ngunit
maraming pagkakataon na hindi ito maisasakatuparan ayon sa mga
pangkalikasan, ekonomiko, pulitikal 0 kultural na dahilan, kung
kaya't nagkakaroon ng sublimasyon sa pamamagitan ng videoke. Sa
madaling salita, nagkakaroon ng pagpapantasya ang mga Pilipino
sa pamamagitan ng paglilipat-tuon mula sa genitalia patungo sa
gawaing tulad ng pag-awit, 0 ng bagay tulad ng mikropono (isang
simbolong phallic) at ng taong nakikita sa iskrin ng videoke.
Para sa mga kalalakihan, maaaring inililipat nila sa videoke ang
hindi matupad na pagnanasang makatalik ang isang magandang
,----, I I
130 John Emico C. TorrolbO'L-
L---J

babae. Para sa mga babae naman, maaaring iniisip nila na sila mismo
ang tauhan sa naratibo ng videoke. Sa ibang salita, nagkakaroon ng
scopophilia 0 pakikipagrelasyon 0 pakikipagtalik, kahit panandalian,
ang mga Pilipino sa videoke dahil ito ang katuparan ng kanilang
pagnanasa. Maiuugnay din dito ang pagiging metaftction ng videoke
sapagkat naiuugnay na isang mang-aawit ang kanyang buhay sa
naratibo ng awit. Nakikita niya na hindi siya nag-usa sa kanyang
masaya 0 malungkot na buhay. Kung masaya ang naratibo sa videoke,
ito ang nagiging modelo para lalong mapasaya ang tunay na buhay.
Kung malungkot naman, nakapagpapalubag ng loob ang makakita
ng isa pang nilalang na malungkot 0 mas malungkot pa kaysa sa
kanya.
Kaugnay dito, magandang pansinin ang uri ng kantang madalas
na nilalaman ng videoke. Karamihan sa mga kantang ito ay popular
at tungkol sa pakikipagrelasyon. Ang ganitong uri ng mga kanta ay
hindi na bago sa mga Pilipino. Matatandaan na ganito angformula
sa kundiman kung saan ang pangunahing ideya ay paghahangad na
magkaroon ng ugnayan sa minamahal ngunit hindi natupad. Ibig
ang mga popular na kanta sa videoke ay kundiman na pa-
jazz. Ganito tayong mga Pilipino. Mahilig tayong ngumuyngoy sa
mga hindi natupad na pag-ibig 0 kahilingan. Sa halip na gumawa ng
paraan, mas pinipili nating magmukmok sa isang tabi.
Malinaw na ang isang inspirasyon 0 aliw na idinudulot ng pagvi-
videoke ay ang katuparan ng imposibleng kahilingan 0 pangarap
kahit sa antas lamang ng pantasya. Ngunit maraming p·agkakataon
na ang katuparang ito ay hindi lamang nakukuha sa pamamagitan
ng aktwal na pag-awit. Kung pagmamasdan, ang karamihan sa
mga videoke bar ay may GRO 0 Guest Relations Officet kung saan
maaaring i-teybol ng mga kostumer na lalaki. May ibang bar na may
tinatawag na cubicle 0 VIP room (isang kuwartong inilalaan sa mga
kostumer na nagnanais na magkaroon ngprivary kasama ang GRO).
Doon, kasabay ng pagkanta ang pakikipagromansahan. At kung
"magkakasundo" ay maaaring ilabas ng lalaki ang G RO at dalhin sa
isang pribadong lugar.
Sa ganito, makikita na ang aliw ng pagvi-videoke ay hindi
lamang sa aktwal na pagkanta kundi nagiging instrumento rin para
sa foreplay. Ang ganitong kalakaran ay hindi lamang makikita sa
I ,-------,
VIDEOKE AT IllS: Kullurong Popular bilang Anestisyo so Krisis 131
I

mga kalalakihan. May mga pagkakataon na ginagawa din ito ng mga


babae kung saan nakikipagkita sila sa mga gusto nilang lalaki sa loob
ng videoke bar.

