You are on page 1of 5

Daehan College of Business and Technology

Road 20 Sitio Siwang Lumang Ilog Brgy, San Juan Taytay Rizal

Modyul ng Sariling Pagkatoto


Panitikang Filipino/Philippine Literature
1st Yr. College
Week 1 Oryentasyon/Pagkilala sa Kurso

Prepared by: Ms. Judy-Ann Tumarao


Name of student: ______________________

Pangkalahatang Ideya
PAKSA/BALANGKAS NG KURSO

Ang mga mag-aaral ay inaasahang malaman ang:

 Mga Layunin ng Kurso


 Paraan ng pagbibigay ng grado/marka
 Mga tuntunin sa klase

Introduksyon

Ang Panitikang Filipino bilang isang kursong Filipino sa Kolehiyo ay


nakatuon sa pag-aaral ng mga akdang Pampanitikang sumasalamin sa
pamumuhay, kultura, lipunan,pamahalaan at maging ng kasaysayan ng
sambayanan/liping Pilipino.Gamit ang Wikang Filipino bilang wika ng
pagkatuto; nakatuon ang kurso sa pag-aaral ngpasalita at pasulat na tradisyon
ng ating panitikan.
Babagtasin nito ang mga yugto ng panitikansa iba’tibang panahon na may
espesyal na tuon sa pag-aaral ng mga akdang pampanitikang nakalapat at
nakaugnay samga kasanayan ng iba’t ibang larang at disiplina.

Tangan ng kursong ito ang mga sumusunod:

Una; pag-aaral, pagtalakay, pagsusuri at pagkilatis ng iba’t ibang akda ng


mga Pilipinong manunulat sa wikang Filipino, banyagang wika at Bernakular
na magiging salalayan sa pagsusulong ng kaisipang Filipinolohiya

. Pangalawa ;ang pagbasa sa mga kontemporaryong mga akdang pampanitikan


na tangan ang malaya at progresibong kaisipan;

Pangatlo; ang pag-aaral ng Panitikang Filipino bilang lente sa ating


kasaysayan na may maka-Pilipinong pananaw.

Pang-apat; ang pagkakaroon ng produksyonat presentasyon ng mga artikulong


hinggil sa mga panunuri ng mga akdang pampanitikan.

Proyekto: Dalawang (2) pagsusuring papel.

Pipili ang mag-aaral ng isang piyesang susuriin mula sa kategoryang sa


ibaba. Angpagsusuri sa tula o awit ay ipapasa bago ang paggitnang pagsusulit;
habang ang pagsusuri sanobela o pelikula naman ay ipapasa bago ang
Panghuling Pagsusulit.Ang paraan ng pagpunaat pagsuri ay tatalakayin sa
Modyul 3.

Tula o Awit: (Bago ang Preliminaryong pagsusulit)

Ang Banga ni Neneng ni Rio Alma

Pag-ibig Ayon sa Pakete ng Tide Ultra ni Gilbert Sape

Putol ni Dr. Michael Coroza

Saranggola ni Pepe ni Celeste Legaspi/ Nonoy Gallardo

Nobela o Pelikula: (Bago ang Panggitnang pagsusulit)

Para Kay B ni Ricky Lee

McArthur ni Bob Ong

Ded na si Lolo ni Soxie Topacio

Thy Womb ni Brillante Mendoza

Titulo ng Kurso Philippine Literature/Panitikang Pilipinas


Kowd LIT 1
Bilang ng Yunit 3
Kabuuang oras 54
Deskripsyon ng Kurso Ang kursong ito ay pag-aaral sa iba’t ibang anyo ng panitikan/
literatura ng Pilipinas sa pamamagitan ng pagbasa sa ilang
tekstong pampanitikan na hango sa iba’t ibang rehiyon ng
Pilipinas , tatalakayin din ang mahahalagang kaganapan sa iba’t
ibang panahon ng kasaysayan ng panitikan sa sambayanang
Pilipino.
Mga Layunin Ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. matalakay nang masaklaw ang Panitikan ng Pilipinas bago
dumating ang mga Kastila hanggang sa kasalukuyan.
2. mabigyan ng pagpapahalaga ang mga akdang
pampanitikan na naisulat mula sa iba’t ibang rehiyon.
3. maibahagi ang kasaysayan ng Pilipinas sa mga susunod
pang henerasyon sa pamamagitan ng pagbibigay pansin sa
sining at pagbabago ng ating lipunan.
Sistema ng Pagmamarka Pagsusulit/Ebalwasyon20%
Prelim/Midterm/Final 30%
Resitasyon 10%
Pagdalo. 10%
Pag-uulat 15%
Pinal na Proyekto 15%

Kabuuan 100%
Mga Tuntunin  Hindi magbibigay ng espesyal na pagsusulit ang guro sa
mga mag-aaral na liban sa araw ng pagsusulit, maliban na
lamang kung ang mag-aaral ay may balido at katanggap-
tanggap na rason.
 Kinakailangan ng mga mag-aaral na gumawa at
magsumite ng mga akademikong papel at sulating papel
sa takdang araw na napagkasunduan ng buong klase.
 Ang anumang akademiko o sulating papel na hindi
naisumite sa takdang araw ay may kaukulang bawas na
marka.
 Responsibilidad ng mga mag-aaral na alamin ang paksang
tinalakay sa mga araw na siya ay liban upang makahabol
sa talakayan sa klase.
 Malaya ang guro na gumamit ng iba’t ibang teksto at
kontekstong gagamitin sa pag-aaral.
 Ang iba pang tuntunin ay pag-uusapan sa loob ng klase.

You might also like