You are on page 1of 14

BACCAY, ERICA B.

BSED 3B FILIPINO

Gawaing Pampagkatuto 1 (Learning Activity 1):

Humanap ng isa (1) pang siklo, framework o balangkas ng pananaliksik. Gamitin ang espasyo sa
ibaba para sa gawaing ito. Maglaan din ng paliwanag ukol sa ipakikitang siklo o balangkas.
Maaaring magmula sa internet ang balangkas o maaari rin namang personal itong ginawa. Suriin
kung nasunod ba o hindi ang siklo at balangkas na binuo sa isinagawang pananaliksik.

Makikita natin sa ilustrasyon ang siklo ng proseso ng pananaliksik. Una ay ang Pamimili
at Pagpapaunlad ng Paksa ng Pananaliksik. Sa pagpili at paglimita ng paksa nagsisimula ang
pananaliksik, sa bahaging ito, humahanap ang mananaliksik ng paksang iikutan ng kanyang pag-
aaral. Kapag nakapamili na siya ng paksa ay kanya naman itong lilimitahan sa pamamagitan ng
pagtuklas ng mga tanong na magsisilbing gabay sa pagbuo ng makabuluhang pananaliksik.

Ang ikalawang proseso ng pananaliksik ay ang Pagdidisenyo ng Pananaliksik. Sa puntong


ito, mabibigyang katiyakan na ang daloy ng isinasagawang pananaliksik. Sa antas na ito,
kinakailangang natukoy na ng mananaliksik ang suliranin sa kanyang paksa. Dito rin inaakda ng
mananaliksik ang teoretikal na gabay ng pananaliksik na resulta ng naunang pagbasa.
Pagkatapos, bubuuin naman ng mananaliksik ang konseptwal na balangkas na magpapakita kung
gaano kalawak ang saklaw ng pananaliksik at paraan kung paano isasagawa ang pagsusuri.

Kabilang naman sa ikatlong proseso ng pananaliksik ay ang Pangangalap ng Datos. Sa


prosesong ito nagaganap ang produksyon ng bagong datos na magiging batayan ng resulta ng
pananaliksik kung kaya’t mahalagang maging masinop, matiyaga, at maging matapat ang
mananaliksik. Pagkatapos matukoy ang disenyo at pamamaraan sa naunang bahagi ng
pananaliksik, kailangang ihanda na ang mga instrumento o kasangkapang gagamitin upang
mangalap ng impormasyon.

Ang sumunod ay ang Pagsusuri ng Datos.Sa pang-apat na proseso ng pananaliksik ginagawa


ang isa sa pinakaimportanteng tungkulin ng mananaliksik, ang lumikha ng bagong kaalaman.
Maisasakatuparan niya iyon sa pamamagitan ng pagsusuri at pagbibigay ng kanyang
interpretasyon mula sa mga datos na nakalap.

At ang panghuli o ang ikalimang proseso ng pananaliksik ay ang Pagbabahagi ng


Pananaliksik. Ang huling bahagi sa proseso ng pananaliksik ay ang pagpapalaganap ng
impormasyon na naging resulta ng pananaliksik.

Mula sa prosesong nalikha sa pananaliksik ay makabubuo naman ng mga hinaing at puna


ukol sa suliraning pinag-aaralan. Ang pagbabahagi ng pananaliksik ay ang magsisilbing
paliwanag tungkol sa suliranin. Mula naman sa mga ibinahaging solusyon sa pananliksik ay
makatutulong ito upang magbukas ng panibagong galugaring paksa o sulirinaning magiging
paksa muli sa panibagong pananaliksik.

Gawaing Pampagkatuto 2 ((Learning Activity 2):


Mahirap ngunit kawili –wili ang magsagawa ng pananaliksik. Kawili –wili man ang gawaing
pananaliksik,may iba’t ibang hamon ito na kinakaharapsa larang ng wika at panitikan. Bilang
magiging tagapagsulong ng pananaliksik sa wika at panitikan, ano-anong mga hakbang ang
kailangang isagawa upang matugunan ang mga hamongito. Pumili ng hindi bababa sa limang (5)
hamon sa pananaliksik sa wika at panitikan. Gamitin ang talahanayan sa ibaba.

