You are on page 1of 2

ICCT COLLEGES FOUNDATION, INC.

V.V. Soliven Avenue, Cainta, Rizal.


Kolehiyo ng Edukasyon

BANGHAY ARALIN SA EDSFIL 16


Mga Batayang Simulain sa Paghahanda at Ebalwasyon ng mga Kagamitang Panturo

I. Layunin:

A. Nailalahad ang kaisipan hinggil sa paksa.


B. Naibabahagi ang mga iba’t-ibang batayang simulain sa naturang paksa.
C. Nabibigyang halaga ang mga batayan sa kagamitang panturo.

II. Paksang Aralin:

A. Paksa: Mga Batayang Simulain sa Paghahanda at Ebalwasyon ng mga


Kagamitang Panturo.
B. Sanggunian: PNU- Let Reviewer p.29-32
C. Kagamitan: Aklat, biswal, panulat.

III. Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain
 Panalangin
 Pagbati
 Kaayusan at kalinisan
 Pagtala ng lumiban sa klase
 Balik-aral

B. Aktibiti (Pagganyak)
 (Pagpapasa ng Mensahe) -Hahatiin sa dalawang pangkat ang mga
mag-aaral. Pumili ng isang representante na siyang unang
magbabasa ng nilalaman ng isang papel na ibibigay ng guro.
Pagkatapos basahin ay ipapasa niya ang nilalaman na mensahe sa
kanyang mga kagrupo at isa isa nilang ipapsa ang mensahe
hanggang sa pinakahuli nilang kagrupo. Ang huli ang siyang
magsasabi kung ano ang kabuuan ng pinasang mensahe. Ang
unang matatapos at pinaka agkop sa nilalaman ng mensahe ang
siyang mananalo.

C. Analisis (Pagtalakay)
 Tatalakayin ng guro ang paksa sa klase. Babasahin ng mga mag-
aaral at ipapaliwanag ng guro ang nilalaman ng paksa.

D. Abstraksyon (Paglalahat)
 Gabay na tanong:
1. Sa inyong palagay bakit kailangang malaman ang mga batayang
simulain sa paghahanda at ebalwasyon sa kagamitang panturo?
2. Ano ang aral o kahalagahan nito sa atin bilang isang magiging guro sa
panghinaharap?
E. Aplikasyon (Paglalapat)
 Panuto: Pumili ng isa sa mga pamantayan sa kagamitang panturo
at ipaliwanag kung bakit ito ang pinaka epektibo para sa inyo.
Ipaliwanag.

IV. Ebalwasyon (Pagtataya)

 Panuto: Para sa inyong mga panghinaharap na guro, ipaliwanag


ang kahalagahan ng tatlong batayan para sa inyong pagtuturo.
Ipaliwanag ang bawat isa. Hindi bababa sa limang pangungusap.
Isulat sa ½ bahagi ng papel.
1. Mga Prinsipyo at Teorya
2. Batayang konsepto sa disenyo
3. Pamantayan sa Kagamitang Panturo

V. Takdang Aralin:

 Gumuhit ng isang larawan at iugnay ito sa inyong sariling buhay na


nagpapakita ng isang gawain mo bilang isang guro sa loob at labas
ng paaralan.

You might also like