Professional Documents
Culture Documents
1st and 2nd Week MANAGO LP
1st and 2nd Week MANAGO LP
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN:
Nasusuri ang iba’t ibang uri ng binasang teksto ayon sa kaugnayan nito sa sarili,
pamilya, komunidad, bansa at daigdig
PAMANTAYAN SA PAGGANAP:
Nakasusulat ng isang panimulang pananaliksik sa mga penomenang kultural at
panlipunan sa bansa
Baitang at Seksyon:
II. Layunin:
A. Natutukoy ang kahulugan at kahalagahan ng pagbasa
B. Nasusuri ang iba’t ibang uri ng pagbasa
C. Naisasagawa ang mga hakbang sa pagbasa
III. Sangunian: Modyul sa mga Uri ng Teksto
Inihanda nina Dr. Ifurung at Prof. Adri
IV. Pamamaraan
A. Panimula:
a. Pagbati
b. Pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng silid-aralan
c. Pagtsek ng mga liban sa klase
B. Balik-Tanaw:
Batay sa dating kaalaman at karanasan ng mga mag-aaral, itatanong ng
guro ang kahulugan o depinisyon ng pagbasa.
C. Pagganyak:
Ipapaliwanag ng mga mag-aaral ang mga sumusunod na pahayag:
a. “Walang pagbasa kapag walang pag-unawa.”
b. “If we encounter a man of rare intellect, we should ask him what
books he reads.” – Ralph Waldo Emerson
D. Proseso nang Pagkatuto
a. Activity:
Ang guro ay magbibigay ng mga kahulugan ng pagbasa at
ipapaliwanag ng mga mag-aaral ang bawat isa sa pamamagitan ng paggamit ng isa
hanggang dalawang pangungusap sa loob lamang ng labinlimang minuto.
b. Analysis:
Batay sa kahulugang ibinigay hinggil sa pagbasa, tutukuyin ng mga
mag-aaral ang kahalagan ng pagbasa.
c. Abstract:
Pagkatapos alamin ng mga mag-aaral ang kahulugan at
kahalagahan ng pagbasa, tatalakayin ng guro ang iba’t ibang uri ng pagbasa at mga
hakbang nito.
d. Application:
Ang guro ay magbibigay ng pagsusulit hinggil sa natapos na aralin.
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN:
Nasusuri ang iba’t ibang uri ng binasang teksto ayon sa kaugnayan nito sa sarili,
pamilya, komunidad, bansa at daigdig
PAMANTAYAN SA PAGGANAP:
Nakasusulat ng isang panimulang pananaliksik sa mga penomenang kultural at
panlipunan sa bansa
Baitang at Seksyon:
II. Layunin:
A. Nakikilala ang mga teorya sa pagbasa
B. Natutukoy ang mga tulong sa pag-unawa sa pagbasa
C. Naisasagawa ang mga kasanayan sa pagbasa
III. Sangunian: Modyul sa mga Uri ng Teksto
Inihanda nina Dr. Ifurung at Prof. Adri
IV. Pamamaraan
A. Panimula:
a. Pagbati
b. Pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng silid-aralan
c. Pagtsek ng mga liban sa klase
B. Balik-Tanaw:
Ang guro ay magbibigay ng mga tanong hinggil sa nakaraang aralin na
sasagutin ng mga mag-aaral
C. Pagganyak:
a. Ibibigay ng mga mag-aaral ang singkahulugan at kasalungat na
kahulugan ng mga salitang ibibigay ng guro.
b. Ang guro ay magbibigay ng mga hiram na salita at tutukuyin ng mga
mag-aaral saang bansa ito nagmula.
c. Mula sa diksyunaryo, ibibigay ng mga mag-aaral ang kahulugan ng
mga salitang ibibigay ng guro at magbibigay din sila ng sariling depiniyon sa mga
salitang ito.
D. Proseso nang Pagkatuto
a. Activity:
Ang guro ay magbibigay ng mga gawain kaugnay sa mga tulong sa
pag-unawa sa pagbasa.
b. Analysis:
Susuriin at ipapaliwanag ng mga mag-aaral ang mga teorya sa
pagbasa batay sa kanilang karanasan.
c. Abstract:
Pagkatapos alamin ng mga mag-aaral ang mga paraan at teorya sa
pag-unawa ng binasang teksto, ang guro ay magbibigay ng pagsusulit hinggil dito.