You are on page 1of 9

The Miseducation of Filipino ni Renato Constantino

I. Renato Constantino (March 10, 1919 - September 15, 1999)


A. Galing sa kanyang Lola ang kanyang pagkamakabayan dahil sa mga naranasan
niya noong panahon ng Amerikano.
B. Galing din ang kanyang pagkamakabayan sa kanyang Ama na isang abogado
na kritikal sa mga lider na hindi lumaban para sa independensiya ng bansa.
C. Nag-aral siya ng kolehiyo sa Unibersidad ng Pilipinas
1. Siya ang pinakabatang editor ng Philippine Collegian, ang opisyal na
publikasyon ng UP Diliman.
2. Nagsulat siya ng isang editoryal na pinupuna ang dating Pangulong
Quezon, pumunta ang dating Pangulo sa UP Diliman para magtalumpati
ng kanyang reaksyon tungkol dito.
D. Lumaban siya sa Bataan noong Filipino-Japanese War, at naging isa sa parte ng
intelligence team na sumusubaybay sa mga galaw ng Hapon.
1. Sumali siya sa Philippine Mission to the United Nations noong 1946
hanggang 1949 at naging counselor ng Department of Foreign Affairs
(1949 - 1951)
2. Naglathala naman siya ng libro sa United Nations noong 1950.
E. Ang kanyang libro na The Marcos Watch na inilabas nang ilang linggo bago ang
Martial Law ay tungkol sa pamumuna niya kayna Ferdinand Marcos at Imelda
Marcos.
1. Noong Martial Law, inaresto siya at nilagay sa house arrest nang ilang
buwan.
2. Hindi rin siya pinayagang pumunta nang ibang bansa nang ilang taon.
II. Ang mga Pilipino ay dapat makakuha ng edukasyong pang Pilipino.
A. Ang mga Pilipinong ito ay dapat may kamalayan sa mga problema at pangyayari
sa bansa
B. Ang mga Pilipinong ito ay dapat nakakaisip at naiintindihan ang mga solusyon na
lulutas sa mga problema ng bansa.
C. Ang mga Pilipinong ito ay dapat handang magsakripisyo para sa ikabubuti ng
bansa.
III. Paano naman ang sistema ng edukasyon dito sa Pilipinas, sino ang lalaban para rito?
A. Para sa mga negosyante, Filipino First na polisiya. Para naman sa mga artists,
dapat pahalagahan ang ating sariling sining.
B. Ang inaayos lamang sa edukasyon ng Pilipinas ay ang mga kagamitang
ginagamit para magturo at mga paraan para magturo.
C. Walang binabago ang ating pamahalaan sa sistemang itinalaga sa atin ng mga
Amerikano.
IV. Edukasyon ng Amerikano para sa Pilipino.
A. Pinupuri ang education system na patuloy pa rin nating ginagamit na nagmula pa
sa mga soldier-teachers ng American Invasion Army.
B. May bisa lamang ang edukasyong ipinamana sa atin sa konteksto ng American
Colonialism.
V. Ano nga ba ang pinakamagandang paraan nang pagsakop?
A. Ang ginamit na colonial tool ng mga Amerikano ay ang Edukasyon, ipinakilala ito
sa atin noong patapos na ang American-Filipino War.
B. Hindi maganda ang paggamit ng dahas sa pagsakop
1. Habang may pagtutol sa mga puso ng sinasakupan, hindi tunay na
naangkin ang sinasakupan.
2. Halimbawa ay ang mga Hapon sa Pilipinas noong WW2.
C. Pag na-brainwash na yung mga susunod na henerasyon ng mga Pilipino, ibig
sabihin tuloy tuloy nang mawawala ang totoong kaalaman natin sa Pilipinas.
D. Paraan din ang edukasyon para awatin ang mga Pilipino sa kanilang pagsisimula
ng rebolusyon laban sa Amerikano dahil inalis agad ang ating kalayaan.
VI. Paano naging matagumpay ang mga Amerikano sa pagsakop sa Pilipinas:
A. Ang Edukasyong nagmula sa mga Amerikano ay ‘para’ sa mga Pilipino.
1. Paraan para ma-pacify ang mga Pilipino na ninanais ipagtanggol ang
malapit na kalayaang matatamo ng bansa.
2. Lahat ay nagkaroon na nang pagkakataong mag-aral pero ang tinuturo
naman sa kanila ay hindi makakatulong sa pag-usbong ng nasyonalismo
ng mga Pilipino.
B. Naging matagumpay ang pagsakop ng mga Amerikano sa Pilipinas dahil
pagkatapos nilang turuan ang mga batang Pilipino, ang mga ideya ng mga
Amerikano ang nasa utak nila at hindi na ang pagmamahal sa sariling Bayan.
1. Dahil sa pag-usbong ng mga ideyang pang-Amerikano, nawawala na ang
mga aralin at bahid ng independensiya ng mga Pilipino.
2. Ang mga batang Pilipino ay mas ninais ang mga ideya na galing sa mga
Amerikano, kaya naman lahat ng kanilang gagawin at sasabihin ay dapat
nakaayon sa pamantayan ng mga Amerikano.
VII. The American Vice-Governor
A. Sinigurado ng mga Amerikano na may kontrol pa rin sila sa sistemang pang-edukasyon
ng mga Pilipino.
1. Hawak pa rin ng mga Amerikano ang Deprtamento ng Edukasyon kahit na may
awtonomiya na ang Pilipinas.
2. Nakatala sa Jones Act Article 23 na dapat magkaroon ang bansa ng bise
gobernador (na inaprubahan ng senado ng Estados Unidos), na sasalo sa lahat
ng kapangyarihan ng gobernador heneral kung sakaling siya ay wala. Siya rin
ang magiging puno ng Department of Public Instruction, na sakop ang bureau of
education & health.
B. May mga mabuting nadulot ang edukasyong pangkolonyal sa mga Pilipino.
1. Tumaas ang literacy rate ng bansa.
2. Natutunan ng mga Pilipino ang wikang Ingles.
3. Mas naibabahagi at naiintindihan na nila ang mga ideya at kaisipan ng iba’t ibang
banyagang tao/bansa.
C. Mayroon ding masamang nadulot ang edukasyong pangkolonyal sa mga Pilipino.
1. Napalayo sila sa kanilang sariling wika.
2. Kasama ng wikang unti-unting naiwan dahil sa Ingles, nahiwalay din sila sa
kanilang kultura at paniniwala.
3. Mas mahirap nang makipag-usap at maghayag ng mga hinanaing o opinyon sa
malalim at detalyadong paraan dahil general na mga salita lang ang magagamit
nila.
4. “In exchange for a smattering of English, we yielded our souls.”