Hamon sa Pananaliksik sa Wika at Panitikan Interbensiyon, Program o Proseso na Maaaring


Gawin upang Tugunan ang Hamon

Pag-alis sa Filipino bilang Sapilitang Kurso sa Paiigtingin ang pagpapalawig ng kursong Filipino sa
Kolehiyo iba't ibang larangan upang maitanyag ang
pagpapalawak ng mga mag-aaral sa karunungang
intelektuwalisasyon at maitanghal ang wikang
Filipino bilang wika ng karunungang pang-
akademiko kabalikat ang pananaliksik.

Ingles bilang Lehitimong Wika Itakda bilang pangunahung midyum sa pagtuturo,


paglimbag ng mga pang-akademikong aklat, batas at
pananaliksik ang wikang Filipino. Magkaroon ng
batayang alituntunin sa bansa na wikang Filipino ang
paiiraling gamitin sa ano mang aspeto o larangan
upang mapalakas ang tanyag nitong mapalawak at
mapa-unlad ang kalidad ng wikang Filipino.

Matinding Kampanya para sa Internasyonalisasyon Magsagawa ng kaukulang programang


manghihikayat sa mga pilipino na pagtuunan at
bigyang pansin ang kalidad ng wikang Filipino nang
sa gayon, maikintal sa puso't isipan ng mga Pilipino
ang yaman at kahalagahan ng umuusbong na wika sa
larangan ng pandaigdigang pamantayan sa
pamamagitan ng paghihimok sa mga mag-aaral na
magsagawa ng masusing pananaliksik sa panitikang
Filipino.

Kakulangan ng mga Babasahin Kalakip ng pagtugon sa kakulangan ng mga


babasahin ay kinakailangan magsagawa ng
puspusang pananaliksik at pagsusulat ng mga
materyales tungkol sa rehiyunal at/o katutubong wika
at panitikang Filipino na matatagpuan lamang sa mga
lokal na silid-aklatan na siyang magsisilbing
panaligan ng mga datos at impormayon para sa mas
malawakang pananaliksik.

Kahinaan sa Pagpili ng Paksa Gumawa ng mga alintuntuning batayan ng mga mag-


aaral sa kritikal na pagsisiyasat at pagsusuri tungo sa
mas mahusay na pagpili ng paksa sa pananaliksik.
Magkaroon ng pagsubaybay sa kasalukuyang
suliranin para sa epektibong pagsasakatuparan ng
masusing pananaliksik.

Gawaing Pampagkatuto 3 ( (Learning Activity 3) :


Mahalaga ang panananaliksik sa lahat ng aspeto ng pag-unlad sa larangan ng agham,
teknolohiya, komunikasyon, lipunan at edukasyon. Lumikha ng pangkat na bubuuin ng apat (4)
hanggang limang (5) miyembro. Bilang mga magiging guro, tumukoy ng hindi bababa sa limang
(5) aspeto ng edukasyon kung saan higit na makatutulong ang pagsasagawa ng pananaliksik.
Kailangan ding tukuyin ang uri ng pananaliksik na kailangan sa aspeto at bigyan ang mga ito ng
kaukulang paliwanag. Gamitin ang talahanayan sa ibaba.

Aspeto ng Uri ng Pananaliksik Paliwanag

Edukasyon na Kailangan

AGHAM Siyentipikong Ang pananaliksik na pang-agham ay isang maayos at


Pananaliksik sistematikong proseso ng pagtatanong kung saan, sa
pamamagitan ng mahigpit na aplikasyon ng isang hanay ng
mga pamamaraan at pamantayan, ang pag-aaral, pagsusuri
o pagtatanong tungkol sa isang paksa o paksa ay hinabol ,
na may kasunod na layunin ng pagtaas. palawakin o bubuo
ang iyong kaalaman tungkol dito.

TEKNOLOHIYA Debelopmental Nakabatay ito sa konsepto ng decision-oriented research na


Research gumagamit ng tiyak na prosesong siyentipiko bilang
pagtugon sa pagpapaunlad ng mga kasalukuyang praktika.
Lumilikha ang pananaliksik mula sa mga kasalukuyang
teorya ng mga bagong proseso at programa upang
makabuo ng mga kapaki-pakinabang na produkto.

KOMUNIKASYON Basic Research Itinuturing itong pangunahing uri ng pananaliksik o


purong pananaliksik. Layunin nitong tumuklas ng mga
pangunahing katotohanan at prinsipyo. Tungkulin nitong
makadagdag sa bilang ng mga siyentipikong karunungan
sa pamamagitan ng pagsusuri sa hangganan ng mga
kaalamang nababatid at kaalamang hindi pa nababatid
upang tiyak na mailarawan ang konsepto. Ang resulta
nito’y walang tiyak na gamit sa kasalukuyang panahon.

