You are on page 1of 3

GRADES 1 TO 12 Paaralan DON SERAFIN L.

GOLEZ Baitang/Antas 9
DAILY LESSON LOG MEMORIAL NTEGRATED SCHOOL
( Pang-araw-araw
Guro Ricardo L. Duyo III Asignatura FILIPINO 9
na Tala sa Pagtuturo)
Petsa/ March 30, 2023 Markahan IKATLONG
Oras 8:30am – 9:30am MARKAHAN

I. LAYUNIN 1. Nabibigyang- kahulugan ang mga mahihirap na salita


2. Nasusuri ang mga elemento ng elehiya batay sa tema, mga
tauhan,tagpuan mga mahihiwatig ang kaugalian o tradisyon, wikang ginamit,
pahiwatig o simbolo, damdamin.
A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang
Pangnilalaman pampanitikang ng Kanlurang Asya
B. Pamantayan sa Ang mag-aaral ay masining na nakapagtatanghal ng kulturang Asyano batay sa
Pagganap napiling mga akdang pampanitikang Asyano
C. Mga Kasanayan sa
Pagkatuto (CODE ) F9PB – IIIb- c- 51
II. NILALAMAN KAMATAYAN NI KUYA Isinalin ni Pat Villafuerte (ELEHIYA)

KAGAMITANG Itala ang mga Kagamitang Pantuto na gagamitin sa bawat araw. Gumamit ng iba’t ibang
PANTURO kagamitan upang higit na mapukaw ang interes at pagkatuto ng mga mag-aaral.
a. Paksa Panitikan: KAMATAYAN NI KUYA Isinalin ni Pat Villafuerte (ELEHIYA)
b. Sanggunian Panitikang Asyano p. 206-207
c. Kagamitan Aklat, manila paper, powerpoint presentation, larawan

III. Yugto ng pagkatoto


A. Pagtuklas
1. Panimulang Gawain
a. Pagbati sa mga mag-aaral
b. Balik – aral
c. Paglahad ng layunin
2. Pagganyak (Motivation)
a. Pagpapakita ng larawan sa isang social media at tatanungin ang mga mag-aaral
kung ano ang ibig sabihin nito o ano ang kanilang saloobin.
B. Paglalahad ng Aralin
- Batay sa pagganyak na Gawain. Tatanungin ng guro kung ano ang kinalaman nito
sa magiging aralin ngayon.
C. Paghawan ng sagabal
Panuto: Ibigay ang kahulugan ng salita/ pariralang may salungguhit.
1. Sa edad na dalawampu’t isa isinugo ang buhay.
2. Sa gitna ng nagaganap na usok sa umaga.
3. Walang katapusang pagdarasal.
4. Mga mata’y nawalan ng luha
5. Malungkot na lumisan ang tag-araw.

D. Paglalahad ng Akda
Ilalahad ng guro ang aralin sa pamamagitan ng Powerpoint Presentation.
 Elemento ng Elehiya
 Paglahad ng Akda
Ipapanood sa mga mag-aaral ang akda at magkakaroon ito ng pangkatang gawain
tungkol sa nilalaman ng elehiya.
Panuto: Bumuo ng tatlong pangkat. Ibabahagi ng guro 3 envelop na naglalaman ng mga
gawain ng bawat isa. Bibigyan lamang sila nito ng 15minuto upang matapos at ibabahagi ito sa
kanilang kaklase.

Pangkat 1 : Tema at Tauhan


1.Ano ang tema ng akdang binasa?
2. Sino-sino ang mga tauhan sa tula?

Pangkat 2 : Tradisyon at Damdamin


3. Anong mga kaugalian o tradisyon ang ipinakita sa akda?
4. Paano ipinadama ng may-akda ang labis niyang pagdadalamhati sa tula?

Pangkat 3 : Aral
5.Ano ang gagawin mo kung sakaling mawalan ka ng mahal sa buhay?
6. Anong mahalagang aral o mensahe ang nakuha mo sa elehiyang binasa?

(Pagmamarka sa presentasyon ng Output)

Pamantayan 5 4 3
Nilalaman Organisado at Organisado at Hindi gaanong
naiuugnay ang bahagyang organisado at
kaisipan sa akda naiiugnay ang bahagyang
kaisipan sa paksa naiuugnay ang
kaisipan sa paksa
Paglalahad ng mga Napakalinaw na Malinaw na ilahad Hindi gaanong
kasagutan nailahad ang ang kaisipan at malinaw ang
kaisipan at kakitaan maayos. pagkakalahad ng
ng kaayusan kaisipan
Disiplina Tulong- tulong ang Tulong – tulong Hindi tumutulong
lahat at walang ang lahat ngunit ang lahat at
hindi kanais – nais bahagyang bahagyang
na ingay maingay maingay.

E. PAGLALAHAT
Magtatanong muli ang guro batay sa tinalakay at kung ano ang natutuhan nila rito.

F. PAGPAPAHALAGA
Lahat tayo ay may katapusan, bilang isang tao paano mo gagamitin ang iyong
nalalabing buhay dito sa mundo? Ipaliwanag.

IV. Ebalwasyon: Tukuyin kung anong ang hinihingi ng bawat pahayag. Titik lamang ang isulat
sa kwaderno.
1. PEMA, ang immortal na pangalan. Ang isang anak ng aking ina ay hindi na makikita.
Anong elemento ng elehiya ang tinutukoy?
a. Tagpuan b. Tauhan c. banghay
2. Ano ang tanging naiwan! Mga naikuwadradong mga larawang-guhit, poster at larawan,
Aklat, talaarawan at iba pa sa tahanan. Aling elemento kaya ng elehiya ang tinutukoy ng
pahayag?
a. Kaugalian b. tauhan c. tagpuan
3. Walang katapusang pagdarasalKasama ng lungkot, luha, at pighati bilang paggalang sa
kaniyang kinahinatnan. Anong elemento ang tinutukoy ng pahayag?
a. Kaugalian b. tauhan c. simbolo
4. Hindi napapanahon! Sa edad na dalawampu't isa, isinugo ang buhay. Ang pahayag ay
nangangahulugang_____. A. Maagang pumanaw b. Maagang umalis c.
Maagang lumakad
5. Sa pamamagitan ng luha naglandas ang hangganan, gaya ng paggunita ng maamong
mukha at matatamis na tinig at halakhak. Ang salitang may salungguhit ay
nangangahulugang ________
a. Pagalala b. Paglimot c. Pagsamba

V. Takdang aralin.
Maghanap ng tatlong simbolo na ginamit sa elehiya. Isulat lamang ito sa inyong kwaderno.

Inihanda ni :

RICARDO L. DUYO III


Teacher – I
Inihanda para kay :

JOVIDES G. SIDAYON
Head Teacher I

You might also like