You are on page 1of 5

ST. MARY’S ACADEMY OF PALO INC.

AC-SAC-REF-001
Palo, Leyte 6501
Tel: (053) 832-0207
Email: smapalorvm@gmail.com/ smapalorvm@yahoo.com
School ID: 404696
ESC ID: 0801244

BANGHAY-ARALIN
Filipino 10: ANG PAGKAKATULAD AT PAGKAKAIBA NG SANAYSAY SA IBA PANG AKDANG
PAMPANITIKAN

Departamento: Basic Ed–JHS Kwarter: Una (1) Linggo: Apat Bisa: s. 2023–2024 Pahina:
Araw: Ika-
Petsa: Ika-07 ng Marso,
Baitang: Sampu (10) labing-siyam Revision: Cc: PRIN, FAC
taong kasalukuyan
(19)

TRANSFER GOAL: Sa kalaunan, sa pamamagitan ng kanilang kaalaman at kasanayan, ang mga mag-aaral ay…
 Malayang magagamit ng mga mag-aaral ang natutuhan upang mahikayat ang ibang pahalagahan hindi lamang ang
kagandahang pisikal ng alinmang bansa batay sa binasang akdang pampanitikan.
Mauunawaan ng mga mag-aaral na . . .
 Pag-aaral ng panitikan mula sa iba't ibang bansa, lalo na sa Panitikan ng mga Bansang Africa at Persiya, ay may
mahalagang bahagi dahil ito'y naglalaman ng mga kaugalian na kapakipakinabang sa kasalukuyang henerasyon ng
kabataan. Ang impluwensiya ng mga akdang ito sa panitikan ng Pilipinas ay nagpapayaman sa ating kultura at nagbibigay
ng mas malawak na perspektiba sa lahat. Ang ganitong paglago at pag-unlad ay nagpapakita ng pagiging bukas at
adaptableng kalikasan ng panitikang Filipino sa iba't ibang impluwensiya mula sa ibang bahagi ng mundo.
ESSENTIAL QUESTIONS:
Ang mga mag-aaral ay isinasaalang-alang….
 Bakit mahalagang pag-aralan ang panitikan ng ng Africa at Persiya?
 Papaano ba maging isang mabuting pinuno? Bakit mahalagang magkaroon ng isang mabuting pinuno o lider ang ating
bayan?

I. PANIMULA
Pagbabalik-Aral:
Proseso ng gawain:
 Magtatanong sa mga mag-aaral kaugnay sa tinalakay noong nakaraang pagkikita
 Itatanong ng guro ang mga sumusunod na mga katanungan:
1. Ano ang paksang tinalakay natin noong nakaraan?
2. Ano kaya ang apat na komponent ng kakayahang pangkomunikatibo?
3. Mahalaga ba ito sa bawat tao? Paano?

Pokus: ANG PAGKAKATULAD AT PAGKAKAIBA NG SANAYSAY SA IBA PANG AKDANG PAMPANITIKAN

Pagganyak:
Gawain 1: Mini Quiz Bee

Proseso ng gawain:
Papangkatin ng guro ang klase sa lima at bibigyan ng panuto sa kung ano ang gagawin ng bawat pangkat. Pagkatapos ay
magpapakita ang guro ng mga katanungan na may kaugnayan sa paksang tatalakayin. Makikita sa ibaba ang mga
katanungan at mga posibleng sagot nito.

MEKANIKS NG GAWAIN:
1. Bibigyan ng guro ang bawat pangkat ng piraso ng bond papers na gagamitin nila sa pagsagot ng mga
katanungan.
2. Lilinawin ng guro na ang sino mang pangkat ang makakakuha ng bawat tamang sagot ay magkakaroon at
makakukuha ng limang (5) puntos.
3. Bibigyan lamang ng labinlimang (15) segundo ang bawat pangkat upang intindihin nang mabuti ang bawat
katanungan.
4. Pagkatapos ng itinalagang oras, itataas na ng bawat pangkat ang bond paper kung saan nakasulat ang kanilang
mga kasagutan.

