You are on page 1of 13

ORENTASYON

NG KLASE
FM 114
TITULO NG KURSO:
SANAYSAY AT TALUMPATI
KOWD:
FM 114
BILANG NG YUNIT:
TATLO (3)
Deskripsyon ng Kurso:
Ang kursong ito ay sumasaklaw sa pag-aaral ng
pangkasaysayang pag-unlad ng sanaysay na
kaagapay ang pagsulat ng mga kontemporaryong
anyo nito, pati na ang pagsasanay sa pagsulat at
pagbigkas ng talumpati.
Mga Layunin:
Ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Napapalawak ang kaalaman sa anyo, istilo, nilalaman, kasaysayan,
simulain, hakbang, bisang pampanitikan at pamantayan sa iba’t ibang
genre ng panitikan.
2. Nalilinang ang kasanayan sa pagbasa, pagbibigay kahulugan,
pagtatanghal, pagbigkas, pagsulat ng ibat ibang genre ng panitikan.
3. Nakapagpapakita ng mabuting ugnayan sa kapwa sa pakikipagpalitan
ng pananaw, kaalaman at karanasan.
4. Nakapagpapamalas ng mataas na antas ng kahusayan sa pagsusuri at
paghahambing ng mga akdang pampanitikan batay sa anyo, istilo,
nilalaman at bisang pampanitikan.
5. Nakabubuo ng positibong saloobin at pagpapahalaga sa mga
nakapaloob na paksa o kaisipan sa mga tinalakay na akdang
pampanitikan.
Metodolohiya
• Malayang Talakayan
• Pag-uulat/Pakitang Turo
• Pangkalahatang Gawain
• Pagsulat ng mga sulatin
• Masining na Pagbigkas
• Pagbasa ng mga aklat na may kinalaman sa
asignatura
• Pagsusulit
Mga Kahingian
• Pagiging aktibo sa mga gawain at kasanayan
sa loob ng klase (resitasyon at pag-uulat)
• Mga sulatin/akademikong papel
• Mga mahaba at maikling pagsusulit
Sanggunian
Alejandro, Rufino. 1970. Pagtatalumpati at Pagmamatuwid. Lungsod
Quezon: Bede’s Publishing House,
Inc.
Belvez, Paz M. 1998. Batayang Aklat: Sanaysay, Debate at Talumpati.
Metro Manila: National Book Store.
Evasco, Eugene Y. et. Al. 2013 Malikhaing Sanaysay Anyo,
Kasaysayan, Antolohiya. Quezon City. C & E Publishing,Inc.
Villafuerte, Patrocinio V. 1996. Pambigkasan (Mga Piyesa at Iskrip)
Villafuerte, Patrocinio V. 2002. Talumpati, Debate at
ArgumentasyonLungsod ng Valenzuela: Mutya
Publishing House.
Villafuerte, Patrocinio V. 2000. Introduksyon sa Pagsasaling-Wika,
Teorya, Mga Halimbawa at Pagsasanay.
Makati city. Grandwater Publications and Research Corporation.
Sistema ng Pagmamarka
Performans: 70%
Pag-uulat 40%
Takdang Aralin/Gawain 40%
Resitasyon 20%
Markahang Pagsusulit 30%
Kabuuan 100%
PARAAN NG PAGTUTURO
GOOGLE MEET –ONLINE CLASS
(TANDAAN ANG MEET CODE I SAVE)
MERKULES

EDMODO – PRE-RECORDED/ ASS. ACT.


MAIKLING PAGSUSULIT
(APELYIDO,PANGALAN,GITNANG PANGALAN)
BYERNES
Tuntunin sa Klase:
• Sundin ang Template ng Pagsali sa Edmodo Class
Apelyido, Pangalan I.P.
(bawal ang multiple Account)
• Tandaan ang link ng Google Meet
• Bawal maniwala sa sabi-sabi
• Palagaing mag-update sa Edmodo
• Hindi magbibigay ng espesyal na pagsusulit ang guro
sa mga mag-aaral na liban sa araw ng pagsusulit,
(maliban na lamang kung ang mag-aaral ay may balido
at katanggap-tanggap na rason.)
• Screenshot ng katanggap-tanggap na rason, pormal na
sulat.
Tuntunin sa Klase
• Kinakailangan ng mga mag-aaral na gumawa at
magsumite ng mga akademikong papel at sulating papel sa
takdang araw na napagkasunduan ng klase.
(Ang anumang akademiko o sulating papel na hindi
naisumite sa takdang araw ay may kaukulang bawas na
marka na - 5 puntos kada lingo ng hindi pagpapasa)

• Responsibilidad ng mga mag-aaral na alamin ang


paksang tinalakay sa mga araw na siya ay liban upang
makahabol sa talakayan sa klase.
• Responsabilidad ng mag-aaral na alamin sa
edmodo ang kanilang mga kulang na aktibidad.
• Indibidwal ang pagpasa ng mga Gawain sa
edmodo
• Ang lahat ng Gawain ay sa Edmodo ipapasa hindi
sa facebook hindi sa messenger.(Ipopost ng guro
sa edmodo kung saan dapat ipasa ayon sa Aralin at
Gawain )
• Kung may nais na linawin ukol sa Gawain O
Aralin pakinggan muli ang talakayan
• Sundin ang bawat panuto ng hindi pagsisihan sa
huli
MARAMING SALAMAT!

You might also like