VIII. Goals of American Education


A. Ayon sa mga Amerikano, layunin nilang isalba ang Pilipinas sa illiteracy at ignorance, na
ginawa nila ito upang tulungan tayong umunlad.
B. Ngunit ang pangunahing layunin talaga ng “American Education” ay ang panatilihin at
palawakin ang kontrol ng mga Amerikano sa Pilipinas.
C. Ito and nagsilbing instrumento nila ng pananakop dahil sa pamamagitan nito, buo at
matagumpay nilang napasailalim ang mga Pilipino sa sistema nila.
IX. An Uprooted Race
A. Dahil sa paggamit ng Ingles bilang medium of instruction, nagkaroon ng malaking
pagbabago hindi lang sa sistema ng edukasyon kundi pati na rin sa pag-iisip ng bawat
Pilipino.
1. Napalayo ang mga Pilipino sa kanilang roots at pinanggalingang kultura.
2. Nagkaroon sila ng panibagong paraan ng pamumuhay, at tila alien na sila sa
mga tradisyon at kultura nila.
3. Dahil sa bagong wika na ito, nagkaroon ng hati sa pagitan ng mga edukado at
hindi edukadong Pilipino.
B. Sa paggamit nila ng American Education, may mis-education na naganap sa mga
Pilipino.
1. Imbes na mapaunlad ang ating sariling kultura at wika, nababahiran lang ito ng
banyagang impluwensya at unti-unting natatakpan at napapalitan.
2. Hindi kasama sa layunin ng Amerikanong Edukasyon ang layunin ng mismong
Pilipinas, na makabuo ng sambayanang may nasyonalismo.
3. Hindi na natututo ang mga tao bilang mga Pilipino kundi bilang mga colonials na.
4. Tinuturo nila kung paano maging mabuting colonials ang mga tao, at hindi kung
paano maging mabuting Pilipino.
C. Na-alienate na ang mga Pilipino sa kanilang sariling bansa dahil nagiging carbon copy
na lang sila ng Estados Unidos at wala na ang diwa ng pagiging tunay na Pilipino.