1|P a g e
MGA KATANUNGAN:

1. Ano ang tawag sa anyo ng panitikang nasusukat sa anyong tuluyan na karaniwang pumapaksa sa mga kaisipan
at mga bagay-bagay na sadyang kapupulutan ng aral at aliw ng mga mambabasa?
Sagot: SANAYSAY
2. TAMA O MALI: Maaari bang maging pormal o pamilyar ang isang sanaysay?
Sagot: TAMA
3. Ilan ang uri ng sanaysay ayon sa pangkalahatang pag-uuri?
Sagot: DALAWA
4. TAMA O MALI: Layunin ba ng pamilyar o di-pormal na sanaysay ang makapag-aliw at makapagbigay-aral?
Sagot: TAMA
NAUNANG KAALAMAN: Tanong-Sagot

Mga gabay na mga katanungan:


1) Pamilyar ba kayo sa mga naging kasagutan sa mga katanungan?
2) Sa iyong palagay, mahalaga ba ang mga ito sa pagsusulat?
3) Sa pagsusulat, kinakailangan bang malaman ang pagsasaalang-alang ng mga katangian at kung anong uri ng
akdang pampanitikan ang isusulat? Bakit?

II. PAGLALAHAD
Presentasyon ng Konsepto:
Mauunawaan ng mga mag-aaral…
ANG PAGKAKATULAD AT PAGKAKAIBA NG SANAYSAY SA IBA PANG AKDANG PAMPANITIKAN
Malilinang ang kasanayan ng mga mag-aaral…
Curriculum Guide (CG) at Most Essential Learning Competency (MELCS):
Naihahambing ang pagkakaiba at pagkakatulad ng sanayasay sa ibang akda (M)
(DepEd Curriculum Guide 2016, pp. 182, Ref. Updated MELCS 2020, pp. 191, Code: F10PB-IIIf-g-84)
Mga layunin sa pag-aaral:
 Naibibigay ang sariling reaksiyon sa pinanood na video na hinango sa youtube (10PD-IIIf-g-78) (M)

 Nakasusulat ng isang maikling sanaysay batay sa pinanood na video. (T)

II. A. MGA GAWAIN


A. Bago ang Talakayan
 Pagtatakda ng Pamantayan (Panimulang Panalangin, Pagsusuri sa mga liban sa klase, Pamamahala sa silid-aralan)
 Pagbabalik-aral
 Pagganyak: “Mini Quiz Bee”
 Naunang Kaalaman: Tanong-Sagot
 Paglalahad ng MELCS at ng layunin sa pag-aaral.

B. Habang Nagaganap ang Talakayan


Gawain 2: Panonood at Pakikinig
Proseso ng gawain:
 Ang guro ay magpapakita ng isang maikling video presentation na may kaugnayan sa paksang tinatalakay na may
dalawang (2) minuto at limampu’t pitong (57) segundong tagal.

2|P a g e
 Pagkatapos ng panonood ay palalawakin ng guro ang talakayan sa pamamagitan ng pagtalakay muna sa paksang
Sanaysay. Mga Katangian, at mga uri nito, at pagbibigay ng halimbawa ng mga paksang puwedeng gawing
sanaysay at pagbibigay rin ng halimbawa ng mga mag-aaral.
 Random lang ang pagtawag ng guro sa mga mag-aaral.

Gawain 3: Pagsulat ng Sanaysay


Proseso ng gawain:

 Batay sa pinanood na maikling Video Presentation na hinango mula sa GMA News TV, ang mga mag-aaral ay magbibigay
ng kanilang reaksiyon tungkol dito sa pamamagitan ng pagsusulat ng maikling sanaysay na may dalawang talata lamang
ang haba. Bibigyan lamang ng sampung (10) minuto ang mga mag-aaral sa pagsusulat.
 Pagkatapos ng nakatakdang oras, ang guro ay tatawag ng mga piling mag-aaral na magbabahagi ng kanilang
nagawang tula sa harap ng klase.