D. Ekstensyon ng Neo-Kolonyal na Pananakop

Kung babalikan muli ang mga uri at imaheng makikita sa videoke,


makikita ang lubos na pagtangkilik ng mga Pilipino sa mga bagay
at ideyang banyaga, partikular na ang kanluran. Karamihan sa mga
kanta ay nasa Ingles, mapalokal man ito 0 hindi. Ang mga kantang
ito ang madalas piliin at patugtugin. Minsan pa nga, ang mga ito
ang pinag-iigihang awitin nang maayos ng mga umaawit tulad ng My
Wtry na maraming beses na ring ugat ng gulo.
Bagama't nasa listahan ng pagpipilian, iilan lamang ang mga
awiting nasa bernakular tulad ng Bisaya. Kung patutugtugin man,
ito ay dahil sa pagpapatawa 0 kaya'y pinagtatawan at itinuturing
na baduy 0 bakya. Ang mga awiting nasa Pilipino naman ay tila
kanluranin na rin sa aspekto ng tono at nilalaman. Gayang-gaya
ang mga kanluraning awitin kung kaya't madalas, ang mga konsepto
o pananaw natin sa bagay-bagay ay wala sa konteksto. Gayundin,
ang mga tauhan sa videoke ay pawang mga puti 0 kung Asyano man
ay nagtatangkang magmukhang puti. Kadalasan, ang mga tauhang
ito ang nagiging modelo ng pagdadamit, pagkilos 0 pagsasalita. Sa
ganitong paraan narereinfors ang konseptong kanluranin ukol sa
pagiging maganda at guwapo.

Videoke Bilang Insttumento ng Gahum

Malinaw na ang pagvivideoke ay isang uri ng paglalaro at pagsusugal


para sa mga Pilipino. Ito ang nagbibigay sa kanila ng excitement dahil sa
kawalan ng kasiguraduhan ng pagkapanalo. Bukod sa pagiging laro 0
sugal, katuparan din ng hiling 0 pagnanasa ang nakukuha sa videoke kahit
hindi ito ang eksaktong gusto. Sekswal man 0 hindi, nalilipat sa videoke
ang mga bagay 0 taong nais maka-ugnayan. Dagdag pa dito, nagiging
instrumento din ito upang makalikha ng panandaliang ugnayang tao.
Manipestasyon din ng pagkahilig ng mga Pilipino sa videoke ang kanilang
pagkahilig sa kanluraning bagay at ideya 0 colonial mentality.
r----I I I
132 John Enrico C. TOrrolbO,-1

Ngunit ang mga inilista ko rito ay nasa lebel na pang-indibidwal


lamang. Ano ang kaugnayan ng videoke sa lipunan? Ano ang
nagagawa nito sa mga Pilipino sa pangkalahatan?
Sa kasalukuyan, karamihan sa mga Pilipino ay naghihikahos, laiD
na sa kasalukuyang kondisyong pang-ekonomiya ng bansa. Dahil
dito, marami ang naghahangad na makalabas ng bansa upang kumita
nang mas malaki. Sa kasawiang-palad, ilan lamang ang nabibigyan
ng ganitong pagkakataon. Kung kaya't walang pagpipilian ang
karamihan kundi manatili sa bansa. Bagama't dama at malay ng
karamihan ang tunay na dahilan ng paghihirap ng bans a, marami pa
rin ang nagtitiis at nananatiling pasibo 0 tahimik.
Ang ganitong ugali ay maaaring iugnay agad sa mito ng pagiging
matiisin at pagkamartir ng mga Pilipino. Sinasabi na dahil sa
mahigit na tatlong daang taon sa ilalim ng Espanya at ng kanilang
uri rtg Katolisismo, natutong ipasalangit na lang ng mga Pilipino ang
kalutasan sa mga problema. Ito ang sinasabing kultura ng "bahala
na" 0 'Bathala na." Ngunit katulad ng sinabi ko, ito ay isang mito.
Ang buong kasaysayan ng Pilipinas ay kasaysayan ng pakikibaka.
Hiwa-hiwalay man ang mga tribu at pulo, hindi nawawala ang
pag-aaklas. Ang bawat probinsyang nagrebolusyon ay nagdeklara
ng kani-kanilang kalayaan at naghalal ng kani-kanilang pangulo,
halimbawa ay sina Sakay at Malvar.
Kung ganito ang mga Pilipino, bakit wala pa rin silang ginagawa
sa kasalukuyang nagaganap sa bansa? Sa ibang bansa, sapat na
ang pagkakaroon ng matagalang blackout upang magrebolusyon 0
mapatalsik ang isang pangulo. Sa Pilipinas, lantad na ang korupsyon,
ngunit ang mga Pilipino ay nanonood lamang sa bahay 0 opisina at
naghihintay sa mga susunod na mangyayari. At k1!ramihan pa nga
ay ginagawa nila itong biro.
Dito papasok ang gahum ng mga nasa poder. Upang maampat
ang anumang posibleng pag-aklas ng mga mamamayan ay
pumapaloob sa negosasyon at nagbibigay ng konsesyon ang mga
maykapangyarihan sa kanilang nasasakupan. Isang halimbawa nito
ay ang nakaraang oil price hike at jeepney strike. Bagamat naparalisa
ang karamihan, hindi ito nagtagal nang pagbigyan ang mga tsuper
ng singkwenta sentimong diskwento. Dahil dito, natigil ang strike
at nanatili pa rin sa poder ang mga maykapangyarihan.
I I
TomolaXBIg.l VIDEOKE AT TIIS: Kukurong Popular bilong Anestisyo sa Krisis 133
I I L--.....J