X. Economic Attitudes
A. Sa pamamagitan ng edukasyon, sinigurado ng mga Amerikano na tumatak sa utak ng
mga Pilipino na ang bansa nila ay isang agrikulturang bansa. Pinakita nilang nababagay
tayo sa farm life, o pagiging magsasaka.
1. Gusto nilang iparating sa atin na dapat tayong manatili sa pagiging mga
magsasaka’t tagagawa ng raw materials nila.
2. Idiniin nila na hindi mabuti para sa atin ang industriyalisasyon dahil sa natural na
kapaligiran at katangian ng Pilipinas.
3. Sa likod ng makulay na imahe ng buhay ng magsasaka na pinapakita nila ay
mayroong kahirapan, sakit, at iba pang problema na hindi nila binabanggit.
B. Maging sa ekonomiya ay iniidolo na natin ang mga Amerikano.
1. Imbes na bumili sa mga lokal na negosyo o tindahan ay mas pinipili nilang
subaybayan ang surplus ng ibang bansa.
2. Sa mga libro, pinapakita ang superyoridad ng mga kanluraning bansa dahil sa
kakayahan nilang magmanufacture ng mga bagay na hindi natin kayang gawin.
3. Hindi maunlad ang sistema ng pagproproduce natin ng sarili nating produkto, at
sa halip na idebelop at palawakin natin ito ay pinipili na lang natin na mag-import
ng mga produkto ng ibang bansa.
C. Dahil sa epekto ng Amerikanong Edukasyon, nahuhuli tayo sa industriyalisasyon at iba
pang advancements na maaaring makamit ng isang bansa.
1. Tinuro sa atin na agrikulturang bansa tayo kaya hindi tayo bagay sa teknolohiya
at pagproproduce ng mga produkto kaya naman hindi tayo umunlad.
2. Kung titignan natin ang mga kapitbahay nating bansa sa Asya, higit na mas
maunlad na ang kanilang ekonomiya dahil kahit na hindi angkop ang
geograpikong kalagayan ng bansa nila para sa industriyalisasyon, naghanap sila
ng paraan.
a. Hindi nakakulong ang isipan nila sa pagiging agrikulturang bansa lang.
b. Walang banyagang impluwensya ang pumigil at nagbahid sa kanilang
isipan sa kung ano ang dapat at kaya nilang gawin.
D. Kung nais nating umunlad tulad ng mga kapitbahay nating bansa, dapat ay pakawalan
na natin ang colonial mentality natin at magsimulang subukan ang kakayahan ng bansa
natin.

XI. Transplantation of Political Institutions


A. Ang edukasyong Amerikano ay nagtanim ng plotikal na institusyon at iedya sa
Pilipinas.
1. Nagkaroon ng dillema ng paglipat ng political institutions pero
hinihikayat pa rin ang Pilipino sa pagkakakulong o walang
kakayahang lumaya.
2. Maliwanag sa mga Amerikano na ang American type of
democracy lang ang wasto/nararapat na klase ng demokrasya kaya
pinwersa nila tayo na tanggapin ang institusyon.
B. Ang mga katutubong institusyon na sana’y nanguna upang mag-debelop ang mga
katutubong democratic na ideya ay ipinawalang-bahala.
1. ‘di na nakapagtataka kung bakit sobrang mali ng tingin natin sa mga bansang
nagdedebelop ng sarili nilang politikal na intitusyon nang hindi nakatali mula sa
Kanluranin.
2. Pinaniwala tayo sa mga political na ideyolihya bilang tiyak at pareho sa lahat ng tao.

