You are on page 1of 13

ANG

PAGTUTURO NG
SANAYSAY
PANGKAT 4
Mga tips sa pagturo ng sanaysay

1. TEMA
 Basahing mabuti ang tema, pokus o topic ng sanaysay na hinihinging
pagsusulit. Ito ba ay tungkol sa iyong sarili, opinyon o puna, isang
paglalarawan, reaksyon sa isang nabasa, atbp?
2. PAMAGAT O TITULO NG SANAYSAY
 Dapat ay may kinalaman ito sa tema ng isusulat; hindi dapat napakahaba,
iwasan ang pamagat na patanong at kailangang nakakapukaw ng
kalooban.
3. TALATA
 Isang punto o diwa, isang talata. Huwag pagsama-samahin sa iisang talata
o paragraph ang isusulat. Ang mga talata ay dapat magkakaugnay iwasan
din ang masyadong mahabang talata na paulit ulit naman ang laman.
4. PUNTO
 Dapat malinaw ang iyong punto o thesis sentence. Ano ba ang gusto mong
palabasin? Iakma ang iyong mga sasabihin.
5. BALANGKAS o OUTLINE
 Kung mahaba ang oras, gumawa ng maikling outline para alam mo ang
isusulat sa bawat talata.
6. PANIMULA, KATAWAN AT WAKAS
 Ang sanaysay ay karaniwang may panimulang talata, katawan at wakas o
konklusyon sa body o katawan ng sanaysay, dito ipinahihiwatig ang
pinakapunto ng sanaysay, ang maliliit na detalye ng punto ang
paglalarawan o masusing pagbusisi ng maliliit na detalye.
7. TONO
 Tiyakin ang tono ng iyong isusulat ito ba ay nasa unang katauhan (ako)?
Ikaw ba ay isang magulang, pulitiko, guro, ito ay mahalaga upang
maipaliwanag mo ng mahusay ang inyong punto de vista (point of view)
8. TAMANG GRAMATIKA AT MGA PANANDA
 Mas malaki ang punto kung tama ang grammar o gramatika ng sanaysay.
Dapat ay wasto ang mga pananda (tuldok, kuwit, pananong, tutuldok
atbp.)
9. TAPUSIN ANG SANAYSAY
 Huwag ibitin ang mambabasa dapat itong may konklusyon o wakas.
PAMANTAYAN
SA PAGSULAT Higit na inaasahan (5)
NG SANAYSAY Nakamit ang inaasahan (4)

Bahagyang nakamit ang inaasahan (3)

Hindi nakamit ang inaasahan (2)

Walang napatunayan (1)

Iskor:

Kategorya:
INTRODUKSYON

(5) Nakapanghihikayat ang introduksyon. Malinaw na nakalahad ang


pangunahing paksa gayundin ang panlahat na pagtanaw ukol dito.
(4) Nakalahad sa introduksyon ang pangunahing paksa gayundin ang panlahat
na pagtanaw ukol dito.
(3) Nakalahad sa introduksyon ang pangunahing paksa subalit hindi sapat ang
pagpapaliwanag ukol dito.
(2) Hindi malinaw ang introduksyon at ang pangunahing paksa hindi rin
nakalahad ang panlahat na pagpapaliwanag ukol dito.
(1) Hindi nakita sa ginawang sanaysay.
DISKUSYON

(5) Makabuluhan ang bawat talata dahil sa husay na


pagpapaliwanag at pagtalakay tungkol sa paksa.

(4) Bawat talata ay may sapat na detalye

(3) May kakulangan sa detalye

(2) Hindi nadebelop ang mga pangunahing ideya


ORGANISASYON NG MGA IDEYA

(5) Lohikal at mahusay ang pag kakasunod-sunod ng mga ideya; gumagamit din ng mga
transisyunal na pantulong tungo sa kalinawan ng mga ideya.

(4) Naipakita ang debelopment ng mga talata subalit ang mga ideya ay hindi ganap na nadebelop

(3) Lohikal ang pagkakaayos ng mga talata subalit ang mga ideya ay hindi ganap na nadebelop.

(2) Walang patunay na organisado ang pagkakalahad ng sanaysay


(5) Nakapanghahamon ang konklusyon at naipapakita
KONKLUSYON ang pangkalahatang palagay o paksa batay sa katibayan
at mga katwirang inisa-isa sa bahaging gitna.

(4) Naipakikita ang pangkalahatang palagay o pasya


tungkol sa paksa batay sa mga katibayan at mga
katwirang inisa-isa sa bahaging gitna.

(3) Hindi ganap na naipakita ang pangkalahatang


palagay o pasya tungkol sa paksa batay sa mga
katibayan at mga katwirang iniisa-isa sa bahaging gitna.

(2) May kakulangan at walang pokus ang konklusyon


MEKANIKS

(2) Napakarami at
(5) Walang pagkakamali (4) Halos walang (3) Maraming
nakagugulo ang mga
sa mga bantas, pagkakamali sa mga pagkakamali sa mga
pagkakamali sa mga
kapitalisasyon at bantas, kapitalisasyon at bantas, kapitalisasyon at
bantas, kapitalisasyon at
pagbabaybay. pagbabaybay. pagbabaybay.
pagbabaybay.
GAMIT

(2) Napakarami at
(5) Walang (4) Halos walang (3) Maraming
nakagugulo ang
pagkakamali sa pagkakamali sa pagkakamali sa
pagkakamali sa
estruktura ng mga estruktura ng mga estruktura ng mga
estruktura ng mga
pangungusap at gamit pangungusap at gamit pangungusap at gamit
pangungusap at gamit
ng mga salita. ng mga salita. ng mga salita.
ng mga salita.
MARAMING SALAMAT!

You might also like