Ngunit ang ganitong panggagahum ay hindi lamang ginagawa


tuwing may posibleng pag-aaklas. Ang ganitong sistema ay ginagawa
kahit wala pang problemang sumusulpot. Bagamat damang-dama ang
paghihikahos, nagagawang huwag pansinin ng mga Pilipino ang ganitong
kalagayan. Nagaganap ito sa pamamagitan ng paglalagay ng mga nasa
poder ng mga bagay na magpapalimot sa kanila. Ito ang maaaring ugat
kung bakit madaling makalimot ang mga Pilipino sa mga nangyari sa
kasaysayan at kung bakit pinababayaan nilang maulit ang mga dating
pagkakamali.
Sa Freudian na pananaw, tatlo ang dahilan kung bakit malungkot ang
tao. Una, dahil sa superyor na kapangyarihan ng kalikasan. Pangalawa,
ang kahinaan ng kanyang katawan laban sa kalikasan at, pangatlo, ang
kawalan ng mga regulasyon na mag-aadjast sa mutwal na ugnayan ng
mga tao sa pamilya, estado at lipunan (Thurschwe1l2000).
Angpangatlo angpinakamahirap lutasin. Sa pangatlo, naghihirap ang
mga tao sa mga eksternal na restriksyon at napipilitang magsakripisyo
para sa ikabubuti ng nakararami 0 ng lipunan. Dahil dito, hindinagagawa
ng tao ang kanyang mga naisin. Nawawala ang kanyang pagiging tao
o siya ay nade-dehumanize dahil sa pagsasakripisyo sa ilalim ng mga
restriksyong ito. Gayunpaman, pinagsusumikapan niyang harapin at
lutasin ito sa pamamagitan ng pagtutuon ng pansin sa ibang gawain, tao
o bagay. Ayon nga kay Freud, dalawa ang instink ng tao: angpleasure at
preserbasyon ng sarili. Upang matupad ito, kailangan niyang mag-aliw
ng sarili.
Sa karaniwang Pilipino, isa sa mga bagay 0 gawaing ito ay ang
pagvivideoke. Kapansin-pansin na karamihan sa mga tumatangkilik sa
mga videoke ay mahihirap. Sila ang mga nag-iinuman at nagvi-videoke
pagkatapos ng trabaho. Kung minsan pa tfga ay halos araw-araw nila
itong ginagawa. May mga pagkakataon pang sila ay nagsisipag nang
husto sa trabaho upang makapaglibang tulad ng pag-inom 0 pagvi-
videoke.
Hindi ko sinasabing mali ang prayoridad 0 pagtakas ang nakikita ng
mga Pilipino sa pagvi-videoke. Para sa kanila, ito ang paraan nila upang
mananatili ang kanilang sariling bait habang hinihintay at pinagsisikapang
maabot ang kanilang layunin. Sa ibang salita, ginagamit nila ang videoke
upang maantala muna ang kanilang pleasure para sa kabutihan ng
marami 0 ng lipunan.
,----, I !
134 John Enrico C. TorroI bo,-,