PAALALA: Kahit hindi natawag ang ilang mga mag-aaral sa pagbabahagi ng kanilang sanaysay ay mamarkahan
pa rin sila gamit ang pamantayang ipapakita ng guro.

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA
C.
Pamantayan Paglalarawan Puntos
Organisasyon ng Ideya Malinaw at mahusay ang paglalahad ng impormasyon. 10
Naipakita ang sapat na kaalaman tungkol sa paksang inilahad ng
Nilalaman 10
pinanood na video presentation.
Naisaalang-alang ang mga katangian sa pagsusulkat ng sanaysay
Pagsasaalang-alang ng mga
tulad ng pagiging makabuluhan ng paksa, kaisahan ng ideya, 10
Katangian ng Sanaysay
tamang pananalita, at makatawag-pansin ang pamamaraan.
KABUOAN 30 Puntos
Pagkatapos ng Talakayan
 Pagpapalawak ng Konsepto
 Four-Pronged na Integrasyon
 Pagtataya ng Aralin:
 Paglalahat/Aksiyon: Variety is the Spice of Life

II. B. PAGPAPALAWAK NG KONSEPTO

Connecting Question : Sa kasalukuyang oras natin ngayon, sa pamamagitan ng pag-iisip at pag-oobserba lamang
sa ating kapaligiran, batid ko na napakaraming bagay ang pumapasok sa ating isipan ngunit
may naiisip ba kayong paksa na maaari ninyong gawan ng isang maikling sanaysay?
Exploring Question : Sa tingin mo kung ang ibang tao ay nararanasan din ang ganitong sitwasyon, ang mga
naririnig natin sa TV, sa radio, at sa kapwa natin tao. Kung gayon, paano mo ito
ipahahayag? Maari mong banggitin ang iyong mga obserbasyon at ibahagi ang iyong mga
karanasan at pananaw.
Leading Question : Bakit kaya kapag nasa sitwasyon na tayo na kung saan lubos na nating nakikita ang realidad
ng buhay, hindi man ng lahat, mas pinipili nating ipahayag ang ating nararamdaman sa
pagmamagitan ng paglikha at pagsulat ng sanaysay upang maipalabas natin ang ating mga
opinyo, at saloobin sa mga bagay-bagay sa ating lipunang ginagalawan. Lubos bang
mahalaga ito sa pagtalakay at pagpapahayag ng ideya, konsepto, o opinyon sa mga isyung
panlipunan?
Essential Question : Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng mga katangian ng isang mabuting pinuno o lider sa
pag-unlad ng ating bayan, at paano mo naman ito maipapahayag o maipakikita sa
pamamagitan ng pagsusulat at pagsasaalang-alang ng mga katangian ng isang mabuting
sanaysay?

II. C. FOUR–PRONGED INTEGRATION

1. Kaisipang Biblikal:
Katanungan: Anong salita o parirala mula sa kaisipang biblikal ang iyong maiuugnay sa ating paksa ngayon?
Ipaliwanag. (Paano mo maiuugnay ang kaisipang biblikal na ito sa ating paksa ngayon?)
Pagka ang matuwid ay dumadami, ang bayan ay nagagalak: nguni't pagka ang masama ay nagpupuno, ang bayan ay
nagbubuntong-hininga.
-Kawikaan 29:2

3|P a g e
2. Lessons Across Disciplines
Ano kaya ang mga posibleng paksa sa Ingles, sa MAPEH, at sa Christian Living, maiuugnay mo ang paksang Pagsulat ng
Sanaysay?
Mga Posibleng Sagot:
Ingles: Properties of Writing a Conceptual Text
MAPEH: Music Composition
Christian Living: Human Freedom
II. D. PAGTATAYA
Gawain 5
Proseso ng gawain:
 Aatasan ang mga mag-aaral na gamitin ang aklat—Pinagyamang Pluma 10. Phoenix Publishing House., pahina 427.
 Sasagutin ng mga mag-aaral ang mga sumusunod na katanungan. Isusulat nila ito sa isang ½ lengthwise na bahagi
ng papel.

