You are on page 1of 3

FM 113 GAWAIN 1

 Alfred L. Kroeber at Clyde Kluckholm


- Ayon kay Alfred L. Kroeber at Clyde Kluckholm Ang kultura o kalinangan sa pangkalahatan ay
tumutukoy sa aktibidad ng sangkatauhan. Sa isang payak na kahulugan, ito ang "kaparaanan
ng mga tao sa buhay", ibig sabihin ang paraan kung paano gawin ang mga bagay-bagay. Iba't
iba ang kahulugan ng kultura na sumasalamin sa iba't ibang mga teoriya sa kaunawaan, o
sukatan sa pagpapahalaga, sa aktibidad ng sangkatauhan. Sa iba, ito ang kuro o opinyon ng
buong lipunan, na maaaring makita sa kanilang mga salita, aklat at mga
sinulat, relihiyon, musika, pananamit, pagluluto, at iba pa. Makikita ang 164 kahulugan ng
"kultura" sa isang talaan sa Culture: A Critical Review of Concepts and Definitions [ na nilimbag
noong 1952. Naniniwala si Kroeber na ang henyo ay lumitaw sa labas ng kultura sa mga partikular na
oras, sa halip na hawakan ang teoryang "dakilang tao"
-
 Ralph Piddington
Siya ay ipinanganak siya sa Sydney, New South Wales,
Australia noong 1906. Nag-aral siya ng antropolohiya sa London of Economics sa ilalim ng Bronisław
Malinowski. Nakakuha siya ng Ph.D. para sa kanyang pag-aaral ng mga Karajarri na tao ng Pilbara,
Hilagang kanlurang Australia. Gayunman nang itinaas niya ang isyu ng diskriminasyon ng lahi sa
katutubo sinensen siya ng Australian National Research Council. Noong 1946, siya ay hinirang na
Reader sa antropolohiya sa Department of Mental Philosophy, University of Edinburgh. Siya ay kilala
sa kanyang matndng hangarin na makamit ang socal justice sa America.

 John Gillin
1907-1973 Anthropologist sa Estados Unidos. Propesor, Unibersidad ng Piberg, Pangulo ng American Society of
Anthropology. Ipinanganak sa Iowa.
Pagtuturo sa mga nangungunang unibersidad tulad ng Associate Professor ng Utah University, Professor ng North
Carolina University, Propesor ng Piberg University. Siya rin ay hinirang na Pangulo ng Inilapat na Anthropological
Society at Pangulo ng American Anthropological Society. Ang Latin America ay ang sentro ng pananaliksik,
sinaliksik sa Ecuador, Guatemala, Peru, atbp., Na nag-iiwan ng malaking bilang ng mga artikulo sa arkeolohiya,
kultural na antropolohiya, likas na antropolohiya, atbp. Pagtatasa ng antropolohiya at sikolohiya. Ang aklat na
'Human Way-Anthropology Introduction', isang pangkalahatang-ideya ng cultural anthropology na nakatanggap
ng isang mahusay na pakikitungo ng impluwensiya mula sa Dr Lynn, na ang may-akda ng libro, ay may sikolohikal
na ugali, at antropolohiya, sosyolohiya at sikolohiya Ito ay isang buod ng relasyon.

 Kimbal Young
-Social psychology is the study of persons with one another and with reference to the effects of this interplay
upon the individuals thoughts, feelings, emotions and habits"."Sociology is the scientific study of social aspects of
human life".Si Kimball Young (Oktubre 26, 1893 - Setyembre 1, 1972) ay naging pangulo ng American Sociological
Association noong 1945. Siya ang nakapaglmbag ng iba't-ibang aklat tungkol sa Sosyolohiya
Ano ang Kulturang Popular?
" Kulturang Popular" at Kolonyalismo"
- ayon kay Florentino horned ang kulturang popular ay kasangkapan sa pagpapahayag ng damdamin
at kaisipang popular. Ngunit ang pagpapahayag na ito ay hindi payak lamang sa paglilipat ng nilalaman ng
isang isipan sa isipan ng iba. May radikal na intensyon ang komunikasyon sapagkat ito ay kasangkapan ng
kapangyarihan dahil bukal ang wika sa pagnanasa ng taong abutin at manipulahin ang kanyang lugar.
Ang kulturang popular ay masasabi nating isang paraan ng mgatao para maramdaman ang
pagtanggap sakanila ng nakararami. Ang pag-ayon sa kulturang popular, ang nagpapadama sa
mgatao na tanggap sila sa modernismo dahil ang kulturang popular aykadalasang nagmumula sa mga
modernong produkto ng mgakumpanya at modernong mga bansa. Ang kulturang popular ang kadalasang
nagbibigay ng depinisyon kung ano ang maganda atkung ano ang katanggap-tanggap. Ang kulturang popular
aymaaaring teknolohiya, pagkain, kasuotan, musika at iba pa. Ito ay ang mga pinagsasama-samang kultura na
itinatakda ngmakakapangyarihang tao, kumpanya at bansa. Ginagamit ito ngmga ordinaryong tao para
maipahayag ang kanilang pagsang-ayon sa isang kultura, pati na rin maipakilala ang kanilang sarili.

2.2 Mga bakas ng komersyalismo


Pagpasok ng Radyo at Telebisyon Bilang Domestikasyon at Komodipikasyon o
Pakikisangkot ng Mass Media

Ang komeryalismo ay makabagong kultura na mabilis ang pagkalat sabuong mundo na


dala ng globalisasyon. Ito ang produkto ng paglipat ng merkado mula sa produksyon ng mga bagay na sumasagot
sa pangangailangan (needs) ng mamamayan.

