You are on page 1of 22

Ika 10 Baitang

Panuto :Buoin ang kowd upang malaman ang


hinihinging salita.
Kowd#1:
7-18-1-13-1-20-9-11- 1 1-20 18-5-20-15-18-9-11-1
GRAMATIKA AT RETORIKA
Kowd#2:

16-1-14-1-7-21-18-9
PANAGURI
Kowd#3

16-1-11-19-1
PAKSA
Kowd#4

9-14-7-11-12-9-20-9-11
INGKLITIK
Kowd#5

16-1-14-7-1-2-1-25
PANG-ABAY
Panuto: Ibigay ang hinihinging salita gamit ang
dalawa hanggang tatlong larawan o letra na
siyang magiging gabay upang mabuo ang
hinihinging kasagutan.
PAKSA

LOKATIBO
PANAGURI

PANG-ABAY
Alam mo ba na..
Ang panaguri at paksa ay panlahat na bahagi ng pangungusap?
Ang panaguri at paksa ay maaaring buuin pa ng maliliit na
bahagi. Napapalawak ang pangungusap sa mga maliliit na
bahaging ito. Nagagawa ito sa tulong ng pagpapalawak ng
panaguri at paksa gayundin ang pag sasama sama o pag
uugnay ng dalaw ao higit pang pangungusap. Hindi dapat na
pinapalawak lamang ang pangungusap kailangang suriin ang
kasaysayan at kaisahan ng pagpapalawak nito.
Panaguri- nagpapahayag ng tungkol sa paksa .
1. Ingklitik- tawag sa mga katagang paningit na lagging
sumusunod sa unang pangalan , panghalip,pandiwa,panguri o
pang-abay
Halimbawa:
Batayang pangungusap : si Dilma Rousself ang pangulo ng bansang Brazil.
Si Dilma Rousself pala ang pangulo ng Brazil.
Si Dilma Rousself ba ang pangulo ng Brazil ?
Batayang pangungusap: Aalis siya.
• Aalis pala siya.
• Aalis na nga siya.
• Aalis na yata siya.
• Aalis sana siya.
2. Komplemento/kaganapan- tawag sa pariralang pangalan na nasa
panaguri na may kaugnayan sa ikagaganap o ika lulubos ng kilos ng
pandiwa.
• Sinang ayunan ni Dilma Rousseff ang karaingan ng
mamamayan.(Tagaganap)
• Ang food threshold sa almusal ay tortang kamatis,kape para sa matatanda,gatas para
sa bata.(Tagaganap)
• Ipagpapatuloy natin ang mahusay na paggamit ng pondo ng bayan.(Layon)
• Nagtalumpati ang pangulo sa plasa.(Ganapan)
• Pinagaganda ang larawan ng kahirapan sa pamamagitan ng pagmamanipulasa mga
panukat.(kagamitan)
• Dahil sa mga pagbabagong ito ang bilang ng mahihirapn na pamilya ay bumaba mula
4.9 milyon hanggang 3.9 milyon (Sanhi)
• Nagtungo ang mga tao sa harap ng palasyo upang makinig sa talumpati ng pangulo.
(Direksyunal)
Pang-abay- nagbibigay-turing sa pandiwa,pang-uri at kapwa pang-abay.
Batayang pangungusap: Nagtalumpati ang pangulo.
Pagpapalawak : Mahusay na nagtalumpati ang pangulo kahapon at
totoong humanga ang lahat.

Paksa- Ang pinag uusapan sa pangungusap.


1. Atribusyon o Modipikasyon- may paglalarawan sa paksa ng
pangungusap.

Halimbawa:
Pakinggan mo ang nag papaliwanag na opisyal na iyon.
Ito si Dilma Rouseff ang pinakamahusay kong pangulo.
2. Pariralang lokatibo/panlunan- ang paksa ay nag papahayag ng lugar.

Halimbawa:
Inaayos ang plasa sa Brazil
Marami rin ang nasa Luneta upang makinig ng talumpati.
3. Pariralang nagpapahayag ng pag mamay-ari- gamit ang panghalip na
nag papahayag ng pag mamay-ari.

Halimbawa:
Maayos na maayos ang talumpati ng aking mag- aaral
Pakikinggan ko ang talumpati ng kapatid ko.
Gabay na Tanong
1. Ito ang tawag sa mga katagang paningit na lagging
sumusunod sa unang pangalan ,
panghalip,pandiwa,panguri o pang-abay
2. Ito ang pinag uusapan sa pangungusap
3. Ito ang nag papahayag patungkol sa paksa.
4. Nagbibigay turing ito sa pandiwa,pang-uri at kapwa
pang abay.
5. Ang paksang ito ay nag paahayag ng lugar.
Mga Kasagutan
1. Ingklitik
2. Paksa
3. Panaguri
4. Pang-abay
5. Pariralang lokatibo/panlunan
ISAGAWA MO !

Panuto: Bumuo ng isang pangungusap gamit


ang kasanayan sa pagpapalawak ng
pangugusap.
Unang grupo: panaguri
Ikalawang grupo: paksa
Pamantayan sa Pangkatang Gawain
• Wastong Gamit ng kasanayan sa
pagpapalawak ng pangungusap – 10
puntos
• Naiugnay sa aralin- 10 puntos
• Maayos na pagsasalita- 10 puntos
• Kabuuan – 30 puntos
“Ideya mo Ilahad Mo”

• Sa iyong palagay, Bakit kailangan na


matutuhan natin ang tamang paggamit ng
kasanayan sa pag papalawak ng
pangungusap ?
Pagsusulit
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod. Isulat ang salitang MAHAL KITA
kung tama ang pangungusap at HINDI TAYO PWEDE kung mali

1. Ang atribusyon o modipikasyon ay ang paksang nag papahayag ng lugar


2. Ang panaguri ay nag papahayag ng tungkol sa paksa.
3. Ang paksa ay ang hindi pinag uusapan sa pangungusap.
4. ang paksa ay nagbibigay-turing sa pandiwa,pang-uri at kapwa pang-
abay.
5. Komplemento/kaganapan ay tawag sa pariralang pangngalan na nasa
panaguri na may kaugnayan sa ikagaganap o ikalulubos ng kilos ng
pandiwa.
Mga kasagutan :
1. Hindi tayo pwede
2. Mahal kita
3. Hindi tayo pwede
4. Hindi tayo pwede
5. Mahal kita
Takdang Aralin
I. Basahin (pahina 142-145) at sagutan
ang Gawain 1 hangang Gawain 3,isulat
ang sagot sa inyong kwaderno at ipasa
ito sa susunod nating pagkikita.

You might also like