A. PANUTO: Sagutin ang mga sumusunood na mga katanungan.


1. Ano ang sanaysay?
2. Anu-anong mga poanitikan ang nabibilang sa sanaysay?
3. Anu-ano ang mga katangian ng sanaysay?
4. Paghambingin ang dalawang uri ng sanaysay sa pamamagitan ng Venn Diagram.

B. PANUTO: Basahin ang mga pahayag. Isulat ang TAMA kung tama ang isinasaad at MALI naman kung hindi.
1. Maaaring maging pormal o pamilyar ang isang sanaysay.
2. Maibibilang ang nobela sa uri ng sanaysay.
3. Layunin ng pamilyar o di pormal na sanaysay ang makapag-aliw at makapagbigay-aral.
4. Ang sanaysay ay isang uri ng panitikang tuluyan.
5. Mayroon itong sukat at tugma.

II. E. PAGLALAHAT/AKSIYON
Gawain # 8: Variety is the Spice of Life
Proseso ng gawain:
 Sa kabuuan ng diskusyon, pipili ang mga estudyante ng dalawang termino na kanilang itinuturing na mahalagang konsepto
na kanilang nakuha sa talakayan at ang kanilang magiging paraan sa paggamit nito sa kanilang buhay. Ipapaliwanag nila
ang kanilang sagot.
 Ang guro ay tatawag ng dalawang (2) mag-aaral na siyang magbabahagi ng kanyang naging kasagutan.

II. F. GAWAING BAHAY


PANUTO: Sumulat ng isang sanaysay tungkol sa plano mo pagkatapos ng inyong pagtatapos ngayong taon.

II. G. SANGGUNIAN/PINAGKUNAN
 Pahina mula sa Gabay ng Guro
 Deped Curriculum Guide. (2016). Filipino—Baitang Sampu (10). Pahina 182.
 Most Essential Learning Competencies. (2020). Filipino—Baitang Sampu (10). Pahina 191.
 Marasigan, E. et.al. (2022). Pinagyamang Pluma 10-Napapanahong Kaalaman sa Wika at Panitikan: Teachers
Wraparound Edition. Phoenix Publishing House, Inc., Quezon City. Pahina 289-293.
 Aklat ng mga Mag-aaral
 Maraisgan, E. et.al. (2023). Pinagyamang Pluma 10-Napapanahong Kaalaman sa Wika at Panitikan. Phoenix
Publishing House, Inc., Quezon City. Pages 223-225.
 Mga Pinagkunan mula sa Internet
 Knowing Jesus. Retrieved from: https://bible.knowing-jesus.com/Tagalog/topics/Pinuno,-Mga
 MatutoKayGuro. (2020). Retrieved from: MATATALINGHAGANG PANANALITA - Idyoma at Tayutay
(youtube.com)
 GMANEWSTV. 2024. Retrieved from: Sen. Chiz Escudero, nalalabuan sa posisyon ng Malacañang sa Charter
change | UB - YouTube
 Iba pang Kagamitan/Pinagkunan: PowerPoint Presentation, Laptop.
Inihanda ni: Iniwasto ni: Inaprubahan ni:

G. DANILO JR. N. MALQUESTO, LPT BB. SHARMAINE SAMURAY, LPT S. MA. IMELDA GRACE G. DAÑAS, RVM

4|P a g e
Guro sa Filipino Language Coordinator Punong-guro
Petsa: _________________________ Petsa: ____________________________

Pinagtibay ni:

BB. ANGIE M. REGATO, LPT


Academic Coordinator
Petsa: _________________________

Remarks: (Please Check) Puna:


( ) Implemented
( ) Partially Implemented
( ) Not Implemented

Petsa: __________________________

5|P a g e

You might also like