You are on page 1of 5

ATIMONAN NATIONAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL

Atimonan, Quezon
KAGAWARAN NG FILIPINO
LESSON EXEMPLAR

LESSON Paaralan ATIMONAN NATIONAL COMPREHENSIVE Baitang BAITANG 8


EXEMPLAR HS
Gurong CRIS NICO B. BAGUIO Asignatura FILIPINO
Nagsasanay Markahan Ikalawang Markahan
Petsa PEBRERO 27 , 2023
Oras 7:45 – 8:45 ng umaga SAMPAGUITA Bilang ng
8:45 – 9:45 ng umaga ROSAL Araw 1 ARAW
2:15 – 3:15 ng hapon LAVENDER
10:15 – 11-15 ng umaga OHS (wed)
I. LAYUNIN

A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa kaugnayanng panitikang papular.

Ang mag-aaral ay nakakabuo ng kampanya tungo sa panlipunang kamalayan sa


B. Pamantayan sa Pagganap
pamamagitan ng multimedia (social media awareness campaign.)
Matapos ang aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
 Natutukoy ang kahalagahan ng audio na napakinggan na may kinalaman
sa paksa.
 Nauunawaan ang kahulugan ng komentaryong panradyo
 Naisasagawa sa pamamagitan ng isang Role play ang paksang panradyo
C. Mga Kasanayan Sa Pagkatuto
 Nakasusulat at nakakagawa ng isang paksang pang dokumentaryong
panradyo

II. NILALAMAN KOMENTARYONG PANGRADYO

III. KAGAMITANG PANTURO

A. Mga Sanggunian https://youtu.be/rL-kMzWaMug

a. Mga Pahina sa Gabay ng Guro Repleksyon ng kasalukuyan tungo sa kinabukasan


b. Mga Pahina sa Kagamitang Pangmag-aaral

c. Mga Pahina sa Teksbuk Pahina 66-68

d. Karagdagang Kagamitan mula sa Portal ng


Learning Resource

B. Listahan ng mga Kagamitang Panturo para


sa mga Gawain sa Pagpapaunlad at Bidyo, sagutang papel, Kwaderno, powerpoint, chalk,
Pakikipagpalihan

IV. PAMAMARAAN

PANIMULANG GAWAIN
 Panalangin
 Pagbati
 Pagsasaayos ng silid
 Pagtatala ng liban
 Mga panuntunan sa oras ng klase
BALIK- ARAL

Panuto : Ngayong araw klase, kunin ang inyong mga kwaderno at sagutin
ang mga tanong na aking babanggitin at ipapakita sa laptop.

Mga Tanong:

1. Ito ay isang grapikong midyum kung saan ang mga salita at


larawan ay ginagamit upang maghatid o magsalaysay ng kuwento.
2. Ito ay isang maikling maikling kuwento kung saan ay binubuo
lamang ng 150-300 na kalipunanan ng mga salita.
3. Sila ang taong naririnig sa radio, kung saan ay may trabahong 1. Komiks
magbasa ng script o mga anunsyo. 2. Dagli
4. Itinuturing na pinaka mababang antas ng wika dahil sa limitadong 3. Announcer
mga sanggunian at mga pag-aaral dito. Ngunit itinituring na pinaka 4. Balbal
popular na uri ng pananalita. 5. Paksa
5. Ito ay tema ng isang akda at ipinapakita kung tungkol saan ang
akdang binasa.

Base sa inyong mga sinagutan, patungkol saan kaya ang mga ito?( tatawag
ng pangalan.)
Para po sakin ang aming mga sinagutang mga
tanong ay patungkol sa ating mga paksang natalakay
na noong mga nakaraang araw at linggo.
Maraming salamat, mahusay! at natandaan ng inyong kamag-aaral ang mga
tanong na ito na may kinalaman sa mga paksang ating natalakay na.

Ating binabalik tanaw ang mga paksang ito upang hindi mabaon salimot
ang mga pinag-aaralan, bagkos ay manatiling tanda upang maging handa
para sa mga tanong at pag-aaral na maaring may kinalaman dito.

Gawain ng guro Gawain ng mag-aaral

A. PAGGANYAK
Bago tayo dumako sa ating paksang pag-aaralan sa araw na ito ay may may
ipaparinig akong ilang mga tunog at mga salita. Unawaing mabuti kung ano
ang mga maririnig.

Base sa inyong mga naging kasagutan natitiyak kong naunawaan nyo na


nang mabuti an gating mga naging paksa at para sa pormal na pagbubukas
ng ating bagong talakayan, ngayong araw araw panibagong paksa naman
ang ating pag-aaralan.

Ngunit bago ito ay may ipapakita muna akong ilang larawan, tingnan at
unawaing mabuti ang mensaheng nakakubli sa bawat larawan.

AUDIO - 1
Ngayon ay naunawaan at may mga naging Ideya naba kayo patungkol sa
mga audio na inyong napakinggan?
Pagganyak na tanong:

1.ano- ano ang mga nalikom na ideya patungkol sa mga audio na


napakinggan.? (tatawag ng mga mag-aaral)

Maraming salamat. May iba pabang kasagutan?