Sa isang banda, hindi madaling sabihin na inosente ang videoke


at ang tao ang nagbibigay kahulugan dito. Kung babalikan ang
nilalaman, ang anyo at uri ng kantang nakapaloob dito ay makikita na
ang videoke ay isa ring pulitikal na instrumento. Ang mga popular
na awit sa videoke ay halos pare-pareho pagdating sa tono, melodiya
at nilalaman. Ito ang tinatawag na istandardisasyon. Sa kabilang
banda naman, hindi maitatatwa na may hibo ng pagkakaiba ang mga
awit. Ito naman ang pseudo-indibidwalisasyon. Bakit nagaganap
ang ganitong magkataliwas na himaymay? Sa kanyang sanaysay na
On Popular Music (Storey 1998), ipinaliwanag ni Theodor Adorno
na ang layunin ng istandardisasyon ng musikang popular ay upang
magkaroon ng iisang reaksyon ang mga nakikinig. Sa pamamagitan
ng istandardisasyon, hindi masasanay ang mga konsumer na maging
kritikal. Gayunpaman, hindi itinatago ng istandardisasyon sa mga
bagay sa kulturang popular, tulad ng videoke, ang hirap ng kalagayan.
Bagkus, idinidiin nito ang ideya na walang kapangyarihan ang tao
na baguhin ang kanyang kalagayan. Sa kabilang banda, may papel
din ang pseudo-indibidwalisasyon upang maukit ang ganitong
reaksyon at pag-iisip dulot ng istandardisasyon. Dahil sa pseudo-
indibidwalisasyon, nagkakaroon ng mito ang mga tao na may
kapangyarihan silang mag-iba at makapamili. Sa ibang salita,
tinatakpan nito ang katotohanang walang kapangyarihan ang mga
tao.
Mistipikasyon, kung gayon, ang ginagawa ng videoke 0 iba pang
bagay sa kulturang popular. Mistipikasyon sapagkat pinapalabo nito
ang realidad at nagbibigay kalituhan sa mga tao. Sa madaling salita,
nagagamit ito sa pagsisinungaling upang umayon sa isang interes.
Sa kontekstong ito, ana ang lugar at gamit nit videoke sa mga
Pilipino? Kung ang videoke ay simulacrum, maaaaring sabihin na
mahihiwatigan sa videoke ang mga ugaling Pilipino. Tunay na mahilig
magsugal, maglaro, magkaroon ng madaling pera, makakalimutin sa
kasaysayan, pasibo at sekswal ang mga Pilipino. N aipahayag ko ito sa
unang bahagi. Ngunit mahirap sabihin na likas ito sa mga Pilipino.
Maaaring bunga ito ng mistipikasyong ginagawa ng kulturang
popular. At maaaring likas nga sa mga Filipino ngunit nagkaroon
ng ibang kontekso at kahulugan bilang bunga ng modernisasyon at
teknolohiya.
I I r----l
iIl""1II06 VIDEOKE AT TiIS: Kulturang Popular bUang Anestisyo so Krisis 135
I I L--..J

Katulad ng nabanggit sa simula, magkaiba ang konsepto ng


aliw ng mga Pilipino noon at ngayon. Maaaring inangkop ang mga
ugaling ito sa kultura, binigyan ng ibang kahulugan at ipinatanggap
bilang katotohanan. Kumbaga, kinakatawan nito ang isang realidad
na hindi umiiral.

Kung Lalayo sa Videoke

Bilang pagtatapos, dapat banggitin na ang papel na ito ay


nakatuon lamang sa videoke. Ngunit kung aatras ang tumitingin dito,
kanyang makikita na bahagi ito ng mas malawak na larangan-ang
inuman. Kung gayon ay magkakaroon ng bagong pagbasa at pag-
unawa sa videoke.
Sa mga tala ng mga paring historyador, ang inuman sa Pilipino
ay may kaibang gamit. Sa pag-aaral ni Alegre (1992) tungkol sa
inuman, binanggit niya ang obserbasyon ni Pigafetta sa unang
engkuwentro nina Magellan at ng Hari ng Limasawa.

They raise their hands to heaven first, tben take tbe drinking
vessel in their right hand and extend the fist of tbeir left
band toward the company.

Binanggit din ni Alegre ang tala ni Francisco Colin, S.J. sa


inumang na dinaluhan sa isang lugar sa Visayas at Mindanaw.

The dances of men and women are generally performed to


the sound of bells whicb are made in their style like basins,
large or small, of metal, and the soun. are brought out
quickly and uninterruptedly.