LIPUNAN Applied Research Ito ang pananaliksik na ginagamit upang lumikha ng tiyak
na solusyon para sa tiyak na suliranin. Ang resulta ng
pananaliksik ay ginagamit agad sa praktikal na
pangangailangan. Tinatawag din itong action research.

EDUKASYON Debelopmental Nakabatay ito sa konsepto ng decision-oriented research na


Research gumagamit ng tiyak na prosesong siyentipiko bilang
pagtugon sa pagpapaunlad ng mga kasalukuyang praktika.
Lumilikha ang pananaliksik mula sa mga kasalukuyang
teorya ng mga bagong proseso at programa upang
makabuo ng mga kapaki-pakinabang na produkto.
Gawaing Pampagkatuto 4 (Learning Activity 4):
Ang iba’t ibang programa, panuntunan, at proseso sa sistema ng edukasyon ay
kailangang nakabatay sa resulta ng pananaliksik. Bumuo ng pangkat na mayroong apat (4)
hanggang limang (5) miyembro. Humanap ng hindi bababa sa limang (5) programa,
panuntunan o proseso na kasalukuyang ginagamit sa batayang edukasyon at/o mataas na
edukasyon. Ilarawan ang mga ito at tukuyin ang mga batayang pananaliksik (basic research) ng
mga nasabing programa, panuntunan o proseso. Gamitin ang talahanayan sa ibaba.

Programa, Paglalarawan Batayang Pananaliksik


Panuntunan o (mag - alay ng source o link kung saan mababasa
Proseso ang mga pananaliksik)

Ang programang ito ay Alinsunod sa Republic Act No. 7722 o Higher


naglalayong mabigyan Education Act of 1994, ang komisyon salalong
1. Ang kurikulum opurtunidad ang mga mataas na edukasyon (CHED) ay naatasang ipatupad
ng Edukasyon estudyante na malinang at ang katungkulang;gumawa ng hakbang upang
sa Antas ng mapagyabong ang kaalaman sa masiguro na ang edukasyon ay matamo o mapaunlad
Tersyarya mga gawaing napapaloob sa ang responsible at epektibong
kurikulum na Filipinosa pamamahala,patingkarin ang karapatan ng mga guro
tersyarya, mapaloob o labas ng sa pagsulong ng propesyunal at mayaman ang
klasrum. kasaysayan at kulturang minana.

https://www.coursehero.com/file/45315609/Ang-
Kurikulum-ng-Edukasyon-sa-Antas-ng-
Tersyaryapptx/

Layunin ng pagtuturo sa https://www.scribd.


Filipino sa elementarya na
2. Ang Kurikulum
linangin ang apat na makrong com/presentation/371949455/Ang-Filipino-Sa-
ng Filipino sa
kasanayang pangwika, Batayang-Antas-Ng-Edukasyon
Antas Elementarya
pakikinig pagsasalita, pagbasa
at pagsulat gayundin ang pag-
iisip, sa mga sitwasyong
pangkomunikasyon, gamit ang
iba’t ibang material tungo sa
pagkakaroon ng masteri.

Ang layunin ng edukasyong https://www.scribd.


3. Ang Kurikulum
elementarya, ayon sa Education
ng Batayang
Act 1982, ay siya ring naging com/presentation/371949455/Ang-Filipino-Sa-
Edukasyon ng
2002 batayan ng Kurikulum 2002. Batayang-Antas-Ng-Edukasyon
Naging batayan ang mga
pambansang batayang
patakaran ng edukasyon na
isinasaad sa Konstitusyon ng
Pilipinas ng 1987, at ang
Government of Basic
Education Act of 2001.

Tugon ng DepEd sa https://www.scribd.


4. Ang Filipino sa natuklasang kahinaan tungo sa
Antas ng pagrereporma ng kurikulum; com/presentation/371949455/Ang-Filipino-Sa-
Sekondarya Batayang-Antas-Ng-Edukasyon
Sa antas ng sekundarya, mithiin
ng pagtuturo ang Filipino na
makadebelop ng gradweyt na
mahusay na knomyunikeytor sa
Filipino.