Pagganyak na mga sagot:

Para po sa akin ang isa sa mga ideya ko patungkol sa


Mahusay at magkaibang ideya ngunit kita ang malalim na pinagmulan ng bidyo na napakinggan ay may kinalaman sa mga
mga ideya ang isa ay base sa kanyang ideya at ang isa ay buhat sa kanyang musika at uri ng pananalita na ating mga
karanasan sa mga lugar kung saan niya nakikinig ang mga ganitong uri ng mapapakinggan sa mga estasyon ng mga radio.
mga audio.
Isa sa aking naiisip na ideya ay ang mga tinig at
Maraming salamat sa mga naging kasagutan. Alam nyo ba na ang mga pananalita na ito ay kilalang kilala ng mga Pilipino
audio na aking ipinakinig sa inyo ay may kinalaman sa paksang pag-aaralan dahil, madalas ito ay ating napapakinggan hindi
natin sa araw na ito.? lamang sa tahanan, mga estasyon sa mga
pampublikong lugar maari din natin itong marinig sa
mga pribado at pampublikong mga sasakyan.

B. PAGLALAHAD AT PAGTALAKAY SA ARALIN


DEVELOPMENT (pagpapaunlad)
Gawain ng guro Gawain ng mag-aaral
Ngayong araw klase ay pag-aaralan natin ang panobagong paksa sa na may
kinalaman sa una ninyong ginawang pakikinig sa mga auido.

Ang ating paksang pag- aaralan sa araw na ito ay may kinalaman


dokumentaryong panradyo.

Ayon kay Elena Botkin –levy koordeneytor, ZUMIX Radio – ang


kontemporaryong panradyo ay ang pagbibigay ng opurtunidad sa kabataan
na maipahayag ang kanilang mga opinyon at saloobin kaugnay sa isang
napapanahong isyu, o sa isang isyung kanilang napiling talakayan at
pagtuunan ng pansin.

Ang pagbibigay ng opinyon ayon kay levy ay makakatulong nang malaki


upang ang kabataan ay higit na maging epektibong tagapagsalita.

Ayon rin sa kanya, ang unang hakbang upang makagawa ng isang


epektibong konemtaryong panradyo ay ang pagkakaroon ng malawak na
kaalaman sa pagsulat ng isang sanaysay na naglalahad ng opinyon o
pananaw.

(pagpapaliwanag)

Tulad ng ating kakatapos lang na paksang tinalakay patungkol sa paksa,


layon at tono. Alam ninyo bang may kinalaman ito at ang pagpapasulat ko
ng dagli para sa ating talakayan? Kung papansinin natin ang sinabi ni levy
na ang isa sa pinaka epektibong gawain na pwedeng maunawaan ng isang
kabataan ay ang sumulat ng isang sanaysay? Bakit dahil sa pagsusulat ng
isang sanaysay ay humuhubog tayo upang magkaroon ng malawak na
kaalaman sa isang partikular na paksa. At upang maging mahusay na
tagapagsalita tayo ay kinakilangan muna nating may alam tayo sa paksang
ating ginawa at kung ano ang magiging layunin nito at ano ang tono na
makikita sa pagsasalita natin ng ating nagawang sanaysay? At tulad ng mga
tagapagsalita sa radyo sila ay may labis na kaalaman sa mga paksang
kanilang nasasambit sa radyo na may mgai bat-ibat pabatid.

Upang lubos na mapalawak ang ating ideya at kaalaman patungkol sa


dokumenmtaryong panradyo ay narito angi sang halimbawa ng
dokumentaryong pambansa.

Base sa napanood at napakinggang bidyo, naunawaan ba ninyo kung ano


ang sinasabi ni Elena Botkin Levy patungkol sa isang dokumentaryong
panradyo? Kung oo ay dadako na tayo sa kasunod na gawain. At kung hindi
ay maaring magtanong patungkol sa ating naging paksa. (ipapaliwanag ang
paksa base sa naging katanungan ng klase)

C. Engagement ( pagpapalihan)
Gawain ng guro Gawain ng mag-aaral
Para sa pangkatang na gawain.

Panuto: Sumulat ng isang pahayag o dokumentaryo na patungkol sa isang


paksa na nais ninyong pag-usapan sa isang estasyon ng radyo na tila kayo
ang radio announcer ng estasyon na inyong nabuo at ipakita ito sa
pamamagitan ng pagpepresenta sa unahan ng maatasan ng grupo.
Kinakailangang Makita ang kaayusan ng salita at mga katangiang taglay ng
isang tunay na radio announcer.

MGA GAWAIN PARA SA BAWAT PANGKAT


Pamantayan puntos
Kalinawan ng boses 10%
Mensahe o ideya ng nabuong pahayag 10%
Presentasyon 5%
Kabuoan 25%

D. ASSIMILATION (Paglalapat)
Panuto: Sumulat ng isang sanaysay na maglalahad ng opinyon o pananaw
na kinahaharap ng mga kabataan sa panahon na ito. Tandaan na dapat ang
mabubuong sanaysay ay paksang maaring maging dokumentaryong
panradyo. Gawin ito sa isang malinis na papel o bondpaper. 10puntos
Inihanda ni :

CRIS NICO B. BAGUIO


Gurong Nagsasanay/LGMC

Sinuri

CARLA JANE A. PARCO


Gurong Tagapagsanay, Guro I – Filipino

MITZI G. CANAYA
Ulongguro I – Departamentong ng Filipino

RENE L. PORTADES
Punongguro IV

You might also like