Batay sa dalawang pahayag na ito, makikita na ang inuman ay isang


ritwal. Ayon sa Webster Encyclopedic Dictionary, ang ritwal ay isang
"strictly ordered traditional metbod of conducting and performing
an act of worship or other solemn ceremony." Isa pang kahulugang
ibinigayay "any method of doing sometbing repeatedly in whicb tbe
details are always faithfully repeated." Samakatwid, ang inuman ay
isang ritwal at may katangiang pagtatahanghal (performative).
,.----. I I
136 John Enrico C. Torrolb0L-I
l--J

Sa ganito, mahihinuha na ang inuman bilang isang ritwal ay


may natatanging gamit sa panahong iyon. Matatandaan na noong
dumating ang mga Kastila, kinailangan nilang magkaroon ng
ugnayan sa mga taong nakilala nila. Sa kanilang pagdating, ipinakita
ang pagtanggap sa kanila ng mga tao sa pamamagitan ng isang mala-
ritwal na gawain-ang inuman. Samakatwid, ang gamit ng inuman
noong panahong iyon ay ang pagbuo ng isang panlipunang ugnayan
at istruktura. Ayon nga kay Raul Pertierra (1995),

Ritual action is central to the constitution of social structure.


Its importance lies in the ability of the ritual to transform a
context through the performative use of language and other
symbolic practices.

Sa pamamagitan ng inuman bilang isang ritwal, napagtibay ang


isang ugnayan sa dalawang kapangyarihan. At sa pagpapatibay na
ito, nagkaroon ng negosasyong alalahanin (concern) ang dalawang
panig: Para kay Magellan, ang maipakilala ang sarili bilang kaibigan
at sa panig ng hari ng Limawasa, ang ipakilala ang sarili bilang
pinuno ng islang iyon. Kaya, nagkakaroon ng lehitimisasyon ng
magkakaibang alalahanin sa pamamagitan ng inuman. Ayon ulit kay
Pertierra:

Cognitive, moral-practical, and expressive claims are allocated


and legitimized in a ritual. The articulation of these claims
creates and reproduces social relations and, through them,
social structures.

Sa ibang salita, ang inuman bilang isang ritwal ay may kakanyahang


lumikha ng ugnayang pangkapangyarihan (power relations).
Batay sa mga nabanggit sa itaas, dalawang tanong ang mabubuo.
Una, kung isasaalang-alang ang videoke kaugnay sa ritwal ng inuman,
anong uring ugnayan ng mga kalahok ang nabubuo dito? Pangalawa,
dahil may kakayahan ang inuman na lumikha ng mga bagong
panlipunang ugnayan, maaaring bang magkaroon ng panibagong
gamit 0 pagpapakahulugan ang videoke?
Ang mga katanungang ito ay ilan lamang sa mga maaaring
I r----l
VIDEOKE AT TIIS: Kulturong Popular bilong Anestisyo so Krisis 137
I

sumulpot kung susuriin ang videoke at inuman kaugnay sa karnalayan


at lipunang Pilipino. Bilang reaksyon sa mga tanong na ito,
kinakailangan ang mas masinsin at malawak na pananaliksik. Ito
ang malaking hamon sa mga sumusunod na mananaliksik upang
mas mauunawaan kung paano tumutugon ang tao, partikular na ang
Pilipino, sa krisis at paggagahum ng kapangyarihan.

Sanggunian

Alegre, Edilberto N. Inumang Pinoy. Pasig City, Anvil Publishing,


1992.
Fiske, John. Understanding Popular Culture. Boston, MA: Unwin
Hyman, 1989.
Fink, Bruce. The Lacanian Subject: Between Language and
Jouissance. New Jersey: Princeton University Press, 1995.
O'Connor, Brian, ed. The Adorno Reader. Oxford: Blackwell
Publishers, 2000,
Pertierra, Raul. Philippine Localities and Global Perspectives.
ADMU Press, 1995.
Reyes, Soledad S. ed. Aliw: Selected Essays on Popular Culture.
Manila: DLSU Press, 2000
Storey, John, ed. Cultural Theory and Popular Culture, Georgia:
University of Georgia Press, 1998.
Strinati, Dominic. An Introduction to Theories of Popular Culture,
2nd Edition. London and New York: Routledge, 2003.
Thurschwell, Pamela, ed. Sigmund Freud. London and New York:
Routledge, 2000.
Tolentino, Roland B. Kulturang<!.1all. Pasig City: Anvil Publishing
Inc., 2004.
_ _ _ _ _ _ . Sa Loob at Labas ng Bayan Kong Sawi. Pasig City:
Anvil 2001.
Williams, Raymond. Keywords. London: Fontana, 1976.

You might also like