Ang kurikulum ng K-12 ay https://www.scribd.com/


standards-based at conpetence-
based. Ito ay pangkalahatan at document/487571121/KURIKULUM
5. Ang K-12 ginawa base sa
Kurikulum pangangailangan ng mag-aaral
at komunidad. Ang kurikulum
ay ginawa sa makikita sa
website ng Kagawaran. Ito ang
unang pagkakataon sa
kasaysayan na ang buong
kurikulum ay digitized at
ginawang bukas sa publiko

Gawain 1 (Task 1): Pumili ka ng isa (1) sa mga babasahin na iyong nabasa at video presentation
na iyong napanood. Basahin at panoorin muli ang mga napili. Pagkatapos ay bumuo ng
reaksiyong papel. Ang reaksiyong papel ay kailangang hindi lalagpas sa dalawang (2) pahinang
A4 bond paper.

Bidyo na aking napili:Investigative Dokumentaries: Wikang Filipino, dapat paigtingin ang


paggamit sa paaralan.
Ang wikang Filipino ay isang batayang sisidlan ng karunungan at kahusayan.
Ginagampanan nito ang kahalagahan ng paghubog at paghasa sa paglinang at pagpapalago ng
kakayahan at kasanayan ng isang indibidwal.

Dagdag pa rito, mahalagang salik ang wikang Filipino sa paghubog sa kakayahang


intelektwal ng bawat indibidwal at napakahalaga rin ang tungkuling ginagampanan ng wika sa
pagpapalawak ng ating intelektwal na karunungan sa iba’t ibang aspeto o larangan.

Sa pagdaan ng mahabang panahon, ano na nga ba ang naging sitwasyon ng ating wikang
Filipino sa kasalukuyan ngayon?

Sa negatibong punto, hindi maikakaila ang siyang bantang panganib na pagkawala at


pagkamatay ng wikang Filipino dahil sa labis na pagbabago - ang mas piliin at tangkilikin ang
ibang lengwahe kaysa sa makasaysayang wika natin. Malaki na talaga ang naging epekto ng pag-
usbong ng modernisasyon sa kasalukuyan.

Dagdag pa rito, kasabay ng pagbabago ng sistema ng edukasyon ay ang pagbabago rin ng


paggamit ng wikang Filipino. Isa sa pangunahing nakaiimpluwesiya sa pagbabago ng wika ay
dahil sa pag-usbong ng makabagong salita bunga ng teknolohiya dahil sa malayang
sosyalisasyon dulot ng internet o social media.

Sa katunayan, sinang-ayunan ito ni Aling Mila Villanueva na isang guro na ayon sa kanya,
sa kanyang apatnapung taon na serbisyo niya sa kanyang pagtuturo, nag-iba ang takbo ng wikang
Filipino sa larangan ng Edukasyon. Ayon sa kanya, noong dekada sisenta at otsenta mas matatas
ang pagka-unawa at paggamit ng mga kabataan sa wikang Filipino ngunit pagpasok ng dekada
nobenta nagsimula na raw ang pagbabago ng mga salita sa wikang Filipino sapagkat nagiging
katunog na ng wikang ingles, halimbawa nito ang salitang komunikasyon na hinango sa wikang
ingles na 'communication' pero ginagamit na lang natin sapagat tinatanggap natin ang salin at
baybay sa Filipino. Samakatuwid, ang wika ay may halo na itong ingles, kung kaya't mas lalong
humina ang mga mag-aaral sa disiplina na tamang baybay na salita nang mauso ang text
messaging at internet. Nariyan ang mga likha ng salitang jejemon, beki-lingua at taglish na kung
saan dahil dito nakakaligdaan ang tamang paggamit ng malaki at maliit na letra at ang angkop na
gamit ng mga alituntunin ng wika.

Gayunpaman, huwag sana humantong na pabayaang malukmok at mahatak paibaba ang


wikang pinanday ang ating kasarinlan at hayaang ipaalipin ang Wikang Filipino kapalit ng
pagtangkilik sa iba pang wika at pabayaan na lamang na tapakan at alipustahin ang kakayahan ng
wikang Filipino sapagkat para na rin nating inalipusta ang sariling bayan maging ang mismong
sarili natin sapagkat ang Wikang Filipino ang siyang sumasalamin at sumisimbolo sa ating
pagka-Pilipino.
Sa kabuuan, ang bunga ng katotohanang unti-unti nang nabubura ang kasaysayan ng
wikang Filipino, gayunpaman hindi pa huli ang lahat. Marapat lamang na mas palawigin at
pagyamanin pa ang paggamit nito sa pamamagitan ng pagiging maalam o dalubhasa, paandarin
ang kasanayan sa wastong paggamit nito at paigtingin ang pagpapalawak sa batayang
pampagkatuto. Huwag nating hayaang ito ay tuluyang mabaon sa limot, bagkus ibangon at
buhayin muli ang nagliliyab na katanyagan ng ating Wikang Filipino!