XII. Re-examination Demanded


A. Dahil sa kagustuhan ng kalayaan sa ekonomiya at ang pag-giit ng ating
kapangyarihan sa pulitika, naiiwan sa mga educators ang pagsusuri sa pilosopiya,
values, at ang kanilang approach sa pagbuo ng tunay na pagiging Filipino
susuporta at magngangalaga sa mga layuning makabayan.
1. Ang edukasyon ay dapat na makita hindi bilang pag-acquire lang
ng mga impormasyon kundi dapat humubog sa pagkatao ng isa
nang magawa niya ang kaniyang tungkulin sa lipunan.
2. Hindi maaaring ihiwalay ang edukasyon sa kahit anong bansa at
panahon.
3. Maling isipin na ang layuning pang-edukasyon ay parehas sa lahat.
4. Kung ano ang prosesong pinagdaan ng isang edukadong
Amerikano ay hindi laging pareho sa proseso ng paghubog sa isang
edukadong Pilipino.
5. Magiging totoo lang ito kung ang dalawang bansa ay nasa
parehong politikal, kultural, at ekonomik na lebel at may parehong
layunin.
B. Hindi lamang natin ginagaya ang Western education, nakadisenyo na ang
edukasyon natin sa kanila.
1. Malaki ang pinagkaiba ng Amerika at Pilipinas.
2. Sila’y magkaibang bansa na may magkaibang layunin.
XIII. Adoption of Western Values
A. Sa usaping ekonomiko, ang Amerika ay isang industriyalisadong bansa
samantalang ang Pilipinas ay underdeveloped.
B. Sa usaping pulitikal, ang Amerika ay hindi lamang namumuno sa sarili nilang
bansa, ang kanilang kontrol at impluwnesiya ay umaabot sa ibang bansa at sa
buong mundo.
C. Sa usaping kultural, ang Amerika ay may masigla at may natatanging kultura.
1. Sila ang bansang ang institusyong kultural ay malayang nag-
debelop.
2. Walang kontrol ng sinuman at direksyon mula sa iba at walang
bagong foreign na kultura ang isinakatuparan na sisira, mag-iiba sa
nakaraan nito na siyang mag-aalienate sa kulturang pamana ng
mamamayan nito.
3. Hindi na kailangan ng US education na idiin pa sa mamamayan
nito ang pag-unlad ng kanilang nasyonalismo.
D. Dahil economically, politically, culturally, ang Amerika ang “master of their own
house”, ang edukasyong Amerikano ay naghahain ng maliit na pagpapahalaga sa
nasyonalismo na kailangan nating mga Pilipino.
1. Sa halip, dinidiin nito ang internationalism at binubura ang
nasyonalismo.
2. Ang empasis ay universal brotherhood, pagkakaibigan sa ibang
bansa, atbp. habang walang matatag na pundasyon ng
nasyonalismo (na siya sanang maipagmamalaki ang sariling atin)
ay may mapanganib na epekto.