Ang domestikasyon ay isang prosesokung saan ang isang populasyon aynabago sa isang
proseso upangpalakasin ang mga katangian namagiging kapakipakinabang sa mga tao.

Ang komodipikasyon ay tumutukoy sa pagturing sa isang bagay nahindi maaaring


maging pagmamay-ari ngiba o maging ito man ay isang karapatanng kahit na sinuman bilang isang produktona
naipagbibili at naipagbebenta.

Ang mass media ay ang media na maykapangyarihang umabot o makarating sa maraming


mga tao - na tinatawang dingmasa o madla. Halimbawa ay ang telebisyon, radio, at ang iba't-ibang social media
platforms.

2.3 Diskurso ng Kulturang Popular sa Panahon ng Komersyalismo


Ang kulturang popular ay pagsasabuhay ng bagay, imahe, simbulo, panamas, paninda at komoditi sa
karanasan ng tao na namulat sa mabilisang pagbabago sa isang sibilisasyon. Tinatangkilik ito dahil sa
popular at higit sa lahat tinatangkilik ito dahil sa tao ang una at huling puntirya. Dapat munang isaalang-
alang ang kahalagahan ng teknolohiya at inobasyon sa isang bansa. Sinabi ni Tolentino na: Makikilala
lamang ang produkto ng kulturang popular kung ito ay naipapalaganap. Kinakailangan ng mga teknolohiya
para maipaabot ito sa mga tao. Ang teknolohiyang ito ay maaaring media—print, broadcast, film,computer
at iba pa.
Ito ay maaaring domestikong teknolohiya tulad ng telebisyon…Ito ay maaaring kultural na
teknolohiya—tulad ng edukasyon at sining . Ang industriya, imprastraktura, telekomunikasyon at merkado
ay mahahalagang sangkap sa komersyo ng isang bansa.
Napasimulan ang lahat ng ito sa pagpasok ng mga Amerikano na sila ang nagpalakad at nakinabang
sa negosyong pambansa ng Pilipinas sa panahon ng Komonwelt at Unang Republika, partikular ang
pagbibigay pantay-karapatan sa mga Amerikano sa negosyo at kalakalan (PARITY RIGHTS) sa
panunungkulan ni dating pangulong Manuel Roxas.
Noong 1946 sinabatas ang Bell Trade Act - Naglalahad ng detalye tungkol sa magiging ugnayang
pang-ekonomiya ng Pilipinas at Amerika matapos makamit ng Pilipinas ang kasarinlan noong 1946 at ditto
nakapaloob ang Parity Rights. Ang implikasyong ekonomiko nito sa usapin ng uring panlipunan ay umikot sa
namumuhunan, sa mga negosyanteng may salapi. Kung kaya’t ang teknokrasya ay ginamit para mapanatili
pa lalo ang sangkalan sa pagpapaigting ng mga interes at kapritso ng mga kapitalista. Ang pagbubukas ng
pinto sa mga bagong teknolohiya ang naging dahilan kung kaya’t ang pagnanasa ng lahat sa uso at
makabago ay bigla-biglang natutugunan. At dahil na rin dito naging mahusay na kasangkapan ang
teknolohiya upang lumikha ng artipisyal na pagnanasa, hilig at fanstasya. Ikinumpol ang produksyon sa
pamamagitan ng teknolohiya para sa higit na nakakaraming tao—ang masa.
Ayon kay Teresita Maceda (Lagda 1999) binaha ng mga produktong buhat sa Amerikanong
kulturang popular ang Pilipinas at dahil dito nagmistulang di makatakas sa Amerikanisasyon ang masa kahit
na hindi sila natutong lahat ng Ingles o nakapag-aral. Kung dadalumatin ang salitang kulturang popular,
dalawa ang kategoryang bumubuo ritor: ang una’y kultura at ikalawa’y popular. Ang kultura ay isang
pinagsasaluhang praktika at mentalidad ng tao. “Culture is both the ‘arts’ and the values, norms and
symbolic goods of everyday life. While culture is concerned with tradition and social reproduction, it is also
a matter of creativity and change” (Barker, 2000: 35). Isang deskripsyon lamang ito sa terminong kultura,
sapagkat walang tahasang kahulugan ito. Ang kultura ay masasabing mayroong reflexibong kahulugan na
maaaring nakabatay sa katangian, salik at deskripsyon na sumasanga-sanga sa usapin ng politika,
ekonomiya at kasaysayan.
Sinasabi naman ni Tolentino (2001) na ang kultura ay isang kamalayan na gumaganap sa cohesion o
kabuuan ng isipan sa mga kilos at bagay-bagay na likha nito o nilikha para rito. Pahayag niya: “Ito ay
tumutukoy sa afinidad ng indibidwal na kaisipan sa iba pang kolektibong kaisipan…(H)alimbawa ang hindi
namang magkakakilalang mga tao ay nagkakaroon ng di-malay (unconscious) na ugnayan dahil sa parehong
balitang kanilang nabasa sa pahayagan o napakinggan sa radyo tungkol sa mga pamabansang isyu”
Samantala, ang salitang popular naman ayon kay Raymond Williams ay isang pang-uri na
nangangahulugang “kinagigiliwan, nagugustuhan ng nakararaming tao.”

IPINASA NI : LAGONG DONNA MAE T.


IPINASA KAY : BB. MAE GEROLA

You might also like