Basahin na aking napili: Pananaliksik, daan sa modernisasiyon ng wikang Filipino

Paglalayag sa mas mataas na antas ng edukasyon at pagtatanghal ng wikang Filipino kaakbay


ang masusing pananaliksik sa pagtamo ng adhikaing mapalago at mapaunlad ang wikang
Filipino bilang wika ng karunungan.

Hangarin ng Komisyon ng Wikang Filipino na mas maiugat pa sa batayang edukasyon ang


kahalagahan ng pananaliksik bilang salig ng wikang karunungan upang mahasa at mahubog ang
kakayahang maiangat ang kalidad ng wikang Filipino.
Sa kabilang banda, matinding tunggali ang paghina ng Wikang Filipino dahil sa pagpapairal
ng malawakang saliksik gamit ang wikang ingles sa agham, matematika at teknolohiya. Dahil
dito, napag-iiwanan sa likhang modernisasyon ang wikang Filipino sa pagtatatag ng
siyentipikong pananaliksik.

Wika ni Virgilio Almario, Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan, sa kaniyang 2018


Ulat sa Estado ng Wikang Pambansa “Bunga ito ng mga sumusunod na katotohanan na
karamihan ng mga saliksik ngayon sa Filipinas ay nasa Ingles, mahina ang mga alagad ng
Filipino, lalo na ang mga guro, sa siyentipikong saliksik, at hindi nailalahok ang halaga ng
saliksik sa pagtuturo sa batayang edukasiyon,”

Batid nito, masusing batayan ng mga saliksik ang kinakailangan ng wikang Filipino sa
paghubog sa mas mataas na karunungang upang mapairal ang maka-Filipinong pananaliksik at
maitanghal ang mga natatanging kakayahan ng wika sa paglikha ng mga bagong tuklas at mga
siyentipikong saliksik.

Gayon din, malaki ang naitutulong ng pananaliksik sa pagpapa-unlad ng wika gayong mas
nabibigyang-diin ang kahalagahan nito at hindi nalilimitahan ang kakayahan at kakayanan ng
ating wika upang makipagsabayan sa pandaigdigang pamantayan.

Kaya naman, palaganapin ang pagkakaisa na isulong ang paggamit ng wikang Filipino sa
pananaliksik. Palakasin at pagtibayin ang pundasyon ng samahang tagapagtaguyod ng wikang
Filipino tungo sa mas paki-pakinabang na pagsusuri, pagsisiyasat at pagsasaliksik na layong
maipagmalaki at maipakilala ang natatanging kakayahan ng wikang Filipino sa pandaigdigang
pamantayan.

Sa pangkalahatan, wikang Filipino ang siyang pangunahing makina sa pagpapaandar na


mailayag ito sa katanyagan at kaunlaran tungo sa mas nag-iigting pang modernisasyon kabalikat
ng mga natatanging pananaliksik.
..

Gawain 2 (Task 2): Tukuyin ang impormasyon at/o kaisipang inilalarawan ng pahayag. Isulat ito sa
patlang bago ang tambilang.

Haypotesis 1. Ito ang tawag sa pansamantalang paniniwala tungkol sa paksa ng pananaliksik.

Experimental Research 2. Isang uri ng pananaliksik na kumokontrol sa isa sa mga baryabol upang
masuri ang relasyong ng sanhi at bunga.

Sistematiko 3. Ang pananaliksik ay kailangang sumusunod sa angkop at wastong proseso.


Kakulangan ng Oportunidad 4. Isa sa mga hamong kinakaharap ng pananaliksik sa Filipino ay ang
kakulangan ng mga kumperensiya at journal na tumatangkilik sa wikang Filipino bilang wika ng
komunikasyon.

Kahinaan ng Pagpili ng Paksa 5. Isa sa mga hamon na kinakaharap sa pananaliksik sa wika ay ang
limitadong kakayahan ng mga guro sa Filipino na tumukoy ng mga angkop at napapanahong pokus ng
pananaliksik.