XIV. UnFilipino Filipinos


A. Wala tayong kibo at hinahayaan lang natin na kontrolin ng iba ang ating
ekonomiya.
1. Ipinagmamalaki pa natin ang mga may natitipong yaman sa ating
bansa, mga artikulong nagpapakita ng financial success ng isang
tao.
2. Masaya tayo sa tuwing naririnig nating tinatawag ng mga
foreigners ang Pilipinas bilang “paradise on earth” at ‘di rin natin
maalis sa ‘ting isipan na paraiso ito para sa kanila ngunit hindi sa
ilang milyun-milyong Pilipino.
B. Kung may mga gawaing sinusulong ang nasyonalismo sa bansa, hindi natin
sinusuportahan dahil may kawalang-interes at walang nasyonalismo sa ating puso.
1. Mas malala, may ilan na nag-aalala sa sa tingin sa atin ng
Amerikano dahil sa tila pagdiskrimina sa kanila.
2. Ang mas malala pa, nakatatak na sa isipan nila na ahindi natin
kayang mag-debelop kung walang tulong mula sa foreign capital at
entrepreneurs.
C. Isa ang paaralan sa may kaunting empasis sa nasyonalismo.
1. Oo, tinuturo ang pagkamabakayan ngunit ang pagmamahal sa
bansa, respeto sa bandila, ang pagpapahalaga sa likas yaman ng
bansa.
2. Ang dahilan ng pagkabigo sa Philippine education ay ang pagiging
naïve ng mga tao at ang pag-asa na lang sa foreigner.
D. Ang dapat na sisihin ay ang kolonyal na edukasyon.
1. Hindi ito nagbigay sa atin ng realistikong pagtingin sa ibang nasyon lalo na sa
Espanya at Amerika.
2. Ang binibigyang-empasis sa pag-aaral ng kasaysayan ay ang mga mabubuting
ginawa ng mananakop sa atin.
3. Ang tila ba “mask of benevolence” ang nagtago sa kalupitan ng pananakop.
4. Ang dakilang sentimiyento ni McKinley ang mas binigyang-diin imbes na ang
lihim na motibong pagkontrol sa Pilipinas.
5. Bilang lumaki sa ganitong klase ng edukasyon, nasanay na ang Pilipino na
kilalanin ito bilang biyaya imbes na isang penomenang nagdulot ng paghihirap.

XV. The Language Problem


A. Ang pinakamalalang problema na naging dahilan ng maraming kaguluhan sa
edukasyon sa Pilipinas ay ang lengguwahe.
1. Sa ngayon, patuloy ang mga eksperimento kung magiging epektibo ba ang
paggamit ng sarili nating wika.
2. Ito’y katawa-tawa dahil ang isang indibidwal ay hindi na mas magiging
“at home” pa kaysa sa paggamit ng sariling wika.
B. Dahil sa kolonyal na edukasyon, maski ang paggamit ng ating wika ay isang
kontrobersyal na isyu.
- Maraming mga eksperto ang nagsulat tungkol sa problema sa wika
ngunit mayroong kawalan ng lakas ng loob at kumpiyansa sa sarili
ng mga ekspertong ito na lumabas at ilahad ang pagwaksi sa
wikang banyaga.
C. Sa usaping ekonomiko, naniniwala ang Pilipino na hindi sila mabubuhay kung
wala ang Amerika.
- Kaya sa edukasyon, naniniwala tayong walang tunay na edukasyon
maliban na lang kung base ito sa kasanayan sa Ingles.
XVI. Barrier to Democracy
A. Naging pang-elite lamang ang edukasyon dahil sila lang ang kayang maglabas ng pera
upang makapunta sa ibang bansa at mag-aral.
B. Ang mga elite na ito ay mga edukado at isinasabuhay din ang mga values ng dayuhang
sumasakop sa Pilipinas.
C. Nagkaroon ng harang sa pagitan ng mga taong may kapangyarihan (ang mga marunong
mag-Ingles) at mga masa (mga hindi gaanong aral) kaya hindi natutugunan ng pansin ng
gobyerno ang masa.
D. Naging status symbol ang pagiging maalam sa Ingles, habang minamaliit ang mga hindi
marunong magsalita nito.
E. Dahil hindi nagkakaintindihan ang masa at elite, natuto ang masa na tanggapin na lang
ang mga salitang hindi naman ni lubos na naiintindihan.
F. Hindi naiisip ng masa na tungkulin nilang malaman ang mga isyu ng lipunan dahil hindi
naman nila ito naiintindihan at iniiwan na lang nila ito sa mga nakatataas, sa mga
marunong mag-Ingles. Dito naggaling ang kawalang-pakialam ng mga Pilipino.
XVII. Impediments to Thought
A. May mga sumubok nang ibahin nang wikang ginagamit sa pagturo, pero hindi ito
naipapatupad ngunit walang matapang na tunay na gawin ito dahil nasanay na ang mga
Pilipino sa paggamit ng wikang dayuhan.
B. Naiistorbo ang pag-aaral ng isang tao dahil kailangan niya munang mag-aral ng bagong
wika bago mag-aral ng kahit ano pa. Dapat unahin muna ang pag-aral sa sariling wika.
C. Ang harang ng wika ay harang din sa pag-iisip. Dahil hindi natin lubos na aral ang
parehong Pilipino at Ingles, wala tayong tunay na malalalim na pagkakaintindi sa mga
bagay-bagay, hindi nadedebelop ang ating pagkamalikhain at matalas na pag-iisip.
Nakapokus lang tayo sa pag-aaral para matuto, hindi para mag-isip para sa bayan.
D. Hindi lang wika ang problema sa kasalukuyan, kundi ang pagturo ng kasaysayan at
ekonomiya. Kailangang ibahin din ang pagturo nito. Kailangan ituro din ang mga ito sa
perspektibo ng mga Pilipino.
XVIII. The Private Sector
A. Bago ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, minamaliit ng mga taga-public school ang
mga taga-private dahil mas superyor daw ang kaalaman ng mga nasa public school.
B. Mas may bahid din ng pagkanasyonalismo ang mga taga-public school kaysa sa mga nasa
private na tinanggap agad ang pagsakop ng mga Amreikano.
C. Ngayon, ang mga public school na ang minamaliit dahil ang mga mahihirap lang ang
nagpapadala ng anak doon, habang ang mga may kaya ay dinadala ang anak sa private
school.
D. Dahil sa pagkarami ng taong pumapasok sa private schools, naging komersyal ang
edukasyon (na nagdulot ng pagbaba ng kalidad ng edukasyon) at dumami ang nag-aaral
sa ilalim ng dayuhang sistema ng edukasyon.
E. Binigyan din ng otonomiya ang mga pribadong paaralan, at dahil dito mas napairal pa
nila ang dayuhang sistema at pag-iisip nila.
F. Ang pagbigay ng otonomiya sa mga pribadong institutsyon ay nakakaharang lamang sa
nasyonalismo sa pamamagitan ng komersyalismo o dayuhang pagtuturo.
XIX. Other Educational Media
A. Hindi lang edukasyon ang nakatulong sa pag-Americanize ng mga Pilipino. Ang
pinanggagalingan din ng ating midya (balita, pelikula, komiks, atbp.) ay nakakaapekto sa
pag-iisip natin.
B. Walang natatanging kulturang Pilipino ang mabubuo kung ang pinanggagalingan ng
midyang bumubuo ng kultura natin ay galing sa ibang bansa.
XX. Needed: Filipinos
A. Ang edukasyon ng mga Pilipino ay dapat naaayon sa mga pangagailangan ng mga
Pilipino at dapat hindi lang bumubuo ng mga taong marunong magbasa, magsulat, at
marunong mag-isip para sa sarili, kundi bumubuo ng mga taong may nasyonalismo at
nag-iisip din para sa bayan.
B. Natututunan natin ang ating bansa, kasaysayan, at mga problemang panlipunan sa mata
ng mga dayuhan, ngunit dapat tinuturuan tayong tignan ang mga ito sa mga mata ng isang
Pilipino.
C. Ang edukasyon ng Pilipino ay dapat nakatuon sa paglago at pagpatuloy na pag-iral ng
Pilipinas, ng bayan.
XXI. Application
A. Karamihan sa mga Pilipino ay ninanais mangibang bansa dahil mas maganda umano ang Commented [1]: tama ba
education system doon.
B. Binebenta tayo ng ating sariling Pangulo sa Tsina, isang Inferior Complex na nakuha
natin sa ilang taon na naisautak natin na isa lang tayong bansa na may resources pero ‘di
na tayo maaaring mag-develop
C. Ang paggamit ng wika, mas nais ng karamihan na gumagamit ng Ingles.
D. Nais ding tanggalin ang Filipino bilang isa sa mga asignatura sa kolehiyo.
E. Gustong gumaya sa ibang mga bansa, makipagsabayan sa kanila kahit hindi pa sigurado
na kakayanin nga ng mga Pilipino ang ganitong uri ng sistema (K-12 Program)
F. Edukasyon ay ‘di na prayoridad ng mga pribadong paaralan.

Sanggunian:
http://www.nameless.org.ph/constantino
https://pdfs.semanticscholar.org/7735/865e2ea8fd8d9662f3916ffe41cc14376706.pdf

You might also like