Magaling Magsiyasat 6. Ang mananaliksik ay kailangang maging maingat sa nakolektang datos sa


pananaliksik.

Kakulangan ng mga Basahin 7. Maituturing na hamon sa pananaliksik sa Filipino ang limitadong bilang
ng mga sangguniang nakasulat sa wikang Filipino.

Pananaliksik 8. Isang proseso ng paghahanap ng solusyon sa suliranin gamit ang tiyak na siyentipikong
paraan.

Kwalitatibo 9. Ito ang pananaliksik na nakapokus sa paglalarawan sa mga

katangiang hindi kayang sukatin gamit ang matematika.

Kontrolado 10. Ang pananaliksik ay limitado.

Basic Research11. Ito ang pananaliksik na naglalayong magdagdag sa kaban ng impormasyon at


kaalaman.

Applied Research 12. Isang uri ng pananaliksik na mayroong agarang pakinabang.

Siklo at Balangkas ng Pananaliksik 13. Ito ay ang proseso ng pagbabahaginan ng mga produkto at
serbisyo ng iba’t ibang bansa bilang isang komunidad.

Obhetibo, Walang Kinikilingan at Kohikal 14. Ang pananaliksik ay nakabatay sa katotohanan at hindi
opinyon.

May Pananagutan 15. Tungkulin ng mananaliksik na isiwalat ang mga natuklasan sa kanyang
pananaliksik, anoman ang maging resulta nito.

Gawain 3 (Task 3) : TAMA o MALI. Isulat ang tama sa patlang kung wasto ang pahayag.
Salungguhitan naman ang salita o mga salitang nagpamali sa pahayag saka isulat sa patlang ang
magpapawasto sa pahayag.

TAMA 1. Nakatutulong nang malaki ang pananaliksik sa pagpapaunlad sa kabuuang sistema ng


edukasyon.
TAMA 2. Kailangang ang pananaliksik ay nakabatay sa empirical na datos at lohikal na
pangangatuwiran.

TAMA 3. Makabuluhan ang pagsasagawa ng pananaliksik dahil lumalalim at lumalawak ang


karanasan ng tao sa kanyang lipunan.

KWALITATIBO 4. Ang pananaliksik na nakapokus sa pagsusuri ng salaysay, batas, at kuwento


ay tinatawag na kwantitatibong pananaliksik.

KWANTITATIBO 5. Ang pananaliksik na gumagamit ng kalkulasyong matematikal upang


ilarawan ang isang penomenon ay tinatawag na kwalitatibong pananaliksik.

PROCESS-ORIENTED 6. Ang kwalitatibong pananaliksik ay may estilo ng pagtatanong na


subhektibo, holistiko, at outcome-oriented.

TAMA 7. Itinuturing na action research ang basic research dahil tumutugon

sa tiyak na suliranin at ang resulta nito ay may agarang gamit.

DEBELOPMENTAL 8. Historical research ang tawag sa pananaliksik na nakapokus sa


pagpapaunlad ng kasalukuyan at/o bagong proseso, modelo, teorya at iba pa.

TAMA 9. Ang pananaliksik ay nagsisimula sa suliranin at nagtatapos din sa panibagong


suliranin.

TAMA 10. Sa kabuuan ng framework at/o siklo ng pananaliksik, mahalaga ang papel ng
pagbabasa ng mga kaugnay na literatura.

TAMA 11. Ang Filipino ay maunlad bilang tiyak na asignatura at midyum ng pagtuturo kaya
naman maituturing itong isang malinaw at nakapag-iisang disiplina.

TAMA 12. Ang pagsasagawa ng pananaliksik sa wika at panitikang Filipino ay nakatutulong


upang magkaroon ng akses ng mga Pilipino sa mga kaisipan, karunungan, proseso at sistema,
kultura, lipunan, at disiplina. Kapag ganito ang konteksto, preserbado at konserbado ang wikang
Filipino.

TAMA 13. Ang mananaliksik ay kailangang maging sistematiko. Ibig sabihin, ito ay nakabatay
sa mapananaligang datos, walang halong opinyon at laging totoo.

TAMA 14. Ang pananaliksik ay nakatutulong sa personal at propesyunal na pag-unlad ng mga


nagpapakadalubhasa sa Filipino.

TAMA 15. Tungkulin ng mananaliksik na isinawalat ang anomang resulta ng kanyang


pananaliksik at kumilala ng kanyang sanggunian.

You might also like